Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA SAGOT NG BIBLIYA SA MGA TANONG BIBLE ANSWERS TO QUESTIONS ABOUT HEAVEN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:9-10). |
Ang mga bersong ito ay tiyak na nagsasama ng pagtutukoy sa Langit! Mukhang di kapanipaniwala para sa akin na ang ilang mga taga kumento ay itinatanggi iyan. Ang mata ng tao ay hindi pa nakikita ang Langit. Ang tenga ng tao ay hindi nakarinig ng kahit sinong magsalita tungkol sa Langit. Ang puso ng tao ay hindi ma-isip ang luwalhati ng Langit. Sinabi ni Dr. Henry M. Morris na ang berso ay nagsasalita patungkol sa Langit,
Ang mga luwalhati ng “bagong mga langit at bagong lupa” (Isaias 66:22) ay lampas sa imahinasyon ng tao, dahil ang mga ito ay “inihahanda” para sa atin ni Kristo Mismo (Juan 14:2, 3). [Ngunit] ang ilan sa mga itong mga makalangit na mga luwalhati ay sa katunayan inilantad sa atin sa pamamagitan ni Apostol Juan, Apocalipsis 21:22 (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pang-aral ng Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, p. 1256; sulat sa I Mga Taga Corinto 2:9, 10).
Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski na ang teksto
…ay madalas ginagamit na may pagtutukoy sa langit at walang pagtutukoy sa pagkapapala na naghihintay sa atin sa buhay na parating na ito. Ang paggamit na ito ay matuwid, talaga… (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph. D., Ang Una at Pangalawang Sulat sa Mga Taga Corinto [St. Paul’s First and Second Epistles to the Corinthians], House, 1963 edisiyon, p. 104; mga kumento sa I Mga Taga Corinto 2:9).
Walang makalupang mata ang nakakikita sa luwalhati ng Langit. Walang makalupang tenga ang kailan man nakarinig ng mga anghel na nagsisikanta doon. Ang mga bagay sa Langit, kabilang sa ibang mga espiritwal na mga katotohanan, ay malalaman laman sa pamamagitan ng espesyal na paglalantad ng Diyos. Kaya, sa berso 10, mababasa natin, “Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu…” (I Mga Taga Corinto 2:10). Inilalantad sa atin ang hindi natin kailan man matutuklasan sa iba pang paraan. At kapag paliliwanagan ng Diyos ang ating mga isipan, mapaniniwalaan natin kung ano ang inilantad sa mga Kasulatan tungkol sa mga espiritwal na mga bagay na iyon, kasama ang Langit. Ang Ginamit ng Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary] (Kingsway Publications, Ltd., 1997) ay nagbibigay ng may katuwirang kumentong ito,
Si Pablo rito ay nagsisipi mula sa Isaias 64:4. Ano ito na inihanda ng Diyos para sa doon na umibig sa Kanya – na naitago mula doon sa mga hindi umiibig sa Kanya? Ito’y kaligtasan, walang hanggang buhay, at luwalhati; ito ang inihanda ng Diyos para doon na umiibig sa Kanya. At ang inihanda ng Diyos para doon sa mga umiibig sa Kanya ay mas matindi at mas nakamamangha kay sa ating maisip (isinalin mula sa ibid., p. 631; sulat sa I Mga Taga Corinto 2:9).
“Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu...” (I Mga Taga Corinto 2:9-10).
Inilantad ng Banal na Espiritu sa mga bagay sa Bibliya ang tungkol sa Langit na hindi natin matututunan sa ibang paraan. Narito ay ilan sa mga bagay na iyon na inilantad sa atin sa Bibliya tungkol sa anong mangyayari sa mga Kristiyano sa hinaharap.
I. Una, anong mangyayari kapag ang Kristiyano ay mamatay?
Sinasabi ng Bibliya,
“Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 5:8).
