Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT ANG MGA SIMBAHAN AY NATUTULOG AT MALAMIG (ANG MGA SIMBAHAN NG MGA HULING ARAW – BAHAGI I) WHY CHURCHES ARE SLUMBERING AND COLD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangarak sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10). |
Ang ika-labin dalawang kapitulo ng Daniel ay naglalaman ng maraming mga propesiya tungkol sa katapusan ng mundo. Sa berso isa mababasa natin ang tungkol sa panahon ng Matinding Pagdurusa. Sa berso dalawa tayo ay sinabihan patungkol sa pagdadagit ng mga tunay na mga Kristiyano, at ang muling pagkabuhay ng mga napahamak. Sa berso apat ang makamundong paglalakbay ay nahulaan sa “panahon ng katapusan.” Sa mga berso lima hanggang pito tayo ay sinabihan tungkol sa huling tatlo at kalahating mga taon ng panahon ng Pagdurusa. Ngunit ang berso walo at siyam ay nakamamangha rin. Tignan mo ang mga ito. Sinabi ng propeta,
“At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito? [anong kalalabasan nito?] Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan [nakatago] at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan” (Daniel 12:8, 9).
Paki tignan ako.
Kahit na si Daniel ay isang saksi doon sa mga padating na mga pangyayari, hindi niya naintindihan kung anong ibig nitong sabihin lahat. Pinaalala siya ng Diyos ng ang mga bagay na ito ay magaganap sa katapusan ng panahon, ngunit ang mga ito’y matatago sa kanila hanggang sa pagkatapos. Tapos, sa “panahon ng kawakasan” – ang “kaalaman ay lalago” (Daniel 12:4). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Naniniwala ako na ito’y tumtukoy sa kaalaman ng propesiya” (isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1982, kabuuan III, p. 605; sulat sa Daniel 12:4).
Sa tinggin ko si Dr. McGee ay tama. Ang kaalaman ng propesiya ng Bibliya ay hindi ipinaliwanag ng Banal na Espiritu masyado hanggang sa pangalawang hati ng ika- labin siyam na siglo. Gaya ng sinabi ng Diyos kay Daniel, “ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan” (Daniel 12:9). Nangangaral sa propesiya ng Bibliya ay lubos na tanyag sa mga konserbatibong Kristiyano sa higit na bahagi ng ika-dalawampung siglo, habang tayo’y papunta sa panahon ng kawakasan. Ngunit, nakamamangha rin, ang pag-aaral ng propesiya ng Bibliya sa ating mga simabhan.” Naniniwala ako na pareho noong mga pangyayaring ibinigay sa ika-labin dalawang kapitulo ng Daniel. Si Daniel ay sinabihan,
“...nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
Ibinigay ni Dr. McGee ang mga kumentong ito,
“Wala sa masasama na makakaunawa” ay tumutukoy sa isang natural na tao. “Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
“Ngunit silang pantas ay makauunawa.” “Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:13). (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid.).
