Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KABALINTUNAAN NG LIBING NI KRISTO

(PANGARAL BILANG 10 SA ISAIAS 53)

THE PARADOX OF CHRIST’S BURIAL
(SERMON NUMBER 10 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-7 ng Abril taon 2013

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig” (Isaias 53:9).


Ilang mga pangaral ang iyong narinig tungkol sa libing ni Kristo? Hindi pa ko nakarinig ng kahit isa, kahit na nangangaral na ako ng 55 mga taon at nasa simbahan ng 59 mga taon. Hindi ko matandaan kailan man nagbabasa ng isang sermon patungkol sa libing ni Kristo! Dapat ay nakarinig tayo ng mas higit pa. Sa katapusan, ang kanyang libing ay hindi di importante. Sa katunayan ito ang pangalawang punto ng Ebanghelyo!

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

Iyan ang unang punto ng Ebanghelyo.

“At siya'y inilibing” (I Mga Taga Corinto 15:4).

Iyan ang pangalawang punto ng Ebanghelyo.

Paano natin maipapangaral ang Ebanghelyo kung hindi natin kailan nababanggit ang pangalawang punto nito? Ngunit, gayon, ngayon mayroong ilang kaunting buong mga pangaral na naka sentro sa una o pangatlong punto alin man sa dalawa! Iyan ang isa sa pinaka matinding kahinaan ng makabagong pangangaral. Dapat nating gawin ang Ebanghelyong sentral. Dapat nating tratuhin si Kristo ng mas higit na respeto, at bigyan Siya ng Kanyang nagbabayad na gawa ng mas matinding kabantugan sa ating pangangaral.

Marami ang pumapanaghoy sa katunayan na mayroong bahagyang kahit anong matinding pangangaral ngayon. Lubos akong sumasang-ayon. Mayroong napaka kaunting pangangaral ngayon, napaka kaunti talaga! Ngunit bakit iyan totoo? Ito’y higit sa lahat dahil mayroong napaka kaunting pangangaral ng Ebanghelyo. Ang mga pastor ay “nagtuturo sa mga Kristiyano” imbes na ipinangangaral ang Ebanghelyo sa nawawala, kahit na ang kanialng mga simbahan ay literal na napupuno ng mga nawawalang mga tao! “Moral na mga pangangaral” sa mga tinawag na “mga Kristiyano” ay di kailan man maisaalang-alang na dakilang pangangaral! Kapag si Kristo ay hindi ang sentral, ang pangangaral ay di kailan man tunay na dakila!

Ang kaalaman ng Ebanghelyo ay mas higit na kaysa pagkakaalam ng mga katunayan tungkol kay Kristo. Ang tunay na kaalaman ng Ebanghelyo ay ang kaalaman kay Kristo Mismo. Sinabi ni Hesus,

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo” (Juan 17:3).

Sinabi ni George Ricker Berry na ang salitang isinalin na “makilala” sa bersong iyan ay ang “makilala…sa karanasan” (isinalin mula sa Ang Griyego-Ingles na Bagong Tipang Leksikon). Upang maging isang tunay na Kristiyano dapat mong makilala si Kristo sa karanasan. Ang isang simpleng kaalaman ng katunayan ay hindi magliligtas sa iyo. Dapat mong malaan ang Kanyang pagkamatay para sa ating mga kasalanan sa karanasan. Dapat mong makilala ang Kanyang pagkalibing sa karanasan. Dapat mong makilala ang Kanyang muling pagkabuhay sa karanasan. Iyan ang daan tungo sa kaligtasan. Iyan ang daan tungo sa walang hanggang buhay.

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo” (Juan 17:3)..

Kung hindi ka pa nagkaroon ng mga karanasang ito, umaasa ako na nagawa kitang maramdamang balisa. Dahil walang pagtatanong kung ika’y isang tunay na Kristyano, dahil hindi mo naranasan ang tunay na pagbabagong loob. Kailangan kang magulo at mabalisa hanggang ang iyong isipan ay mabago, bumagsak sa paa ni Hesus at mahanap ang tunay na kaligtasan sa Kanya lamang.

