Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SIMPLENG PANANAMPALATAYA KAY HESUS

(PANGARAL BILANG 15 SA ISAIAS 53)

SIMPLE FAITH IN JESUS
(SERMON NUMBER 15 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle sa Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Hulio taon 2013

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao”
(Isaias 53:3).


“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao.” Isang makabagong kumentor ang nagsabi na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa “pag-aayaw ng [Israel] sa napakong Mesiyas at ang pagkakulang ng respeto nila para sa naglamang taong Anak ng Diyos.” Itinakda niya na ang berso na magsama lamang ng mga Hudyong mga tao sa panahon ni Kristo. Ngunit gusto ko ang sinabi ni Moody, “Nagbubuhos ang Bibliya ang matinding pagkalinaw sa mga kumentaryo.” Hindi ang berso ay hindi lamang tumutukoy sa “pag-ayaw” ng Israel kay Kristo. Iyan ay ginawang malinaw sa simula ng berso. Sinasabi nito, “Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao.” Hindi ng mga Hudyo lamang, kundi “ng mga tao” sa pangkalahatan! “Itnakuwil ng mga tao” – hindi simple ng mga Hudyo lamang. “Ang Bibliya ay nagbubuhos ng matinding pagkalinaw sa mga kumentaryo.”

Si Luther ay nagsalita tungkol sa “analohiya ng Kasulatan.” Ang ibig sabihin ng dakilang Taga Reporma ay na atin dapat nating ikumpara ang Kasulatan sa Kasulatan, upang matagpuan kung anong sinabi ng Diyos tungkol sa isang paksa sa ibang bahagi ng Bibliya. Sa Isaias 49:7 mababasa natin,

“Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao…” (Isaias 49:7).

Kaya, dito rin, makikita natin na ang “tao” sa karaniwan ay hinahamak si Hesus, ang “Banal.” Sa Bagong Tipan, sinabi ni Hesus Mismo,

“Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo” (Juan 15:18).

Sa mga bersong ito, makikita natin na ang mga nawawalang mga tao sa mundo ay maaring kinamumuhian si Kristong mapait, o itinatago nila ang kanilang mga mukha mula sa Kanya at hindi Siya iniisip.

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

Itinatago ng mga tao ang kanilang mga mukha mula kay Hesus sa maraming paraan. Narito ang tatlo sa mga ito.

I. Una, mayroon iyong mga itinatago ang kanilang mga mukha mula kay Kristo sa lubos na pagdudusta.

Binabasa ko ang aklat ni Pastor Wurmbrand, Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ]. Binasa ko ito taon taon. Nagsabi si Pastor Wurmbran patungkol sa mga katakot takot na mga bagay na pinagdaanan niya mula sa mga Komunista na kinmuhian si Kristo. Sinabi niya,

     Ang mga pagpapahirap at kalupitan ay nagpatuloy na walang interupsyon. Noong nawalan ako ng malay o naging masyadong nahihilo upang bigyan ang mga tagapagpahirap na kahit anumang pag-asa ng pangungumpisal, ako’y ibinabalik sa aking selda. Doon ako hihiga, hindi inaalagaan at halos patay na, upang makakuha muli ng kaunting lakas upang matrabaho nila ako muli. Marami ang namatay sa puntong ito…Sa mga sumunod na mga taon, sa maraming iba’t ibang mga bilangguan, nasira nila ang apat na buto sa aking likuran, at maraming iba pang mga buto. Inukit nila ako sa sang dosenang mga lugar. Sinunog at humiwa ng labing walong butas sa aking katawan…
     Kinailangan naming umupo ng labing pitong oras kada araw – sa loob ng maraming linggo, maraming buwan, at mga taon – nakikinig sa

     Ang Komunismo ay mabuti!
     Ang Komunismo ay mabuti!
     Ang Komunismo ay mabuti!
     Ang Kristiyanismo ay ugok!
     Ang Kristiyanismo ay ugok!
     Ang Kristiyanismo ay ugok!
     Sumuko ka na!Give up!
     Sumuko ka na!

(Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Th.D., Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], Living Sacrifice Books, 1998 edisiyon, mga pah. 38, 39).

Hindi siya nagmamalabis. Kilala ko siyang mabuti.

