Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG ISLA NG MGA NAWAWALANG KALULUWA THE ISLAND OF LOST SOULS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:6-8). |
Sinabi ni Apostol Pablo, “ang kaisipan ng laman ay kamatayan.” Inilalarawan nito ang kondisyon noong mga nawawala. Ang “kamatayan” na kanyang tinutukoy ay ang espiritwal na kamatayan. Nagsalita Siya patungkol nito ng dalawang beses sa pangalawang kapitulo ng Mga Taga Efeso. Sinabi Niya na sila’y “mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Sinabi niya na “mga patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efesp 2:5). Sinasabi ng sulat sa Scofield sa Mga Taga Efeso 2:5 ay, “Ang espiritwal na kamatayan ay ang kalagayan ng natural o di napagbagong buhay na tao na nasa kanyang kasalanan pa rin, nahiwalay mula sa buhay ng Diyos, at salat ng Espiritu” (isinalin mula sa Pang-aaral na Bibliya ng Scofield [The Scofield Study Bible], 1917 edisiyon; sulat sa Mga Taga Efeso 2:5).
Pinaghambing ng Apostol ang salitang “kamatayn” sa mga salitang “buhay at kapayapaan.” Upang mapagbagong loob ay maging “patay” sa espiritwal. Upang maging napagbagong buhay ay ang magkaroon ng “buhay at kapayapaan.” Ipinunto ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na ang “kapayapaan” ay isang susing salita sa Mga Taga Roma kapitulo 8. Yoonh mga nawawala ay walang kapayapaan. At ang ibig sabihin ni Pablo riyan ay ang “kapayapaan kasama ng Diyos.” –
“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios” (Mga Taga Roma 5:1).
Bakit walang kapayapaan sa Diyos ang mga di Kristiyanong tao? Ang dahilan ay ibinigay sa berso 7 ng ating teksto. Wala silang kapayapaan sa Diyos,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Isinasalin ng Bibliya ng Geneva ng 1599 ang “kaisipan ng laman” na “laman.” At ang tala sa bersong ito ay nagsasabi na “sa laman ibig niyang sabihin isang tao na di napagbagong buhay.” Ang di ligtas, di napagbagong buhay na tao “ay pakikipagalit laban sa Dios.”
Kung ito’y seseryosohin, binibigyan tayo ng berso ng isang teribleng negatibong pananaw ng lahi ng tao sa di napabagong loob na kalagayan nito.
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Kahit na napaka negatibo, ito ay isang tunay na paglalarawan ng sangkatauhan. Pag-isipan natin ang dalawang mga punto na lumalabas mula sa ating teksto.
I. Una, ang teksto ay isang lubos na tunay na paglalarawan ng sangkatauhan.
Ako’y lumalangoy sa aking dyim noong huling Linggo. Nakasalubong ko ang isang babae doon na hindi ko nakita ng maraming buwan. Siya ay isang mabait na tao na may magandang personalidad. Ako’y natuwang makita siya muli pagkatapos ng maraming mga buwan. Siyempre alam niya na ako’y isang pastor. Gaya ng dati sinubukan kong panatilihin ang aming kombersasyon na positibi at hindi komprontasyonal. Hindi ko matandaan kung bakit, ngunit hindi pa kami nag-uusap ng higit sa tatlo o apat na minuto bago niya sinabing hindi siya makapaniwala na sa isang Diyos na hinahayaan ang higit na na pagdurusa sa mundo. Dahil mayroong higit na pagdurusa, sinabi niya na hindi siya naniniwala sa Diyos, at na ito’y Kanyang kasalanan. Maaring pinaniwalaan Niya Siya kung ginawa Niya ang mga bagay na naisip niya ay dapat magawa! Siyempre ipinagtanggol ko ang Diyos. Ngunit sinabi ko na ito’y ang tao, hindi ang Diyos ang nagdala ng higit na pagdurusa sa pamamagitan ng kanyang rebelyon laban sa Diyos. Ngunit hindi siya mukhang interesado, at hindi siya nakikinig. Pinalitan ko ang paksa at nagkaroon kami ng isang magandang kombersasyon pagkatapos niyan.
