Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGKASAYA AT PAG-AARING GANAP – (PANGARAL BILANG 13 SA ISAIAS 53) SATISFACTION AND JUSTIFICATION – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11). |
Ang tekstong ito ay puno ng kahulugan na bawat salita rito ay nararapat ng ating atensyon. Kung gayon hindi ako lilihis ng malayo mula sa teksto, o magbigay ng maraming paglalarawan. Ito’y sapat sa isang sermon upang ilatag ang nakamamanghang mga katotohanan na nasa tekstong ito; upang gawin ang bawat salita na napaka simple na ang bawat bisita sa ating simbahan ngayong gabi ay makauuwi na nalalaman ang simple, kahit na malalim, na mga kahulugan ng mga salitang iyon,
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
Naway buksan ng Diyos ang iyong puso upang tanggapin ang katotohanan sa bersong ito. Dahil sinasabi namin sa iyo, kapag nangangaral sa tekstong ito, “Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay.”
Ang berso ay tumutukoy ng tatlong mga bagay. Una, naroon ang nakapasisiyang hustisiya ng Diyos. Pangalawa, naroon ang kaalaman ni Kristong nagpapatunay ng marami. Pangatlo, naroon ang pagdadala ng kasalanan ni Kristo, na nagdadala ng punong pagbabayad sa naniniwalang makasalanan.
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
I. Una, ang pagdurusa ni Kristo ay nagpapasiya sa hustisiya ng Diyos.
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan …” (Isaias 53:11).
Si Dr. Jürgen Moltmann (1926-) ay isang Aleman na naging bilanggo ng digmaan sa isang British na bilangguan ng tatlong taon pagkatapos ng Pangalawang Makamundong Digmaang. Sa panahong ito sa bilangguan sinimulan niyang aralin ang Bibliya. Mula sa karanasang iyon ng pagkabilanggo at pagbabasa ng Bibliya, isinulat niya ang Kasaysayan at ang Tatlong Pagkakaisa ng Diyos: Kontribusyon sa Trinitariyanong Teolohiya [History and the Triune God: Contributions to Trinitarian Theology] (Crossroad, 1992). Si Dr. Moltmann ay isang liberal na teyolohiyano, at tiyak na hindi ako nakikikabit sa karamihan sa kanyang mga naisulat. Gayon, mayroon siyang mga kabatiran. Halimbawa, nakikita ni Moltmann ang Krus bilang isang kaganapan kung saan idinedeklara ng Diyos ang Kanyang pagkakaisa sa “Tinalikdan ng Diyos” na lahi ng tao. Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa mga makasalanan sa Krus, at ang Diyos Anak ay nagdurusa ng pagkahiwalay mula sa Ama, pinapayagan na malaman ng Diyos ang sakit at pagdurusa “mula sa loob at labas.” Hindi nakuhag tama ni Moltmann ang karamihan nito, inilabas niya ang pagdurusa ng mga Katauhan sa Trinidad sa pagpapako sa krus, at iyan, sa palagay ko, ay isang importanteng punto. Sa aking pananaw, iyan ay isang bagay na nararapat na pag-isipan – ang pagdurusa ng mga Tauhan ng Trinidad sa loob ng pagpapako sa krus.
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan” (Isaias 53:11).
Sinabi ni Spurgeon,
Sa mga salitang ito mayroon tayo ng Diyos Ama nagsasalita patungkol sa kanyang Anak, at idinedeklara ito, dahil kanyang tiniis ang isang pagdaramdam ng kaluluwa, kanyang ipapangako sa kanya ang isang nakapagsisiyang gantimpala. Napaka-lulugod na maobserbahan ang pagkasamang pagkilos ng iba’t-ibang katauhan ng sagradong Trinidad sa bagay ng kaligtasan! (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1980 inilimbag muli, kabuuan 61, p. 301).
“Siya,” ay Diyos Ama; “makikita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa,” iyan ay, ang pagdaramdam ng kaluluwa ng Anak; “at masisiyahan.” Gaya ng paglagay nito ni Spurgeon, “Sa mga salitang ito mayroon tayo ng Diyos Ama nagsasalita patungkol sa kanyang Anak.”
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan” (Isaias 53:11).