Upang makilala si Kristo, dapat kang magpunta sa Krus, at tumingin sa pananampalataya sa Kanya na napako sa krus upang magbayad para sa ating mga kasalanan. Dapat ka ring bumaba sa puntod ni Kristo sa pananampalataya at maging

“[malibing] na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan” (Mga Taga Roma 6:4a),

dahil ito’y nasa pagkakamatay kasama Niya na tayo ay bumabangon upang “tayo'y makalalakad sa panibagong buhay” (Mga Taga Roma 6:4b).

Kung gayon tayo ay mapupunta sa ating teksto upang matutunan ang tungkol sa Kanyang pagkalibing, upang atin itong maranasan kasaman Niya.

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig” (Isaias 53:9).

Mahahanap natin na sa bersong ito ang kabalintunaan ng libing ni Kristo, ang maliwanag na kontradiksyon, ang palaisipan nito. At tapos mahahanap natin ang sagot sa palaisipan.

I. Una, ang kabalintunaan ng Kanyang libing.

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan …” (Isaias 53:9).

Sa panahon ni Krisyo, ang “masama” ay ang mga kriminal. Ang “mayaman” ay isinaalang-alang na karespe-respeto. Paano gayon ang Kanyang libing ay maging kasama ng masama at sa parehong beses maging “kasama ng mayaman sa kanyang kamatayan”? Ito’y lumito sa matatandang Hudyong mga taga kumento. Ito’y isang kabalintunaan, isang tilang kontradiksyon, sa kanilang mga isipan.

Ngunit ang suliraning ito ay nalulutasan sa Ebanghelyo ni Juan. Si Hesus ay namatay sa krus sa pagitan ng dalawang magnanakaw, isa sa Kanyang kanan at isa sa Kanyang kaliwa. Sila’y tinukoy sa ating teksto bilang “ang masama.” Si Hesus ay namatay muna, habang ang dalawang mga magnanakaw ay nanatiling buhay ng ilang oras.

“Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda [para sa Pasober], upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath … ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon” (Juan 19:31).

Sinira ng mga kawal ang mga binti ng dalawang magnanakaw. Ito’y ginawa upang hindi nila maitulak ang kanilang sarili upang huminga at, kaya, mamatay ng mabilis. Ngunit noong sila’y napunta kay Hesus, nakabitin sa sentro ng krus, patay na Siya. Isa sa kanila ay tinusok ang Kanyang tagiliran gamit ng isang sibat upang gawin ang Kanyang pagkamatay na tiyak. Tubig at Dugo ay bumuhos, nagpapakita na Siya’y namatay na mula sa pagtigil ng puso.

Hindi Siya nghari sa isang trono ng garjng,
   Namatay Siya sa krus ng Kalbaryo;
Dahil doon mga makasalanan binilang
     Niya lahat inari Niya ngunit nawawala,
   Ngunit pinagmasdan Niya ang
Kanyang kaharian mula sa isang krus.
   Isang magaspang na krus ang naging Kanyang trono,
Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
     Isinulat Niya ang Kanyang pag-ibig sa krimsong pula,
At isinuot ang mga trono sa Kanyang ulo.
(“Isang Korona ng mga Tinik.” Isinalin mula sa
      “A Crown of Thorns” ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).

Ngunit mayroong nangyaring di inaasahan. Dalawang napaka prominenteng tao ang nagpunta sa harap upang angkinin ang katawan ni Hesus. Sila ay sina Jose ng Arimatea, isang mayamang lalake, at isang miyembro ng Hudyong Sanhedrin, at si Nikodemus ang pinuno ng mga Hudyo, na dumating ng mas maaga kay Hesus sa gabi (isinalin mula cf. Juan 3:1-2). Pareho silang naging sekretong mga disipolo, ngunit ngayon sila’y lumabas sa bukasan sa unang pagkakataon. Kanilang inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay upang gawin ito. Sinabi ni Dr. McGee,

Huwag tayong masyadong maging kritikal sa mga kalalakihang ito. Nanatili silang nasa likuran ngunit, ngayon na ang mga disipolo ng Panginoon ay lahat nagkalat tulad ng tupa at nagpuntang palihim, ang dalawang mga kalalakihang ito ay lumabas sa bukasan (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Mula sa Puno Hanggangsa Dulo ng Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson, 1983, kabuuan IV, p. 494).

