Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA PREBYTERIYANO AT MGA BAUTISTA
NAGTATALO DAHIL SA POPULAR NA HIMNO

(ISANG PANGARAL NA IPINANGARAL NG LINGGO NG REPORMASYON)

PRESBYTERIANS AND BAPTISTS
FIGHT OVER POPULAR HYMN
(A SERMON PREACHED ON REFORMATION SUNDAY)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Oktubre taon 2013

“Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo… upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:23-26).


Ito ang pinaka dakilang pasahe sa Bagong Tipan. Ang buong sangkatauhan ay nagkasala. Maari lamang tayong maging makatuwiran sa pamamgitan ng biyaya ng Diyos. Maari lamang tayong maligtas sa pamamagitan ni Kristo. Ipinadala Siya ng Diyos sa Krus upang mapagpalubag loob ang Kanyang sariling hustisiya, at tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Dugo ni Kristo. Ipinadala ng Diyos si Hesus upang magdugo at mamatay sa ating lugar upang Siya’y maging ganap at sa parehong beses mapaganap ang mga makasalanan. Iyan ang puso ng Ebanghelyo! Ngunit ito’y isang Ebanghelyo na tinatanggihan ng mga teyolohikal na liberal na Kristiyanismo. Sa kanyang taon 1934 na aklat, Ang Kaharian ng Diyos sa Amerika, [The Kingdom of God in America] inilarawan ni Dr. H. Richard Niebuhr ang teyolohikal na liberal na Protestanismo sa mga tanyag na mga salitang ito, “Ang isang Diyos na walang poot ay nagdala ng isang taong walang sala sa isang kaharian na walang paghahatol sa pamamagitan ng ministrasyon ng isang Kristo na walang isang krus.” Si Niebuhr ay isang liberal rin, ngunit nakita niya ang pagbabago-bago at ang pagka hukag ng lubos na liberalism na kumain sa puso ng kumbensyonal na Protestanismo sa gitna ng mga taon 1930. Ginawa ni Dietrich Bonhoeffer ang parehong punto noong sinabi niya na sa Amerika mayroong kang “Protestanismo na walang Repormasyon”!

Gustong gawing payak ng Liberal ng mga Protestante ang doktrina upang ang makabagong tao ay tatanggapin ito. Ayaw nila ang mga salitang “kasalanan,” “paghahatol,” “krus” at, lalo na, lubos nnilang di gusto ang mga salitang “poot ng Diyos.” Iniisip nila na ang mga salitang tulad niyan ay nagpapatalikod sa mga di nananampalataya mula sa mga simbahan. Inilalagay ito ng tanyag na liberal na pastor ng telebisyon na si Robert H. Schuller, na ganito,

Hindi tayo makapagsasalita ng isang “Gayon sinabi ng Panginoon” na pamamaraan kapag tayo ay nagsasalita sa mga tao na walang pakialam tungkol sa Panginoon! Hindi tayo makapagsisimula ng “Anong sinasabi ng tekstong iyan?” kung tayo’y nagsasalita sa mga tao na hindi papunta sa pagpapanindigan ng respeto para sa… “teksto” (Isinalin mula kay Robert H. Schuller, D.D., Pagpapahalaga sa Sarili: Ang Bagong Repormasyon [Self-Esteem: The New Reformation], Word Books, 1982, p. 13).

Iyan ay napaka raming kalokohan, kuskus-balungos, walang kabuluhang pananalita! Ako’y nasa paglilingkod na ng 55 na taon. Sa buong panahong iyon ako’y nakapag-uusap sa mga di Kristiyanon, at nawawagi sila kay Kristo. Noong huling Lunes ng gabi ako at ang aking asawa ay kumakain sa isang restorant. Isang Tsinong lalake ang lumakad patungo sa aking at nagsabi sa akin na ginabay ko siya kay Kristo 48 mga taon noon. Siya’y isang mabangis na maliit na bata na nagsisitakbo sa paligiran ng Chinatown. Dinala nila siya sa aming Tsinong Bautistang simbahan. Siya’y naging isang Kristiyano noong narinig niya akong mangaral ng isang sermon sa aming kampo ng tag-init. Ito’y noong taon 1965. Ngayon siya’y limampu’t walong taong gulang na medikal na doktor. Natandaan niya kung paano ako nangaral at nagpuntang nanginginig upang magtiwala kay Kristo.

