Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MILYON-MILYONG MGA NAWAWALANG KOLEHIYONG ESTUDYANTE –
NGUNIT NASAAN ANG MGA BAUTISTA?

MILLIONS OF LOST COLLEGE STUDENTS –
BUT WHERE ARE THE BAPTISTS?
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-30 ng Hunyo taon 2013


Lumipat kasama ko sa inyong Bibliya sa Mateo 9:37, 38, at tumayo para sa pagbabasa ng mga salita ni Kristo.

“Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37, 38).

Maari nang magsi-upo.

Ilang mga tao ang nagsabi sa akin na mukhang di pangkaraniwan na ang na Repormang pastor na tulad ko ay madalas isipi si Dr. John R. Rice (1895-1980). Ngunit wala akong nakikitang di pangkaraniwan tungkol rito. Sinabi ko sa isang pastor noong huling linggo na hilig kong aralin si Richard Baxter (1615-1691), ang Puritano, sa pag-babagong loob. Ngunit natagpuan ko na kailangan ko ring basahin si Dr. Rice patungkol sa ebanghelismo. Bakit? Dahil sinasabi sa atin ni Dr. Rice na magpunta asintahin ang mga nawawala – at sinasabi sa atin ni Richard Baxter kung anong gagawin sa kanila pagkatapos natin silang makuha! Iyan ay isang maiging balance, kung tatanungin mo ako!

Makinig ng mabuti kay Dr. Rice. Nagsabi siya ng isang bagay na dapat ay maging nakaa-akit para sa ating lahat. Sinabi ni Dr. Rice,

     Nakamamangha na tatlong beses sa Bagong Tipan, sa iba’t-ibang pagkakataon, sinabi ni Hesus ang halos parehong bagay.
     Sa labin dalawa, noong Siya’y napakilos sa pagkahabag tungo sa matinding karamihan ng tao sa paligid Niya tulad ng tupang walang pastol, sinabi Niya, “Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Mateo 9:37, 38). Ang pag-aani ay masagana gayon.
     Maya-maya, dahil hindi mapasok ng labin dalawa ang lahat ng mga bukas na pintuan, hindi maabot ang lahat ng mga lugar na kinailangan ng Ebanghelyo, nagpadala si Hesus rin ng pitom-pung iba rin. Sila’y mga walang kabuluhang mga tao. Hindi natin alam ang pangalan ng lahat sa kanila. Maliwanag na sila’y mga bagong nagpagbagong loob, hindi mga ganap na mga tupa, kundi mga “batang tupa,” na sainabi ni Hesus ay ipinadala “sa gitna ng mga lobo.” At sinabi Niya sa kanila, “Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Lucas 10:2). O, wala Siyang mga ganap, mahusay na nahasang mga Kristiyano, kaya ipinadala Niya ang mga bagong mga napagbagong loob dahil ang ani ay napaka tindi.
     Muli, habang si Hesus ay nakipag-usap sa mga disipolo sa bayan ng Sychar in Samaria, pagkatapos na Kanyang natamo ang babaing Samaritano at nagpunta siyang tumatakbo patungong bayan upang sabihin sa mga kalalakihan, “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” – at habang ang mga tao sa bayan ay papunta upang salubungin ang Tagapagligtas, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga disipolo: “Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35).
     Wala tayong mga pangyayari na ipinahiwatig kailan man ni Hesus na ang ani ay tapos na…na walang uri ng mga tao na hindi makakamit. Walang mga panahon sa kasaysayan ng simbahan kung kailan nawala ng Ebanghelyo ang kapangyarihan nito, o kailan ang mga makasalanan ay di madadala upang magtiwala sa Tagapagligtas…tapos ang Dakilang Komisyon ay ibinigay sa Mateo 28:19, 20. Tinapos ni Hesus gamit ng isang simpleng pahayag, “Narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” Tiyak na dapat nating maintindihan ito upang mapahulugan na ang presensya ni Kristo ay magbibigay ng ilang sukat ng kapangyarihan at tagumpay…Ito ang pinagsang-ayunan na pagtuturo ng Kasulatan na lagi mayroong mga tao na maaring makamit kay Kristo, na ang pag-aani ay laging puti (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Gintong Daan sa Matagumpay na Personal na Pagkakamit ng Kaluluwa [The Golden Path to Successful Personal Soul Winning], Sword of the Lord Publishers, 1961, pp. 215-217).

