Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG NAGTITIPONG BAGYO

THE GATHERING STORM
 (Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Oktubre taon 2013

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).


Sa kanyang ipinagdiriwang na aklat Ang Nagtitipong Bagyo [The Gathering Storm] sinabi ni Winston Churchill kung gaano katulog ng Inglatera habang ang mga puwersa ng kasamaan sa Alemanya ni Hitler ay naghanda para sa digmaan. Ang Inglatera ay hindi handa dahil akala nila ay lagi silang magkakaroon ng kapayapaan. Si Churcill lamang ang nakaalam na binubuhay na nila ang bingit ng pagkasira. Walang nakinig sa kanyang mga babala! At kaya gayon din muli sa ating panahon. Sinasabi ng Bibliya,

“Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila... at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan” (I Mga Taga Tesalonica 5:3).

Ang taga Russong may-akdang si Aleksandr Solzhenitsyn ay nagsabi na, “Ang puwersa ng kasamaan ay nasimulan ang kanilang disididong pagsalakay.” Sa isang kapitulo na pinamagatang “Ang Padating na Kadiliman” sinabi ni Dr. Edward Hindson, “Para sa akin mukhang tayo ay humuhukay para sa kung ano ay maaring ang wakas na mabangis na pagsalakay laban sa biblikal na Kristiyanismo” (isinalin mula kay Ed Hindson, Ph.D., Ang mga Pangwakas na Tanda [Final Signs], Harvest House, 1996, p. 77).

Bago siya naging isang Kristiyano si Charles Colson ay isang pinaka mataas ng tagapagpayo kay Pangulong Nixon. Tinawag siya ng liberal na mediyang ang “palataw na tao” ni Nixon. Pagkatapos ng kanyang pagbabagong loob itinuro ni Colson na ang Romanong Imperyo ay naging napaka sama mula sa loob na ito’y bumagsak sa mga nagdidigmaang mga pangkat ng walang pinag-aralang mga barbariko. Sinabi niya, “ang simbahan ay nangailangang tumayong mag-isa laban sa barbarikong kultura ng Madilim na mga Panahon” (Isinalin mula sa ibid., p. 78). Ngunit ngayon ang mga simbahan mismo ay naging napaka sama na nagbibigay sila ng maliit na pag-asa ng pagliligtas ng ating sibilisasyon. Sinabi ni Dr. Carl F. H. Henry, isang namumunong ebanghelikal na eskolar ay nagsabi, “Pagkabigo sa naorganisang Kristiyanismo ay pumapailang-ilang; makikita ito ng isa sa estatistiko ng bumababang bilang ng mga nagpupunta sa simbahan…Isang buong henerasyon ay lumalago…na walang walang hanggang pag-aalala…Mga malulupit na mga tao ay nagpapakilos sa alikabok ng sirang sibilisasyon at tumalilis na sa mga anino ng isang nasalantang na Simbahan” (isinalin mula kay Carl F. H. Henry, Ph.D., Ang Takipsilim ng isang Dakilang Sibilisasyon [Twilight of a Great Civilization], Crossway Books, 1988, p. 17).

Sinabi ni Dr. Henry, “Ang mga bukal ng matinding kailaliman ay napaghiwahiwalay sa ating panahon. Ang mga institusyon ay nagtiis para sa isang milenya ay nasa ibabaw ng tubig, at ang…tanong sa harap natin, ay kung ang buong pundasyon ng sibilisasyon ay makaliligt”s" (Isinalin mula sa ibid., p. 16). Sinabi niya, “Ang mga barbariko ay parating. Ang lahat ng ating siyentipikong tagumpay ay maaring magamit ng mali noong mga padating na mga barbariko dahil sa kanilang kalupitan at tusong gawain. Si Hitler at ang mga Nazi ay [nagamit] na siyentipikong paraan kung paano sumunog ng mga tao sa daan-daang libo noong lubos na episyenteng silid ng gas. Si Stalin at ang ibang mga totalitaryanong mga maniniil mahabang panahoon noon ay nalaman na nadakip na mga masang mediya ay makapag-aalipin ng hindi mabilang na mga makabagong tao” (isinalin mula sa ibid.).

