Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO – PANDAIGDIGANG HINDI PINAHAHALAGAHAN

(PANGARAL BILANG 4 SA ISAIAS 53)

CHRIST – UNIVERSALLY DEVALUED
(SERMON NUMBER 4 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, ika-16 ng Marso taon 2013

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).


Sinabi ni Dr. Edward J. Young,

Ang kawalan ng pananampalataya na pinapakita dito ni Isaias ay ang parehong kawalan ng pananampalataya na mahahanap sa lahat ng tungkol sa atin ngayon. Ang mga tao ay nakakapagsabi ng mga kaaya-aya at mapagbigay-loob na mga bagay ukol kay [Kristo]. Kanilang pupurihin ang Kanyang mga prinsipiyong nauukol sa mabuti at matwíd na kaugalian, ang Kanyang pagtuturo, ay naghahayag na Siya ay isang mabuting tao at isang dakilang propeta, ang nag-iisang nakakalam ng mga sagot sa mga panlipunang mga problema na ngayo’y hinaharap ng mundo. Gayon man ay hindi nila, kikilalanin na sila ay makasalanan, na nararapat ng walang-hangang kaparusahan, at na ang pagkamatay ni Kristo ay kahalileng sakripisiyo, na nakapanukala para bigyang kasiyahan ang katarungan ng Diyos at mapagsundo ang isang agrabiadong Diyos sa mga makasalanan. Hindi tatanggapin ng tao ang anumang sabihin ng Diyos hinggil sa Kanyang Anak. Ngayon, rin, ang Lingkod [si Kristo] ay hinamak at tinanggihan ng mga tao, at ang mga tao ay hindi Siya pinahahalagahan. (Isinalin mula sa isinulat ni Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ng Isaias [The Book of Isaiah], William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, kabuuan 3, p. 344).

Sinabi ni Luther na ang ika-limampu’t tatlong kapitulo ng Isaias ay ang pinaka-puso ng Bibliya. Naiisip ko na siya ay tama. Kung tanggap mo iyan, puwes ang ating teksto ay kumuha ng napakalaking kahalagahan. Naniniwala ako na ang bersong ito ay isa sa mga pinakamalinaw na salaysay tungkol sa kabuuang kasiraan ng katauhan na ibinigay sa Bibliya. Sa pag-gamit ng “kasiraan” ang aming ibig sabihin ay “kabulukan.” Sa paggamit ng “kabuuan” ang aming ibig sabihin ay “lubos.” Ang mga tao ay lubusang nabulok. Gaya ng paglagay nito ng Heidelberg Katekism, ang kasiraan ng likas na tao ay dumating “Mula sa pagbagsak at paglabag ng ating unang mga magulang, na sina Adan at si Eba, sa Paraiso. Ang pagbagsak na ito ay taglay na nilason ang ating kalikasan na tayo ay ipinanganak na makasalanan – nabulok mula sa pagkabatid” (Isinalin mula sa Ang Heidelberg Katekismo [The Heidelberg Catechism], Tanong bilang pito). Ang kasiraan ng tao ay naipapakita sa pamamagitan ng hamon patungo sa Diyos,

“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios”
       (Mga Taga Roma 8:7).

Ang pagkapoot na iyan ay umaabot kay Kristo, kung sino ay ang Diyos Anak. Ipinapaliwanag kabuuang kasiraan kung bakit ang mga taga Romang mga sundalo na dumakip sa Kanya ay

“niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo”
       (Mateo 27:30).

Ipinapaliwanag ng kabuuan kasiraan kung bakit nagawa ng taga Romang gobernador na si Pilato na

“si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
       (Mateo 27:26).

Ipinapaliwanag ng kabuuang kasiraan kung bakit ang mga tao ay tumili sa Kanya at inisulto Siya habang Siya ay nakabiting namamatay sa Krus.

Ipinapaliwanag kabuuang kasiraan kung bakit, kahit ngayon,

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

I. Una, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhi sa sangkatauhan
para hamakin at tanggihan si Kristo.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao …” (Isaias 53:3).