Ibinibigay nito ang isa sa mga dahilan na mayroong kaunting pangangaral sa propesiya sa ating mga simbahan ngayon. Ito’y dahil sa maraming mga mangangaral na hindi kailan man napagbagong loob – kaya ang kanilang mga mata ay nasarhan sa mga lubos na mahalagang paksang ito. Ang mga mas matatandang mga tao ay mas espiritwal. Ngunit para sa akin mukhang ang malaking bilang ng ating mga mas batang mga mangangaral ay napaka karnal, marami sa kanila ay di pa kailan man naipanganak muli. Kung gayon nakarinig tayo ng napaka kaunting mga sermon sa propesiya ng Bibliya nitong nakalipas na dalawampu’t limang mga taon. Ito’y isang tunay na kahihiyan. Gaya ng sinasabi ng aking katulong na si Dr. Cagan, “Sa pinaka panahon na ang mga propesiya ay natutupad, ang mga mas batang mga mangangaral ay tumigil sa pagsasalita sa propesiya ng halos lubusan.” Kailan ang huling beses na nakarinig ka ng isang sermon na nakalaan lamang sa propesiya ng Bibliya? Wala na si Dr. Criswell! Wala na si Dr. McGee! Wala na si Dr. M. R. DeHaan! Ngayon ang lahat na ating naririnig ay pabulum, na isinusubo ng mga mahihinhing magsalitang mga kalalakihan na mukhang masyadong takot sa kontrobersiya upang sabihin sa mga tao kung anong kailangan nilang marinig! Si Billy Graham ngayon ay 95 na taong gulang na. Hindi mo siya maririnig na mangaral sa propesiya muli. Di ako sumang-ayon kay Billy Graham sa “desisiyonismo,” ngunit hindi sa propesiya ng Bibliya. Noong 1965 isinulat niya ang isang tunay na nakatatamang aklat sa propesiya ng Bibliya na pinamagatang, Ang Mundong Umaalab [World Aflame] (Doubleday and Company). Sa aklat ibinigay ni Billy Graham ang paglalarawang ito ng kawakasang mga panahon,
Sinabi ni Hesus magkakaroon ng hinaharap na henersayon na may tiyak na mga katangian upang magpakita na ang kawakasan ay malapit na. Sa ibang salita, mayroong isang “X na henerasyon” sa isang punto…kung saan ang lahat ng mga tanda ay nagtitipon [nagsasama-sama]…Yoong mga ang mga puso ay nabago ni Hesu-Kristo, na ang mga isipan ay napaliwanagan ng Banal na Espiritu, ay makapagbabasa ng mga tanda ng araw na iyon upang balaan ang mga tao gaya ng ginawa ni Noe. Ngayon mukhang mga tandang iyon ay tunay ngang nagtitipon [nagsasama-sama] para sa unang pagkakataon simula ng pag-akyat ni Kristo sa langit (Isinalin mula kay Billy Graham, D. D., Ang Mundong Umaalab [World Aflame], Doubleday and Company, 1965, p. 216)
Nakikita na natin ang mga tandang iyan sa paligid natin araw araw. Tiyak na ito ay ang henerasyong X. Tiyak na ito ay “ang panahon ng kawakasan.” Ngunit hindi natin naririnig ang tungkol rito masyado sa ating mga simbahan! Ako’y kumbinsido na ito’y higit dahil sa pagka-karnal ng maraming sa ating mga pari ngayon.
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
Narito ay maraming mga tanda na ibinigay sa Bibliya patungkol sa mga simbahan ng kawakasang panahon.
I. Una, ang mga propesiya ng Bibliya ang pagkatulog ng kawakasang panahong mga simbahan.
Dapat mong maintindihan na ang Bagong Tipan ay nagbibigay ng dalawang larawan ng kawakasang panahon. Halimbawa, tayo ay sinabihan na “[sasagana ang] katampalasan” sa Mateo 24:12. At ang kondisyon na ito ay maparirito sa parehong panahon na ang Ebanghelyo ay “ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14). Sa Aklat ng Apocalipsis makikita natin ang “dakilang babaeng mababa ang lipad” ng pinag-isang tumalikod sa pananampalatayang simbahan na namamalagi sa parehong panahon gaya ng pambirihang muling pagkabuhay sa panahon ng Pagdurusa, sa Apocalipsis 7:4-17.
Noong isang gabi pinanood ko ang isang puno ng impormasyong videyo sa sumasabog na paglago ng Kristiyanismo sa katimugang Aprika (isinalin mula sa “Aprikanong Kristiyanismong Tumataas: Sumasabog na Paglago ng Krisityanismo sa Apritka” [“African Christianity Rising: Christianity’s Explosive Growth in Africa”], nilikha at idinerek ni James Ault, Ph. D.). Isang Itim na teyolihiyano, sa videyo, ay nagpakita kung paano ang Kristiyanismo sa hilagang kalahati ng mundo ay napinsala, habang ang katimugang kalahati ng mundo, at sa Tsina, mayroong pagsabog ng muling pagkabuhay. Isa pang paraan ng pagpapaliwang nito ay ang Kristiyanismo ay malamig at namamatay sa mga maunlad na mga mundo (Europa, Amerika, atb.) habang ito’y buhay at lumalago sa umuusbong na Pangatlong Mundong mga bansa. Upang maging tiyak, mayroong huwal na doktrina sa ilang mga simbahang ito, ngunit iyan ay palaging totoo sa mga panahon ng muling pagkabuhay.
