Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TAGUMPAY NG TAGAPAGLIGATAS!

(PANGARA; BILANG 12 SA ISAIAS 53)

THE SAVIOUR’S TRIUMPH!
(SERMON NUMBER 12 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Abril taon 2013

“Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10).


Ang unang bahagi ng Isaias 53:10 ay tumutukoy sa pagpapalubag loob na kamatayan. Nangaral ako patungkol rito noong huling gabi. Ang unang hati ng berso ay nagpapakita na ang Diyos ang Ama ay ang kinatawan sa likod ng paghihirap ng Kanyang Anak, ang Isa na aktwal na nagsanhi nito. Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger, “Dinurog Siya ng Panginoon sa pamamagitan ng paglalagay ng sa Kanya sa pighati” (Isinalin mula kay Merrill F. Unger, Ph.D., Ang Kumentaryo ni Unger sa Lumang Tipan [Unger’s Commentary on the Old Testament], Moody Press, 1981, kabuuan II, p. 1299). Ang unang hati ng Isaias 53:10 ay nagsasabi,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan…” (Isaias 53:10a).

Sinasabi ni Keil at Delitzsch sa Kumentaryo sa Lumang Tipan,

Mga tao ang nagpahirap kay [Kristo] ng ganoong uri ng ngdudurog na paghihirap, ganoong uri ng malalim na magdurusa, ngunit ang pinakadakilang [sanhi] ay ang Diyos, na gumawa sa kasalanan ng tao [naglingkod] sa Kanyang kasiyahan, Kanyang kagustuhan, at paunang pinagpasiyahang payo (Isinalin mula kay Eerdmans, 1973 inilimbag muli, kab. VII, bahagi II, p. 330).

Ngunit ngayon ating nakikita, sa pangalawang hati ng Isaias 53:10, ano ang lumabas mula sa paghihirap ni Kristo, ano ang bunga ng Kanyang paghihirap. Ang Kanyang pasyon at kamatayan ang naglatag ng saligan para sa tagumpay ng Kanyang muling pagkabuhay, at ang tagumpay ng Kanyang mga tao sa lupa! Magsitayo muli at basahin ang pangalawang hati ng berso, nagsisimula sa mga salitang, “Makikita niya.”

“…Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10b).

Maari nang magsi-upo. Pansinin ang tatlong nakamamanghang mg resulta na dumating mula sa paghihirap ni Kristo!

I. Una, makikita Niya ang Kanyang lahi!

“Makikita niya ang kaniyang lahi” (Isaias 53:10).

Iyan ang unang resulta ng kamatayan ni Hesus. “Makikita niya ang kaniyang lahi.” Tumutukoy ito sa espiritwal na lahi ni Kristo, ang Kanyang mga anak. Milyon-milyong mga tao ang nagpunta kay Kristo at naging “kanyang lahi.” Hinulaan ni Hesus na noong sinabi Niyang,

“Sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios” (Lucas 13:29).

Mula sa Araw ng Pentekostes pasulong, di mabilang ang nagpunta kay Kristo sa buong mundo. At sa katapusan, kapag si Kristo ay babalik sa mundong ito mula sa Langit,

“Mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain” (Mga Awit 25:13).

Ngunit hindi kinailangang mag-antay ni Kristo hanggang sa bumalik Siya sa pangalawang beses upang makita ang Kanyang binhi. Agad-agad, sa Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay, nakita Niya sila, at nakita nila Siya! Sinabi ng Apostol Pablo,

“Siya'y napakita kay Cefas [ni Pedro], at saka sa labingdalawa: Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan… Saka napakit … sa lahat ng mga apostol. At sa kahulihulihan… ay napakita naman siya sa akin” (I Mga Taga Corinto 15:5-8).

Nakita Siya ng Kaniyang binhi. Gaya ng paglagay nito ni Apostol Juan,

“yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay” (I Ni Juan 1:1).

At nakita Niya ang Kanyang binhi, kapag bumangon Siya mula sa pagkamatay,

“Dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon” (Juan 20:19-20).

“Makikita niya ang kaniyang lahi.”

Nakita nila Siya at nakita Niya sila – at sila ay Kanyang lahi, Kanyang espiritwal na mga anak! Noong Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, nakita Niya ang Kanyang lahi!