Ang sinabi ng babaeng iyon ay isang ganap na halimbawa ng paraan na ang mga ng pag-iisip ng mga nawawalang mga tao. “Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios.” Hindi nila gusto ang paraan na ginawa ng Diyos ang mga bagay. Sila’y naiinis sa Diyos. Kapag sila’y nag-iisip tungkol sa Diyos, sila’y naiinis sa kanya dahil sa maraming dahilan. “Minolestya ako ng pare.” Iyan ay isang malaking bagay para sa mga Katoliko. “Kung mayroong isang Diyos, hindi Niya ito papayagan,” ang sabi nila. Ang sagot ko, “Oo, ngunit walang kinalaman ang Diyos rito. Ang kasalanan ng tao ang gumawa nito!” Hindi sila interesado. Hindi nila ikaw pakikinggan. Sila’y nagpapatuloy sa pagsisisi sa Diyos.
“Nakakita ako ng mga ipokrita sa simbahan.” Iyan ang malaking bagay para sa mga Bautista at Pentekostal. Ang sagot ko, “Oo, ngunit hindi ito sinanhi ng Diyos. Ang mga makasalanan ang nagsanhi niyan. Hindi Diyos ang gumawa sa kanilang mga ipokrita. Ginawa nila silang mga ipokrita.” Muli, hindi sila interesado at sila’y tumingin papalayo sa akin. At kaya ito ganoon sa bawat nag-iisang di napagbagong loob na taong nakausap ko. Ang bawat isa ay nag-iisip na siya’y nagsasabi ng isang bagay na malalim – na para bang walang ibang nakapag-isip nito!!! Gayon, ang kanilang mga reklamo ay napaka karaniwan na ang mga ito’y tunay na panlahatan!!! Ang bawat isa na di napagbagong loob ay nagsasalita na ganyan tungkol sa Diyos. Ito’y para sila’y nanggaling mula sa parehong tagagupit ng kukis! At ang kanilang mga argument ay hindi lamang panlahatan, kundi napaka walang kasaysayab. “Hindi ko gusto ang paraan na ginagawa ng Diyos ang mga bagay – kaya paparusahan ko Siya sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya.” Kalokohan! Ang nag-iisang taong kanilang sinasaktan ay ang kanilang mga sarili. Sumisimangot, tulad ng mga bigay layaw na mga bata, pinupulot nila ang kanilang mga laruan at naglalakad palayo kapag ang laro ng buhay hindi nilalaro sa saktong paraan na iginigiit nilang laruin ito!
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Pansinin kung papaano ang masama, sa lamang kalikasan ng tao ay ipinapahayag ang sarili nito sa simbahan. Ang mga paghihiwalay ng simbahan ay laging sandi ng mga di napagbagong loob ng mga miyembro ng simbahan. Hindi ko naiisip na mayroong kahit anong eksepsyon – sa pinakakaunti ay wala sa aking narinig na o nalalaman. Kapag ang mga bgay ay di saktong nangyayari sa paraan na gusto nila itong mangyari, pinupulot nila ang kanilang mga laruan, nagsasabi ng isang bagay sa galit, at sila’y umaalis! Ang tanda ay dumarating kapag sinusubukan mong makipagdahilan sa kanila, o magpakita sa kanila ng Kasulatan. Sinasabi mo, “Ngunit hindi gusto ng Diyos na ika’y umalis ng simbahan.” Hindi ka nila marinig. Sila’y di interesado, tumitingin sila papalayo sa iyo. Hindi pa ako nakakilala ng isang nag-iisang tao na mapagnunumbalik pagkatapos nilang magdesisyong umalis ng simbahan – hindi isa! Bakit?
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Isa sa mga babaeng nagtratrabaho bilang isang takilyero sa aking bangko ang nagsabi sa akin na dati siyang nagpupunta sa isang Katimugang Bautistang simbahan malapit sa aking bahay. Ngunit sinabi niya na ang kanyang mga magulang ay nagalit at umalis – at hindi na niya naramdamang komportable doon na wala sila. Sinubukan kong makipagdahilan sa kanya, ngunit hindi siya interesado, at siya’y tumingin papalayo. Naisip niya na ang kanyang mga magulang ay tamang umalis sa simbahan, kahit na hindi na sila nagpupunta sa kahit anong simbahan ngayon, siya mismo ay natangay at hindi na nagpupunta, at ang simbahan mismo ay napakawasak na ito’y di halos namamalagi – na mayroon lamang sandakot na mga matatandang mga kababaihang nagpupunta! Kung susubukan mong makipagdahilan sa ganoong mga uri ng tao, at nagpakita sa kanila ng Kasulatan, sila’y laging tumutugon sa saktong parehong paraan – na parang sila’y lumabas sa parehong panggupit ng kukis! Sila’y di interesado, at sila’y tumatalikod. Bakit?