Maraming taon noon, kilala ko ang isang Tsinong pastor na nagngangalang Thomas Low. Sa katunayan, si Kapatid na Low ay ang unang Tsinong Bautistang pastor kung saan ako ay isang miyembro ng dalawam-pu’t tatlong taon. Madalas isipi ni Pastor Low ang huling mga salita ng Dakilang Komisyon sa Mateo 28 kapag siya’y pinaghihinaang loob. Kapag nakikita ni Pastor Low na mahirap magwagi ng mga kaluluwa, sasabihin niya, “Mayroong pangako para lang sa akin sa Dakilang Komisyon. Sinasabi nito, ‘[Lo] narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan’” (Mateo 28:20) [Ang “Lo” ay mula sa Ingles na Haring Santiagong bersyon na Bibliya]. Sinabi ni Pastor Low ito bilang isang biro, ngunit ito ay tunay na isang pangako sa ating lahat.

“Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa... at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:18, 19, 20).

Alam ko na nabubuhay tayo sa isang madilim at delikadong panahon. Alam ko na mukhang imposibleng makuha ang mga matatandang mga taong makinig o tumugon sa imbitasyon ng Ebanghelyo. Ngunit alam ko rin na mayroong libo-libong mga kabataan. Nagsisibuhos sila sa mga kolehiyo kada semester. Ako’y palaging nagugulo sa kasuklam-suklam na pagpapawalang halaga ng karamihang mga makabagong Bautistang simbahan tungo sa mga kabataang ito. Nasaan ang mga Bautista? Huwag dapat natin hayaan ang pagka-antok nilang mag-impluwensya sa atin. Laging mayroong mga bagong kabataan na maaabot, at sinabi ni Hesus,

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

“Ngayon Tayo’y Mag-aani” – kantahin ito!

Ngayon tayo’y mag-aani, o makakaligtaan ang gintong pag-aani!
   Ngayon ay ibinigay sa atin mga nawawalang kaluluwa upang mawagi.
O gayon upang magligtas ng ilang mga minamahal mula sa pagkasunog.
   Ngayon ay magpupunta tayo upang magdala ng ilang kaluluwa sa loob.
(“Napaka Kaunting Panahon.” Isinalin mula kay
“So Little Time” by Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Ang aking mahabang panahon nang pastor, si Dr. Timothy Lin, ay isang dakilang eskolar ng Bibliya, propesor at pangulo ng seminary. Ngunit siya rin ay isang napaka matalinong pastor, siguro ay ang pinakamatalinong pastor na aking nakilala. Paulit-ulit niyang sinasabi sa amin na habulin ang mga kolehiyong edad na mga estudyante. Ngunit sinabi niya na ang mga matatandang mga tao ay puno ng mga pagkikiling na sila’y mahirap mawagi. Ngunit sinabi niya na maraming mga kabataan ay makikinig, magpupunta sa simbahan, at maliligtas.

Wala masyadong maraming bagay na nangyayari sa amin sa maliit na Tsinong simbahang iyon. Mayroon lamang kakaunting mga tao noong ako’y sumapi sa kongregasyon bilang isang 19 taong gulang na batang lalakeng gustong maging isang misyonaryo. Wala kaming masyadong ma-aalay, walang mahumaling na musika o kahit anong mga bagay na naiisip ng mga tao ngayon na kailangan mo upang makapagwagi ng mga kabataan. Ngunit ang pangako ni Hesus, “Narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:20). Gayon din, kami ay lubos na dedikado sa maliit na simbahang iyon. Kami ay lubos na dedikado! Kami ay handang kumayod ng lubos upang makapagdala ng mga nawawalang kabataan papasok!

Mayroon akong isang orihinal na kopya ng Ang Bautistang Himnal [The Baptist Hymnal], mula mga taon 1964, sa aking silid aralan. Iyan lang lahat ang musikang nagkaroon kami – yoong mga himnong iyon lamang. Ngunit kinopya ni Dr. Lin ang ilang kaunting koro at idinikit ang mga ito sa loob ng harapang takip ng himnal na iyon. Tinitignan ko ang mga koro iyon noong isang gabi – at nagdala ito ng mga luha s aking mga mata. Narito ay ilan sa mga Korong iyon na pinakanta sa amin ni Dr. Lin sa halos bawat paglilingkod.

Salamat Panginoon, para sa pagliligtas ng aking kaluluwa,
Salamat sa pagbubuo sa akin,
Salamat Panginoon para sa pagbibigay sa akin,
Ng iyong dakilang kaligtasan napaka yaman at malaya.


