Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SA PAGHAHANAP AT PAGSUSUMPUNGAN KAY KRISTO ON SEEKING AND FINDING CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13). |
Sinasabi na ang mga Arminyan ay madalas manalangin tulad ng mga Kalvinista. Siyempre ang tinutukoy ko’y ang mga lumang panahong mga Kalvinista. Ibig sabihin nito na ang mga Arminyan, na ipinapalagay ang kaligtasan sa tao ay gayon pa man nananalangin sa Diyos na gawin ito. Naririnig natin ang mga Arminiyan na manalangin, “O Diyos, iligtas mo po ang aking kapatid!” At kaya, ang mga Kristiyanong naririnig ang mga Arminiyan na manalangin na para bang sila’y mga Kalvinista! Itong para bagang isang bugtong ay madaling mapapaliwanag doon sa mga mayroong espiritwal na isipan. Sinasabi ng Bibliya,
“Lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban” (Mga Taga Filipo 2:12, 13).
Tao ang gumagawa ng lubos ng sarili niyang kaligtasan, ngunit ginagawa lamang niya ito habang ang Diyos ay gumagawa sa kanya – at pinapakilos siyang gawin ito. Panatilihin sa isipan ang dalawang mga bersong ito. Tapos makikita mo na walang di pagsasang-ayon sa Bibliya. Sinasabi ng ating teksto,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Ngunit sinasabi rin ng Bibliya,
“Walang humahanap sa Dios” (Mga Taga Roma 3:11).
Alin ang totoo? Sinasabi ng pangangatwiran ng tao na ang dalawang ito ay maaring totoo. Gayon patungkol sa mga bersong iyon sa Mga Taga Filipo makikita natin na sa katunayan ang parehong mga ito ay totoo. Walang kabalintunaan rito. Tunay na walang gulo rito. At ito’y napapakita muli’t- muli habang tayo’y nag-eebanghelismo at nagpapayo ng mga tao sa silid ng pagsasaliksik. Walang nawawalang tao ang naghahanap sa Diyos sa sarili niya. Sa loob ng limampu’t limang taon ng ministro, hindi pa ako nakatagpo ng kahit sino sa labas ng ating simbahan na naghahanap sa Diyos. Wala ni isa! Ngunit kapag ang Diyos ay magsimulang humatak ng mga tao, kanilang hahanapin si Hesus ng kanilang buong puso at mahahanap masusumpungan Siya! Narito ay tatlong mga kaisipan sa paghahanap at pagsusumpungan kay Kristo, tumutukoy sa ating teksto.
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
I. Una, yoong mga dinadala ng Diyos ay yoong mga maghahanap kay Hesus at masusumpungan Siya.
“...apagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban” (Mga Taga Filipo 2:13).
Sa apostasiya ngayon karaniwan para sa mga taong sabihin na ang kahit sino ay maaring maligtas sa kahit anong oras. Lahat ng kailangang gawin ng nawawalang tao ay sabihin ang mga salita ng isang “panalangin ng makasalanan” at sila’y naliligtas. Ang lahat ng kailangan nilang gawin ay “magpunta sa harap” o sabihin ang panalanging iyan, o gawin ang pareho. Kung gayon ang kaligtasan ay lubos na isang makataong pangyayari. Ang Diyos ay hindi kinakailangan sa anumang paraan. Ito ay aktwal na isang pag-uulit ng matandang erehiya ng Pelagianismo. Sa mga Pelagianong mga eretiko, inililigtas ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pisikal na pagtugon sa Ebanghelyo. Hindi dapat kailangannin masyado ng espiritwal na kabatiran upang makita na ito’y lubos na huwad. Naway buksan ng Diyos ang iyong mga mata sa mga huwad na mga pagtuturong ito ng makabagong “desisyonismo”!
