Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KATAHIMIKAN NG TUPA (PANGARAL BILANG 8 SA ISAIAS 53) THE SILENCE OF THE LAMB ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7). |
Laging nakakasayang marinig ang mga huling salita ng mga Kristiyanong martir. Naitataas ang ating mga pusong madinig ang kanilang mga salita habang namamatay. Si Polycarp ay isang mangangaral noong pangalawang siglo. Sa Ingles ang kanyang pangalan ay Polycarp, sa Latin ito ay Polycarpus. Si Polycarp ay isang estudyante ni Apostol Juan. Maraming taon maya-maya siya ay tumayo sa harap ng isang paganong hukom, na nagsabing, “Ikaw ay isang matandang lalake. Hindi kailangan na ikaw ay mamatay…Sumumpa ka at ika’y aking pakakawalan. Ano bang mawawala sa iyo kung sasabihin mo ang ‘Panginoong Caesar,’ at mag-alay ng insenso? Sumumpa ka kay Caesar at maligaya kitang pakakawalan. Ikaila mo si Kristo at ikaw ay mabubuhay.”
Sumagot si Polycarpus, “Walongpu’t- anim na taon ko Siyang pinaglingkuran, at hindi Niya ko kailanman ginawan ng masama. Paano ko manunungayaw ang Hari kong nagligtas sa akin?” Sinabi ng hukom, “Ipapakain kita sa apoy.” Sumagot si Polycarpus, “Ang apoy na iyong ipinanakot ay nakakasunog ngunit isang oras ay nakapapawi. Hindi mo ba alam na ang apoy na darating sa hatol ay panghabang-buhay na kaparusahan na inilapag para sa mga masasama [nawawala]? Ngunit bakit mo ipinapatagal? Halina, at gawin mo ang gustohin mo.”
Dito ipinadala ng gobernador ng lalawigan ang kanyang tagapagpauna sa arena upang ihayag ng malakas sa madla, “Kinumpisal ni Polycarp ang sarili bilang isang Kristyano!” “Sunugin siya ng buhay!” hiniyaw ng paganong karamihan. Isang apoy ay inihanda. Nilapitan ng tagabitay si Polycarp upang ipako siya sa tulusan. Mahinahong sinabi ng biktima, “Iwan mo ako bilang ako. Siya kung sinong magtutupad sa aking magtiis sa apoy ay mahahayaan akong manatili sa siga ng hindi nagagalaw, ng walang katibayang inaasahan ninyo mula sa mga pako.”
Pagkatapos itinaas ng mangangaral ang kanyang boses sa dasal, pinupuri ang Diyos na “dahilan niya ng pagkarapat na ikamatay.” Ang apoy ay sinindihan at isang pliyego ng apoy ang sumiklab pataas sa kanya. Noong hindi nalagas ang kanyang katawan sa mga liyab, isang tagabitay ang sumaksak sa kanya gamit ang isang panaksak. Kaya natapos ang buhay ni Polycarpos, pastor sa Smyrna at mag-aaral ni Apostol Juan (tignan ang pinagsalinang isinulat ni James C. Hefley, Mga Bayani ng Pananampalataya [Heroes of the Faith], Moody Press, 1963, pp. 12-14).
Nagpahayag si Spurgeon ng tungkol kay “Jane Bouchier, ang ating malwalhating Bautismong martir…noong siya ay dinala sa harap nina Cranmer at Ridley,” dalawang obispo ng Simbahan ng Inglatera, kung sino ay kinondena ang Bautismong ito na sunugin sa tulusan, na sinasabi sa kanya na ang pagsusunog ay isang madaling kamatayan. Sinabi niya sa kanila, “Ako ay isang tunay na lingkod ni Kristo gaya ninyo; at kung ilalagay ninyo ang abang kapatid sa kamatayan, mag-ingat at baka pakawalan ng Diyos ang lobo ng Roma sa inyo, at kailanganin din ninyong magdusa para sa Diyos.” Siya ay tumama, dahil parehong lalake ay minartir hindi katagalan ang lumipas! (tignan ang isinaling isinulat ni C. H. Spurgeon, “Lahat ng Kasapatan Pinalaki [“All-Sufficiency Magnified”], The New Park Street Pulpit, kabuuan VI, pp. 481-482).
Kahit na magkalayo ng maraming siglo, si Polycarp at Jane Bouchier ay gumawa ng matitinding mga salaysay ng pananampalataya noong sila ay sinunog sa tulusan. Gayon man hindi ito ginawa ng Panginoong Hesu-Kristo noong siya ay tinakot sa pamamagitan ng pagpapahirap at kamatayan! Oo, nakausap Niya ang mataas na saserdote. Oo, nakausap Niya ang Romanong gobernador na si Pilato. Ngunit noong dumating ang oras sa Kanya na hampasin halos sa kamatayan at pagkatapos ay ipinako sa isang Krus, ang mga salita ng propeta Isaias na naglalarawan sa kamangha-manghang bagay na Siya noon ay tahimik!
