Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG EBANGHELYONG GATO

THE GOSPEL VISE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Hulyo taon 2013

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).


Ito ang sinabi ni Hesus doon sa mga di naniniwalang Hudyo sa araw na iyon. Mayroon silang relihiyon ngunit hindi nasa kanila si Hesus. Binigyan Niya sila ng maraming ebidensya na Siya ang kanilang ipinadala ng Diyos na Mesiyas. Ngunit tinanggihan nila Siya ano pa man ang nangyari.

Kung babasahin ko ang ika-limang kapitulo ng Juan sa bahay, makikita mo na ipinaalala ni Kristo sa kanila na tinanggap Niya ang saksi ni Juan Bautista. At ang lahat ng mga karaniwang mga tao ay naniwala na si Juan ay isang propeta. Si Juan ay sumaksi kay Kristo noong sinabi niya, “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Gayon man ang grupo ng mga di nananampalataya ay tinanggihan ang testimony ni Juan.

Pagkatapos sinabi ni Hesus na ang Kanyang mga milagro at ibang mga gawain ay nagpataunay na Siya ang Mesiyas. Sinabi Niya, “ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama” (Juan 5:36). Ang mga himala ni Kristo, at ang mga kababalaghan na Kanyang isinagawa, ay malinaw na nagpakita na Siya ang Mesiyas.

At saka, sinabi ni Hesus, “ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin” (Juan 5:37). Kahit na ang mga taong Kanyang kinakausap ay hindi narinig ang tinig ng Diyos, ang iba na alam nila ay narinig ang Diyos na nagsabing, “Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod” (Lucas 3:22). Ito’y pinag-uusap-usapan, at ang lahat na kinausap Niya sa araw na iyon ay alam ang pinaka tinig ng Diyos na nagproklama kay Hesus bilang Kanyang Anak.

Tapos, ipinaalala sa kanila ni Hesus na mayroong ika-apat na saksi na nagsasabi sa kanila na si Hesus ay ang Kristo, ang kanilang Mesiyas, ipinadala upang iligtas sila. Ang pang-apat na saksi ay ang Bibliya mismo, ang Lumang Tipang Kasulatan, na kanilang tinitigan kada oras, na nalalaman nila ang malaking bahagi nito sa kanilang puso. Sinabi ni Hesus sa kanila na kanilang “Saliksikin […] ang mga kasulatan, sapagka't iniisip […] na sa mga yaon ay…siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39, 40).

Intindihin ninyo na hindi ito isang anti-Semetikong pahayag. Bilang mga Dispensasyonalista, naniniwala kami na ang Diyos ay mayroong isang makalupaing tipan sa Israel. Kung gayon aming itinatakwil ang anti-Semitismo. Aming sinosoportahan ang bansa ng Israel. Aming sinosoportahan ang mga Hudyo. Hindi sila mas “nawawala” kaysa mga Gentil, na tumatangging magpunta sa Tagapagligtas. Ngunit “hindi [namin] ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego” (Mga Taga Roma 1:16). Si Hesus ay dumating upang iligtas ang lahat na nagtitiwala sa Kanya, maging Hudyo man o Gentil. Ngunit kahit na hindi mo Siya pinagkakatiwalaan, kami pa rin ay tumatayo kasama ng Israel at ng mga Hudyo, laban sa kasamaan ng anti-Semitismo.

Ngayon tatalikod kami mula sa doon sa mga di naniniwalang mga Hudyo na tinukoy ni Hesus sa araw na iyon. Imbes ay titingin kami doon sa inyong narito ngayong gabi na di nananampalatayang mga Gentil. Ikaw na nartio ngayong gabi ay mayroong parehong ebidensya ng si Hesus ay ang Kristo, ang Tagapagligtas na ipinadala mula sa Diyos. Mayroon ka nang sakasi ni Juan Bautista. Mayroon ka nang saksi ng mga himala ni Kristo. Mayroon ka ng saksi ng tinig ng Diyos mula sa Langit. At mayroon ka nang saksi ng Banal na Kasulatan. Ang lahat ng mga saksing ito ay nagsasabi na si Hesus ng Nazareth ang ipinangakong Tagapagligtas, ang nag-iisang Tagapagligtas ng mga makasalanan.

