Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG SEKRETO NG MULING PAGKABUHAY SA TSINA
(ISANG PANGARAL NA IBINIGAY SA GITNANG TAGLAGAS NA PISTA)

THE SECRET OF REVIVAL IN CHINA
(A SERMON GIVEN AT THE CHINESE MID-AUTUMN FESTIVAL)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-22 ng Setyembre taon 2013

“Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipos 3:7-8).


Sinasabi ng berso pito sa atin kung paano naligtas si Pablo,

“Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo” (Mga Taga Filipos 3:7).

Ang kanyang buhay ay nakabali-baligtad noong siya’y napagbagong loob. Ang akala niyang mabuti, nabilang niya bilang masaman. Bago siya napagbagong loob kinamuhian niya ang mga Kristiyano. Ngunit noong siya’y napagbagong loob tinanggihan niya ang kanyang di paniniwala at inilagay ang kanyang buong pananampalataya kay Hesu-Kristo.

Mayroong paglipas ng panahon sa pagitan ng mga berso 7 at 8. Ito ang panahon sa pagitan ng pagbabagong loob ni Pablo at ang panahon na kanyang isinulat ang sulat na ito sa mga taga Filipos. Sa loob ng panahong ito nagpunta siya sa kanyang misyonaryong mga paglalakbay. Ngunit ngayon siya na ay nasa bilangguan sa Roma, at sinabi niya,

“Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipos 3:8).

Sinabi ni Pablo na nabuhay siya para kay Kristo simula ng araw na siya’y napagbagong loob. Nagdusa siya ng pagkawala ng lahat ng mga bagay. Ngunit ang mga bagay na nawala niya ay naisaalang-alang na walang halaga – wala kundi sukal. Iyan ay isang malakas na wika! Itinapon niyang lahat ang lahat ng mga bagay na dati niyang iniibig sa pababa sa kubeta. Hinanap niya lamang si Kristo! Ang inakala niya na ang pinaka mahalagang bagay sa buhay, ngayon ay itinapon niya sa basurahan! Si Kristo lamang ang kanyang layunin at hangarin sa buhay!

Noong ako ay isang binata pa nagpunta ako sa bahay ng ilang mga kamag-anak. Marami silang pera. Ngunit mukha silang walang laman at huwad sa akin. Sa tinggin ko ipinakita sa akin ng Diyos ito. Mayroon sila ng lahat ng mga bagay – ngunit hindi sila masaya. Naisip ko, “Walang kahit ano ang mga taong ito na gusto ko.”

Ilang taon maya-maya madalas akong magpunta sa isang bahay kung saan maraming matatanda at nagretiro nang mga misyonaryo ay naninirahan. Nakikita ko ang kanilang mga mukha sa aking isipan kahit ngayon. Sila’y napaka mapayapa, at napaka ligaya! Hindi sila nag-aari ng kahit anong mga bagay sa mundong ito. Kinailangan nilang mabuhay sa isang tahanan para sa mga misyonaryo, dahil wala silang mga tahanan ng sarili nila. Ngunit mayroon silang isang bagay na wala ang aking mga mayaymang kamag-anak – sila’y masaya sa kanilang buhay. Mayroong islang kapayapaan sa kanilang mga puso. Natandaan ko ang isang napaka tandang lalake na may maganda, at purong puting buhok na nasuklay palikod. Ang kanyang pangalan ay Gg. Foxe. Mayroon siyang malalim na asul na mga mata, at mahinhong tinig. Siya’y naging misyonaryo sa Tsina bago namuno ang mga Komunista. Natandaan ko iniisip na, “Gusto kong maging tulad niya kapag matanda na ako, hindi tulad ng aking mayayamang mga kamag-anak.”