Kinuha ni Jose ng Arimatea at Nikodemus ang katawan ni Hesus. Si Jose ay isang mayamang tao at inilagay niya ang katawan ni Hesus sa kanyang bagong libingan,

“Na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis” (Mateo 27:60).

Gayon ang kabalintunaan ng pagkalibing ni Kristo ay ipinaliwanag. Oo, ginawa Niya ang Kanyang libingan kasama ng mga malulupit, at ang Kanyang kamatayan sa krus sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Ngunit Siya ay inilibing “at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan” (Isaias 53:9), sa isang libingan ng isang mayamang lalake. Naranasan ni Kristo ang kamatayan ng isang masamang tao, ngunit Siya ay binigyan ng isang karespe-respetong libing kasama ng mayayaman. Ipinapakita nito na ang pagkahiya ng ating Panginoon ay patapos na. Ang Kanyang katawan ay hindi itinapon sa isang karaniwang libingan kasama ng dalawang magnanakaw. Ito’y inilagay upang mamahinga ng may respeto at dangal na nararapat sa Kanya, sa libingan ng isang mayaman at karespe-respetong lalake. At sa pamamagitan ng kabalintunaan na ito, na madalas ay nagpatuliro sa matatandang mga rabay na inaral ito, ang ating teksto ay ginawang malinaw.

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan” (Isaias 53:9).

Ngunit mayroong isa pang dahilan kung bakit ginawa ni Kristo ang Kanyang libingan kasama ng mga malulupit at ng mayayaman. Gaya ng sinabi ko, inisip ng mga Hudyong mga tao na ang mga criminal at mga sumisira ng batas bilang “masasama,” at inakala nila ang “mayaman” bilang mga karespe-respetong mga tao. Ang katunayan na “ginawa [ni Hesus] ang kanilang libingan” kasama ng dalawa sa mga grupong ito ay nagpapakita na ang matatandang mga rabay ay mali sa paghihiwalay ng “masama” sa “mayaman.” Sila’y di dalawang grupo sa anomang paraan. Ang parehong grupo ay mga makasalanan.

At iyan ay totoo rin ngayon. Mga karespe-respetong mga makasalanan ay kapantay noong tinatawag nilang “masama.” Habang ako’y umupo upang isulat ang bahaging ito ng pangaral isang tagabenta sa telepono ang tumawag sa akin, humihingi ng donasyon para sa isang “konserbatibong” ministro. Sinabi ng mananawag, “Alin sa mga sumusunod ang sa tinggin mo ay ang pinaka importanteng isyu na humaharap sa Amerika – aborsyon, pagkabigong suportahan ang Israel, o ang parehong kasariang pagkakasal?” Sinabi ko, “Wala sa mga iyon. Ang pinaka mahalagang isyu na humaharap sa Amerika ay ang katunayan na ang ating mga pastor ay hindi nangangaral sa kasalanan ng kanilang mga miyembro ng simbahan.” Anong ibig kong sabihin? Ibig kong sabihin na ang aborsyon, ang parehong kasariang pagpapakasal at pagkabigong suportahan ang Israel ay mga simtomas, hindi ang aktwal na karamdaman, kundi ang simtomas lamang ng karamdaman. Maari mong pagsikapang lunasan ang mga simtomas, ngunit hindi ito magbibigay ng nagtatagal na kabutihan hangga’t iyong gawan ng paraan ang pinagsasaligang karamadaman. At ang karamdaman ay kasalanan – kasalanan na pumapatay sa parehong liberal at konserbatibo; kasalanan na sumisira sa parehong Demokratiko at Republikano; kasalanan na pumipinsala sa parehong “masama” at “mayaman.”