Ipinapakita nito na sa sandali na ang isang Kristiyano ay mamatay ang kanyang espiritu ay naroon kasama ni Kristo. Ang Apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa “may nasang umalis at suma kay Cristo” (Mga Taga Filipo 1:23). Ang mga bersong ito ay nagpapakita na ang mga Kristiyano ay magpupunta upang makasama ni Kristo bilang mga espiritu. Hindi sila mapagtatapo sa kanilang mga katawan hanggang sa Pagdadagit. Gayon tayo ay kakilakilala, gaya ng mga espiritu ni Abraham at Lazaro (Lucas 16:22-25). Sinasabi ng Pangungumpisal ng Pananampalataya sa Westminister, “Ang mga katawan ng tao pagkatapos ng kamatayan ay bumabalik sa alikabok, at nakikita ang kuropsyon; ngunit ang kanilang mga kaluluwa (na di patay o tulog), nagkakaroon ng isang imortal na sangkap, ay agad-agad na bumabalik sa Diyos na nagbigay sa kanila. Ang mga kaluluwa ng katuwiran, ginagawang ganap sa kabanalanan, ay natanggap…sa ilaw at luwalhati, naghihintay para sa lubos na kaligtasan ng kanilang mga katawan” (32:1)
Ang mga kaluluwa ng mga patay ay mapupunta sa panggitnang kalagayan. Hindi sila napupunta sa “kaluluwang pagtulog” gaya ng maling itinuturo ng Ika-pitong Araw na Adventista. Inilalantad ng Lucas 16:22-26 na si “Hades” (O.T. “Sheol”) ay nahiwalay sa dalawang mga bahagi bago ng pagtataas ni Kristo. Ang mga ito ay ang mga tirahan ng mga ligtas at nawawala. Ang mayamang tao ay nasa bahagi ng Hades kilala bilang lugar ng “pagdurusa.” Si Lazaro ay nasa ibang bahagi ng Hades na tinawag ni Hesus na “paraiso.” Si Lazaro at ang mayamang tao ay parehong lubos na may malay, na kumokontra sa pagtuturo ng mga Ika-pitong Araw na Adventista.
Noong si Hesus ay pumaitaas pabalik sa Langit kinuha Niya ang “paraisao,” at lahat ng mga ligtas na mga kaluluwa pataas rito, pataas sa “ikatlong langit…sa paraiso” (II Mga Taga Corinto 12:2, 4). Inilalarawan ng Mga Taga Efeso 4:8 at 9 ang pagbabagong ito. “Dinala niyang [ni Kristo] bihag ang pagkabihag” – “umakyat siya sa itaas” pagkatapos ay “siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa.” Si Kristo ay hindi nagpunta sa lugar ng “pagdurusa” gaya ng maling itinuturo ni Frederick K. Price at ilan sa ibang mga Pentekostal. Si Kristo ay bumaba sa “paraiso” bahagi ng Hades at dinala ang lahat ng mga ligtas na kaluluwa doon kasama Niya noon umakyat Siya pabalik sa Diyos, pataas sa “ika’tlong langit.”
Ngayon ang mga nawawala ay agad-agad na napupunta sa luagar ng “pagdurusa” sa Hades kapag sila’y namamatay. Ngayon, ang mga ligtas ay agad-agad na nagpupunta upang makasama ni Kristo sa “ikatlong langit” (II Mga Taga Corinto 12:2; 5:6).
“Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 5:8).
Nagbibigay ang Pang-aaral na Bibliya ng Scofield ng isang mabuting paliwanag ng lahat nito sa sulat nito sa Lucas 16:23 (mga pahina 1098, 1099).
Minamaliit ni John MacArthur ang paglalarawan na ito ng “paraiso” sa Lumang Tipan, tinatawag itong, “isang espesyal na kwarto” o isang “panghahawakang tangke.” Gaya ng ginagawa niya sa ibang mga paksa, tulad ng Dugo ni Kristo, ginagamit ni Dr. MacArthur ang pagtatawag ng pangalan bilang isang paraan ng pagkokondena ng mga pananaw na kahit ang pinaka ama niya ay pinanghawakan kapag siya’y nangaral mula sa Pang-aaral na Bibliya ng Scofield. Sa kanyang mga sulat sa I Ni Pedro 3:18, 19 inaamin ni Dr. MacArthur na ang espiritu ni Kristo ay “nagpunta sa mga demonyong espiritu na nakagapos sa kailaliman at prinoklama na Siya’y nagtagumpay sa ibabaw nila.” Ngunit iyan lang ba lahat ang ginawa ni Kristo doon? Sinsabi rin ng Mga Taga Efeso 4:9 Siya’y bumaba doon sa Mga Taga Efeso 4:8 tayo ay sinabihan “dinala niyang bigah ang pagkabihag.” Sinasabi ni MacArthur na “siniraan niya ang pangalan” ng maling teyorya ng Bibliyang Scofield gamit ng Kasulatan, ngunit hindi. Ginamit niya lamang ang pagtatawag ng pangalan at pagsisipi mula kay Wilbur M. Smith kinuha mula sa konteksto at mali ang pagkagamit (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., Ang [Luwalhati ng Langit [The Glory of Heaven], Crossway Books, 1996, p. 70).