Ang Mayamang Batang Mamumuno ay tumalikod kay Hesus at bumalik sa kanyang makasariling buhay ng kasalanan. Sinabi ni Hesus sa mga Disipolo kung gaano “kahirap” para sa mga ganoong mga taong “makapasok sa kaharian ng Diyos.” Sinasbi ng mga Disipolo, “Sino nga kaya ang [maliligtas]?” Sabi ni Hesus, “Hindi maaari ito sa mga tao” (Marcos 10:24, 26, 27). Pinutol ko ito upang mailabas ang mga susing mga salitang iyon.
(1) “Mahirap” na “makapasok sa kaharian ng Diyos.”
(2) “Sino nga kaya ang [maliligtas]?”
(3) “Hindi maaari ito sa mga tao” (Marcos 10:24-27).
Tapos sinabi ni Hesus, “datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.” Ikapit iyan sa iyong isipan. Tapos pag-isipan ang Mga Taga Roma 3:11, “Walang humahanap sa Dios.” Tapos pag-isipan ang ating teksto,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Sinusubukan ko kayong lumayo mula sa Pelagianong erehiya ng “desisyonismo” na nagpuno sa ating mga simbahan ng mga nawawalang mga tao ng libo-libo. Tinitignan ang mga berso sa Marcos 10, at Mga Taga Roma 3:11, at Jeremias 29:13, mapupunta tayo sa dakilang katotohanang ito – Ang mga nawawalang mga tao ay hindi nakapagliligtas na maghahanap kay Kristo maliban na lamang kung gigisingin sila ng Diyos at dadalhin sila sa Tagapagligtas.
(1) “Sino nga kaya ang [maliligtas]?” (Marcos 10:26).
(2) “Hindi maaari ito sa mga tao” (Marcos 10:27).
(3) “Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa,
ayon sa kaniyang mabuting kalooban” (Mga Taga Filipo 2:13).
Maaring may magsabi, “Iyan ay labis na Kalvinismo.” Ngunit mali sila. Hindi talaga ito Kalvinismo sa kanyang sarili; ito’y tiyak na di “labis na Kalvinismo.” Itinatapon ng mga tao ang salitang iyan na hindi nalalaman ang ibig sabihin nito sa kasaysayan ng teyolihiya. Tumutukoy ang “Labis na Kalvinismo doon lamang sa mga nag-iisip na hindi natin kailangang lumabas upang dalhin sa loob ang mga nawawala, dahil ang Diyos ang magdadala sa kanila “na wala ang tulong mo o ko” – gaya ng isang tunay na labis na Kalvinista ang nagsabi kay William Carey (na siya mismo ay isang limang puntong Kalvinista, ngunit hindi isang labis na Kalvinista). Ngunit hindi mo kailangang maging isang Kalvinista ng kahit anong uri upang makita kung anong kinukuha ko rito. Si Dr. A. W. Tozer ay hindi isang Kalvinista sa kahit anong paraan. Gayon man siya ay isang seryosong mag-aaral ng Bibliya, kaya sinabi niya,
Naiisip mo ba na ang iyong pananampalataya ay isang regalo mula sa Diyos? Dapat mong tignan ang iyong pananampalataya bilang isang himala. Ito’y ang kakayahan ng Diyos na nagbibigay sa mga nawawalang mga kalalakihan at kababaihan na magtiwala at sumunod sa ating Tagapagligtas at Panginoon… (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Si Hesus, ang May-akda ng Ating Pananampalataya [Jesus, the Author of Our Faith], Christian Publications, 1988, p. 3).
Yoon lamang nabigyan ng himalang ito at ng regalong ito ay mahahanap si Hesus at maliligtas. Ang lahat ng iba ay maiiwan sa kanilang sarili, at hindi mahahanap si Kristo. Kapag sasabihin Niyang, “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako,” Siya ay nagsasalita lamang doon sa mga binibigyan Niya ng nagliligtas na pananampalataya. Hindi Niya kausap ang iba pa kapag sinasabi Niyang,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Ang pangakong iyan ay para lamang doon sa mga nabigyan ng regalo ng nagliligtas na pananampalataya. Sila, at sila lamang, ang nabigyan ng pangakong ito. Ang lahat ng iba ay nagsisidapa ng ilang sandali at mas maaga o maya maya, ay aalis ng simbahan – o, sa kabutihang palad, ay magpupunta lamang ng paminsan-minsa, bilang “nominal,” na di ligtas na mga miyembro.