Ang kasalanan ay namamalagi sa puso. Ang puso ng tao ay mali, hindi lang ang kanyang panlabas ng mga pagkilos. Pinanghahawakan ng kasalanan ang kanyang pinaka loob na mga kaisipan at mga hangarin. Ang iyong makasalanang puso ay nagsasabi sa iyong mag-isip ng tungkol sa mga bagay na mali. Tapos ang iyong makasalanang kalikasan ay nagpapakilos sa iyong magrebelde laban sa Diyos at magkamit ng kasalanan na iyong pinag-iisipan. Kasalanan ay nangingibabaw sa iyong panloob na buhay at nagdadala sa iyong magrebelde laban sa kapangyarihan, na magrebelde laban sa Diyos. Ang rebelyon ng iyong puso laban sa Diyos ay napaka lakas na wala sa mga bagay na magagawa mo ang makapagbabgo nito, o makasisira ng panghahawak nito sa iyo. Dapat kang madala sa isang lugar kung saan masasabi mo kasama ng Apostol, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24). Kapag sa gayon lamang na iyong maiintindihan ang kahalagahan ni Hesus ginagawa ang Kanyang libing kasama ng “masama” at ng “mayaman” – “sa kanyang kamatayan.” Ano mang pinanggalingan ang mayroon ka, si Kristo ay namatay at inilibing upang ang iyong kasalanan ay parehong mapatawad, at maalis. Gaya ng paglagay nito ni Dr. J. Wilbur Chapman sa isa sa kanyang mga himno, “Inilibing, Kanyang binuhat ang aking kasalanan papalayo” (“Isang Araw” Isinalin mula sa “One Day” ni Dr. J. Wilbur Chapman, 1859-1918). Si Kristo lamang ang makapagpapatawad ng iyong kasalanan! Si Kristo lamang ang makapagbabago ng iyong magpagrebeldeng puso ng kasalanan!

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan” (Isaias 53:9).

II. Pangalawa, ang kabalintunaan ay ipinaliwanag.

Ang pangalawang hati ng ating teksto ay nagpapakita kung bakit si Kristo, kahit namamatay na walang dangal kasama ng mga magnanakaw, ay inilibing sa dangal at respeto. Magsitayo at basahin ang pangalawang hati, simula sa mga salitang, “bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas…” (Isaias 53:9).

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig” (Isaias 53:9).

Maari nang magsi-upo.

Ibinibigay nito ang dahilan para sa karangal-rangal na libing ni Kristo. Ang karangalang ito ay naibigay sa Kanya dahil hindi siya gumawa ng pangdadahas; o pinsala sa kahit sino. Hindi Siya nagkakasala ng opresyon o pagnanakaw, pamamatay ng tao o kalupitan ng kahit ano. Hindi Siya kailan man nagpakilos ng nagkakagulong mga tao, o nagsimula ng kahit anong kaguluhan laban sa gobyerno ng Hudyo man o Romano. Wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. Hindi Siya kailan man nagturo ng huwad ng doktrina. Hindi Siya kailan man nanlinlang ng tao, gaya ng inaakusa sa Kanya. Iyon ay isang walang hiyang kasinungalingan. Hindi Siya sumubok na alinsin ang kahit sino mula sa tunay na pagsasamba ng Diyos. Madalas Niyang ipinagpatibay at nirespeto ang batas ni Moises, at ang mga propeta. Hindi Siya kaaway ng kanilang relihiyon o ng kanilang bansa. Sa katunayan, hindi Siya nagkasala ng kahit anong kasalanan. Sinabi ng Apostol Pedro na si Kristo ay,

“hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya [panlilinlang] ang kaniyang bibig” (I Ni Pedro 2:22).

Sinabi ni Dr. Young, “Si [Kristo] ay binigyan ng marangal na libing pagkatapos ng kanyang walang dangal na kamatayan dahil sa kanyang ganap na pagkainosente. [Dahil] hindi Siya kumilos tulad ng mga criminal na kaaway, hindi nararapat sa kanyag tumanggap ng [isang] kahiya-hiyang libing kasama nila, kundi isang marangal na libing kasama ng mayaman.”