Mukhang ginagawa ng tipikal na liberal na mediya ngayon iyan – nagtatatak ng pagsang-ayon sa bawat posisyon na kinukuha ni Barack Obama. Sinabi ni Congressman Randy Forbes, “Ang mga gawain ng [pangulong] ito ay naging ang pinaka nakasisira sa relihiyosong kalayaan…ng kahit anong administrasyon na aking nalalaman o nabasa patungkol sa kasaysayan ng ating bansa” (isinalin mula sa Desisyon [Decision] magasin, Oktubre taon 2013, p. 17). Si Bishop Harry Jackson, isa sa bansang pinaka prominenteng Aprikanong-Amerikanong relihiyosong pinuno, at isang narehistrong Demokratiko, ay nagsabi na si Obama ay naging isang kalaban ng tradisyonal na Kristiyanismo at na ang bansa ay “nasa isang napaka laking sandali ng krisis” (isinalin mula sa ibid.). Sinabi niya na tayo ay “isang sibilisasyon na nasa bingit ng kalamidad” (isinalin mula sa ibid., p. 19). Kahit si Bob Woodward, ang liberal na manunulat na nagsimula ng paglalarawan ng Watergate, ay nag-aalala. Sinabi niya kay Bill O’ Reilly, ng Fox News, “Mayroong malalim, malalim na suspetya tungkol rito sa White House na ito sa maraming mga pahimpilan, at hindi laman ito mula sa sistema ng kanang-pakpak o ang mga konserbatibo” (isinalin mula sa ibid., p.19). Maraming mga ebanghelikal ay naniniwala na si Barrack Obama ay ang pinaka mapanganib na tao na umokupado sa White House. Sinabi ng Desisyong magasin ni Billy Graham na inilagay ni Obama ang Amerika sa “isang delikadong daan” habang “pinapawalang halaga ng pangulo ang mga biblikal na prinsipyo at mga relihiyosong kalayaa” (isinalin mula sa ibid., pangharap na kwento). Sa parehong magasin na iyon, sinabi ni Rev. Don Wilton, isang prominenteng Bautistang pastor, “Gustong sirain ni Satanas ang bawat nabubuhay na tao at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paglilikha ng pagdududa at sa pamamagitan ng paggamit ng panlilinlang at kahit anong ibang paraan na namamalagi. Ang kanyang layunin ay ang sumakop, magnakaw, at maghiwalay” (isinalin mula sa ibid., p. 29).

Dagdag sa pagkasira ng Kristiyanismo sa Amerika ay ang pag-angat ng mapanlabang Islam. Noong huling buwan 80 mga Kristiyanong simbahan ay binomba ng mga Muslim sa Ehipto mag-isa. Isa sa mga simbahang gusali ay nakatayo na simula noong ika-4 na siglo! Pinasabog nila ito sa pira-piraso ilang araw lamang ang nakaraan! Ang mga Muslim na ngayon ay sinasalakay ang Kristiyanismo sa isang di maparisang antas sa buong mundo. At ang Iran ay nasa bingit ng paglilikha ng isang atomikong bomba. Ang kanilang mga pinuno ay paulit-ulit na sinasabi na kanilang sisirain ang Israel at ang Estados Unidos. Sila’y nagtratrabahong na nilalagnat upang ihanda ang mga nuklear na mga armas.

Isa pang matinding problema na humaharap sa iyong henerasyon ay ang ekolohikal na krisis. Halimbawa, ang pagkasira ng tao sa Amasonang gubat ay tinawag ng Time magasin na, “Isa sa pinaka dakilang trahedya ng kasaysayan” (isinalin Ika-18 ng Setyembre taon 1989, mga pah. 76-80).