Natandaan kong nagpupunta sa isang bahay sa sakop ng Long Beach noong mga taon 1962. Ito’y puno ng mga tao – nagsisiksikan sa bawat pulgada ng lugar. Tapos si Gladys Aylward ay dumating upang magsalita. Siya’y isang napaka tanyag na misyonaryo sa Tsina. Siya na ngayon ay lampas ng pitom-pu’t limang taong gulang. Mayroong siyang pinaka masayang mga mata na sa tinggin ko ay aking nakita! Wala siyang inaaring isang bagay. Wala siyang pera. Ngunit mayroon siyang ligaya na hindi kailan man nakilala ng aking mayayamang mga kamag-anak. Natandaan kong naiisip, “Ayokong maging tulad nila. Gusto kong maging tulad ni Bb. Aylward.” Nagpunta sa siya sa Tsina upang maging misiyonaryo bilang isang batang babae. Siya ay isa sa mga huling misyonaryo sa Tsina. Hindi siya umalis hanggang sa taon 1952. Noong umalis siya ng Tsina dinala niya ang isang malaking grupo ng mga Tsinong bata kasama niya, inilalagay sa panganib ang kanyang buhay habang kanya silang dinala sa mapanganib na mga bundok sa kapayapaan. Ginawang pelikula ito ng Hollywood, “Ang Otel ng Ika-anim na Kaligayahan” [“The Inn of the Sixth Happiness”]. Pinalitan nila itong kaunti, ngunit ang mahalagang kwento ay nasa pelikula. Natutunan niya ang sekreto ng pagtalikod sa sarili na tinukoy ni Apostol Pablo,

“Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipos 3:7-8)..

Binuhay ni Bb. Aylward ang kanyang buhay tulad ng kanta ni Dr. Rice,

Lahat ng pag-ibig ng aking puso, lahat ng iniibig kong hangarin –
   Gawin sila, Panginoong Hesus, para lamang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, ang lahat na ako’y maging –
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo magpakailan man.
(“Ang Lahat ng Iniibig ng Aking Puso.” Isinalin mula sa
      “All My Heart’s Love” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Ang aking pastor, si Dr. Timothy Lin, ay dumating Estados Unidos mula sa Tsino sa taon 1940 upang makakuha ng Masters na digri sa teyolohiya, at isang Ph.D. sa Hebreo at kaugnay na mga wika. Naggaling siya mula sa pagtuturo sa pagtatapos na paaralan ng Unibersidad ng Bob Jones upang maging pastor ng Unang Tsinong Bautistang Simbahan noong taon 1961, ilang buwan pagkatapos akong sumapi sa simbahang iyan bilang isang labing siyam na taong gulang na batang lalake. Bininyagan ako ni Dr. Lin pagkatapos ng aking pagbabagong loob sa Kolehiyo ng Biola. Pinangunahan niya rin ang komite na nagordina sa akin bilang isang ministor, sa Tsinong simbahan, noong taon 1972. Ito’y aking matinding pribilehiyo na maging naroon sa kanyang simbahan sa panahon ng ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay, simula ng huling bahagi ng taon 1960, at nagpatuloy sa mga taon 1970. Ako’y naroon sa maraming puno-ng Espiritong panalanging pagpupulong, at pagpupulong ng bukas na pagkukumpisal at mga testimony, madalas nagpapatuloy ng maraming mga oras, huli na sa gabi. Nagkaroon ako ng pribilehiyo ng pangangaral sa marami sa mga pagpupulong na iyon sa loob ng muling pagkabuhay. Sa isa sa mga pagpupulong noong nangaral ako 46 ng mga kabataan ang nagtiwala kay Kristo. Karamihan sa kanila ay nagpupunta pa rin sa simbahang iyon ng lampas sa apat na pung taon maya maya. Itinuro sa amin ni Dr. Lin na ang tunay na muling pagkabuhay ay maaring dumating sa isang simbahan kung ang mga miyembro ay banal at nananalangin na walang tigil para sa presensya ng Diyos sa kanila.