Ipinapaalala nito sa akin si Ginoong Winston Churchill, na pinili ang isang marangal na libing katabi ng kanyang ama sa isang probinsyang bakuran ng simbahan, kaysa anong isinaalang-alang niyang mas maliit na marangal na libing kaysa kasama ng mga kaaway ng kanyang ama, at sarili niyang mga kaaway, kasama ng mga taong nagtaksil sa Inglatera, gayon ay inilimbing na may matinding karangyaan at seremonyas sa Westminister Abbey, sa kabila ng kanilang pagkilos ng mapagtaksil na pagpapayapa sa mukha ni Hitler at ng kanyang Nazi pamamahala. Kahit na si Churchill ay hindi muling naipanganak muling Kristiyano, siya ay isang tao ng dangal.

Si Hesus, siyempre, ay ang pinakadakilang taong nabuhay kailan man. Oo, Siya ay naging at ay isang tao, “Ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5). Ang Kanyang kadakilaan ay nakasalalay sa katunayan na ibinigay Niya ang Kanyang buhay ng maluwag sa Kanyang kalooban upang magbayad para sa ating mga kasalanan sa paningin ng Diyos Ama. Maikling panahon bago Siya ipinako sa krus, sinabi ni Hesus,

“Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan” (Juan 15:13).

Isang magaspang na krus ang naging Kanyang trono,
   Ang Kanyang kaharian ay nasa mga puso lamang;
Isinulat Niya ang Kanyang pag-ibig sa krimsong pula,
   At isinuot ang mga trono sa Kanyang ulo.

At ngayon, aking kaibigan, anong gagawin mo kay Hesus na tinatawag na Kristo? Gaya ng paglagay nito ni C. S. Lewis, mayroong dalawang posibleng tugon – “Maari mo Siyang duraan at patayin Siya gaya ng isang demonyo; o maari kang bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siya Panginoon at Diyos.” Alin ito para sa iyo? Ang nag-iisang pangatlong mapipili ay ang huwag Siyang pansinin ng lubusan, at magpatuloy sa iyong buhay na para bang ang Kanyang sakit at pagdurusa ay walang ibig sabihin. Nararamdaman ko ang higit na pagdurusa para doon sa mga nagtratrato sa Tagapagligtas na may ganoong kawalan ng dangal. Panalangin ko na ika’y hind imaging isa sa kanila. Sila iyong mga tinatawag ni T. S. Eliot na “Mga Guwang nga mga Tao” [“The Hollow Men”] – na nabubuhay lamang para sa kasiyahan ng sandali. Oo, panalangin ko na ika’y hind imaging isa sa kanila, dahil sila’y magkakaroon ng napakalalim na lugar sa Impiyerno.

Kung sakaling malimutan ko ang Gethsemani;
   Kung sakaling malimutan ko ang Iyong paghihirap;
Kung sakaling malimutan ko ang Iyong pag-ibig,
   Dalhin ako sa Kalbaryo.
(“Dalhin Ako sa Kalbaryo.” Isinalin mula sa
     “Lead Me to Calvary” ni Jennie E. Hussey, 1874-1958).

Panalangin ko na ika’y magpupunta kay Hesus, magtiwala sa Kanya ng iyong buong puso, at dumaan mula sa kamatayan sa buhay sa tunay na Kristiyanong pagbabagong loob.

Magsitayo tayong lahat. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo’y makapag-uusap. Gg. Lee, halika at manalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 53:1-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng mga Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993)/
“Dalhin Ako sa Kalbaryo.” Isinalin mula sa
“Lead Me to Calvary” (ni Jennie E. Hussey, 1874-1958).


ANG BALANGKAS NG

ANG KABALINTUNAAN NG LIBING NI KRISTO

(PANGARAL BILANG 10 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig” (Isaias 53:9).

(I Mga Taga Corinto 15:3-4; Juan 17:3;
Mga Taga Roma 6:4)

I.   Una, ang kabalintunaan ng Kanyang libing, Isaias 53:9a; Juan 19:31;
Mateo 27:60; Mga Taga Roma 7:24.

II.  Pangalawa, ang kabalintunaan ay ipinaliwanag, Isaias 53:9b;
I Ni Pedro 2:22; I Ni Timoteo 2:5; Juan 15:13.