Noong huling Miyerkules (Ika-2 ng Oktubre, 2013, pah. AA1) ang Los Angeles Times ay mayroong isang ulat sa pinaka malaking gleyser ng Yosemite. Sinabi ng artikulo, “Ang pinaka malaking yelong masa sa parke ay nasa isang kamatayang palipit, sabi ng mga heologista.” Sinabi ni Greg Stock ang heologista ng parke ay nagsabi na, “Bibigyan namin ito ng 20 taon ng pamamalagi – tapos ito’y maglalaho, iniiwan ang mabatong mga labi.” Sinabi ng artikulo na ang pagkawala nitong malalaking mga masa ng yelo “ay nagaganip rin sa buong mundo. Malalaking mga yelo ay lumiliit, nagdidikta ng mga pag-aalala tungkol sa anong mangyayaring sunod sa nakapaligid na ekolohikal na mga sistema.” Ang mga pag-iinit ng globo ay magbabago ng ating buong paraan ng pamumuhay sa sunod na mga dekada.

Nagbigay si Dr. Hindson ng pinaka nakagugulat na problema, “Ngayon ang Estados Unidos, Dakilang Britanya, Pransya, Russo, Tsina, Israel at Indiya ay mayroong mga atomikong armas…oras nalang ang nagsasabi hanggang sa ang di mapipigailang sakuna ay tatama” (isinalin mula sa ibid., mga pah. 87, 88).

Maraming mga siyentipiko ay pesimista tungkol sa hinaharap. Isa sa kanila ay nagsabi, “Posible na ngayong sirain ang sangkatauhan sa isang araw.” Ngunit isang taga-Canadang siyentipiko ay sumagot sa kanya at nagsabi, “Ika’y nagkakamali. Ito ngayon ay posibleng sirain ang buong sangkatauhan sa isang nag-iisang minuto” (Isinalin mula kay Billy Graham, Ang Pagsubok: Mga Pangaral Mula sa Madison Square Garden [The Challenge: Sermons From Madison Square Garden], Doubleday and Company, 1969, p. 158). Sinasabi ng Bibliya,

“Darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog” (II Ni Petdro 3:10).

Ang araw na iyan ay darating. Ito’y di maiiwasan. “Darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw.” Hindi mo inaasahan na ang isang magnanakaw ay darating. Ngunit biglaan siyang darating – na walang babala! At iyan ang paraan na ang paghahatol ay darating. Ang mga tao ay di magiging handa! Ang malaking karamihan ay di magiging handa! “Ang araw ng Panginoon ay darating na parang isang magnanakaw sa gabi.”

Isang araw ang mga Disipolo ay dumating kay Hesus sa Bundok ng Olivo, sa labas lamang ng Jerusalem. Tinanong nila siya, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Hindi Niya sila pinagalitan para sa pagtatanong ng katanungang iyon. Imbes binigyan Niya sila ng maraming tanda ng katapusan. Nagtanong sila para sa isang tanda, ngunit binigyan Niya sila ng maraming mga tanda “ng katapusan ng mundo.” Sinabi Niya na magkakaroon ng maraming mga huwad na mga Kristo, at maraming mga huwad na mga propeta. Ito’y maging isang panahon ng espiritwal na pagkalinlang. Sa ating panahon maraming mga huwad na mga “Kristo” ng mga kulto, at huwad na Kristo ng teyolohikal na liberalism sa karamihan ng mga dakilang seminary. Sinabi ni Kristo na magkakaroon ng walang katapusang mga digmaan at mga salitaan ng mga digmaan. Simula noong Unang Makamundong Digmaan ang mundo ay nakaranas ng isang digmaan pagkatapos ng isa. Naisip ng mga liberal na mga teyolohiyano na ang Kristiyanismo ay magtatagumpay, at magdadala ng panahon ng di mapaparisang kapayapaan sa ika-dalawampung siglo. Ngunit ang kanilang mga pag-asa ay namadali ng Unang Makamundong Digmaan, at ang mga resulta nito. Si Harry Emerson Fosdick, isang liberal na pinuno, ay isinuko ang ideya ng Kristiyanong Utopiya. Sinabi niya, “Kung ang pag-iisip ng isa ay pinangingibabawan ng malalaking pangyayari ng ating henerasyon, hindi natin maiiwasan ang kawalang ng pag-asa.”