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Wala ni isang salita ang binigkas niya habang binubugbog Siya! Wala ni isang salita ang binigkas Niya habang ipinapako Siya sa Krus! Tayo na at magpunta sa ating teksto at uminom ng malalim mula rito sa pamamagitan ng pagtatanong ng tatlong tanong at pagsagot sa mga ito.
I. Una, sino itong taong tinatawag na Hesus?
Sino itong binanggit ng propetang, sinasabing,
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig …”? (Isaias 53:7).
Sinasabi sa atin ng Bibliya na Siya ay ang Panginoon ng luwalhati, ang Pangalawang Tao ng Banal na Santisima Trinidad, Diyos Anak sa katawang tao! Gaya ng sinasabi ng kredo, “pinka Diyos ng pinaka Diyos.” Hindi kailanman dapat nating isipin na si Hesus ay isang pulos na taong guro o isang pulos na propeta! Hindi Siya nag-iwan ng puwang na isipin natin Siya sa ganitong hanganan, dahil sinabi Niya,
“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).
Muli sinabi ni Hesus,
“Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya” (Juan 11:25).
Kung ibang tao ang nagsabi ng mga bagay na iyan tatawagin natin siyang dilusiyonal, sinapian ng demonyo, nalinang, nagdedeliryo o nababaliw! Ngunit noong sinabi ni Hesus na Siya at ang Diyos Ama ay iisa, at noong sinabi Niya, “Ako ang pagkabuhay na magmuli at ang kabuhayan,” at mga salitang tulad niyan, tayo’y napapatigil at, masmalala kesa sa atin, nakakapagtaka kung hindi pala Siya tama pagkatapos ng lahat!
Kahit na hindi ako palaging sumasang-ayon kay C. S. Lewis, paanong kahit sino sa atin ang hindi sasang-ayon sa kanyang tanyag na pahayag tungkol kay Hesu-Kristo? Sinabi ni C. S. Lewis,
Sinusubukan ko ritong pigilan ang sino mang nagsasabi ng hangal na bagay na madalas sabihin ng tao tungkol sa Kanya: “Handa na akong tanggapin si Hesus bilang isang dakilang guro ng kabutihan, ngunit hindi ko tanggap ang pag-aangkin Niyang Siya ay Diyos.” Iyan ang isang bagay na hindi dapat natin sasabihin. Ang isang tao na pulos na isang tao at nagsabi ng ganoong mga bagay ay sinabi ni Hesus na hindi maging isang dakilang guro ng gawang kabutihan. Siya man ay maging isang luko-luko – sa antas ng isang taong nagsasabing siya ay isang minamalasadong itlog – kung hindi Siya ay isang Diablo ng Imperyno. Kailangan kang pumili. Maging ang taong ito ay naging, at ay, ang Anak ng Diyos: o isang baliw o mas malala pa. Maari mo Siyang sarhan bilang isang ulol, o maari mo Siyang luraan at patayin bilang isang demonyo; o maari kang bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siyang Panginoon at Diyos. Ngunit huwag tayong pumunta sa kahit na anong pagkakandili kabalastugan tungkol sa Kanyang pagiging isang dakilang taong guro. Hindi Niya iyan iniwang bukas sa atin. Hindi Niya ito tinangkang gawin (isinalin mula sa isinulat ni C. S. Lewis, Ph.D., Simpleng Kristiyanismo [Mere Christianit]y, Harper Collins, 2001, p. 52).
“Maari mo Siyang luraan at patayin bilang isang demonyo; o maari kang bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siyang Panginoon at Diyos…Kailangan kang pumili.”
Dahil sinabi ni Hesus,
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Iyan na! Hindi mo maaring paghaluin si Hesus sa Budismo o Hindoismo o Islam sa simpleng dahilan na “hindi […] iyan iniwan ni [Hesus] na bukas sa atin. Hindi Niya ito tinangkang gawin.” Iniwan tayo ni Kristo ng walang mga pagpipilian. Sinabi Niya, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” “Maari mo Siyang luraan at patayin…o maari kang bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siyang Panginoon at Diyos…Kailangan kang pumili.” Ito’y isa o ang iba. Walang tunay na walang pinapanigan patungkol rito! Maari kang magkunwari, ngunit hindi sila kailan man walang pinapanigan. “hindi […] iyan iniwan niyang bukas sa atin.”
