Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG HALAGA NG PAGIGING DISIPOLO THE COST OF DISCIPLESHIP ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33). |
Si Dietrich Bonhoeffer ay isang binatang Lutheranong pastor sa Alemanya bago ng Pangalawang Makamundong Digmaan. Habang si Hitler ay bumangong sa katanyagan si Bonhoeffer ay tumakas mula sa Alemanya. Gayon man, pagkatapos niyang gumugol ng panahon sa Dakilang Britanya at Estados Unidos, naramdaman niyang gusto siya ng Diyos na bumalik sa Alemanya at mangaral sa sarili niyang mga tao, na kanyang ginawa. Noong 1943 siya ay dinakip ng mga Gestapo at inilagay sa bilangguang Nazi. Ilang araw bago pinalaya ng mga Kaanib ang Alemanya mula kay Hitler, kinuha ng mga Nazi si Dietrich Bonhoeffer, pinosasan siya, at nilagyan ng isang alambre ng piyano sa kanyang leeg, at ibinitay siya. Siya ay tatlompu’t siyam na taong gulang lamang noong namatay siya ng kamatayan ng martir. Ang Halaga ng Pagiging Disipolo [The Cost of Discipleship] ang pinaka tanyag niyang aklat. Hindi ako sumasang-ayon kay Bonhoeffer sa ilang mga bagay, dahil siya ay isang Lutherano. At hindi rin ako sumasang-ayon sa kanyang Barthianong pananaw ng Kasulatan. Ngunit nilampasan ni Bonhoeffer ang kanyang liberal na pinanggalingan at lumikha ng isang dakilang Kristiyanong klasiko, Ang Halaga ng Pagiging Disipolo. Hiniram ko ang pamagat ng kanyang aklat bilang pangalan para sa pangaral na ito. Naway pagpalain kayo ng Diyos habang inyon itong naririnig! Ngunit bago ng mensahe, si Gg. Griffith ay magpupunta at kakanta para sa atin. (Si Gg. Griffith ay kakanta ng, “Ang Anak ng Diyos ay Nagpunta Pasulong sa Digmaan” [“The Son of God Goes Forth to War”] ni Reginald Heber, 1783-1826).
Please stand for the reading of God's Word.
“Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33).
Maari nang magsi-upo.
Iniibig ko ang pagkamakatotoo at katahasan ni Hesus. Ang mga makabagong mga mangangaral ay madalas isipin na kaya nilang magawa ang mga taong maging mga mabubuting Kristiyano sa pamamagitan ng isang dahang-dahang proseso. Makuha silang gumawa ng isang “desisyon” muna. Tapos ituro sa kanila ang Bibliya taon-taon. Iniisip ng mga mangangaral na ito na iyan ang paraan na malilikha ng mga malalakas na mga disipolo, at mabubuting mga Kristiyano. Ngunit hindi iyan ang paraan na nakuha ng Panginoong Hesu-Kristo ang Kanyang mga Disipolo!
Sa pasaheng binasa ni Gg. Prudhomme ilang sandali kanina, sinasabi nito,
“Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi…” (Lucas 14:25).
Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo sa mga nawawalang mga tao, sa mga taong di pa kailan man naliligtas, na hindi pa kailan man nagiging Kanyang mga Disipolo. Agad-agad, ang pinaka unang bagay na sinabi ni Kristo sa maraming mga taong ay ito:
“Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko. Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:26, 27).
A! Nalalarawan mo ba ang isang makabagong mangangaral tulad ni Joel Osteen, o kahit si Franklin Graham na nagsasabi niyan?
At gayon man mayroong isang bagay na napakapapanariwa tungkol sa paraan ni Kristo – isang bagay na malinis at sariwa tungkol rito. Nagkukumento sa mga bersong ito, sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ang mga bersong ito ay simpleng nagsasabi na dapat nating ilagay ang Diyos sa una. Ang pagkatapat ng isang mananampalataya kay Hesu-Kristo ay dapat maging ganoon na lamang, na sa pagkukumpara, ito’y mukhang ang lahat ng ibang mga bagay ay kinamumuhian (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 311; sulat sa Lucas 14:25-27).
Sa parehong paraan, ang ating pangunahing teksto ay nagsasabing,
“Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33).
Hindi nito ibig sabihin na kailangan mong magpunta sa isang kweba na walang mga damit. Ibig nitong sabihin na dapat kang sumuko ng walang kondisyon kay Kristo bilang iyong Panginoong at Tagapagligtas. Ibig nitong sbihin na dapat kang malugod na iwanan ang anoman ang tinatawag sa iyo ni Kristong iwanan. Ang prinsipyong ito ay ibinigay ni Hesus sa Pangaral sa Bundok [Sermon on the Mount] noong sinabi Niyang, “hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran” (Mateo 6:33).