Magwagi ng isa para sa Panginoon,
Magwagi ng isa para sa Panginoon,
Panginoon tulungan akong gawin ito,
Magwagi ng isa para sa Panginoon.

Sundan, sundan, susundan ko si Hesus!
Kahit saan, sa lahat ng lugar, susunod ako!
Sundan, sundan, susundan ko si Hesus!
Sa lahat ng lugar na ako’y Kanya’y dadalhin, susunod ako!

Mayroong isang batang lalakeng nagngangalang On Lim sa simbahan. Minsan ay tinutukso naming sai On ng kaunti sa pagkakanta ng huling linya ng koro sa kanya, “Sa lahat ng lugar na ako’y Kanya’y dadalhin, susunod ako [follow On].” Nakita ko si On ilang buwan lang ang nakaraan sa piging para sa pagrertiro ni Dr. Murphy Lum. Si On ngayon ay isang medikal na doctor, at mayroon nang isang lumaking pamilya. Siya ang isa sa mga batang lalake na aming dinala sa simbahan halos higit sa limam pung taon ang nakalipas. At tapos kakatahin namin ng paulit-ulit ang isa pang maliit na koro sa harapan ng himnal,

Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao,
Mangingisda ng mga tao, mangingisda ng mga tao,
Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao,
Kung susundan mo ako,
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako,
Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao
Kung susundan mo ako.

Iyan lang ang mayroon kami – ang mga maliit na mga korong iyon lamang at maiinam na mga lumang pamantayang himno. Isa sa mga himno na aming kinanta ay ito mula kay Dr. B. B. McKinney,

Panginoon, maglagay ng ilang kaluluwa sa aking puso,
   At ibigin ang kaluluwang iyan sa pamamagitan ko;
At naway aking matapang na gawin ang aking bahagi
   Upang matagumpay ang kaluluwang iyan para sa Iyo.
Ilang kaluluwa para sa Iyo, ilang kaluluwa para sa Iyo,
   Ito ang aking pinaka maalab na pakiusap;
Tulungan ako [ngayon] sa haywey ng buhay,
   Upang magtagumpay ng ilang kaluluwa para sa Iyo.
(“Panginoon, Maglagay ng Ilang Kaluluwa sa Aking Puso.” Isinalin mula kay
   “Lord, Lay Some Soul Upon My Heart” ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952;
      binago ng Pastor).

Kantahin ang koro kasama ko!

Ilang kaluluwa para sa Iyo, ilang kaluluwa para sa Iyo,
   Ito ang aking pinaka maalab na pakiusap;
Tulungan ako [ngayon] sa haywey ng buhay,
   Upang magtagumpay ng ilang kaluluwa para sa Iyo.

Ang mga kababaihan lamang kantahin ang koro (kinanta nila). Ngayon ang lahat kantahin ito (kinanta nila). Amen at Amen!

Gaya ng sinabi ko, wala masyadong nagaganap para sa amin. Mayroon lamang mga ikatlo ng dami namin rito sa simbahan ngayong gabi. Ngunit kami’y lubos na dedikado para kay Hesu-Kristo! At kami’y kumayod ng lubos upang makagpagwagi ng mga kabataan! Alam ko na iyan ay masyadong bulgar, ngunit hindi ako makaisip ng mas maiging paraan upang sabihin ito at maihatid kung gaano kami kahirap na nagtrabaho. Nagmaneho ng akong pauwi pagkatapos ng 15 oras na araw (walang pagmamalabis!). nagtratrabaho sa bakasyong Bibliyang paraalan, napka pagod na kinailangan kong buksan ang lahat ng mga binatana sa aking kotse upang pigilan akong mula sa pagkakatulog na nagmamaneho! Ngnunit, alam mo, iyon ang pinaka nakamamanghang, at nagsisiyang mga araw! Ang mga araw na iyon ang ilan sa mga pinaka masasayang mga araw na aking nakilala. Gumagawa kami ng nakapagbibigay kasiyahan ng kaluluwang gawain! Gumagawa kami ng makabuluhang gawain, gawain ng magbubunga ng mga gantimpala sa buong walang hanggan!...At tapos ang dakilang muling pagkabuhay ay dumating! Daan-daan bumuhos noon, gabi kada gabi! Ito’y di nagtagal ang pinakamalaking Tsinong Bautistang simbahan sa California! Ngunit iyan ay dumating pagkatapos ng sampung taon ng pagdadasal at pagkayod na walang katulad na ibang mga simbahan na aking nalalaman. Gagawain kaya ng Diyos iyan rito? Marahil. Oo, sa katunayan ay marahil! Na may mga mandirigma ng panalangin tulad ni Gg. Kyu Dong Lee, maaring magpadala ang Diyos ng muling pagkabuhay na apoy sa ating simbahan balang araw. Ngunit gawin man Niya ito o hindi, lagi nating tandaan na ang mga bukid ay “mapuputi na upang anihin” (Juan 4:35). Magpatuloy tayong sundan si Hesus at,

