Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MULA SA PAGLILIKHA SA ISANG KABAONG

(PANGARAL BILANG 75 SA AKLAT NG GENESIS)

FROM CREATION TO A COFFIN
(SERMON #75 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-17 ng Marso taon 2013

“At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito. Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto” (Genesis 50:24-26).


Ang Aklatng Genesis ay isang aklat ng mga simula. Ang pinaka salitang “Genesis” ay nangangahulugang “pagkapanganak” o “simula.” Ang mga sinunang mga rabay na nagsalin nito sa Griyego, ay tinawag itong “Genesis” dahil nagsisimula ito sa mga salitang, “Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa” (Genesis 1:1). Ang Aklat ng Genesis ay naglalarawan ng simula ng mga langit at lupa – gayon din ang simula ng halaman, hayop at taong buhay. Kaya ang Aklat ng Genesis ay ang aklat ng buhay!

Ngunit ito rin ay ang aklat ng kamatayan. Ang pinanggalingan ng kamatayan ay ibinigay. Ang teribleng mga epekto ng kamatayan ay inilarawan. Ang koneksyon ng kasalanan at kamatayan ay ipinaliwanag. Ang pang-apat ng kapitulo ng unang kamatayan ay naitala, sa pagkapatay ni Abel. Ang ika-limang kapitulo ang mga kamatayan ng mga patriyarko ng unang panahon ay natala. Sa ika-anim na kapitulo ang kamatayan ng buong lahi ng tao sa Baha, na may eksepsyon kay Noe at ang kanyang pamilya, ay isinalaysay. Ang dalawang mga temang ito ng buhay at kamatayan ay inilarawan at nakahabi sa buong Aklat ng Genesis.

Layunin ko ngayong gabi na sumentro sa kamatayan ni Jose sa ating teksto bilang isang maikling pasahe na nagpapaliwanag sa mga katotohanang iyon ng buhay at kamatayan.

“At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito. Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto” (Genesis 50:24-26).

Ang Aklat ng Genesis ay nagsisimula sa paglilikha ng buhay sa Hardin ng Eden at nagtatapos “sa isang kabaon sa Egipto” (Genesis 50:26). Ito ay kapansin-pansin na nararamdaman ko na dapat tayong magsimula sa negatibong mensahe ng kamatayan, at magtapos sa positbong mensahe ng buhay.

I. Una, malinaw na inilalarawan ng Genesis ang batas ng
kasalanan at kamatayan.

Ang Apostol ay nagsalita patungkol sa “kautusan ng kasalanan at ng kamatayan” sa Mga Taga Roma 8:2. Ang batas ng kasalanan at kamatayan ay simpleng nangangahulugan, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Mga Taga Roma 6:23). Ang batas ng kasalanan ay kamatayan sabi ng, “kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4). Ngayon iyan ang sinabi ng Diyos sa una nating mga magulang. Binalaan niya silang huwag kumain ng ipinagbabawal na prutas, “sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17). Iyan ang batas ng kasalanan at kamatayan. Sinabi ng Diyos, “Kung magkakamit ka ng kasalanan ika’y mamatay.” Ngunit hindi nila pinaniwalaan ang Diyos. Kaya sila’y kumain, at tapo say namatay!