Ang pinaka malubha patungkol sa mga Hudyong iyon na Kanyang itinukoy nang araw na iyon ay na maaring mayroon sila noong lahat ng saksing iyon at gayon man ay tumangging magpunta kay Hesus para sa walang hanggang buhay! At kaya sinabi Niya sa kanila,

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39, 40).

Maari mayroon kang pagdadahilan kung ika’y nabubuhay sa isang ateyistikong bansa, tulad ng dating Sobyiet Unyon. Ngunit nabasa ko ang salaysay na ito mula kay Pastor Richard Wurmbrand, isang Hudyong mananampalataya kay Hesus. Si Wurmbrand ay isang Luteranong ministor na gumugol ng labin apat na taon sa isang Komunistang bilangguan sa Romanya dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Isinalaysay ni Pastor Wurmbrand ang tungkol sa isang batang pintor na kanyang nakilala mula sa Siberiya bago siya nabilanggo. Nagsalita si Wurmbrand ng perpektong wika ng Russo gayon din ang Romanyan. Habang sila’y nagsalita, ang batang taga-Russo ay nagsabi sa kanya,

     “Alam ko lamang ang itinuro nila sa amin sa mga paaralan, na ang relihiyon ay isang kagamitan ng imperiyalismo. Ngunit dati akong naglakad sa isang lumang semeteryo, malapit sa aking tahanan, kung saan ako’y nakapag-iisa. Madalas akong magpunta sa isang maliit na inabandonang tahanan sa gitna ng mga libingan” (Sinabi ni Wurmbran, ‘naiintindihan ko na ito’y isang Russong Tradisyonal na kapilya.’ Ang batang lalake ay nagpatuloy).
      “Sa pader ay mayroong isang larawan ng isang lalakeng nakapako sa isang krus. Naisip ko, ‘Siya siguro’y isang napaka tinding kriminal upang maparusahan ng ganoon.’ Ngunit kung siya’y isang kriminal, bakit ang larawang ito ay mayroong lugar ng karangalan – para bang siya ay si Marx o Lenin? Napasiyahan ko na nauna nilang naisip na siya’y isang kriminal, at maya maya ay nahanap na inosente, at kaya inilagay ang kanyang larawan sa pagdadalang-sisi [pagdurusa at pagsisisi].”
      [Sinabi ni Wurmbrand] Sinabi ko sa pintor, ‘Ika’y kalahating nasa katotohan.’ Noong aming narating ang aming destinasyon ilang oras maya maya, alam niya lahat na aking masasabi tungkol kay Hesus. Habang kami’y naghiwalay, sinabi niya, ‘Plinano kong magnakaw ng isang bagay ngayong gabi, gaya ng naiisip nating lahat. Ngayon paano ko na ito magagawa? Naniniwala ako kay Kristo.’ (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Th.D., Sa Ilalim ng Lupa ng Diyos [In God’s Underground], Living Sacrifice Books, 2004 edisiyon, pp. 25, 26).

Narinig namin ang ganoong uri ng tugon muli’t-muli sa mga batang mga taga-Russo pagkatapos ng pagbagsak ng Sobiyet Unyon. Nakapagtataka, nakikita natin ang tugon na iyan sa mga patuloy na tumataas na bilan ng mga kabataan sa Iran. Ang pinaka malaking bilang ng mga pagbabagong loob kay Kristo sa loob ng 600 na taon ay nangyayari ngayon sa Iran, at sa mga Arabong bansa. At siyempre alam natin ang masaganang milyon-milyong mga tao sa Tsina, Indiya, at Aprika na tumitinggin ng buong puso kay Hesus ngayon, sa ating panahon. At ang mga bagong mga napagbagong loob ay nagsasabi, kasama ng batang taga-Russong pintor, “Ngayon paano ko na magagawa ang mga kasalanang iyon? Naniniwala ako kay Kristo.”