Dag-dag pa rito, nag-umpisa ako ng dalawang mga simbahan mula sa wala sa mga napaka sekular na mga lugar tulad ng Marin County, hilaga ng San Francisco, at sa pinaka puso ng Civc Center ng bayan ng Los Angeles. Lagi akong nangaral, “Gayon sabi ng Panginoon.” Lagi akong nagsimula mula sa isang teksto sa Bibliya. At hindi ko kailan man “pinuputol” ang mga salita ng sermon upang pasayahin ang mga sekular na mga makasalanan. Maari ngang wala akong simbahan na kasing laki ng kay Schuller – ngunit, wala siyang anumang simbahan! Ang kanyng “Crystal Cathedral” ay ngayon isa nang Romanong Katolikong simbahan! Ang kanyang dating kongregasyon ay nakakalat sa kung saan man! Parehong mga simbahan na sinimulan ko ay nagpapatuloy pa ring matibay. Kaya sa tinggin ko ang aking paraan ng diretsong pananalita sa mga makasalanan ay mas maigi kaysa sa liberal na pandaraya.

Marihap na makuha ang mga liberal na makita iyan. Ang komite na gumagawa ng isang bagong Presbyteryanong Simbahan (USA) na himnal ay kamakailan lang inalis ang popular na makabagong himno na “Kay Kristo Lamang” [“In Christ Alone”], dahil ang mga may-akda ng himno ay tinanggihang baguhin ang isang parirala tungkol sa kaluguran ng poot ng Diyos. Iyan ang kantang kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lamang. Ang pariralang hindi nila gusto ay nagsabi,

Hanggang sa krus na iyan habang si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod.

Ilang buwan na mas maaga, ang Katimugang Bautistang Kumbensyon ay nagpatnugot ng isang bagong himnal kasama ang kantang ito. Ngunit ang mga Katimugang Bautista ay binago ang linya ng himno mula sa “Ang poot ng Diyos ay nalugod” sa “Ang pag-ibig ng Diyos ay napalabis.” Pinalitan ng mga Katimugang mga Bautista ang mga salita na wala ang pahintulot ng may-akda, na itinanggi noong hinigi ito ng mga Presbiteryano.

“Ang poot ng Diyos ay nalugod” ay napalitan sa “Ang pag-ibig ng Diyos ay napalabis.” Agad-agad noong nabasa iyan nahulaan ko na isang liberal na feminist ang kasangkot. Tiyak, ang pangalan niya ay Mary Louise Bringle, isang relihiyosong propesor na pinamunuan ang himnal na komite. Binago niya ang mga linyang iyon mula sa isang maskulinong parirala, “Ang poot ng Diyos ay nalugod” sa isang mas mahinang parirala, “Ang pag-ibig ng Diyos ay napalabis.” Si Leon J. Podles ay sumulat patungkol sa feminisisasyon ng Kristiyanismo sa kanyang tumatagos na aklt na, Ang Simbahan Inutil [The Church Impotent] (Spence Publishing Company, 1999). At si David Murro ay gumawa ng isang malakas na kaso na ang feminisisasyon ay isang mahalagang dahilan kung bakit ang mga kalalakihan at mga kabataan ay lumisan mula sa mga simbahan – sa kanyang ipinagdiriwang na aklat na, Bakit Kinamumuhian ng mga Kalalakihan ang Pagpupunta sa Simbahan [Why Men Hate Going to Church] (Thomas Nelson Publishers, 2004).

