Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PADATING NA HARI

THE COMING KING
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-4 ng Agosto taon 2013

“Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig” (Juan 18:37).


Ang pangaral na ito ay ipinatnugot at pinaikling bersyon ng isa sa mga ipinangaral ni Dr. W. A. Criswell, ang pinahalagahang pastor at pastor ng emeritus ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas ng limam-pu’t pitong taon, mula taon 1944 hanggang sa kanyang kamatayan, ng Enero ng taon 2002, sa edad ng 92. Ang kanyang mga sermon ay mapag-alab ng damdamin. Ang aking puso ay natutuwa tuwing naririnig ko siyang mangaral. Isinasaalang-alang ko siya na isa sa mga pinaka magagaling na mangangaral ng ikalawang hati ng ika-dalawampu’t isang siglo. At ibinibigay ko ang sa inyo ngayong umaga ang isang ipinatnugot na bersyon ng pinaka dakilang sermon ni Dr. Criswell, “Ang Padating na Hari” [“The Coming King”]. Paki lipat sa inyong mga Bibliya sa Juan 18:37, at magsi-tayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.

“Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig” (Juan 18:37).

Maari nang magsi-upo.

Si Kristo ay nakatayo sa harap ng Romanong gobernador, Pontiu Pilato. Siya ay isang kinasusuklamang tao. Isang korona ng tinik ay idiniin sa Kanyang ulo, nagpapadala ng dumadaloy na Dugo pababa ng Kanyang mukha. Ang Kanyang likuran ay nabugbog sa isang madugong masa sa pamamalo n Romanong mga hukbo. Na may di makapaniwalang tinig, sinabi ni Pilato, “Ikaw nga baga’y hari?” Sinagot ni Hesus sa pinaka empatikong paraan na mapapahiwatig ito ng Griyegong wika, upang ulitin ang tanong. “Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil ditto, dahil ditto ako naparito sa sanglibutan” (Juan 18:37). Si Hesus ang Tagapagligtas, ang Mesiyas, at ang Hari!

Sa isang ganap na tipan, ipinangako ng Panginoong Diyos ang lupain ng Palestina kay Abraham at sa binhi ng Israel magpakailan man. Mababasa natin sa Mga Awit 105,

“Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;. Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana” (Mga Awit 105:8-11).

Ang natira ng mundo ay pag-aari ng lahat ng ibang mga bansa, ngunit ang lupain ng Canaan, ang lupain ng Palestina, ay pag-aari sa binhi ng Israel, pag-aari ng Hudyong mga tao. Ito’y ipinangako ng Diyos kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob sa pamamagitan ng isang ganap na tipang magpakailan man.

Ang parehong Panginoong Diyos ay nagsabi kay David na siya’ magkakaroon ng anak na uupo sa trono magpakailan man, sanglibutang walang katapusan. Sinabi ng Panginoong Diyos kay David,

“Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian... At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man” (II Samuel 7:12, 16).

Ang parehong Panginoong Diyos na nangako kay Abraham, Isaac, at Jacob na kanilang mamanahin magpakailan man ang lupain ng Canaan ay ang parehong Panginoon na nangako kay David na magkakaroon siya ng isang anak na maghahari sa Israel magkailan man. Iyang padating na haring iyan ay magiging binhi at angkan ng kanyang ninunong si David. Inilarawan ng propetang si Isaias ang makapangyarihang padating na haring iyan, ang Anak ni David,

“Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa. Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag... Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo” (Isaias 9:1-2, 6-7).

Pitompu’t daan at limampung taon pagkatapos ng propesiya, ang anghel na si Gabriel ay nagpakita sa birheng Hudyong babaeng nagngangalang Maria. Sinabi ng anghel sa kanya na siya ay magiging ang ina ng hinulaan, naunang inatasang Anak, ang padating na hari, ang Anak ni David. Sinabi ng anghel,

“Narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake? At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:31-35).

Siyam na buwan maya-maya ang bata ay ipinanganak. Sa harap ng mga gulat na mga pastol, sa isang malapit na bukid, isang anghel na koro ang nagpakita at kumantang, “Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niyas” (Lucas 2:14). Ang ipinangakong Hari ng tipan ay sa wakas dumating!

Sa ika-labin limang taon ni Tiberius Caesar, ang tatlompung taong gulang na si Hesus ay bininyagan ni Juan Bautista sa Ilog ng Jordan. Sa pamamagitan ng Kanyang inang si Maria, Siya nanggaling mula kay David sa linya ni Nathan. Sa pamamagitan ni Jose, ang asawa ni Maira, Siya ay legal na nanggaling mula kay David sa pamamagitan ng linya ni Solomon. Parehong sa pamamagitan ng legal na karapatan at dugon pamamanahan si Hesus ay ang ipinangakong Hari!