Ang pagkamuhi kay Kristo ng mga Komunista at ibang mga Sosyalista ay matindi. Nakakikita tayo ng mga matitinding mga pagsalakay ng mga Sosyalista laban kay Hesus at Kanyang mga tagasunod kahit ngayon sa Amerika ngayon – mula sa White House hanggang sa mga paaralan. Ang mga kalalakihan ng mga mataas na opisina ay ngayon nagtatago ng kanilang mga mukha mula kay Kristo sa ganap na pagdudusta. Iyong mga nagmamaliit kay Kristo at Kanyang mga tagasunod ay tiyak na tumutupad sa ating teksto,

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

II. Pangalawa, mayroong iyong mga nagtatago ng kanilang mga mukha mula kay Kristo sa pamamagitan ng pakakawalang malasakit.

Tiyak na inilalarawan ko ang ilan sa inyo rito ngayong umaga! Hindi mo kailan man maiisip na manakit ng isang Kristiyano, o pagsisigaw na ang “Kristiyanismo ay ugok.” Lumiliit ka sa pagkatakot kapag sinasabi ko sa iyo kung ano ang ginawa ng mga Komunista kay Pastor Wurmbrand. Sinasabi mo, “Hindi ko kailan man gagawain ang ganoong bagay!” Naniniwala ako sa iyo. Hindi ko naiisip na iyong kailan man sasalakayin si Hesus tulad noong mga malahalimaw na mga Komunistang tagapagpahirap. At gayon…! At gayon…! Iyong natutupad ang ating teksto sa pamamagitan ng iyong malamig na pagkawalang malasakit kay Hesus,

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

Nagpupunta ka rito sa simbahan at umuupo lang rito. Ang iyong mata ay natatakpan ng ulap kapag itinutukoy ko si Hesus. Ang ilan sa inyo ay isinasara ang iyong mga mata. Ang ilan sa inyo ay isinasara ang iyong mga mata. Na may malamig na pagkawalang malasakit, itinatago mo ang iyong mukha mula kay Hesus.

Alam mo ba na magagawa rin iyan kahit ng isang mangangaral? Noong ako’y Katimugang Bautistang seminaryo sa hilagang San Francisco, mayroong isang mag-aaral na nagngangalang Tom Frederick. Siya’y aking naging kaibigan. Si Tom ay isang mangangaral. Ngunit isang Linggo ang kanyang sariling pangangaral ay tumusok sa kanyang puso! Nagsimula siyang lumuha ng napaka tindi na hindi na siya makapangaral. Bumaba siya mula sa pulpit at lumuhod sa altar. Doon siya’y nagsisi para sa pagkawala ng pag-ibig para sa Tagapagligtas. Doon, sa harap ng mga nagulat na kongregasyon, timigil siya sa pagtatago ng kanyang mukha mula kay Hesus. Nagtiwala siya sa Tagapagligtas, siyang naging isang tunay na Kristiyano. Siya’y naging isang napaka mabuting pusong tao. Siya’y nagpunta sa silid ng aking dormitory kasama ng mga kalalakihan na sumama sa akin para sa panalangin doon kada Huwebes ng gabi. Sinuportahan niya ako sa aking katayuan laban sa mga propesor na sumalakay sa Bibliya. Sinamahan niya ako noong hinarap namin ang pangulo ng Seminaryo sa harapan ng kanyang pintuam. Sinuportahan niya ako kahit na tinawag nila siyang isa sa mga “panatiko ni Hymers.” Siya, mula sa isang nawawalang Katimugang Bautistang mangangaral ay naging isang tunay na Kristiyano. Ang kanyang pagbabagong loob ay nangyari noong tumigil siya sa pagtratrato kay Hesus na may malamig na na walang malasakit.

Namatay si Tom ilang linggo lamang ang nakaraan. Nagpadala ako ng pera sa kanyang asawa. Iyon ang maliit na magagawa ko upang maipakita ang aking pasasalamat sa kanya sa pagsusuporta sa akin sa Pakikipaglaban para sa Bibliya sa Gintong Tarangkahang Bautitang Teyolohikal na Seminaryo [Golden Gate Baptist Theological Seminary] noong mga maagang taon ng 1970. At ako’y nagpapasalamat sa Diyos para sa pagbubukas ng puso ni Tom kay Hesus, noong siya’y naligtas habang kanyang ipinangangaral ang kanyang sariling pangaral sa isang Linggog umaga mahabang panahon noon.

