Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NAHUGASAN SA DUGO NI KRISTO!

WASHED IN CHRIST’S BLOOD!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-23 ng Hunyo taon 2013

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga
 kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5)
 [KJV].


Ang unang hati ng berso ay ang pagbati ni Apostol Juan, kung saan nananalangin siya para sa kanyang mga tagapanood, sa pitong mga simbahan, upang magkaroon ng biyaya at kapayapaan mula kay Hesu-Kristo, “na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa.” Pagkatapos na magawa ang pahayag na ito tungkol kay Kristo, sinabi ni Juan,

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5) [KJV].

Sinasabi ng teksto na “[inibig tayo, at hinugasan]” tayo ni Kristo gamit ng Kanyang sariling Dugo. Sa ngalan ng kaalaman, ang mga makabagong tekstwal na kritiko ay binago ang “naghugas sa “nakalag.” Ginawa nila ito sa basehan ng isang pagbabago ng isang Griyegong letra sa namantsahan ng Nostikong Sinaitikus na teksto, sa Nestle Griyegong Bagong Tipan. Ngunit ang salitang “nakalag” ay nanggaling sa mababbang Alexandriang teksto, na namantsahan ng Nostisismo. Ang mga Nostikos na nagngilabot sa kahit sinong “mahugasan” sa dugo! Kaya, ang mga nilaglag ng mga Nostikong Alexandrian ang isang Griyegong salita – upang gawin itong “nakalag” imbes na “nahugasan.”

Si Dr. Charles John Ellicott (1829-1903) ay isang Anglikanong eskolar, isang propesor ng Bagong Tipan sa Cambridge, at ang pangulo ng komite ng mga eskolar na nagsalin ng Binagong Bersong ng Bagong Tipan. Si Dr. Ellicott ay ang tagapatnugot ng Kumentaryo ni Ellicot sa Buong Bibliya [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible] (Zondervan Publishing House). Sinasabi ng kumentaryo ni Ellicott patungkol sa ating teksto,

Imbes na “naghugas sa atin,” ang ilang MSS ay mababasang “nakalag sa atin.” Mayroong lamang isang letrang pagkakaiba sa dalawang mga salita sa Griyego. Ang karaniwang tono ng pag-iisip ay magdadala sa atin na mas gustuhin ang “naghuga”" gaya ng tunay na pagbabasa. Sa isang taimtim na okasyon, na malinaw na naalala ni Juan, sinabi ng ating Panginoon, “Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” Ang pag-iisip ng “naglilinis na dugo,” ay napatindi sa pamamagitan ng paggugunita ng tubig at dugo na kanyang nakitang umaagos mula sa natusok na tagiliran ni Kristo [Juan 19:34], madalas na bumalik sa kanyang isipan, Apocalipsis 7:13, 14; I Ni Juan 1:7, 5:5-8 (Isinalin mula kay Charles John Ellicott, M.A., D.D., Kumentaryo ni Ellicot sa Buong Bibliya [Ellicott’s Commentary on the Whole Bible] Zondervan Publishing House, n.d., kabuuan VIII, p. 535; sulat sa Apocalipsis 1:5).

At saka tayo ay sinabihan sa Apocalipsis 7:14,

“Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14).

Sa bersong iyan tayo ay simpleng sinabihin na yoong mga nasa Langit ay mayroong mga damit na “nahugasan,” at “pinaputi sa dugo ng Cordero.” Dahil iyan ang malinaw na kahulugan ng Apocalisis 7:14, dapat nitong mapaliwanag ang gamit ng “nahugasan” sa ating teksto:

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5) [KJV].

Itinuro ni Dr. John F. Walvoord na ang Griyegong salitang “louō” (nahugasan) ay may isang dagdag na letra kaysa ang “luō” (nakalag). Sinabi ni Dr. Walvoord na ang mga eskolar tulad ni Ellicott ay mas gusto ang mas mahabang salitang (nahugasan) dahil “mas madali para sa mga taga kopya na maglaglag ng isang letra kaysa magdagdag ng isang letra” (isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., Ang Paglalantad ni Hesu-Kristo [The Revelation of Jesus Christ], Moody Press, 1966, talababa 1, p 38). Iyan isang malakas na argument na pabor sa Haring Santiagong [King James] pagsasalin.

