Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MAKIPAGBAKA KA NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA
NG PANANAMPALATAYA

FIGHT THE GOOD FIGHT OF FAITH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-9 ng Mayo taon 2013

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).


Aking binabasa ang isang kawili-wiling artikulo na sumalakay sa makabagong Narepormang teyolohiya. Sinabi ng may-akda na ang mga tao ay hindi natural na Nareporma, kundi dapat “maturuan nito.” Sa tinggin ko siya ay tamang-tama, ngunit nito pinagpagbulaan ang pagtuturo ng mga Tagareporma. Sa katunayan ay pinalalakas nito ang kanilang posisiyon. Mayroong maraming mga bagay na hindi natin naiintindihan kapag tayo ay unang naligtas. Maraming mga bagay na dapat tayo ay “maturuan,” tulad ng importansya ng lokal na simbahan at umiiral na panalangin. Walang nakaiintindi ng lahat ng mga doktrina ng Bibliya sa araw ng kanilang pagbabagong loob. Ang may-akda ay nagpatuloy na nagsabi na “ilan” sa mga Narepormang mga kalalakihan “ay na-uudyok ng katamaran.” Muli, sa tinggin ko siya ay tamang-tama. Nakakita na ako ng ilang mga Narepormang mga kalalakihan na pumatay sa kanilang mga simbahan sa pamamagitan ng pagtatangginging itaguyod ang bawat miyebrong ebanghelismo. Muli, sinabi ng may-akda na yoong mga naniwala sa mga Tagareporma ay tumatangging “linisin ang Kristiyanong buhay.” Ito’y tiyak na tama sa mga maraming makabago na yinayakap ang teyolohiyang Repormasyon. Ngunit tamang sinasabi ng may-akda na pagka-maluwag at kawalang pagpapahalaga sa ebanghelismo ay hindi totoo sa mga Narepormang mga kalalakihan “sa mga naunang mga henerasyon.” Pagkatapos basahin ang sinabi ng may-akda, naisip ko na ang lahat ng mga argument niya ay masasagawa sa makabagong mga Arminiyan rin! Hindi ba tayo nakakikilala ang ilang makabagong Arminiyan na tamad sa paksa ng ebanghelismo? Hindi tayo nakakikilala ng ilang makabagong Arminyan na “tumatangging linisin ang Kristiyanong buhay”? Halimbawa, pag-isipan ang nangyari sa Hammond. Paki intindihan na hindi ko ineendorso ang makabagong Kalvinismo. Hindi sa anomang paraan! Ngunit tumatayo ako kasama ng mga lumang-panahong tulad nina John Knox, George Whitefield, William Carey, Adoniram Judson, Dr. David Livingstone, at C. H. Spurgeon.

Si C. H. Spurgeon ay isang narepormang tao na malakas na idinidiin ang pagkabanal at ebanghelismo. At tiyak na hindi na udyok ng pagkatamad, o na kanyang itinaguyod ang pagkatamad at pagkaluwag sa kanyang simbahan. Tinawag ni Dr. John R. Rice ang Tabernakulo ni Spurgeon na “isang bitag ng kaluluwa.” Pakinggan ang kung anong nasabi ni Spurgeon tungkol sa ating teksto,

“Manangan ka sa walang hanggang buhay.” Obserbahan na ang utos na ito ay naunahan ng isa pa – “Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya.” Yaong mga nananangan sa walang hanggang buhay ay kailangan makibaka para rito. Ang paraan ng espiritwal na buhay ay hindi madali: kailangan nating [makibaka] bawat hakabang ng daan…ito’y [isang pakikibaka] laban sa mundo, laman, at diablo. Kung tayo’y mabubuhay sa Diyos kakailanganin natin makibaka ng pang-araw-araw na pakikibaka, at yapakin ang mga kapangyarihan ng kamatayan at impiyerno (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Walang Hanggang Buhay Sa Loob ng Panghahawak ng Kasalukuyan” [“Eternal Life Within Present Grasp”], Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Bilang 1,946; Ika- 6 ng Pebrero, 1887).

Ang sinabi ni Spurgeon ay nagdidiin ng aral sa ating teksto,

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

Aking isasabuhay ang bersong ito sa dalawang paraan – una sa mga ligtas, at tapos doon sa mga nawawala.