Ang Hepeng babae ng Komite na nagpaalis ng himno ay si Binibining Mary Louise Bringle. Sinabi niya, “Ang panananaw na ang krus ay unang-unag tungkol sa pangangailangan ng Diyos upang mapayapa ang kanyang galit ay magkakaroon ng isang negatibong epekto sa pag-aaral ng tagasamba. Anong lubos na walang kabuluhan! Ang mga salita ay ganap na pagkakatugma sa pakakanunawa ng pagpapalubag loob na gawain ni Kristo sa lahat ng panahon! Tamang sinasabi ng himno,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod;
Para sa bawat kasalanan sa Kanya ay ipinatong –
Dito sa kamatayan ni Kristo ako nabubuhay.

Si Binibining Bringle at ang mga liberal sa kanyang komite ay nagsabi na ang “pagpapasiyang teyorya” ng pagbabayad ni Kristo sa Krus ay inimbento ng mga teyolohiyanong si Anselm noong ika-11 siglo. Ngunit sila’y mali. Sa Lumang Tipan, lampas ng 700 na mga taon bago ni Kristo, sinabi ni propetang Isaias,

“Siya'y [ang Diyos Ama] makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod [si Kristo] ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).

Kaya ang “kasiyahan” ay naituro sa Bibliya ng 1,800 na taon bago ito itinuro ni Anslem! At ang propisiyasyon, salitang kinalabasan para sa pagpapasiya, ay itinuro sa Bagong Tipan sa mga pasahe gaya ng Mga Taga Roma 3:25; I Ni Juan 2:2; at I Ni Juan 4:10. Sa ika-5 siglo, iprinoklama ni Augustin ang katunayan na iyan na si Kristo ay nagpasiya ng hustisiya ng Diyos sa Krus. At si Anselm mismo ay hindi tatanggihan. Sinabi ng Kristiyanismo Ngayon [Christianity Today], “si Anselm ay kasing napapanahon gaya ng dati – at isang pagpapala sa mga ebanghelikal.” Sa isang kapitulo na pinamagatang “Papapasiya at Pagkikipagpalit Ibinalangkas” [“Satisfaction and Subsititution Outlined”], ang dakilang Puritanong teyolohiyanong si John Owen (1616-16830) ay isinipi ang mga sumusunod na mga berso,

“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).

“Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin” (Mga Taga Galacias 3:13).

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).

Tapos sinabi ni Owen, “Ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ay di maikakait na nagpapakita [malinaw na nagpapakita] ng isang pakikipagpalit ni Kristo na pagdurusa sa lugar noon mga dumating Siyang iligtas. Ito, sa karaniwan, ay lahat na aming itinatangka sa pamamagitan ng Kanyang kaligayahan, iyan ay, na Siya ay ginawang ‘kasalanan para sa atin,’ iyan ay, sa ating lugar na tayo’y maligtas mula sa poot na darating…dahil dito, sa bahagi ng Diyos ito’y napatibay na ‘na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat’ (Mga Taga Roma 8:32)…dinala ni [Kristo] ang kanilang mga kasalanan, o ang kaparusahan dahil sa kanilang mga kasalanan…iyan ang hustisya ng Diyos na napasisiyahan at ang batas na natutupad, maari silang mapalaya o maligtas mula sa poot na darating; at kung doon din binayaran Niya ang tunay na pagpapasiyang halaga para sa kanilang kaligtasan, tapos gumawa Siya ng kaligayahan ng Diyos para sa kasalanan. Ang mga bagay na ito na aming nayon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng kaligayahan” (Isinalin mula kay John Owen, D. D., “Kaligayahan at Pakikipagpalit Ibinalangkalas” [Satisfaction and Substitution Outlined,” Ang mga Gawain ni John Owen, [The Works of John Owen] kab. 2, The Banner of Truth Trust, 2004 inilimbag muli, pah. 419).

Alam ko na iyan ay isang mahirap na talata na sundan, at mahiran maintindihan. Si Dr. Owen ay isang teyolohiyano, hindi isang mangangaral. Kung gayon bibigyan kita ng isang simpleng eksplanasyon ng propisiyasiyon, na nagpapaliwanag sa mga salitang iyon ng himno,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod.