Ang eksehetikal na prinsipyo ni Luther ng “analohiya ng Kasulatan” ay tumatayong totoo pa din – isang bahagi ng mga Kasulatan ay nagpapaliwanag sa isa pa, na nagsasalita patungkol sa parehong paksa – at lalo na sa parehong aklat! Kung gayon ibinababa natin ang ating mga mata at tumatalikod sa mga makabagong manunulat na sinubukang kunin mula sa atin ang banal, pinukaw na Griyegong salitang isinalin na “nahugasan.” Salamat sa Diyos, na bawat tunay na Kristiyano ay makasisigaw ng “luwalhati” kay Hesus, “umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo”!

Ngayon mayroong dahilan kung bakit ko idinidiin ang puntong ito. Ito’y lubos na mahalaga para sa iyong “mahugasan” mula sa iyong mga kasalanan, at hindi lamang “nakalag” mula rito. Makatatagpo mo ang Diyos ng harap-harapan. Kung iyong makatagpo ang Diyos sa paghahatol na ang iyong mga kasalanan na nasa talaan, ika’y nasa matinding gulo! Dapat kang magkaroon ng ganap na malinis na tala sa Huling Paghahatol o isusumpa ka ng Diyos sa walang hanggang apoy ng Impiyerno (Apocalipsis 20:11-15). Kapag titignan ng Diyos ang iyong tala hindi Siya dapat makakita ng kahit anong kasalanang nakatala doon. Sa Araw ng Paghahatol hindi ito sapat na ang iyong mga kasalanan ay “nakalag.” O hindi! Para ika’y maligtas mula sa walang hanggang pagdurusa ng Impiyerno dapat kang “nangaghugas [at magawang] pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14). Tayo ay sinabihan sa Apocalipsis 7 na iyong mga nasa Langit “nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14). Sa pamamagitan ng bersong ito alam natin na lahat tayo ay dapat mahugasan sa Dugo ni Kristo kung umaasa tayong makatakas mula sa Impiyerno at maging ligtas sa Langit. Iyan ang dahilan na aking idinidiing lubos ang puntong ito. Dapat kang mahugasang malinis sa Dugo ni Kristo o ika’y mapupunta sa Impiyerno sa buong walang hanggan. Ang mga liberal na mga bagong –ebanghelikal na mga “guro ng Bibliya” ay maaring isipin na ito’y mabuti lang sabihing “nakalag” imbes na “nahugasan.” Ngunit ang aking layunin ay ang mangaral sa mga makasalanan tulad mo. Mayroong kang mga kasalanan sa iyong talaan! Dapat silang mahugasang malinis o ipadadala ka ng Diyos sa Impiyerno.s Anong makahuhugas ng iyong kasalanan? Wala kundi ang Dugo ni Hesus!

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5) [KJV].

Hayaan akong sabihin sa iyon, dito at ngayon, na ang Dugo ni Kristo ay lubos na mahalaga! Saan mo ipapagpalipas ang walang hanggan ay nakasalalay sa Dugo ni Kristo! Kung makabubuhay ka ng isang matagumpay na Kristiyanong buhay ay nakasalalay sa Dugo ni Kristo. Narito ay ilang mga mahalagang punto sa Dugo.

I. Una, ang pag-aalay ng dugo ay bumabalik sa pinka simula ng panahon.

Ang lahat ng mga naunang mga tao sa mundo ay naniwala sa pag-aalay ng dugo. Mahirap makahanap ng sinaunang kultura sa mundo kung saan ang pag-aalay ng dugo ay hindi ginawa. Halimbawa, ang mga Aztec na Indiyan ng sinaunang Mehiko ay pumatay ng higit sa 20,000 na mga tao sa kanilang mga paganong altar, upang mapagpalubag loob ang kanilang huwad na mga diyos at idolo. Ginawa rin iyan ng mga Mayan. Lahat ng tribo ng Pasipikong mga Isla ng sinaunang mga panahon ay nagsagawa ng pag-aalay ng dugo. Gayon din tunay ang bawat tribo sa Aprika. Ang sinaunang mga Tsino ay gumawa ng dugong pag-aalay sa kanilang monoteyistikong Diyos, na pinangalanang Shang Ti, halos 2,000 taon bago ni Kristo. Alam ng mga Tsino ang isang Diyos, at ang pangangailangan para sa dugong pag-aalay, sa simula ng kasaysayan, sa simula ng panahon! Binabasa ko noong gabi ng Huwebes ang tungkol sa kung paano ang bawat sinaunang Tsino ay nagsulat tungkol sa Diyos, at ang pag-aalay ng dugo sa Kanya, sa piraso ng mga buto at talukab ng pagong, na kamakailan lang ay nahukay. Ang mga artepaktong ito ay bumabalik ng higit sa apat na libong taon. Saan nanggaling ang kaisipang ito? Ito’y ipinasa mula sa isang henerasyon papunta sa isa pa mula sa unang pag-aalay ni Adam at kanyang mga anak.