Sinira ni Wilbur Smith ang posisyon ng Pang-aaral na Bibliya ng Scofield sa kapitulo na isinipi ni MacArthur. Tinalakay lamang ni Dr. Smith ang mga huwad na mga doktrina ng purgatory at pagtulog ng kaluluwa sa kapitulong iyon. Ito’y mas kaunti sa tapat, sa pinaka kaunti ito’y hipokritikal, para kay Dr. MacArthur na gumamit ng sipi mula kay Wilbur Smith upang kontrahin ang position ng Scofield noong si Dr. Smith ay hindi tumutukoy sa posisyon ng Scofield sa anomang paraan, hindi kung saan man sa kapitulo na isinipi ni MacArthur (isinalin mula kay Wilbur M. Smith, D.D., Ang Biblikal na Doktrina ng Langit [The Biblical Doctrine of Heaven], Moody Press, 1977 edisiyon, pp. 155-170).
Tayo gayon ay hinahayaan ang posisiyon ng Scofield na tumayo bilang isang kredible at mapagkakatiwalaang paliwanag ng itinuturo ng Bilbiya patungkol sa anong nagyayari sa isang Kristiyano kapag siya’y namamatay. Ang panimulang pagtuturo ng Pang-aaral na Bibliya ng Scofield ay ibinigay rin ng maraming iba. Tignana si J. Dwight Pentecost, Th.D., Mga Bagay na Parating [Things to Come], Zondervan Publishing House, 1964 edisiyon, p. 558. Tignan si Henry M. Morris, Ph.D., Ang Bibliya ng Tagapagtanggol Pang-aaral na Bibliya [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995 edisiyon, sulat sa Mga Taga Efeso 4:8, 9. Tignan si Dr. W. A. Criswell (W. A. Criswell, Ph.D., Paige Patterson, Ph.D., Langit [Heaven], Tyndale House Publishers, 1991, p. 60). Tignan rin si Henry C. Thiessen, Ph.D., Pambungad na mga Pagtuturo sa Sistemationg Teyolohiya [Introductory Lectures in Systematic Theology], Eerdmans Publishing Company, 1963 edisiyon, pp. 488, 489). Sinabi ni Dr. Thiessen,
Ang B. T. [Bagong Tipan] ay nagpapahiwatig na mayroong dalawang kuwarto sa Hades: isa para sa masasama at isa para sa mabubuti. Ang isa para sa mga makatuwiran ay tinawag na paraiso. Ang isa para sa masasama ay hindi pinangalanan, kundi inilarawan bilang isang lugar ng pagdurusa…Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Kristo…ang mga mananampalataya ay inirepresenta na nagpupunta sa piling ni Kristo sa kamatayan…Sila’y nagpupunta pa rin sa paraiso, ngunit ang paraiso ngayon ay itaas na (2 Mga Taga Cor. 12:2-4)… noong si Kristo ay bumangon, dinala Niya kasama Niya…ang mga kaluluwa ng lahat ng mga makatuwiran sa Hades (Mga Taga Efeso 4:8; Mga Awit 68:18). Simula ngayon ang lahat ng mga mananampalataya ay nagpupunta sa piling ni Kristo sa pagkamatay, habang ang mga di nanampalataya ay nagpupunta sa Hades, gaya sa L.T. [Lumang Tipan] na panahon (isinalin mula kay Thiessen, ibid., p. 489).
Ito ang nangyayari sa kaluluwa ng isang Kristiyano kapag siya’y namamatay.
