Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




DEMONIKONG GUSOT AT PAGBABAGONG LOOB

DEMONIC CONFLICT AND CONVERSION
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-26 ng Mayo taon 2013

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).


Dapat nating tanungin ang ating mga sarili bakit ang salaysay na ito ay ibinigay sa lahat ng tatlo ng sinoptikong mga Ebanghelyo (Mateo 17:14-21; Marcos 9:14-29; Lucas 9:37-43). Tiyak na ito’y itinala sa pamamagitan ng banal na inspirasyon upang ipakita ang pagkawalang kapangyarihan ng mga Disipolo. Mas maaga kanina ay ipinadala sila ni Kristo pasulong upang magpalayas ng mga demonyo (Mateo 10:8). Ngunit ngayon hindi nila ito magawa. Sinabi ni Kristo na ang dahilan para sa kanilang pagkabigo ay ang pagkawala ng pananampalataya (Mateo 17:20). Iyan ang aral na atin madalas naririnig mula sa pasaheng ito, isang pangaral na naka sentro sa pagkawalang pananampalataya ng mga Disipolo. Ito lahat ay totoo siyempre, gayon man mayroong higit pa rito kaysa riyan.

Ngunit paano patungkol sa binata nademonyo? Wala bang sermon mapangangaral tungkol sa kanyang karanasan? Siyempre mayroon! Nagbigay si C. H. Spurgeon ng isang mainam na sermon, kung saan sinabi niya,

Ang batang ito na nasapian ng isang masamang espiritu, ay ang pinaka nararapat na sagisag [larawan] ng bawat di napagbagong loob na tao… Ang pagdating ng batang si Kristo ay isang larawan ng nagliligtas na pananampalataya, dahil ang pananampalataya ay ang pagpupunta kay Kristo [at] ang pagbubuwal at paggugutay na binanggit sa aking teksto ay isang larawan ng gusot ng sulok ng kalaban ng kaluluwa. “At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio.” Ang ating paksa…ay magiging ang pinaka kilalang katunayan; na ang mga paparating na mga makasalanan, kapag kanilang pupuntahan ang Tagapagligtas, at madalas binubuwal ni Satanas at ginugutay-gutay, upang sila’y magdusa ng lubos sa kanilang mga isipan, at malapit ng handang sumuko sa kawalan ng pag-asa (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Gusot ng Sulok Kay Satanas” [“The Comer’s Conflict With Satan”], The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, kabuuan II, p. 369).

Iyan ang paraan na dapat nating isabuhay ang partikular na tekstong ito:

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata …” (Lucas 9:42).

Kinakatawan ng batang lalake ang bawat di napagbagong loob na tao. Ang pagbubuwal at paggugutay na kanyang nararanasan ay kumakatawan sa demonikong gusot na nangyayari sa pagbabagong loob. Ang pagpupunta ng batang lalake kay Hesus ay isang larawan ng nakaliligtas na pananampalataya.

I. Una, kinkatawan ng batang lalake ang bawat di napagbagong loob na tao.

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio…” (Lucas 9:42).

Ang napakalaking karamihan ng di napagbagong loob na mga tao ay hindi na sinapian ng demonyo. Gayon man lahat sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sinasabi ng Bibliya na si Satanas ay

“…binulag…ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 4:4).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris patungkol sa II Mga Taga Corinto 4:4,

Isinulat ni Juan na “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama [literal ay ‘ang masama’]” (I Juan 5:19). Kapag pati matatalinong mga intelektwal ay mukhang hindi naiintindihan [o] tanggapin ang madaling intindihing ebanghelyo ni Kristo…ito’y dahil ang kanilang mga isipan ay nabulag sa mga nakamamanghang mga katotohanang ito. Dapat tayong manalangin para sa Diyos “idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios,” Mga Gawa 26:18 (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Bibliyang Pang-aral ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, p. 1280; sulat sa II Mga Taga Corinto 4:4).

Muli, sa Mga Taga Efeso 2:2, sinasabi ng Bibliya,

“Na inyong nilakaran noong una ayon sa… ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2).

Nagkumento si Dr. McGee sa bersong iyan sa Mga Taga Efeso 2:2,

[Si Satanas] ay malakas ngayon na manlinlang at mandaya at dalhin ang mga taong maligaw (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 232, sulat sa Mga Taga Efeso 2:1-2).

