Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ISANG PAGLALARAWAN NG PAGBABAYAD

(PANGARAL BILANG 9 SA ISAIAS 53)

A DESCRIPTION OF THE ATONEMENT
(SERMON NUMBER 9 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-7 ng Abril taon 2013

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya” (Isaias 53:8).


Sa mas naunang berso sinabi sa atin ni Isaias ang tungkol sa pagkatahimik ni Kristo,

“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).

Sinabi ni Dr. Edward J. Young, “Sa pagdidiin ng pagkatahimik ni Kristo sa Kanyang paghihirap, ang propeta ay nagbibigay ng isang mas detalyeng paglalarawan ng paghihirap na iyon” (isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ni Isaias [The Book of Isaiah], Eerdmans, 1972, kabuuan 3, p. 351).

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya” (Isaias 53:8).

Ang berso ay natural na naghihiwalay sa tatlong mga punto nilalarawan ang (1) Paghihirap ni Kristo (2) Ang henerasyon ni Kristo, at (3) Ang bikaryong pagbabayad ni Kristo para sa ating mga kasalanan.

I. Una, ang berso ay nagbibigay ng isang paglalarawan paghihirap ni Kristo.

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay” (Isaias 53:8).

Si Kristo ay nadakip sa Hardin ng Gethsemani. Siya ay dinakip ng mga kawal ng templo sa punong saserdote. Dinala nila Siya sa harap ni Caiaphas, ang mataas na saserdote, at sa harap ng Sanhedrin, ang Hudyong mataas na korte. Siya ay isinumpa sa korteng ito ng mga huwad na mga saksi. Sinabi ni Hesus,

“Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit” (Mateo 26:64).

Tapos sinabi ng mataas na saserdote,

“Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila [ng Sanhedrin] at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan. Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba” (Mateo 26:66-67).

“Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay”       (Mateo 27:1).

Ngunit wala silang legal na kapangyarihan sa ilalim ng Romanong batas upang gawin ito, at kaya,

“siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay Pilato na [Romanong] gobernador” (Mateo 27:2).

Kwinestyon ni Pilato si Hesus,

“nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
      (Mateo 27:26).

Gayon,ang bahaging ito ng ating teksto ay natupad,

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya [sa harap ng mataas na saserdote, at tapos sa harap ni Pilato]… siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? [sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus]” (Isaias 53:8).

Ang pagkabilanggo ni Hesus ng Hudyong Sanhedrin at ni Pilato ay tumupad sa mga salitang, “Dinala siya.” Ang mga paglilitis sa harap ni Caiaphas, at tapos sa harap ni Pilato, ay tumupad sa pariralang, “at kahatulan.” Siya’y dinala sa kapighatian at kahatulan sa isang burol na tinawag na Kalbaryo, kung saan Siya ay ipinako at namatay sa Krus, kung gayon tinutupad ang pariralang, “Siya’y nahiwalay sa lupain ng buhay.”

Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771),

Siya’y dinala sa pamamagitan ng kapighatian at paghahatol; iyan ay, na ang kanyang buhay ay kinuha sa isang biyolenteng ayos, sa ilalim ng isang pagkukunwari ng hustisya; habang [tunay] ang [pinaka malubhang] kawalan ng katarungan ay ginawa sa kanya; isang maling pagsakdal ay dinala laban sa kanya, mga huwad na mga saksi ay [sinulsulan upang gumawa ng isang huwad na panunumpa, kung gayon nagkakamit ng pagsira ng banal na pangako laban sa Kanya], at ang kanyang buhay ay kinuha ng malulupit na mga kamay [gaya ng pagkabigay] sa Mga Gawa 8:32, [“Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan; At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya, Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig”]. Sa kanyang pagkahiya ang kanyang kahatulan ay kinuha: [hindi] siya [tumanggap] ng karaniwang hustisiya (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan V, pah. 314).

Gaya ng sinasabi ng ating teksto,

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya … siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay …” (Isaias 53:8).

II. Pangalawa, ang teksto ay nagbibigay ng isang
paglalarawn ng henerasyon ni Kristo.

Sa gitna ng teksto ay isang sugnay alin ay medyo mahirap ipaliwanag,

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay…” (Isaias 53:8).

“Tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita?” Sinabi ni Dr. Gill na ang pariralang ito ay tumutukoy sa “panahon [o henerasyon kung saan Siya ay nabuhay], at ang mga tao nito kung saan nabuhay siya, na ang kanilang kabangisan sa kanya, at kalupitan sila ay nagkasala, ay mga ganoon na gaya ng hindi madeklarang [lubos] sa pamamagitan ng bibig, o [lubos] na inilarawan sa pamamagitan ng panulat ng tao” (Isinalin mula kay Gill, ibid.). Nagdadala ito ng luha sa ating mga puso, kapag ating nabababasa ang kalupitan at kawalan ng katarungan nila sa hindi nakapipinsalang Anak ng Diyos! Gaya ng paglagay nito ni Jospeh Hart (1712-1768) sa kanyang nakalulungkot na himno,

Tignan kung gaano ka pasensya ni Hesus na nakatayo!
   Na-insulto sa teribleng lugar na ito!
Ginapos ng mga makasalanan ang
   Makapangyarihang mga kamay,
At dumura sa mukha ng kanilang Tagapagligtas..

Ang Kanyang sentido dumadanak ng dugo
   At nalaslas ng mga tinik,
Nagpapadala ng pagdaloy ng dugo sa lahat ng bahago;
   Ang Kanyang likuran nalatigo
Dahil sa mabigat na paghahampas,
   Ngunit mas matulis na paghahampas
Ng pumunit sa Kanyang puso.

Naipakong nakahubad sa isinumpang kahoy,
   Nakalatay sa lupa at langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
   Isang malungkot na pagpapakita ng nasugatang pag-ibig!
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion”
      ni Joseph Hart, 1712-1768; binago ng Pastor sa tono ng
        “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).

Sinabi ni John Trapp (1601-1669) “Sinong makapaghayag o larawan ng kanyang henerasyon? [Sinong makalalarawan] ng kalupitan ng tao noong mga panahon na iyon na nabuhay siya?” (isinalin mula kay John Trapp, Isang Kumentaryo sa Lumang Tipan at Bagong Tipan [A Commentary on the Old and New Testaments], Transki Publications, 1997 inilimbag muli, kabuuan 3, p. 410).

Mahirap ipaliwanag, sa makataong kondisyon, bakit ang mga Hudyong mga pinuno ay gustong ipako sa krus si Hesus, at kung bakit ang mga Romanong kawal ay, “sinaktan […] ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan…at siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus” (Marcos 15:19-20).

“At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin” (Mga Gawa 13:28).

Gaya ng pagkalagay nito ni John Trapp, “Sinong makapaghayag o larawan ng kanyang henerasyon?... ang kalupitan ng tao noong mga panahon iyon na nabuhay siya.”

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay…” (Isaias 53:8).

Sinabi ni Dr. Young, “Ang pandiwang [gumunita] ay nagpapahiwatig ng meditasyon o pagbibigay ng seryosong pag-iisip sa isang bagay…Dapat nilang isinaalang alang [ang ibig sabihn ng Kanyang kamatayan], ngunit hindi nila ito ginawa” (isinalin mula kay Young, ibid., pah. 352).

Paano itong mas iba ngayon? Milyon milyong mga tao ay narinig ang kamatayan ni Hesus sa Krus na hindi nagbibigay ng seryosong pag-iisip nito. “Dapat nilang isinaalang-alang, ngunit hindi nila ito ginawa.” Sinong nag-iisip ng malalim patungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo? Paano ikaw? Gumugugol ka ban g oras nag-iisip patungkol sa kamatayan ni Kristo at anong ibig nitong sabihin sa iyo?