Pansinin na si Kristo ay nagsalita patungkol sa halaga ng pagiging disipolo sa isang malaking masa na sumunod sa Kanya. “Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi” ang halaga ng pagiging disipolo (Lucas 14:25). Ang layunin ni Kristo ay hindi magpulong ng isang malaking masa ng di nangakong mga tao. Ang Kanyang layunin ay ang ipagsama ang isang grupo ng mga lubos na nangangakong mga tao – mga disipolong itataya ang kanilang pinaka buhay upang dalhin ang Kanyang mensahe sa kaduluhan ng lupa! Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Sa buong Bibliya ay itong taimtim na pagtuturong ito, na iyong mga naglilingkod sa Panginoon ay dapat bilangin ang halaga. Ang lahat noong mga magiging mabubuting lingkod ni Hesu-Kristo, mga katanggap-tanggap na mga mangangaral o mga misyonaryo, o mga nananagumpay ng mga kaluluwa bilang mga karaniwang mga Krisityano, ang lahat ng magbibigay ng mabuting testimony, ay dapat magbigay at magdusa at maghirap at mausig…Kung inaasahan mo ang isang “mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin,” kapag makahaharap ang Tagapagligtas, dapat kang maging handang magdusa para sa Kanya. Ang uri ng paglilingkod na hindi nagkakahalaga ng kahit ano ay nagkakahalaga ng kahit ano at hindi tatanggap ng isang gantimpala kapag iyong makahaharap ang Tagapagligtas! (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Anong Halaga Upang Maging Kristiyano [What It Costs to Be a Good Christian], Sword of the Lord Publishers, 1952, p. 10).
“Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33).
Mayroon sa pinaka kaunti, tatlong aplikasyon ng tekstong ito.
I. Una, dapat ibigin si Kristo ng mas higit kaysa ating mga kamag-anak.
Maari hindi mo kailangan kailan man pumili sa pagitan ni Kristo at iyong pamilya. Ngunit ang ilan sa amin ay kinalangang gawin iyan. Maraming mga batang Muslim ay kinailangang iwanan ang kanilang mga pamilya upang sundan si Kristo. Maraming mga Tradisyonal na mga Hudyong kabataan ay kinailangang pumili sa pagitan ng kanilang pamilya at ni Hesus. Isang lalake, noong siya bata palan, ay itinaboy mula sa kanyang Tradisyonal na Hudyong tahanan para sa pagtitiwala kay Kristo. Hindi niya nakita ang kanyang mga magulang ng maraming taon. Sa wakas narinig niya na ang kanyang ina ay namamatay na. Na mayroong mabigat na puso nagpunta sa siya sa ospital upang makita siya. Noong nakita niya siyang papasok ng silid siya’y sumigaw sa kanyang, “Lumayas ka! Lumayas ka kasama ng Kristo mo!” Hindi niya nakita ang ina niyang muli. Kilala ko ang lalakeng ito ng mabuti. Siya ay isang dakilang Kristiyano. Ang kanyang pangalan ay Moishe Rosen – at kanyang isinagawa ang aming seremonyang pangkasal. Napaka natuwa ang aking pamilya at ako upang makasama siyang magtanghalian, at magkaroon ng matamis na pakikisama kasama niya, di matagal bago siya namatay! Daan-daang mga Hudyong kabataan ay naligtas sa pamamagitan ng Mga Hudyo para kay Hesus, ang ministro kanyang nahanap. Ngunit nagkahalaga nito ang kanyang minamahal na mga magulang upang maging Kristiyano!