Noong ako’y bata pa binabantayan ng aking ina ang isang maliit na batang lalakeng nagngangalang “Joker” kada hapon. Ang kalan ay nakabukas, at sinabi ng ni Nanay, “Joker, huwag mong ilagay ng iyong daliri sa apoy o ito’y masusunog.” Siyempre, na may isang pangalan tulad ng Joker, alam mo na ang nangyari! Inilagay niya ang kanyang daliri sa apoy at tapos ay nagsimulang sumigaw. Sinabi ni Nanay, “Sinabi ko sa iyo kung anong mangyayari.” Oo, ngunit hindi siya nakinig. Inilagay niya ang kanyang daliri sa apoy, at napaso ito. Inilalarawan nito ang batas ng kasalanan at kamatayan. Sinabi ng Diyos, “sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Hindi nila Siya pinaniwalaan. Kaya kumain sila ng prutas nito. At kaya namatay sila. Iyan ang batas ng kasalanan at kamatayan! Mayroong may isang magsasabi, “Hindi iyan patas!” Mawalang galang po, ang pagkapatas ay walang kinalaman rito! Kung ilalagay mo ang iyong daliri sa apoy ay masusunog ito. Iyan ang batas ng sanhi at epekto. Kung magtatapon ka ng isang bato sa ere at ito’y bumaba at tatamaan ka sa tuktok ng iyong uli hindi mo masasabing, “Hindi iyan patas.” Ang pagkapatas ay walang kinalaman rito! Ito ang batas ng grabidad. Kung magtatapon ka ng isang bagay paitaas, ito’y bababa! Ito ang batas. Ang parehong bagay ay totoo sa batas ng kasalanan at kamatayan. Ang kaluluwa ng nagsasala ay mamamatay. Ang ating unang mga magulang ay nagkasala, at sila’y namatay. Iyan ang batas – at hindi ito maaring masira ng mas higit kay sa sa batas ng grabidad ay maaring masira.

Ngayon ang ating unang mga magulang ay nagkasala sa Hardin ng Eden, at sila’y namatay sa Hardin. Ang batas ng kasalanan at kamatayan. Una sila’y namatay sa espiritwal, at maya-maya sila’y namatay ng pisikal dahil ang bunga ng kamatayan ay pumasok sa kanila noong sila’y nagkasala.

Kalunos-lunos, ang kanilang kasalanan ay nagdala ng kamatayan hindi lamang sa kanila, kundi sa lahat ng kanilang mga anak rin. Maaring sabihin ng mga tao, “Hindi iyan patas.” Alam kong maari nilang sabihin iyan, ngunit ang pagkapatas ay walang kinalaman rito. Ito ang batas, ang batas ng kasalanan at kamatayan. Noong isang araw nakabasa ako ng tungkol sa isang sanggol na ipinanganak na may HIV. Hindi nagkasala ang sanggol. Kundi ang nanay ang nagkasala. Kung gayon ang kanyang sanggol ay ipinanganak ng ganoon. Ang pagkapatas ay walang kinalaman rito. Ito ang batas ng kasalanan at kamatayan. Kapag ang isang tao ay nagkakasala naapektuhan nito ang iba rin. Ito’y ganyang palagi.

At ganyan ito sa buong Aklat ng Genesis, simula sa kasalanan at kamatayan ng ating unang mga magulang. Ngunit ang sumpa ng kasalanan at kamatayan ay hindi natapos rito. Sinasabi ng Bibliya,

“Sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid” (Mga Taga Roma 5:19).

Tulad ng sanggol ng ipinanganak na may HIV, lahat tayo ay “ginawang mga makasalanan” sa pamamagitan ng kasalanan ng ating mga unang mga magulang. Sinasabi ng Heidelberg Catechism na ang kalikasan ng kasalanan natin ay nanggagaling “mula sa pagbagsak at pagsuway ng ating unang mga magulang, Adam at Eba, sa Paraiso. Ang pagbagsak na ito ay lumason sa ating kalikasan na tayo ay naipapanganak na mga makasalanan – masama mula sa paggawa” (isinalin mula sa Ang Katekismo ng Heidelberg [The Heidelberg Catechism], tanong bilang pito). Sinasabi ng Bautistang Kumpisal ng 1689 ang “kasalanan” ng ating mga unang mga magulang “…ibinintang, at nagpasama kalikasan ay dinala, sa lahat ng kanilang salinlahi sa hinaharap, bumababa mula sa kanila sa pamamagitan ng ordinaryong henerasyon, na ngayon na ay napagbubuntis sa kasalnan, at sa pamamagitan ng kalikasan ng mga anak ng poot, mga alipin ng kasalanan, mga tao ng kamatayan, at lahat ng ibang mga kalungkutan, espiritwal, temporal at walang hanggan, hangga’t palayain sila ng Panginoong Hesus. Mula sa orihinal na kasamaang ito…ay lahat ng aktwal na paglabag” (Ang Bautistang Kumpisal ng Pananampalataya [The Baptist Confession of Faith], 1689, kapitulo 6:2, 3).