II. Pangalawa, kailan tatanggapin ng Kristiyano
ang kanyang muling nabuhay na katawan?
Ang Pagdadagit ay mas kilala kaysa sa napagitnang kalagayan, kaya ako’y gugugol ng mas kaunting oras rito. Pagkinggan ang I Mga Taga Tesalonica 4:15-17.
“Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:15-17).
Sinabi ni Dr. John F. Walvoord,
Ang pangunahing pasahe sa Pagdadaigt ay I Mga Taga Tesalonica 4:13-18. Inilalarawan ni Pablo ang eksena bilang ang pagdating ng Panginoon sa katawan mula sa langit sa himpapawid sa itaas ng lupa, at nagpapalabas ng pagtawag ng trumpeta na magiging senyales para sa mga Kristiyano na namatay upang muling mabuhay. Isang sandali maya-maya, ang mga Kristiyanong nabubuhay pa rin ay madadagit rin kasama noong mga muling nagbuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa sandaling nasalubong nila ang Panginoon sa himpapawid, nagpupunta sila sa langit sa pagkakatupad ng propesiya ng pagpupunta sa tahanan ng Ama (Juan 14:2-3). Mas higit pa ang inilalantad ng Mga Taga Corinto 15 tungkol sa Pagdadagit, sinasabi na ang mga makataong katawan ng parehong [Mga Kristiyano] na namatay at noong mga nabubuhay ay mababago agad-agad sa mga katawan na nararapat para sa langit, 15:51-52 (isinalin mula kay John F. Walvoord, Ph.D., Ang Pagdadagit, Pang-aaral na Bibliyang Propesisya [The Rapture, Prophecy Study Bible, AMG publishers, 2000, p. 1152).
III. Pangatlo, ang mga Kristiyano ba ay hahatulan?
Oo, ang mga Kristiyano ay hahatulan para sa kanilang mga gawain. Pakinggan ng II Mga Taga Corinto 5:10-11.
“Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi” (II Mga Taga Cointo 5:10-11).
Sinabi ni Dr. Erwin Lutzer,
Isasagawa ng ating Tagapagligtas yaong tama at makatuwiran, ngunit hindi kukurap sa ating di pagkamasunurin…Kung ating kukunin ang mga salita ni Pablo sa tunay na halaga nito, dapat nating harapin ang posibilidad ng seryosong pagkagalit ni Kristo at pagkawala ng mga gantimpala o pribilehyo…Yoong mga nanampalataya ay magkakaroon ng pribilehiyo ng paghahari kasama ni Kristo (Apocalipsis 3:21); yoong mga hindi pagagalitan at bibigyan ng mas kaunting responsibilidad [sa makalupaing Kaharian]…ang lahat ay matatamasa ang walang hanggang kalagayan at magdadagdag sa parangal at papuri ng ating Panginoon (isinalin mula kay Erwin Lutzer, D.D., Ang Paghahatol ng Luklukan ni Kristo [The Judgment Seat of Christ, Prophecy Study Bible], ibid., p. 1247).
IV. Pang-apat, anong gagawin ng mga Kristiyano
sa loob ng panahon ng Kaharian?
Paki-lipat sa Apocalipsis 20:1-7.
“At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon. At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan” (Apocalipsis 20:1-7).
Itinuturo ng pasahe ang premilenyalismo. Ang mga sinaunang Kristiyano ay tama sa pagsasabi na ang Apocalipsis 20:1-7 ay literal. Si Kristo ay babalik sa lupang ito at itatayo ang Kanyang Kaharian sa Jerusalem, itatayo ang trono ni David. Ang mga tunay na mga Kristiyano ay susunod kay Kristo pababa mula sa ikatlong Langit upang itayo ng Kanyang Kaharian sa lupa ng 1,000 na mga taon. Ito’y ipinaliwanag sa Zakarias 14:4-9.
“At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan. At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya. At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong: Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag. At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari. At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa” (Zakarias 14:4-9).
Sinasabi ng Aklat ng Apocalipsis,
“…[Iyong] ginawang [kaming] kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at [kami’y] nangaghahari sa ibabaw ng lupa” (Apocalipsis 5:10).