Isinulat ni Moses ang Aklat ng Genesis na malapit sa simula ng kasaysayan. Itinala niya ang katunayan na ang mga hayop ay kinailangang patayin upang matakpan ang ating unang mga magulang kapag sila’y nagkasala. Ang kanilang anak na si Abel ay nagdala ng dugong alay na nagpalubag loob sa Diyos. Ang kanyang kapatid na si Cain ay nagdala ng mga gulay na pang-alay na tinanggihan. Si Noah ay gumawa ng mga dugong pag-aalay sa Diyos. Gayon din si Abraham. Ang lahat ng mga pag-aalay na ito ay ginawa matagal nab ago pa sinabihan ang mga Hudyong mag-alay ng hayop sa Diyos. Noong sila’y mga alipin sa Ehipto sinabi sa kanila ng Diyos na mag-alay ng mga tupa at ipahid ang dugo sa kanilang post eng kanilang mga pintuan. Sinabi ng Diyos na kapag makita Niya ang dugo Kanya silang lalampasan, at hindi sila hahatulan para sa kanilang kasalanan. Mayroong tayong kanta tungkol riyan,

Kapag aking makita ang dugo, Kapag aking makita ang dugo,
   Kapag aking makita ang dugo, Ako’y lalampas,
Lalampas sa iyo.
   (“Kapag Aking Makita Ang Dugo.” Isinalin mula sa
     “When I See the Blood” ni John Foote, ika-19 na siglo).

Iyan ang sinabi ng Diyos sa mga Hudyo sa pagkaalipin, sa Ehipto, sa unang Paskua. Sinabi ng Diyos sa mga Hudyo ng gabing iyon,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto” (Exodo 12:13).

Ang mga Hudyong mga tao ay nagpatuloy na ipagdiwang ang dugong pag-aalay ng Paskua na nagsasagisag sa araw na ito. Sa gabi bago Siya ipinako sa krus, binago ni Kristo ang kahulugan ng Paskua noong binago Niya ito sa Hapunan ng Panginoon. Ang ilang mga simbahan ay tinatawag itong Banal na Komuniyon. Ang mga Katoliko at Silangang Ortodoks ay tinatawag itong Misa. Ngunit ang bawat Trinitaryanong simbahan ay isinasagawa ito. Tapos kanilang natandaan ang mga salitang binasa ni Gg. Prudhomme mas maaga kanina sa pag-lilingkod na ito,

“At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:26-28).

Kita mo, ang lahat ng mga dugong pag-aalay ng mga pagano ay nanggaling mula sa isang madilim na alaala ng pangangailangan para sa taong mag-alay sa Diyos. At ang Paskua ng Lumang Tipan ay tumurong paharap, sa pag-aalay ng Mesiyas, si Kristo, ay gagawin sa Krus. At ngayon ang Hapunan ng Panginoon ay tumuturo pabalik sa ginawa ni Kristo upang iligtas tayo sa krus na iyon. Ang kamatayan ni Kristo sa Krus, at ang pagbubuhos ng Kanyang Dugo doon, ay ang sentral na relihiyosong kaganapan sa buong kasaysayan ng mundo!

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5) [KJV].

Sasabihin ko sa iyo sakto kung bakit ang Dugong pagbabayad ni Kristo sa Krus ay napakahalaga. Ngunit una kailangan kong ipaliwanag ang isa pang punto.

II. Pangalawa, ang Dugo ni Kristo ay mapait na kinamuhian ni Satanas.

Sa Aklat ng Apocalipsis mababasa natin,

“Sapagka't inihagis na ang [si Satanas] tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero...” (Apocalipsis 12:10-11).