Kaya ang mga tumatanggi ng Bibliyang mga liberal ay tumingin sa eksistensyalismo sa kanilang pagkawalang pag-asa at depression. Napakaraming kalungkutan ngayon na ang pagpapatay sa sarili ay ngayon ang numero unang sanhi ng kamatayan sa mga kolehiyong edad na mga kabataan! Nabasa ko iyan sa isang artikulo noong huling linggo. Sinabi rin ni Kristo na magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot, at lindol, dumarami habang ang panahong ito ay papalapit sa katapusan. Sinabi niya na mga Kristiyano ay “kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” Sinabi rin Niya na ang mga nagdedeklarang mga Kristiyano ay magtataksil sa isa’t isa, at kamumuhian ang isa’t isa. Sinabi niya na kasamaan at kasalanan ay magiging napaka laganap na ang pag-ibig ng mga Kristiyano sa isa’t-isa ay lalagong malamig. Ngunit sinabi rin ni Kristo na ang Ebanghelyo ay “ipangangaral […] sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” At tapos si Kristo ay nagbigay ng isang dakilang tanda ng katapusan. Sinabi Niya,

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).

Tinanong ng mga Disipolo si Kristo para sa isang tanda ng Kanyang pagdating at ang katapusan ng mundo. Binigyan niya sila ng maraming mga tanda. Tapos sinabi Niya sa kanila na ang panahon ng katapusan ay magiging pareho sa panahon na binuhay ni Noe, bago ng Matinding Baha. Sinabi Niya, “gaya ng mga araw bago nagkagunaw…gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:38, 39). Sinabi Niya sa kanila, gaya nito noon, kaya gayon din ito sa panahon ng katapusan. Si Dr. M. R. DeHaan, isang malak na ginagalang na guro ng Bibliya, ay nagbigay ng maraming tanda na mga katangian ng mga araw ni Noe. Narito ay anim sa mga tandang ibinigay niya:

1.  Ito’y isang panahon ng relihiyosong apostasiya.
2.  Ito’y isang panahon ng paglalakbay sa buong mundo.
3.  Ito’y isang panahon ng pagtatayo ng lungsod.
4.  Ito’y panahon ng pag-aasawa ng higit sa isa at lubos-lubos na pagkasekswal.
5.  It was a time that was dominated by wild music. Ito’y isang panahon na
      pinangibabawang ng masukal na musika.
6.  Ito’y isang panahon ng di mapaparisang karahasan.
       (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Ang Mga
       Araw ni Noe [The Days of Noah], Zondervan
       Publishing House, 1979 edition, p. 41).

Wala akong oras upang magpunta sa detalye ng pagpapaliwanag ng lahat ng iyan. Simpleng bibigyan ko lamang kayo ng isang talata sa mga araw ni Noe mula sa isang pangaral ni Billy Graham na ipinangaral sa Madison Square Garden noong 1969. Natatandaan kong napanood ang pangaral na iyan sa telebisyon. Sinabi niya,

Itinuturo ng Bibliya na sa katapusan ng panahon, magkakaroon ng panahon ng peligro, digmaan, kasiraan, kasamaan, imoralidad napaka tindi na kailangang makialam ng Diyos at hintuin ang buong bagay na ito… (Isinalin mula kay Billy Graham, “Ang Araw na Darating” [“The Day to Come,” ibid., pah. 164).

Nagsasalita patunkol sa mga araw ni Noe, sinasabi ng Bibliya sa atin na,

“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati... At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila” (Genesis 6:5, 7).

At sinabi ni Hesus na “hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:39). Gusto kong pagtuunan mo ng pansin ang mga salitang iyan ni Kristo, “…dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat.”