V. Panlima, anong mangyayari pagkatapos ng 1,000
na taong Kaharian ni Kristo sa lupa?
Sa katapusan ng makalupain Kaharian ni Kristo, ang mundo at ang daigdig ay matutupok sa apoy. Makinig sa II Ni Pedro 3:10-13.
“Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init? Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran” (II Ni Pedro 3:10-13).
Sa panahong iyon ang Diyos ay lilikha ng bagong Langit at bagong lupa. Lumipat sa Apocalipsis 21:1.
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na” (Apocalipsis 21:1).
Tapos ang Banal na Lungsod, ang Bagong Jerusalem, ay bababa. Ito’y magiging kapital ng walang hanggang Kaharian ni Kristo. Lumipat sa Apocalipsis 21:16 para sa laki ng Bagong Jerusalem.
“At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat” (Apocalipsis 21:16).
Ang Bagong Jerusalem ay labin limang daang milya ang haba, labin limang daang milya ang lawak at labin limang milya ang taas. Gayon ang lungsod ay magiging kapantay sa sukat mula sa silagang baybaying dagat ng Estados Unidos hanggang sa Ilog ng Mississippi sa isang tabi mula sa hangganan ng Golpo ng Mexico sa kabila. Dagdag pa sa haba at lalim, ang lungsod ay labin limang daan milya ang taas. Ito’y magkakaroon ng daan daang mga patag pataas sa itaas. Hinuhulaan ni Dr. Paul Lee Tan na ang Bagong Jerusalem ay “hahawak ng sumusuray na 72 na bilyong naninirahan” (isinalin mula sa Propesiya ng Pang-aaral na Bibliya [Prophecy Study Bible], ibid., p. 751). Gg. Griffith paki kanta ang pangatlong taludtod ng “Mukhang Perlas na Puting Lungsod.”
Walang mga sakit ng puso ay kilala sa lungsod na iyon,
Walang mga luha ang kailan man ay nagbabasa sa mga mata,
Walang pagkabigo sa langit,
Walang pagka-inggit at pakikipaglaban sa langit;
Ang mga santo ay lahat napabanal at ganap,
Nabuhay sila sa matamis na pagkakasundo roon;
Ang puso ko ngayon ay naka saayos sa lungsod na iyon,
At balang araw ay makababagi ko ang mga pagpapala nito.
Sa makinang na lungsod na iyon, mukhang perlas na puting lungsod,
Mayroon akong mansion, isang balabal at korona,
Ngayon ako’y nanonood, nag-hihintay, at naghahangad,
Para sa puting lungsod na nakita ni Juan na bumababa.
(“Ang Mukhang Perlas na Lungsod.” Isinalin mula sa
“The Pearly White City” ni Arthur F. Ingler, 1902).
Sinasabi rin ni Dr. Tan, “Ang Hebreo 12:22-24 ay naglilista ng mga maninirahan ng lungsod” (Isinalin mula sa ibid.). Sinabi niya, “Ang Bagong Jerusalem [ay magsasama] ng mga anghel, ang Simbahan, ang Diyos ang Hukom, ang Lumang Tipang mga Santo, at si Hesus ang Tagapamagitan” (Isinalin mula sa ibid.). Nakapagtataka, iniiwan ni Dr. Tan ang huling bagay na binanggit sa listahan. Lumipat sa Mga Taga Hebreo 12:22-24. Ano ang huling bagay sa listahan? Ang “dugong pangwisik.” Hindi ko alam kung bakit iniwani ni Dr. Tan ang “dugo ng pangwisik.” Sinasabi ni Dr. MacArthur na ang pasahe sa Hebreo 12 ay isang “kabigha-bighaning” pasahe “tungkol sa langit.” Tapos isinipi niya ang Mga Taga Hebreo 12:22-23. Ngunit iniiwan niya ang buong berso 24! (isinalin, tignan si John F. MacArthur, Ang Luwalhati ng Langit [The Glory of Heaven], Crossway Books, 1996, p. 104). Hindi ko maintindihan kung bakit iiwan ng tao si “Hesus ang tagapamagitan” at ang “dugo ng pangwisik.” Para sa akin si Hesus at ang Kanyang Dugo ay isa sa pinaka mahalagang bagay sa Langit!