II. Pangalawa, bakit nakaligtaan nitong taong si Hesus na ipagtanggol
ang Sarili sa harap noong mga nagpahirap at pumatay sa Kanya?
Bakit
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig”? (Isaias 53:7).
Sinabi ng dakilang siyentipikong si Albert Einstein, kahit na hindi isang Kristiyano,
Walang makababasa ng [apat] na mga Ebanghelyo ng walang pagdarama ng tunay na piling ni Hesus. Ang kanyang katauhan ay tumitibok sa bawat salita. Walang kathang isip ang puno ng ganyang buhay (isinalin mula sa isinulat ni Albert Einstein, Ph.D., Ang Sabado ng Gabing Paskil [The Saturday Evening Post], Ika-26 ng Oktuber taon 1929).
Gayon man noong Siya ay hinampas at ipinako wala Siyang sinabi! Bakit nakaligtaang iligtas ni Kristo ang Kanyang Sarili doon sa mga bumugbog sa Kanya at pumatay sa Kanya? Ang ateistang Pranses na pilosopong si Rousseau ay nakalapit sa sagot sa tanong na iyan noong sinabi niyang,
Kung si Sokratis ay nabuhay at namatay gaya ng isang pilosopo, si Hesus at nabuhay at namatay gaya ng isang Diyos (isinalin mula sa isinulat ni Jean-Jacques Rousseau, Pranses na pilosopo, 1712-1778).
Hindi ipinagtanggol ni Hesus ang Sarili dahil ang pinaka layunin Niya sa pagbaba sa lupa ay ang maghirap at mamatay. Isang taon bago Siya ipinako ginawa Niya itong malinaw.
“Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw” (Mateo 16:21).
Sinasabi ng Ang Bagong Tipang Isinabuhay na Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary],
Kakukumpisal lang ni Pedro na si Hesus ay ang Kristo, ang Mesias, ang Anak ng buhay na Diyos [Mark 8:29]. Ngunit hindi naintindihan ni [Pedro] kung ano ang ipinunta ni Kristo sa lupa. Nag-isip siya katulad ng ibang mga Hudyo, sa makatuwid, na si Kristo ay dumating upang maging isang haring lupa. Samakatuwid, noong sinabi ni Hesus na kailangan [Niyang] maghirap ng maraming bagay at… mamatay, hindi ito matanggap ni Pedro. Sinaway niya si Hesus sa pagsasabi ng bagay na iyon. Sinabi rin ni Hesus na pagkatapos ng tatlong araw [Siya] ay babangong muli. Alam ni Hesus na, hindi lang Siya mamamatay, ngunit Siya na rin ay babangon mula sa kamatayan sa pangatlong araw. Hindi ito naintindihan ng mga disipolo (isinalin mula sa isinulat ni Thomas Hale, Ang Bagong Tipang Isinabuhay na Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary], Kingsway Publications, 1996, pp. 260-261).
Ngunit dapat nating intindihin na. Sinabi ng Bibliya,
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Timoteo 1:15)
sa pamamagitan ng Kanyang kamatayn para sa ating mga kasalanan sa Krus, at sa pamamgitan ng Kanyang pagbubuhay ng muli, na nagbibigay sa atin ng buhay. Hindi nagsalita si Hesus at ipinagtanggol ang Sarili noong Siya ay hinampas at ipinako dahil gaya ng sinabi Niya kay Pilato, “Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan” (Juan 18:37).
III. Pangatlo, ano ang sinasbi ng teksto sa atin tungkol sa
tahimik na paghihirap ni Hesus?
Maaring magsitayo at basahin ang Isaias 53:7 ng malakas ng isa pang beses.
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Maari ng magsiupo.
“Siya'y napighati.” Sinabi ni Dr. Young na ito ay maisasalin na, “[Pinabayaan] niya ang sariling mapighati.” “Sa pagiging pighati siya ay kusang-loob na naghihirap…Walang pagtatanggol sa sarili o protesta ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi maaring mabasa ng sinuman ang [hulang ito] ng walang pag-iisip ng katuparan, noong bago ng hatol ni Pilato ang tunay na Lingkod ay hindi sumagot ni isang salita. ‘Noong siya ay nilait, nilait siyang muli’ [Noong siya ay naghirap hindi siya nagtangka]” (isinalin mula sa isinulat ni Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ni Isaias [The Book of Isaiah], Eerdmans, 1972, kabuuan 3, pp. 348-349).
“Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo? At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador [ay nagulat ng matindi]” (Mateo 27:13-14).
“At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote. At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo. Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato [ay nagulat at namangha]” (Marcos 15:3-5).