Si Dr. Lin ay di kailan man naging mala-Amerikano. Lagi siyang kumilos tulad ng isang pastor sa Tsina. Siya ay ganap na dedikado kay Kristo sa kanyang buhay. Gumugol siya ng maraming oras sa pag-aayuno at panalangin. Naniniwala ako na ito ang dahilan na nakapagpadala ang Diyos ng isang muling pagkbuhay, at ang simbahan ay lumago mula sa 80 noong sinapian ko ito noong 1961, hanggang sa maraming libo sa panahon na ang muling pagkabuhay ay natapos. Tapos si Dr. Lin ay nagpunta upang maging pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo [China Evangelical Seminary] sa Taiwan. Kung gayon nagkaroon ako ng pribilehiyo bilang isang binata na maging naroon sa pagkilos ng Diyos na sa maraming paraan ay kapareho ng mga muling pagkabuhay na dumating sa mga “bahay simbahan” sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Ako’y isang saksi sa muling pagbuhay na hindi ko pa kailan man nakikita, maliban sa isa pang pagkakataon sa isang mas maliit na sukat sa isang Kaukasyang simbahan. Ang muling pagkabuhay ay hindi dumating sa simbahan ni Dr. Lin sa pamamagitan ng paggamit ng mananalita sa labas o mga espesyla na pamamaraan. Dumating ito sa loob ng matinding pangungumpisal ng mga kasalanan, mahahabang panalangin, at maapoy na mga pangangaral ng kasalanan, paghahatol, at pagkakait sa sarili at ang krus ni Kristo! Isa sa mga kanta na paulit-ulit naming kinanta sa muling pagkabuhay ay ang “Mas Maputi Kaysa sa Niyebe” [Whiter Than Snow].”

Panginoong Hesus, hinahangad kong maging ganap na buo;
   Gusto ko Ikaw na mabuhay magpakailan man sa aking kaluluwa;
Sirain ang bawat idolo, itapon ang bawat kalaban;
   Ngayon hugasan ako, at ako’y magiging mas maputi kaysa sa niyebe.

Panginoong Hesus, tumingin mula sa Iyong trono sa mga ulap,
   At tulungan akong gumawa ng isang ganap na alay;
Isinusuko ko ang aking sarili, at anumang alam ko,
   Ngayon hugasan ako, at ako’y maging mas maputi kaysa sa niyebe.
Mas maputi kaysa sa niyebe, mas maputi kaysa sa niyebe;
   Ngayon hugasan ako, at ako’y magiging mas maputi kaysa sa niyebe.
(“Mas Maputi Kaysa sa Niyebe.” Isinalin mula sa
      “Whiter Than Snow” ni James Nicholson, 1828-1896).

Upang maranasan ang tunay na pagbabagong loob, at tunay na muling pagkabuhay, dapat nating sundan ang halimbawa ni Pablo, na nagsabing,

“Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipos 3:7-8).

Lahat ng pag-ibig ng aking puso, lahat ng iniibig kong hangarin –
   Gawin sila, Panginoong Hesus, para lamang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, ang lahat na ako’y maging –
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo magpakailan man.

Tumayo at kantahin ito kasama ko!

Lahat ng pag-ibig ng aking puso, lahat ng iniibig kong hangarin –
   Gawin sila, Panginoong Hesus, para lamang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, ang lahat na ako’y maging –
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo magpakailan man.

Maari nang magsi-upo.

Iniulat ng World na Magasin (Ika-5 ng Agosto, 2013) na si Pastor Samuel Lamb (1924-2013) ay namatay na noong huling buwan, noong ika-3 ng Agosto, 2013 sa edad ng 88. Isa siya sa mga pastor ng pinaka tanyag na “bahay simbahan” sa Tsina. Si Pastor Lamb (Lin Xiangao sa Tsino) ay ang anak ng isang Bautistang ministor. Ipinangaral niya ang kanyang unang pangaral noong siya’y 19. Habang ang Tsina ay bumagsak sa ilalim ng Komunistang pamumuno ni Mao Zedong, dinakip ng mga awtoridad si Lamb noong 1955. Siya ay sinakdal kasama ng “anti-rebolusyonaryong” kilos ng pagtatangging sumapi sa Komunistang tinaguyod ng “Three-Self Church.” Tumanggi siyang salihan ito dahil ang Komunistang pinatakbong simbahan ay pinagbabawal ang pagtuturo ng mga minor de edad na mga 18 mga taong gulang, at hindi pinapayagan ang pastor nitong mangaral sa muling pagkabuhay ni Kristo at Kanyang Panglawang Pagdating. Pagkatapos ng dalawang taon sa bilangguan, siya ay pinakawalan noong taon 1957. Limang buwan maya-maya siya ay inaresto muli at ipinadala sa isang kampo ng gawaan sa loob ng 19 na mga taon. Ang kanyang asawa ay nangailangang magtrabaho sa isang minahan ng uling, kung saan siya ay namatay habang siya ay nasa bilangguan.