Yoong mga inuugoy ng Diyos ang mga maghahanap at masusumpungan si Kristo. At sila lamang ang tunay na hahanapin at tunay na masusumpungan Siya! Iyan ang dahilan na sinabi ni Hesus,
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin …” (Juan 6:44).
Kapag ang kahit sino ay magpupunta kay Hesus, ito’y palaging sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang.
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
(“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa “Amazing Grace”
ni John Newton, 1725-1807).
II. Pangalawa, yoong mga hindi dinadala ng Diyos ay hindi mahahanap si Hesus.
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Sinasabi ng pangakong iyan, “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako.” Kanino tinutukoy ang “inyo” iyon? Gaya ng sinabi ko ngayong umaga, “Inyong…masusumpungan ako” ay tumutukoy lamang doon sa mga “[nagsisiyasat sa Kanya] ng […] buong puso.” Sino gayon, iyong mga walang bahagi sa pangakong ito? Ang mga ito’y iyong hindi “[nagsisiyasat sa kanya] ng [kanilang] buong puso.”
Yoong mga nag-iisip na makapagpapatuloy sila sa isang kasalanang kanilang iniibig ay hindi mahahanap si Hesus. Sinabi ni Hesus,
“At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19).
Yoong mga iniibig ang “kadiliman kay sa ilaw” ay hindi magpupunta kay Hesus. Sinabi ni Spurgeon, “Ang pag-aakala sa awa ng Diyos ay ang dahilan kung bakit napaka rami ang bumabalot sa sarili nila sa mga damit ng naayon sa lamang seguridad, at nalalagay sila ng malayo mula sa masamang araw. Iligtas ka ng Diyos mula matinding kasamaan!” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Isang Pangalawang Salita sa mga Nagisiyasat” [“A Second Word to Seekers”], MTP, numero 1,313, pah. 514).
Tapos din, yoong mga sumusuko sa kawalan ng pag-asa ay hind mahahanap si Hesus. Sinabi ni Spurgeon, “Magpunta, kawawang kaluluwa, tatanggapin ka ng Panginoon, sino ka pa man. Kung sa iyong buong puso ika’y papaya agad-agad na magtiwala sa Panginoong Hesus, tatanggapin ka niya. Oo, ipapakita niya sa iyo kung papaano magtiwala, bibigyan ka niya ng pananampalataya…[iyong] mahahanap ang awa na idinedeklara ng ating teksto…kung sisiyasatin mo [si Hesus] ng iyong buong puso” (isinalin mula sa ibid., pah. 515).
Tapos din, yoong mga tumitinggin sa masasamang halimbawa ng mga huwad ng mga Kristiyano ay hindi mahahanap si Hesus. Sinabi ni Spurgeon, “natatakot ako na ang ilang mga tao ay napigilang mula sa buong pusong pagsisiyasat sa pamamagitan ng pag-uugali ng mga Kristiyanong propesor. Pinapaki-usapan kita na huwag kailan man kunin ang iyong [halimbawa] mula doon sa mga nagdedeklarang kanyang mga tagasunod, dahil ang ilan ay [walang halagang] uri [ng halimbawa]. Hayaan silang maging masama ng maari, anong mayroong ito para sa iyo? Ika’y mayroong sariling kaluluwang [pag-iisipan]; at kailangan mong siyasatin si Kristo ng buong mas higit na kasigasigan…Ang kanilang mga puso ay maaligamgam sa kabutihang palad at kung gayon hindi sila kailan man kumukulo ng mainit at umiibig na pagpapahayag” (Isinalin mula sa ibid., pah. 515, 516). Huwag sundin ang kanilang masamang halimbawa!