Magwagi ng isa para sa Panginoon,
Magwagi ng isa para sa Panginoon
Panginoon, tulungan akong gawin ito,
Magwagi ng isa para sa Panginoon

Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao,
Mangingisda ng mga tao, mangingisda ng mga tao,
Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao,
Kung susundan mo ako,
Kung susundan mo ako, kung susundan mo ako,
Gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao
Kung susundan mo ako. Amen!

Siyempre ang aming layunin ay hindi lamang magkaroon ng isang taong sabihin ang tinatawag na “panalangin ng makasalanan.” Hindi niyan magpapasok sa kanila sa simabahan. Nakakita ako ng napaka kaunting mga taong pumasok sa ganoong paraan – napaka kaunti! Halos wala! Natatandaan kong nakaktagpo ng isa mga 25 taon ang noon! Hindi ito nagbubunga ng marami. Kailangan nating ibigin ang mga nawawalang mga tao ng sapat upang maalagaan sila. Kailangan natin silang dalhin sa simbahan, at huwag asahan silang magpunta sa sarili nila. Kailangan tayong umabot doon sa mga bumibisita sa ating simbahan. Kailangan nating alagaan ang bawat isang ibinibigay ng Diyos sa atin. Diyan ka papasok. Ito ang ministro para sa iyong gawin. Ako’y lubos na natuwang nakita ang videyo ng ika-50 taong kaarawan ni Gg. Lee nitong umaga. Ipalalabas natin ulit ito ng ilang minuto habang tayo’y naghahapunan sa Bulwagan ng Samahan sa itaas. Sa videyo ni Gg. Lee nakita natin siyang nagdadala ng mga kabataan na mag hayking. Ginagawa niya iyan ng halos kada Sabado. Gg. Lee, balang araw makikita mo ang isa sa mga kabtaang iyon, tulad ng pagkakita k okay Dr. On Lim sa piging na iyon. Isa doon sa mga iyong inalagaan ay narito kapag ako’y wala na at ikaw ay isang matandang lalake na may puting buhok. At ito’y magpapasaya sa iyong puso na walang katulad sa mundong ito!

Natutuwa akong makita si Gg. Jack Ngann na nagdadala ng isang grupo ng mga bagong mga kabataan – mga 25 sa kanila, at tinitiyak na sila’y nagkaroon ng masayang oras, noong huling gabi ng Biyernes. Maigi Jack! Higit sa maigi! At ang kanyang asawa ay mayroong anak na parating anomang araw. Anong ginagawa nila – nagsisi-upo sa bahay? O hindi, si Jack at Sheila at hindi lamang narito sa bawat pagpupulong sa simbahan – kundi gumagawa pa sila ng mas higit riyan – nag-aalaga ng mga baguhan, at pinaparamdam sa kanilang sila’y nasa bagay sa simabahn. Madalas sabihin ng aking matandang Tsinong pastor na si Dr. Lin, “Kailangan mong gawin ang simbahan na kanilang pangalawang tahanan.” Mayroong karunungan riyan, mas higit na karunungan kay sa aking narinig mula sa kahit sinong Amerikanong pastor! “Kailangan mong gawin ang simbahan ang kanilang pangalawang tahanan.”

Sundan ang halimbawa ni Gg. Lee at Jack at Sheila Ngann! Gawin ito! Gawin ito! Kunin ang ang mga numero mga bagong bisita. Tawagan sila. Iteks sila. Kausapin sila sa simbahan. Umupo kasama nila. Tulungan sila, gaya ng pagtulong minsan ng isa sa iyo! “Ngayon Tayo’y Mag-aani!” Kantahin ang kanta ni Dr. Rice muli. Ang koro lamang.

Ngayon tayo’y mag-aani, o makakaligtaan ang gintong pag-aani!
   Ngayon ay ibinigay sa atin mga nawawalang kaluluwa upang mawagi.
O gayon upang magligtas ng ilang mga minamahal mula sa pagkasunog.
   Ngayon ay magpupunta tayo upang magdala ng ilang kaluluwa sa loob.

