Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TARGET! ANG BAGAY! ANG TAO!

THE TARGET! THE OBJECT! THE PERSON!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Agosto taon 2013

“Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).


Gaya ng dati, marami sa mga miyembro ng aming simbahan ay nagbakasyon nitong tag-araw ng ito. Gaya ng dati, nagpunta sila sa ibang mga nananampalataya sa Bibliya mga simbahan habang sila’y malayo. At gaya ng dati, sila’y bumalik na may masamang ulat. Hindi ito masyado na sila’y kritikal, kundi sila’y nag-aalala. Isang mag-asawa ay dinala ang kanilang mga anak nagpunta sa limang iba’t-ibang mga Bautistang simbahan sa silangan. Sinabi ng maybahay sa akin, “Dr. Hymers, wala ni isa sa mga mangangaral na iyon ay nagsalita tungkol kay Kristo o nagpaliwanag ng Ebanghelyo.” Ang aking anak at ang kanyang bagong maybahay ay nagpunta rin sa dalawang mga simbahan, malayo sa Kanluran. Sinabi niya sa akin, “Papa, ang mga pastor ay nagturo ng Bibliya na para bang ang lahat ay ligtas. Ngunit wala sila sinabi tungkol kay Hesus o sa Ebanghelyo.” Paki intindihin na hindi ko lamang sinasabi ito upang maghanap ng sisi. Sinasabi ko ito upang palakasin ang loob ng mga batang mga mangangaral na magsabi ng higit pa tungkol kay Hesus sa kanilang mga sermon. Iyan ang matinding pangangailangan nitong madilim na panahon na ito – si Hesu-Kristo at Siyang napako sa krus!

Ang ating mga tao ay naturuan ko na huwag maging masyadong kritikal ng ibang mga simbahan. Ngunit sila’y nagugulat na si Hesus Mismo ay hindi halos nabanggit. Nag-aalala lamang sila dahil hindi nila narinig ang Ebanghelyo – ay hindi manlang naidagdag sa katapusan ng maraming noong mga sermon na iyon! Isa aming mga tao ay nagsabi sa akin, “Paano nalalaman ng mga pastor na iyon na ang lahat ay ligtas? Mayroong ibang mga bisita doon. Paano nila nalalaman na sila’y mga Kristiyano?” Isa pang tao ang nagsabi sa akin, “Pastor, nanabik akong marinig kang mangaral tungkol kay Hesus.”

Ang aking sariling teyorya ng pangangaral ay simple – “Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2). Ngayon hindi niyan ibig sabihin na iniiwasan ko ang ibang mga paksa. Hindi talaga! Halimbawa, sa ngayong gabing sermon ko tatalakayin ko ang magka-ibang pananaw ng mga psikolohistang sina Freud at Jung patungkol sa pinagmulan ng relihiyon. Tapos ibibigay ko ang sinasabi ng Bibliya tungkol rito. Pag-uusapan ko rin ang patungkol sa pagbabalik sa dati ng mga Hudyo, at ang teyolohiya ng biyaya. Ngunit ang lahat ng sasabihin ko ay tuturo tungo sa sentral na mensahe ni Kristo at ng Krus! Gaya ng paglagay ni Apostol Pablo nito,

“Ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas. Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababaitSaan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral. Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan: Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan; Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios. Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:18-24, 29-31).

Iyan ang pokus ng ating pangangaral!

“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).

“Ngunit kung gagawin mo iyan, magkakaroon ka ng mga mahihinang mga Krisityano,” ang sabi ng ibang mga makabagong mangangaral! Walang kabuluhan! Mailalagay ko ang aming mga tao laban sa kanyang mga tao ng para sa pagpaparis ano mang oras! Ang lahat ng aming mga tao ay nagpupunta tuwing Linggo ng umaga at Linggo ng gabi. Mayroon kaming tatlong pangunahing mga pagpupulong ng panalangin tuwing linggo. Ang lahat ay nagpupunta kahit isa sa mga ito, at marami ay nagpupunta ng higit sa isa sa mga ito. Lahat ng aming mga tao ay nagpupunta at nagwawagi ng mga kaluluwa. Lahat sila ay nagbibigay ng katiting ng bahagi ng kanilang kita. Lahat sila ay masigasig patungkol sa pamumuhay ng Kristiyanong buhay! Kaya sinasabi ko kasama ng dakilang si Spurgeon, “Hindi ba si Kristo at siyang napako sa krus ang bagay na ikabubuhayan at bagay na ipakamamatay?...Kapag ang tao ay nalulumbay saan siya tumitingin? Kung siya ay isang Kristiyano, saan siya tumatakbo? Saan talaga kundi kay Hesus na napako sa krus?” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Tao ng Isang Paksa,” [“The Man of One Subject”], Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, kabuuan XXI, p. 647).