Nakikita ba natin ang ganoong uri ng tugon sa Amerika? Hindi. Mayroong panahon noong nakikita natin ito, ngunit tapos na ito. Ang “Kilusang Hesus” ay nagsimula ng gitna ng mga taong 1960. Noong isang gabi sinabi sa akin ni Gg. Griffith kung kailan ito natapos. Sinabi niya ito’y natapos kasama ng Moral na Karamihan [Moral Majority], noong si Jerry Falwell ay sumulsol sa takot n mga gitnang edad ng mga puting Amerikano at tumalikod sa kanila laban sa mga kabataan na maari sana nilang nawagi ng isang positibong Ebanghelyong mensahe. Sinabi ni Gg. Griffith na pinatay ni Jerry Falwell ang Kilusang Hesus. Maari itong isang labis na pahayag, ngunit sa tinggin ko siya’y nasa tamang landas. Hindi nakatulong si Jack Hyles. Nangaral siya laban sa alambreng gilid na salamin (dahil isinuot ni John Lennon ang mga ito) habang ang kanyang sariling anak ay naging barakong mabangis kasama ng mga babae sa kanyang simbahan. Si Hyles, Falwell, at ang mga mangangaral na tulad na mga iyan, ay nagtaboy ng mga kabataan papalayo mula sa ating mga simbahan. Naramdaman nilang kinailangan nilang protektahan ang mga bata sa kanilang mga simabahan sa pamamagitan ng pangangaral laban sa mga kabataan sa mundo. Ngunit iyan ay isang di ayon sa kasulatang pakikitungo rito. Hindi ito kung anong ginawa ng mga mas maagang mga simbahan., o kahit anong Ebanghelyong mangangaral sa mga panahon ng muling pagkabuhay. Bilang resulta, nawala nila hindi lamang ang mga bata sa mundo kundi pati ang 88% ng sarili nilang mga bata, na lumisan sa kanilang mga simbahan “hindi kailan man bumalik,” ayon sa polster na si George Barna.

Ngayon gusto nilang kunin ang mga kabataan, ngunit masyado nang huli. Ngayon ang Diyos ay “umurong sa kanila” (Hosea 5:6). Naranasan mo lamang ang isang pagkilos ng Diyos tulad ng “Kilusang Hesus” minsan sa isang henerasyon. Ngayon ang mga “progresibong” Bautista ay sinusubukang mang-akit g mga kabataan gamit ng mga kumikinang na mga ilaw, at kakaibang musika at “Kristiyanong” go-go na mga babae! Masyado nang huli! Wala nang “umuubra!” Ngayon sinasabi ng Diyos,

“Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha...” (Hosea 5:15).

Sa personal, hindi ko naiisip na tayo’y magkakaroon ng isa pang pagkilos ng Diyos sa ating mga kabataan hanggang sa pagkatapos na ang Amerika ay bumagsak. O, oo, ang Amerika ay babagsak, alam mo! Hindi ko naiisip na ang Diyos ay magpapadala ng isa pang muling pagkabuhay sa ating mga kabataan hanggang sa pagkatapos nitong bumagsak. Maari akong mali, ngunit sa palagay ko ako’y hindi nagkakamali. Kapag lamang natin na matatanto anong pinsala ang nagawa ng mga kalalakihan tulad nina Jack Hyles at Jerry Falwell sa mga kabataan ng Amerika noong mga taong 1970 at 80. Paki intindi na ako’y hindi lubos na laban kay Dr. Falwell, ngunit siya’y nagsabi ng mga di mabubuting bagay noon.

Iyan ang nangyari sa panahon ni Kristo. Maraming mga Hudyong kabataan ang nagpunta kay Hesus at naligtas. Ngunit ang mga relihiyosong mga pinuno ay sumalakay sa kilusan dahil sa pagkatakot na mawawla nila ang kanilang mga bansa (Juan 11:48). Tinatanggihan si Kristo, nawala rin nila ito anoman ang nangyari – gaya ng pagkawala ng mga Amerikano sa kanilang bansa ngayon!

Kaya, kung ika’y isang kabataan sa Hilagang Amerika, o kahit saan sa Kanluran, malamang na hindi ka maliligtas. Malamang na hindi ka magpupunta kay Hesus gaya ng batang taga-Russong pintor. Ang Diyos ay hindi pinauubra ang kanyang kapangyarihan sa Amerika ngayon at sa Kanluran sa karamihan. Kanyang “[inurong ang Sarili] sa kanila” (Hosea 5:6). At sinasabi sa iyo ni Hesus ngayong gabi,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Alam mo ba na hindi ka makapupunta kay Hesus hangga’t dalhin ka ng Diyos? Ginawa iyan ni Hesus Mismong napaka linaw noong sinabi Niyang,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin...” (Juan 6:44).

At ang Diyos ay nagdadala ng napaka kaunting mga kabtaan ay Hesus sa panahong ito sa Amerika at sa Kanluran. Kinakailangan ng himala para sa iyong magpunta kay Hesus. Oo, kinakailangan ng himala para sa iyong maligtas sa masamang panahon na ito.