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Isa pang patunay! Kausapin yoong mga di naipanganak muling mga Krisitiyano. Bigyan sila ng purong ebanghelistikong mga pangaral. Bigyan sila ng makapangyarihang mga pananalanging pagpupulong. Bigyan sila ng pagkain, at pakikipagsamahan, at matinding pagpapayo – at ano ang ginagawa ng halos lahat sila? Naghahanap sila ng isang bagay na di pagsasang-ayunana! Makahahanap sila ng isang pagdadahilan upang mainis. Hindi ito magiging kanilang kasalanan! O hindi, hindi ito maaring maging kanilang kasalanan! Maari mong gawin ang lahat ng bagay na makatao na posible upang mapanatili sila – at ano ang gagawin nila? Hindi sila interesado, at sila’y tatalikod,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Oo, ang teksto ay nagbibgay ng isang lubos na tunay na paglalarawan ng sangkatauhan sa di napagbagong loob na kalagayan nito.
II. Pangalawa, ipinapakita ng teksto ang pagka pangkalahatan nitong masamang kondisyon na ito.
Walang gumawa niyang mas malinaw kaysa ang Apostol Juan, na nagsabing,
“Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (I Ni Juan 5:19).
Ang buong mundo ay nakahilig sa ilalim ng Adamikong sumpa, at kung gayon,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Si H. G. Wells ay isang ateyistang malakas na nagtataguyod ng Darwinismo. Makikita mo ito sa lahat ng mga siyensyang kathambuhay na mga pelikula na base sa kanyang mga nobela, tulad ng “Ang Digmaan ng mga Mundo,” “Ang Makina ng Oras,” “Ang Nawawalang Mundo,” at lalo na ang “Ang Isla ng Nawawalang Kaluluwa.” Hindi ako gumugol ng oras upang basahin ito, ngunit nakita ko ang 1932 na pelikulang bersyon ng dalawang beses. “Ang Isla ng Nawawalang Kaluluwa” ay ginawang pelikula ng tatlong beses, ngunit ang 1932 na bersyon ay ang nag-iisang nararapat na panoorin. Ang kritiko ng pelikulang si Leonard Maltin ay nagbigay ng tatlo at kalahating mga bituin mula sa posibleng apat. Ito ay ang kwento ngisang sira ang isip na siyentipiko, na ginanap ni Charles Laughton, nahiwalay sa isang malayong isla, kung saan binago niya ang gubat na halimaw na kalahating mga taong mga di pangkaraniwan na tinawag na “humanimals.” Isa sa mga nilalang na ito ay ginanap ni Bela Lugosi, na gumanap ng Drakula sa orihinal na pelikulang bersiyon. Ang kalahating tao, kalahting asong karakter ni Lugosi ay sumalakay kay Laughton sa katapusan, nagsasabing, “Hindi ba kami tao?” Gaya ng dat, ang H. G. Wells na mga kwento ay sagana sa maraming pagtutukoy sa Darwinismo. Kung panonoorin mo ang isang videyo ng pelikulang ito tiyakin na hindi ito makita ng maliliit na mga bata. Ito’y isinapelikula noong 1932, bago ng Hays Code ay naging epektibo. Ito’y nakakatakot sa maraming lugar, lalo na ang pangwakas na eksena. “Ang Isla ng mga Nawawalang Kaluluwa.”