I. Una, ang teksto ay nagsasalita sa mga ligtas.

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12)

Ang salitang “makipagbaka” ay isinalin mula sa Griyegong salitang “agonizomai.” Ang taing Ingles na salitang “agonize” ay nanggagaling mula rito. Ang Kristiyanong buhay ay isang pakikibaka mula sa simula hanggang sa katapusan. Ang kasalukuyang mahalangang panahunan ng Griyegong salita ay nagpapakita na ito’y isang patuloy na pakikibaka, isang di natatapos na digmaan sa buhay na ito. Ito’y hindi lamang kahit anong pakikibaka. Ito’y tinatawag na “ang mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya.” Sinasabi ni Apostol Pablo sa batang si Timoteo (at sa atin) ang dakilang katotohanang ito. Ito’y isang katotohanan na maraming mga Kristiyano ay di naiintindihan. Sa II Ni Timoteo 2:3 sinabi ng Apostol,

“Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3).

Ito’y hindi simpleng pakikipag-usap sa mga pastor, kahit na sinasama nito ang mga mapagpananampalatayang mga pastor. Sinabi ni Pablo,

“Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal” (II Ni Timoteo 2:4).

“Sinomang kawal” – ay kasama ang lahat ng mga tunay na Kristiyano. Bawat tunay na Kristiyano ay kailangang “makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya” habang siya’y nabubuhay sa malupit, na bumagsak na mundong ito. Gaya ng sinabi ni Spurgeon, “Kailangan nating [makipagbaka] bawat hakbang ng daan…kailangan nating makipagbaka sa isang pang-araw-araw ng pakikibaka.”

Ang aking dating pastor na si Dr. Timothy Lin ay nagdiin ng katunayan na ang Kristiyanong buhay ay isang pakikibaka. Ito’y isang patuloy na pagkikibaka sa mundo, laman at ang Diablo. Hangad ko na bawat pastor ay gawin ito malinaw sa mga bagong nagpagbagong loob na sila’y pumapasok sa isang buhay ng sagupaan. Paulit-ulit sinabi ni Kristo sa pitong mga simbahan sa Apocalipsis, kapitulo dalawa at tatlo, na silang maging mga mapagsupil (Apocalipsis 2:7; 2:11; 2:17; 2:26-29; 3:5-6; 3:12-13; 3:21-22). Halimbawa, sinasabi ng Apocalipsis 2:10-11,

“Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 2:10-11).

Ang mga bersong ito ay kinuhang napakaliteral at napaka seryoso ng mga naunang mga Kristiyano na sila’y literal na “matapat hanggang sa kamatayan” ng mga mababangis na mga hayop sa paganong arena ng mga Taga Roma. Sa mga makabagong panahon, sa Tsina at sa mga Muslim na lupain, ang mga Kristiyano ay kasing seryoso patungkol sa pagsusupil gaya noong mga naunang mga Kristiyano tulad ni Perpetua (181-203). Siya ay pinunit-punit ng pira-piraso ng mababangis na mga hayop dahil sa kaniyang pananampalataya. Gg. Griffith paki kanta ang dakilang kanta ni Reginald Heber, “Ang Anak ng Diyos ay Sumulong sa Digmaan.”

Ang martir muna, na kanyang agilang mata
   Ay makatutusok lampas sa libingan,
Na nakakita sa kanyang Panginoon sa langit,
   At tumawag sa Kanya upang magligtas:
Tulad Niya, na may patawad sa kanyang dila
   Sa gitna ng mortal ng sakit,
Nanalangin siya para sa kanila na gumawa ng mali:
   Sinong sumusunod sa kanyang tren?

Isang maluwalhating banda, ang napiling kaunti
   Kung sino ay pinuntahan ng Espiritu,
Labin dalawang magiting na mga santo, ang kanilang pag-asa alam nila,
   At kinutya ang krus at apoy:
Sinalubong nila ang mga iwinasiwas ng bakal ng maniniil,
   Ang madugong balahibo ng leyon,
Yinuko nila ang kanilang mga leeg ang kamatayan upang maramdaman:
   Sinong sumusunod sa kanilang tren?