Pagkatapos ng higit sa 20 taon sa likod ng mga rehas, siya ay pinakawalan. Agad-agad muling binuksan ang kanyang “bahay simbahan” sa Guangzhou. Gayon man tumanggi pa rin siyang sumapi sa Komunistang pinatakbong “Three-Self Church.” Ipinilit niya na ang mga Kristiyano ay dapat sumunod sa gobyerno maliban na lang kung kinokontra nito ang Bibliya. Ngunit sinabi niya, “Ang batas ng Diyos ay mas mahalaga kaysa sa batas ng tao.”

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang bahay simbahan ay lumago mula sa 400 na mga miyembro noong 1997 hanggang sa 4,000 ngayon. Isang news clip na isinapelikula sa loob ng simbahan noong 2011 ay nagpapakita kay Pastor Lamb na nangangaral sa isang masikip na silid. Isang videyong live ay nagpakita ng sermon sa maraming iba’t-ibang mga silid sa gusali. Bawat silid ay puno ng mga miyembro ng kanyang kongregasyon. Noong ang paglilingkod ay natapos malaking kakapalan ng tao ay nagpilahan sa mga pintuan at pinuno ang mga kalye sa paligid ng gusali.

Alam ng mga komunistang awtoridad ang tungkol sa di narehistrong simbahan na ito, ngunit hindi na sinubukang isara ito. Noong 1997 sinabi ni Pastor Lamb sa Amerikanong kolumnistang si Cal Thomas na ito’y dahil natutunan na nila ang kanilang aral. Sinabi niya, “Bawat pagkakataon na ako’y kanilang inaresto at ipinadala sa bilangguan, ang simbahan ay lumago. Ang pag-uusig ay mabuti para sa atin. Mas higit nila kaming iniusig, mas lalong lumago ang simbahan. Iyan ang naging kasaysayan ng simbahan.”

Ang ugali ng Tsina tungo sa mga bahay simbahan ay nag-iiba mula sa rehiyon kada rehiyon. Habang ang ilang, tulad ng simbahan ni Pastor Lamb, ay nagtatamasa ng kaukulang kapayapaan, ang iba ay humaharap pa rin ng panliligalig. Noong Hulyo (2013) sinalakay ng Komunistang polis ang dalawang bahay simbahan sa probinsya ng Xinjiang. Inaresto nila ang pinuno at minultahan siya dahil sa isang “illegal na pagpupulong.”

Si Pastor Lamb ay madalas na nagsabi sa bahay simbahang mga pinuno sa Tsina na ang pagdurusa ay isang bahagi ng Krisityanong buhay. Sinabi niya, “Dapat tayong maging handang magdusa. Dapat tayong maging handa sa katotohanan na maari tayong maaresto. Bago ako ipinadala sa bilangguan, naghanda na ako ng isang bag ng mga damit, at sapatos at isang sipilyo. Ngayon ang mga awtoridad ay hindi na nanggugulo sa amin, ngunit bukas ay maaring iba ang mga bagay. Nananalangin ako na matatanggap natin ang lakas upang tumayong matatag.” Si Pastor Lamb ay kilala para sa pagsasabing, “Mas higit na pag-uusig, mas higit na paglago.”

Ngayon konserbatibong tinatantya na mayroong higit sa 100 milyong mga Kristiyano sa mga bahay simbahan ng Tsina. Ang mga ito ay matatagpuan sa bawat bahagi ng Tsina, kasama ng malalaking mga siyudad, at mga unibersidad. Tinatantya na mayroong 1 sa bawat 10 mga mag-aaral sa pangunahing mga unibersidad ay ngayon mga Kristiyano na, na mayroong libo-libong mga bagong napagbagong loob bawat taon! Kasama nito ang mga propesyonal na mga tao, mga doktor, mga abogado, mga propesor, at pati ilang mga Komunistang opisyales (tignan si David Aikman, Ph.D., Si Hesus sa Beijing: Paano Binabago ng Kristiyanismo ang Tsina at Binabago ang Globong Balanse ng Kapangyarihan [Jesus in Beijing: How Christianity is Transforming China and Changing the Global Balance of Power], Regnery Publishing, Inc., 2003; papel na likod na edisiyon inilimbag noong 2006).