Di nagtagal pagkatapos niyang mamatay, sinabihan ni C. S. Lewis ang isang kaibigan na napagpaniwala siya na ang ebolusyon ay “ang sentral na nakahilig ng ating panahon.” At tama siya. Ang teyorya ni Darwin ay talagang isang siyensyang kathambuhay lamang. Karamihan sa mga tao ay di naiisip na si Darwin mismo ay hindi nagkaroon ng kahit batshelor digri sa siyensa. Ang nag-iisa niyang digri ay ang sa Unitariyanong teyolohiya. Ang kanyang mga aklat ay aktwal na binasa tulad ng Viktoriyang siyensang kathambuhay, tulad ng mga kwento ni Jules Verne. Gayon ang kanyang “teyorya ng ebolusyon” ay umitlog sa marami sa mga kasamaan ng makabagong mundo, kasama ang Fasismo ni Hitler, Komunismo, at Aborsyong Holokos. Si H. G. Wells ay isa sa mga disipolo ni Darwin.
Gayon “Ang Isla ng mga Nawawalang Kaluluwa” ay di pangkaraniwang naglalarawan ng mundong tinitirahan natin ngayong gabi! Ang sangkatauhan ay nabubuhay sa “Isla ng mga Nawawalang Kaluluwa.” Ngunit hindi tayo naging ganyan sa pamagitan ng ebolusyon! Mayroong lumang tula tungkol sa mga unggoy na nag-uusap sa isang puno. Isa sa kanila ay nagsasabing,
“Oo, ang tao ay nagmula, ang magalit ay namura,
ngunit kapatid, hindi siya nagmula sa atin!”
Ang tao ay aktwal na naging mga “nawawalang kaluluwa” noong si Adam ay nagrebelde laban sa Diyos sa Hardin, sa simula ng panahon. At ang rebelyon ng ating unang mga magulang ay naipasa pababa sa lahat ng kanyang mga anak. Sinasabi ng Bibliya, “Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan” (Mga Taga Roma 5:12). At muli, “sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19). Bawat tao ngayon naipapanganak na may isang kalikasan na narungisan ng “orihinal na kasalanan.” Sinasabi ng Bibliya ng Geneva, “Sa pamamagitan ng kasalanan ay nangangahulugan na ang sakit na atin sa pamamagitan ng pagmamana, at karaniwan itong tinatawag ng mga taong orihinal na kasalanan” (tala sa Mga Taga Roma 5:12).
Alam ko na ang mga “makabagong” tao ay kinamumuhian ang doktrina ng “orihinal na kasalanan.” Ngunit ang kanilang pinaka pagkamuhi nito ay kumukumpirma lamang ng katunayan na iyan ay totoo! Di ko pinapalagay na ang kahit anong doktrina sa Bibliya (maliban sa Impiyerno) ay mas kinamumuhian kaysa orihinal na kasalanan, at ang bunga nito, lubos na kasamaan. At gayon, gaya ng pinunto ni C. S. Lewis, walang doktrina sa Bibliya ang mas madaling patunayan sa pamamagitan ng pag-oobserba ng sangkatauhan.
Halimbawa, kailangan mo bang turuan ang isang batang maging masama? Siyempre hindi! Sila’y masama sa kalikasan. Sinasabi ng Bibliya na ang tao ay isang “mananalangsang mula sa bahay-bata” (Isaias 48:8).
Ang may-akdang si William Golding ay itinanghal ang lubos na kasamaan ng sangkatuahan sa kanyang ipinagdiriwang na nobelang, “Panginoong ng mga Langaw” [“Lord of the Flies”]. Ito ang kwento ng isang grupo ng mga Ingles na mga koro ng mga batang lalake na estranded sa isang isla. Sa una suka ay napaka dalisay, at kumilos tulad ng maliliit na mga ginoo. Ngunit sa maikling panahon sila’y bumaba sa kabaliwan at kabangisan. Walang kinailangang magturo sa kanilang maging mabangis. Ito’y dumating ng natural, palabas ng kanilang masamang kalikasan – palabas ng orihinal na kasalanan na kanilang namana mula sa ating unang mga magulang, si Adam. Siya nga pala, ang “Panginoon ng mga Langaw” ay ang pangalan na ibinibigay ng Bibliya kay Satanas, sa anyo ng Beelzebub. Ang maliliit na mga Ingles na mga korong batang lalake, noong inalis ang pagpipigil ng sibilisasyon, ay agad bumaba sa kabangisan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ang Panginoon ng mga Langaw.