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Sa Isaias 53:7 si Kristo ay kinumpara sa isang tupa. Sa Lumang Tipan, nagdala ang mga tao ng mga tupa upang katayin para iaalay sa Diyos. Upang maihanda ang isang tupa para sa pag-aalay kailangang kulasin ito, ginugupit ang lahat ng lana. Ang tupa ay nakatayong tahimik habang ito ay kinukulasan. Gaya ng pang-alay na tupa ay tahimik noong ito ay kinulas at kinatay, “gayon ma’y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Kimupara rin ni Juan Bautista si Hesus sa isang pang-alay na tupa noong sinabi niyang,
“Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
Kapag lumapit ka kay Hesus sa pananampalataya, ang Kanyang alay sa Krus ang nagbabayad sa lahat ng iyong mga kasalanan, at ikaw ay tatayo ng walang sala sa harap ng Diyos. Ang sala mo ay naalis sa pamamagitan ng Kanyang pagkamtay sa Krus.
Si David Brainerd, ang tanyag na misyonaryo sa mga American Indian, ay ipinahayag ang katotohanang ito sa lahat nga dako ng kanyang pangangasiwa. Habang nangaral siya sa mga Indian, sinabi niya, “Hindi ako kailanman nakalayo mula kay Hesus at Siyang ipinako. Natuklasan ko na minsan na ang mga taong ito ay kinapitan ng dakilang…kahulugan ng alay ni Kristo sa ating pakandili, hindi ko kinailangang bigyan sila ng maraming tagubilin tungkol sa pagbabago ng kanilang asal” (isinalin mula sa isinulat ni Paul Lee Tan, Th.D., Ensiklopediya ng 7,700 ng mga Ilustrasyon [Encyclopedia of 7,700 Illustrations], Assurance Publishers, 1979, p. 238).
Alam ko na iyan ay totoo rin ngayon. Minsang makita mo na
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3),
at minsang ikaw ay makakuha ng kapitan sa ipinako at bumangong Tagapagligtas sa pananampalataya, ikaw ay isang Kristyano. Ang natititra ay medyo madali ng maipaliwanag at maintindihan. Kumuha ka ng kapitan kay Kristo sa pamamgitan ng pananampalataya at ikaw ay maliligtas!
Habang siya ay namamatay, sinabi ni Spurgeon na, “Ang teyolohia ko ay mahahanap sa apat na maliliit na salita – ‘Si Hesus ay namatay para sa akin.’ Hindi ko sinasabing ito lang ang lahat na ipangangaral ko kung ako ay maibabangong muli, ngunit ito ay higit pa sa sapat na ikamatay. Si Hesus ay namatay para sa akin” (isinalin mula sa Tan, ibid.) Masasabi mo ba iyan? Kung hindi, susuko ka ba sa bumangong Tagapagligtas at magtiwala sa Kanya ngayong gabi? Masasabi mo bang, “Si Hesus ay namatay para sa akin, at sumusuko ako sa Kanya at nagtitiwala sa Kanya para sa lubos na kaligtasan sa Kanyang Dugo at katuwiran”? Naway ipakaloob ka ng Diyos ng simpleng pananamapalataya upang magawa ito ngayong gabi! Amen.
Maaring magsitayo at kantahin ang himno bilang 8 sa pliyego ng kantahin, “At Maari Kaya Ito?” ( isinalin mula sa “And Can It Be?” ni Charles Wesley).
At maari kaya ito na ako’y makatamo
Ng isang hangarin sa dugo ng Tagapagligtas?
Namatay Siya para sa akin, na nagsanhi ng Kanyang kirot?
Para sa akin, na Siyang kamatayan ang humabol?
Nakamamanghang pag-ibig! Papano kaya ito,
Na ang, aking Diyos, ay mamatay para sa akin?
Nakamamanghang pag-ibig! Papano kaya ito,
Na ang, aking Diyos, ay mamatay para sa akin?
(“At Maari Kaya Ito.” Isinalin mula sa
“And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Kung ika’y nakumbinsi na mapapatawad ni Hesus ang iyong kasalanan at maligtas ang iyong kaluluwa, gusto ka naming makausap tungkol sa pagiging isang Kristiyano. Iwanan ang iyong upuan at maglakad papunta sa likuran ng silid. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid kung saan makakausap ka naming. Magpunta sa likuran ng awditoriyum. Gg. Lee halika at manalangin para doon sa mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 52:13-53:7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng mga Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).
ANG BALANGKAS NG ANG KATAHIMIKAN NG TUPA (PANGARAL BILANG 8 SA ISAIAS 53) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7). I. Una, sino itong taong tinatawag na Hesus? Juan 10:30; 11:25; II. Pangalawa, bakit nakaligtaan nitong taong si Hesus na III. Pangatlo, ano ang sinasabi ng teksto sa atin tungkol sa tahimik na |