Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PINANGGAGALINGAN NG LUWALHATI NI KRISTO

(PANGARAL BILANG 14 SA ISAIAS 53)

THE SOURCE OF CHRIST’S GLORY
(SERMON NUMBER 14 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Abril taon 2013

“Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang” (Isaias 53:12).


Si John Trapp ay isang Puritanong mangangaral na nabuhay noong ika-17 siglo (1601-1669). Nasabi na siya ang “pinaka masipag at mahusay na mangangaral. Ang [kanyang] katanyagan ay nakasalalay sa kanyang Kumentaryo [Commentary] sa Buong Bibliya, na [nagbibigay sa atin ng halimbawa] ng Puritanong Bibliyang pag-aaral sa pinaka mahusay nitong anyo; ito’y nilalarawan ng kakaibang katatawanan at malalim na kaalaman” (isinalin mula kay Elgin S. Moyer, Ph.D., Sino Sila sa Kasaysayan ng Simbahan [Who Was Who in Church History], Keats Publishing, 1974, p. 410). Ang kumentaryo ni Trapp ay mataas na inirerekomenda ni Spurgeon. Patungkol sa limampu’t tatlong kapitulo ng Isaias, sinabi ni John Trapp,

Rito ang bawat salita ay may bigat, at ito’y napaka tiyak na ang mga apostol at mga ebanghelista, sa paglalarawan ng mga misteryo ng ating kaligtasan, ay mayroong matinding respeto sa buong kapitulong ito ng Isaias…At nararapat na ang propeta, noong isinulat niya ang mga bagay na ito, ay nabigyan ng napak dakilang Espiritu, dahil ditto napaklinaw niyang inihayag ang Panginoong Hesu-Kristo sa kanyang dalawang bahaging kondisyon ng pagkahiya at ng pagpaparangal, samantalang ang ibang [mga manunulat] ng Lumang Tiapn ay humiram ng kaliwanagan mula sa Bagong [Tipan], ang kapitulong ito ay nagpahirap ng liwanag sa Bago sa maraming lugar (isinalin mula kay John Trapp, Isang Kumentaryo sa Luma at Bagong Tipan [A Commentary on the Old and New Testaments], Transki Publications, 1997, kabuuan III, pahina 410).

Sa katunayan, ang ating teksto ngayong umaga ay “nagpapahiram ng liwanag” at nagbibigay ng lalim sa ating pagkaintindi ng kung anong nabasa nating sa Bagong Tipan. Imbes na ang Bagong Tipan ang nagpapaliwanag sa Isaias 53, ito’y ang kabaligtaran. Ang Isaias 53 ay tumutulong ipaliwanag ang Bagong Tipan! alin ay lubos na di pangkariniwan.

Sinabi ni Dr. Jack Warren, patungkol sa ating teksto, “Ang huling bersong ito [ng Isaias 53] ay nagsasara sa kapitulo sa isang naka-aakit na tala: pinararangalan nito ang Tagapagligtas para sa pagbubuhos ng kaniyang kaluluwa at para sa pagiging nabilang kasama ng mga makasalanan” (isinalin mula kay Jack Warren, D.D., Pagliligtas sa Isaias 53 [Redemption in Isaiah 53], Baptist Evangel Publications, 2004, p. 31).

“Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang” (Isaias 53:12).

Ngayong umaga, tinatamasa ni Kristo ang gantimpala ng ibinigay sa Kanya ng Kanyang Ama – “Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila.” Wala sa Langit ang namumuhi o tumatanggi kay Kristo. Ang buong karamihan ng Langit ay sumasamba sa Kanya! Lahat ng luwalhati ay nagpapakita sa paligid Niya sa Kanyang trono, sa kanang kamay ng Ama. Anong ginawa ni Kristo upang marapat niya ang parangal at luwalhati? Bakit Siya may karapatan upang tanggapin ang “bahagi na kasama ng dakila, at…hahatiin ang samsam na kasama ng malakas”? Ang sagot ay na nagawa Niya ang apat na mga bagay.

I. Una, sapagka't Kaniyang idinulot ang Kaniyang kaluluwa sa kamatayan.

“Kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan …”
       (Isaias 53:12).

Ginawa iyan ni Kristong sadya. Ginawa Niya ito na may pag-iisip at pag-iingat, hindi ng biglaang emosyonal na udyok. Sadya Niyang ibinuhos ang Kaniyang kaluluwa, unti-unti, hanggang sa wakas naibuhos Niya ito lahat, at sumigaw,

“Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga” (Juan 19:30).