Hindi magkakaroon ng isang baha sa katapusan ng panahong ito. Ang mundo na ating nalalaman ay magsisimulang mapunta sa isang katapusann kapag ibubuhos ng Diyos ang Kanyang poot sa “Mangkok ng mga Paghahatol” ng Apocalipsis 16:1-21. “kabagsikan ng […] kagalitan ng Diyos” ay mabubuhos sa malupit na mundong ito sa panahong iyan (Apocalipsis 16:19). Ang mundo ay hindi magiging handa para sa teribleng paghahatol na iyan. Sila’y magiging di handa gaya ng mga tao sa araw ni Noe, noong “dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat” (Mateo 24:39). Gusto kong pansinin mo ang tatlong mga bagay tungkol sa tekstong iyan, napulot mula sa dakilang sermon ni Spurgeon sa “Baha ni Noe.”

I. Una, “Dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat.”

Ang pagkasira ng Matinding Baha ay tumangay sa bawat di ligtas na tao. Lahat sila ay nalunod sa matubig na libingan. Wala ni isang di ligtas na tao ang naligtas. “Dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat” (Mateo 24:39). Yoong mga napaka yaman ay nilamon sa galit nab aha. Ang mga mahihirap ay di nakaligtas rin. Hindi, dumating ang baha at tinangay silang lahat. Ang mga may napag-aralang eskolar ng araw na iyon ay di naligtas. Ang mga ignoranteng mga tao ay nalunod rin. Sasabihin ko sa iyo kaalaman o kawalan ng kaalaman ay di makaliligtas sa iyo sa darating na araw ng poot ng Diyos!

Noong itinayo ni Noe ang daong ito ang pinaka dakilang bapor na naitayo kailan man sa panahong iyon. Ito’y isang malaking sisidlan. Ito ang isa mga kamanghangan ng mundo sa araw na iyon. Itinayo ito ni Noe sa tuyong lupa, malayo mula sa kahit anong ilog o dagat. Ang mga tao ay dumating upang tignan ito mula sa lahat ng bahagi ng mundo, tulad ng pagpunta nila sa Disneyland ngayon. Nalalarawan ko silang tinatawag si Noeng isang sira ulo. Marami sa kanila ay dumating mula sa lubos na malalayong lugar upang makita ang lubos na malaking daong. At habang sila’y dumating si Noe ay nangaral sa kanila tungkol sa padating na Baha. Tinatawag siya ng Bibliyang, “tagapangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Ngunit hindi sila napagbagong loob sa pamamagitan ng kanyang pangangaral. Hindi lamang sila tumalikod sa kanya noong nangaral siya sa kanila, kundi walang duda nila siyang kinutya. Gayon ang Baha ay dumating at tinangay sila. Kapag ang paghahatol ay dumating, walang pangungutya. Kapag ika’y bumagsak sa mga apoy ng Impiyerno, hihilingin mo na nakinig ka sa Ebanghelyo at nagtiwala kay Kristo. Ngunit ito’y magiging huli na. Ang iyong kawalan ng paniniwala ay mawawala, ngunit ito’y magiging walang hanggang huli na para sa iyong maligtas, gaya nito para sa kanila kapag “dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat.”

II. Pangalawa, noong dumating ang Baha sila’y nag-aalala lamang sa mga bagay ng mundong ito.

Sila’y napaka abala sa mga bagay ng buhay na ito na hindi sila handa para sa kawalang hanggan. Sinabi ni Kristo,

“Gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong” (Mateo 24:38).

Ang lahat na kanilang naisip ay pagsisikain, pangangasawa, at inumang mga salu-salo.

