Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG TAONG AYON SA LAMAN AT ANG TUNAY THE CARNAL MAN AND THE REAL CHRISTIAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari. At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya” (Mga Taga Roma 8:5-9). |
Ang mga bersong ito ay naghahambing noong mga ang isipan ay ayon sa laman at yoong ang isipan ay ayon sa espiritu. Tignan ang berso anim.
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6).
Kailangan nating huminto rito at isipin na ang mga “pag-iisip na ayon sa laman” ay hindi mga Kristiyano. Ang salitang “laman” ay nasasalin sa Griyegons salitang “sarx.” Ibig sabihin nito ay “laman.” Ang “pag-iisip na ayon sa laman” ay nangangahulugang maging nasa ilalim ng panghahawak ng laman. Pansinin na sinabi ni Pablo, “Ang kaisipan ng laman ay kamatayan.” Kung gayon ang makabagog pag-iisip na mayroong mga “Kristiyanong na-aayon sa laman ang pag-iisip” ay ganap na huwad. Sinabi ni Dr. James Montgomery Boice, “Ang tinutukoy ni Pablo rito ay ang pagkakaiba sa pagitan noong mga Kristiyano at yoong mga hindi. Siya ay nagsasalita tungkol sa dalawang uri ng tao lamang, hindi tatlo. Sa partikular, siya ay hindi nagsasalita kung paano ang ‘Kristiyanong ayon sa laman’ ay dapat gumalaw lampas sa isang mababang kalagayan ng pangako upang maging mas seryosong disipolo ng Panginoon” (isinalin mula kay James Montgomery Boice, Ph.D., Mga Taga Roma [Romans], Kabuuan 2, Baker Books, 2008 edisyion, p. 807).
Ginawa rin itong malinaw ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na si Pablo ay hindi nagsasalita tungkol sa dalawa uri ng mga Kristiyano sa mga bersong ito. Sinabi niya, “Ito’y maling interpretasyon na sabihin na ‘silang nasa laman’ ay mga tinawag na ‘ayon sa lamang’ mga Kristiyano…ito [ay] imposible na sila ay mga Kristiyano sa ano mang paraan” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Taga Roma: Isang Pagpapaliwanag ng Kapitulo 8:5-17, [Romans: An Exposition of Chapter 8:5-17], The Banner of Truth Trust, 2002 edisiyon, p. 3).
Ako’y kumbinsido na ang ideya ng dalawang uri ng mga Kristiyano (isang ayon sa laman at isang espirituwal) ay dumating bilang direktang resulta ng “desisyonismo.” Ang mga desisyonista” ay nakapaglikha nitong huwad na doktrina upang ipaliwanag ang lahat noong mga taong “gumawa ng isang desisyon” ngunit nabubuhay ng mala-impiyernong makasalanang buhay. Ipinapaliwanag ito ng mga “desisyonista” sa pagsasabi na sila’y mga “na-aayon sa lamang Krisitiyano” – at kailangan nating gumawa ng higit pang “gawain” sa kanila, at “turuan sila” na maging espiritwal na mga Kristiyano. Ang lahat ng iyan ay tunay na mga huwad na pagtuturo, at ito’y nagsanhi ng matinding pinsala sa ating mga simbahan. Ang mga tinawag na mga “na-aayon sa lamang mga Kristiyano” ay hindi mga Kristiyano sa anumang paraan – sa kahit anong diwa ng salita! Mayroon tayong mga adik sa droga na nag-aangkin na mga “na-aayon sa lamang mga Kristiyano.” Mayroon tayong mga tao na hindi nagpupunta sa simbahan na nag-aangkin na mga “na-aayon sa lamang mga Kristiyano.” Sa isang simbahan na aking pinupuntahan tuwing bakasyon, narinig ko ang isang babae na nagbigay ng isang tinawag na “testimony” na siya’y isang babaeng kalapating mababa ang lipad, na nagsasagawa ng mga gawain ng isa, habang siya ay “ligtas” – dahil siya ay isang “na-aayon sa lamang Kristiyano” sa