“Sino sa kanila…ang gumunita […] tungkol sa kaniyang lahi?...ang kalupitan ng tao noong mga panahong iyon na nabuhay siya,” sabi ni John Trapp. At gayon ang mga taong nagpako sa krus kay Hesus ay tunay na napaka pareho sa di napagbagong loob na mga tao ngayon. Ang mga tao ngayon ay hindi gustong mag-isip ng seryoso tungkol sa kahalagahan ng kamatayan ni Kristo. Noong ang “Pasyon ni Kristo” [“The Passion of the Christ”] ay unang lumabas sa mga teatro maraming mga tagakumento ay nagsabi na ang pelikula ay magkakaroon ng malalim na epekto doon sa mga nakakita nito. Sinabi nila na ito’y magsisiklab ng isang muling pagkabuhay ng interes sa Ebanghelyo. Ang ilan sa kanila ay nagsabi na ito’y magsasanhi ng malalaking pulong ng mga kabataan na magpunta sa mga simbahan.

Ang pelikula ay lumabas noong 2004. Iyan ay siyam na taon nakalipas. Nagkaroon tayo ng maraming oras upang makita kung ang mga taga kumento ay tama. Ang teribleng katotohanan ng paghihirap ni Kristo na ipinakita sa pelikula ay nagkaroon ng psikolohikal na epekto sa maraming nakakita nito. Ngunit makikita na natin ngayon na hindi ito gumawa ng nagtatagal na impresyon doon sa mga nakakita nito. Sila’y bumalik agad sa kanilang makasarili at makasalanang buhay.

Kita mo, iyan ang pinaka diwa ng kasalanan. Ang mga di napagbagong loob ay makararanas lamang ng maliit na kalungkutan sa paghihirap ni Kristo. Ngunit sa kabutihang palad, ito’y isa lamang bahagyang pagdadalang sisi. Sila’y bumabalik agad sa “pagsasaliksik ng internet” ng maraming oras, sa kanilang kasakiman para sa mas maraming pera, ang kanilang walang diyos na buhay, ang kanilang walang katapusang paglalaro ng videyo, di nagpupunta sa simbahan tuwing Linggo, nag-iisip ng napaka kaunti patungkol sa Diyos na gumawa sa kanila, at ang Kristong nagdusa sa Krus upang iligtas sila. “Sinong makapaglalarawan ng kanyang henerasyon?” Bakit, ang henerasyon na nabuhay noong si Kristo ay napako sa krus ay ang kapareho ng iyong henerasyon! Sila’y isang kumpol ng mga nagmamahal sa sariling, walang diyos na mga kasumpa-sumpa, na nabuhay para sa walang mas tataas kaysa makasalanang kasiyahan. At hindi ba iyan isang ganap na larawan ng iyong henerasyon rin? At, kung ika’y tunay na tapat sa iyong sarili, hindi ba iyan rin ay isang ganap na paglalarawan mo? Gaano karaming oras ang iyong ginugugol sa pag-iisip patungkol sa Diyos?

Gaano karaming oras ang iyong ginugugol sa pagdadasal bawat araw? Gaano naapektuhan ang iyong buhay ng dumurugong pagpapako sa krus ni Kristo? Kung ika’y tapat sa iyong sarili, iniisip ko na dapat mong sabihin na ika’y di masyadong iba mula sa henerasyon na tumangi kay Kristo, ipinako Siya, at lumakad upang dalhin ang sarili nilang makasariling buhay. Iyan ang diwa ng kasalanan. Iyan ang pinaka kalikasan ng kasalanan. Iyan ay nagpapatunay na ikaw ay isang makasalanan, at na ikaw ay sa kashing nagkasala noong mga sa panahon ni Kristo. Kahit na ika’y nagpupunta rito sa simbahan kada Linggo, mayrong ka lamang “na may anyo ng kabanalan” (II Ni Timoteo 3:5). Hindi ba iyan totoo sa iyo? Hindi ba iyan totoo na ika’y “ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios”? (Mga Taga Roma 3:23). At dahil ang lahat ng mga bagay na iyan ay totoo sa iyo, paano ka makatatakas mula sa poot at paghahatol ng Makapangyarihang Diyos? Sinabi ni Rev. Iain H. Murray sa kanyang aklat sa buhay ni Dr. Matryn Lloyd-Jones,

      Para kay Dr. Lloyd-Jones na ipangaral ang tunay na panganib ng kasalanan ng tao sa harap ng Diyos ay nangangahulugang ipangaral ang katiyakan ng banal na poot, poot na nasa di napagbagong loob at darating palang upang parusahan ang kasalanan sa impiyerno…ang lugar na iyon kung saan ‘Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy’ (isinalin mula kay Iain H. Murray, Ang Buhay ni Martyn Lloyd-Jones [The Life of Martyn Lloyd-Jones], The Banner of Truth Trust, 2013, p. 317).