Si Spurgeon ay mayroon noong pinaka malaking Bautistang simbahan sa mundo ng kanyang panahon. At halos lahat ng kanyang mga sermon ay ebanghelistiko – at bawat isa ng kanyang mga sermon ay nagsabi sa mga makasalanan kung paano maligtas ni Hesus. Ang kanyang mga sermon ay lahat naka sentro kay Kristo! Ang kanyang mga sermon ay laging naka diin sa mensahe ng Krus! Hiling ko sa Diyos na magkaroon tayo ng mas marami pang mga simbahan na tulad niyan ngayon! Pastor, kung gusto mong malaman kung paano ipangaral si Kristo bawat Linggo, basahin si Spurgeon! Sinabi ni Dr. W. A. Criswell, ang dakilang mangangaral ng Dallas, Texas,

Walang nang mas dakilang espiritwal na o homiletikal na pagpapala sa kasalukuyang henerasyon na ito kaysa ang muling publikasyon ng [mga pangaral ni Spurgeon]. Si Spurgeon ay isa sa mga pinaka dakilang mangangaral ng lahat ng panahon, ang kanyang mensahe ay mahalaga sa lahat ng mga henerasyon (W. W. Criswell, Ph.D., ang dyaket na takip ng Metropolitanong Tabernakulong Pulpitlo, Pilgrim Publications, kabuuan VII, 1986 inilimbag muli).

Anong gumawa sa mga sermon ni Spurgeon na “mahalaga sa lahat ng mga henerasyon”? Ito’y ang patuloy na pagdidiin ng pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo – at Siyang naipako sa krus!

Ang Kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus ay dapat idiin, at ini-uulit ng patuloy-tuloy mula sa pulpit. Iyan lamang ang paraan na magkaroon ng malusog na simbahan. Kailangang marinig ng mga Kristiyano ng paulit-ulit ang Ebanghelyo or sila’y mapanghihinaan ng loob at manunumbalik sa dating kasamaan. Walang nagtataas ng puso at nagpapasigla ng kaluluwa ng isang Kristiyano katulad ng pakikinig ng isang sermon kay Hesu-Kristo, at siyang naipako sa krus”! At kailangang marinig ng mga nawawalang mga tao ang Ebanghelyong ipangaral, karaniwan ay maraming beses, bago sila tunay na naliligtas. Nakausap ko na ang maraming daan-daang mga ebanghelikal at mga Bautista sa loob ng limampu’t limang taon ko sa ministro. Madalas akong nagugulat sa kanilang pagka ignorante kung paano maligtas. Maraming mga miyembro ng simbahan ay walang ideya kung paano maligtas, at yoong mga may alam ay may maraming mga huwad na mga ideya idinaragdag rito.

Isa sa mga dahilan para rito ay ang espiritwal na pagkabulag ng nawawala. Sinasabi ng Kasulatan,

“Ang taong ayon sa laman [di ligtas] ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).

Isa pang dahilan para sa pagkalitong ito ay dahil hindi nagpopokus ang mga mangangaral sa kaligtasan. Hindi sila nagmemeydur sa soteriyolohiyo (ang doktrina ng kaligtasan). Trinatrato nila ang pinaka mahalaga sa lahat ng mga paksa ng may paghahamak at pagpapabaya. Ipinagkakatiwala nila ang pagpapaliwanag ng Ebanghelyo sa isang di nahasa at walang karanasang guro ng Linggong Paaralan, habang hinihirang nila ang kanilang mga sarili na guro ng mga “ligtas” – kahit na marami sa kanila na iniisip na sila’y ligtas ay talagang nawawala! Alam ko na lahat kaming mga mangangaral ay kailangang idiin ang Ebanghelyo ng higit pa!