Sinabi ni Dr. Thomas Hale,

Dahil ang Diyos ay makatuwiran at makatarungan, dapat Niyang parusahan ang kasalanan. Ito’y upang ipakita ang Kanyang hustisiya na pinarusahan ng Diyos si Kristo para sa ating mga kasalanan.s Ngunit ito rin ay dahil sa Kanyang pag-ibig para sa atin na Kanyang pinarusahan si Kristo sa ating lugar. Sa pagpaparusa kay Kristo, ang Diyos, sa katunayan, ay kinukuha ang kaparusahan sa Kanyang Sarili. Dahil inibig ng lubos ng Diyos ang sanglibutan na Kanyang ibinigay ang Kanyang nag-iisang Anak (Isinalin mula kay Thomas Hale, D.D., Ang Ginamit na Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary, Kingsway Publications, 1997, p. 538; sulat sa Mga Taga Roma 3:25).

Sinabi ni Binibining Bringle na siya at ang kanyang komite ay gustong alisin ang mga salitang, “ang poot ng Diyos ay nagpalugod” dahil tumutukoy ito sa isang teyolohikal na pananaw na kanilang itinatanggi. Maari iyang totoo, ngunit hindi ko iniisip na iyan ang buong katotohanan. Naiisip ko ay hindi niya gusto ang maskulinong mga salitang “ang poot ng Diyos.” Kaya gusto niyang palitan ito ng mas pambabaeng mga salita, “ang pag-ibig ng Diyos ay pinalabis.”

Si David Murro ay isang nakatatanda sa Presbyteryanong Simbahan (U.S.A.), alin ay parehong denominasyon gaya ni Binibining Bringle. Siya at ang kanyang komite ay dapat basahin ang aklat ni Murro, Bakit Kinamumuhian ng mga Kalalakihan ang Pagpupunta sa Simbahan [Why Men Hate Going to Church] (Nelson, 2004). Sinabi ni Murrow, “…ang pamunuhan sa simbahan ay nangangailangan ng balanse sa pagitan ng maskulinong espiritu at ang pambabaeng espiritu” (Isinalin pah. 152). Ngunit ang sanaysay ng aklat na ito ay na ang ating mga simbahan ay lubhang pinamumunuan ng mga pambabaeng mga kahalagahan at mga programa. Sa sarili ko, naiisip ko na siya ay saktong tama. Pakinggan ito. Sinabi ni Murrow,

      Ang mga kalalakihan ay nagpapantasiya ng tungkol sa pagliligtas ng mundo laban sa mga imposibleng mga kalaban. Ang mga kababaihan ay nagpapantasiya tungkol sa pagkakaroon ng isang relasyon sa isang nakamamanghang lalake…
      Ngunit kaunting mga simbahan ang nagmomodelo ng mga kahalagahan ng mga kalalakihan: panganib at gantimpala, tagumpay, malabayaning alay, aksyon at pakikipagsapalaran. Ang kahit sinong lalakeng susubukan na buhayin ang mga ganitong mga kahalagahan ay hindi magtatagal mahahanap ang kanyang sarili sa gulo sa isang komite simbahan. Iyan ang dahilan na [kinamumuhian ng ang mga kalalakihang] magpunta sa simbahan (isinalin mula sa ibid., pah. 15).

Masyado ba akong lumalayo mula sa argumento sa linyang iyon sa himno, “Kay Kristo Lamang”? hindi sa palagaya ko. Sa palagay ko ang pagbabagay ng mga salitang iyon ay ang mikrokosmo na naglalantad ng makrokosmo – isang maliit na detalye na naglalantad ng mas malaking problema na feminisisasyon sa ating mga simbahan. Pakinggan ang orihinal na mga linya,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod.

Iyan ang orihinal, isinulat ng dalawang lalake. Ngayon narito inibang bersyon, na ipinanunukala ni Binibining Bringle at kanyang komite,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang pag-ibig ng Diyos ay pinalabis.