Magkakaron tayo ng magandang kasal rito mamayang gabi ng 5:30. Magkakaroon tayo ng isang salu-salo pagkatapos. Walang mali rito. Ngunit ito lamang ang mga bagay na naisip nila sa panahon ni Noe. Naisip lamang nila ang tungkol sa mga bagay ng buhay na ito. Hindi sila nagbigay ng kaisipan sa walang hanggan, at sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Sila’y katulad ng iba sa inyo, na nag-iisip na ito’y aksaya ng panahon na magpunta sa simbahan bawat Linggo. Naririnig ko na ang ilang mga kolehiyong mag-aaral, na nagpupunta upang bumisita sa ating simbahan, ay nagsasabi na kailangan nilang mag-aral sa Linggo. Bawat kabataan sa sa ating simbahan ay nasa mataas na paaralan o kolehiyo. Gayon alam nila na marami silang panahon upang mag-aral kung gagamitin nila ang kanilang oras na mahusay. Sa bawat paglilingkod binibigyan namin kayo ng isang papel na may 12 na mga punto kung paano mag-aral. Kung susundan mo ang mga puntong ito magkakaroon ka ng maraming panahon upang maging nasa simbahan bawat Linggo, at magkakaroon pa rin ng diretsong A sa iyong mga klase. Ako rin ay dumaan sa kolehiyo ng gabi, habang nagtratrabaho ng apat na pung oras kada linggo sa araw. Ngunit hindi kailan man nakaligtaang magpunta sa simbahan upang mag-aral. At pinagpala ako ng Diyos para sa paglalagay sa Kanya sa una. Bago ako magpasiyang maging nasa simbahan sa bawat paglilingkod ako’y isang mahirap na mag-aaral. Ngunit tapos noon ay gumawa ako ng pangako na maging nasa simbahan tuwing Linggo ng umaga at bawat Linggo ng gabi. Pagkatapos kong gumawa ng pangako kay Kristo nakakuha ako ng gitnang A sa Cal State L.A., kahit na ako’y nagtratrabaho ng punong oras sa araw, at kumukuha ng 3 o 4 na mga klase bawat sangkapat sa gabi! Sinabi ni Hesus,

“Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).

Sa aking sariling buhay napatunayan ko na ang pangakong ito ni Kristo ay totoo. Inilalagay ko ang Diyos muna sa pagiging nasa simbahan tuwing umaga ng Linggo at tuwing gabi ng Linggo, at tinulungan ako ng Diyos na magkaroon ng matataas na grado sa kolehiyo. Ang aking anak na si Leslie ay isang diretsong A na mag-aaral sa accounting sa Cal State Northrdige. Nagtapos siyang una sa kanyang klase, at naparangalang napili upang magbigay ng valediktoryang talumpati noong nagtapos siya. Siya rin ay di kailan man nagkaligtaang magpunta sa simbahan, ipinangako ni Kristo na ang pagpapala ng Diyos ay mapupunta sa ating mga buhay!

Ngunit ang mga tao sa araw ni Noe, at sa ating panahon, ay iniisip na ito’y kahangalan. Iniisip nila na kailangan nilang maggugol ng daan-daang mga oras sa paglalaro ng mga videyong laro at panonood ng marahas, na sekswal na mga pelikula. Para sa kanila, iyan ay mas higit na mahalaga kaysa sa paglalagay sa Diyos muna sa pagiging nasa simbahan. Ngunit nakabasa ako ng isang artikulo noong huling linggo na nagsabi na ang pornograpiya ay kasing nakaka-adik gaya ng makapangyarihang droga. Minsan na ika’y maadik rito ito’y talagang imposible na maging malaya mula rito muli! Si Kristo lamang ang makapalalaya sa iyo – at kapag mangangako ka lamang na ang iyong buhay ay magiging lubos na sa Kanya! Yoong mga nagpapatuloy na tanggihan si Kristo ay magbabayad ng mabigat na presyo para sa kanilang makasalanang materiyalismo at pagkamakamundo. Kapag ang paghahatol ng Diyos ay babagsak sa mundo sila’y di magiging handa. Ang mga tao ng araw ni Noe ay hindi handa noong, “dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:39). Sinasabi ng Bibliya, “Humanda kang salubungin mo ang iyong Dios” (Amos 4:12). Handa ka bang harapin ang Diyos? O mapapadala ka ba sa Impiyerno, kung saan “hindi namamatay ang apoy”? (Marcos 9:44). “Dumating ang paggunaw at tinangay silang lahat.”