Tandaan na ginawa ito ni Kristong kusang-loob. Sinabi Niya,

“Ibinibigay ko ang aking buhay… Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay” (Juan 10:17).

Iyan ay isang mahalagang punto. Dapat nating maintindihan na si Hesus ay di namatay ng aksidente. Sadya Siyang nagpunta sa Kanyang kamatayan; sadya Niyang isinuko ag Kanyang buhay upang bayaran ang multa para sa ating mga kasalanan. “Kaniyang idinulot ang Kaniyang kaluluwa sa kamatayan” sa Krus, hindi dahil kinailangan Niya itong gawin, kundi para sa iyong kapakanan, at sa akin – para sa kaligtasan ng lahat noong mga naglalagay ng kanilang tiwala sa Kanya.

Magtiwala sa Kanya, tapos, at huwag tuminging sa pabalik. Ibuhos ang iyong kaluluwa, lubos na nagtitiwala sa Kanya, habang Kanya rin ibinuhos ang Kanyang kaluluwa sa kamatayan para sa iyo. Magpunta, at mamahinga kay Kristo, at tapos makikita mo kung bakit Siya kinoronahan ng dangal at luwalhati. Mayroon Siyang pinarangalang posisyon dahil Kanyang

“ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (INi Pedro 3:18).

Ang Kanyang kamatayan sa Krus, na nagdala sa Kanya ng higit na kahihiyan, ay ngayon nagdala sa Kanya ng ganoon nalang uri ng dangal at luwalhati na tumatanggap Siya ng “bahagi sa mga dakila,” at ihinihiwalay “samsam na kasama ng malakas.” Gayon, ibinibigay sa Kanya ng Diyos “ang mga bansa na [Kanyang] pinakamana” (Mga Awit 2:8). Gayon sinasabi ng Diyos, “ibibigay ko sa kanya upang sakupin, panlooban, at sirain ang masasamang espiritu…at ito’y kanyang matatanggap bilang gantimpala para sa kanyang nakadudusta [nakahihiyang] pagkamatay” (isinalin mula kay Trapp, ibid.).

“Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito” (Mga Taga Colosas 2:15).

“Ang mga Kapangyarihan ng Kamatayan.” Kantahin ito!

Ang mga kapangyarihan ng kamatayan ay
   Nagawa na ang pinaka malubha nila,
Ngunit ang mga hukbo ni Kristo ay nagsikalat:
   Hayaan ang mga sigaw ng banal
Na ligaya ay sumiklab. Aleluya!
   Aleluya! Aleluya! Aleluya!
(“Ang Paglalaban ay Tapos Na” [“The Strife is O’er”]
     isinalin ni Frances Pott, 1832-1909).

Siya’y nabigyan ng parangal at luwalhati dahil ibinuhos Niya ang Kanyang kaluluwa sa kamatayan upang iligtas ang mga makasalanan. Magpunta, at magtiwala sa Kanya! Magpunta, at magtiwala sa Kanyang lubos! Magpunta at magtiwala sa Kanya ngayon!

II. Pangalawa, Siya ay nabilang kasama ng mga makasalanan.

“Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang…” (Isaias 53:12).

Kinuha ni Kristo ang Kanyang lugar kasama ng mga makalsanan. Sa Kanyang buong makalupaing paglilingkod, Siya ay isinama kasama ng mga makasalanang tao. Iyan ang isa sa maraming mga reklamo ng mga Fariseo. Sa paglilibak tinawag Siyang,

“isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan” (Lucas 7:34).

At, sa Kanyang pagkamatay sa Krus, Siya ay ipinako sa krus sa pagitan ng dalawang kriminal.

“Ibinilang [Siya] na kasama ng mga mananalangsang”
      (Isaias 53:12).

Na Siya ay “nabilang” (Isinalin mula kay Strong) kasama nila. “Hindi dahil na Siya’y mananalangsang, kundi trinato bilang isa noong ipinako sa krus kasama ng mga magnanakaw” (Isinalin mula kay Jamieson, Fausset and Brown, kabuuan 2, p. 733). Sinasabi ng Ebanghelyo,

“At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan; isa sa kaniyang kanan, at isa sa kaniyang kaliwa. At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail” (Marcos 15:27-28).