Ang kahit sinong kilala ang mga bata, at pinapanood sila sa simbahan, ay nakikita ang kaganapang ito muli’t-muli. Ang mga bata ay dumarating na nakadamit ng mganda sa kanilang pansimbahang mga damit, na may mga Bibliya sa kanilang mga kamay. Ngunit agad-agad na walang matandang nakatingin gumagawa sila ng isang bagay ng mapagrebelde – tulad ng pagsisinungaling, o pagnanakaw ng isang bagay, o – alam ninyo ang ginagawa ng mga bata! Hindi nila kinailangan maturuang maging masama at rebelde. Ginagawa nila ito sa kalikasan. Alam ba ninyo na mayroong isang hip hop na grupo na tinawag na “Masuwayin sa Kalikasan” [“Naughty By Nature”]? Anong pangalan! Ito’y isang tunay na paglalarawan ng sangkatauhan – masuwayin sa kalikasan!
Kapag ang maliliit na mga bata sa simbahan ay nakikita ang pastor o isang diakono, madalas silang, umuurong, na parang sila’y nahuli! Sila’y tumutugon ng ganyan kahit na wala silang ginagawang masama sa sandaling iyon! Sila’y lumiliit sa isang nagulat na tinggin sa kanilang mukha – katulad siguro ng itsura ng kanilang ninunong si Adam noong nahuli siya ng Diyos sa kanyang kasalanan, sa Hardin.
Ang “mabuting” mga binatilyo’t dalaga sa aking Linggong Paaralang klase noong taong 1950 ay ngingiti at magmukhang kalugod-lugod kapag mayroong matandang naroroon. Ngunit agad-agad habang ang matanda ay wala sila’y magsisimulang magsabi ng maruruming mga biro. Iyan una ay talagang nagpalito sa akin, ngunit noong natanto ko na (bago pa man ako napagbagong loob) na sila’y mga huwad, hindi mga tunay na Kristiyano sa anumang paraan. Kinakailangan ng biyaya ng Diyos upang makita iyan. Karamihan sa mga tao ay hindi ito nakikita sa ganoong paraan. Kaya sila’y umaalis na nagsasabi na ang simbahan ay puno ng mga ipokrita. Naririnig ko iyan palagi, “Umalis ako ng simbahan dahil puno ito ng mga ipokrita.” Ngunit iyan ay di totoo! Ang ibig nitong sabihin talga na mayroong mga tao sa simbahan na hindi mga Krisitiyano, mga taong di pa kailan man napagbagong loob. At ang mga ganoong mga tao ay “masuwayin sa kalikasan.” Hindi sila maaring maging ano pa man! Sila’y naipit sa kasalanan! Hindi sila makatakas mula rito! Tulad ng mga “humanimals” sa Isla ng mga Nawawalang Kaluluwa,” hindi nila masupil ang kanilang makasalanan, malamang kalikasan! Ang “humanimal,” na ginanap ni Bela Lugosi ay nagsabing, “Hindi ba kami nga tao?” Sila’y napaka samang mga tao na sila’y mas higit na tulad ng mga hayop kaysa mga tao! Iyan ang larawan ng maraming sirang mga tao sa ating mundo ngayong gabi! At, sa mas kaunting antas, anong larawan ng di napagbagong loob na mga tao sa ating simbahan. Minsan ko nakikita ang mga ganoong mga tao talagang kumikilos na mas higit na mga hayop kaysa mga tao!
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7-8).