Ang “pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa” ay tumutukoy sa panloob na sakit at paghihirap ni Kristo, na Kanyang naranasan sa loob ng Kanyang paghihirap para sa ating mga kasalanan. Huwag dapat nating pababain ang halaga ng pisikal na paghihirap ni Kristo. Huwag dapat natin kailan man isipin ng basta-basta lang si Kristo na pinapalo na halos hanggang mamatay sa ilalim ni Ponsiyu Pilato. Huwag dapat nating maliitin ang halaga ni Kristong dinuduraan at kinokoronahan ng mga tinik. At huwag dapat nating tiyak na maliitin ang kahalagahan ng pagtutusok ng Kanyang mga kamay at paa, at ang sakit at uhaw na Kanyang naranasan para sa atin sa Krus. “Pa rin,” sabi ni Spurgeon, “ang pagdaramdam ng kanyang kaluluwa ay ang namumunong bagay, at ito ang tinutukoy ng teksto…si Hesu-Kristo ay nagdusang [lubos] na nawawalan ako ng pag-asang iniisip ang kanyang mga pagdurusa, o pagbibigay ng mga ito sa iyo sa ano mang anyo ng salita” (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid., pp. 302-303). Nasabi ng, “ang kaluluwang pagdurusa ni Kristo ay ang kaluluwa ng kanyang pagdurusa” (Isinalin mula sa ibid., p. 302), ang puso ng Kanyang paghihirap, ang pangunahing bahagi ng Kanyang paghihirap.
Ang salitang “pagdaramdam” ay nagpapakita ng pighati, pagdurusa at sakit na naranasan ni Kristo sa “kaniyang kaluluwa” noong ang bigat ng kasalanan ng tao, ang paghahatol ng Diyos Ama, ay bumaba sa Kanya. Ito’y malinaw na naranasan ni Kristo sa Hardin ng Gethsemani, bago Siya dinakip, bago Siya pinalo, bago Siya pinako sa krus. At kasama rin rito ang pighati at sakit ng kaluluwa na patuloy Niyang naranasan sa Krus. Gaya ng paglagay nito ni Dr. Gill,
Ang pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa ay ang paghihirap at gawa na kaniyang tiniis, sa paggagawa ng kaligtasan ng kaniyang mga tao; ang kaniyang pagkamasunurin at pagkamatay, ang kaniyang paghihirap at pagdurusa; lalo na ang mga pamimilipit ng pagkapanganak ng kaniyang kaluluwa, sa ilali ng diwa ng banal na poot, dahil parunggit ay sa isang babae na nasa pagdaramdam [ang sakit ng panganganak]; at ang lahat ng paghihirap at mga sakit ng pagkamatay na kaniyang pinagdaan (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan 5, p. 315).
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan” (Isaias 53:11)
“At masisiyahan” ay tumutukoy sa pangpalubagloob ng poot ng Diyos. Ang Diyos Ama ay “[nasiyahan],” o, maari nating sabihin, pagsusuyo,
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin” (II Mga Taga Corinto 5:21).
“At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan”
(I Ni Juan 2:2).
“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob”
(Mga Taga Roma 3:25).
Si Dr. John MacArthur, kahit na mali sa Dugo ni Kristo, ay tama noong sinabi niyang,
Ang salitang [pangpalubagloob] ay nangangahulugang “pagpapayapa” o “kasiyahan.” Ang alay ni Hesus sa krus ay nagpasiya sa mga pangangailangan ng kabanalan ng Diyos para sa kaparusahan ng kasalanan…Kaya si Hesus ay nagpaglubagloob o nagpasiya sa Diyos (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., Ang Pag-aaral na Biblya ni MacArthur [The MacArthur Study Bible], Word Publishing, 1997, sulat sa I Ni Juan 2:2).
Mukhang di pangkaraniwan para sa akin na mali siya sa Dugo, ngunit tama sa pangpalubagloob! Gayon, nakikita natin, ang pagpapasiya ng poot ng Diyos laban sa kasalanan, na naranasan ni Hesus sa Kanyang paghihirap. Ang paghihirap ni Hesus ay “nagpasiya” sa hustisiya ng Diyos, nagpapalubagloob, nagpapalamig, sa Kanyag poot laban sa kasalanan.
“Yaong [Si Kristo ang Anak] hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang [Diyos Ama] inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan…” (Isaias 53:11).
Ang paghihirap ni Kristo ay nagpasiya sa hustisiya ng Diyos, ginagawa itong posible para sa ating maligtas.
II. Pangalawa, ang pagkaalam kay Kristo ay
nagdadala ng pagbibigay katarungan sa marami.
Magsitayo tayo at basahin ang teksto ng malakas, nagtatapos sa mga salitang, “aariing ganap […] ang marami.”
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami….” (Isaias 53:11).
Maari nang magsi-upo.
Ang propetang si Isaias ay tumutukoy kay Kristo bilang “lingkod” sa Isaias 52:13. At ditto, sa ating teksto, si Kristo ay tinawag na “matuwid na lingkod” ng Diyos. Si Kristo ay matuwid dahil “hindi [niya] nakakilala ng kasalanan” (II Mga Taga Corinto 5:21). Siya ay walang salang Anak ng Diyos, ang “matuwid na lingkod” ng Diyos Ama.