Sinabi ni John Gill na ang pariralang “ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” ay nangangahulugan na “nangingibabaw sa mga [anak ng pagsuway] na ito, si Satanas ay mayroong matinding impluwensya...kanino ay ang mga isipan at mga puso ay kanyang pinupuno…at ang mga ito ay maaring masabi sa kanilang di pagka bagong loob upang lumakad kasunod niya” (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan III, p. 70; sulat sa Mga Taga Efeso 2:2).

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam …” (Lucas 9:42).

Gumagamit si Satanas ng iba’t ibang mga paraan upang pigilan ang mga taong magpunta kay Hesus. Maari niyang sabihin sa iyo na hindi mo kailangang mapagbagong loob. Ito ang pangunahin paraan na nilinlang niya ang mga Fariseo noong ministro ni Kristo sa lupa. “Sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid” (Lucas 18:9). Iyan ay matinding panlilinlang, na madalas gamitin ni Satanas upang pigilan ang mga tao mula sa pagpupunta kay Hesus sa ating panahon rin. Ang pag-iisip ay maaring dumating sa iyo, “Ako’y mabuti nang sapat. Nagpupunta ako sa simbahan. Binubuhay ko ang isang malinis na buhay. Bakit ko kailangan ang iba pang mga bagay?” “Nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid.” Kapag ang isang tao ay naiisip ang pag-iisip na iyan ng pirmi sa kaniyang isipan hindi siya maaring matulungan. Sa pamamagitan ng pagkukumbinsi na siya’y mabuti nang sapat, binubulag ni Satanas ang kanyang isipan (II Mga Taga Corinto 4:4) at pinananatili siyang kanyang nadakip na bilanggo (II Ni Timoteo 2:26).

Isang dalaga ang nagsabi na akala niya na “ang kaligtasan ay dapat magana, at ang pagiging mabuti ay ang kung papaano mo magagana ang iyon kaligtasan. Nagsikap ako para sa kagalingan sa lahat ng bagay na aking ginawa…tiyak akong ako’y ligtas. Ako’y masunurin sa akin mga magulang. Mayroon akong desenteng mga kaibigan at nagpunta sa simbahan kada Linggo…Sa loob ng maraming linggo nakinig ako kay Dr. Hymers, ngunit hindi ko kailan man, hindi kailan man tunay na napansin na ang makasalanan, ang taong masyadong mayabang upang tanggapin ang kanyang mga kasalanan…ay ako. Nagpunyagi ako.” A, anong pagpupunyagi! Ang pagpupunyagi sa kaluluwa ng babaeng iyon ay ang mapaniwalaan man o hindi ang kasinungalingan ni Satanas na siya ay mabuti nang sapat na wala si Hesus!

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam …” (Lucas 9:42).

Isa pang paraan na pinipigilan ni Satanas ang mga tao mula sa pagpupunta kay Hesus ay sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na maaring silang magdesisyong maging Kristiyano mamaya. Isa babae ang nagsabi, “Wala akong intension na maging isang Kristiyano. Masyado akong maraming mga bagay na kailangang asikasuhin. Sa kabila ng lahat, ang buhay ay tumatawag…sa loob ay pinaniwalaan ko na makapagdedesisyon ako kung kailan at saan ko pagkakatiwalaan si Kristo.” “Ang buhay ay tumatawag.” A, iyan ay makademonyong pag-iisip! “Masyado akong maraming ibang mga bagay na kinailangan asikasuhin.” A, anong demonikong panlilinlang! “Sa loob ko…” A, oo, “sa loob.” Hindi sa pang-ibabaw. Hindi ang mga sinasabi mo sa iba. Si Satanas ay nagsasalita “sa loob.” “Sa loob ay pinaniwalaan ko na makapagdedesisyon ako kung kailan at saan ko pagkakatiwalaan si Kristo.” Iyan ay isang demonikong kasinungalingan! Paano iyong batang lalake sa ating teksto? Maari kayang nakapunta siya kay Hesus “kung kailan at saan” niya gusto? Maarin hindi siya kailan man nagpunta kay Hesus kung hindi niya ito ginawa sa sandaling iyon, noong tumawag si Kristo para sa kanya!

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam …” (Lucas 9:42).

Gayon isa pang paraan ng Diablo ay ang sabihin sa iyong maari mong “matutunan” kung paano mapagbagong loob. Isa pang dalaga ang nagsabi, “Ako’y nagigipit at tinanong ang aking sarili, ‘Paano ako magpupunta kay Hesus?’ Sa oras na iyon, hindi ko naisip na walang ‘paano.’ Iniisip na kaya ko kahit papaano na makapunta kay Hesus sa aking sarili, binasa ko ang maliit na aklat na, Lahat ng Biyaya [All of Grace], ni C. H. Spurgeon…umaasa na ako’y kahit papaano ay mapagbabagong loob. Natandaan kong naghahanap sa aklat para sa paraan upang makapunta kay Hesus…akala ko na siguro maibibigay sa akin ng aklat ang mga ‘hakbang’ kung paano magtiwala kay Hesus. Gayon man, hindi ako natulungan ng aklat. Bago ako natulog noong gabing iyon, nanalangin ako sa Diyos, hinihinggi sa Kanyang tulungan akong magpunta kay Hesus.”