Sinabi ko na ang kwentong ito sa inyo noon, ngunit ito’y karapat-dapat na maulit. Noong ika-labin siyam na siglo, sa Chicago, mayroong isang batang lalake na naglakad ng maraming milya paakyat ng Kalye ng LaSalle sa simabahan ni Moody kada Linggo. Bawat umaga ng Linggo isang matanda sa isang malaking simbahan ay nakakita sa batang lalake dumadaan na may isang Bibliya sa kanyang kamay. Isang umaga tinanong ng matanda ang batang lalake kung saan siya papunta. Sinabi ng batang lalake siya’y papunt sa simbahan ni Gg. Moody. Sinabi ng matanda, “Iyan ay isang napaka habang lakad. Bakit hindi ka magpunta sa simbahan rito?” Sinabi ng batang lalake, “Hindi, salamat. Ako’y magpupunta sa simbahan ni Gg. Moody. Alam nila kung paano umibig ng isang tao doon.”

Iyan ang kailangang maramdaman ng mga nawawalang mga tao. Kailangan nilang maisip, “Alam nila kung paano umibig ng isang tao doon.” Kumayod tayo ng masikap ng posible upang mapadama sa mga kabataan ang ganoong uri ng pag-ibig na iyan sa ating simbahan! Kantahin ang koro muli!

Ngayon tayo’y mag-aani, o makakaligtaan ang gintong pag-aani!
   Ngayon ay ibinigay sa atin mga nawawalang kaluluwa upang mawagi.
O gayon upang magligtas ng ilang mga minamahal mula sa pagkasunog.
   Ngayon ay magpupunta tayo upang magdala ng ilang kaluluwa sa loob.

Amen. Ngunit mayroong isa pang bagay para sa inyong nawawala. Oo, ito’y kahanga-hangang maging nasa isang nakatutuwang simbahan tulad nito. Ngunit mas mahalaga pang makilala si Hesu-Kristo Mismo. Namatay Siya sa iyong lugar, sa Krus, upang bayaran ang buong multa para sa iyong kasalanan. At Kanyang ibinuhos ang Kanyang mahal na Dugo upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. Siya na ngayon ay buhay, sa itaas sa Langit, nananlangin para sa iyo. Hinihingi ko sa iyong tumalikod mula sa iyong kasalanan at itapon ang iyong sarili sa awa ni Kristo. Magtiwala sa Kanya at ika’y Kanyang ililigtas, patatawarin ang iyong mga kasalanan, lilinisin ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo, at bibigyan ka ng walang hanggang buhay! Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang Kristiyano, gusto kong iwanan mo ang iyong upuan at maglakad pabalik sa awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan masasagot namin ang iyong mga tanong at makapagdarasal para sa iyo. Magpunta na ngayon sa likuran ng awditoryum habang aming kinakanta ang himno bilang 7 sa kantahin papel. Amen.

Napaka linaw lahat ng Kanyang mga nagpapahirap ng sugat
   Ang pag-ibig ni Hesus ay nagpapakita.
Iyong mga sugat kung saan nanggaling ang pulang-pulang sapa
   Ng Dugong nagpbabayad ay umaagos,
Ng Dugong nagbabayad ay umaagaos.

Paano na ang namantsahan ng Dugong
   Matinik na korona ay tumusok sa magandang ulo ni Kristo!
Paano na ang mga pako iyong mga kamay at paa ay
   Tumusok na may pagpaphirap na kabangisan!
Tumusok na may pagpaphirap na kabangisan!

Yinuyuko Niya ang Kanyang ulo, at lumabas sa wakas ang
   Kanyang umiibig na espiritung pumailanglang
At kapag Siya’y pumaitaas sa Kanyang trono
   Para sa atin ang Kanyang mga panalangin Kanyang ibinubuhos,
Para sa atin ang Kanyang mga panalangin Kanyang ibinubuhos.

O, halina, kayong lahat na nahanapan
   Ng nakamamatay na mantsa ng kasalanan;
Halina, at maghugas sa Kanyang buong nakaliligtas na Dugo,
   At ika’y gawing malinis;
At ika’y gawing malinis.
   (“Hesus Sugatan” Isinalin mula sa “Jesus Wounded” ni Edward Caswell,
      1849; sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 10:1-3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Kaunting Panahon.” Isinalin mula sa
“So Little Time” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).