“Hangga’t palayin [tayo] ng Panginoong Hesus” tayo ay “mga anak ng poot, mga alipin ng kasalanan, mga tao ng kamatayan.” Sinasabi ng Bibliya,

“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 5:12).

Ipinapakita ng Aklat ng Genesis na ang bersong ito ay totoo. Ang unang anak ni Adam at Eba ay isang mamamatay tao si Cain. Siya ay ipinanganak na makasalanan dahil ang kanyang mga magulang ay nagkasalan. Ang ika-limang kapituo ng Genesis ay isang talaan ng mga kamatayan ng mga patriyarko bago ng Baha, dahil “sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao.” Sa panahon ni Noe,

“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Paano ito nangyari?

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao” (Mga Taga Roma 5:12).

Pababa sa buong Genesis ang mga patriyarka ay mga makasalanan sa kalikasan, at sila’y namatay bilang resulta ng kasalanan ni Adam. At kaya ang Genesis ay natapos, hindi sa pamamagitan ng isang tagumpay at tagumpay ng tao, kundi kamatayan bilang resulta ng kasalanan,

“Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto” (Genesis 50:26).

Ang Genesis ay nagsisimula sa Diyos na naglilikha ng buhay, at ito’y natatapos sa kasalanang nagbubungang kamatayan, at si Jose ay “inilagay sa isang kabaong sa Egipto.”

Ngayon, paano ka na-aapektuhan nito? Anong impluwensya nito sa iyong buhay? Sa katunayan, wala ng ibang bagay sa mundo na nauukol sa iyo ng higit pa! Sa una, ika’y mamamatay na pisikal bilang resulta ng kasalanan. Natatandaan ko ang unang beses na aking naisip na ako’y mamamatay. Ako’y mga walong taong gulang. Ang aking maliit na sao ay tumakbo sa kalye at nabangga ng isang kotse. Habang aking hinawakan ang kanyang mga baling katawan at mga braso naintindihan ko sa unang pagkakataon na ako rin ay mamamatay. Ito’y isang nakapayayanig na kaisipan. Tiyak ako na karamihan sa atin, natatandaan man natin ito o hindi, ay napayanig noong unang naisip na sila’y mamamatay. At kamatayan ay isang bagay na iyong pinag-iisipan isang beses o dalawa. Sinasabi ng mga Psikayatrist na ang karaniwang tao ay nag-iisip tungkol sa kanyang sariling kamatayan mas higit sa isang beses bawat gising na oras. Iyan na bilang totoo, iniisip natin ang ating sariling kamatayan mas higit sa halos kahit anong ibang bagay. Tayo ay minumulto nito. Sinusubukan natin ibahin ang pag-iisip nito. Isinasantabi natin ito. Ngunit ang ating isipan ay bumabalik rito muli’t muli’t muli. Hindi natin ito maalis sa ating isipan, anomang gawin natin. Kahit kapag tayo’y natutulog iniisip natin minsan ang tungkol sa pagkamatay. Hindi tayo simpleng makatakas mula sa pag-iisip ng pamamatay!