Anong pag-asa ang mayroon tayo kung wala si Hesus? Anong pag-asa ang mayroon tayo kung wala ang Kanyang mahal na Dugo? Masasabi ko lamang na ang walang Kristo at walang Dugong ebanghelyo ay hindi ang tunay na Ebanghelyo! Sinabi ng Dakilang si Spurgeon,
Mayroong ilang mga mangangaral na hindi nagpapangaral tungkol sa dugo ni Hesu-Kristo, at mayroong akong isang bagay na masasabi sa iyo tungkol sa sa kanila – huwag kailan man magpunta upang pakinggan sila! Huwag kailan man makinig sa kanila! Ang paglilingkod na walang dugo ay walang buhay, at isang patay na paglilingkod ay walang ikabubuti sa kahit sino (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Kalayaan sa Pamamagitan ng Dugo ni Kristo” [“Freedom Through Christ’s Blood”], Ika-2 ng Agosto 1874).
Hanga’t ako’y mayroong hiningang natitira, ipangangaral ko ang lumang Ebanghelyo ng napako at bumangong Kristo, at paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Sa “makalangit na Jerusalem” tayo ay magpupuring makita si “Hesus ang taga pamagitan ng bagong tipan” at “ang dugong pangwisik.” At para sa buong walang hanggan atin siyang “umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5).
Ngayon tinatanong kita ngayong umaga, handa ka na ba para sa Langit? Ang iyong mga kasalanan ay dapat malinis sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus, o hindi ka kailan man makapapasok doon. Dapat kang magtiwala kay Hesus, “ang Kordero ng Diyo, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Magpunta kay Hesus sa pananamapalataya. Tumalikod mula sa kasalanan at magtiwala kay Hesus, ang Kordero ng Diyos. Lilinisan ka Niya mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 6 sa iyong papel ng mga kanta, “Ikaw ba’y Nahugasan sa Dugo?” [“Are You Washed in the Blood?”]
Ikaw ba’y nagpunta na kay Hesus para sa paghuhugas sa kapangyarihan?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ikaw ba’y punong nagtitiwala sa Kanyang biyaya sa oras na ito?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo, sa naghuhugas ng kaluluwang dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba’y walang bahid?
Ang mga ito ba’y puti tulad ng niyebe?
Nahugasan ka nab a sa dugo ng Kordero?
Kapag ang Kasintahang lalake ay darating ang iyong mga damit ba ay puti?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ang iyong kaluluwa ba’y maging handa para sa mansyong maliwanag?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo, sa naghuhugas ng kaluluwang dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba’y walang bahid?
Ang mga ito ba’y puti tulad ng niyebe?
Nahugasan ka nab a sa dugo ng Kordero?
Ilatag sa tabi ang mga damit na namantsahan ng kasalanan,
At mahugasan sa dugo ng Kordero.
Mayroong bukal na umaagos para sa kaluluwang madungis,
O mahugasang malinis sa dugo ng Kordero!
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo, sa naghuhugas ng kaluluwang dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba’y walang bahid?
Ang mga ito ba’y puti tulad ng niyebe?
Nahugasan ka nab a sa dugo ng Kordero?
(“Ikaw Ba’y Nahugasan sa Dugo.” Isinalin mula sa
“Are You Washed in the Blood?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
Dr. Chan, magparito ka at manalangin para doon sa mga kailangang maligtas.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme:Mga Taga Hebreo 12:22-24.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Mukhang Perlas na Puting Lungsod.” Isinalin mula sa
“The Pearly White City” (ni Arthur F. Ingler, 1902).
ANG BALANGKAS NG MGA SAGOT NG BIBLIYA SA MGA TANONG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:9-10). (Isaias 66:22; Juan 14:2, 3; Apocalipsis 21:22; Isaias 64:4) I. Una, anong mangyayari kapag ang Kristiyano ay mamatay? II. Pangalawa, kailan tatanggapin ng Kristiyano ang kanyang muling III. Pangatlo, ang mga Kristiyano ba ay hahatulan? IV. Pang-apat, anong gagawin ng mga Kristiyano sa loob ng panahon V. Panlima, anong mangyayari pagkatapos ng 1,000 na taong |