III. Pangatlo, inilalarawan ng teksto ang mas
malalim na kahulugan ng paghihirap ni Kristo.

Mag-sitayo at basahin ang Isais 53:8 ng malakas, nagbibigay ng mainam na atensyon sa huling sugnay, “dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.”

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya” (Isaias 53:8).

Maari nang magsi-upo.

Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger,

Sa loob ng labin pitong siglo [ang Mesiyanikong interpretasyon ng Isaias 53] ang nag-iisang interpretasyon sa mga Kristiyano [at] mga Hudyong may kapangyarihan. [Maya-maya ang mga Hudyo] ay sadyang inabanduna ang pananw na iyan ng kapitulo dahil sa kamangha-manghang katuparan nito kay Kristo (isinalin mula kay Unger, ibid., p. 1293).

Ngayon maraming mga Hudyong eskolar ang nagsasabi na ang buong limampu’t tatlong kapitulo ng Isaias ay tumutukoy sa paghihirap ng Hudyong mga tao, hindi ni Kristo. Kahit na ang mga Hudyo ay naghirap ng lubos sa kamay ng mga huwad na mga Kristiyano , hindi ito maaring ang tunay na kahulugan ng ating teksto, dahil simple nitong sinasabi, “Dahil sa pagsalangsang [ang kasalanan] ng aking bayan ay nasaktan siya” (Isaias 53:8). Patungkol sa sugnay na ito, “Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya,” sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Namatay siya para sa ‘aking mga tao’ – iyan ay Israel – ipinapakita na [si Kristo] sa pasaheng ito ay hindi Israel, gaya ng pinanindigan ng maraming” (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tagapagtanggol ng Pang-aral ng Bibliya [The Defender’s Study Bible], Word Publishing, 1995, p. 767). Gayon ang tunay na kahulugan ay hindi ang Hudyong mga tao ay nasaktan, kundi si Kristo ay nasaktan sa kanilang lugar, para sa kanilang kasalanan, upang bayaran ang multa para sa kanilang kasalanan, at para sa atin. Siya ay ipinako sa krus upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan! Sinabi ni Dr. John Gill, “Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya,” ay maisasabuhay sa mga Hudyo at sa mga napiling mga Kristiyano – nagpapakita na si Kristo ay nasaktan ng pareho para sa mga kasalanan ng Israel at para sa mga kasalanan ng “kanyang mga tao” na mga Kristiyano (Isinalin mula kay Gill, ibid., p. 314). Sa palagay ko inilalabas ni Dr. Gill ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang iyon,

“Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya”
       (Isaias 53:8).

Si Kristo ay “nasaktan” sa Krus upang magbayad ng mga kasalanan ng Kanyang mga tao, sila man ay Hudyo o Gentil. Ang kanyang kamatayan ay pakikipagpalit, ang pagkamatay ni Kristo upang magbayad para sa ating mga kasalanan. Ito’y pakikipagsuyo, tinatalikod ang galit ng Diyos mula sa makasalanan.

Ngunit mayroong isang kondisyon. Para kay Kristong maging epektwal na magbayan para sa iyong kasalanan, dapat kang magtiwala sa Kanya sa pananampalataya. Ang kasalanang pagbabayad ni Kristo sa Krus ay hindi magliligtas sa kahit sino na nabibigong magtiwala kay Hesus. Ito lamang ay kapag ika’y sumuko kay Hesus na ang iyong mga kasalanan ay naiaalis mula sa talaan ng Diyos sa pamamagitan ng Dugo ng Tagapagligtas.