III. Pangatlo, ang lahat na nasa daong ay ligtas noong ang Baha ay dumating.

Sinabi ni Spurgeon, “Walang nahulog mula sa [daong]; walang nakaladkad papalabas; walang namatay rito; walang naiwanan upang [mamatay] sa loob nito. Lahat sila’y napreserba sa loob nito… Ang arko ay nagpreserba sa kanilang lahat, at kaya ganoon rin na iprepreserbahin ni Hesus ang lahat na nasa kanya. Sila’y walang hanggang ligtas. Wala sa kanila ay mamamatay, ni na ang kahit sino ay mapipigtas mula sa kanyang kamay” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Baha ni Noe” Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito “Noah’s Flood,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1976 inilimbag muli, kabuuan XIV, p. 431).

Noah’s ark is a type, or picture, of salvation in Christ. We read in Hebrews 11,

“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan…” (Mga Taga Hebreo 11:7).

Si Noe at kanyang pamilya ay naligtas dahil nagpunta sila sa loob ng daong para sa kaligtasan bago ng paghahatol ng Baha ay sumira sa mundo. Dahil ang pamilya ni Noe ay sumunod sa kanya sa daong, sila’y naligtas rin. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos

“…ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe…[dinadala] ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).

Ang mga matatandang kumentador ay nagsabi na ang daong ay isang larawan ng simbahan. Iyan ay sa kalakihang tinatanggihan ngayon, ngunit naiisip ko na ang mga lumang mga eskolar ay mayroong mabuting punto. Sa ika’tlong siglo ang eskolar na si Cyprian (200-258) ay nagsabi, “Walang kaligtasan sa labas ng simbahan.” Sinabi rin ni John Calvin ang dakilang Tagareporma ang parehong bagay. Iniisip ko na may punto sila. Sinabi ni Dr. A. W. Tozer (1897-1963), “Walang paglilingkod na katanggap-tanggap sa Diyos sa panahong ito na hind nakasentro sa at lumalabas mula sa simbahan…Sinoman ang nauuyam sa lokal na simbahan ay nauuyam sa katawan ni Kristo” (isinalin mula kay A. W. Tozer, D. D., “Ang Mahalagang Lugar ng Simbahan” [The Vital Place of the Church”], mula sa Sinasabi ng Diyos sa Taong may Pag-aalalal [God Tells the Man Who Cares], isinipi mula kay Warren W. Wiersbe, Ang Pinaka Mahusay ni A. W. Tozer [The Best of A. W. Tozer], Baker Book House, 1978, pp. 64, 65).

Kaya sa isang diwa ang daong ay isang larawan ng simbahan. Sinabi ko “Sa isang diwa,” dahil maari kang magpunta sa simbahan at hindi pa rin naliligtas. Maraming mga tao na nagpupunta sa simbahan ay hindi mga tunay na Kristiyano.

Ako’y tiyak na ang isang matinding bilang nga mga nawawalang mga tao, ay marahil libo-libo pati s akanila ay dumating upang makita ang daong. At nararamdaman kong kapantay na tiyak na marami sa mga taong ito ay aktwal na nagpunta sa daong. Walang duda wilang lumakad sa estraktura, tinitignan ang iba’t ibang mga silid, umakyat at bumaba, mula sa isang lapag papunta sa iba. At gayon hindi nila ipinangako ang kanilang sarili sa pag-iingat ng daong. Sila’y dumating at umalis. Minsan sila’y naroon, at ibang panahon sila’y wala roon Wala sila sa daong noong dumating ang Baha, kaya sila’y namatay.

Nagpupuntang lubos sa daong, at namamalagi roon, ay isang larawan ng isang di ligtas na tao na nagpupuntang lubusan sa simbahan, nagtitiwala kay Hesu-Kristo, at namamalagi sa Kanya. Isinasalin ng NIV ang mga salita ni Kristo sa Juan 15:6 tulad nito, “Kung hindi ka mananatili sa akin, ika’y tulad ng isang sangay na naitapon…sa apoy at nasunog.” Kaya, yoon lamang mga lubos na nagpupunta kay Kristo, at nanatili sa Kanya, ay naliligtas.