Sinabi ng dakilang si Spurgeon, “Marahil ay narinig mo ang kwento ng isang martir na si [John Rogers 1500-1555 A.D.], na susunugin [sa istaka] para kay Kristo; at habang ang kanyang mga kaaway ay nabigong mapakilos siya mula sa kanyang pagkatatag, gumawa sila ng isa pang pagsubok na gawin ito habang ang mabuting tao ay papunta [upang masunog]. Inilabas nila ang kanyang asawa at kanyang labing isang mga anak upang salubungin siya; at lahat sila ay nagsisitangis, at nagsiluhod sa harap niya, at nagmamakaawa sa kanyang magsisi. Ang kanyang asawa ay nagmakaawa sa kanya, ‘Aking asawa, huwag masyadong matigas ang iyong ulo; huwag kang magpunta sa istaka’…at bawat anak at [nagsabi sa kanya], ‘Ama, mabuhay ka para sa alang-alang ko,’ ‘at para sa akin ama.’ Ito’y isang pagsubok na hindi inasahaan ng mabuting tao; at habang siyang nakatayo roon, na napaligiran ng kanyang mga minamahal, sinabi niya, ‘Alam ng Diyos kung gaano ko kayo kamahal lahat, at kung gaano ko kasayang gagawin ang lahat para sa inyo…na may malinaw na konsensya, upang mapasaya kayo; ngunit kumpara kay Kristo at kanyang ebanghelyo, na aking iniibig ng buong puso at kaluluwa, dapat ko kayong isuko lahat…at dapat kong isuko ang aking katawan upang masunog para sa katotohanan ni Kristo; kung gayon, huwag lumuha at biyakin ang aking puso.’ Ito’y maringal na ginawa sa kanyang bahagi; at maaring makakukuha ka ng mas mainam na ideya ng ibig sabihin ng aking teksto mula sa pangyayaring iyan, kaysa aking posibleng maibibigay sa iyo sa kahit anong salita na aking maaring gamiting” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1977, kabuuan XLV, p. 567).
“Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33)
“Isinusuko ko ang Lahat.” Kantahin ito!
Isinusuko ko ang lahat, isinusuko ko ang lahat.
Lahat para sa Iyo, aking pinagpalang Tagapagligtas, isinusuko ko ang lahat.
(“Isinusuko Ko ang Lahat.” Isinalin mula sa “I Surrender All”
ni Judson W. Van DeVenter, 1855-1939).
II. Pangalawa, si Kristo ay dapat ibigin higit sa sarili nating mga buhay.
Habang si Spurgeon ay nagsalita patungkol sa paksang ito binasa niya mula sa isang sulat ni Pliny ang Masbata ((61-112 A.D.) na sumulat tungkol sa mga mas naunang mga Kristiyano. “Sinabi niya alam niya ang gagawin sa kanila, dahil sila’y mga kalalakihan ng mabuting karakter, ngunit mayroong sila nitong isang pagkakaiba, na dapat nila sa lahat ng bagay sundan si Kristo. Sila’y aktwal na nagpunt na may kalmadong lakas ng loob, kahit sa Romanong paghahatol na luklukan, alam ng mahusay na, kung sila’y naghanapang nagkasala ng pagiging mga Kristiyano, sila’y mailalagay sa kamatayan; at sila’y mukhang di makaantay na mamatay, napaka di makaantay na ilagay ang kanilang pag-ibig kay Kristo sa harap ng kahit anong pag-iisip ng kalayaan mula sa sakit o pagtakas mula sa kamatayan. Anong mga pagpapahirap sila inilagay…hindi ko halos mapagpangahas na sabihin sa iyo. Isipin ang isa sa kanilang pinilit na umupo sa isang mainit na bakal na upuan; at iba ay kinaladkad sa sakong ng mababangis na mga kabayo, o naitapon ng paurong-sulong ng mga toro, o napunit-punit ng mga masukal na mga hayop…Ngunit ang mga martir ba’y umurong o tumalikod? Hindi, sila’y tumayong matatag para sa alang-alang ni Kristo, at itinapon ang kanilang mga buhay…kaysa mahanap na mga traidor kay Hesu-Kristo ang kanilang Panginoon at Tagapagligtas” (isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 569).
Aking binabasa ang isang teribleng nakatatakot na aklat. Sinabi ng may-akda ng iniisip niya na ang mga Kristiyano ay kailangang dumaan sa ganoong mga pagsubok muli – dito sa Amerika, at sa Kanluran. Maaring tama siya. Ito’y kinakailangan para sa atin na maging handa para rito ngayon. Ang isang ebanghelikal na masyadong tamad upang magpunta sa simbahan ng gabi ng Linggo ay hindi mananatiling nananampalataya kay Kristo kapag ang mga pagsubok na iyon ay darating. Ang isang Amerikanong miyembro ng simbahan na hindi nakapupunta sa gitna ng linggong panalanging pagpupulong ay hindi makatatayo sa masamang panahon na iyon. Sinabi ni Kristo, “Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot…sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:26). Naway bigyan tayo ng Diyos ng lakas upang sundan ang halimbawa ng mga banal na mga martir ng naunang mga Simbahan – at ang mga martir ng Muslim na mga lupain ngayon. Gg. Griffith, magpunta at kantahin ang kantang iyon muli.
Ang marangal na hukbo, mga kalalakihan at mga batang lalake,
Ang ginang at ang dalaga,
Sa paligid ng trono ng Tagpagligtas magpuri,
Sa mga damit ng ilaw ay nag-ayos:
Umakyat sila sa matarik na pataas ng langit
Sa pamamagitan ng kapanganiban, mabigat na trabaho at sakit;
O Diyos, sa atin naway biyaya ay maibigay
Upang masundan ang kanilang tren.