Sinabi ni Dr. Young, “Ang mga ito ay hindi simpleng mga makasalanan, kundi mga aktwal na mga kriminal” (Isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ng Isaias [The Book of Isaiah], 1972, kabuuan 3, p. 359). Sila’y mga “mananalangsang.” Ang Griyegong salita ay “anomos,” ibig sabihin ay isang tao na garapal na lumalabag sa batas (Isinalin mula kay Vine). Kung gayon, si Kristo ay nabilang kasama ng mga pinaka malubhang uri ng mga makasalanna! Sinasabi ng magandang kanata ni Anna Waterman,

Dahil iniligtas Niya ang pinakamalubha sa inyo, Noong iniligtas
   Niya ang isang walang hiyang tao tulad ko.
At alam ko, oo alam ko, ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
(“Oo, Alam Ko!” [“Yes, I Know!”] ni Anna W. Waterman, 1920).

Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ni Lucas na isa sa dalawang mga makasalanan ay naniwala kay Hesus at naligtas (Lucas 23:39-43). Sinabi ni John R. Rice, “Isa sa mga magnanakaw ay naligtas upang ang pinakamasamang makasalanan ay di mawawalan ng pag-asa….” (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., Ang Hari ng mga Hudyo [The King of the Jews], Sword of the Lord, 1980 inilimbag muli, p. 475). Sinabi ni Dr. McGee,

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng [dalawang magnanakaw]? Walang pagkakaibang anoman – pareho silang magnanakaw. Ang pagkakaiba ay nakasalalay sa katunayan na ang isang magnanakaw na iyon ay naniwala kay Hesu-Kristo at ang isa ay hindi (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Iba’t Ibang Dako ng Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1983, kabuuan IV, p. 354).

“Ibinilang [Siya] na kasama ng mga mananalangsang.” Ipinapakita nito na kusang loob na inilagay ni Hesus ang Kanyang sarili sa lugar ng mas masahol pati na makasalanan. Ang mga makasalanan ay maaring maligtas dahil Siya ay nabilang kasama nila. Ngunit dapat kang magtiwala sa Kanya upang maligtas.

Si Kristo na ngayon ay pinarangalan dahil Siya’y humukot upang tumayo sa lugar ng mga makasalanan, at kunin ang kanilang mga kasalanan sa Kanyang sarili, ginagawa itong posible para sa kanilang maligtas. Kung gayon, Siya ay pinarangalan dahil Siya “ibinilang na kasama ng mga mananalangsang.” “Oo, Alam Ko!” Kantahin ang koro!

At alam ko, oo alam ko, ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
(“Oo, Alam Ko!” [“Yes, I Know!”] ni Anna W. Waterman, 1920).

III. Pangatlo, dinala Niya ang kasalanan ng marami.

Magsitayo tayo at basahin ang teksto ng malakas, nagtatapos sa mga salitang, “kasalanan ng marami.”

“Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami…” (Isaias 53:12).

Maari nang magsi-upo.

“Dinala niya ang kasalanan ng marami.” Gaya ng paglagay nito ni Apostol Pedro,

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24).

Ito ay kaligtasan sa pamamagitan ng pakikipagpalit. Kinukuha ni Kristo ang ating mga kasalanan “sa kaniyang katawan” sa Krus. Binabayaran Niya ang multa para sa iyon kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha nito sa Kanyang sarili at pamamatay sa iyong lugar. Na wala ang pagbabayan sa pamamagitan ng pakikipagpalit na kamatayan ni Hesus ay walang Ebanghelyo. Ang Kanyang bikaryong kamatayan para sa mga makasalanan ay ang pinaka puso at diwa ng Ebanghelyo. Sinabi ni Spurgeon,

Ngayon, ang tatlong mga bagay na ito – na kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan, at dinala ang multa ng makasalanan; na siya’y nabilang kasama ng mga mananalangsang, at kaya tumayo sa tabi ng mga makasalanan; at sunod, na kanyang aktwal na dinala ang kanilang mga kasalanan…na hindi dumungis sa kanya, kundi gumawa sa kanyang mapawala ang kasalanan na dumungis sa mga tao – ang tatlong mga bagay na ito ang mga dahilan [para sa] luwalhati ng ating Panginoong Hesus. Ang Diyos, para sa tatlong mga bagay na ito, at isa pa, ay gumagawa sa kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas, hahatian […] ng bahagi na kasama ng dakila (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, kabuuan XXXV, pahina 93).

“Oo, Alam Ko!” Kantahin ang koro!”

At alam ko, oo alam ko, ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.

IV. Pang-apat, namagitan Siya sa mga mananalangsang.

Ang teksto ay nagtatapos sa mga salitang,

“at namagitan sa mga mananalangsang” (Isaias 53:12).

Sa Krus, si Kristo ay nanalangin para sa mga makasalanan, gumagawa ng “[pamamagitan par] sa mga mananalangsang,” noong sumigaw Siyang,

“Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Kung gayon nanalangin Siya para sa mga makasalanan habang Siya’y nakabitin sa Krus.

