Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAMPAGLUBAG LOOB!

(PANGARAL BILANG 11 SA ISAIAS 53)

PROPITIATION!
(SERMON NUMBER 11 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Abril taon 2013

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).


Ang sasabihin ko tungkol sa Diyos ngayong gabi ay hindi magugustuhan, at kamumuhian pati, ng ilang makaririnig nito. Ang mga tao ay mayroong mga maling ideya patungkol sa Diyos ngayon. Kapag ang kahit sino ay nagsasalita tungkol sa Diyos ng Bibliya nagsasanhi ito ng negatibong reaksyon, lalo na sa mga isang tiyak na klase ng mga mangangaral.

Maraming taon noon ako’y tinanong ng isang mas matandang pastor na magbigay ng isang ebanghelistikong pangaral sa isang grupo ng mga isang daang mga kabataan. Nagsalita na ako roon ng maraming beses noon, kaya akala ko alam ko ang gusto ng simbahan. Ngunit sa pagkakataong ito dalawang mas batang pastor ay namamahala. Nangaral ako ng isang mensahe ng kaligtasan, nagdidiin sa paghahatol ng Diyos at nagtatapos sa isang malinaw na pagtatanghal ng Ebanghelyo ni Kristo. Dalawampu’t pitong mga kabataan ay tumugon sa imbitasyon. Ang mga ito ay lahat mga unang beses na mga propesyon, na mas kaunting lampas sa ika-pat ng mga kolehiyong edad na mga mag-aaral na naroon.

Maaring isipin ng isa na ang dalawang batang pastor ay matutuwa sa ganoong kalaking tugon. Ngunit pareho silang nagkaroon ng galit na simangot sa kanilang mga mukha pagkatapos ng pangaral. Hindi nila ako kailan man sinulatan ng sulat ng pasasalamat, at kailan man pinadalhan ng isang honorarium, alin ay ang karaniwang kagawian ng simbahang iyon. Ako’y napaka nagulat sa kanilang kalamigan. Natutunan ko maya-maya na akala nila na ako’y masyadong negatibo, na dapat akong nagbigay ng isang imbitasyon na hindi binabalaan ang mga kabataang iyon na ang Diyos ay naghahatol ng kasalanan. Simula noon natuklasan ko na maraming mga makabagong pastor ay nakikibahagi sa kanilang pananaw. “Ibigay mo lang sa kanilang ang Ebanghelyo. Magsalita ka lamang patungkol sa pag-ibig ng Diyos. Huwag mong pakilusin ang mga tao at gawin silang di komportable.” Madalas kong natatagpuan na ang mga mangangaral ay ganyan ang nararamdaman ngayon. Ngunit ako’y kumbinsido na mayroong isang bagay na teribleng depektibo sa ganoong paraan ng pag-iisip, isang bagay na di sapat at mali patungkol sa pananaw ng ebanghelistikong pangangaral.

Sinasabi ni Dr. A. W. Tozer, “Walang tao ang makakaalam ng tunay na biyaya ng Diyos na hindi unang nakikilala ang takot sa Diyos.” Naniwala si Dr. Martyn-Lloyd-Jones sakto tulad ni Dr. Tozer sa puntong ito. Sinabi ni Iain H. Murray, “Para kay Dr. Lloyd-Jones upang ipangaral ang tunay na peligro ng pagkakasala ng tao sa harap ng Diyos ay nangangahulugan na mangaral ng katiyakan ng banal na poot…sa kaparusahan ng kasalanan sa impiyerno…itinuturing niya ang babala bilang isang mahalagang bahagi ng biblikal na pangangaral. Ang Impiyerno ay hindi isang teyorya…” (isinalin mula kay Rev. Iain H. Murray, Ang Buhay ni Martyn Lloyd-Jones [The Life of Martyn Lloyd-Jones], The Banner of Truth Trust, 2013, p. 317).