Ang aklat ni Dr. Aikman ay inihahandog sa “Alaala ng lahat ng mga Kristiyano, Tsino at banyaga, na namatay sa Tsina bilang mga martir para sa kanilang pananampalataya, mula A.D. 635 hangang sa Makabagong Panahon.” “Ang Lahat ng Iniibig ng Aking Puso” – kantahin ito!

Lahat ng pag-ibig ng aking puso, lahat ng iniibig kong hangarin –
   Gawin sila, Panginoong Hesus, para lamang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, ang lahat na ako’y maging –
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo magpakailan man.

Ang mga muling pagkabuhay na mga muling pagkabuhay ay napaka maliwanag na umaapoy at milyon-milyon ay nagpupunta kay Hesus sa Tsina. Ngunit hindi dapat natin kailan mang kalimutan ang dugo, pawis at mga luha na ibinhos upang ihanda ang daan para sa pagpapala ng Diyos na parating sa kanila. Narito ang kwento ng tatlong mga Tsinong pastor. Literal na sinundan nila ang halimbawa ni Pablo, sa “pag-aaring sukal ang lahat ng mga bagay” na kanilang “matamo si Kristo.”

Una, ay isang walang pangalang pastor mula sa taon 1960, sa loob ng kaduguan ng “Rebolusyong Kultural.” Ang pastor na ito ay mayroong isang silong nakatali sa kanyang leeg at pinuwersa ng mga Komunista na tumayo sa ibabaw ng tatlong mesa na nagkapatong-patong. Ang asawa, mga anak, at mga kamag-anak ng pastor ay tinawag ng polis upang masaksihan ang eksena. Sinabi ng opsiyales sa kanya, “Mayroong kang dalawang mapagpipiliian! Ang piliin mong magpatuloy na paniwalaan si Hesus, o na ikaila mo si Hesus. Pumili ka ngayon na!”

Tumingin ang matandang pastor sa mga mata ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit alam niya ang dapat niyang gawin. Sinabi niya, “Kahit putulin mo ang aking ulo at tatakpan ng aking dugo ang lupa, hindi ko kailan man ikakaila si Hesus.” Agad-agad sinipa ng opisyales ang pinaka ilalim na mesa, sinasanhing gumuho ang istraktura, Sa isang sandali ang silo ay humigpit sa kanyang lalamunan at ang pastor ay nagpunta upang makasama ni Hesus magpakailan man (isinalin mula sa Nabubuhay na Tubig [Living Water], Zondervan, 2008, p. 17).

Pangalawa, ibibigay ko sa inyo ang kaunti pa sa kwento ni Pastor Samuel Lamb. Siya ay pinakawalan pagkatapos ng isang taon sa bilangguan, noong mga taon ng 1957, noong siya’y 33 taong gulang! Siya sinabihan na huwag mangaral na. Ngunit sa loob ng ilang buwan siya ay nangangaral gayon pa man! Inaresto siya muli’t muli at binigyan ng dalawampung taong sentensya sa bilangguan. Ipinadala nila sa minahan ng uling ng dalawangpung taon ng mahirap na trabaho sa isang napaka lamig na klima. Karamihan sa mga bilanggo ay namatay, ngunit kahit papaano nabuhay siya sa lahat ng mga ito sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Noong siya’y pinakawalan siya ay sinabihan na ang kanyang asawa at ama ay namatay na. Ang kanyang ina ay lubos na may karamdaman at namatay sa loob ng maikling panahon pagkatapos. Imbes na subukang tumakas mula sa Tsina at magpunta sa Hong Kong, o saan mang lugar na mas madali, si Pastor Lamb ay bumalik sa Guangzhou, ipinagsama-sama ang kanyang mga dating mga miyembro, at binuksan ang kanyang lumang simbahan muli. Sa kabila noong mga teribleng mga taon ng bilanggo, at pagkawala ng pamilya, mayroon siyang masayang mukha noong nakita ko siyang nangangaral sa isang videyo hindi katagalan lang (Isinalin mula sa Pulang-pulang Krus [Crimson Cross], inilimbag ng Balik sa Jerusalem [Back to Jerusalem], 2012, pah. 65, 66).