Alin ang maskulino? Alin ang umaapela sa mga kalalakihan? Halatang, iyong isinulat ng dalawang kalalakihan na sumulat ng orihinal na himno! “Ang poot ng Diyos ay nalugod.” Iyan ang uri ng Diyos na nirerespeto ng Diyos – ang isang Diyos na lumulunod sa isang buong sibilisasyon na sumuway sa Kanya sa palagiang kasalanan; isang Diyos na nagbubukas ng lupain upang isang grupo ng mga rebelde ay bumagsak sa Impiyerno; isang Diyos na sumisira sa malupit na Paraon at kanyang mga kawal sa tubig na Red Sea; isang Diyos na pinapanigan ang mga Gideyon at ilang mga kalalakihan upang was akin ang mga Midianites; isang Diyos na kinukuha ang tatlong mga Hebreong kalalakihan mula sa isang pugon ng apoy na di nasasaktan upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa isang malupit na hari; isang Diyos na nagpupunta sa templo, hindi isang beses kundi dalawa, at itinataob ang mga mesa, at nilalatigo ang mga natakot na mga taga palit ng pera palabas ng kalye; isang Diyos na nagbubukas ng pintuan ng bilangguan at hinahayaang makatakas si Pedro, at tapos ay ginagabayan siyang sabihin sa mga relihiyosong mga pinuno, “Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao;” isang Diyos na tinatamaang patay ang isang lalake at kanyang asawa dahil sa pagsisinungaling kay Pedro; isang Diyos na “ibinigay sa [Kanyang] takdang pasiya at paunang kaalaman” si Hesus sa “mga kamay ng mga tampalasan” ng mga makasalanna upang mapako sa krus (Mga Gawa 2:23); isang Diyos na “ipinasan sa kaniya […] ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6); isang Diyos na “kinalugdan […] na mabugbog siya at inilagay […] siya sa pagdaramdam [at] gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan… at masisiyahan” (Isaias 53:10, 11) – iyan ang Diyos na tinukoy ng himno na,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod!!!

Ang Diyos na iyan, at ang Diyos na iyan lamang, ay ang uri ng Diyos na nirerespeto ng mga kalalakihan, at na susundan ng mga kalalakihan – hindi ang mahina at malababaeng Diyos ni Binibining Bringle, kundi ang Diyos ng Bundok Sinai, ang Diyos ng Bundok Kalbaryo – “Dakila at kakilakilabot na Dios” ni Nehemias (Nehemias 1:5) – “Dios na dakila at kakilakilabot” ni Daniel (Daniel 9:4) – ang Diyos na nag-alay ng Kanyang nag-iisang Anak, na sa sarili niyang kamay ay “naging sumpa sa ganang atin” (Mga Taga Galacias 3:13) – iyan ang Diyos ng Bibliya! Iyan ang Diyos at Ama ni Kristo! Iyan ang aking Panginoon, iyan ang aking Diyos! Hindi ko kilala ang Diyos ni Binibining Bringle – at hindi ko Siya gustong makilala – at ni karamihan mga kalalakihan! Iyan ang dahilan na ang Episkopal na Simbahan ay nawala ang karamihan sa mga kalalakihan nito. Iyan ang dahilan na ang Metodistang Simbahan ay nawala ang karamihan sa mga kalalakihan nito. At, oo, ang simbahan ni Binibining Bringle, Presbiteryano (U.S.A.) ay nawala ang karamihan sa mga kalalakihan nito rin (Isinalin mula kay Murrow, ibid., pah. 55).

Sa kanyang aklat, Bakit Kinamumuhian ng Karamihang mga Kalalakihang Magpunta sa Simbahan [Why Men Hate Going to Church] si Gg. Morrow ay mayroong isang kapitulo na pinamagatang, “Ang mga Kalalakihan ay ang Hindi Lamang Nawawala sa Simbahan.” Sinasabi niya na gusto ng mga kababaihan ng seguridad, ngunit ang mga kalalakihan at mga batang nasa gulang na ay gustong mahamon. Ang mga kababaihan ay mas malamang na nasa simbahan – at mga kalalakihan at mga batang nasa gulang na ay mas kaunting malamang na nasa simbahan! (Isinalin mula sa ibid., pah. 18). Maari ba itong maging bahagi ng dahilan na ang ating mga simbahan ay nawawalan ng 88% ng kanilang mga kabataan sa edad ng 25? Sinasabi ni Murrow na ang mga kalalakihan at ang mga batang nasa gulang na ay nakikita ang simbahan bilang isang lugar para sa mga kababaihan at maliliit na mga bata, na walang naghahamon sa kanila, at kaya umaalis sila!