Muli sinabi ni Dr. Lloyd-Jone, “Ang pinaka malubhang kasalanan sa lahat ay ang huwad na pag-iisip tungkol sa Diyos alin ay ang natural na tao ay napaka teribleng nagsala” (isinalin mula sa ibid., p. 316). Muli, nahahanap kong nakapaliliwanag ito na si Dr. John R. Rice, ang kilalang Bautistang ebanghelista, ay tunay na sinabi rin ang parehong bagay gaya ni Dr. Tozer at Dr. Lloyd-Jones. Sinabi ni Dr. Rice,

Ang Diyos ng Bibliya ay isang teriblang Diyos, isang kakilakilabot na Diyos, isang Diyos ng paghihiganti, gayon din ay isang Diyos ng awa (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Dakila at Teribleng Diyos [The Great and Terrible God], Sword of the Lord Publishers, 1977, p. 12).

Sinabi ni Dr. Rice,

Ang lahat nitong makabagong pangangaral ng biyaya na walang batas, ay pananampalataya na walang pag-sisisi, ng awa ng Diyos na walang poot ng Diyos, ang pangangaral ng Langit na walang Impiyerno…ay isang kabuktutan ng katotohanan ng Diyos. Mali ang pangangatawan nito ng Diyos. Ito’y isang di tapat na presentasyon ng mensahe ng Diyos. Ang Diyos ay isang teribleng Diyos, isang kakilakilabot na Diyos, isang Diyos ng matinding galit laban sa kasalanan, isang Diyos na nagdadala ng paghihiganti, isang Diyos na dapat katakutan, isang Diyos na dapat panginigan ng mga makasalanan (isinalin mula sa ibid., pah. 13, 14).

Amen! At alam ko sa pamamagitan ng maraming taon ng pagbabasa ng kanilang mga sermon, na si Dr. Tozer at Dr. Lloyd- Jones ay sumang-ayon kay John R. Rice ng lubusan sa puntong iyan. Ang Diyos ay “isang Diyos ng matinding galit laban sa kasalanan.”

Kapag nakikita natin ang Diyos sa ganoong paraan, gaya ng pagpapakita ng Bibliya sa Kanya, hindi tayo mababagabag sa ating teksto sa Isaias 53:10. Ang teksto ay nakasentro sa Diyos ang Ama at anong ginawa ng Diyos kay Hesus para sa ating kaligtasan,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob”
      (Mga Taga Roma 3:25).

Sinabi ni Dr. W. A. Criswell “Ang pangpalubagloob ay ang gawain ni Kristo sa krus kung saan Kanyang na nakamit ang mga hinihingi ng katuwiran ng Diyos laban sa kasalanan, parehong pinalulugod ang mga pangangailangan ng hustisya ng Diyos at inaalis ang sala ng tao” (isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Pang-aral na Bibliya ni Criswell [The Criswell Study Bible], Thomas Nelson Publishers, 1979, p. 1327, sulat sa Mga Taga Roma 3:25).

“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob”
      (Mga Taga Roma 3:25).

Sinasabi ng Repormasyong Pang-aral na Bibliya [The Reformation Study Bibliya] patungkol sa bersong iyan, “Si Kristo ay namatay bilang pangpalubagloob na sakripisyo na naglologud ng banal na paghahatol laban sa mga makasalanan, nagdadala ng kapatawaran at pagpapatunay. Ngunit si Pablo ay maingat na ipahiwatig na ang sakripisyo [ng Anak ng Diyos] ay hindi nagsasahi para sa Diyos ang Ama upang mahalin tayo. Ang kabaligtaran ay totoo – ang pagmamahal ng Diyos ang nagsanhi sa Kanya upang ialay ang Kanyang Anak” (isinalin mula sa Ang Repormasyong Pang-aral na Bibliya [The Reformation Study Biblie], Ligonier Ministries, 2005, p. 1618, sulat sa Mga Taga Roma 3:25).

“Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay [siya] dahil sa ating lahat” (Mga Taga Roma 8:32).