Ngunit tayo ay sumesentro sa Europa at Amerika sa sermon ito. At iyan ay mahalaga dahil higit sa mundo ay tumitingin pa rin sa atin, at umaasa sa ating maging modelo ng Kristiyanismo – kahit na, sa katunayan, kahit sa marami sa mga pinakamahuhusay na mga simbahan ay higit na lumubog sa isang mababang Laodiseyang kalagayan. Natanto ko na ilang mga tao ay hindi maiintindihan ito dahil, gaya ng sinasabi ng ating teksto,
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
Ang sermon ni Kristo sa Bundok ng Olivo (Ang Olivet na Diskurso) ay ibinigay upang sagutin ang mga tanong ng mga Disipolo, “ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Ang natitira ng Mateo 24, at ang lahat ng Mateo 25 ay ibinigay ni Kristo upang sagutin ang mga tanong na iyon, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ang katapusan ng sanglibutan?” Tapos sa Mateo 25:1-13 ibinigay Niya ang “Parabula ng Pantas at mga Hangal na mga Birhen."
Ako’y kumbinsido na ang parabulang ito ay tumutukoy na propetikal sa kondisyon ng mga simbahan sa kalahati ng mundo. Ang sampung mga birhen ay kumakatawan sa mga simbahan. “At ang lima sa kanila'y mga mangmang, at ang lima'y matatalino” (Mateo 25:2). Sinabi ni John Nelson Darby (1800-1882( na ang sampung mga birhen ay hindi tumtukoy sa simbahan, kundi sa bansa ng Israel. Ngunit mali siya. Ang parabula ay nakikita bilang isang kasangguni sa mga simbahan sa buong kasaysayan ng Krisityanismo, tunay na sa pamamagitan ng lahat ng mga dakilang mga taga-kumento at pati ang mga Simbahang Ama ng mga naunang mga araw ng Kristiyanismo.
Ngayon anong sinasabi sa atin ng parabula tungkol sa ating mga simbahan? Sinasabi nito,
“Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5).
Sinabi ni Dr. McGee, “Pansinin ang parehong ang matalino at mangmang na mga birhen ay natulog. Ang pagkakaiba sa kanila ay ang ilan ay mayroon ang Banal na Espiritu (kinakatawan ng langis) at ang ilan ay wala – dahil sila’y mga tunay na mga mananampalataya” (isinalin mula kay J. . Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 135; sulat sa Mateo 25:5).
Kaya, sinabi ni Dr. McGee ang kalahati ay naligtas at ang kalahati ay nawawala. Iyan ang karaniwang larawan ng ating mga simbahan sa Kanluran ngayon. Mayroong paghahalo ng mga ligtas na mga tao at mga nawawalang mga tao. Ngunit sandali! Sinabi ni Kristo,
“Silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5).
Lahat sila ay natutulog – parehong ang ligtas at ang nawawala! Iyan ang sinasabi nito!
