Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGHIHIRAP NI KRISTO –
ANG TUNAY AT ANG HUWAD

(PANGARAL BILANG 5 SA ISAIAS 53)

CHRIST’S SUFFERING – THE TRUE AND THE FALSE
(SERMON NUMBER 5 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, ika-14 ng Marso taon 2013

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4).


Ang unang bahagi ng ating teksto ay nagsasabi na si Hesus ay “dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan.” Ang bahagi ng bersong ito ay isinipi sa Bagong Tipan, sa Mateo 8:17,

“Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman” (Mateo 8:17).

Ang Mateo 8:17 ay mas higit na isang pagsasabuhay kaysa isang derektang siping ng Isaias 53:4. Sinabi ni Dr. Edward J. Young, “Ang pagtutukoy sa Mateo 8:17 ay angkop, dahil ang anyo rito ng karamdaman ay tumutukoy sa kasalanan mismo, ang berso ay nagsasama ng pag-iisip ng pag-aalis ng mga kinahihinatnan ng kasalanan. Karamdaman ay ang di mapaghihiwalay na kasamahan ng kasalanan” (Isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ni Isaias [The Book of Isaiah], William B. Eerdmans Publishing Company, kabuuan 3, p. 345).

Sa Mateo 8:17 ang pagtatakip ng sala ay maiaakma sa paggaling ng sakit. Ngunit kailanngan nating tandaan na ito ay isa lamang pag-aakmang ibinigay ni Mateo, at hindi ito ang pangunahing kahulugan na ibinigay sa ating teksto. “Tamang-tama na sinabi ni propesor Hengstenberg na ang lingkod [si Kristo] ay nagtataglay ng kasalanan sa mga kinahinatnan nito, at kahalubilo nilang nagtatalaga ng tanghal na lugar ang mga karamdaman at mga kirot. Dapat tandaan na sinasadya ni Mateong lumihis mula [sa mga Hudyo sa Isaias 53:4]…para pahalagahan ang bagay na si Kristo ang totoong tumaglay ng ating karamdaman” (Isinalin mula sa isinipi kay Young, ibid., pahina 345, talababa 13).

Isang maingat na pagbabasa ng apat na Ebanghelyo ay magpapakita na si Kristo ay nagpagaling ng karamdaman bilang patunay na kaya Niyang pagalingin ang kaluluwa, sa pamamagitan ng pagliligtas nito sa pagbabagong loob. Isang halimbawa nito ay makikita sa sampung mga leproso na sumigaw kay Hesus, at nagsabing, “Guro, maawa ka sa amin” (Lucas 17:13). Pinadala sila ni Hesus sa Templo para ipakita nila ang mga sarili sa mga saserdote, “at samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila” (Lucas 17:14). Sila’y pisikal na nilinis ni sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo, ngunit hindi sila naligtas. Isa lamang sa kanila ang bumalik. Nakatanggap siya ng ispiritwal na paggaling ng kanyang mga kasalanan, sa pagbabagong loob, noong bumalik siya kay Hesus, “at siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya” (Lucas 17:16). Pagkatapos ay sinabi ni Hesus sa kanya, “Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (Lucas 17:19). Tapos ay napagaling siya ng pa-ispiritwal pati ng papisikal. Nakikita natin ito sa maraming mga kahimahimalang paggaling na ginampanan ni Kristo, gaya ng pagbubukas ng mga mata ng isang bulag na lalake sa Juan, kapitulo siyam. Una ay gumaling ang pagkabulag ng lalake, ngunit naisipan niyang si Hesus ay “isang propeta” (Juan 9:17). Maya-maya’y sinabi niyang,

“Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya” (Juan 9:38).

Noon lamang na ang lalake ay naligtas.

Samakatuwid tinatapos ko na ang pisikal na paggaling ay pumapangalawa, at na ang pangunahing diin ng Isaias 53:4 ay sa ispiritwal na paggaling. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,

Ang siping ito mula sa Isaias ay malinaw na nagsasaad na tayo ay napagaling ng ating pagsasalansang at kasamaan [Isaias 53:5]. Sasabihin mo sa akin, “Sigurado ka ba diyan?” Alam kong ito ang sinasabi ng mga berso dahil sinabi ni Pedro, “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran: na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24). Napagaling ng ano? Ng mga “kasalanan.” Gingawa ni Pedrong malinaw na tungkol sa kasalanan ang sinasabi niya (isinalin mula kay McGee, ibid., page 49).