O, napaka nakapagtuturo at nakapaliliwanag ng kanyang testimonyo! “Paano ako magpupunta kay Hesus?” “Iniisip na kaya ko kahit papaano na makapunta kay Hesus sa aking sarili, binasa ko ang maliit na aklat na, Lahat ng Biyaya [All of Grace], ni C. H. Spurgeon.” Lubos na pagkalito ang pumuno sa kanyang isipan! Mukha sa akin na ang pinaka pamagat ng aklat, Laha ng Biyaya, ay dapat nagwasto sa huwad na paniniwala na kaya niyang makapunta kay Hesus sa kanyang sarili! Lahat ng Biyaya, ang pinaka pamagat ay dapat nakapagwasto ng demonikong pag-iisip, “Dapat kong gawin ito mag-isa!” Tapos sinabi niya, “Natandaan kong naghahanap sa aklat para sa paraan upang makapunta kay Hesus.” O, mga “hakbang” nga! Mga “hakbang” ang ibinibigay ng mga makabagong “desisyonista.” Hindi nagbigay si Spurgeon ng mga “hakbang.” “Gayon man hindi ako natulungan ng aklat.” Hindi, tiyak na hindi siya nito natulungan matutunan ang mga “hakbang,” dahil walang mga ganoong “hakbang” ang namamalagi! Ngunit matitiyak ba natin na hindi siya natulungan ng aklat ni Spurgeon? Sinabi niya, “Bago ako natulog noong gabing iyon, nanalangin ako sa Diyos, hinihinggi sa Kanyang tulungan akong magpunta kay Hesus.” Sa tinggin ko ay nagawan siya ni Spurgeon ng mas higit na kabutihan kaysa kanyang naisip! Sa maliit na aklat na iyon sinabi ni Spurgeon,

Ang mga napagbagong loob ay madalas na nagsasabi na hindi nila alam ang Ebanghelyo hanggang sa ganoong araw; at gayon man narinig nila ito nang maraming taon. Ang Ebanghelyo ay di kilala, hindi mula sa [pagkakulang] ng paliwanag, kundi mula sa pagkawala ng personal ng paglalantad [hal. kaliwanagan]. Ito ay handang ibigay ng Banal na Espiritu, at ibibigay doon sa mga humihinggi sa Kanya (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Laha ng Biyaya] [All of Grace], Pilgrim Publications, 1978 inilimbag muli, pahina 77).

Itong nakapagliligtas na katotohanan itinatago ng Diablo sa lahat ng kanyang makakaya mula sa nawawala, dahil ayaw niya silang magpunta kay Hesus at maligtas.

Muli, maaring magdala ng takot ang Diablo sa iyong isipan. Natatakot ka bang magpunta kay Hesus? Kung natatakot ka, matitiyak mo na ito’y isang takot na nanggagaling mula kay Satanas.

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam …” (Lucas 9:42).

II. Pangalawa, ang pagpunta ng batang lalake kay Hesus ay isang larawan ng nakaliligtas na pananampalataya.

Magsitayo at basahin ang buong teksto, Lucas 9:42.s

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).

Maari nang magsi-upo.

Huwag mo dapat isipin na lahat ng pagkakagulo gusot sa pagbabagong loob ay Sataniko. Higit sa gulo na nararamdaman ng di napagbagong loob ay mula sa Banal na Espiritu, na ang kanyang unang gawain ay ang “susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan…Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin [si Hesus]” (Juan 16:8, 9).