Pagkatapos Niyang pumaitaas sa pabalik sa Langit, ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay kumilos at tatlong libo ang nagpagbagong loob. Muli ang pangakong ito sa Isaias ay natupad. Tumitingin mula sa Langit, nakita ni Hesus ang Kanyang lahi. At kaya ito’y nasa buong Aklat ng Mga Gawa. Ang bumangong si Kristo ay tumingin pababa mula sa Kanyang trono sa luwalhati at nakita ang karamihan na nagtiwala sa Kanya at naging Kanyang lahi.

At ganoon ito sa lahat ng mga panahon. Tumingin si Hesus pababa mula sa Langit at nakit ang Kanyang lahing dumami sa buong lupa; gayon tinutupad ang propesiya ni Isaias, na sila’y “sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios” (Lucas 13:29).

Oo, ang pangakong iyan ay natupad ng milyon-milyong beses sa buong kasaysayan, at sa bawat sulok ng mundo.

“Makikita niya ang kaniyang lahi.”

At kapag ika’y magpupunta kay Hesus sa pananampalataya, makikita ka rin Niya! Sa sandali ng iyong pagbabagong loob ika’y papasok sa malaking bilang noong mga Kanyang lahi – sa lupa at sa Langit.

“Makikita niya ang kaniyang lahi.”

Gaanong kami’y nagpupuri na ang bumangong si Kristo ay naging ganoong uri ng mapagbiyaya at maluwalhating tanawin – mga kalalakihan at kababaihan ng lahat ng lahi at mga bansa naniniwala sa Kanya, at isinasapi ang kanilang mga sarili sa Kanya magpakailan man! Oo,

“Makikita niya ang kaniyang lahi.”

Ang aking asawa at ako ay nakakita ng isang nakamamanghang DVD noong isang gabi. Ipinakita nito ang isang Muslim sa Iran, na sunod-sunod na tumitingin kay Kristo, at nagiging mga Kristiyano. Isang Muslim na babae sa Iran ay nagsabi, “Nawalan na ako ng lahat nag pag-asa.” Tapos nagtiwala siya kay Hesus. Isang binata ang nagsabi, “Ayaw kong maging Muslim.” Siya rin, ay nagtiwala kay Hesus at naging isang Kristiyano. Mas maraming mga tao ang tumitingin kay Hesus sa Iran kaysa ibang mga oras sa huling 1,500 na mga taon! Libo-libong mga kabataan sa mga Muslim na mga bansa ay nagtataya ng kanilang mga buhay upang maging mga Kristiyano! Nakikita ni Hesus ang “Kaniyang lahi” dumadami sa buong Muslim na mundo ngayon! At ang ating mga sermon ay nagpupunta roon sa Arabiko sa ating websayt!

At sa wakas na tagumpay na iyon, kapag si Kristo ay dumating sa Kanyang luwalhati upang isaayos ang Kayang Kaharian sa lupa, kapag darating Siyang muli upang maghari bilang Hari ng mga Hari at Panginoong ng mga Panginoon,

“Mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain” (Mga Awit 25:13).

At “Makikita niya ang kaniyang lahi,” dahil sinabi ito ng bibig ng Panginoon! “Si Hesus ay Maghahari.” Kantahin ito!

Si Hesus ay maghahari kung saan ang araw
   Ang kaniyang sumusunod na paglalakbay ay tumatakbo;
Ang kaniyang kaharian ay kumakalat mula sa isang tabing ilog papunt sa isa
   Hangang sa ang buwan ay lalago at di na liit.
(“Si Hesus ay Maghahari.” Isinalin mula sa “Jesus Shall Reign”
   ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

II. Pangalawa, pahahabahin NIya ang Kaniyang mga kaarawan!

Tumingin pabalik sa ating teksto sa Isaias 53:10, dahil rito ay isa na namang dakilang resulta ng pahihirap at kamatayan ni Hesus.

“Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan (Isaias 53:10).

Ang pangalawang epekto ng pagkamatay ni Kristo ay, “Pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan,” dahil noong Siya ay namatay sa Krus ang Kanyang buhay ay di natapos. Hindi Siya pinigilan ng pagkamatay ng mahabang panahon sa libingan. Ang pangatlong araw ay dumating, at ang sumasakop sa Kristo ay lumitaw pabalik sa buhay. Pinasabog niya ang bakal na mga kadena ng pagkamatay, at sumulong mula sa libingan, upang di na mamamatay! “Ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios” upang di na mamamatay magpakailan man! (Mga Taga Roma 6:10).

“Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya” (Mga Taga Roma 6:9).

s“Ang tatlong mga araw.” Kantahin ito!

Ang tatlong mga araw ay madaling tumakbo;
Bumabangon Siyang maluwalhati mula sa kamatayan:
Lahat ng luwalhati sa ating nabubuhay na Puno! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
   (“Ang Paglalaban ay Tapos na.” Isinalin mula sa
       “The Strife is O’er,” isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).

“Pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan,”

“Sapagka't namamalagi magpakailan manlaging nabubuhay siya upang mamagitan sa [atin]” (Mga Hebreo 7:24, 25).

Sinabi ni Spurgeon, “Mula sa kataasan ng langit siya ay tumitingin [pababa] sa karamihan ng kanyang lahi sa lupa…Kasing rami ng mga bituin ng langit, kasing di mabilang gaya ng alikabok ng tag-init, ay ang mga lahi ng ating Panginoong Hesu-Kristo” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ang Metropilitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1978 inilimbag muli, kabuuan 51, p. 565).

“Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan (Isaias 53:10)s.

III. Pangatlo, ang Kaniyang gawain ay lalago!

Magsi-tayo at basahin ang buong teksto ng malakas, nagbibigay pansin maigi sa huling sugnay, nagsisimula sa mga salitang, “at ang pagkalugog.”

“Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10).

Iyan ang pangatlong resulta ng pagkamatay ni Hesus, “At ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.” Sinabi ni Spurgeon,

Higit sa [labin siyam] na daan taon na ang lumipas simula noong bumangon siya mula sa pagkamatay sa kanyang bagong buhay, gayon man siya ay nabubuhay pa rin; at ang kanyang mga araw, alam natin, ay magpapatuloy habang ang lupa ay tumatayo, oo, at sa katapusan, kapag dadalhin niya ang kaharian sa Diyos, kahit ang Ama, kaniya pa rin pahahabain ang kaniyang mga araw. “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan man” ika’y magtitiis, kahit na ang mga bundok ay mawawala, at kahit na ang mga kalangitan ay marorolyo tulad ng isang damit na sira na (Isinalin mula kay Spurgeon, ibid.).

“At ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10).

Ang mabuting kaluguran, ang kagustuhan, ang layunin ng Panginoon, ay “lalago sa kaniyang kamay.” Sinabi ng Diyos Ama kay Hesus,

“Ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa” (Isaias 49:6).

“At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag… ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo” (Isaias 60:3, 5).

“Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim [Tsina]” (Isaias 49:12).

“At ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10)

Ilang buwan noon nakakita tayo ng isang presentasyon sa videyo tungkol sa Tsina na ipinamahagi ng Tinig ng mga Martir [The Voice of The Martyrs]. Ipinakita nito ang testimono ng isang matandang Tsinong nagngangalang Moses Xie [Shay]. Sa lob ng “Kultural na Rebolusyon,” siya ay pinosasan at kinulong sa bilangguan ng mga Komunista ng higit sa dalawam pung taong dahil ipinangaral niya ang Ebanghelyo ni Kristo. Sa kalaliman ng kawalan ng pag-asa, siya ay lubos na nalungkot. Tapos sinabi niya, ang tinig ni Hesus ay nagsalita sa kaniyang puso, “Anak ko, ang biyaya ko ay sapat para sa iyo.” Sinabi ni kapatid n Xie narinig niya ito ng tatlong beses sa kaniyang puso. Lumuha siya sa pangatlong beses na na nagsalita siya patungkol nito. “Anak ko, ang biyaya ko ay sapat para sa iyo.” Mga luha ng pasasalamat ay pumuno sa kanyang mga mata habang nagsalita siya patungkol sa kapangyarihan ni Kristo upang iligtas siya sa Kumunistang bilangguan.