Ang paliwanag na ito ay nagbabalik sa atin sa ating teksto,

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4).

Ang berso ay angking nahihiwalay sa dalawang bahagi: (1) ang tunay na dahilan na si Kristo’y naghirap, na ibinigay sa Bibliya; at (2) ang huwad na dahilan na pinaniniwalaan ng mga nabulag na mga tao.

I. Una, ang tunay na dahilan ng paghihirap ni Kristo,
na ibinigay sa Banal na Kasulatan.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan …” (Isaias 53:4).

Ang salitang “tunay” ay nagpapakilala ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na dahilan na si Kristo’y naghirap at ang huwad na dahilan na pinaniniwalaan ng mga nabulag na mga tao. Ang “tunay,” kung gayon ay ang totoong salaysay; “gayon ma’y,” kung gayon ay ang huwad na salaysay;

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4).

Gayon din, ang mga salitang “karamdaman” at “kapangwalan” ay baka mali ang pagkaintindi. Ang Hudyong salita para sa mga “karamdaman” ay nangangahulugang mga “sakit.” Ito ay ginagamit ni Isaias bilang isang kasingkahulugan ng “kasalanan” sa Isaias 1:5-6. Ito rin ay isang kasingkahulugan ng “kasalanan” rito. Ang mga karamdaman ay tumutukoy sa sakit at karamdaman ng kasalanan. “Kapangwalan” ay tumutukoy sa “pakikiramdam ng kirot, pighati.” Kaya, “ang sakit, ang karamdaman,” ng sakit, at ang “kapangwalan, kirot at pighati” na binubunga ng kasalanan, ay ang anumang kinahulugan – ang pinaka sakit ng kasalanan ay ang kirot nito.

Pagkatapos pansinin ang salitang “nagdala” Ang kahulugan nito ay “para buhatin.” Ngunit ito ay “nangangahulugan ng mas higit pa kesa sa pagkuha [o pagbuhat] papalayo. Ang naisipan naman ay ng isang pagtataas at pagbubuhat” (Isinalin mula kay Young, ibid., p. 345). Itinataas ni Kristo ang kasalanan na maukol sa tao, itinataas ang mga ito sa sarili Niya mismo, at binubuhat ang mga kasalanang iyon papalayo. Gaya ng pagbuhat ni Kristo sa Kanyang Krus at pagbuhat nito patungo sa Kalbaryo, kaya pinupulot Niya ang kasalanan ng tao at binubuhat ito papalayo. Iyan ang ibigsabihin ng Apostol San Pedro noong sinabi niya, nauukol kay Kristo,

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24).

Gaya ng paglagay nito ng Keil at Delitzsch Kumentaryo,

Ang kahulugan ay hindi pulosan na si [Kristo] ay pumasok sa samahan ng ating paghihirap, ngunit na kinuha Niya sa sarili Niya mismo ang paghihirap alin ay kinailangan nating dalhin at nararapat lang na dalhin, at samakatuwid hindi lamang kinuha papalayo…ngunit dinala ang mga ito sa Kanyang sariling pagkatao [ang sarili Niyang katawan], na sakaling mapalaya Niya tayo mula sa mga ito. Ngunit kapag ang isang tao ay kumukuha sa kanyang sarili mismo ng paghihirap alin ay ang iba ang kailangang magdala, at samakatuwid hindi lamang sa pagtitiis nito kasama siya, ngunit sa kanyang [lugar], ang tawag dito ay pakikipagpalit (Isinalin mula kay C. F. Keil and F. Delitzsch, Kumentaryo sa Lumang Tipan sa Sampung mga Kabuuan [Commentary on the Old Testament in Ten Volumes], William B. Eerdmans Publishing Company, 1973 inilimbag muli, kabuuan VII, p. 316).

Kinuha ni Kristo ang ating mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan at binuhat ang mga ito papalayo, paakyat sa bundok ng Kalbaryo, sa Krus, at doon binayaran Niya ang halaga ng ating mga kasalanan. “Ang tawag rito ay pakikipagpalit”!!! Nagdadala ng kahihiyan at tumutuyang basyos.” Kantahin ito!