Kung hahayaan mo ang sampol ng mga kabataan edad 18 hanggang 25, at isang grupo ng mga nasa gulang nang mga kalalakihan na bumoto kung aling linya ang gusto nilang mas higit – aling linya sa tinggin mo ang iboboto nila?

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod,

o

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang pag-ibig ng Diyos ay pinalabis?

Kahit na parehong mga ito ay totoo, sa palagay ko’y alam mo na karamihan sa mga kalalakihan at mga batang nasa gulang na ay iboboto ang orihinal na mga salita, na isinulat ng dalawang lalake, kaysa ang binagong bersyon ni Binibining Bringle!

Ang mga kalalakihan at mga kabtaan ay naaakit sa isang dakila, at makapangyarihan, at kinatatakutang Diyos – ang Diyos ng Bibliya! Ang mga gitnang edad na mga kababaihan, na hindi talaga tunay na napagbagong loob, ay mas pinipili ang isang malambot, tiyak na Diyos, na hindi kailan man naghahamon, at hindi kailan man nang kokondena ng kahit sino. Kaya ang ating mga simbahan ay mayroong kasaganaan ng mas matandang mga kababaihan, habang nawawala natin ang karamihan sa mga kalalakihan, at 88% ng ating mga kabataan.

Ang sarili nating simbahan ay pinamumunuhan ng mga kalalakihan. Bakit? Sa palagay ko ay mayroong maraming mga dahilan. Una, tinitiyak ko na ang aking mga sermon ay naka sentro sa dakila at kakilakilabot na Diyos ng Bibliya, at sa mapuwersa, muskuladong Kristo na pinangunahan ang Kanyang mga kalalakihan na sakupin ang mundo. Palagi kong ibinibigay ang halimbawa ng matapang na mga kalalakihan at kababaihan na naglatag ng kanilang mga buhay sa luwalhati ng Diyos. Nagtatayo tayo ng mga larawan at mga pinintang larawan sa mga pader ng simbahan na naglalarawan ng dakilang mga bayani ng pananampalataya – mga kalalakihan tulad nina Spurgeon, Edwards, Bunyan, Knox, Whitefield, Wesley, William Jennings Bryan, at marami pang iba. Ngayong gabi ay Linggo ng Repormasyon. Gaya ng dati, ating panonoorin ang dakilang itim at puting pelikula ni Luther, habang tayo’y naghahapunana pagkatapos ng paglilingkod na ito. Si Luther ay isa sa ating mga bayani. Mas maaga sa paglilingkod, kinanta natin ang nakapagkikilos at makapangyarihang himno ni Luther, “Isang Makapangyarihang Kuta ang ating Diyos” [“A Mighty Fortress is our God”].

Wala tayong “almusal ng mga kalalakihan” para sa ating mga kalalakihan. At wala tayong “sorbets na sosyal” para sa ating mga kabataan! Wala! Ipinapadala namin silang lumabas – sa mga masasamang mga kalye ng Los Angeles sa gabi – upang magawagi ng mga kaluluwa dala-dalawa. Nakakatakot ba ito? Ito’y nakakatakot kay Binibining Bringle! Mapangingilabot siya nito! Ngunit ang hamon ay sa ating mga kalalakihan at ating mga kabataan – saktong uri ng hamon na kailangan nila – upang maging tunay na mga sundalo ng krus!!!

Sinasabi ng Bibliya,

“Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3).

“Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Timoteo 2:12).

“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23).