Ang marangal na hukbo, mga kalalakihan at mga batang lalake,
   Ang ginang at ang dalaga,
Sa paligid ng trono ng Tagpagligtas magpuri,
   Sa mga damit ng ilaw ay nag-ayos:
Umakyat sila sa matarik na pataas ng langit
   Sa pamamagitan ng kapanganiban, mabigat na trabaho at sakit;
O Diyos, sa atin naway biyaya ay maibigay
   Upang masundan ang kanilang tren,
(“Ang Anak ng Diyos ay Sumulong sa Dignaan.” Isinalin mula sa
      “The Son of God Goes Forth to War” ni Reginald Heber, 1783-1826).

Sinabi ni Frederick W. Faber,

Pananampalatay ng ating mga ama! nabubuhay pa rin
   Sa kabila ng piitan, apoy at espadal;
O gaano ang ating mga puso ay titibok ng mataas kasama ng ligaya
   Kapag aming naririnig ang maluwalhating salita!
Pananampalataya ng ating mga ama, banal na pananampalataya!
   Kami’y magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!

Ang ating mga ama nakakadena sa madilim na mga bilangguan,
   Ay nasa puso pa din at konsensya ay malaya:
Napaka tamis ang kapalaran ng kanilang mga anak,
   Kung katulad nila, ay maaring mamatay para sa iyo!
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
   Kami’y magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
(“Pananampalataya ng Aming mga Ama.” Isinalin mula sa
      “Faith of Our Fathers” ni Frederick W. Faber, 1814-1863).

At tapos mayroon ang nakapakikilos ng kaluluwang kanta ni Henry F. Lyte, na inibig ni Dr. John R. Rice sa lahat ng ibang mga himno,

Hesus, aking krus aking kinuha, lahat iiwan at susundan Ka;
   Salat, kinamuhian, tinalikdan, Sa iyo mula ang lahat ng magiging akin:s
Mamatay ang bawat magiliw na ambisyon,
   Lahat na aking hinangad at inasa at nalaman.
Gayon man napak yaman ng aking kondisyon, ang
   Diyos at ang Langit ay akin pa rin!

Hayaan na kamuhian ako at iwan ng mundo,
   Iniwan nila ang aking Tagapagligtas rin;
Makataong mga puso at mga paningin ay nanlilinlang sa akin;
   Ikaw ay hindi, tulad ng taong di totoo;
At habang Ika’y ngumiti sa akin,
   Diyos ng karunugan, pag-ibig at kapangyarihan,
Maari akong kagalitan ng mga kaaway, layuan ng mga kaibigan;
   Ipakita ang Iyong mukha, at ang lahat ay maliwanag.
(“Hesus, Aking Krus Aking Kinuha.” Isinalin mula sa
      “Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).

Iyan ang ibig sabihin ni Apostol Pablo noong sinabi niyang,

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

Naway ang bawat Kristiyano rito ngayong umaga ay manatili sa pakikipagbakang iyan hanggang sa katapusan ng buhay! Panalanging namin na hindi ka maging tulad ng “dawagan” mga taong, “samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan” (Lucas 8:14). Panalangin naming na hindi mo hahayaan na pagpapakasal, o mga anak, o karir, o pera, o mga kasiyahan ng buhay na ito ay pipigil sa iyo mula sa pagsunod sa ating teksto,

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikpagbaka” kapag ika’y walang asawa. Magpatuloy makipagbaka kapag ika’y may asawa na. Magpatuloy makipagbaka kapag dumating ang mga anak. At huwag huminto sa pakikipagbaka ng mabuting pagkikibaka kapag ika’y matanda at puti na! Ang kasalukuyang, mahalagang kapanahunan ng Griyeong salita para “pakipagbaka” ay nagpapakita na ito’y di kailan mang natatapos na digmaan sa mundong ito! Sinabi ni John S. B. Monsell,

Makipagbagka ng mabuting pakikipagbaka na lahat ng iyong lakas:
   Si Kristo ang iyong lakas, at si Kristo ang iyong karapatan;
Kumapit sa buhay, at ito’y magiging
   Iyong korona walang magpasa walang hanggan.
(“Makipagbaka ng Mabuting Pakikipagbaka ng LAhat ng Iyong Lakas.”
   Isinalin mula sa “Fight the Good Fight With All Thy Might”
   ni John S.B. Monsell, 1811-1875).