“Aariing ganap” ni Kristo “ang marami” (berso 11). Narito ang puso ng Ebanghelyo. Hindi natin nagagwang ganap ang ating sarili sa pamamagitan ng pagkamasunurin sa mga batas ng Diyos, dahil,
“sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya” (Mga Taga Roma 3:20).
Hindi natin mabibigyang katarungan ang ating mga sarili dahil tayo ay mga makasalanan sa kalikasan. Mabibilang lamang tayo sa pamamagitan ng imputasyon ng katuwiran ni Kristo sa atin. “Imputasyon” ay isang legal sa salita. Tayo ay legal na nabibilang na makatuwiran sa pamamagitan ng katuwiran ni Kristo sa atin. “Aariing ganap ng […] matuwid na lingkod [ng Diyos] ang marami” (Isaias 53:11), sa pamamagitan ng pagpaparatang ng Kanyang katuwiran sa kanila!
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami….” (Isaias 53:11).
Pinaalala sa atin ni John Trap na si Kardinal Contarenus ay binitay ng isa pang Katolikong Kardinal, si Pighius. Dahil pinaniwalaan ni Contarenus ang bersong ito ng literal, siya ay tinawag na isang “Protestante” at binitay dahil sa kaniyang pananampalataya riyan “ang pagbibigay katuwiran ng marami [ay] sa pamamagitan ng malayang mga awa ng Diyos at mga katangian ni Kristo” (isinalin mula kay John Trapp, Isang Kumentaryo sa Luma at Bagong mga Tipan [A Commentary on the Old and New Testaments], inilimbag muli, kabuuan III, pp. 410-411, sulat sa Isaias 53:11). Ngunit si Kardinal Contarenus ay tama! At ang natira sa mga kardinal ay mali!
“Aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami.” Ang mga salitang iyan ba ay nararapat na ikamatay? Sa katunayan, nararapat ikamatay ang mga ito! Iyan ang pinka puso ng ating Bautista at Protestanteng pananampalataya! Hindi natin inaaring ganap ang ating mga sarili, gaya ng mga desisyonistang tagasunod ni Finney, at ang itinuturo ng mga Katoliko! O hindi!
“Ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo” (Mga Taga Galacias 2:16).
“Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Galacias 3:24).
Ito ay si Kristo, ang “matuwid ng lingkod” ng Diyos, na nag-aaring ganap ng marami!
Ngunit paano ito nangyaari? Paano na “aariing ganap […] ang marami”? Inaaring ganap Niya ba sila sa pamamagitan ng kanilang sariling gawa ng pagsusuko ng ilan sa mga kasalanang iyon? Hindi! Iyan ay Katolisismo at desisyonismo! Inaaring ganap Niya ba sila dahil sinabi nila ang “panalangin ng makasalanan” o “nagpunta sa harapan” sa katapusan ng isang sermon? Hindi! Iyan ay Katolisismo at desisyonismo! Inaaring ganap Niya ba sila dahil natutunan nila ang “plano ng kaligtasan” at na memorya ang Juan 3:16, at ipinalangin ang “panalangin ng makasalanan” ? Hindi! Iyan, rin ay Katolisismo at desisyonismo!
Paano, gayon, na ika’y maaaring ganap? Paano ka magagawang malinis at makatuwiran sa paningin ng Diyos? Iyan ang walang hanggang katanungan! Iyan ang dakilang tanong ni Bildad sa Aklat ni Job! Sinabi niya,
“Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae?” (Job 25:4).
At ang sagot ay dumarating na kumikililing sa atin sa mga salita ng ating teksto,
“sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami” (Isaias 53:11).
O, gaya ng pagkasalin nito ni Spurgeon, “sa pamamagitan ng kaalaman niya na ang aking matuwid ng lingkod mag-aaring ganap ng marami” (Isinalin mula C. H. Spurgeon, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1980 inilimbag muli, kabuuan 63, p. 117). At kaya sinabi ni Spurgeon,
Ang buong paraan ng pangunguha ko ng resulta ng alay ni Kristo ay sa pamamagitan ng pagkakaalam at paniniwala – hindi sa paggagawa…” “Sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap.” “sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” “Biyaya at kapayapaan ay dumating sa pamamagitan ni Hesu-Kristo,” at dumarating sila sa atin sa pamamagitan ng paniniwala o sa pamamagitan ng pagkaka-alam – sa pamamagitan ng pagkakakalam sa Kanya…sa pamamagitan Niya…tayo ay naaring ganap” (Isinalin mula sa ibid.).
“Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran” (Mga Taga Roma 4:5).
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
(Mga Gawa 16:31).
“Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami” (Isaias 53:11).