Mayroong magsasabing, “Dr. Hymres, di mo akong gustong maging tulad ni Tom Frederick?” Tulungan ako ng Diyos! Ako’y magpupuri sa piling ng mga anghel sa Langit kung ika’y maging kalahati ng taong siya’y naging! Ang ilan sa inyong mga kabataan na nakaupo rito linggo-linggo ay di nag-aalala, di gising, at walang malasakit – hiling ko sa Diyos na ika’y maging kahit kaunting tulad ni Tom!

Ngayon, ilagay ito ng ganito – paano kung ika’y nasa Gintong Tarangkahang Seminaryo noong 1971 o 1972? Ano kaya kung ika’y naroon mula sa ibang simbahan, at ako ang iyong pastor? Pag-isipan ito ngayon! Susuportahan mo kaya ako noong hinarap ko iyong mga propesor na sumalakay sa Bibliya? Pag-isipan ito ngayon! Susuportahan mo kaya ako? O tratratuhin mo lang ito ng walang malasakit at iiwasan ang kontrobersiya? Pag-isipan ito!

Ngayon kung ika’y matapas sa iyong sarili, ang ilan sa inyo ay aaminin na ika’y magiging malamig at malayao. Pagkatapos ng lahat, gusto mo ang iyong digri at makaalis doon na hindi natatatakang isa sa mga “panatiko ni Hymers,” dib a? Hindi ka biglang magbabago mula sa kung paano ka ngayon, at maging isang masipag para kay Kristo, hindi ba? Pag-isipan ito! Naniniwala ako na iyon sa iyong mga nangangaladkad ng kanilang mga sarili papasok labas ng silid ng pagsisiyasat ay hindi magiging nasa aking tabi sa liberal na seminaryo. Hindi, ika’y magiging kasing malamig at walang malasakit kung paano ka ngayon! Sasamahan mo iyong mga nagsasabing,

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

III. Pangatlo, mayroong iyong mga nagtatago ng kanilang mga mukha mula kay Kristo sa pamamagitan ng kapabayan.

Itinago mo ang iyong mukha mula kay Hesus ng mahabang panahon. Wala kang pakialam kung ako’y mangaral tungkol kay Hesus o hindi. Kung ako’y magsalita tungkol sa psikolohiya iyong aayusin ang iyong upuan at makikinig ng may atensyon. Kung ako’y magsasalita tungkol sa politiko ika’y yuyukong paharap sa iyong upuan para marinig mo ang bawat salita. Sa mga pagkakataon na magsasalita ako sa propesiya ng Bibliya, ibibigay mo ang iyong punong atensyon sa pangaral. Noong ako’y nagsalita tungkol sa Langit ilang linggo noon ika’y nakikinig ng mabuti ng matindi, dahil ito’y bagong paksa para sa iyo. Noong ako’y bumailk sa Ebanghelyo, ang iyong mga mata ay natakpan ng ulap. Nawawalan ka ng interes kapag nagsasalita ako patungkol kay Hesus! Hindi ba? Hindi ba?

Kayong mga kabataan ay gumugugol ng maraming oras at enerhiya sa kolehiyo. Nag-aaral ka ng maraming oras na walang katapusan upang maging mahusay ka sa iyong klase. Gumigising ka ng maaga upang mag-aral. Nanantili kang gising ng gabi na upang mag-aral. Natutuwa ako na ginagawa mo iyan dahil hindi ka magiging mahusay sa iyong propesyon kung hindi ka magiging mahusay sa iyong paaralan ngayon. Binbati kita para sa pag-aaral ng mabuti sa iyong paaralan. Ngunit hindi ka kailan man nanatiling gising kahit isang oras na mas matagal kaysa karaniwan upang aralin ang Bibliya, o aralin ang mga sermon na ito, alin ay ipinamimigay sa iyong naka limbag kada Linggo. Hindi mo kailan man naisip na gumising ng isang oras na mas maaga upang mag-aral tungkol kay Kristo, na namatay upang iligtas ang iyong makasalanang kaluluwa. Ang lahat ng mga bagay sa mundo ay mukhang mas mahalaga sa iyo kaysa kay Kristo na umiibig sa iyo, na nananalangin para sa iyo sa Langit.