Sa kanyang akla, Anong Halaga upang Maging isang Mabuting Kristiyano [What it Costs to Be a Good Christian], sinabi ni Dr. John R. Rice,

Ang mga talaan ng simbahan ngayon ay puno ng higit na mga taong nagpupunta lamang sa mga paglilingkod paminsan, na wala nang kahit anon g pawis at kayod ng pangunguhang maligtas ang mga tao…Tandaan na sinabi ng Tagapaglitas sa Lucas 10:2, “Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.” Hinihingi ng Diyos ang iyong mabigat na paggawa at iyong oras. Ang iyong pinaka mahusay na pag-iisip, ang iyong pinaka masikap na pagkayod, at mga oras ay masyadong kaunti upang ibigay sa Panginoong Hesus na bumili sa iyo at nagbayad para sa iyon gamit ng sarili Niyang dugo (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Anong Halaga upang Maging isang Mabuting Kristiyano [What It Costs to Be a Good Christian], Sword of the Lord, 1952, pp. 23, 24).

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

Makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya! Gawin ito! Gawin ito! Gawin ito! Amen!

II. Pangalawa, ang teksto ay nagsasalita sa mga nawawala.

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

Gaya ng sinabi ko, ang Kristiyanong buhay ay isang pakikipagbaka mula sa simula hanggang sa katapusan. Kung inaasahan mo ang walang hanggang buhay, dapat mong kapitan ito ngayon na! Tandaan ang sinabi ng dakilang si Spurgeon, “Yaong mga kumapita sa walang hanggang buhay ay kailangang makipagbaka para rito” (Isinalin mul asa ibid.).

Dahil ika’y sinabihan na kapitan ito, ipinapakita nito na ang “walang hanggang buhay” ay nasa labas mo. Ang Griyegong salita na isinaling “walang hanggang buhay” ay “zoe ainoia.” Tumutukoy ito sa buhay ni Kristo, hindi sa haba ng iyong sariling buhay. Si Whitefield ay nagising sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang aklat na pinamagatang, Ang Buhay ng Diyos sa Loob ng Kaluluwa ng Tao [The Life of God Within the Soul of Man[. Iyan ay “zoe aionia” – ang walang hanggang buhay ni Kristo. Sinabi ni Spurgeon, “Kung mayroong maihahawa sa iyo ang buhay na banal, ito’y walang hanggan, isang nabubuhay at hindi masisirang binhi na mamamalagi magpakilan man. Ito ang buhay ni Kristo sa iyo…Na wala ang nagpapasiglang Espiritu ika’y mananatili sa kamatayan ng espiritu magpakailan man” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid.).

Sinasabi ng Bibliya, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may [pangkasalukuyang kapanahunan] buhay na walang hanggan” (Juan 3:36). Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus ang Kanyang walang hanggang buhay ay aagos sa iyo. Zoe ainoia “hinahawa” sa iyong patay na espiritu at ika’y naipapanganak muli! Pansinin na ginagamit ni Spurgeon ang “hinahawaan” sa ibang paraan mula sa paggamit nito ng mga Romanong Katoliko. Tumutukoy ang mga ito sa “pagpapatunay” mahahawaan paunti-unti, sa pamamagitan ng mga gawain ng “penitensya.” Si Spurgeon ay hindi tumutukoy sa pagpapatunay, kundi sa walang hanggang buhay – alin ay naihahawa sa patay na espiritu ng isang nawawalang tao, nagbibigay sa kanila ng bagong pagkapanganak. Sinabi ni Spurgeon, “Ang paghahawa ng bagong buhay ay ang bagong pagkapanganak…tayo ay napasisigla at naibangon mula sa kamatayan. Minamahal na mga tagapakinig, alam mo ba ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng personal na karanasan?” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid.).