Alam ni Satanas na ang nag-iisang paraan na masusupil siya ng kahit sino ay sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero – iyan ay, ang Dugo ni Kristo, ang Cordero ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya na si Satanas ay isang mamamatay tao. Gusto Niyang sirain ang kahit sinong kanyang makakaya. At iyan ang dahilan na kanyang mapait na kinamumuhian ang Dugo ni Kristo. Alam Niya na minsan na ang isang tao ay mayroon ang Dugo ni Kristo, siya napagtagumpayan. Napagtatagumpayan ng makasalanan si Satanas sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Hindi gusto ni Satanas na iyan ay mangyari. Kaya ginagawa niya ang lahat upang tratuhing hindi mahalaga at sirain ang pangalan ng Dugo ni Kristo.

Sa huling bahagi ng ika-labing siyam na siglo at sa mas maagang bahagi ng ika-20 na siglo pinakilos ni Satanas ang maraming mga namumunong mga teyolohikal ang mga liberal na salakayan ang Dugo ni Kristo, mga kalalakihan tulad ni Dr. Harry Emerson Fosdick at Dr. Nels Ferre. Sinabi ni Dr. Ferre, “ Ang dugo ni Kristo ay walang mas higit na kapangyarihan kaysa doon sa dugo ng isang manok.” Tinawag ni Dr. Fosdick ang Dugong pagbabayad, “isang bahay katayang relihyon.” Mga kalalakihang tulad niyon ay nagsalita ng nangagalit laban sa Dugo ni Kristo – dahil sila’y pinukaw ni Satanas na gawin ito.

Ngunit, simula ng mas huling bahago ng ika-dalawampu’t isang siglo, sinimulang salakayin ni Satanas ang Dugo ni Kristo sa ibang paraan. Hinimok niya ang mga konserbatibong mga ebanghelikal na kalalakihan na tratuhing di mahalaga ang Dugo ni Kristo. Nasimulang mapansin ni Dr. J. Vernon McGee, ang pinaka-iibig at pinaka pinakikinggan sa radyong guro ng Bibliya, ang demonikong kalakaran. Sa kanyang sulat sa ating tekstong sa Apocalipsis 1:5, sinabi ni Dr. McGee,

Hindi ako nahihilig na paliitin ang dugo ni Kristo gaya ng ginagawa ng ilang mga kalalakihan ngayon. Gusto ko pa rin ang kanta na may mga salitang ito,

   Mayroong isang bukal na puno ng dugo
      Inilabas mula sa ugat ng Imanuel;
   At ang mga makasalanan, ay lumubog sa ilalim ng bahang iyon,
      Maalis ang lahat ng kanilang nagkasalang mantsa.

(Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya] [Thru the Bible,] Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, pp. 890, 891; sulat sa Apocalipsis 1:5-6).

Halata na si Dr. McGee ay tumutukoy sa mga kalalakihan na nagpapaliit sa Dugo ni Kristo, tulad nina R. B. Thieme, John MacArthur, at pati si Charles C. Ryrie, na nagsabi na ang pag-aalay ni Cain, “Isang walang dugong pag-aalay ay ganap na nararapat” (Isinalin mula kay Charles C. Ryrie, Th.D., Ang Ryrie Pag-aaral na Bibliya [The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978; sulat sa Genesis 4:3). Hindi ako halos makapaniwala kapag aking mabasa ang sulat mula kay Dr. Ryrie. Nahahanap ko itong magkapantay na di pangkaraniwan na si “binati” ni Warren Wiersbe si Ryrie sa pagsasabi niyan! (Isinalin mula kay Warren W. Wiersbe, 50 Mga Tao Na Dapat Makilala ng Bawat Kristiyano [50 People Every Christian Should Know], Baker Books, 2009, p. 207).

Ang lahat ng mga ito ay mukha para sa akin na tulad ng isa na namang pag-aayos sa mga pagkikiling ng liberalism. Kailangan tayong huminto sa paghahanap ng pagsasang-ayon ng mga liberal na mga eskolar – tapos!