Tapos ang videyo ay lumipat sa isang pelikula ng libo-libong mga Tsinong Komunista literal na sinasamba si Mao Tse Tung, ang malupit na Komunistang diktador, na pumatay ng mas maraming tao kaysa kay Hitler. Habang umawit sila ng papuri kay Mao Tse Tung, naisip ko, “Tayong mga Kristiyano ay magiging naroon kapag kayong mga Komunista ay wala na.” Kapag ang mga Tsinong Komunistang Partido ay nakalatag sa abong tambak ng kasaysayan, ang Kristiyanismo ay naroon pa rin, mas malakas kailan pa man, dahil ito ay lumalago sa isang nakamamanghang bilis ngayon.” “Kaming mga Kristiyano ay magiging naroon kapag kayo’y wala na.” At gayon ito sa buong lupa. Sa mga kaaway ni Kristo, nasaan man sila, masasabi naming na may lubos ng lakas ng loob, “Kaming mga Krisitiyano ay maparirito kapag kayong mga Komunista ay wala na!” Dahil “ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay”!

Ang mga Kristiyano ay maaring mababa ang loob at kinamumuhian sa paningin ng tao ngayon. Maari kaming kutyain at kinamumuhian ngayon, gaya ng aming Tagapagligtas noong Siya ay nasa lupa. Ngunit si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay, at “ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.” Kung gayon, gaano man na ang totoong Kristiyanismo ay kinamumuhian at tinatanggihan, ito’y “ay lalago sa kaniyang kamay” At sa katapusan,

“Ang kaharian ng sanglibutan ay [magigin] sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Apocalipsis 11:15).

Tapos aking mga kapatid, makikita natin kung anong natupad ng pagkamatay ni Hesus, dahil ang “ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.” Si Hesus ay darating muli upang maghari sa buong lupa!

Si Hesus ay maghahari kung saan ang araw
   Ang kaniyang sumusunod na paglalakbay ay tumatakbo;
Ang kaniyang kaharian ay kumakalat mula sa isang tabing ilog papunt sa isa
   Hangang sa ang buwan ay lalago at di na liit.
(“Si Hesus ay Maghahari.” Isinalin mula sa “Jesus Shall Reign”
     ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Darating siya muli, Darating siya muli,
   Ang pinaka parehong Hesus, na tinaggihan ng tao;
Darating siya muli, Darating siya muli,
   Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Darating Siya muli!
(“Darating Siya Muli.” Isinalin mula kay
     “He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

Ngayon alam ko na mayroong ilan sa inyo ngayon rito ngayong umaga ang nagtataka bakit kami nasisiyahan. Iniisip mo, “Ano ang pinagkakainit ng puso ng mga taong ito? Bakit nila pinapalakpakan ang mga bagay na ito?” Tiyak ako na mayroong ilan sa inyo ang narito na sa simbhan ng mahabang panahon na ganyan rin ang nararamadaman. Iniisip mo, “Kailangan ba naming pagdaan ito muli? Narinig natin ito noon. Bakit maging mapukaw? Bakit maging napaka nalulugod? Hindi ba pwedeng ibigay mo nalang ang imbitasyon at tapusin na ito?” Alam ko na ganito ang nararamdaman ng ilan inyo. “Bakit maging napaka pupukaw?” Ito’y isang misteryo sa iyo. Hindi ka makapapasok sa pagkapukaw!

Alam kong lubos kung ano ang iyong nararamdaman. Alam mo, hindi ako isang apisyonado ng basketbol. Para sa akin walang naka pupukaw sa anumang paraan patungkol sa larong basketbol! Para sa akin ito ang pinaka yayamot na bagay sa mundo. Ngunit para sa ilan sa inyo ito’y napaka lulugod. Bakit may pagkakaiba? Ang pagkakaiba ay napaka simple. Ika’y isang apisyonado ng basketbol, at hindi ako! Ito’y ganoong ka simple. Maaring mong maramdaman ang kaluguran at hindi ko ito maramdaman. Hindi ako pupunta sa mga dahilan bakit iba ang ating nararamdaman. Isang bagay sa iyong pinanggalingan ang gumagawa sa iyong maging nalulugod kapag nakikita mo ang Lakers na maglaro. Hindi ako makapapasok rito kasama mo. Kailangang magkaroon ng pagbabago sa aking pinaka kalikasan o hindi ko mararamdaman ang nararamdaman mo.