panahong iyon. Ngayon siya’y bumalik sa simbahan at “muling inilaan” ang kanyang buhay, at ngayon ay naging isang “espiritwal” na Kristiyano. Kasama ko ang nanay ko sa paglilingkod na iyon. Kahit na si Nanay ay naging isang Kristiyano ng maikling panahon pa lamang, nakita niya ang panganib ng huwad na pagtuturong iyon. Sinabi niya, “O, Robert, hindi dapat nila payagan na magsalita siya ng ganyan sa harap ng lahat ng mga kabataan ito. Iisipin nila na maari silang maligtas at gawin ang mga teribleng mga bagay na iyon.” Natatandaan kong naisip na ang aking ina, na naging ligtas ng ilang buwan pa lamang, ay may mas higit na diwa kaysa ang pastor ng simbahang iyon! Noong ang tinawag na “Kristiyanong” kalapating mababa ang lipad ay natapos nang magsalita, sinabi ng pastor, “Hindi ba iyon kahanga-hanga?” Maraming tao sa kongregasyon ay sumigaw ng “Amen.” Di nakapagtataka na marami sa ating mga simbahan ay nagsa ganoong kaawa-awang kondisyon! Hindi! Mayroon lamang dalawang uri ng tao sa pasaheng ito – ang “isipang ayon sa laman,” na mga nawawalang tao, at ang “isipang ayon sa espiritu,” na mga ligtas na mga tao! Sana ay basahin ng ating mga mangangaral ang mga kumento ni Dr. Boice at Dr. Lloyd-Jones! Mapaliliwanagan nito ang huwad na doktrina ng “dalawang uri ng Kristiyano.” At saka, kapag ang isa mga tinawag na “na-aayon sa lamang Kristiyano” ay ilalaan muli ang kanilang buhay, sineselyuhan nito ang kanilang wakas – dahil ang kaligtasan ay hindi maaring dumating sa pamamagitan ng “muling paglalaan.” “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Mayroong libo-libong mga nawawalang mga Bautista at iba na nasa miserableng kondisyon na ito. Madalas silang umaapela sa salaysay ng mapaglustay na anak, sinasabi na siya ay “Kristiyanong na-aayon sa laman” na “muling naglaan” ng kanyang buhay. Ngunit sinabi ng sariling ama ng mapaglustay na anak na siya ay nawawala. Sinabi ng ama, “Siya'y nawala” (Lucas 15:24). Ang mapaglustay na anak ay isang larawan ng isang “nawawalang” tao na naligtas, at hindi muling inilaan ang kanyang buhay! Ngayon tignang maigi ang berso 6. Magsi-tayo tayo at basahin ito ng malakas.
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6).
Maari nang magsi-upo. Dito ang dalawang uri ng mga tao ay malinaw na inilarawan. Ginagawa itong malinaw ng Mga Taga Roma 8:6. Ikaw ay na-aayon sa laman ang isipan at nawawala, o na-aayon sa espiritu at ligtas. At titignan natin pareho sila.
I. Una, ang na-aayon sa lamang isipan.
Gaya ng sinabi ko, ang salitang “na-aayon sa laman” ay nanggagaling mula sa Griyegong salitang “sarx” – na nangangahulugang “laman.” Ang maging “na-aayon sa laman ang isipan” ay nangangahulugan na isang tao kasama ang kanilang isipan “nakasaayos sa laman.” Ang tao na ang isipan ay nakasaayos sa laman ay nasa isang napaka mapanganib na posisyon.
Sino sila? Sinasabi ng berso 5, “ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman…” Isinasalin ito ng Bagong Haring Santiago [New King James] na, “Yoog mga nabubuhay ayon sa laman ay isina-aayos ang kanilang mga isipan sa mga bagay ng laman…” Nariyan nakadiin ang kanilang mga isipan – “mga bagay salaman.” Sa I Juan 2:15-16, tayo ay binigyan ng isang larawan ng anong ibig sabihin ng magkaroon ng isipan na naka diin sa “mga bagay ng laman.” Sinasabi nito,
“Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan” (I Ni Juan 2:15-16).