Mukhang hindi naiisip ng mga kalalakihang ito ang malaking halaga ng Dugo ng Tagapagligtas! Marami ang sumunod sa kanila, at hindi na itinatanghal ang Dugo sa kanilang pangangaral. Para sa akin ito ay isang seryosong katapusang panahong pagkalinlang. Hindi tayo mahuhulog rito kung pananatilihin natin sa isipan na kinamumuhian ni Satanas ang Dugo ni Kristo, at na siya ay isang sinungaling at isang mangloloko! Amen. Ang lahat ng mga pastor ay kailangang mangaral ng madalas sa mahal na Dugo ni Kristo! Sa kabila ng lahat, iyan ang tawag ng Bibliya rito,

“...[ang] mahalagang dugo [ni Kristo]” (I Ni Pedro 1:19) – [KJV]

III. Pangatlo, tinutubos tayo ng Dugo ni Kristo.

Sinasabi ng buong pasahe sa I Ni Pedro,

“Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo [ni Kristo], gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo” (I Ni Pedro 1:18-19) – [KJV].

Hindi na tinubos gamit ng ginto. Hindi ka nililigtas ng Diyos sa pamamgitan ng pilak. Hndi ka inililigtas ng Diyos sa pamamagitan ng kung gaano karaming pera ang ibinibigay mo sa simbahan. Tayo ay tinutubos “ng mahalagang dugo [ni Kristo].”

Ang pagtutubos ay nangangahulugang pagbili ng isang tao mula sa pagka alipin. Sinabi ni Hesus na Siya’y dumating upang “ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami” (Mateo 20:28). Hindi niya kinalangang ipaliwanag ito dahil dalawang ikatlo ng mga tao sa mundo noon ay mga alipin. Mayroong mga alipin sa bawat lahi, mula sa sinaunang Britanya, mula sa Espanya, mula sa Aprika – mula sa lahat ng lugar. Bawat etnikong mga grupo sa mundo ay sa ilang panahon nasa pagkaalipin. Ang mga Hudyo ay naging mga alipin sa Ehipto ng higit sa 400 na mga taon, gaya ng sinabi ko ilang sandali kanina.

Sinabi ng Apostol Pedro binibili ka pabalik ni Kristo mula sa pagka-alipin gamit ng Kanyang sariling Dugo. Mula sa ano ka Niya binibiling pabalik? Mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Milyon-milyong mga tao sa Los Angeles ay mga alipin ng kasalanan. Sila’y adik sa sigarilyo – at hindi titigil. Sila’y adik sa pornograpiya, at hindi titigil sa kakatingin nito. Ika’y alipin sa kasalanan! Ngunit sinasabi ng Bibliya na maari kang palayain ni Kristo. Kaya ka Niyang itubos mula sa kasalanan ng iyong sariling mapagrebeldeng di naniniwalang puso. Sa tinggin ko iyan ang pinaka mahirap na bagay. Kaya kang tubusin ni Kristo mula sa iyong sariling malupit na puso ng di pananampalataya! Marami pang iba ngunit naubusan na ako ng oras! Ang iyong buong kaligtasan ay nakasalalay sa Dugo ni Kristo! Ang kayang itubos ka ni Kristo mula sa lahat ng kasalanan! Pakinggan si William Cowper,

Simula ng pananampalataya, nakita ko ang sapa
   Ang Iyong umaagks na mga sugat ang nagtutustos,
Nakaliligtas na pag-ibig ang naging aking tema,
   At magiging ito rin hanggang sa ako’y mamatay.

Mayroong isang bukal na puno ng dugo
      Inilabas mula sa ugat ng [Tagapagligtas];
At ang mga makasalanan, ay lumubog sa ilalim ng bahang iyon,
      Maalis ang lahat ng kanilang nagkasalang mantsa.
(“Mayroong isang Bukal. ” Isinalin mula sa “There Is a Fountain”
     ni William Cowper, 1731-1800; sa tono ng “Nakamamanghang Biyaya”
         [“Amazing Grace”]).