Kahit dito sa simbahan, habang ako’y nangangaral tungkol kay Hesus, hinahayaan mo ang iyong isipang lumibot sa mga bagay na mukhang mas mahalaga sa iyo kaysa sa Kanya. At kapag nagpupunta ka sa silid ng pagsisisiyasat, hindi kita naririnig na magsalita tungkol kay Hesus. Nagsasalita ka tungkol sa iyong sarili, ngunit hindi kita naririnig na magsalita tungkol kay Hesus. Naririnig kitang magsalita tungkol sa mga doktrina at mga berso sa Bibliya minsan, ngunit hindi kita naririnig na magsalita tungkol kay Hesus Mismo! Wala Siya sa iyong isipan. Higit sa panahon pinag-uusapan mo lamang ang kung anong nararamdaman mo – o hindi mo nararamdaman! Naghahanap ka ng isang pakiramdam upang masigurado ka, ngunit hindi mo hinahanap si Hesus Mismo. Tinatalakay mo ang pagkawala mo ng kasiguraduhan, ngunit hindi ka nagsasalita tungkol sa Tagapagligtas, na siyang ang nag-iisang tao na makasisigurado ng iyong kaligtasan! Ang ilan sa inyo ay nag-iisip, “Wala akong nabiyak na puso.” Sinasabi ko sa iyo, “Huwag kang humanap ng nabiyak na puso, tumingin kay Hesus!” Ngunit kapag binibanggit ko ang Kanyang pangalan ang iyog mga mata ay natatakapan ng ulap, at iniisip mo, “Kailangan ko ng isang pakiramdam. Kailangan kong maramdamang ligtas!” Sasabihin ko sa iyo, “Hindi, ang lahat ng kailangan mo ay si Hesus.” Ngunit kapag binabanggit ko ang Kanyang pangalan nawawalan ka ng interes agad-agad. Sasabihin ko, “Tumingin ngayon kay Hesus, nagdurugo sa Krus para sa iyo.” Ngunit tumitinggin ka pabalik sa iyong sarili. Naghahanap ka ng pakiramdam sa iyong sarili! Hindi kita makuhang tumingin papalayo mula sa iyong sarili patungo kay Hesus! Sinisipi ko ang propeta na nagsabing, “Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit” (Isaias 55:6). Ngunit naghahanap ka ng isang pakiramdam o emosyon sa iyong sarili kaysa paghahanap kay Kristo Mismo, na umiibig sa iyo!

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

Hinihiling ko sa iyong tumigil sa paglilingon sa iyong mukha mula kay Hesus. Sa sandaling ika’y tumingin kay Hesus Mismo, ililigtas ka niya. Hindi mo siguro “mararamdamng” ligtas. Sa araw na ako’y niligtas ni Hesus, hindi ko “naramdamang” ligtas. Hindi ko pa nga alam na ako’y ligtas sa araw na iyon hanggang sa maraming buwan ang nakalipas. Ang alam ko sa araw na iyon ay si Hesus! Naniwala ako sa Kanya noon, ngunit sa araw na iyon – masasabi ko lamang – naroon si Hesus! Ito’y isang primitibong pananampalataya, ngunit ito’y isang pananampalataya kay Hesus, napaka simple, napaka primitibo – ngunit ito’y si Hesus!

Nakakita si Pastor Wurmbrand ng maraming mga taong napahirapan para kay Kristo ng mga Komunista noong siya ay nasa bilangguan dahil sa pangangaral. Nakakita rin siya ng maraming mga bilango, at pati mga Komunistang gwardya na nagtiwala kay Hesus. Sinabi ni Pastor Wurmbrand,

Minsan na ang isang indibiwal ay dumating sa pananampalataya – kahit isang primitibong pananampalataya – ang pananampalatayang ito ay lumalago. Tayo ay tiyak na ito’y sasakop dahil kami ng Lihim na Simbahan ay nakita itong sumasakop ng muli’t muli. Iniibig ni Kristo ang mga Komunista at ang iba pang “mga kalaban ng pananampalataya.” Maari sila at dapat silang matagumpay para kay Kristo (Isinalin mul akay Wurmbrand, ibid., pah. 115).