Paano natin masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng kumbiksyon ng Banal na Espiritu at ang “pagbubuwal” ng Diablo? Si Spurgeon ay nagbigay ng isang malinaw na paliwanag ng pagkakaiba:

Ngayon bibigyan ko ang mga kaawa-awang mga makasalanan ng isang paraan ng pagtutuklas kay Satanas, upang malalaman niya kung ang kumbiksyon ay mula sa Banal na Espiritu, o simpleng pag-uungal ng impiyerno sa kanyang tainga lamang. Una, matitiyak mo na iyong nanggagaling sa diablo ay magpapatingin sa iyong sarili hindi kay Kristo. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang ipihit ang ating mga mata mula sa ating mga sarili papunta kay Hesu-Kristo, ngunit ang gawain ng kalaban ay ang pinaka kabaligtaran. Siyam mula sa sampu ng mga insinuwasyon ng diablo ay may kinalaman sa ating mga sarili… “Hindi ka nagsisising sapat” – iyan ay sarili. “Mayroong kang masyadong mapag-alinlangang paghawak kay Kristo” – iyan ay sarili. Gayon ang diablo ay nagsisimulang pumitas ng mga butas sa atin; samantalang ang Banal na Espiritu ay nag-aalis ng sariling lubos, at nagsasabi sa atin na tayo ay “wala kahit anuman,” ngunit si “Hesu-Kristo ay lahat laha.” Dinadala ni Satanas ang katawan ng sarili at hinahatak ito, at dahil ito’y masama, sinasabi sa atin ng mas tiyak na hindi tayo maaring maligtas. Ngunit tandaan, makasalnan, ito’y hindi iyong paghawak kay Kristo ang nagliligtas sa iyo – ito’y si Kristo [Mismo]. Kung gayon, huwag masyadong tumingin sa iyong kamay na kumakapit kay Kristo, gaya ng pagtingin kay Kristo [Mismo]; huwag tumingin sa iyong pag-asa, kundi kay Kristo [Mismo], ang pinanggalingan ng iyong pag-asa; huwag tumingin sa iyong pananampalataya, kundi kay Kristo, ang may-akda at tagatapos ng iyong pananampalataya; at kung gagawin mo iyan, sampung libong mga diablo ay hindi makapagbubuwal sa iyo, ngunit hanggang sa ika’y tumitinggin sa iyong sarili, ang pinaka masama [pinaka maliit] noong mga masasamang espiritung iyon ay matatapak-tapakan ka sa ilalim ng kanyang paa…Tandaan, maliligtas ni Hesu-Kristo kahit ikaw. Mananampalataya sa kanyang pangalan, kayong nakumbinsing mga makasalanan, mananampalataya kay Kristo. (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Gusot ng Sulok kay Satanas” [“The Comer’s Conflict With Satan,”] The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, kabuuan II, pp. 374-376).

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).

Sinabi ng isa sa mga babaeng binanggit ko kanina sa kanyang testimonyo,

Sa wakas noong Linggong iyon nadama kong ako’y nasusuka, hindi pisikal, kundi nasusuka sa aking mga kasalanan. Nadama kong napaka nahihiya at nagkasala…nagpunta ko sa silid ng pagsisiyasat noong Linggong iyon at ako’y nahiyang lubos pati na ipakita ang aking mukha kay Dr. Cagan…naramdaman kong lubos na nasusuklam sa aking sarili…Tapos tinanong ako ni Dr. Cagan, “Magpupunta ka ba kay Kriso?” …Itinapon ko ang aking sarili kay Hesus sa araw na iyon. Lubos kong isinuko ang aking sarili sa Kanya…Noong araw na iyon iniligtas ako ni Hesus. Tinanggap Niya ako gaano ko man Siya tinanggihan noon. Yinakap ako ni Hesu-Kristong lubos. Noong araw na iyon hinugasan ni Hesus ang aking mga kasalanan.

Naway maranasan mo rin ang tunay na pagbabagong loob kay Kristo Hesus! Ililigtas ka Niya mula sa lahat ng Satanikong panlilinlang at ililigtas ang iyong kaluluwa. Naway ipagkaloob sa iyo ng Diyos ang pananampalataya upang makapitan si Hesus at maligtas!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 9:37-43.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos Si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa “Then Jesus Came”
(mga salita mula kay Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
musika mula kay Homer Rodeheaver, 1880-1955).


ANG BALANGKAS NG

DEMONIKONG GUSOT AT PAGBABAGONG LOOB

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama” (Lucas 9:42).

(Mateo 17:14-21; Marcos 9:14-29;
Lucas 9:37-43; Mateo 10:8; 17:20)

I.   Una, kinkatawan ng batang lalake ang bawat di napagbagong
loob na tao, Lucas 9:42a; II Mga Taga Corinto 4:4;
I Ni Juan 5:19; Mga Gawa 26:18; Mga Taga Efeso 2:2;
Lucas 18:9; II Ni Timoteo 2:26.

II.  Pangalawa, ang pagpunta ng batang lalake kay Hesus ay isang
larawan ng nakaliligtas na pananampalataya, Lucas 9:42b;
Juan 16:8, 9.