At sinabi ni Fanny Crosby,

Natubos, natubos,
   Natubos sa dugo ng Kordero;
Natubos, natubos,
   Kanyang anak, magpakailan man, Ako!
(“Natubos” Isinalin mula sa “Redeemed” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

IV. Pang-apat, malilinis ka ng Dugo ni Kristo mula sa bawat kasalanan.

Huwag kalimutan kung sino si Hesus! Hindi Siya kung sino sino lamang! Ang ibang taong iyong kilala ay wala ang dugo na makalilinis sa iyo mula sa kasalanan. Ngunit si Hesus ay hindi kahit sino sa kalsada. O hindi! Si Hesus ay ang walang hanggang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Tauhan ng Banal na Trinidad, “ang pinaka Diyos ng pinaka Diyos.”

“Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya” (Juan 1:3).

Nilikha ng Panginoong Hesu-Kristo ang buong sanglibutan bago Siya bumaba mula sa Langit. Siya, na ang Kanyang Dugo ay makalilinis sa iyo mula sa kasalanan – at gawin kang malinis ng sapat upang magpunta sa Langit! Sinabi ng Apostol Juan,

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.” (I Ni Juan 1:7).

Sinasabi ng ating teksto ang parehong bagay,

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5) [KJV].

Gusto mo ba iyang mangyari sa iyo? Gusto mo bang maligtas mula sa dakma ni Satanas? Magagawa iyan ng Dugo ni Kristo! Gusto mo bang matubos mula sa kasalanan? Magagawa iyan ng Dugo ni Kristo! Gusto mo bang mahugasang malinis mula sa lahat ng kasalanan, upang ika’y makapunta sa Langit at magpuri kasama naming doon? Magagawa iyan ng Dugo ni Kristo!

Ngunit mayroong isang bagay na dapat mong gawin. Bago gawin ng Dugo ni Kristo ang mga bagay na iyan para sa iyo, dapat kang tumalikod mula sa iyong mga kasalanan. Iyan ang unang-unang. Dapat kang tumalikod mula sa iyong mga kasalanan. Tapos, pangalawa, dapat kang magtiwala kay Hesus. Magpunta sa Kanya sa pananampalataya at magtiwala sa Kanya. Sabi ng isa, “Iyan lang ba?” Oo! Iyan lang! At ang Kanyang Dugo ay lilinis sa bawat kasalanan, at dadalhin ka sa samahan at ligaya kasama ng Diyos ang Ama! Tatalikod ka ba mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus? Kung gusto mong makausap si Dr. Cagan o ako tungkol sa pagiging nahugasang malinis sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon at lumakad papunta sa likuran ng awditoryum habang kakantahin ni Gg. Griffith ang isang taludtod ng kanyang solo muli. Huwag mo itong kantahin ng masyadong mabilia, Ben.

Ni pilak o ginto ang nakakuha ng aking pagtutubos,
   Ni mga kayamanan ng lupa ang nakaligtas ng
Aking kawawang kaluluwa;
   Ang dugo ng krus ang aking nag-iisang pundasyon,
Ang kamatayan ng aking Tapagligtas ngayon ay
   Gumagawa sa aking buo.
Ako’y natubos, ngunit di gamit ng pilak,
   Ako’y nabili, ngunit di gamit ng ginto;
Nabili na may halaga, ang dugo ni Hesus,
   Mahal na halaga ng pag-ibig na di bunyag.
(“Ni Pilak, Ni Ginto” Isinalin mula sa “Nor Silver, Nor Gold”
     ni Dr. James M. Gray, 1851-1935).

Dr. Chan, naway magpunta ka rito at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mateo 26:26-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ni Pilak Ni Ginto.” Isinalin mula sa “Nor Silver Nor Gold”
(ni Dr. James M. Gray, 1851-1935).


ANG BALANGKAS NG

NAHUGASAN SA DUGO NI KRISTO!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Doon sa umiibig sa atin, at sa [naghugas] sa atin sa ating mga
kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo”
(Apocalipsis 1:5) [KJV].

(Apocalipsis 7:14)

I.   Una, ang pag-aalay ng dugo ay bumabalik sa pinka simula ng
panahon, Exodo 12:13; Mateo 26:26-28.

II.  Pangalawa, ang Dugo ni Kristo ay mapait na kinamuhian ni
Satanas, Apocalipsis 12:10-11; I Ni Pedro 1:19.

III. Pangatlo, tinutubos tayo ng Dugo ni Kristo, I Ni Pedro 1:18, 19;
Mateo 20:28.

IV. Fourth, the Blood of Christ can cleanse you from every,
Juan 1:3; I Ni Juan 1:7.