Ang masasamang pita ng laman. Ang masasamang pita ng mata. Ang kapalaluan ng buhay. Ang mga bagay na ito na binibigayan ng lubos na atensyon ng mga na-aayon sa lamang mga tao. Tinatawag ni John Bunyan ang mga taong ito na nagbibigay ng lubos na atensyon sa mga bagay na ito na mga “makamundong isipan.” Iyan ay isa pang tawag para sa “na-aayon sa lamang isipan.” Tinawag ito ni Bunyan na “makamundong isipan.” Ipinaliwanag ni Dr. Lloyd-Jones kung anong ibig sabihin ng maging na-aayon sa lamang isipan. Sinabi niya,
Ibig nitong sabihin ang temporal lamang; wala itong kinalaman sa walang hanggan. Ang patutukoy nito sa buhay sa mundo laman, sa buhay na nakatali sa katawan at ang iba’t ibang mga kalidad at katangian ng malamang isipan…ang “pag-aabala sa mga bagay ng laman” ay nagsasama ng mga politikal na interes na wala ang Diyos, sosyal na mga interes na wala ang Diyos, mga cultural na mga interes na wala ang Diyos. Iyan ang ibig sabihin ng pahiwatig. Si Pablo ay mayroon sa isipan ang pinaka mataas na paghahabol ng tao, ang kanyang pilosopiya, ang kanyang sining, ang kanyan kultura, ang kanyang musika, na hindi kailan man lumalampas sa laman. Ang Diyos ay nasa labas nito lahat, Siya ay di kasama mula rito…maari silang sumulat ng mahusay tungkol sa pagbubuo ng isang uri ng Utopiya, maari silang magbuo ng isang obra maestro ng sining at ng literature at ng musika; ngunit walang kaluluwa riyan, walang Diyos riyan, walang Espiritu riyan. Ito’y lahat “nagsisitalima sa mga bagay ng laman” (isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pahina 6).
Ang mga kabataan na “nasa” rap na musika ay na-aayon sa laman ang isipan. Yoong mga “nasa” makabagong, naglalantad na mga pananamit ay na-aayon sa laman ang isipan. Yoong mga “nasa” laro sa videyo tulad ng “World of Warcraft,” at iba pang mga biyolenteng mga larong videyo ng pamamaril, at iba pa, ay makamundo ang isipan. Ang isang “na-aayon ang isipang” Kristiyano ay hind kailan man gugugol ng maraming oras sa ganyang uri ng basura! Kung ginagawa mo iyan, walang pagtataka na hindi ka naliligtas! Kasama riyan ang “Anime,” mga malademonyong Hapones na kartun, at pornograpiya. Iyong mga “nasa” mga bagay na ito ay na-aayon sa laman ang isipan. Ang mga kabataan na “nasa” paglalandi, paghahalikan, at ibang mga gawain ng ganoon uri ay na-aayon sa laman ang isipan. Yoong mga hindi nagbabasa ng Bibliya, at hindi nananalangin ay na-aayon sa laman ang isipan rin!
Ngayon pansinin ang teribleng panganib pagiging “na-aayon sa laman ang ispan.” Ito’y nasa berso 6, “ang kaisipan ng laman ay kamatayan” (ibid., pah. 7). Sinabi na ni Pablo na yoong “nangagsisitalima sa mga bagay ng laman” ay hindi mga Kristiyano. Ngayon siya’y lumalayo sa pagsasabi na ang mga makamundong mag-isip na mga tao ay “patay.” Ang mga taong lubos ang atensyon ng kanilang isipan sa mga makamundong bagay ay patay! Ang pahayag na “ang isipan ng laman ay kamatayan” ay nangangahulugan na ang na-aayon sa lamang tao ay nasa kalagayan ng espiritwal na kamatayan. Sa Mga Taga Efeso 2:1, tinutukoy niya sila na mga “patay dahil sa […] pagsalansang at kasalanan.” Muli sa Mga Taga Efeso 2:5, tinutukoy niya sila na “patay dahil sa […] kasalanan.” Ang mga ganoong mga tao ay hindi maintidihan kung paano maging ligtas,