Si Pastor Richard Wurmbrand ay isang Luteranong minister na pinahirapan para kay Kristo ng labin apat na taon ng mga Komunista sa Romaniya. Noong nagsalita siya sa harap ng komite sa Senado ng Estados Unidos, sinabi ni Pastor Wurmbrand sa mga Senador,
Ang mga Kristiyano ay itinali sa mga krus ng apat na araw at gabi. Ang mga krus ay inilagay sa sahig at daan-daang mga bilanggo ay kinalangang matupad ang mga pangangailangan ng kanilang mga katawan sa ibabaw ng mga katawan ng mga napako sa krus. Tapos ang mga krus ay itinayo muli at nagilibak at nagnutya ang mga Komunista, “Tignan ang inyong Kristo! Napaganda niya! Anong kabanguhan ang dinadala niya mula sa langit!” Inilarawan ko kung paano, pagkatapos na halos matulak na halos mabaliw sa pagpapahirap, isang pari ay puwinuwersang benditahan ang tae ng tao at ihi at ibigay itong Banal na Komunyon sa mga Kristiyano sa anyong ito. Ito’y nangyari sa Romnanyang bilangguan ng Pitesti. Tinanong ko ang pari pagkatapos bakit hindi niya mas ginustong mamatay kaysa makilahok sa pangungutya iyon. Sumagot siya, “Huwag mo akong husgahan, pakiusap! Nagdusa akong mas higit kaysa kay Kristo.” Lahat ng mga biblikal na paglalarawan ng impiyerno at ang mga sakit ng Imperno ni Dante ay wala kumpara sa mga paghihirap sa Komunistang bilangguan (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Th.D,. Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], Living Sacrifice Book Company, 1998 edisiyon, pp. 36, 37).
Inilalarawan nito ang mga kasindakan na maaring maganap dahil ang tao ay nalason ng kasalanan!
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7-8).
Ibinigay ni Dr. Lloyd-Jones ang nakapagaaninaw na paliwanag ng ating teksto. Makinig ng mabuti – dahil inilalarawan ka nito, kung ika’y di napagbagong loob.
Ang di nananampalataya ay hindi lamang patay sa espirituwal, kundi sa parehong beses siya ay “pagkikipagalit laban sa Dios,” ang kanyang buong pagkaintindi ng Diyos ay mali. Ipinapalagay niya ang Diyos bilang isang kaaway; ang Diyos ay isang taong kanyang [hindi gusto]. Maari niyang sabihin naniniwala siya sa Diyos, ngunit…nararamdaman niya na ang Diyos ay laban sa kanya, hinihiling niya na walang isang DIyos. Malinaw na ang ganoong tao ay hindi posibleng makapaglulugod sa Diyos, o na ang katuwiran ng batas ng Diyos ay matutupad sa kanya. Ang pangalawang katotohanan tungkol sa di nananampalataya ay na hindi siya nasa ilalim ng Diyos; kinamumuhian niya ang batas ng Diyos. Ipinapakita iyan ng mundo ngayon. Kinamumuhian nito pati ang pinaka pagkaunawa ng batas; kinamumuhian nito ang disiplina, at ang inilalarawan nitong kalayaan ay wala kundi [kawalan ng batas]. Tao sa kalikasan, at sa kasalanan, ay gustong maging batas sa kanyang sarili, gusto niyang gawin ang gusto niyang gawin, anong nakalulugod sa kanya…at siya’y tumututol sa bawat pagmumungkahi ng batas at disiplina… Ang di nananampalataya ay hindi sakop sa batas ng Diyos. Sa katunayan…hindi niya kayang maging sakop nito – “o sa katunayan maaring maging sakop.” Dahil siya’y siya, dahil sa kasamaan na nasa kanya, hindi niya pati mahangad na maging sakop sa batas ng Diyos (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Taga Roma: Isang Pagpapaliwanag ng Kapitulo 8:5-17 [Romans: An Exposition of Chapter 8:5-17], the Banner of Truth Trust, 2002 inilimbag muli, p. 43).
At tapos, nagkukumento sa parehong pasahe sa Mga Taga Roma 8, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Bago tayo maging mga Kristiyano ating nakikipaglaban laban sa batas ng Diyos; sa sandaling tayo ay maging mga Kristiyano ang pakikipaglaban na iyan ay natatapos, at mayroong kapayapaa” (isinalin mula sa ibid, pah. 45).
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7-8).