Sa isang araw, sa saktong oras na hinulaan ni Gabriel sa propetang si Daniel, sa saktong paraan na hinulaan ni Zakarias, ang Panginoong Hesu-Kristo ay dumating sa Jerusalem, mababang loob at nakasakay sa isang buriko, upang ipakita ang Kanyang Sarili bilang ang itinipang Hari, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Habang Siya’y dumating sa banal na lungsod ng Jerusalem, sumigaw ang mga taong, “Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan!” Noong sinubukan ng mga eskribe at mga Fariseong pigilan ang mga tao sa pagsisigaw, sumagot si Hesus, “kung hindi mangagsiimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw” (Lucas 19:40).

Ito’y isang dakilang itinipang araw sa buhay ng mga napiling tao ng Diyos. Ito ay isang dakilang nagtutupad na sandali sa buong kasaysayan. Ang itinipang Hari ay dumatin, Hesus, Hari ng mga Hudyo. Ngunit mayroong higit pa.

I. Una, Siya ay isang tinanggihang Hari.

Si Hesus ay tumayo sa tayuan ng saksi sa Sanhedrin, ang pinaka mataas na korte ng Israel. Sa harap niya ay nakatayo ang pinaka mataas na saserdote na namuno sa Sanhedrin. Ang mataas na saserdote ay nagsasabi sa Panginoon,

“Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit” (Mateo 26:63-64).

Noong sinabi ng Panginoon iyan, pinunit ng mataas na saserdote ang kanyang mga damit at tumingin sa Sanhedrin at nagsabi, “Narinig ninyo ang kapusungan. Ano ang masasabi ninyo?” Sumigaw sila, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus!”

Sa panahong iyon ang kapital na kaparusahan ay nakuha mula sa Sandhedrin, at ibinibigay sa Romanong prokurator. Ang mga Hudyo, kung gayon, ay dinala ang Panginoong Hesus kay Pontiu Pilato at inakusa Siya ng rebelyon at pagtataksil, nagsasabing, “Sinasabi niya na siya ay isang hari.” Ang Panginoong Hesus ay nakatayo doon, napaka pakumbaba, napaka pasensya, napaka tahimik. Sinabi ni Pilato, “Siya” Isang hari?” “Oo, sinasabi niya na siya ay si Kristo, isang Hari. Siya ay nagkakasala ng pagtataksil at sedisyon.” Sinabi ni Pilato, “Ipapahampas ko siya at tapos ay pakakawalan ko.”

Kaya pinaghahampas Siya ng mga Romanong hukbo, at sa pagkadusta ng parehong mga Hudyo at abang Nazarene, ay kinoronahan Siya ng mga tinik, nilagyan ng nagamit nang ubeng balabal sa Kanyang mga balikat, nilagyan ng isang tungkod sa Kanyang kamay para sa isang setro, at nanlilibak na lumuhod, na nagsasabing, “Aba, Hari ng mga Hudyo.”

Nakita Siya ni Pilatong madugo mula sa teribleng pamamalo, isang katawa-tawang anyo na may isang korona ng tinik at isang marumig, gulanit, nagamit nang balabal, inilabas Siya sa mga tao at nagsabing, “Narito ang inyong Hari!” Sumagot sila, “Wala kaming hari kundi si Cesar. Ipako siya sa krus!”

Sanhi ng takot, ipinadala Siya ni Pontiu Pilato sa mga kawal na nagdala sa Kanya sa Kalbaryo at ipinako Siya, ipinako Siya sa isang krus. Ngunit sa ibabaw ng Kanyang ulo isinulat ni Pilato ang akusasyon na, “Ito’y si Hesus, isang Hari.” Ang sabi ng mga Fariseo, “Huwag mong isulat ‘Ito’y si Hesus ang Hari.’ Isulat mo ‘Ito’y si Hesus na nagsabing Siya ay isang Hari.’” Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko ay naisulat ko.” Si Hesus ay ipinakong isang Hari, at namatay Siyang isang Hari – isang tinanggihang Hari. “Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

II. Pangalawa, Siya ay isang ipinatapong Hari.

Noong si Hesus ay namatay sa krus, si Satanas ay tiyak na nagalak! Parang naririnig natin si Satans na sumisigaw sa mga bibig ng mga eskribe at mga Fariseo,

“Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya” (Mateo 27:42).

Naririnig ko si Satanas na nagagalak sa pamamagitan ng mga eskribe, ang mga Fariseo at Saduseyo, habang sila’y nagsimartsa sa harap ni Hesus habang Siya’y namatay sa krus.