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Maari kang mangaral at magturo hanggang sa ika’y maputla na at hindi nila maiintindihan ang pinaka simpleng mga katotohanan ng Ebanghelyo. Bakit? “Sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.” At ang na-aayon sa lamang tao, patay sa kasalanan, ay hindi lang talaga maintindihan yoong pinaka simpleng mga katotohanan! “Ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” – na-aayon sa laman ang kanyang isipan, at kung gayon hindi makatatanggap noong mga katotohanang iyon! Ito ang pangunahing dahilan na ating mapapakita ang Ebanghelyo ng paulit-ulit, at iyong mayroong mga makamundong isipan ay hindi lang talaga “makukuha” ito. Nakakita na ako ng mga taong nagpupunta sa silid ng pagsisiyasat sa loob ng maraming buwan na hindi naliligtas. Bakit? Dahil “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6)
Narito ay isang paglalarawan na ibinigay ni Dr. Lloyd-Jones. Marami sa inyo ang nakakita ng ebanghelikal na pelikulang Ang Nakamamanghang Biyaya [Amazing Grace] noong ipinakita ito rito sa ating simbahan. Ito ang kwento ni William Wilberforce (1759-1833) ang lider para sa abolisyon ng pang-aalipin sa Great Britain. Si William Pitt Younger (1759-1806) Primong Ministor. Sila’y napaka matalik na magkaibigan, ngunit si Wilberforce ay napagbagong loob, habang si William Pitt ay isa lamang pormal na nagpupunta sa simbahan, nagpupunta lamang siya sa simbahan ngunit walang interes sa pagiging napagbagong loob. Si Wilberforce ay nag-aalalang lubos patungkol sa nawawalang kaluluwa ng batang Primong Ministor, na si Pitt. Sa wakas nahikayat ni Wilberforce si Pitt na magpunta kasama niya upang marinig ang isang tanyag na ebanghelistang mangangaral na nagngangalang Richard Cecil. Sa wakas si Pitt ay sumang-ayon na magpunta kasama ni Wilberforce upang marinig ang mangangaral. Si Cecil ay nangaral ng napaka husay na naramdaman ni Wilberforce na naitaas sa Langit ng sermon. Ngunit pagkatapos si Pitt, ang Primong Ministor ay nagsabi sa kanya, “Alam mo Wilberforce, wala ako ni katiting ideya kung anong pinag-usapan ng taong iyon.”
Si Wilberforce ay napuno ng ligaya ng sermon, ngunit si Pitt ay nainip rito. Hindi niya ito maintindihan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Si Richard Cecil ay maaring nangaral na lang sa isang patay na tao. Ang patay ay hindi makapagpahalaga sa mga bagay na ganito, ni si William Pitt. Siya mismo ay nakumpisal nito…Mayroong mga ganoong uri ng mga tao. Nagpupunta sila sa isang lugar ng pagsasamba, nakikinig sila sa mga bagay na [nakapatutuwa] sa mga puso ng mananampalataya, ngunit wala silang nakikita ritong anuman…Iyan ay dahil hindi sila buhay sa mga espiritwal na mga bagay. Sila’y patay, patay sa Diyos, patay sa Panginoong Hesu-Kristo, patay sa kaharian ng espiritwal at lahat ng espiritwal na mga katotohanan, patay sa sarili nilang kaluluwa at espiritu at kanilang walang hanggan at walang hanggang interes. Hindi sila kailan man nag-iisip tungkol sa mga ganoong mga bagay sa anumang paraan. Iyan ang kanilang gulo. Iyan ang sinasabi ng Apostol tungkol sa kanila. Ang kaisipang ito ng laman ay nakapagsasara sa kanila mula sa buhay ng Diyos…kung mamatay siya sa kondisyon na iyon siya’y magpapatuloy sa buong walang hanggan na napagsarhan mula sa buhay ng Diyos. Wala nang iba ang mas higit na mapagdidilidili. Iyan ang ibig sabihin ng espiritwal na kamatayan” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pp. 10-11).
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6).
II. Pangalawa, ang espiritwal ang kaisipan.
Dapat nating alisin ang ideya na ito’y tungkol sa mga “na-aayon sa lamang” Kristiyano. Inihahambing ng Apostol ang di Kristiyano sa tunay na Kristiyano. Iyan ang tinutukoy ni Pablo sa mga bersong ito. “Datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6). Tapos sinasabi ni Pablo,
“Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya” (Mga Taga Roma 8:9).
