Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGKARANIWANG KASALANAN, ANG TANGING KASALANAN, AT ANG GAMOT SA KASALANAN

(PANGARAL 7 SA ISAIAS 53)

UNIVERSAL SIN, PARTICULAR SIN,
AND THE CURE FOR SIN
(SERMON NUMBER 7 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles ng
Umaga sa Araw ng Panginoon, ika-24 ng Marso taon 2013

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).


Si Dr. Richard Land ay ang pangulo ng Katimugang Kumbensyon ng Etika at Relihiyosong Kalayaang Komisyon [Southern Baptist Convention’s Ethics and Religious Liberty Commission]. Alam ni Dr. Land na tayo ay nabubuhay sa isang kultura na kataka-takang ignorante ng saligang mga katunayan ng Kristiyanismo. Sinabi niya,

Nakabasa ako ng isang artikulo sa Time magasin tungkol sa pagkakulang ng relihiyon sa…Amerika. Isang pares ay nagpunta upang makita [ang isang ministor] pagkatapos nilang nagpunta sa isang paglilingkod, sinabi nila, “Gustong malaman ng aming binatang anak kung sino ang lalakeng nakabitin sa pandagdag na tanda.” Hindi nila alam na ito ay si Hesus at hindi nila alam na ito ay isang krus (isinalin mula sa “Ang Tao sa Pandagdag na Tanda” [“The Man on the Plus Sign”], World magasin, Ika-1 ng Agosto taon 2009, pah 24).

Nakapanlulumo na maraming mga tao ay napaka kaunti ang alam kung sino si Hesus at kung anong ginawa Niya. Karamihan sa sisi ay nakasalalay na napaka kaunting pangangaral kay Kristo Mismo sa karamihan sa ating mga simbahan. Ngunit hindi ka makapupunta sa aming simbahan kahit isang Linggo na hindi naririnig na si Hesus au namatay bilang isang kapalit para sa mga makasalanan sa Krus! Noong si Hesus ay namatay sa Krus, dinala Niya ang ating mga kasalanan at nagbayad para sa kanila. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisan tayo mula sa lahat ng kasalanan. Sinabi ni Spurgeon, “Mayroong mga mangangaral na hindi nagpapangaral tungkol sa dugo ni Hesu-Kristo, at mayroon akong isang bagay sa iyo patungkol sa kanila – huwag kailan man magpunta upang pakinggan sila! Huwag kailan man makinig sa kanila! Ang isang ministro na walang dugo ay walang buhay, at isang patay na ministro ay hindi mabuti para kahit sino” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Kalayaan Sa Pamamagitan ng Dugo ni Kristo” [“Freedom Through Christ’s Blood”], Ika-2 ng Agosto, taon 1874). Ang kaisipang dadalhin ni Kristo ang ating mga kasalanan ay nagaganap ng muli’t muli sa ika-limampu’t tatlong kapitulo ng Isaias.

“Saniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan” (Isaias 53:4).

“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).

“Ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya”
      (Isaias 53:5).

“At sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat”
      (Isaias 53: 6).

“Dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya”
      (Isaias 53:8).

“Pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

“Dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).

“Dinala niya ang kasalanan ng marami” (Isaias 53:12).

Muli’t muli sa Isaias 53 tayo ay sinabihan na kukunin ni Kristo sa Kanyang sarili mismo ang ating sala, naghihirap sa ating lugar upang magbayad ng buong multa para sa mga ito.

Ngunit ngayon, sa ating teksto, isang bagong kuro-kuro ay naibigay. Dito tayo ay sinabihan ng dahilan na si Kristo ay nangailangang maghirap, bakit sa Kristo, kahit na inosente Mismo, ay kinalangang dalhin ang sala ng tao.

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

Ang teksto ay likas na nakahati sa tatlong mga punto.

I. Una, ang karaniwang kumpisal ng kasalanan ng buong sangkatauhan.

Sinabi ng propeta,

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw…” (Isaias 53:6).

Dito mayroon tayong malinaw na salaysay hinggil sa pangkaraniwang pagkamakasalanan ng sangkatauhan. “Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw.” Ginawa iyang malinaw ni Apostol Pablo noong sinabi niyang,

“Sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios”
      (Mga Taga Roma 3:9-11).

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw,” bawat isa sa atin!