Sinasabi ng ating teksto,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Sa tekstong ito nakikita natin na ang Diyos ang tunay na may-akda ng paghihirap ni Kristo. Si Kristo ay naghirap at namatay “sa takdang pasiya [ang isinaayos na layunin] at paunang kaalaman ng Dios” (Mga Gawa 2:23). Ang dakila at teribleng Diyos ng Kasulatan ay ang tunay na sanhi ng paghihirap at kamatayan ni Kristo. Sinasabi ng Juan 3:16 na “ibinigay [ng Diyos] ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Sinasabi ng Mga Taga Roma 8:32, “Hindi [Niya] ipinagkait ang kaniyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Mga Taga Roma 8:32). Ang poot ng Diyos laban sa kasalanan ay nagpagpalubag loob dahil bumagsak ito sa Kanyang Anak na si Hesus. Sinasabi ng ating teksto,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Dito dinadala tayo ni Isaias sa “likuran ng mga eksena” upang ipakita sa atin na ipinadala ng Diyos Ama ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng sindak ng Kanyang pasyon at pagpapako sa krus upang ang Diyos ay mapaglubag loob, at ang Kanyang poot ay bumagsak kay Hesus imbes na sa mga makasalanan. Sa ating teksto nakikita natin na (1) Binugbog Siya ng Diyos; (2) Inilagay Siya ng Diyos sa pagdaramdam; (3) Ginawa ng Diyos ang Kaniyang kaluluwa na pinkahandog para sa kasalanan.

I. Una, binugbog Siya ng Diyos.

“Kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya” (Isaias 53:10).

Ang salitang isinaling “nabugbog” ay nangangahulugang “madurog.” “Kinalugdan ng Panginoon na durugin Siya.” Sinabi ni Dr. Edward J. Young, “Sa kabila ng pagka-inosente [ni Kristo], kinaluguran ng Panginoon ang pagbubugbog [at pagdudurog] sa kanya. Ang kanyang pagkamatay ay wala sa kamay ng mga malulupit na mga tao kundi sa mga kamay ng Panginoon. Hindi nito napapatawa mula sa responsibilidad yong mga naglagay sa kanya sa kamatayan, ngunit sila’y wala sa panghahawak ng sitwasyon. Ginagawa lamang nila kung anong hinayaan sila ng Panginoong gawin” (isinalin mula kay Edward J. Young, Ang Aklat ng Isaias [The Book of Isaiah], William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, kabuuan 3, pp. 353-354)

Gaya ng sinabi ko, ito ay malinaw na ipinapakita sa Mga Taga Roma 3:25, patungkol kay Kristo,

“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob”
       (Mga Taga Roma 3:25),

at sa Juan 3:16, na,

“Gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16).

upang pangpalubagloob ang Kanyang poot laban sa kasalanan, at gawin ang kaligtasang posible sa makasalanang tao.

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na [madurog] siya”
       (Isaias 53:10).

Simula sa Hardin ng Gethsemani, binugbog ng Diyos ang Ama at dinurog ang Kaniyang Anak. Tayo ay sinabihan ni Mateo, na sa Hardin ng Gethsemani, sinabi ng Diyos, “Sasaktan ko ang pastor” (Mateo 26:31). Sinasabi rin sa atin ni Marcos na, sa Gethsemani, “Sasaktan ko ang pastor” (Marcos 14:27). Gayon sinaktan ng Diyos si Hesus, binugbog Siya, at sininulamg durugin Siya bilang isang bikaryong pampalubagloob para sa ating mga kasalanan sa kadiliman ng Gethsemani. Si Spurgeon ay nagsalita patungkol riyan noong sinabi niyang,