Kinalingan ng isang himala upang ilagay ang mga bituin sa lugar,
   Kinailangan ng isang himala upang ibitin ang mundo sa kalawakan;
Ngunit noong Kanyang iniligtas ang aking kaluluwa,
   Nilinis at ginawa akong buo,
Kinailangan ng isang himala ng pag-ibig at biyaya!
(“Kinailangn ng Isang Himala.” Isinalin mula sa “It Took a Miracle”
      ni John W. Peterson, 1921-2006).

Nakikita ko ang ilan sa inyo nadarapa sa silid ng pagsasaliksik. Kayo’y nagpapahilahod papasok at nagpapahilahod palabas – tulad ng isang zombie – tulad ng naglalakad ng patay (Mga Taga Efeso 2:1, 5). Ngunit hindi ka gumagawa ng kahit anong progreso patungo sa pagpupunta kay Hesus – walang ano man! Walang ano man! Bakit iyan ganyan? Sinabi ni Hesus,

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin...” (Juan 6:44).

Ngunit ngayon ang Diyos ay “umurong sa kanila” (Hosea 5:6).

Mukhang napakadali para sa mga kabataan na magpunta kay Hesus sa Tsina! Daan-daang sa kanila ay nagpupunta sa Kanya araw-araw! Ngunit agad-agad na ang isang Tsinong estudyante ay magpunta sa Amerika ito’y di nangyayari. Bakit? Dahil iniwanan nila ang pook ng pagpapala ng Diyos sa Tsina, at lumipat rito, sa pook kung saan ang Diyos ay “[nag-urong ng sarili].” Nakikita natin ang literal na libo-libong mga nagpupunta kay Hesus na may mga luha, at naghahanap ng kaligtasan na may galak – sa Tsina! Ngunit sa Tsina lamang! Wala tayong alam na pagkilos ng Diyos sa mga Tsinong estudyante kapag sila’y nagpupunta sa Amerika.

Si Dr. Kenneth Connolly ay isang estudyante ng makasaysayang muling pagkabuhay. Isang bagay na napansin ni Dr. Connolly ay ang mga muling pagkabuhay ay laging “pumipili.” Ibig niyang sabihin na nahahawakan lamang nito ang isang tiyak na grupo ng mga tao. At iyan ang saktong nakikita nating nangyayari sa mga kabataang Tsino. Sa Tsina, lampas sa 700 na mga kabataan ang nagpupunta kay Hesus kada oras – gabi at umaga – sa pinaka dakilang muling pagkabuhay ng makabagong mga panahon. Ngunit kapag mga Tsinong estudyante ay nagpupunta rito sila’y napaka bihirang naliligtas! Hindi pa kami nakakikita ng kahit isang Tsinong estudyante na nagpunta rito na naligtas sa aming simbahan – wala ni isa! Lumipat sila mula sa pook ng pagpapala ng Diyos sa pook ng espiritwal na kamatayan sa U.S. at Europa. At napaka kaunting mga kabataan mula sa kahit anong etnikong grupo ay naliligtas sa Amerika at sa Kanluran sa masamang panahon na ito. Isa sa mga dahilan ay ang huwad na doktrina ng “desisyonismo.” Itinuro ni Dr. Charles Hodge ang dakilang pagkakamali ng “desisyonismo” noong sinabi niyang,

Wala nang nakasisira ng kaluluwang doktrina ang nagawang mabuti kaysa ang doktrina na mabibigyan ng mga makasalanan ng bagong buhay ang kanilang mga sarili, at mag-sisi at maniwala kung kailan nila gusto. Yoong mga tunay na yumayakap sa ganoong doktrina ay di kailan man magagamitan sa nag-iisang pinagmulan kapag ang mga pagpapalang ito ay sa katunayan ay maaring makuha (isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., Systematic Theology, Hendrickson Publishers, 1999 edisiyon, kabuuan II, p. 277).

Ngayon atin na’t asikasuhin ito. Nakikita mo ba ang gulo sa pagitan ng dalawang mga bersong ito?

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40),

at

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).