Nagdadala ng kahihiyan at tumutuyang basyos,
Sa aking lugar hinatulan Siya’y tumayo;
Tinatakan ang aking kapatawaran sa Kanyang dugo;
Alleluya! Anong Tagapagligtas!
   (“Alleluya! Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
       “Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, [siya'y] nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan” (Isaias 53:4).

Sinabi ni Dr. W. A. Criswell,

Ang pagkamatay ni Kristo sa krus ay ang bunga at resulta ng ating mga kasalanan. Sino ang pumatay sa Panginoong Hesus? Sino ang bumitay sa Prinsipe ng Luwalhati? Sino ang nagpako sa Kanya sa krus kung saan Siya ay naghirap at namatay? Sinong may sala iyon?...Kailangang masabi na lahat tayo ay mayroong ibinahagi. Ang aking mga kasalanan ay dumiin sa Kanyang kilay na korona ng mga tinik. Ang aking mga kasalanan ang naghatid ng mga bungi-bunging mga pako sa Kanyang mga kamay. Ang aking mga kasalanan ang tumulak sa sibat sa Kanyang puso. Ang aking mga kasalanan ang nagpako sa Panginoong Hesus sa puno. Iyan ang…kahulugan ng pagkamatay ng Panginoon (isinalin mula sa isinulat ni W. A. Criswell, Ph.D., “The Blood of the Cross,” Messages From My Heart, REL Publications, 1994, pages 510-511).

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan…” (Isaias 53:4).

Iyan ang tunay na dahilan ng paghihirap ni Kristo – para bayaran ang iyong mga kasalanan! Ngunit ang lahi ng tao, sa kabulagan at rebelyon, ay binaluktot ang kagandahang, nakaliligtas na katotohanan ng pakikipagpalit na pagkamatay ni Kristo sa isang kasinungalingan! Alin ay nagdadala sa atin sa punto bilang dalawa.

II. Pangalawa, ang huwad na dahilan ng paghihirap
ni Kristo, na ibingay ng mga nabulag na mga tao.

Tignan muli ang ating teksto. Magsitayo tayo at basahin ito ng sabay at malakas.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4).

Maari na kayong magsi-upo.

“Gayon ma’y ating [tayo] pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Diyos, at dinalamhati.” “Tayong,” mga taong angkan ni Adan. Nabulag ni Satanas mismo, tayo’y nagkulang na makita na ang paghihirap ni Kristo ay kahalile, na Siya ay namatay sa ating lugar, bilang ating kapalit. Ating naisipan na Siya ay isa lamang mahirap na hangal, marahil ay loko-loko o nahihibang, o, gaya ng sinabi ng mga Fariseo, “tinaglay ng isang demonyo,” kung sino ay nagdala sa Kanya sa sarili Niyang paghihirap sa pamamagitan ng pagpopoot at pag-iinit laban sa naitatag na ayos.

Gaya ng mga kaibigan ni Job, ating inakala na ang Kanyang sariling mga kasalanan at kahangalan ang nagbaba ng galit ng Diyos at ng tao laban sa Kanya. Ating inakala na Siya, sa kabutibutihan, ay isang martir na namatay para sa wala. Sa isang pagkakataon o iba pa, karamihan sa atin ay naisip na si Hesus ay masyadong radikal. Karamihan sa atin ay inaliw ang kaisipan na Kanyang pinagalit ang mga relihiyosong mga pinuno at dinala sa Kanyang sarili ang sarili Niyang kamatayan.

Hinampas? Oo, alam nating Siya ay hinampas! Sinaktan? Oo, alam nating Siya ay sinaktan! Dinalamhati? Oo, alam din natin iyan! Alam nating lahat na hinampas nila Siya sa mukha gamit ang kanilang mga kamao. Alam nating lahat na pinalo nila Siya gamit ang isang latigo. Alam nating lahat na Siya ay ipinako sa isang krus! Bawat lalake at babae at bata ay alam ang lahat ng mga bagay na iyon! Ngunit mali ang pangangatawan natin sa mga ito. Mali ang pagkatintindi natin sa mga ito. Hindi natin natanto na ang ating mga karamdaman, ay Kanyang dinala, ang ating mga kapangwalan ay Kanyang dinala! Kapag nakikita natin Siya sa ating mga isipan na nakapako sa Krus, ating naiisipan na Siya ay pinaparusahan para sa Kanyang sariling mga kasalanan at kahangalan at pagkakamali.