Gaya ng tupa na tumakas sa bakuran ng kautusan ng Diyos, lahat tayo ay naligaw, lahat tayo’y lumaboy palayo mula sa Diyos. Sinabi ng Apostol Pedro,

“Kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw” (I Ni Pedro 2:25).

Ang kahulugan ng Griyegong salita na ginamit ni Pedro ay lumaboy palayo mula sa katiwayasan at katotohanan, upang dayain (Strong). Iyan ang karaniwang paglalarawan ng sangkatauhan sa Banal na Kasulatan.

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw” (Isaias 53:6).

Ang tao ay kinukumpara sa isang hayop dahil binababa siya ng kasalanan – at siya ay nagiging katulad ng hayop. Ngunit tayo ay di kinukumpara sa isang matalinong hayop. Hindi, ang tao ay kinukumpara sa isang hangal na tupa.

Ikaw ay nakatira sa siyudad na ito, kaya marahil ay hindi mo alam masayado ang tungkol sa kahangalan ng isang tupa. Ngunit sa panahon ng Bibliya alam ng husto ng mga tao kung gaano kahangal ang mga tupa. Kailangan silang bantayan ng may pag-iingat ng pastol kung hindi sila ay lalaboy papalayo.

Ang mga tupa ay matalino lamang patungkol sa isang bagay – ang maligaw! Kung mayroon lamang isang butas sa bakod, mahahanap ito ng tupa at maglalaboy ito. At gayon man, sa oras na ang isang tupa ay makawala sa kulungan nito, hindi kailanman nitong susubukang makabalik. Ang tupa ay lalaboy palayo ng palayo malayo mula sa lugar ng katiwayasan. Ang tao ay pareho. Siya ay marunong kung patungkol sa paggawa ng kasamaan, ngunit hangal patungkol sa alin ay mabuti. Katulad ni Argus sa Griyegong mitolohia, ang tao ay may isang daang matang naghahanap ng kasalanan; ngunit siya ay kasing bulag ni Bartimaeus pagdating sa paghahanap sa Diyos!

Ang Apostol Pablo ay nagsalita ng karaniwang karamdaman ng kasalanan noong sinabi niyang,

“Ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan” (Mga Taga Efeso 2:12).

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

Ang mga bersong ito ay nagpapakita sa atin na ang sangkatauhan sa karaniwan ay naligaw mula sa Diyos.

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw…” (Isaias 53:6).

Dito kung gayon, sa ating teksto, ay isang karaniwang kumpisal ng kasalanan ng buong sangkatauhan. Pinapakita nito na ang lahi ng tao ay naligaw palayo mula sa Diyos tungo sa daan-daang mga huwad na relihiyon at huwad na mga doktrina, nagsasamba ng mga idolo at mga huwad na mga diyos at huwad na mga Kristo, “Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

II. Pangalawa, ang personal na kumpisal ng tanging
kasalanan ng bawat isa.

Nagpatuloy ang teksto,

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan…” (Isaias 53:6).

Ang karaniwang kumpisal ng kasalanan ng lahi ng tao ay inaalalayan ng isang personal na kumpisal ng tanging kasalanan ng bawat tao. “Tayo ay tumungo bawa’t isa sa kaniyang sariling daan.” Wala pang sa sarili niyang kagustuhan ang nagtungo sa sarili niya sa daan ng Diyos. Sa lahat ng kalagayan ang bawat isang tao ay pumili ng “kaniyang sariling daan.” Ang pinaka-puso ng kasalanan ay nakahimlay rito – sa pamimili ng ating sariling daan, sa pagtututol sa kagustuhan ng Diyos. Ginusto nating panghawakan ang sarili nating mga buhay. Ginusto nating sundin ang sarili nating mga plano. Hindi natin isusuko ang ating mga sarili sa Diyos. Hindi natin pagkakatiwalaan si Kristo at sumuko sa Kanya bilang ating Panginoon.

Ang tekstong ito ay nagpapakita na ang bawat isa ay mayroong sariling natatanging kasalanan, “kaniyang sariling daan.” Bawat lalake at babae ay mayroong pangunahing kasalanang alin ay mas iba mula sa iba. Ang dalawang batang pinalaki ng parehong magulang, ay magkakaroon ng magkaibang, kinagawiang kumukubkob na mga kasalanan. Ang isa ay magkakasala ng kinagawian sa kanyang sariling daan, ang isa sa ibang daan. “Tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan.” Ang isa ay liliko patungong kanan, at ang isa patungo sa kaliwa. Ngunit kapwang tanggi ang daan ng Diyos.