Anong paglalarawan ng ating mga simbahan sa mga masasamang mga araw! Pansinin na ito’y gabi noong ang mga simbahan ay natulog, “pagkahating gabi” (Mateo 25:6). Ako’y naging saksi ng muling pagkabuhay na dumating ng gabing gabi na. Si Dr. Tozer ay mayroong isang sanaysay patungkol riyan na tinawag na “Ipinanganak Pagkatapos ng Hatinggabi” [“Born After Midnight”]. Bakit walang muling pagkabuhay ngayon sa ating mga simbahan? Mayroong kaya itong koneksyon sa mga simbahan na sinasara ang kanilang panggabing paglilingkod ng gabi ng Linggo? Ang huling kasing laki ng sakop na muling pagkabuhay sa Kanlurang mundo ay nagsimula ng huli na ng gabi sa Maliit ng Pulo ng Lewis sa baybayin ng Scotland, noong 1949 – huli na ng gabi! Sa Tsina ang mga “simbahang tahanan” ay laging may mga pagpupulong sa gabi. Iyan ay isang dahilan na sila’y gising sa muling pagkbuhay! Ngunit ang ating mga simbahan rito sa Kanluran ay masyadong madalas na sarado tuwing gabi ng Miyerkules at gabi ng Linggo. Sinabi ni Leonard Ravenhill, “Ang mahusay na doktrina ay nakapagpatulog sa karamihang mananampalataya…Isang mahusay na sermon sa mga walang kamaliang Ingles at walang kamaliang interpretasyon ay maaring kasing walang lasa gaya ng isang bungangang puno ng buhangin…kailangan natin ng apoy na bautistang Simbahan...isang umaalab na Simabahan na aakit sa mundi, upang mula sa kalagitnaan nito kanilang marinig ang tinig ng nabubuhay na Diyos” (isinalin mula kay Leonard Ravenhill, Bakit ang Muling Pagkabuhay ay Tumatagal [Why Revival Tarries], Bethany Fellowship, 1979, p. 106).
Ngunit hindi iyan totoo sa ating mga simbahan ngayon.
“Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5).
Diyos tulungan mo kami! Sinasabi ni Kristo sa atin, ditto sa Kanluran,
“Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig. Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita” (Apocalipsis 3:15-18).
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
II. Pangalawa, nagkukulang ang mga propesiya ng Bibliya ng Kristiyanong pag-ibig sa katapusang panahon na mga simbahan.
Sinabi ni Kristo, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig [agapē – Kristiyanong pag-ibig] ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Iyan ang isa sa mga tanda na ibinigay ni Kristo patungkol sa mga simbahan sa panahon ng katapusan.
Ang mahabang panahong pastor ko sa Tsinong simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Sinabi ni Dr. Lin, “Ang mga Kristiyano ay dapat magmahalan ng isa’t-isa…Ang paniniwala sa ating Panginoon ay isang lubos na pangangailangan, at pag-ibig sa isa’t isa ay isa ring lubos na pangangailangan…Naway ang Simbahan ng huling mga araw ay mag-isip ng tatlong beses patungkol rito…Ang naunang mga Simbahan ay mayroong ang presensya ng Diyos hindi lang dahil sa ang mga Apostol ay tinawag at ipinadala ng Diyos, kundi dahil rin minahal ng magkakapatid ang isa’t-isa” (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth, FCBC, 1992, pp. 28, 29). Sinasabi ng Bibliya,
“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan [kasamaan], ang pagibig [agapē – Kristiyanong pag-ibig] ng marami ay [lalagong] lalamig” (Mateo 24:12).
Isa sa mga dahilan para sa malamig, pagkakulang ng pag-ibig sa mga simbahan ay dahil napaka raming mga miyembro ng simbahan ay hindi kailan man naligtas. “Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14). Sinabi ni Dr. McGee patungkol sa Mateo 24:12, “Kapag ang katampalasan ay sasagana ang pag-ibig ng marami ay lalagong malamig, at ito’y lalong magiging totoo pa sa katapusan ng panahon” (Isinalin mula sa ibid., pah. 127; sulat sa Mateo 24:12). Sinabi ni Dr. Lin, “Naway ang mga simbahan ng mga huling mga araw ay mag-isip ng tatlong beses patungkol rito” (Isinalin mula sa ibid.).
Ang mga pintuan ng simbahan ay madaliang nagsasara pagkatapos ng karamihang mga paglilingkod. Ang mga tao ay nabibigay ng kaunting mga pagkakataon upang makilala ang isa’t isa, lalo pang mahalin ang isa’t isa! Napaka raming mga tao sa ating mga simbahan ay hindi pa kailan man napagbagong loob – kaya (kasamaan) ay lumalago, at pati mga tunay na mga Kristiyano ay napanghihinaang loob at nawala ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa. Sinabi ni Dr. Lin, “Naway ang mga simbahan ng mga huling mga araw ay mag-isip ng tatlong beses patungkol rito” (Isinalin mula sa ibid.).