Pangatlo, ang aking sariling pastor, si Dr. Timothy Lin (1911-2009). Ang unang asawa ni Dr. Lin at anak na babae ay binaril sa harap niya ng mga Hapones na mga kawal di katagalan bago ng Pangalawang Makamundong Digmaan. Ang kanyang pangalawang asawang si Gracie ay aking kaibigan. Kasama siya ni Dr. Lin noong siya’y nangangaral sa isang Tsinong Presbyteryanong simbahan sa San Francisco. Isang hapon bago ng paglilingkod si Gng. Lin ay nagka-stroke. Sinamahan niya siya sa isang ambulansya patungo sa ospital. Namatay siya ilang oras maya-maya. Agad-agad sumakay ng isang taksi si Dr. Lin patungong simbahan at nangaral, gaya ng plano. Pagkatapos ng sermon ang mga tao sa simbahan ay nagulat na malaman na ang kanyang asawa ay namatay ilang minuto lamang bago nagsimula ang paglilingkod. Alam ko kung gaano kamahal ni Dr. Lin ang kanyang asawa. Noong narinig ko ang kwento iyan gumawa ito ng di nabuburang impresyon sa akin. Hindi ko na kailan man muling matignan ang minitro bilang isang simpleng “trabaho” lamang. Alam ko mula sa halimbawa ni Dr. Lin na ang pagiging pastor ay isang buhay o kamatayang pangako!

Iyan ay tatlong mga kwento ng mga matatandang Tsinong mga pastor na inaari ang lahat “na sukal” na kanilang “matamo si Kristo.” Mga kabataan sa Amerika ay madalas mayroon ang halimbawa ng mga tamad at makamundong mga pastor sa kanilang mga isipan. Iyan ang isa sa mga pangunahing dahilan na walang muling pagkabuhay sa Amerika. Ngunit ang mga kabataan sa Tsina ay mayroong nag-aalay ng sariling halimbawa ng mga kalalakihan tulad noong tatlong mga pastor na iyon sa kanilang mga puso. Di nakapagtataka na sila’y handang ialay ang lahat para sa sanhi ni Kristo! Di nakapagtataka na ang mga kabataang mga Kristiyano sa Tsina ay makapagsasabi kasama ni Pablong, “tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipo 3:8). Di nakapagtataka na nararanasan ng Tsina, ngayon, ang pinaka matinding muling pagkabuhay sa kasaysayan ng Kristiyanismo.

Ikaw ba’y magiging tulad nila? Aariin mo bang sukal lamang ang lahat ng mga bagay upang iyong matamo si Kristo”? Anong pumipigil sa iyo mula kay Kristo? Iariin itong sukal! Arrin itong sukal! Namatay si Kristo sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan, at bumangong pisikal mula sa pagkamatay sa pangatlong araw upang bigyan ka ng buhay. Ilalaan mo ba ang iyong buhay kay Kristo ngayon? Kantaihn ito muli!

Lahat ng pag-ibig ng aking puso, lahat ng iniibig kong hangarin –
   Gawin sila, Panginoong Hesus, para lamang sa Iyo.
Ang lahat ng ako, ang lahat na ako’y maging –
   Kunin ako, Panginoong Hesus, Iyo magpakailan man.

Kung gusto mong kaming kausapin patungkol sa pagiging isang tunay na nag-aalay ng sariling Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyu ngayon na. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid para sa panalangin at pagpapayo. Kung interesado ka sa pagiging isang tunay na Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Kristo ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Filipos 3:7-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lahat ng Iniibig ng Aking Puso.” Isinalin mula sa
“All My Heart’s Love” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).