Inilalarawan nito ang karaniwang pagtanggi kay Kristo na nakikita natin sa lahat ng paligid natin ngayon. Makikita mo ito sa harapang takip ng mga Amerikanong magasin gaya ng Time at Newsweek sa Pasko at sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga balitang peryodikong ito ay di-pabagobagong gumagawa ng isang pantakip na kwento kay Kristo sa panahon na iyan bawat Disyembre at bawat Abril. Ngunit asahan mo ako na sila ay hindi kailanman kapuri-puring mga kwento. Lagi nilang pipiliin ang isang kakaiba ang hitsurang medibal na dibuho para sa harapan ng magasin, isang larawan na gingawa si Kristong magmukhang kataka-taka at hindi napapanahon sa modernong isipan. Siyempre sadya nila itong ginagawa. Di-pabagobagong meron silang isang panakip na kwentong naisulat ng mga taong nagmula sa sukdulang gilid ng teolohikong liberalismo, mga taong tanggi si Kristo bilang ang kaisa-isang Anak ng Diyos, at ang kaisa-isang paraan ng kaligtasan. Ako’y sigurado na ang mga bagay na ito ay nakalimbag sa mga ukol sa Britanyang tabloyd, at sa mga magasin sa buong mundo. Si Kristo ay madalas bukas na tinutuligsa sa telebisyon at sa mga pelikula rin.

Sa inyong sekular na mataas na paaralan o kolehiyo, kayong mga mag-aaral na mahusay na nakakalam na ang iyong mga propesor ay hindi kailanman nagkaroon ng isang mabuting salita tungkol kay Hesus o sa Kristyanismo. Si Kristo at ang Kanyang pagtuturo ay palaging tinutuligsa at inilalagay sa baba noong mga propesor na iyon.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao” (Isaias 53:3).

Ang inyong mga kaklase sa eskwelahan, at ang inyong mga katrabaho sa inyong mga pinagtratrabahuan, ay ginagamit ang pangalan ni Kristo bilang isang sinumpang salita, at nagsasalita ng kasamaan sa Kanya sa isang halos pangaraw-araw na batayan.

Kung ikaw ay nanggagaling mula sa isang hindi-Kristiyanong tahanan, hindi ka rin masayadong makahahanap ng silungan kahit doon! Alam mo nang husto na ang iyong mga hindi-Kristiyanong mga magulang ay hinahamak at tinatanggihan ang Tagapagligtas. Marami sa inyo ay nakakaalam kung gaano kahirap nitong pagtiisan ang paninirang puri at pag-aalipusta na kanilang tinatambak kay Kristo – at sa iyo dahil sa paniniwala mo sa Kanya at pagpupunta sa isang Baptist na simbahan. Lahat ng ito ay umaagos palabas ng nanghahamong, nasirang puso ng sangkatauhan.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao” (Isaias 53:3).

II. Pangalawa, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhi
ng kalungkutan at dalamhati ni Kristo.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman …” (Isaias 53:3).

Anong nagsasanhi ng kalungkutan at dalamhati ni Kristo? Ano pa ba kundi ang hamon at pagtatanggi ng isang nawawalang mundo patungo sa Kanya?

Noong Siya ay nabubuhay sa mundo ang mga manunulat at mga Fariseo at mga mataas na saserdote ay napaka-nanghahamon sa Kanya, at kay tinding tinanggihan Siya, na sinigaw Niya sa dakilang hapis ng kaluluwa sa isang okasyon:

“Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo” (Lucas 13:34).

Si Kristo ay talagang nasira na may kalungkutan at dalamhati, talagang pababang tinimbangan sa kasalanan ng kasiraan ng sangkatauhan, na sa Hardin ng Gethsemane, ang gabi bago nila dinakip at pinako Siya,

“Ang Kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Doon dinala ng aking Diyos ang lahat ng aking sala;
   Ito sa pamamagitan ng biyaya ay mapaniniwalaan;
Ngunit ang mga takot na Kanyang naramdaman
   Ay masyadong malaki upang maisip.
Walang makatatagos sa iyo,
   Mamanglaw, madilim na Gethsemani!
Walang makatatagos sa iyo,
   Mamanglaw, madilim na Gethsemani!
(“Gethsemani.” Isinalin mula sa “Gethsemane.” ni Joseph Hart, 1712-1768;
     binago ng Pastor; sa tono ng “Come, Ye Sinners”).

Ano pa bang nagsanhi kay Kristo na maranasan ang hapis na ito sa Kanyang katawan at kaluluwa, kung hindi ang iyong kasalanan? Ano pa bang nagsanhi ng Kanyang kalungkutan at dalamhati, kung hindi ang hamon at poot ng iyong nasirang kalikasan, alin ay tinawag sa harap ang hatol ng Diyos sa Kanya, ginagawa nitong kailanganin para sa Kanya para tuyain ang iyong mga kasalanan sa Krus?

Isang Taong sa kapangwalan, anong pangalan
Para sa Anak ng Diyos na pumarito
Nasirang makasalanan para baguhin!
Alleluya! Anong Tagapagligtas!