Ang magnanakaw na namatay sa tabi ni Hesus sa Krus ay naligtas sa loob ng ilang minutong natitira sa lupa. Napaka kaunti ng nalalaman niya. Ang kanyang pananampalataya ay napaka “primitibo,” na ginagamit ang mga salita ni Pastor Wurmbran. Ngunit siya ay naligtas sa sandaling ang kanyang puso ay nagtiwala kay Hesus. At sinabi ng Tagapagligtas sa kanya, “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43). Sa akin mukhang maaring mayroong narito ngayong umaga na makapagtitiwala kay Hesus sa pinaka kaunti ay kasing husay ng taong ito. Maari itong napaka simple, “primitibong” tiwala, ngunit kung magtitiwala ka kay Hesus na napaka kaunti, na walang pagtingin sa iyong sarili para sa pagpapatunay, pagtitiwala lamang kay Hesus at pag-iiwan nito rito, na walang pag-susuri ng iyong sarili, ililigtas ka ni Hesus. Simple, mahina, “primitibo,” parang isang batang pananampalataya kay Hesus – iyan lang ang lahat na iyong kailangan. Huwag tumingin kay isang beses sa iyong sarili. Huwag tumingin kahit isang beses para sa isang pakiramdam ng kahit ano. Tumingin ng simple kay Hesus at iwanan ito rito. Huwag itong kalikutin pa. Huwag itong surin. Huwag itong kaliskisin. Magtiwala lamang kay Hesus at iwanan itong ganito. Si Hesus Mismo ang gagawa ng lahat ng iba. Kahit habang ika’y natutulog, ang binhi ng pananampalataya kay Hesus ay lalago. Ngunit dapat kang magtiwala kay Hesus Mismo – napaka simple, na medyo di tiyak, na napaka primitibo. Maari kang magtiwala kay Hesus ng ganoong kahigit. Maari kang magpunta sa Kanya, at iwanan itong ganito, na hindi tinitignan muli ang iyong sariling pakiramdam para sa kasiguraduhan. Iwanan ito kay Hesus. Tapos, kahit habang ika’y natutulog sa gabi, ang binhing ito ng pananampalataya, gaya ng sinabi ni Pastor Wurmbrand, ay “uunlad at lalago.” Isang napaka mahina, primitibo, mabuway na pananampalataya kay Hesus ang lahat na iyong kailangan! Pakinggan muli ang kanta na kinanta ni Gg. Griffith. Tinutukoy nito ang isang simple, primitibong pananampalataya kay Hesus, na walang kahit anong pakiramdam!

Ang aking kaluluwa ay gabi, ang aking puso ay bakal –
   Hindi ako makakita, Hindi ako makaramdam;
Para sa ilaw, para sa buhay, dapat akong umapela
   Sa simpleng pananampalataya kay Hesus.
(“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus” ni James Procter, 1913).

Ipadarasal ka namin kung gusto mo. Gusto ka naming tulungang maging isang tunay na Kristiyano. Iwanan lamang ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa panalangin. Magpunta ka habang aming kinakanta ang kanta muli,

Sinubukan ko na walang saysay isang libong mga paraan
   Ang aking mga takot upang pumayapa,
Ang aking mga pag-asa upang maitaas;
   Ngunit ang aking kailangan, sinasabi ng Bibliya,
Ay kailan man, si Hesus lamang.

Ang aking kaluluwa ay gabi, ang aking puso ay bakal –
   Hindi ako makakita, Hindi ako makaramdam;
Para sa ilaw, para sa buhay, dapat akong umapela
   Sa simpleng pananampalataya kay Hesus.
(“Kay Hesus” Isinalin mula sa “In Jesus”
      ni James Procter, 1913).

Dr. Chan, magpunta ka at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 23:39-43.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus” (ni James Procter, 1913).


ANG BALANGKAS NG

SIMPLENG PANANAMPALATAYA KAY HESUS

(PANGARAL BILANG 15 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao”
(Isaias 53:3)

(Isaias 49:7; Juan 15:18)

I.   Una, mayroon iyong mga itinatago ang kanilang mga mukha mula kay Kristo sa lubos na pagdudusta, Isaias 53:3.

II.  Pangalawa, mayroong iyong mga nagtatago ng kanilang mga mukha mula kay Kristo sa pamamagitan ng pakakawalang malasakit, Isaias 53:3.

III. Pangatlo, mayroong iyong mga nagtatago ng kanilang mga mukha mula kay Kristo sa pamamagitan ng kapabayan, Isaias 55:6; 53:3; Lucas 23:43.