Sa panahon ni Kristo, mayroong mga maniningil ng buwis, na nabuhay sa matinding pagtutol sa kautusan ng Diyos. Mayroong mga makasalanang iniwan ang Diyos mula sa kanilang mga buhay at nagkamit ng mga kasalanan ng laman. Mayroong mga Fariseo, na hambog at banal ang tinggin sa sarili, na iniisip na masmagaling sila kaysa sa iba. Mayroon ding mga Saduseyo, na hindi naniniwala sa mga anghel o mga demonyo. Hindi sila nagkamit ng mga kasalanan ng laman. Hindi sila nabuhay ng kasing makasalanan ng mga maniningil ng buwis, o kasing mapahiin ng mga Fariseo, ngunit sila rin ay mga kalaban ng katotohanan ng Diyos sa kanilang sariling daan. Masasabi sa bawat isa sa kanilang,

“Tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan” (Isaias 53:6).

Mga ilan sa inyo ay maaring pinalaki sa isang Kristyanong tahanan, at gayon man nagkasala ka sa pamamagitan ng pagtanggi sa ilaw ng Ebanghelyo. Iyan ang iyong “sariling daan.” Ang iba ay marahil nag-iisip ng ilang natatanging kasalanan. Kapag naalala mo ito, ikaw ay malalim na nagugulo. Gayon man ilan sa inyo ay mananapa pang nasa ilalim ng isang matiyagang pakiramdam ng sala kaysa lumapit kay Kristo at maghanap ng kapatawaran at kapayapaan. Ang ilan ay nagpapatuloy at tinatanggihang magtiwala kay Kristo. “Tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan.”

Isa pang tao ay maaring magsabing, “Aking napatigas ang aking puso. Dati ay nadama ko ang sariling paniniwala ng pagkakasala at ang pangangailangan kay Kristo, ngunit ngayon ay hindi ko na alam. Ngayon ay natatakot ako na isinumpa na ng Panginoon sa Kanyang poot na hindi na ako makapapasok sa Kanyang himlayan. Natatakot ako na sumuko na ang Diyos sa akin.” Ngunit hindi mo pinaniwalaan ang ating natitirang teksto, dahil mayroong pangatlong pangkat ito. At, doon sa mga pansarang mga salita, mayroong pag-asa para sa iyo!

III. Pangatlo, ang humahaliling, bikaryong pagkamatay
ni Kristo para sa lahat ng kasalanan.

Magsitayo at basahin ang buong berso, nagbibigay ng espesyal na atensyon sa huling pangkat, “At ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.”

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

Maari ng magsiupo. Sinabi ni Dr. Edward J. Young,

Ang unang hati ng berso ay naglalapat sa unahan ng dahilan ng paghihirap ng lingkod, at ang pangalawa’y umaalalay na ang Panginoon Mismo ang nagpahirap sa lingkod sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya ng kasamaan nating lahat. Ang pandiwang [“ipinasan”] ay nangangahulugang pumalo o hampasin ng mabagsik. Ang kasamaan ng alin atin ay pinagsala ay hindi babalik para hampasin tayo gaya ng ating baka sakaling inaasahan na tama naman, ngunit manapang hampasin siya sa ating [lugar]. Ang Panginoon [Diyos] ang nagsanhi ng ating sala na humampas sa kanya…Ang sala na nauukol sa atin ang Diyos ay nagsanhing hampasin siya [iyan ay] siya ang ating kahaliling nagdala ng kaparusahan ng sala ng ating kasalanan na kinailangan...ibinigay ng pastol ang kanyang buhay para sa tupa (isinalin mula sa isinulat ni Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ni Isaias [The Book of Isaiah], Eerdmans, 1972, kabuuan 3, pp. 349-350).