Ganyan ito sa tagumpay ni Kristo. Maarin kaming malugod tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo at Pangalawang Pagdating. Hindi mo magawang malugod patungkol rito. Kami ay mga apisyonado ni Kristo, at ikaw ay hindi apisyonado ni Kristo! Ang iyong pinaka kalikasan ay adpaat mabagyo para maramdaman mo ang nararamdaman naming kapag naiisip naming ang tagumpay ni Kristo. Ang Bibliya ay nagsasalita patungkol niyan kapag sinasabi nitong, “Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya” (I Mga Taga Corinto 2:14). Dahil ikaw ay isang “natural na tao” ang tagumpay ni Kristo ay hindi importante para sa iyo. Hindi ka maaring malugod patungkol rito. Ang iyong pinaka kalikasan ay kailangang mabago para sa iyo upang maging masigasig tungkol sa tagumpay ni Kristo! Dapat kang maging napagbagong loob upang maramdaman ang nararamdaman naming!

Alam mo na dapat mong maramdaman ang nararamdaman naming, ngunit hindi mo magawa ang iyong sariling gawin maramdaman ang dapat mong maramdaman! Gaano man kahirap mong subukan, hindi mo magagawa ang iyong sariling maramdaman ang nararamdaman naming tungkol kay Kristo! Dapat ganyan ang maramdaman mo, ngunit hindi mo ito magawa gaano kahirap mo man itong subukan. Hindi ka maaring maging ang taong dapat mong maging. Iyan ang ibig sabihin ng maging napaniwalang lubos ng pagkakasala ng kasalanan!

Dapat ka gayong magpunta kay Hesus at sabihin, “Panginoon, hindi ako maaring maging kung anong gusto mo sa aking maging! Ako’y nawawala! Ako’y wasak. Hindi ko mabago ang aking sarili! Hesus, iligtas ako!” At kapag ganyan na ang nararamdaman mo, ika’y malapit na sa pagiging ligtas. Ang kumbiksyon ng kasalanan ay darating bago pagbabagong loob kay Kristo!

At sa inyong hindi pa napagbabagong loob, nagmamaka-awa kami sa inyong magtiwala sa bumangong si Kristo. Hinihikayat ka naming mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Pinaki-uusapan ka naming sumama sa amin at sundan ang Tagapagligtas ano man ang halaga! Kami ay nasa nagatatagumpay na panig, dahil ang “pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.” Kung gayon pinakiki-usapan kitang magtiwala kay Hesus, maging napagbagong loob, at maging nasa nagtatagumpay na panig!

Halina, gayon at sumapi sa banal na pangkat na ito,
   At magpunta sa luwalhati magpunta,
Upang manirahan sa makalangit na lupa,
   Kung nasaan ang immortal na pag-agos ng ligaya,
Magtiwala lamang sa Kaniya, magtiwala lamang sa Kanya,
   Magtiwala lamang sa Kaniya ngayon.
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Nya,
   Ililigtas ka [ni Kristo] ngayon na.
(“Magtiwala Lamang sa Kaniya.” Isinalin mula sa
     “Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).

Kantahin ang koro iyon muli. Habang aming kinakanta ang “Magtiwala Lamang sa Kanya,” kung hindi ka pa napagbagong loob, gusto kong umalis ka mula sa iyong upuan at magpunta sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid, kung saan makapag-uusap tayo at makapagdarasal. Magpunta na ngayon habang kami’y kumakanta.

Magtiwala lamang sa Kaniya, magtiwala lamang sa Kanya,
   Magtiwala lamang sa Kaniya ngayon.
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Nya,
   Ililigtas ka [ni Kristo] ngayon na.

Gg, Lee, paki-pangunahan kami sa panalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 53:1-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Paglalaban ay Tapos Na.” Isinalin mula sa
“The Strife is O’er” (isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).


ANG BALANGKAS NG

ANG TAGUMPAY NG TAGAPAGLIGATAS!

(PANGARA; BILANG 12 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay” (Isaias 53:10).

I.   Una, makikita Niya ang Kanyang lahi!Isaias 53:10a; Lucas 13:29;
Mga Awit 25:13; I Mga Taga Corinto 15:5-8; I Ni Juan 1:1;
Ni Juan 20:19-20.

II. Pangalawa, pahahabahin NIya ang Kaniyang mga kaarawan!
Isaias 53:10b; Mga Taga Roma 6:10, 9; Mga Hebreo7:24, 25.

III.  Pangatlo, ang Kaniyang gawain ay lalago! Isaias 53:10c;
Isaias 49:6; 60:3, 5; 49:12; Apocalipsis 11:15;
I Mga Taga Corinto 2:14.