Kaya kita mo, kung ang kaisipan ng kamatayan ay ang nag-iisang resulta ng kasalanan, anong pambihirang epekto nito sa ating buhay. Ngunit hindi iyan ang nag-iisang resulta ng kasalanan. Mayroong maraming ibang mga epekto. Isa sa kanila ay ang madilim at masamang mga kaisipan na nagmumula sa iyong makasalanang puso. Sinabi ni Hesus, “Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip… Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao” (Marcos 7:21, 23). Hindi ko iyan kailangang patunayan sa iyo, di ba? Mas alam mo kahit kanino ang madilim at makasalanang mga pag-iisip na dumadaan sa iyong isipan, mga pag-iisip na wala kang pagpipigil sa mga ito. Hindi mo mahinto ang mga ito, ano mang gawin mo. Ito rin ay epekto ng orihinal na kasalanan, ang kasalanang kalikasan na ating namamana mula sa ating unang mga magulang.

At tapos mayroon ang kahirapan na mayroong ka sa panalangin. Siyempre! Nahahanap mo ang panalangin na mahirap, hindi ba? Hindi ito dapat mahirap. Alam mo na dapat na hindi ito mahirap. Ngunit narito ito, wala kang magagawa patungkol rito, hindi ba? Alam mo na ang isang mabuting Kristiyano ay dapat iniibig ang manalangin. At gayon hindi mo ito iniibi. Sa katunayan, harapin mo ito, tunay na kinamumuhian mong manalangin ng kahit anong haba ng oras – hindi ba?

Ngayon, nagpapakita ito ng isang napakapangit at madilim na larawan ng iyong mas loob na kaisipan hindi? Iniisip mo ang tungkol sa kamatayan. Mayroon kang mga nakahihiyang mga kaisipan. Kinamumuhian mo ang panalangin. Sa katunyan, kung kasama mo ang isang taong nananalangin ng masyadong mahaba, sa katunayan ay ito’y iyong kinamumuhian. Hindi isang napaka gandang larawan ng iyong panloob na buhay hindi ba? Sa katunyan, kung papayagan mo ang iyong isipan na pag-isipan itong ng lubos, maari mong sabihin kasama ng Apostol,

“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).

Kita mo, ang batas ng kasalanan at kamatayan ay kumulong sa iyo, o gaya ng paglagay nito ng Bibliya, “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Hindi ba ito totoo – sa espiritwal at psikolohikal, ikaw ay patay sa loob gaya ng katawan ni Jose noong ito’y “inilagay sa isang kabaong sa Egipto” (Genesis 50:26). Ngunit salamat sa Diyos, hindi tayo naiiwan rito! At dinadala tayo niyan sa pangalawang punto ng sermon ito.

II. Pangalawa, malinaw na inilalarawan ng Genesis ang
nag-iisang pag-asa ng tao.

Pakinggan muli ang unang dalawang mga berso ng ating teksto,

“At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito” (Genesis 50:24-25).

Maraming mga aral na ating matututunana mula sa mga bersong ito, ngunit maglalabas lamang ako ng isa mula sa mga ito, isang napaka simpleng: alam ni Jose na ang ating nag-iisang pag-asa ay nasa Diyos. Sinabi niya, “nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.” “Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito.” Si Jose ay may pananampalatayang maniwala na dadalhin sila ng Diyos palabas ng Egipto, sa Canaan. Ang Egipto ay isang tipo ng kasalanan at kamatayan. Ang Canaan ay isang tipo ng buhay at kaligtasan. Si Jose ay nagkaroon ng pananampalataya na dadalhin sila ng Diyos palabas ng lupa ng kamatayan, sa lupa ng pag-asa at buhay. Sinasabi ng Mga Taga Hebreo 11:22,

“Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto” (Mga Hebreo 11:22).

Hindi ako makaisip ng mas maiging paraan upang ipakita sa iyo na ang Diyos ang iyong nag-iisang pag-asa. Kung hindi tayo ililigtas ng Diyos, tayo ay nahatulan sa batas ng kasalanan at kamatayan. At dapat gawin ng Diyos ang lahat ng pagliligtas. Sinabi ni Jose, “Tunay na dadalawin kayo ng Diyos at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob” (Genesis 50:24). “Dadalhin kayo ng Diyos…palabas” ng lupain ng kamatayan sa lupain ng buhay!