Nagtataglay ng kahihiyan at tumutuyang basyos
Sa aking lugar hinatulan Siya tumayo;
Nakatatak ang aking kapatawaran sa Kanyang dugo;
Anong Tagapagligtas!
   (“Alleluya! Anong Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
      “Hallelujah! What a Saviour!” by Philip P. Bliss, 1838-1876).

At ano itong nasa naloob mong kalikasan ngayon na nagsasanhi ng kalungkutan at dalamhati ni Hesus, habang Siya ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit? Siya ay puno ng kalungkutan at dalamhati sa ibabaw ng bagay na ikaw, mismo, ay hinamak at tinanggihan Siya. Maari mong sabihin na iniibig mo Siya. Ngunit ang katunayan na tumatanggi kang magtiwala sa Kanya ay nagpapakita na tunay mo Siyang hinamak at tinanggihan. Maging tapat sa iyong sarili! Kung hindi mo Siya hinamak at tinanggihan, anong ibang posibleng dahilan ang naroon na pumipigil sa iyong magtiwala sa Kanya? Ang iyong pagtangging magtiwala sa Kanya ay nagsasahi sa Kanya ng matinding dalamhati at pagdurusa ngayong gabi.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman …” (Isaias 53:3).

III. Pangatlo, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhing ikubli
ng sangkatauhang ang mukha nito kay Kristo.

Tignan ang pangatlong pangkat ng teksto,

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

Sinabi ni Dr. Gill, “At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao; gaya ng isang kasuklamsuklam at nakaririmarim, gaya ng isang mayroong sama ng loob sa kanya, at poot sa kanya, gaya ng isang nangutyang tumingin sa kanya, sa paraang hamak sa kahit anong pansin” (isinalin mula sa aklat ni John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan. I, pp. 311-312).

Sa kanilang angking kalagayan ng kasiraan, ang mga tao ay pinagkublihan ng kanilang mukha kay Kristo. Maari silang, gaya ng sinabi ni Dr. Young, “magsabi ng kasiya-siya at mapagbigay-loob na mga bagay tungkol sa Kanya…[Ngunit] hindi nila, sa gayon, kinikilala na sila ay makasalanang, karapatdapat ng walang hangang kaparusahan, at na ang kamatayan ni Kristo ay isang bikaryong sakripisyo, nakapanukala para mabigyang kasiyahan ang katarungan ng Diyos at mapagsundo ang isang agrabiadong Diyos sa mga makasalanan. Hindi nila tatanggapin kung anomang sabihin ng Diyos hinggil sa Kanyang Anak” (Isinalin mula sa Young, ibid.).

Ang mga hindi-Kristyanong relihiyon alin man ay tinatanggihan si Hesus ng lubos, o kaya pinapalayas Siya mula sa pwesto ng isang pulos na “propeta” o “guro.” Sa ganitong paraan, tinatanggihan nila ang tunay na Kristo, gaya ng pagkalantad Niya sa Bibliya. Tinanggihan rin ng mga kulto ang tunay na Kristo. Tinanggihan nila ang tradisyonal na Kristyanismo at pinalit, sa lugar ng tunay na Kristo, “ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral” (II Mga Taga Corinto 11:4). Hinulaan ni Hesus ito noong sinabi Niyang, “may magsisilitaw na mga bulaang Cristo” (Mateo 24:24). Ang nag-iisang tunay na Kristo ay ang isang inilantad sa Matanda at Bagong mga Tipan. Lahat ng ibang pagkabatid kay Kristo ay mga “bulaang Cristo,” o, gaya nitong inilagay ng Apostol San Pablo, “ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral.” Ang mga Mormon ay mayroong bulaang Kristo. Ang mga Saksi ni Jehovah ay mayroong bulaan Kristo. Maraming mga ebanghelikal ay mayroon ring isang bulang “Espiritung-Kristo” ngayon, isang nostikong Kristo, gaya ng pagpapaliwanag ni Michael Horton sa kanyang aklat na Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] (Baker Books, 2008). Sa pamamagitan ng paniniwala sa bulaang Kristo kinukubli nila ang kanilnang mga mukha mula sa tunay na Kristo na inilantad sa Banal na Kasulatan.