Yoong mga nag-iisip na sila’y makakapagpatuloy sa isang napakasamang kasalanan ay hindi mahahanap si Hesus. Yoong mga sumusuko sa kanilang kawalang pag-asa ay hindi mahahanap si Hesus. Yoong mga sinusundan ang halimbawa ng mga huwad ng mga Kristiyano ay hindi mahahanap si Hesus.
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
III. Pangatlo, sino gayon ang makahahanap kay Hesus?
Muli, dapat kong isipi ang ating teksto,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Dapat mong hanapin si Kristo ng iyong buong puso! Madalas tayong nagugulat kung gaano kabilis ang ilang mga bagong tao ay hinahanap si Kristo at nahahanap Siya! Ngunit yoong mga di masigasig ay mananatiling nawawala ng mahabang panahon. Muli, sinabi ng dakilang si Spurgeon,
Dapat magkaroon ng pagka taos puso sa iyong paghahanap, dahil iyan na iyong hinahanap ay isang taos pusong bagay. Pakinggan kung paano manalangin ang mga tunay na mga Kristiyano. Nananalangin ba sila na may kalahati ng kanilang puso? Hindi, dahil sabi ng isa, “Hinanap kita ng aking buong puso” [Mga Awit 119:10]…Nananalangin sila kasama ni nakikipagbunong Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan” [Genesis 32:26]. Ang panalangin ay isang mahalagang hininga ng isang Kristiyano, at kung hindi siya makapagdasal ng buong puso, gayon ito’y malinaw na upang magkaroon ng espiritwal na buhay, ikaw, O tagasiyasat, ay dapat ibigay ang iyong buong puso rito (isinalin mula sa ibid., pah. 512, 513).
Sinasabi mo, “Dapat ba akong maging kasing mapangahas sa aking panalangin at masigasig gaya nina Gg. Lee at Gg. Prudhomme? Dapat ba akong manalangin na may sigasig ni John Cagan o Anthony Kim?” Oo! Oo, maaring ito’y makatulong sa iyo! Tiyak na hindi ito magpipinsala na maghanap para kay Hesus na may matinding kasigasigan! Hindi ka napupunta saan man kung paano ka! Nakarinig pa nga ako ng mga batang mga babae, at napaka tahimik na mga taong manalangin na may banal na pagpapabaya noong sila’y tunay na napagbagong loob! Nakarinig na ako ng mga batang manalangin na may ganoon na lamang kalakasan na nagdala ito ng mga luha sa aking mga mata! Ang dahilan na hindi tayo nakaririnig ng mas maraming maliliit na mga batang manalangin ng ganoon ay dahil napaka kaunting mga bata ay tunay na napagbagong loob sa mga araw na ito ng apostasiya. Ang pagka kulang ng masigasig na panalangin ay ang dahilan sa likod ng sinasabi sa atin na polster na si George Barna –
na nawawala natin ang 88% ng ating mga bata sa simbahan bago sila ay tatlompung taong gulang. Iyan ay tunay na terible at tunay na nakahahabag! Kung mas higit sa ating mga bata ay tunay na napagbagong loob maririnig natin silang manalangin na may kalakasan ni Gg. Bebout, o Timothy Chan, o Noah Song.
Maari mong sabihin, “Ngunit kami’y napaka bata! Ang mga kabataan ay hindi makapagdarasal na may ganoong higit na kalakasan!” Nagloloko ka ba? Makinig sa iyo kapag ika’y nasa labas naglalaro. Mayroon ka bang kahirapang magsalita sa labas? Wala! Walang anuman! Mapapasabog mo ang salamin ng tainga ng isang tao kapag ika’y naglalaro. Bakit? Dahil ang mga larong iyon ay napaka importante para sa iyo! Ngunit ang mga panalangin ay hindi importante sa iyo! Ika’y mananalangin hanggang sa ika’y pawisan kapag dinadala ka ng Diyos kay Kristo! Nakarinig ako ng higit na malakas na pananalangin at pagtatangis sa mga panahon ng tunay na muling pagkabuhay! Ngunit huwag mo lang kunin ang mga salita ko rito. Magbasa tungkol rito sa Aklat ng Mga Gawa!
“Nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios” sa panalangin (Mga Gawa 4:24).
[“Itinaas”] nila ang kanilang mga tinig. Tumutukoy ito sa malakas, masigasig na panalangin!
“At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios” (Mga Gawa 4:31).
Iyan ang uri ng pagkamangahas sa panalangin at testimony na makikita natin mula sa iyo kapag ika’y tunay na napagbagong loob!
Isang mangangaral ay nagsabi sa isang binata, “Huwag kang masyadong malakas! Huwag kang mangaral sa Diyos!” Tama ba siya? Hindi, siya ay talagang mali! Sa mga Aklat ng Mga Gawa, “itaas nila ang kanilang tinig sa Dios.” Kung ang kahit sino sa marami sa ating mga simbahan ay ginawa iyan, ay magagawang nito ang naayon sa lamang mga miyembrong maglagay ng kanilang mga daliri sa kanilang mga tainga! Ang mga naayon sa lamang mga taong tulad niyan ay aalisin lamang ang kanilang mga daliri mula sa kanilang mga tainga at sisigaw na may sigasig sa isang laro ng basketbol o putbol. Patungkol sa mga bagay na iyon sila’y masigasig! Ngunit ang isang tunay na naipanganak muling Kristiyano ay matutuwa ng labis sa malakas na panalangin, at masigasig na pangangaral – tulad ng mayroon sila sa mga simbahan sa Tsina, Indiya, Aprika, at Timog Silangang Asiya. Maawa ang Diyos sa ating katamtamang, walang buhay na mga simbahan sa Amerika at sa Kanluran! Tayo ay malayo sa ilalalim ng pamantayan ng mga simbahan sa Pangatlong Mundo – at ang mga simbahan sa Aklat ng Mga Gawa! Hayaan ang mga kabataang maging maapoy ng Diyos at kanilang mahahanap si Hesus ng napaka bilis! Yoong mga kumakaladkad, ay hindi kakanta o mananalangin na may sigasig, ay isusuka palabas ng bibig ng Panginoon kapag Siya dumating sa paghahatol! Sinabi ni Kristo,
“Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig” (Apocalipsis 3:16).
Ika’y di maliligtas hangga’t ika’y lubos na masigasig patungkol sa paghahanap kay Kristo! Kapag lamang ikaw magsisiyasat kay Kristo ng iyong buong puso na ika’y maliligtas!
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Kasigasigan! Kasigasigan! Kasigasigan! Sa Unang Dakilang Pagkagising tinawag nila ang lumang panahong Metodistang mga “entusiyastiko” dahil sila’y nanalangin at kumanta at sumaksi at nangaral sa tuktok ng kanilang mga baga! Hiling ko sa Diyos na mayroon tayong mas maraming mga Bautista tulad niyan sa ating mga simbahan ngayon!
Di nakapagtataka na hindi mo nahahanap si Kristo! Nagpupunta ka sa simbahan tulad ng isang patay na Episkopaliyano at umaasang mahanap si Kristo! Walang kabuluhan! Dapat mong hanapin si Kristo nang buong puso at itapon ang iyong sarili sa Kanya. Tapos ika’y uuwi mula sa simbahan na sumisigaw ng “Aleluya! Ako’y ligtas!” Itapon ang iyon patay, tuyong, Episkopaliyano at makabagong Bautistang relihiyon! Itapon ito mula sa balat ng lupa!