Hindi ko susubukang gawing madali ito para sa iyo. Mayroong isang gulo! Sa katunayan ay dapat kang magpunta kay Hesus upang maligtas – ngunit hindi ka nagpupunta sa Kanya hangga’t ang dalhin ka ng Ama. Saan ka iiwan nito? Iiwan ka nito sa isang nawawalang kondisyon! Iyan ang ibig sabihin na maging nawawala! Dapat kang magpunta kay Hesus upang maligtas – ngunit hindi ka magpupunta sa Kanya hangga’t dalhin ka ng Diyos. Ito’y nagpapkaita ng isang tunay na gulo! Ipinapakita nito kung papaano maging nawawala! Kung iniisip mo na maari kang maligtas sa pamamagitan ng pagkakatuto ng isang bagay o paggagawa ng isang bagay sa iyong sarili, hindi ka kailan man maliligtas. Gaya ng sabi ni Dr. Hodge, “Yoong mga tunay na yumayakap sa ganoong doktrina [na maari mong matutunan ang isang bagay o gawin ang isang bgay upang maligtas] ay hindi kailan man masasagawa sa nag-iisang pinagmulan noong mga pagpapala ay sa katunyan makukuha.”

Dapat kang magpunta kay Kristo – ngunit hindi ka makapupunta kay Kristo! Iyan ayg tinatawag na “Ebanghelyong gato.” Sana ay hindi mo naiisip na ikaw ang unang taong napiga sa “Ebanghelyong gato. Si John Bunyan (1628-1688) ay iniligay sa gato sa loob ng 18 na buwan. Ang batang si Spurgeon ay narito sa loob ng pitong taon. Ika’y nailalagay sa “gatong” to ng Diyos. “Hindi ko kaya, ngunit dapat kong gawin!” Iyan ang iyong posisyon. Inilagay ka ng Diyos sa gatong ito para sa isang dahilan.

Ang isang gato ay isang kagamitan na nakakabit sa isang bangko ng gawaan. Naglalaman ito ng isang piraso ng metal na mga panga. Ang “Ebanghelyong gato” ay nakikita kapag pinipiga ka ng Diyos sa gitna ng “Hindi ko kaya, ngunit dapat kong gawin!” Kung ang puwersa ay nagiging din a katiis-tiis, para sa iyo, maari kang lumabas at sumigaw, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24). Kapag naramdaman mo na ika’y nagising, at ito’y karaniwang di na matagal masyado bago ka sumigaw kay Hesus, “Panginoon, iligtas mo ako!” Ganyan nagaganap ang klaksikal na pagbabagong loob. Ganyan ang paraan na si Augustine, Luther, Wesley at Whitefield ay napagbagong loob. Lahat ng gawin mo bago niyan ay panimula lamang sa pinaka mahusay, at kahangalan sa pinka malubha. Iniikot ng Diyos ang hawakan sa gato. Iniikot Niya ang tornilyo at hinihigpitan ang mga panga ng gato. Nararamadaman mo ba ang puwersa? Nararamdaman mo bang napipiga na?

Dapat kang magpunta kay Hesus upang magkaroon ng buhay. Ngunit hindi ka makapupunta sa Kanya sa iyong sariling kapangyarihan. Dapat mong gawin – ngunit hindi mo kaya! Ika’y nawawala! Sumigaw kay Hesus! Siya lamang ang makaliligtas sa iyo! Siya lamang ang makapagpapatwad ng iyong kasalanan! Siya lamang ang makabibigay sa iyo ng walang hanggang buhay. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa pagkakaramdam ng pagiging napiga sa Ebanghelyong gato! Sumigaw kay Hesus! Bumagsak sa Kanyang awa! Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pakamatay upang bigyan ka ng buhay! Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong gabi – magpunta kay Hesus at gawin ito ngayon! Itapon ang iyong sarili sa Anak ng Diyos! Makinig kay Dr. Isaac Watts,

Isang nagkasala, mahina, at walang magawang uuod,
   Sa mga braso ni Kristo ako bumabagsak;
Siya ang aking lakas at katuwiran,
   Ang aking Hesus, at aking lahat.
(“Nakalulungkot ang Ating Kalagayan ayon sa Kalikasan!” Isinalin mula sa
   “How Sad Our State by Nature Is!” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748;
      sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas sa pamamagitan ni Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon at magpunta sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo at makapagdarasal. Dr. Chan, magdasal ka para sa isang taong maligtas ngayong gabi. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 5:31-40.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta sa Akin.” Isinalin mula sa “Come Unto Me” (ni Charles P. Jones, 1865-1949).