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Iyon ay mga nakapagbagbag damdamin at nakapaghahamong mga uri ng Kasulatan na nakapagpupukaw ng aming mga kalalakihan, ang aming mga kabataan – at aming mga kababaihan – upang buhayin ang kanilang ga buhay sa dedikasyon kay Kristo at sa Kanyang simbahan!

At ano naman patungkol sa pagbabagong loob? Sa amin, ang pagbabagong loob ay hindi gumagawa sa iyong isang duwag, isang nerd o talo. Ang pagbabagong loob ay isang malaking hakbang patungo sa pagiging isang lalake, isang uri ng lalake na gusto ka ng Diyos na maging! Masasabi kong tiyak na kung hindi ako napagbagong loob ako’y maaring naging isang miserableng bigo sa buhay. Noong nagpunta ako kay Kristo, binigyan niya ako ng lakas upang ako’y maging kung ano ako dapat maging, at gawin ang dapat kong gawin! Ang berso ng aking buhay ay ito:

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13).

Nagpapalakas sa akin.”

Tignan si Luther. Siya ay mahina, kinatatakutan, at isang talo, gumagapang sa klaustro ng isang monastaryo. Tapos pinagkatiwalaan niya si Kristo! Tapos siya ay naging isang makapangyarihang sundalo ng krus! Sinabi ni Spurgeon na si Luther “ay maaring nang-utos ng isang hukbo.”

Kapag iyong ikukumpisal ang iyong pagkamakasalanna, at bumagsak sa paa ng krus, ika’y babangon tulad ni Dr. John Sung, upang maging makapangyarihang Kristiyano na gusto ng Diyos para sa iyong maging! Tignan si Pedro! Tignan si Agostin! Tignan si Bunyan! Lahat sila ay nagpunta kay Kristo sa takot at kahinaan, ngunit noong sila’y nagtiwala kay Kristo sila’y bumangon bilang mga makapangyarihang kalalakihan ng Diyos! Tignan si Wesley – tumatakbo mula sa parang ng misyon sa Georgia, bumabagsak sa kahinaan sa harap ni Kristo – at bumabangon bilang isang dakilang taong kumalog sa Inglatera para sa Diyos! Tignan si Whitefield, na humiga sa kanyang kamang umiiyak, “Nauuhaw ako! Nauuhaw ako!” at tapos ay bumabangon mula sa kahinaan ng kasalanan upang iproklama ang Ebanghelyo sa dalawang mga kontinente! Walang makapagsasabi kung ano maaring gawin ng Diyos sa iyong buhay kung ika’y susuko kay Hesu-Kristo, na nagpunta sa Krus at nagdusa ng poot ng Makapangyarihang Diyos upang gawin itong posible para sa iyong maging uri ng lalake – o babae – na ika’y dapat maging! – upang makanta kasama ni Luther,

Isang makapangyarihang kuta ay ang aking Diyos,
   Isang balwarteng di kailan man nabibigo;
Ang aming taga tulong, Siya sa gitna ng baha
   Ng mortal na mga pinsalang lumalaganap…
Hayaan ang mga ari-arian at mga kaibigan ay magsialis,
   Ang mortal na buhay na ito rin;
Ang katawan maari nilang patayin:
   Ang katotohanan ng Diyos ay namamalagi pa rin,
Ang Kanyang Kaharian ay magpakailan man!
   (“Isang Makapangyarihang Kuta ang ating Diyos.” Isinalin mula sa
      “A Mighty Fortress is our God” ni Martin Luther, 1483-1546).

Ika’y maaring maging tiyak na pipiliin ni Luther and mga linyang nagsabing,

Hanggang sa krus si Hesus ay namatay,
Ang poot ng Diyos ay nalugod.

Magpunta kay Kristo, at gawin ito ngayong gabi. Patatawarin Niya ang iyong kasalanan at bibigyan ka ng kapangyarihan upang mabuhay para sa Diyos!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 3:20-26.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kay Kristo Lamang.” Isinalin mula kay “In Christ Alone”
(ni Keith Getty & Stewart Townend, 2001).