Kung ang isang tao ay wala ang Banal na Espiritu sa kanya, ang taong iyon ay hindi isang Kristiyano. Ang paghahambing sa pagitan noong mga “nasa laman” at yoon mga “nasa Espiritu,” sa pagitan noong mga nawawala at ligtas.
Kapag ika’y napagbagong loob, ikaw ay hindi na “nasa laman.” Sa pagbabagong loob ikaw ay biglang “nasa Espiritu.” Sa sandaling iyon, ika’y naipapanganak muli. At ang Mga Taga Roma 8:9 ay nagtatapos gamit nito: “Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya” Ang sino wala ang Espiritu ni Kristo, ay hindi kasala kay Kristo.
Ngayon, hindi mo kailangang mag-alala patungkol sa kung paano iyan nangyayari. Sa sandaling ika’y magsisi at magtiwala kay Hesus, “ang Espiritu ni Kristo” (ang Banal na Espiritu) ay papasok sa iyong puso at mag-uugnay sa iyo sa Panginoong Hesu-Kristo. Iyan ang dahilan na hangal na sabihing, “Paano ako magpupunta kay Kristo?” Hindi ito isang bagay na gagawin mo sa anumag paraan. Ang Banal na Espiritu ang nangungumbinsi sa iyong nagkasala ng kasalanan. Kapag iyan ay mangyari ika’y nasusuka sa iyong lumang paraan ng pagiging “na-aayon sa lamang kaisipan.” Ang iyong na-aayon sa lamang pamamaraan ng pag-iisip at pamumuhay ay nagiging nakasusuka sa iyo. Tapos, kapag ika’y magtiwala kay Kristo, ang Banal na Espiritu ay nag-uugnay sa iyo sa Kanya. Naririnig ko ang mga taong nagsasabing, “Hindi ko alam kung anong nangyari, ngunit ngayon mukha itong napakalinaw sa akin. Ngayon nagtitiwala ako kay Hesus!” Iyan ay nangyari kapag ika’y pinag-ugnay ng Banal na Espiritu kay Hesus Ito’y isang banal na makataong pagtatagpo sa bumangaong Kristo! Ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawaniyan para sa iyo.
Nilabanan ni Dr. Cagan si Kristo sa loob ng dalawang taon. Sa wakas, isang gabi, sinabi niya, “si Hesus ay agad-agad na nariyan para sa akin. Sa loob ng ilang Segundo, ako’y tumawid patungo sa Kanya.” Sa sandaling iyon siya ay nagligtas. Ang sarili kong pagtatagpo kay Kristo ay dumating sa katapusan ng isang sermon sa Kolehiyo ng Biola noong Setyembre, taon 1961. Ang lahat na masasabi ko tungkol rito ay na si Hesus ay naroon, at nagtiwala ako sa Kanya. Iyan lamang ang lahat na narito! Ngayon alam ko na na ginawa lahat niyan ng Banal na Espiritu sa akin at para sa akin. Ngunit sa sandaling iyon aking simpleng nakatagpo ang nabubuhay na Kristo. Tapos ang lahat ng benepisyo ni Kristo ay sa akin. Ang Kanyang Dugo ay naglinis sa aking mga kasalanan! Binigyan Niya ako ng walang hanggang buhay! Ako’y naipanganak muli!
Hindi tayo dapat magpunta sa mga detalye, o iyong susubukang kopyahin ang nangyari kay Dr. Cagan at ako. Huwag mong gawin iyan! Simpleng tumingin sa iyong patay, at na-aayon sa lamang buhay. Maging masuklam rito. Tumalikod mula sa iyong na-aayon sa lamang buhay kay Hesus. Ililigtas ka Niya. Patatawarin niya ang iyong mga kasalanan. Bibigyan ka Niya ng walang hanggang buhay. Ika’y magiging ligtas muli!