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

Sa isang pangaral na pinamagatang “Ang Indibidwal na Kasalanan Inilagay kay Hesus” [Individual Sin Laid on Jesus], Sinabi ni Spurgeon,

Ito ay ang mga kasalanan ni Lot, mahalay na mga kasalanan. Hindi ko mabanggit ang mga ito, naiiba sila sa mga kasalanan ni David. Itim na mga kasalanan, eskarlatang mga kasalanan, ay yoong mga kay David, ngunit ang mga kasalanan ni David ay hindi pulos katulad ng kay Manasseh; ang mga kasalanan ni Manasseh ay hindi kapareho ng kay Pedro – nagkasala si Pedro sa pawang isang kakaibang [paraan]; at ang babae na isang makasalanan, hindi mo siya maitutulad kay Pedro, kahit na kung tignan mo ang kanyang pag-uugali ay [makukumpara] mo siya kay Lydia; maging kung maisip mo si Lydia, nakikita mo ba siyang walang [pagkakasituparan ng pakakaiba] sa pagitan niya at ang Filipong tagapamahala sa bilanggo. Lahat sila ay magkakatulad, lahat sila ay naligaw, ngunit lahat sila magkakaiba, lahat sila lumiko bawat isa sa kanyang sariling daan; ngunit…ang Panginoon [“[ay] [nagpasan] sa kaniya ng […] kasamaan nating” lahat]…Kapag ikaw ay lumapit sa dakilang ebanghelyo ng medisina, ang mahalagang dugo ni Hesu-Kristo, mayroon ka roong…kung ano dati ang tawag ng mga matatandang doktor na isang katolikon, isang pangkaraniwang medisina na alin ay tumatagpo sa lahat ng pangyayari…at naglalayo sa kasalanan sa lahat pagkakahiwalay nito ng sala na parang ito ay ginawa para sa kasalanan, at para sa kasalanang iyon lamang (isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Individual Sin Laid on Jesus,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1977 reprint, volume XVI, pp. 213-214).

Magtiwala kay Kristo. Sumuko kay Kristo. Magtiwala sa Kanya at ika’y di kailan man mahihiya, dahil “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.”

May-sala, hamak at walang tulong, ay tayo
   Walang-dungis na Tupa ng Diyos, ay Siya;
“Lubos na pananakip ng sala,” maari ba?
   Alleluya! O anong Tagapagligtas!
(“Alleluya! O anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
      “Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

Magsitayo po at kantahin ang unang berso ng himno bilang 7 sa inyong piraso ng himig.

Aking naririnig ang Iyong bumabating tinig,
   Na tumatawag sa akin, Panginoon, sa Iyo
Para sa paglilinis sa Iyong mahalgang dugo
   Na dumaloy sa Kalbaryo.
Ako’y palapit na, Panginoon! Palapit na ngayon sa Iyo!
   Hugasan mo ako, linisan mo ako sa dugo
Na dumaloy sa Kalbaryo.
   (“Ako’y palapit na, Panginoon.” Isinalin mula sa
      “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

Magtitiwala ka ba kay Hesus? Isusuko mo ba ang iyong sarili sa Kanya, sumuko sa Kanya, at magtiwala sa Kanya? Malilinis ka mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at maliligtas mula sa paghahatol sa pamamagitan ng Kanyang nakikipagpalit na sakripisyo sa Krus? Naway ipagkaloob sa iyo ng Diyos ang pananampalataya upang umasa kahy Kristo mismo, upang sumuko sa Kanya at maligtas!

Magsitayo tayong sabay-sabay. Kung gusto mong maka-usap kami tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon at lumakad patungo sa likuran ng awditoryum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid kung saan makakausap ka namin tungkol sa pagsuko kay Kristo at pagiging mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo! Gg. Lee, halika at ipagdasal mo iyong mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 52:13-53:6.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANGKARANIWANG KASALANAN, ANG TANGING KASALANAN, AT ANG GAMOT SA KASALANAN

(PANGARAL 7 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” (Isaias 53:6).

(Isaias 53:4, 5, 6, 8, 10, 11, 12)

I.   Una, ang karaniwang kumpisal ng kasalanan ng buong
sangdatauhan, Isaias 53:6a; Mga Taga Roma 3:9-11;
I Pedro 2:25; Mga Taga Efeso 2:12; 4:18.

II.  Pangalawa, ang personal na kumpisal ng tanging kasalanan
ng bawat isa, Isaias 53:6b.

III. Pangatlo, ang humahaliling, bikaryong pagkamatay ni Kristo
para sa lahat ng kasalanan, Isaias 53:6c.