Maari mong malaman ang lahat ng mga katunayan sa bersong ito at maging nawawala pa rin. Ang mga demonyo ay mayroong lubos na kaalaman ng mga bagay na ito, ngunit hindi ito nagliligtas sa kanila. Sinabi ng Apostol Santiago, “ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” (Santiago 2:19). Ang mga demonyo ay mayroong lamang “pang ulong kaalaman” tungkol sa pagbabayad ni Kristong kamatayan. Dapat kang lumayo pa kung gusto mong maligtas. Dapat mong aktwal na sumuko kay Kristo at magtiwala sa Kanya. Dapat kang mapagbagong loob sa pamamagitan ng pagkilos ng biyaya ng Diyos, o ika’y mapupunta sa Impiyerno kasama ng iyong mga namemoryang mga kaisipan tungkol sa Kanyang pagpapako sa Krus.

Pakinggan si Dr. A. W. Tozer habang siya’y magsalita laban sa “desisyonismo,” at sumasang-ayon sa tunay na pagbabgong loob. Sinabi ni Dr. Tozer,

Ang buong transaksyon ng relihiyosong pagbabagong loob ay ginawang mekanikal at walang espiritu. Ang pananampalataya ay ngayon magagamit na hindi bahagyang bukas sa moral na buhay at na walang kahihiyan sa Adamikong sarili. Maari “tanggapin” si Kristo na hindi lumilikha ng espesyal na pag-ibig para sa Kanya sa kaluluwa ng tumatanggap (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Ang Pinakamagaling ni A. W. Tozer [The Best of A. W. Tozer], Baker Book House, 1979, pahina 14).

“Ang buong transaksyon ng relihiyosong pagbabagong loob ay ginawang mekanikal at walang espiritu” – at, aking idag-dag ito’y madalas na walang Kristo! Ang mga “desisyonita” ay simpleng gusto kang magsabi ng isang madaliang panalangin, mabinyagan, at matapos na. Madalas ang kamatayan ni Kristo at muling pagkabuhay ay hindi halos nababanggit. Madalas ang mga ito’y naiiwang lubos! Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Ang itinuturo ng Bibliya ay na dapat mong maramdaman ang pagkakasala ng kasalanan, at mahanap na wala kang daan palabas mula sa kasalanan at ang mga kinahihinatnan nito imbes na pagpupunta kay Kristo, inilalatag ang iyong sariling walang magawa sa harap niya, at pagtitiwala sa Kanya mula sa pinaka loob na kailaliman ng iyong katauhan. Tapos, at tapos lamang, na iyong malalaman sa karanasan na ibig sabihin ng propetang Isaias noong sinabi niya,

“Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya”
       (Isaias 53:8)

Kapag ika’y magtitiwala kay Hesu-Kristo sa pananampalataya, ang Kanyang Dugo ay maglilinis ng lahat ng iyong kasalanan at ika’y mapagbabagong loob – ngunit hindi bago nito na ito’y mangyayari. Hindi, hindi kailan man bago ito mangyari! Dapat kang magtiwala kay Hesu-Kristo kung gusto mong maligtas!

Magsitayo tayong lahat. Kung gusto mong makipag-usap sa amin patungkol sa pagtitiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon na at magpunta sa likuran ng awditoryum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid kung saan makakausap ka namin tungkol sa pagsusuko kay Kristo at pagiging nahugasan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo! Gg. Lee, magpunta ka at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 53:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” (ni Avis B. Christiansen, 1895-1985).


ANG BALANGKAS NG

ISANG PAGLALARAWAN NG PAGBABAYAD

(PANGARAL BILANG 9 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya” (Isaias 53:8).

(Isaias 53:7)

I.    Una, ang berso ay nagbibigay ng isang paglalarawan paghihirap ni
Kristo, Isaias 53:8a; Mateo 26:64, 66-67; 27:1-2, 26;
Mga Gawa 8:32.

II.  Pangalawa, ang teksto ay nagbibigay ng isang paglalarawn ng
henerasyon ni Kristo, Isaias 53:8b; Marcos 15:19-20;
Mga Gawa 13:28; II Ni Timoteo 3:5; Mga Taga Roma 3:23.

III. Pangatlo, inilalarawan ng teksto ang mas malalim na kahulugan ng
paghihirap ni Kristo, Isaias 53:8c; Santiago 2:19.