Isang maluwalhating banda, ang napiling kaunti
Kung sino ay pinuntahan ng Espiritu,
Labin dalawang magiting na mga santo, ang kanilang pag-asa alam nila,
At kinutya ang krus at apoy:
Sinalubong nila ang mga iwinasiwas ng bakal ng maniniil,
Ang madugong balahibo ng leyon,
Yinuko nila ang kanilang mga leeg ang kamatayan upang maramdaman:
Sinong sumusunod sa kanilang tren?
(“Ang Anak ng Diyos ay Sumulong sa Dignaan.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” ni Reginald Heber, 1783-1826).
Si Padre Andrew M. Greeley (1928-2013) ay namatay noong huling linggo. Siya ay isang liberal na Katolikong pare na sinalakay ang tradisyonal na moralidad at ibinase ang kanyang mga ideya sa sosiyolohiyo kaysa sa Bibliya. Halimbawa sinabi ni Greeley ang kanyang sosiyolohikal na mga pag-aaral ay nagpakita na nakikita ng mga Katoliko ang Diyos bilang “isang mang-iibig, isang asawa, isang kaibigan at ina,” at ginawa sila nitong mas liberal sa kanilang politikal na mga pananaw kaysa mga Protestante, na ipinapalagay ang Diyos bilang “hari, at Panginoon” (isinalin mula sa Los Angeles Times, Ika-31 ng Mayo, taon 2013, pah. A11). Noong aking nabasa ang pag-iisip na iyan aking naisip, “ipinapaliwanag ba niyan ang Pagsisiyasat?” Natutunan kong magtanong ng mga nakapagbubunsod na mga tanong tulad niyan sa dalawang liberal na seminary kung saan ako ay nagtapos. Libo-libong ng Protestante ay nasunog sa istaka, nabuhusan ng mga natunaw ng bakal sa kanilang mga lalamunan, at napahirapan sa isang suksukan, sa loob ng Pagsisiyasat, ng mga Katolikong iyon. Para sa akin ito’y hindi mukhang nakita ng mga Katoliko iyon ang Diyos bilang isang “maniibig, isang asawa, isang kaibigan at isang ina.” O na mukhang isang maamong Anak ng Diyos. Si Hesus ay maigting, ngunit hindi malupit! Lumuha Siya para sa doon sa mga tumangging sumunod sa Kanya, “At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan” (Lucas 19:41). “Isinusuko Ko ang Lahat.” Kantahin ito muli!
Isinusuko ko ang lahat, isinusuko ko ang lahat.
Lahat para sa Iyo, aking pinagpalang Tagapagligtas, isinusuko ko ang lahat.
III. Pangatlo, si Kristo ay kailangang ibigin higit sa lahat ng ibang bagay.
“Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko. Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:25-27).
Sinabi ni Spurgeon na ang pagtuturo ng tekstong ito ay maaring mabuod bilang “Si Kristo ay dapat ibigin na mas mahusay kaysa kahit anong bagay o hindi tayo maaring maging Kanyang mga disipolo.” Kung tayo ay nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ang buong mundo o si Kristo, “Salamat sa Diyos, na marami sa atin ang hindi maghihintay ng isang minuto [upang piliin si Kristo].” “Kaya ang ibig sahin ng [mga bersong iyon] ay na si Kristo ay dapat magkaroon ng buong pusong mga lingkod; at kung ika’y magpupunt sa kanya upang maging kanyang disipolo, dapat mong dalhin ang iyong buong pagkatao kasama mo.”
Sinabi ni Andrew M. Greeley, ang liberal na sosiyolohistang pare, na si Kristo ay dapat makita bilang isang “asawa, at kaibigan.” Tama siya hanggang sa kasing layo ng kanyang narrating. Ngunit itinanggi ni Padre Greeley si Kristo bilang “hari at Panginoon” (isinalin mula sa Los Angeles Times, ibid.). Si Greeley ay mali – si Kristo ay parehong kaibigan at Hari. Ngunit kinakailangan nito ng Biblikal na pagka-unawa na hindi kailan man nagkaroon si Padre Greeley. Sa isang tunay na pagbabagong loob lamang na ang kahit sino ay mahahanap na iniibig tayo ni Hesus, at na hinihingi Niya ang ating lubos na katapatan ng loob bilang ating Panginoon at Hari – pareho sa parehong beses!