Nakaliligtas na pananampalataya kay Kristo ay ang koronang hiyas ng pangangaral, ang pinaka mahalagang punto ng ating ministro. Ang pananampalataya kay Kristo ay ang pinaka importante sa lahat. Ito’y isang napaka simpleng paksa, at gayon man ito’y mahirap unawaan. Umaasa ako na matutulungan ang lahat sa inyo na marinig ang sermon na ito sa paksa ng nagliligtas na pananampalataya kay Hesus. At dinadala tayo niyan sa ating teksto,

“Ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).

Dito sinasabi ng Apostol Pablo sa isang lalakeng nagngangalang Timoteo, at tayo rin, na maaring gamitin ng Diyos ang mga Banal na Kasulatan upang magpaliwanag sa atin patungkol sa kaligtasan – at na ang kaligtasan ay dumarating sa atin kapag ating gagamitin ang ating pananampalataya kay Kristo Hesus. Ang bagay ng nakaliligtas na pananampalataya ay si Kristo Hesus.

Madalas nating sabihin Hesus, o Hesu-Kristo, ngunit ditto inilalagay ng Apostol si Kristo muna – Kristo Hesus – o “ang Mesiyas na si Hesus.” Iyan ang ideya. Iniisip ko na inilagay niya ang pamagat na “Kristo” na una upang idiin ang dakilang posisyon na pinanghahawakan ni Hesus, bilang ang binasbasang Tagapagligtas ng mga makasalanan. At kaya, sinabi ng Apostol tayo ay naligtas sa pamamagitan ng “pananampalataya na kay Kristo Hesus” – hindi pananampalataya sa Bibliy, kundi pananampalataya kay Kristo Hesus. Ang layunin ng Bibliya ay ang “gawin tayong marunong,” upang mapaliwanagan tayo, upang tayo’y maligtas “sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus.”

Sa pamamagitan ng “pananampalataya” ibig niyang sabihin ay tiwala, pag-aasa sa. Ang Griyegong salitang isinalin na “pananampalataya” ay isang anyo ng “pistis,” na ang ibig sabihin ay, pag-aasa kay Kristo” (Isinalin mula kay Strong, bilang 4102). Kaya ang bagay ng nagliligtas na tiwala ay si “Kristo Hesus.” Sa pamamagitan ng “bagay” ibig kong sabihin ay ang target, ang bagay na dapat mong tutukan, ang pinaka “bagay” na dapat mong pagkatiwalaan at pag-asahan. At ang “bagay” na iyan, ang target na iyan, ang bagay na iyan ay isang tao – si Hesu-Kristo. Si Hesus ang isa at nag-iisang bagay o target, o tao na makaliligtas sa atin – hindi ang Bibliya mismo, hindi ang Banal na Espiritu, hindi panalangin, kundi si Hesus – si Hesus lamang! Iyan ay nasa buong Bibliya. Sa Isaias naririnig natin si Kristong magsabi,

“Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas”
       (Isaias 45:22).

Ang “akin” sa bersong iyan ay ang naunang nagkalamang taong si Hesus. “Magsitingin sa akin” – si Hesus ay ang bagay na dapat mong tignana sa pananampalataya. “Kayo’y magsitingin sa akin, at kayo’y mangaligtas.” Walang kaligtasan kahit saan pa. Si Hesus lamang ang nag-iisang bagay ng nagliligtas na pananampalataya at pagtitiwala. “Magsitingin sa akin, at kayo’y mangaligtas.” Muli, ang naunang nagkalamang taong si Hesus ay nagsasabing,

“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

“Ako.” “Ako.” “Ako.” “Hahanapin ako.” “Masusumpungan ako.” “Sisiyasatin ako.” Kita mo, si Hesus ang bagay ng nagliligtas na pananampalataya! O kaya kunin ang isang napaka pamilyar na Bagong Tipang teksto,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
       (Mga Gawa 16:31).

Muli, ang Panginoong Hesu-Kristo ay ang siyang paniniwalaan. Si Kristo ang bagay ng nagliligtas na pananampalataya. Muli, sinabi ni Hesus,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).

Sinasabi sa iyo ni Hesus na magkaroon ng pananampalataya sa Kanya, “Magsiparito sa akin.” Siya ang bagay ng nagliligtas na pananampalataya. Isa pa!

“Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan”
       (Juan 3:18).