“Ngunit hindi! Ito ay para sa ating mga pagsasalangsang at ating mga kasamaan, nang sa gayon tayo’y sakaling magkaroon ng kapayapaan [sa Diyos], nang sa gayon tayo’y sakaling mapagaling [ng kasalanan]. Ang katotohanan ay tayo ang naligaw at ang naglakad papasok sa sariling-naisin, at ang [Diyos] ang naglugar ng ating kasamaan sa Kanya, ang walang-kasalanang kapalit” (Isinalin mula kay William MacDonald, Bibliya ng Mananampalataya Kumentaryo [Believer’s Bible Commentary], Thomas Nelson Publishers, 1995, p. 979).

Para sa ating sala binigyan Niya tayo ng kapayapaan,
Mula sa ating pagkabihag binigyan ng laya,
At sa Kanyang mga latay, at sa Kanyang mga latay,
At sa Kanyang mga latay ay nagsigaling tayo.
   (“Siya ay Nasugatan.” Isinalin mula “He Was Wounded”
        ni Thomas O. Chisholm, 1866-1960).

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati (Isaias 53:4).

Gg. Griffith paki kanta ang bersong iyon.

Iyan ba ay naging totoo sa iyo? Naisipan mo na ba na namatay si Hesus sa Krus para sa iba pang dahilan kesa sa pagdala papalayo ng iyong mga kasalanan? Kung gayon, ngayong nalalaman mo na na si Kristo ay namatay sa iyong lugar para maalis ang multa ng iyong mga kasalanan, makalalapit ka na ba sa Kanya sa simpleng pananmpalataya? Makakapagtiwala ka na ba sa Anak ng Diyos at mahugasan ng malinis mula sa bawat kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal at banal na Dugo?

Humihiling ako sa iyong alisan ang isipan mo ng bawat huwad na ideya na meron ka ukol sa Kanyang paghihirap at pagkamatay. Namatay Siya para bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay. Siya na ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Humihiling ako sa iyong magtiwala sa Kanya at maligtas mula sa iyong mga kasalanan.

Ngunit ang pagka-alam ng mga bagay na ito ukol kay Hesus ay hindi sapat. Maari mong malaman ang lahat ng mga punto iyon tungkol sa Kanyang pagkamatay at hindi pa rin maging isang Kristyano. Maari mong malaman ang katotohanan tungkol sa kahalileng pagkamatay ni Kristo sa Krus; maari mong malaman na Siya ay namatay sa lugar ng mga makasalanan, at hindi pa rin mapagbabagong loob. Kailangan kang magtiwala kay Hesu-Kristo, ang bumangong Panginoon. Dapat mo Siyang aktwal na pagkatiwalaan at sumuko sa Kanya. Siya ang daan ng kaligtasan. Siya ang pintuan ng walang hanggang buhay. Magtiwala sa Kanya ngayon, at ikaw ay agad-agad na mapatatawag at maliligtas mula sa iyong kasalanan. Kakantahin ni Gg. Griffith ang taludtod na iyon muli. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa iyong kaligtasan, magpunta sa likuran ng silid habang siya’y kumakanta.

Para sa ating sala binigyan Niya tayo ng kapayapaan,
Mula sa ating pagkabihag binigyan ng laya,
At sa Kanyang mga latay, at sa Kanyang mga latay,
At sa Kanyang mga latay ay nagsigaling tayo.

Dr. Chan paki pagdasal mo iyong mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Ni Pedro 2:21-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya ay Nasugatan.” Isinalin mula “He Was Wounded”
ni Thomas O. Chisholm, 1866-1960).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGHIHIRAP NI KRISTO –
ANG TUNAY AT ANG HUWAD

(PANGARAL BILANG 5 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4).

(Mateo 8:17; Lucas 17:13, 14, 16, 19;
Juan 9:17, 38; I Ni Pedro 2:24)

I.   Una, ang tunay na dahilan ng paghihirap ni Kristo, na ibinigay sa Banal
na Kasulatan.Isaias 53:4a, 5; I Mga Taga Corinto 15:3.

II.  Pangalawa, ang huwad na dahilan ng paghihirap
ni Kristo, na ibingay ng mga nabulag na mga tao, Isaias 53:4b.