Kapag ang walang hanggang buhay ay nabubuhay sa loob mo ito’y lumilikha ng bagong mga mata na nakakakita ng sa Kanya na hindi maaring makita. Lumilikha ang walang hanggang buhay sa iyo ng bagong mga tainga at panapayagan kang marinig ang payapang maliit na tinig ng Diyos. Ang bagong buhay na ito ay nagdadala sa iyo sa isang bagong mundo. Walang pagbabago ang makukumpara doon sa nangyayari doon sa mga ginagawang buhay sa pamamagitan ng paghahawa ng walang hanggang buhay ni Kristo sa kanilang mga kaluluwa! Kapag iyong natanggap itong “zoe aionia,” ang walang hanggang buhay, sa iyong nawawalang kaluluwa, hindi ka na magigin kaaway ng Diyos, kundi Kanyang kaibigan! Hindi ka na magiging isang anak ng poot, kundi isang anak ng Diyos. Tapos ika’y magagalak sa Diyos. Ang kagalakang ito ay magdadala sa iyo ng mas malapit sa Kanya sa komunyon at pakikisaman. Kapag iyong tanggapin ang walang hanggang buhay ni Kristo sa iyo, iibigin mong maging nasa simbahan. Iibigin mong kantahin ang mga himno. Hindi ko na kailangang sabihin sa iyong, “Kantahin ito.” Hindi! Hindi! Maaring sabihin ko sa iyong huwag kumanta ng masyadong malakas!

Sinabi ng Apostol, “Mananangan ka sa buhay na walang hanggan.” Gugustuhin kong ipreserba ang buhay ni Kristo sa iyo sa kahit anong halaga! Ito’y magiging mas mahalaga sa iyo kaysa lahat ng pilak at lahat ng ginto!

Ngayon, sinasabi ko sa iyo na nawawal pa rin, humawak sa walang hanggang buhay. “Manangan sa walang hanggang buhay.” Hawakan ito at kumapit rito gaya ng isang nalulunod na taong kumakapit sa isang bolerong pangligtas, at hindi ito paalayain! Ang taong makahahawak ng walang hanggang buhay kay Kristo ay magsasabi kasama ng Shulamite babae,

“Masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa”
      (Kanta ni Solomon 3:4).

Kakailanganin mong makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya upang mahawakan ang walang hanggang buhay ni Kristo! Oo, ito’y isang pakikipaglaban. Sa makataong pananalita, iyan ang dahilan na napakakaunti ang naliligtas. Hindi sila pumapayag na makipagbaka ng mabuting pakikibaka upang mahawakan si Kristo! Tandaan ang salitang “pakibaka” ito mula sa isang anyo ng “agonizomai” sa Griyego, upang maghirap, at makipagbaka, at pag-isipang mabuti sa pagtatagumpay. Pansinin ang parehong salitang, agonizomai, ay ginamit ni Kristo, noong sinabi Niya, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” (Lucas 13:24). Dapat kang makipagbaka upang mahanap si Kristo, dapat kang maghirap upang mahanap si Kristo, dapat kang maglagay ng bawat pagpupunyagi rito. Nakikita ko ang isang binata riyan! Nakita ko siyang lumuha at dumaing para kay Kristo. Nakita ko siyang nagbuhos ng mga tunay na mga luha dahil naramdaman niyang nawawala siya. Ngayon, kung tatanungin mo siya, kanyang nagagalak na sasabihin sa mga salitang ito,

“Masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa”
      (Kanata ni Solomon 3:4).

Handa ka na bang maging seryoso patungkol sa iyong kaligtasan? Handa ka na bang lumuha ng tunay na mga luha, ar maghirap ng lubos, at magsikap na makapasok? Handa ka bang sumuko kay Kristo?

Kung gusto mong makipag-usap sa amin patungkol sa mga bagay na ito iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoryum ngayon na. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano magpunta na. Dadalhin ka ni Dr. Cagan isang tahimik na lugar kung saan makakausap ka namin. Dr. Chan, halika at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: I Ni Timoteo 6:8-16.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Makipagbaka ng Mabuting Pakipagbaka Nang Lahat ng Iyong Lakas.”
Isinalin mula sa “Fight the Good Fight With All Thy Might”
(ni John S. B. Monsell, 1811-1875).


ANG BALANGKAS NG

MAKIPAGBAKA KA NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA
NG PANANAMPALATAYA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan” (I Ni Timoteo 6:12).

I.   Una, ang teksto ay nagsasalita sa mga ligtas, II Ni Timoteo 2:3, 4; Apocalipsis 2:10-11; Lucas 8:14; 10:2.

II.  Pangalawa, ang teksto ay nagsasalita sa mga nawawala,
Juan 3:36; Juan 3:36; Kanta ni Solomon 3:4; Lucas 13:24.