Iyan ay nasa buong Bibliya – gaya sa ating teksto, “…[kaligtasan] sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” Ang bagay, at nag-iisang bagay, na magliligtas sa iyo ay si Hesus. At ikaw ay maliligtas lamang sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pagtitiwala, sa bagay ng nagliligtas na pananampalataya, na si Hesu-Kristo Mismo.

Ngayon bakit mo kailangan si Hesus? Dahil namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan – at dahil Siya’y bumangon sa katawan mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hangang buhay! Dapat mapatawad ang iyong mga kasalanan o ika’y di makapupunta sa Langit. Dapat kang magkaroon ng walang hanggang buhay mula kay Hesus o ika’y masasawi sa walang hanggang mga apoy! Ang bagay ng iyong pananampalataya ay dapat si Hesu-Kristo, Mismo!

Ngayon diyan nadarapa ang mga kulto at mga huwad na mga relihiyon. Halimbawa ang mga Ikapitong Araw na mga Adventista. Ano ang kanilang “malaking” mensahe? Kailangan mong panatilihin ang Sabbath (Sabado) hindi ang araw ng Panginoon (Linggo). Ang isa sa kanila ay nagpunta rito ng ilang beses hindi katagalan lang. Nagsulat si Kai sa akin, “Naniniwala siya sa lahat ng mga bagay sa Bibliya.” Naisip ni Kai na ito’y kahanga-hanga, ngunit mas nakaa-alam ako. Sinabi ko sa binata na siya’y maluwag na pinahihintulutan na magpunta sa aming simbahan, ngunit hindi siya dapat makipag-usap sa iba tungkol sa Sabbath. Ilang araw maya-maya sinabi niya kay Dr. Chan na hindi na siya makapagpapatuloy na magpunta, dahil kinailangan niyang pag-usapan ang Sabbath! Anong ipinapakita nito sa iyo? Ipinapakita nito na ang Sabbath ay ang pangunahing bagay ng kanyang pananampalataya. Wala akong pakialam na siya’y magsamba sa Sabbath, ngunit hindi ito dapat ang sentral na bagay ng pananampalataya. Si Hesus lamang dapat ang magsakop ng posisyon na iyan. Sinabi ni Hesus, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Hindi paghahatian ni Hesus ang Kanyang posisiyon bilang bagay ng nagliligtas na pananampalataya. Dapat ito’y pananampalataya kay Hesus lamang!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang ibang maglilitas,
Tapos ang aking kanta ay magiging kailan man –
   Hesus! Hesus lamang!
(“Hesus Lamang, Hayaan Akong Makita.” Isinalin mula kay
     “Jesus Only, Let Me See” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).

At makikita mo iyan sa mga Saksi ni Jehovah rin. Ang sentral na bagay ng kanilang pananampalataya ay ang pangalan ni Jehovah, hindi si Hesus (kahit na ginagamit nila ang Kanyang pangalan). Ang sentral na bagay ng mga Mormon ay ang Aklat ng Mormon, hindi si Hesus (kahit na ginagamit nila ang Kanyang pangalan). Narito ang pagbabala sa mga Mormon. Magtitiwala ba sila kay Hesus na wala ang Akat ng Mormon? Hindi! Hindi sila magtitiwala! Dapat silang magkaroon ng Aklat ng Mormon. Ipinapakita nito na ang Aklat ng Mormon, hindi si Hesus, ang sentral na bagay ng kanilang pagtitiwala at kanilang pananampalataya! Si Hesus, at si Hesus lamang, dapat ang bagay ng ating pananamapalataya. Iyan ang dahilan na sinabi ng Apostol Pedro,

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).

Si Hesus dapat ang bagay, at ang nag-iisang bagay ng ating pananampalataya. Iyan lamang ang nag-iisang paraan upang maligtas. Gaya ng paglagay nito ng ating teksto, “[Kaligtasan] sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).

Ngayon, ikaw naman? Anong sinusubukan mong paniwalaan? Anong sinusubukan mong pagkatiwalaan? Sinasabi mo, “Maniniwala ako kung naramdaman ko ito o iyan. Maniniwala ako kung magkakaroon ako ng patunay sa pamamagitan ng isang tiyak na pakiramdam sa loob ko.” A, hindi ka kailan man maliligtas sa ganoong paraan! Ang bagay ng iyong pananampalataya ay isang pakiramdam –hindi si Hesus Mismo! Maari kang mag-antay para sa isang pakiramdam sa buong natitira mong buhay – at maari ka pa ngang makakuha ng pakiramdam (mula kay Satanas o sa iyong Adamikong kalikasan) – ngunit kung mamamahinga ka sa pakiramdam na iyon ika’y mapupunta sa Impiyerno! Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo! Si Hesus dapat ang bagay ng iyong pananampalataya, hindi isang pakiramdam! Dapat kang magtiwala kay Hesus lamang!