Sinabi ni Spurgeon, “Ang diablo ay pumapayak na ibahagi ang kanyang kahraian kay Kristo…Ngunit hindi papaya si Kristo; kung tayo ay magiging kanyang mga pinaghaharian, pangungunahan niya tayo mula sa korona ng ating mga ulo hanggang sa talampakan ng ating paa, at hindi niya papayagan si Satanas na magkaroon ng nag-iisang matibay na tunggulan sa atin na tayo’y matawag niyang kanya. [Si Satanas ay dapat lumisan at si Kristo ay dapat maging nasa trono ng ating mga puso]. Siya’y dumatin na Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon! Ang korona ay nakaupo sa kanyang noo, o na kanyang papayagan [ang isang kaaway] kahit isang oras. Magpunta gayon, anong sasabihin mo? Ikaw ba’y buong pusong kay Kristo? Kung hindi, hindi ka isa sa Kanyang mga disipolo. Makinig habang aking basahin ang teksto muli, ‘Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko,’” Lucas 14:26 (Isinalin mula kay Spurgepn, ibid., pah. 570).
At hinihikayat ko ang bawat bagong mananampalataya – higit sa lahat, huwag maging mahiya kay Hesus! Ang Anak ng tao Mismo ay nagsabi, “Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian” (Lucas 9:26).
Kinahihiyaan si Hesus! ang minamahal na Kaibigan
Kung sino ang aking mga pag-asa ng langit ay nakasalalay!
Hindi; kapag ako’y mamula, maging ito aking pagkahiya,
Na ako’y natatakot na sabihin ang Kanyang pangalan!
(“Hesus, At Ito’y Magigin Magpakailan Man.” Isinalin mula sa
“Jesus, And Shall It Ever Be” ni Joseph Grigg, 1720-1768; \
huling linya binago ng Pastor).
Tumayo para kay Kristo nasaan ka man! Huwag kailan man na hayaan ang isang tampalasang tao tulad ni “Padre” Andrew Greeley na sirain si Kristo. Huwag! Tumayo para kay Hesus! Kantahin ito!
Tumayo, tumayo para kay Hesus, Kayong mga alagad ng krus,
Itaas ng mataas ang Kanyang makaharing bandila,
Hindi dapat nito maranasan ang pagkawala;
“Kayong mga kalalkihan, ngayon paglingkuran Siya,”
Laban sa di mabilang mga kalaban;
Hayaan na ang lakas ay bumangon kasama ng panganib,
At lakas sa lakas magtutulan.
(“Tumayo, Tumayo Para kay Hesus.” Isinalin mula sa
“Stand Up, Stand Up For Jesus” ni George Duffield, 1818-1888).
“Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33).
Ang tunay na aplikasyon ng tekstong ito ay ito – ikaw ba’y isang disipolo ni Kristo? Iniibig mo ba si Hesus higit sa iyong sariling pamilya at iyong sariling buhay? Iniibig mo ba Siya kaysa ibang mga bagay sa mundong ito? Sumuko ka na ba ng buong puso kay Kristo? Pinapatunayan mo ba ang iyong katapatan sa Kanya sa pamamagitan ng paraan ng iyong buhay? Ikaw ba’y isang tunay na disipolo ni Kristo? Kung hindi, hinihimok kitang sumuko kay Kristo agad! Tandaan, sinabi ni Kristo,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon. Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Marcos 8:34-37).
Itapon sa tabi ang lahat ng mga bagay na nagpapagalit sa Diyos! Magpunta ng buong puso sa Kanyang Anak! Huminto sa pagtitiwala sa kanyang mundo, at ilagay ang iyong tiwalang lubos kay Hesus, na tinatawag na Kristo! Lilinisin ka Niya mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Dugong Kanyang ibinuhos, noong namatay Siya sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, sa Krus.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, isang tunay na disipolo ni Kristo, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoryum na ito ngayon na. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makakapag-usap tayo at makapagdadasal. Kung ikaw ay narito ng unang beses, at mayroon kang tanong, iwanan lang ang iyong upuan at magpunta sa likuran ngayon na. Dr. Chan, magpunta ka at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 14:25-33.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Anak ng Diyos ay Sumulong sa Dignaan.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” (ni Reginald Heber, 1783-1826).
ANG BALANGKAS NG ANG HALAGA NG PAGIGING DISIPOLO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33). (Lucas 14:25, 26-27; Mateo 6:33) I. Una, dapat ibigin si Kristo ng mas higit kaysa ating mga kamag-anak. II. Pangalawa, si Kristo ay dapat ibigin higit sa sarili nating mga buhay, III. Pangatlo, si Kristo ay kailangang ibigin higit sa lahat ng ibang bagay, |