Ito na ngayon na ang ating Panginoon ay kinailangan ng isang partikular na tasa mula sa kamay ng Ama. Hindi mula sa mga Hudyo, hindi mula sa traidor na si Hudas, hindi mula sa natutulog na mga disipolo, hindi mula sa diablo nanggaling ang pagsubok [sa Gethsemani] ngayon, kundi isang tasa na napuno ng isa na kilala niya bilang Kanyang Ama…isang tasa na nagpagmangha sa kanyang kaluluwa at gumulo sa kanyang pinaka loob na puso. Lumiit Siya [pabalik] mula sa rito, at gayon maging tiyak na ito’y isang tungga [isang tasa] na mas terible kaysa pisikal na sakit, simula mula roon hindi siya lumiit…ito’y isang hindi maisip na terible, isang nakamamanghang puno ng kilabot, na dumating [sa Kanya] mula sa kamay ng Ama. Inaalis nito ang lahat ng pagdududa sa ano ito noon, dahil ating mababasa, “Kinalugod ng Panginoong siyang mabugbog siya…” Ginawa ng Panginoon na [mamahinga] sa kanya ang kasamaan nating lahat. Ginawa niya siyang mgaing kasalanan para sa atin kahit na wala siyang alam na kasalanan. Ito , gayon ay ang nagsanhi ng ganoong di pangkaraniwang pagkalungkot ng Tagapagligtas…dapat Siyang magdusa sa [lugar] ng makasalanan. Ito ang sekreto noong mga paghihirap [sa Gethsemani] alin ay hindi posible para sa aking [lubos na maipaliwanag] sa harap mo, napaka totoo ito na –

‘Ito’y sa Diyos, at sa Diyos lamang, Na ang kanyang mga pighati ay lubos na nalalaman.’

(Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Paghihirap sa Gethsemani” [“The Agony in Gethsemane”], The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, kabuuan XX, pp. 592-593).

“Kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya” (Isaias 53:10)”

Sa ilalim ng bigat ng kaslanan ng tao, bumuhos sa Kanya sa Gethsemani, si Kristo ay nadurog, Siya ay nabugbog sa pamamagitan ng bigat ng iyong kasalanan, na

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Walang taong kamay ang humawak pa sa Kanya. Hindi pa siya naaresto, o hindi pa Siya nabubugbog, napalo, o napako sa krus. Hindi, ang Diyos ang Ama ang bumugbog at dumurog sa Kanya sa Gethsemani. Ang Diyos ang Ama ang nagsabing, “Sasaktang ko ang pastor” (Mateo 26:31). Ito ang hinulaan ng Diyos sa pamamagitan ni Isaias,

“Kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya” (Isaias 53:10).

Walang dila ang makapagsasabi ng poot na Kanyang dinala,
   Poot na pinagkakautangan ko:
Ang makatuwirang parusa ng kasalanan; Dinala Niya ito lahat,
   Upang palayain ang makasalanan!
(“Ang Tasa ng Poot.” Isinalin mula sa “The Cup of Wrath”
     ni Albert Midlane, 1825-1909; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).

II. Pangalawa, inilagay Siya ng Diyos sa pagdaramdam.

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam …” (Isaias 53:10).

Muli, ang Diyos ang naglagay sa Kanyang nag-iisang Anak sa pagdaramdam na Kanyang naransan sa Kanyang pasyon at pagkamatay. Sinai ni Dr. John Gill,

Inilagay niya siya sa pagdaramdam [sinanhi Siyang magdusa]…noong hindi niya siya pinatawad, kundi dinala siya sa mga kamay ng malulupit na tao, at sa kamatayan: siya ay inilagay sa pagdaramdam sa hardin, noong ang kanyang kaluluwa ay pambihirang pagdurusa; at sa krus, noong siya ay ipinako rito, [at] dala ang bigat ng kasalanan ng kanyang mga tao, ang poot ng kanyang ama, sa kanya; at noong kanyang itinago ang kanyang mukha mula sa kanya, na gumawa sa kanyang sumigaw, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?... [pinapayagan[ siyang mailagay sa sakit, parehong sa katawan at isipan (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwang ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kab. V, page 315).

Maluwag sa loob ni Hesus na pinagdusahan ang pagdudurog at ang sakit, ang pagpapalo at ang pagpapako sa krus, nagdurusang kusang-loob para sa ating mga kasalanan, dahil sinabi Niya,

“Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin” (Juan 6:38).

“Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay” (Mga Gawa 2:23).

“Na naging sumpa sa ganang atin” (Mga Taga Galacias 3:13).

“At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan” (I Ni Juan 2:2).

“Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:25).