Ang nagdurusang Kristo ay napapasiyahan ang hustisiya ng Diyos. Pagkakaalam kay Kristo Mismo ay nagdadala ng pag-aaring ganap sa marami. At –
III. Pangatlo, ang nagdadala ng kasalanang Kristo
ay nagdadala ng punong pagbabayad sa mga makasalanan.
Magsitayo at basahin ang teksto muli, nagbibigay ng masinsinang atensyon sa huling anim sa mga salita.
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
Maari nang magsi-upo.
Isaiah 53:5 says, “Aariing ganap” ni Kristo “ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.” Iyan ay, kakargahin Niya ang kanilang mga kasalanan. Ang buong basehan ng pag-aaring ganap, ang buong pundasyon ng ating pagbabayad at kaligtasan, ay nilalantad sa mga salitang ito, “dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.”
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Sinasabi sa Isaias 53:6,
“At ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Sinasabi ng Isaias 53:8,
“Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya”
(Isaias 53:8).
At sinasabi ng I Ni Pedro 2:24,
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24).
Gaya ng pagkasalin ni Spurgeon sa ating teksto, “…sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami.”
Iyan, nasa iyo ang unang punto ng Ebanghleyo ni Kristo – malinaw at simple. Ang paghihirap ni Kristo nagpapasiya sa hustisiya ng Diyos. Pagkakaalam kay Kristo Mismo ay nagdadala kasama nito ng pag-aaring ganap. Ang nagdadala ng kasalanang Kristo ay nagdadala ng lubos na kaligtasan sa mga makasalanna na kilala si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Nakamamanghang Ebanghelyo! Nakamamanghang pagtubos! Walang tulad nito ang nangyari kailan pa man bago o pagkatapos, sa buong kasaysayan!
“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
Noong isang gabi si Wesley at ako ay nagbabasa tungkol sa isang aktor na si John Carradine sa Internet. Nagpakita siya sa halos 300 na mga pelikula, mas higit sa kahit sinong aktor. Noong namatay siya sa Milan, Italy, ang katawan ay inilagay sa isang kabaong at dinala sa isa sa mga tahanan ng kaniyang mga anak na lalake. Ang anak ay umiinom ng matindi. Binuksan niya ang kabaon at nagbuhos ng alak sa bibig ng kaniyang patay na ama.
Ngayon tinatanong kita, Maari ba na ang isang patay na tao ay matikman ang alak? Siyempre hindi! At kapag nagsasalita ako patungkol sa lahat ng mga nakamamanghang mga bagay na ginawa ni Kristo upang iligtas tayo, hindi mo ito malasahan. Bakit hindi? Dahil ikaw ay patay sa espiritwal. Gaya ng paglagay nito ng Bibliya, ikaw ay “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Iyan ang pinka kalikasan ng kasalanan. Ika’y patay sa mga bagay ni Kristo. Hindi mo sila matikman. Hindi mo sila maramdaman. Patungkol sa mga bagay ng Diyos, ikaw ay kasing patay ng katawan ni John Carradine sa kabaong. Kailangang bigyan ka ng buhay ni Kristo o ika’y magpupunta sa kawalang hanggang nawawala! Dapat kang magawang sumigaw, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).
Kapag ang lalake o babae ay sumigaw tulad niyan, mula sa pinaka ilalim ng puso, sila ay malapit nang maligtas. Sumigaw ka na ba tulad niyan? Naramdaman mo na ba na ika’y patay sa Diyos, at na si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo? Ikaw ba ay napagbagong loob kay Kristo? Kung hindi, titingin ka pa kay Kristo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo? Titingin ka ba sa Kanya, at magtitiwala sa Kanya ngayon? Pakinggan ang mga salita ng kanta na kinanta kanina ni Gg. Griffith.
Kung mula sa kasalnana ika’y naghahangad na mapalaya,
Tumingin sa Kordero ng Diyos;
Siyang, magliligtas sa iyo, namatay sa Kalbaryo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
Tumingin sa Kordero ng Diyos. Tumingin sa Kordero ng Diyos,
Dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo,
Tumingin sa Kordero ng Diyos.
(“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” ni H. G. Jackson, 1838-1914).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 53:1-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumingin sa Kordero ng Diyos.” Isinalin mula sa
“Look to the Lamb of God” (ni H. G. Jackson, 1838-1914).
ANG BALANGKAS NG PAGKASAYA AT PAG-AARING GANAP – (PANGARAL BILANG 13 SA ISAIAS 53) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11). I. Una, ang pagdurusa ni Kristo ay nagpapasiya sa hustisiya ng Diyos, II. Pangalawa, ang pagkaalam kay Kristo ay nagdadala ng pagbibigay III. Pangatlo, ang nagdadala ng kasalanang Kristo ay nagdadala ng punong |