Ngunit hindi alam ni Satanas ang mangyayaring sunod. Ito’y isang lihim na naitago sa puso ng Diyos na magkakaroon ng isang intermedyo, isang intermisyon, sa pagitan ng Kanyang kamatayan sa krus at Kanyang pangalawang pagdating bilang Hari. Magkakaroon ng isang intermisyon (tinawag ito ni Pablo na “muteriyon,” [musterion] isang misteryo sa Mga Taga Efeso 3). Sa intermisyong iyon ay ang panahon ng Banal na Espiritu na tatawagin ng Diyos palabas ng buong mundo ang isang madla para sa Kanyang sarili. Sila’y tatawaging “eklesia,” [ekklesia] “ang mga tinawag,” sa ating wika, “ang simbahan.”

Ang ebanghelyo ng kaligtasan ay ipangangaral sa lahat ng mga kalalakihan sa lahat ng lugar. Tuwing ang isang tao ay titinggin kay Hesus at maniniwala, siya rin ay madaragdag sa simbahan, isang pamilya ng Diyos. Magkakaroon isang sambahayan ng pananampalataya – kasama ng mga Hudyo at mga Gentil, mga Griyego at mga barbariko, itim at puti at dilaw at kayumanggi, lalake at babae, marunong at mangmang, mayaman at mahirap, lahat ay parehas na mahalaga sa paningin ng Diyos, kasali sa ligtas na pamilya ng Panginoon, isang bagong likhain na tinawag na simbahan, ang babaing ikakasal ni Kristo.

Ngunit ano nang karaharian? Wala bang magiging kaharian? Nalimutan na ba ng Diyos ang kaharian? Kita mo, si Hesus ang puno ng simbahan. Hindi Siya tinawag na “hari” ng simbahan. Walang ganoong pananalita sa Bagong Tipan. Si Hesus ay isang Hari sa isang kaharian – ngunit ang kaharian ba ay darating kailan man? Si Hesus ba ay mamumuno sa ibabaw ng lupa?

Bago pumaitaas si Hesus pabalik sa langit, sa Mga Gawa kapitulo isa, ang mga Disipolo ay nagtanong sa Kanya, “Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?” (Mga Gawa 1:6). Iyan ang ganap na sandali para kay Hesus na sabihing, “Hindi magkakaroon ng kahit anong kaharian. Hindi magkakaroon kailan man ng isang kaharian.” Ngunit hindi iyan sinabi ni Hesus sa kanila. Imbes sinabi Niya, “Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan…[ngunit] kayo'y magiging mga saksi ko… hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Mga Gawa 1:7, 8). Sinabihan Niya silang magpunta at magwagi ng mga kaluluwa, punuin ang simbahan, magpulong sa naligtas. Ang kaharian ay darating, ngunit ito’y nasa hinaharap. Isang maluwalhating araw ang kaharian ay darating!

III. Pangatlo, Siya ay padating na Hari.

Si Hesus ay darating sa dalawang paraan. Siya ay unang darating bilang isang magnanakaw sa gabi. Siya ay darating pangalawa bilang isang kidlat na maghihiwalay sa langit at kikinang mula silangan hanggang kanluran. Gayon ang Panginoong Hesus ay darating sa parousia, ang apokalupsis, ang dakilang paglalantad ng naghaharing Hari.

Una, Siya ay darating bilang isang magnanakaw sa gabi. Siya ay darating na di ipinaa-alam, biglaan, tahimik, palihim. Siya ay darating na isang magnanakaw na magnanakaw ng Kanyang mga hiyas. Siya ay darating na isang magnanakaw upang magdaigt ng Kanyang mga tao. Tayo ay mababago. Tayong mga buhay at nananatili, kapag Siya darating, ay biglaang madadaigt papalayo upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid.

Yoong mga namatay na mga Kristiyano ay unang babangon muna. Ang trumpeta ay tutunog at ang patay kay Kristo ay unang babangon. Tapos lahat ng mga nabubuhay na mga Kristiyano ay madadagit upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Gaya nito sa mga araw ni Enoch, biglaan siya ay nawala. Gaya nito sa mga araw ni Elijah, kinuha siya ng Diyos sa isang ipo-ipo. Gaya nito sa mga araw ni Lot at ang anghel na nagdala sa kanya papalabas bago bumagsak ang pahahatol ng Diyos sa lupa. Kung gayon si Kristo ay darating, patago, palihim, gaya ng isang magnanakaw sa gabi, upang dagitin papalayo ang Kanyang mga tao bago ng paghahatol ng Matinding Tribulasyon.