Kung babasahin mo ang susunod na aklat ng Bibliya, ang Aklat ng Exodo, mahahanap mo na ginawa ng Diyos ang lahat. Ang mga tao ay nagrebelde, nagkasala, at hindi natulungan ang kanilang sarili sa anomang paraan. Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng pagliligtas. Inilabas sila ng Diyos palabas ng pagka-alipin. Inilabas sila ng Diyos palabas ng lupain ng pangako. At tinanong ng mga Disipolo si Hesus,

“Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios...” (Marcos 10:26, 27).

Gayon, anong dapat mong gawin? Sabi ng isa, “Wala akong gagawin. Uupo lang ako sa simbahan tulad ng isang umbok ng dumi at maghintay sa Diyos na iligtas ako.” Kung gagawin mo iyan, ika’y mapupunta sa Impiyerno. Mayroong isang bagay na dapat mong gawin. Sinasabi ng Bibliya,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus” (Mga Gawa 16:31).

Mananampalataya kay Hesus! Magtiwala sa Kanya – at gagawin Niya ang lahat ng pagliligtas! Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa hukay upang bigyan ka ng buhya, at iligtas ka mula sa batas ng kasalanan at kamatayan!

Sinasabi ko sa iyo ngayong gabi – maniwala sa Panginoong Hesu-Kristo! Itapon ang iyong sarili sa Kanya! Magtiwala sa Kanya! Gawin ito ngayon! Nagantay na ng matagal ng sapat! Magtiwala sa Kanya! Ililigtas na Niya! Minamahal ka Niya! Patatawarin niya ang iyong mga kasalanan! Ililigtas ka Niya mula sa paghahatol! “Ang Kanayng umiibig na kabutihan, o napaka dakila!” Gg. Griffith, halika at kantahin ang kanta muli!

Nakita Niya akong sira sa pagkabagsak,
   Gayon man iniibig ako sa kabila ng lahat;
Iniligtas Niya ako mula sa aking nawawalang kalagayan,
   Ang Kanyang umiibig na kabutihan, o napaka dakila!
Ang Kanyang umiibig na kabutihan umiibig na kabutihan,
   Ang Kanyang umiibig na kabutihan, o napaka dakila!
(“Ang Kanyang Umiibig na Kabutihan.” Isinalin mula sa
     “His Loving-Kindness” ni Samuel Medley, 1738-1799).

Kung handa ka nang magtiwala kay Hesus, magpunta sa likuran ng awditoryum na ito ngayon at dadalhin namin kayo sa isang tahimik na lugar upang mag-usap at manalangin. Magpunta na ngayon habang si Gg. Griffith ay kumakanta ng taludtod muli. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 50:22-26.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Kanyang Umiibig na Kabutihan.” Isinalin mula sa
“His Loving-Kindness” (ni Samuel Medley, 1738-1799).


ANG BALANGKAS NG

MULA SA PAGLILIKHA SA ISANG KABAONG

(PANGARAL BILANG 75 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito. Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto” (Genesis 50:24-26).

(Genesis 1:1)

I.   Una, malinaw na inilalarawan ng Genesis ang batas ng kasalanan at
kamatayan, Mga Taga Roma 8:2; Mga Taga Roma 6:23; Ezekiel 18:4;
Genesis 2:17; Mga Taga Roma 5:19, 12; Genesis 6:5; Marcos 7:21, 23;
Mga Taga Roma 7:24; Mga Taga Efeso 2:1.

II.  Pangalawa, malinaw na inilalarawan ng Genesis ang nag-iisang pag-asa ng
tao, Genesis 50:24-25; Mga Hebreo 11:22; Genesis 50:24;
Marcos 10:26, 27; Mga Gawa 16:31.