Isa sa ating mga kabataan ay sumulat sa akin nagsasabing, “Ipanalangin mo na makita ng aking kapatid na walang maibibigay ang mundo sa kanya.” Diyan nagsisimula ang pagbabagong loob, sa pagkakakita na walang maibibigay ang mundo sa iyo. Diyan ito nagsisimula, kapag iyong masimulang maramdaman na “ang kaisipan ng laman ay kamatayan.” Tapos tumingin kay Hesus at makikita mo na “ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan” (Mga Taga Roma 8:6).
Sana ay mayroon akong mas maliwanag na testimonyon maibibigay. Ngunit siguro ito’y mas mabuti na hindi. Hindi kailan man ibinigay ni Calvin ang kanyang testimony sa takot, sa palagay ko, na ang ilan ay susubukang kopyahin ito. Hindi ko maibibigay ang aking testimonyong kasing linaw ni Spurgeon. Ngunit ang naramdaman niya akin ring naramdaman noong iniligtas ako ni Hesus mula sa aking kasalanan. Sinabi ni Spurgeon na isang labin limang taong gulang na bata,
Wala pa kailan man na kahit anong napaka totoo para sa akin gaya noong mga dumurugong mga kamay, at iyong nakoronahang ng tinik na ulo. Tahanan, mga kaibigan, kalusugan, kayamanan, mga kaginhawaan – lahat ay nawala ang kanilang kinang sa araw na iyon noong nagpakita Siya…Siya lamang ang Panginoong ang taga bigay ng pinaka mahusay na lubos na kaligayahan ng buhay, ang isang bukal ng nabubuhay na tubig sumisibol sa walang hanggang buhay. Habang aking nakita si Hesus sa Kanyang krus sa harap ko, at habang aking [naisip] ang Kanyang pagdurusa at kamatayan, [naisip ko] nakita ko Siyang nagtapos ng tinggin ng pag-ibig sa akin; at tapos tinignan ko Siya at sumigaw ako –
Hesus, mangingibig ng aking kaluluwa,
Hayaan ako sa Iyong dibdib lumipad.
Sinabi Niya, “halika” at ako’y lumipad sa Kanya; at noong hinayaan Niya akong magpunta muli, nagtaaka ako kung nasaan ang aking pasan. Ito’y wala na! Doon sa libingan, ito’y nakahiga…” Nahanap ko Siya,” Ako, isang [batang lalake] nahanap ang Panginoon ng luwalhati; Ako, isang alipin sa kasalanan, nahanap ang dakilang Tagapagligtas; Ako, isang anak ng kadiliman, nahanap ang aking Tagapagligtas at aking Diyos (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Muling Pagkabuhay: Ang Dakilang Pagbabago [Conversion: The Great Change], Pilgrim Publications, n.d., p. 22).
Panalangin namin na iyong maranasan ang kakaunti ng ligaya na naramadaman ni Spurgeon na isang binatilyo sa malamig na umaga ng Enero ng taon 1850! Sa loob ng mas kaunti sa limang taon si Spurgeon, ang “batang mangangaral,” ay nagsasalita sa libo-libong mga tao sa London! Naway magtiwala ka kay Hesu-Kristo ngayong gabi. Si Hesus ay pareho ngayon gaya noon. Kung magtitiwala ka sa Kanya patatawarin Niya ang lahat ng iyong kasalanan at huhugasang malinis gamit ng kanyang mahal na Dugo. Amen.
Gusto mo ba kaming makausap tungkol sa pagiging ligtas, tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano? Kung ganoon nga, paki-iwanan ang iyong upuan ngayon na at maglakad tungo sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa panalangin. Dr. Chan magpunta ka at mangalangin para doon sa mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 8:5-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Walang Magawa Nagkakasalang Kalikasan ay Namamalagi.”
Isinalin mula sa “How Helpless Guilty Nature Lies”
(ni Anne Steele, 1717-1778; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
ANG BALANGKAS NG ANG TAONG AYON SA LAMAN AT ANG TUNAY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari. At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya” (Mga Taga Roma 8:5-9). (Juan 3:7; Lucas 15:24; Mga Taga Roma 8:6) I. Una, ang na-aayon sa lamang isipan, I Ni Juan 2:15-16; II. Pangalawa, ang espiritwal ang kaisipan, Mga Taga Roma 8:6, 9. |