Tapos, Siya ay darating na bukas, at ang bawat mata ay maikita siya, ang parousia at ang apokalupsis. Habang ang kidlat ay kikinang sa lahat ng mga langit, gayon din ang luwalhati at ang presensya ni Kristo ay makikita. Ang teksto ng apocalipsiya ng paglalanta ay Apocalipsis 1:7, “Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata.”

Ang Panginoong Hesu-Kristo ay darating kasama ng Kanyang mga tao, bumababa mula sa Langit. Siya darating sa luwalhati ng Diyos bilang Diyos Anak, at Anak ng Diyos. Siya ay darating sa Kanyang sariling luwalhati bilang Anak ni Abraham, bilang Anak ni David, bilang, Anak ng Tao, bilang Anak ng Diyos!

Siya ay darating bilang Hari ng mga Hudyo. Siya ay darating bilang Hari ng mga bansa. Siya ay darating bilang Hari ng mga Hari. Siya ay darating bilang Panginoon, ang Pantokrator, ang Makapangyarihang Diyos, ang Pangalawang Tao ng Banal na Trinidad. Siya ay darating bilang muling Tagalikha at ang muling taga panumbalik ng lupa. Siya ay darating upang maging Panginoon at Hari ng lahat ng nilikha.

Tapos ay madadalang malampasan ang lahat ng mga pananalita ng mga propeta tulad ni Micah,

“At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma” (Micah 4:3).

Ang Prinsipe ng Kapayapaan ay darating. Tapos ay dadalhin upang malampasan ang magandang propesiya ni Isaias,

“At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata. At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong. Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat” (Isaias 11:6-9).

Ang ideya ng Pangalawang Pagdating ni Kristo ay mayroong dalawang mga tugon sa makataong puso. Ang isa ay kilabot. Kung ang iyong puso ay nasa mundo, at ang iyong buhay ay nabigay sa kapalaluan at kasalanan, ang kaisipan ng pagdating ni Kristo ay nakakatakot, gaya ng pagkalarawan sa ika-anim na kapitulo ng Apocalipsis,

“At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?” (Apocalipsis 6:16-17).

Doon sa mga tumanggi kay Kristo at nabuhay sa kasalanan, ang pagdating ni Kristo ay isang kilabot. Ngunit doon sa mga ligtas, ang kaisipan ng pagdating ng ating Tagapagligtas ay sa lahat ng mga bagay iniibig, at matamis, at mahalaga. Gaya ng sinabi ng sinantong Apostol Juan sa pagsasara ng Aklat ng Apocalipsis, “Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus” (Apocalipsis 22:20).

Maari itong sa tanghaling tapat, maari itong sa takipsilim,
Maaring marahil na ang kadiliman ng hatinggabi
Ay sasabog sa liwanag sa alab ng Kanyang luwalhati,
Kapag tatanggapin ni Hesus ang Kanyang kanya.

Habang ang karamihan nito ay sumigaw ng
Hosana mula sa langit bumababa,
Na may mga naluwalhating mga santo at
Ang mga anghel ay nagsisis dalo,
Na may biyaya sa Kanyang noo na tulad
Ng isang sinag ng liwanag sa ulo ng luwalhati,
Na tatanggapin ni Hesus sa Kanyang sarili,

O galak! O ligaya! na tayo’y magpupunta na hindi namamatay,
Walang sakit, walang kalungkutan,
walang pangamba at walang pag-iyak,
Nadagit sa mga ulap kasama ng Panginoon sa luwalhati,
Kapag tanggapin ni Hesus ang Kanya.

O, Panginoon Hesus, gaano katagal, gaano katagal,
Bago namin isigaw ang maligayang kanta,
Si Kristo’y bumalik! Aleluya!
Aleluya! Amen, Aleluya! Amen.
   (“Si Kristo’y Bumalik.” Isinalin mula sa
      “Christ Returneth” ni H. L. Turner, 1878).

Maligayang pagdating Hari, Panginoon, Tagapagligtas, ang pinagpalang Hesus!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Isaias 9:1-2, 6-7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Bumalik.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878).


ANG BALANGKAS NG

ANG PADATING NA HARI

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig” (Juan 18:37).

(Mga Awit 105:8-11; II Samuel 7:12, 16; Isaias 9:1-2, 6-7;
Lucas 1:31-35; 2:14; 19:40)

I.   Una, Siya ay isang tinanggihang Hari, Mateo 26:63-64;
Juan 1:11.

II.  Pangalawa, Siya ay isang ipinatapong Hari, Mateo 27:42;
Mga Gawa 1:6, 7, 8.

III. Pangatlo, Siya ay padating na Hari, Apocalipsis 1:7; Micah 4:3;
Isaias 11:6-9; Apocalipsis 6:16-17; 22:20.