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Naway iyong isigaw kasama ni Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan” (Genesis 32:26). Si Hesus ba ay galit sa kanya? Hindi! Sinagot Niya ang kaniyang panalangin at iniligtas ang kaniyang kaluluwa, noong sumigaw siya at pinagkatiwalaan ang naunang nagkatawang taong si Kristo na may banal na kapangahasan!
Wala dapat pagsisigaw kapag magpupunta sa silid ng pagsisiyasat! O hindi, hindi ka dapat kailan man sumigaw o lumuha! Hindi ka dapat lumuha o manalangin ng malakas para sa iyong kaligtasan tulad ng ginawa nina John Cagan at Timothy Chan! Sinong nagsabi niyan sa iyo? Ang Diablo ang nagsabi niyan! Ang Diablo! Nakuha mo ang payo mula sa Diablo. At anong kabutihan ang nagawa nito sa iyo? Ika’y kasing nawawala gaya noong unang beses na ika’y nagpunta sa silid ng pagsisiyasat! Ang iyong paraan ay hindi nakagawa sa iyo ng kahit anong kabutihan sa anomang paraan!
Ikaw ba’y naghahanap ng isang pakiramdam? Hindi ka kailan man makakukuha ng pakiramdam sa malamig, patay na paraan na ika’y nagpupunta sa silid ng pagsisiyasat! Baka maaring makakuha ka pa ng banal na pakiramdam kung ika’y lumuha at sumigaw tulad ng ginawa ng mga Bautista, Presbiteriyano, at Metodista sa mga lumang panahon! Nagmakaawa sila ng may malakas na pagsigaw sa Kanya na kayang magligtas ng kaluluwa mula sa kasalanan at kamatayan! Iyan ang kailangan mo! Malakas na pagsisiyasat! Malakas na pananalangin! Malakas ng mga luha! Malakas na pagsigaw! Malakas na pagpupuri!
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Kung ika’y magpupunta sa silid ng pagsisiyasat ng parehong paraan na lagi mong ginagawa, ika’y di maliligtas. Kung ang isa ay magpupunta sa paraan na sinabi kong magpunt, na may malakas na pagsisigaw at panalangin, ang taong iyon ay maaring baka maligtas ngayong gabi! Sumigaw kasama ni Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan” (Genesis 32:26).
Bakit hindi ngayon? Bakit hindi ngayon?
Bakit hindi magpunta kay Hesus ngayon?
Bakit hindi ngayon? Bakit hindi ngayon?
Bakit hindi magpunta kay Hesus ngayon?
(“Bakit Hindi Ngayon.” Isinalin mula sa “Why Not Now?”
ni Daniel W. Whittle, 1840-1901).
Magpunta sa silid ng pagsisiyasat at sumigaw kasama ni Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan.” Magpunta na mayroon niyang malakas na paghahangad para kay Hesus, at mahahanap mo Siya.
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Bumagon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Kung gusto mong patawarin ni Hesus ang iyong kasalanan, at linisin ka gamit ng Kanyang Dugo, magpunta sa silid ng pagsisiyasat at sumigaw kay Hesus para sa kaligtasan. Magpunta na ngayon sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa silid ng pagsisiyasat. Dr. Chan manalangin ka para sa kaligtasan ng isang tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos10:23-27.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Bakit Hindi Ngayon.” Isinalin mula sa
“Why Not Now?” (ni Daniel W. Whittle, 1840-1901).
ANG BALANGKAS NG SA PAGHAHANAP AT PAGSUSUMPUNGAN KAY KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13). (Mga Taga Filipo 2:12, 13; Mga Taga Roma 3:11) I. Una, yoong mga dinadala ng Diyos ay yoong mga maghahanap II. Pangalawa, yoong mga hindi dinadala ng Diyos ay
hindi mahahanap III. Pangatlo, sino gayon ang makahahanap kay Hesus? Mga Awit 119:10; Genesis 32:26; Mga Gawa 4:24, 31; Apocalipsis 3:16. |