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
Si Dr. John F. Walvoord, isang mataas na nirespetong taga kumento sa propesiya, ay nagsabi na isa sa mga “tanda ng kawakasan ng panahon” ay,
Pagtaas ng kalupitan at pagkawala ng maalab na pag-ibig. Sinabi ni Hesus “dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Matt. 24:12). Ito’y mangyayari sa resulta ng huwad na doktrina [kasali ang “desisyonismo,” ba nagpuno sa mga simbahan ng mga nawawalang mga tao]. Ito’y masyadong nakikita na marami sa mga nagdedeklara na ang pangalan ni Kristo ay makamundo at mayroong maliit na kasigasigan para sa Panginoon. Tulad ng Laodisiyang simbahan sa Apocalipsis 3…
na sinabihan ni Kristo na Kanyang, “isusuka [mula sa kanyang] bibig,” Apocalipsis 3:16 (isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., Ang Mga Pangunahing Propesiya sa Bibliya [Major Bible Prophecies], Zondervan Publishing House, 1991, p. 256).
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10).
Oo, masyadong maraming mga tao sa ating mga simbahan ay mga kawakasang panahon ay inaantok at natutulog imbes na nagpupunta sa simbahan ng Linggo ng gabi, at iba pang mga gabi ng linggo. Masyadong maraming sa kanila ang mayroong kaunting pakikisama at pag-ibig sa gitna ng mga miyembro dahil napaka rami sa kanila ay di kailan pa man tunay na naligtas. At dapat kong isipi si Dr. Lin ng isa pang beses. Maaring sumang-ayon siya sa akin sa sermon ito. At hindi lamang siya isang Tsinong pastor. Siya ay isang tunay na eskolar. Nagturo siya ng Semetikong mga wika sa pagtatapos na paaralan ng Unibersidad ng Bob Jones bago magpunta sa aming simbahan. Maya-maya nagturo siya sa Talbot Teyolohikal na Seminaryo, at sa Trinidad na Ebanghelikal na Seminaryo sa Deefield, Illinois. Tinapos niya ang kanyang pangangasiwa bilang pangulog ng Tsinang Ebanghelikal na Seminaryo sa Taipei, Taiwan, sumusunod sa pagkapangulo ni Dr. James Hudson Taylor III. Patungkol sa mga bagay na sinasabi ko sa sermong ito, sinabi ni Dr. Lin, “Naway ang mga simbahan ng mga huling mga araw ay mag-isip ng tatlong beses patungkol rito.”
“Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10)..
Ito ay mga huling mga araw. Hindi na matagal ito’y magiging huli na para sa iyong maligtas. Nagbibigay ang Bibliya ng babala ng paulit-ulit. Ang nag-iisang tiyak na panahon para sa iyong maligtas ay ngayon. Nagmamakaawa ako sa iyo na magpunta kay Hesus habang mayroon pang panahon. Nagmamakaawa ako sa iyo na tumingin sa Kanya, bumitin sa Krus sa matinding pagdurusa, at nagbuhos ng Kanyang Dugo upang linisin ka mula sa kasalnana. Huwag patagalin. Magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya, ngayon, nitong gabi!
Kung gusto mong makipagusap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon na at lumakad patungo sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhi ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo at makapananalangin. Kung gusto mong maging isang tunay na Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum na. Dr. Chan manalangin ka para sa isang taong magtiwala kay Hesus at maligtas ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 25:1-13.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sana’y Lahat Tayo’y Naging Handa.” Isinalin mula sa
“I Wish We’d All Been Ready” (ni Larry Norman, 1947-2008).
ANG BALANGKAS NG BAKIT ANG MGA SIMBAHAN AY NATUTULOG AT MALAMIG (ANG MGA SIMBAHAN NG MGA HULING ARAW – BAHAGI I) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa” (Daniel 12:10). (Daniel 12:8, 9, 4; I Mga Taga Corinto 2:14; Juan 16:13) I. Una, ang mga propesiya ng Bibliya ang pagkatulog ng II. Pangalawa, nagkukulang ang mga propesiya ng Bibliya ng |