Walang dila ang makapagsasabi ng poot na Kanyang dinala,
   Poot na pinagkakautangan ko:
Ang makatuwirang parusa ng kasalanan; Dinala Niya ito lahat,
   Upang palayain ang makasalanan!
(“Ang Tasa ng Poot” Isinalin mula sa “The Cup of Wrath”
     ni Albert Midlane, 1825-1909).

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam …” (Isaias 53:10).

III. Pangatlo, ginawa ng Diyos ang Kaniyang kaluluwa
na pinkahandog para sa kasalanan.

Magsitayo tayo at basahin ang teksto ng malakas, nagtatapos sa “pinakahahandog dahil sa kasalanan.”

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Maari nang magsi-upo.

Pansinin ang salitang “gayon ma” sa simula ng teksto. Tumutukoy ito pabalik sa berso siyam, “hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. Gayon ma’y…” (Isaias 53:9-10a). Kahit na si Hesus ay di kailan man nagkasala, “Gayon ma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam…” Sinasabi ng kumentaryo ni Dr. Gaebelein, “Ang berso 10a ay halos nakagugulat sa maliwanag nitong presentasyon ng di makatuwirang pagawalang-saysay para kay sa personal na katuwiran [ni Kristo], ngunit gayon maaalala ng taga basa ang pakikipagpalit ng kalikasan ng mga paghihirap na ito…Agad-agad ang Diyos ay nakikita bilang isang magaspang ngunit nagkagugulat na mapagbiyaya” (isinalin mula kay Frank E. Gaebelein, D.D., General Editor, Ang Bibliyang Tagakumento ng Tagapagpaliwanag [The Expositor’s Bible Commentary], Zondervan, 1986, kabuuan 6, p. 304).

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

“Siya na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Mga Taga Roma 8:32).

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy… na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24).

“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21).

“Pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Walang dila ang makapagsasabi ng poot na Kanyang dinala,

   Poot na pinagkakautangan ko:

Ang makatuwirang parusa ng kasalanan; Dinala Niya ito lahat,

   Upang palayain ang makasalanan!

(“Ang Tasa ng Poot.” Isinalin mula sa “The Cup of Wrath”

      ni Albert Midlane, 1825-1909).

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Si Kristo ang pag-aalay ng Diyos para sa kasalanan. Namatay si Kristo sa iyong lugar, bilang isang kapalit. Nagdusa si Kristo para sa alang-alang mo, bilang pampalubag loob, upang magbagyad ng multa para sa iyong kasalanan, upang paikutin ang poot ng Diyos papalayo sa iyo ang kunin ito lahat sa Kanyang Sarili. Kapag iniisip mo ang mga pakong idiniin sa Kanyang mga kamay at paa, ito’y ginawa para sa iyo. Namatay Siya ang makatuwiran para sa di makatuwiran, upang dalhin ka sa Diyos sa makatuwirang pinatawad na kalagayan. Sinabi ni Spurgeon,

Ang tao ay kinondena sa walang hanggang apoy; noong kinuha ng Diyos si Kristo bilang kapalit ito’y totoo, hindi niya ipinadala si Kristo sa walang hanggang apoy, ngunit ibinuhos niya ang kanyang pagraramdam sa kanya, napaka desperado, na ito’y isang mabisang kabayaran kahit sa isang walang hangganang apoy…dahil si Kristo sa oras na iyon ay kinuha ang ating mga kasalanan, nakaraan, kasalukuyan, at padating, at pinrusahan para sa lahat ng mga ito doon at tapos noon, upang tayo ay di kailan man maparusahan, dahil nagdusa siya sa ating [lugar]. Nakikita mo na ba gayon, kung paano ito na nabugbog siya ng Diyos ang Ama? Maliban na ginawa niya ito, ang mga paghihirap ni Kristo ay maaring naging para sa ating [pagka rapat dapat] na paghihirap [sa Impiyerno] (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Kamatayan ni Kristo” [“The Death of Christ”], The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, kabuuan IV, pp. 69-70).