Kung ika’y di napagbagong loob, hindi ka ba inilalarawan nito, kahit sa kaunting diwa? Hindi ba ito totoo na hindi mo talaga iniibig na kantahin ang mga himno? Hindi ba ito totoo na hindi mo talaga gustong umuupo sa gabi ng Sabadong pagpupulong pananalangin, nakikinig sa mga Kristiyanong manalangin? Hindi ba ito totoo na hindi mo talaga gustong magwagi ng mga kaluluwa? Hindi ba ito totoo na mas gusto mo pang nasa ibang lugar tuwing Linggo – kahit sa ilang panahon? Hindi ba ito totoo na madalas mong naiisip na ang simbahan ay masyadong mahigpit? Hindi ba ito totoo na gusto mong mag-isip ng mga bagay alam mo ay mali – ngunit talagang kinamumuhian mong manalangin mag-isa? At hindi ba ang lahat ng mga bagay na iyon ay nagpapakita sa iyo na ika’y nawawalang makasalanan, na may sa lamang, nawawalang isipan?
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7-8).
Ngayon, kung ang kahit ano sa mga ito ay naglalarawan sa iyo, anong magagawa mo tungkol rito? Mayroo lang talagang dalawang bagay na maari mong magawa. Bumubuod ito sa dalawang mga pagpipilian.
1. Maari mong puwersahin ang iyong sarili na magpunta sa simbahan ng ilang sandali, at tapos ay umalis. Mayroong tayong mga taong umaalis muli’t muli dahil sa pinaka dahilan na iyan. Ayaw nilang marinig ang mga kinakailangan ng Diyos sa kanila, at ayaw nilang mapasa ilalim ng ganoong mahigpit na mga patakaran sa simbahan. Kaya nilisan nila ang simbahan. Pinagiginhawa sila nito ng ilang sandali,. Ngunit “ang lakad ng mananalangsang ay mahirap” (Mga Kawikain 13:15). “Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:21). Sa katapusan ang kanilang mga puso ay balisa at di nasisiyahan. Gaya ng sinabi ni Sto. Augustine sa Diyos, “Ang aming mga puso ay balisa hanggang mahanap ang pahinga sa Iyo.”
2. Maari kang manalangin sa Diyos na baguhin ang iyong puso, at baguhin ang iyong isipan. Si Kristo lamang ang makagagawa niyan para sa iyo! Si Kristo lamang ang makabibigay sa iyo ng kapayapaan sa Diyos, at kapayapaan ng kaluluwa. “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Magagawa iyan ng Diyos sa iyo. Ang Diyos lamang ang makadadala sa iyo sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, at dalhin ka kay Kristo para sa paglilinis ng Kanyang mahal na Dugo! Sumigaw sa Kanya, dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo. Si Kristo lamang ang makakukuha ng iyong malamang isipan at mabigyan ka ng bagong puso upang mahalin ang Diyos – imbes niyong mapagrebeldeng puso na mayroong ka ngayon! Sinasabi mo, “kinakailangan niyan ng isang himala!” Tama ka! Kakailanganin ng isang himala!
Ngunit noong kanyang iniligtas ang aking kaluluwa,
Nilinis at ginawa akong buo,
Kinailangan ng isang himala ng pag-ibig at biyaya!
(“Kinailangan ng isang Himala.” Isinalin mula sa
“It Took a Miracle” ni John W. Peterson, 1921-2006).
Sinabi ni Anne Steele (1760), isang tagasulat ng himno ng Unang Dakilang Paggising,
O palitan ang mga masasamang puso namin,
At bigyan ang mga ito ng buhay na banal!
Tapos ang aming mga pasyon at aming mga kapangyarihan,
Makapangyarihang Diyos, maging Akin.
(“Napaka Walang Magawang Nagkakasalang Kalikasan ang Namamalagi.”
Isinalin mula sa “How Helpless Guilty Nature Lies” ni Anne Steele, 1717-1778;
sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
Kung gusto mo kaming makausap tungkol sa bagong pagkapanganak, at pagiging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang inyong mga upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo’y makakapag-usap at makapagdarasal. Dr. Chan paki ipagdasal mo iyong mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 8:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kinailangan ng isang Himala.” Isinalin mula sa
“It Took a Miracle” (ni John W. Peterson, 1921-2006).
ANG BALANGKAS NG ANG ISLA NG MGA NAWAWALANG KALULUWA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:6-8). (Mga Taga Efeso 2:1, 5; Mga Taga Roma 5:1) I. Una, ang teksto ay isang lubos na tunay na paglalarawan ng sangkatauhan, Mga Taga Roma 8:7. II. Pangalawa, ipinapakita ng teksto ang pagka pangkalahatan |