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang ibang maglilitas,
Tapos ang aking kanta ay magiging kailan man –
   Hesus! Hesus lamang!

Isa pang tao ang nagsasabing, “Oo, naniniwala ako. Naniniwala ako na namatay si Hesus para sa akin.” O, o! Ang salitang “na” ay ang bagay ng iyong pananampalataya – hindi si Hesus Mismo! Sinasabi mo, “Naniniwala ako na!” Ngunit ang “na” ay di kailan man naglitas ng kahit sino! “Na” ay isang patay, tuyong doktrina. “Na” ay Sandemaniyanismo! Nagtataka pa nga ako kung mayroong isang demonyong nagngangalang “na.” Sasabihin mo, naniniwala ako na namatay si Hesus para sa akin.” Sasabihin ko, “Tumigil sa paniniwala sa na! Maniwala kay Hesus Mismo! Tumigil sa paniniwala ng isang doktrina, o isang demonyo na nagngangalang ‘na.’”

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
       (Mga Gawa 16:31).

Dapat akong bumalik at sabihin muli, ang mga kulto ay di kailan man nagpopokus kay Kristo, at anong ginawa Niya sa Krus! Ang mga eretiko ay di kailan man nagpopokus ng ekslusibo kay Hesu-Kristo Mismo, at anong ginawa Niya upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan sa Krus. Walang huwad na relihiyon ang kailan man gumagawa niyan. Nagpopokus sila sa mga pakiramdam sa mga Silangang relihiyon. Nagpopokus sila sa isang mababaw na doktrina sa Kanlurang mga kulto. Hindi sila kailan man naglalagay ng kanilang tiwalang ekslusibo kay Hesu-Kristo at Siyang napako sa kurs para sa ating mga kasalanan.

O, lumayo mula sa mga eretiko! Maniwala at magtiwala kay Hesu-Kristo at Siyan napako sa Kurs! Itapon ang mga pakiramdam at mga periperal na doktrina. “[Kaligtasan ay] sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15).

Hesus lamang, hayaan akong makita,
   Hesus lamang, walang ibang maglilitas,
Tapos ang aking kanta ay magiging kailan man –
   Hesus! Hesus lamang!

Tumigil sa paghahanap ng isang pakiramdam! Tumingin kay Hesu-Kristo at Siyang napako sa krus! Tumingin sa Kanya sa Langit sa kanang kamay ng Ama! Itapon nag mga pakiramdam at mga emosyon! Tumingin kay Kristo at Siyang napako sa krs! Tumigil sa paniniwala “na” maliligtas ka Niya. “Na” ay hindi kailan man nagliligtas ng kahit sino. Itapon ang “na.” “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka.” Nariyan Siya para sa iyo. Tumingin sa Kanya. Magpunta sa Kanya. Maniwala sa Kanya! Magtiwala sa Kanya!

Naririnig ko ang Iyong bumabating malugod na tinig,
   Na tumatawag sa akin, Panginoon, Sa Iyo
Para sa paglilinis sa Iyong mahal na dugo
   Na umagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta na, Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
   Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.

Kahit pumuntang mahina at masama,
   Ang iyong lakas ay nagtitiyak;
Lubos na nililinis mo ang aking kasamaan,
   Hangang sa ang maging walang kahit anong bahid at puro.
Ako’y papunta na, Panginoon! Papunt na ngayon sa Iyo!
   Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umagos sa Kalbaryo.
   (“Ako’y Papunta na Panginoon” Isinalin mula sa
       “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

Kung handa ka nang magtiwala kay Hesus Mismo, iwanan ang iyong upungan ngayon at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa silid ng pagsisiyasat. Magpunta ngayon na. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Hesu-Kristo Mismo. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 3:16-18.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Papunta Na Panginoon.” Isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” (ni Lewis Hartsough, 1828-1919).