Gayon man ang kamatayan ni Kristo ay di nagliligtas sa lahat ng tao mula sa Impiyerno. Yoon lamang mga nagtitiwala kay Kristo ay naliligtas. Namatay Siya para sa mga makasalanan, at para lamang sa mga makasalanan; namatay Siya para doon sa mga nararamadaman nila sa kanilang sarili na sila ay makasalanan, at hinahanap si Kristo upang patawarin sila.

Ang iyong pakiramdam ng kasalanan at ang iyong pakiramdam ng pangangailangan kay Hesus ay mga katangian na nagpapakita na ang Kanyang pagkamatay ay magpapagaling sa iyong kasalanan. Yoong mga tumitigil ng sandali upang pag-isipan ang Kanyang kamatayan, at pagkatapos ay nalilimutan ito, ay magpapatuloy na tumanggap ng walang hanggang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan, dahil tinanggihan nila ang kabayaran na ginawa ni Kristo sa Krus.

Mag-isip ng matagal at matindi tungkol riyan. Mag-isip ng matagal at matindi tungkol sa mga salita ng dakilang himno ni Topladyng “Pampalubag Loob.”

Para sa akin ay ibinigay ang walang bahid na Tupa
   Ang poot ng Kanyang ama upang pagtiisin;
Nakikita ko ang Kanyang madugong mga sugat at alam
   Na ang aking pangalan ay nakasulat roon.

Lumabas mula sa Panginoon ang Kanyang bumubulusok na dugo,
   Sa lilang mga alon ay umagos;
At bawat sugat ay nagproklamang malakas
   Ang kanyang kamangha-manghang pag-ibig sa tao.

Para sa akin ang dugo ng Tagapagligtas ay napakinabangan,
   Makapangyarihan upang magbayad;
Ang mga kamay Kanyang ibinigay sa tumutusok ng mga pako
   Ay magdadala sa akin sa Kanyang trono.
(“Pampalubag Loob.” Isinalin mula sa “Propitation” ni
     Augustus Toplady, 1740-1778; sa tono ng “At the Cross”).

Ngayon, gayon, bakit hindi ka pa nagtitiwala kay Hesus? Ano ito na pumipigil sa iyo sa pagtitiwala sa Kanya? Anong sekretong kasalanan ang itinatago mo ang pumipigil sa iyo mula sa pagtitiwala sa Kanya? Anong huwad at hanggal na hangarin ang pumipigil sa iyo mula sa Tagapaglitas? Anong takot ng pagkakawala ng isang bagay na iniisip mo ay mahalaga ang pumipigil sa iyo? Anong nakatagong dahilan ang nananatili sa iyo mula sa pagtitiwala sa Kristong nagdala ng teribleng poot ng Diyos upang iligtas ka mula sa paghahatol? Itapon ang mga kaisipang iyan sa likuran mo – at magtiwala sa “Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Naghihintay Siya para sa iyo. Huwag mong patagalin pa. Magtiwala sa Kanya ngayong gabi. Ang silid ng pagsisiyasat ay bukas para doon sa mga humihiling na mahanap Siya, at magtiwala sa Kanya, at maligtas sa pamamagitan Niya.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pampalubag Loob.” Isinalin mula sa “Propitiation”
(ni Augustus Toplady, 1740-1778; sa tono ng “At the Cross”).


ANG BALANGKAS NG

PAMPAGLUBAG LOOB!

(PANGARAL BILANG 11 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

(Lucas 16:23; Mga Taga Roma 3:25; 8:32;
Mga Gawa 2:23; Juan 3:16)

I.   Una, binugbog Siya ng Diyos, Isaias 3:10a; Mateo 26:31; Marcos 14:27;
Lucas 22:44.

II.  Pangalawa, inilagay Siya ng Diyos sa pagdaramdam,
Isaias 53:10b; Juan 6:38.

III. Pangatlo, ginawa ng Diyos ang Kaniyang kaluluwa na pinkahandog para sa
kasalanan, Isaias 53:10c; Isaias 53:9-10a; Mga Taga Roma 8:32;
I Ni Pedro 2:24; II Mga Taga Corinto 5:21; Juan 1:29.