Gayon, pati ngayon sa Langit, si Hesus ay nananalangin para sa mga makasalanan,

“Palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa [atin]” (Mga Taga Hebreo 7:25).

Gumawa Siya ng pamamagitan para sa mga makasalanan habang Siya’y namatay sa Krus. Patuloy Siyang nananalangin para sa mga makasalanan ngayon, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos ang Ama sa Langit.

Pansinin na ang apat na mga bagay na iyon na ginawa ni Hesus ay ang dahilan na Siya na ngayon ay ipinagbubunyi sa luwalhati, sa kanang kamay ng Ama. At na lahat ng apat na dahilan ng kasalukuyang luwalhati ni Kristo ay konektado sa anong ginawa Niya upang maligtas ang mga makasalanan!

“At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan: Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod … upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama” (Mga Taga Filipo 2:8-11).

Ngunit pansinin rin, na sa lahat ng nakaliligtas na kapangyarihan ni Hesus, hindi Niya ililigtas yoong mga hindi kailangang maligtas. Gaya ng paglagay nito ni Spurgeon,

Kung wala [kang] kasalanan hindi [ka] niya malilinis mula rito. Maari ka ba niyang iligtas?...ika’y napaka buti, karesperespetong tao, na hindi pa kailan man gumawa ng kahit anong mali sa lahat ng iyong mga buhay; ano si Hesus sa iyo? Siyempre, ika’y nagpapatuloy sa iyong sariling paraan, at inaalagaan ang inyong mga sarili…Nakalulungkot! ito’y kahangalan…Kung ika’y titingin sa loob, ang iyong puso ay marumi gaya ng isang pausukan na hindi kailan man nalinis. Ang [inyong] mga puso ay mga balon ng pagkukubli. O, na iyong makita ito, at isuko ang iyong huwad na katuwiran! [Ngunit] kung hindi mo ito gagawin, walang kahit anoman kay Hesus para sa iyo. Nakakamit niya ang kanyang luwalhati mula sa mga makasalanan, hindi mula sa mga mapaghalaga sa sariling mga tao tulad mo. Ngunit, kayong mga nagkakasala, na…magkukumpisal ng iyong pagkakasala, ay maaring nagagalak na matandaan na ang apat na mga bagay na iyon na ginawa ni Hesus, ginawa niya kaugnay ng mga makasalanan, at ito’y dahil ginawa niya ito kaugnay ng mga makasalanan na siya ngayon ay pinutungan ng luwalhati at parangal at kamahalan…[Kung gayon] gaano kaluwag sa aking sarili na ako’y [aapela sa iyo] na magtiwala sa Anak ng Diyos, ginawang laman, nagdurugo at namamatay para sa nagkakasalanang tao! Kung magtitiwala ka sa kanya, hindi ka niya lolokohin, kundi ika’y maliligtas, at maliligtas agad-agad at magpakailan man (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., pahina 95).

Amen! “Oo, Alam ko!” Kantahin ito ng isa pang beses!

At alam ko, oo alam ko, ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
(“Oo, Alam Ko!” [“Yes, I Know!”] ni Anna W. Waterman, 1920).

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, magpunta sa likuran ng awditoryum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid kung saan tayo’y makapag-uusap. Magpunta agad habang kinakanta muli ni Gg. Griffith ang koro.

At alam ko, oo alam ko, ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.
At alam ko, oo, alam ko ang dugo ni Hesus ay
   Magagawang malinis ang pinakamasamang makasalanan.

Gg. Lee, halika at manalanging para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 53:6-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG PINANGGAGALINGAN NG LUWALHATI NI KRISTO

(PANGARAL BILANG 14 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang” (Isaias 53:12).

I.   Una, sapagka't Kaniyang idinulot ang Kaniyang kaluluwa sa kamatayan, Isaias 53:12a; Juan 19:30, 10:17; I Ni Pedro 3:18; Mga Awit 2:8; Mga Taga Colosas 2:15.

II.  Pangalawa, Siya ay nabilang kasama ng mga makasalanan,
Isaias 53:12b; Lucas 7:34; Marcos 15:27-28; Lucas 23:39-43.

III. Pangatlo, dinala Niya ang kasalanan ng marami, Isaias 53:12c;
I Ni Pedro 2:24.

IV. Pang-apat, namagitan Siya sa mga mananalangsang, Isaias 53:12d;
Lucas 23:34; Mga Taga Hebreo 7:25; Mga Taga Filipo 2:8-11.