Madalas ang mga tao ay nagpupunta sa simbahan bago nila seryosohin ang Ebanghelyo at maligtas. Iyan ang klasikal na paraan na ang mga tao ay naliligtas, sa kaliitan bago ng apostasiya ngayon ay nagbunga ng kalituhan sa mga bagay na ito. Marami sa inyo ay narito sa simbahan, ngunit hindi pa rin nagtiwala kay Hesus. Maaring sabihin ko sa iyo na kasing tapang ng posible – ang pagpupunta sa simbahan lamang ay hindi makatutulong sa iyo kapag ang araw ng paghahatol ay dumating. Si Hesus ay nagsalita patungkol sa isang taong nagpunta sa isang nakikitang simbahan, ngunit walang barong pangkasal. Sinabi ng hari sa taong iyon, “Ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan?” Ang tao ay walang masabi. Tapos ang hari ay nagsabi, “Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 22:12,13). Makakukuha ka lamang ng “damit-kasalan” sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Hesus. Kung tatanggi kang magpunta sa Kanya, walang pag-asa na makatatakas sa mga paghahtol na parating sa mundong ito. Kung tatanggi kang magpunta kay Hesus hindi ka makatatakas sa walang hanggang apoy ng Impiyerno.

Tiyak ako na mayroong mga di ligtas na mga karepintero at mga trabahador, at mga primitibong mga inhinyero, na nagtrabaho kasama ni Noe habang ang daong ay ginagawa. Ngunit hindi sila nagtiwala sa daong. Alam nila ang lahat tungkol rito. Ngunit hindi nila ipinagkatiwala ang kanilang sarili rito. Sila’y katulad ng iba sa inyo na nagpunta sa simbahan ngunit hindi nagpunta kay Hesus. Binabalaan kita, kung magpupunta ka sa simbahan, ngunit tatangging magtiwala kay Hesus, ika’y magugulat ng lubos kapag ika’y ipapadala Niya palayo sa mga apoy ng Impiyerno. Sinabi ni Kristo Mismo,

“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga... nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22, 23).

Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Ngunit kung tatangi kang magtiwala sa Kanya, ika’y magiging nasa labas ng daong ng kaligtasan kapag ang paghahatol ay dumating. Ibinuhos Niya ang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng bagong pagkapanganak, pati buhay na walang hanggan, ngunit kung hindi ka magtitiwala sa Kanya ika’y gugugol ng walang hanggan sa apoy na hindi kailan matitila. Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong umaga – magpunta kay Hesus, ang Anak ng Diyos, bago ito huli na para sa iyo! Gaya ng kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lamang kanina, “Sa mga panahong tulad nito, kailangan mo ng isang Tagapagligtas.”

Kung gusto mong magtiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upungan ngayon at maglakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo at makapagdarasal. Kung gusto mong maging isang tunay na Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dr. Chan paki panalangin para sa isang taong magtiwala kay Hesus at maligtas ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 24:32-42.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito.” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1902-1972).


ANG BALANGKAS NG

ANG NAGTITIPONG BAGYO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39).

(I Mga Taga Tesalonica 5:3; II Ni Pedro 3:10; Mateo 24:3;
Genesis 6:5, 7; Apocalipsis 16:19)

I.   Una, “Dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat,”
Mateo 24:39; II Ni Pedro 2:5.

II.  Pangalawa, noong dumating ang Baha sila’y nag-aalala lamang sa
mga bagay ng mundong ito, Mateo 24:38; 6:33; 24:39;
Amos 4:12; Marcos 9:44.

III. Pangatlo, ang lahat na nasa daong ay ligtas noong ang Baha ay
dumating, Mga Taga Hebreo 11:7; II Ni Pedro 2:5; Juan 15:6;
Mateo 22:12, 13; Mateo 7:22, 23.