Kahapis-hapis, na ito ay madalas na totoo kahit sa halubilo ng mga ebanghelikong Kristyano. Si Dr. A. W. Tozer, isang mataas na pinahahalagahang ebanghelikong may-akda, ay ginawa iyang puntong napaka-simple noong sinabi niyang,

      Maraming mga dakilang mga huwad na Kristo sa halubilo natin [mga ebangheliko] sa mga panahong ito. Si John Owen, ang matandang Puritan, ay binalaan ang ang mga tao sa kanyang panahon: “Mayroon kayong Kristong sa isip lamang at kung ikaw ay nasisiyahan sa isang Kristong sa isip lamang baka nasisiyahan ka rin sa kaligtasang sa isip lamang”…Ngunit meron lamang nag-iisang tunay na Kristo, at ang Diyos ay nagsabi na Siya ay Kanyang Anak…Kahit sa halubilo noong mga kinilala ang kadyosan ng Kristo ay mayroong kadalasang isang kakulangan para kilalanin ang Kanyang pagkalalake. Tayo ay madaling umoo na kapag Siya ay naglakad sa mundo Siya ay ang Diyos ng mga tao, ngunit ating tinungo ang isang katotohanang kapantay lang ng kahalagahan, na kung saan Siya ngayon ay nakaupo sa Kanyang namamagitang trono [sa taas sa Langit] Siya ay tao ng Diyos. Ang mga tinuturo ng Bagong Tipan ay iyan ngayon, sa pinaka-oras na ito, mayroong isang tao sa langit na nagpapakita sa piling ng Diyos para sa atin. Siya ay kasing siguradong lalake kagaya nina Adan at Moises o Pablo. Siya ay isang lalakeng niluwalhatian, ngunit ang Kanyang pagkaluwalhati ay hindi Siya inalisan ng taglayin ng asal tao. Ngayon Siya ay isang tao, ng lahi ng sangkatauhan.
      Ang Kaligtasan ay hindi nanggagaling sa “pagtanggap ng tapos na gawa” o “pagpapasya para kay Kristo.” [Ngunit] ito ay dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Hesu-Kristo, ang buong, nabubuhay, nagwawaging Panginoon, bilang Diyos at tao, nilabanan ang ating laban at nagwagi, tinanggap ang ating utang [ng kasalanan] at nagbayad nito, kinuha ang ating mga kasalanan at namatay sa ilalim ng mga ito at bumangong muli para palayain tayo. Ito ay ang tunay na Kristo, at wala nang iba pa ang maari. (Isinalin mula sa aklat ni A. W. Tozer, D.D., “Si Hesu-Kristo ay Panginoon” Isinalin mula sa “Jesus Christ is Lord,” Mga Hiyas Mula kay Tozer [Gems From Tozer], Christian Publications, 1969, by permission of Send the Light Trust, 1979, pp. 24, 25).

Ang angking kasiraan ng makataong puso ay nagsasanhing magkubli ng kanilang mukha ang mga hindi napagbagong loob mula sa tunay na Kristo.

“At gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao” (Isaias 53:3).

IV. Pang-apat, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhing
hindi pahalagahan ng sangkatauhan si Kristo.

Tignan ang hulihan ng ating teksto, sa berso tatlo. Magsitayo tayo at basahin ng malakas ang huling pangkat, nagsisimula sa mga salitang, “na siya’y hinamak…”

“Na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

Maari na kayong magsi-upo. Nagsasalita noong mga salitang iyon, “hindi natin siya pinahahalagahan,” sinabi ni Spurgeon, “ang prinsipe ng mga nangangaral,” ay nagsabing,

Ito dapat ang pandaigdigang kumpisal ng lahi ng tao. Mula sa pinkamataas na puno patungo sa pinakahamak [pinaka mababa] na taong bukid, mula sa pinakamatayog na nakaaalam patungo sa pinaka pinababang isip, mula sa hinahangaan ng lahat ng tao patungo sa hindi kilala at hindi importante, itong isang kumpisal ay dapat dumating: “Hindi natin siya pinahahalagahan”…Kahit ang pinakabanal na mga santo…kahit sila ay minsang “hindi siya pinahalagahan”…ng isang bese “hindi siya pinahalagahan [bago sila napagbagong loob]” (Isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Bakit Si Kristo ay Hindi Hinahalagahan,” [“Why Christ is Not Esteemed”], Ang Metropolitang Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1978 inilimbag muli, kabuuan. LIII, p. 157).

Yaong katulad na pangaral, na pinamagatang, “Bakit si Kristo ay Hindi Pinahahalagahan” [“Why is Christ Not Esteemed”] nagbigay si Spurgeon ng apat na dahilan bakit itong nawalang mundo ay nagkulang sa pagpapahalaga kay Kristo, bakit ang mga taong hind napagbagong loob ay hindi nakikita ang halaga ni Kristo, hindi nag-iisip ng mataas sa Kanya, hindi pinahahahalagahan at sinasamba Siya. Sinabi ni Spurgeon na ang mga hindi ligtas na mga tao ay hindi Siya pinahahalagahan dahil rito sa mga apat na dahilan:

(1)  Hindi mahalaga si Kristo sa mga tao dahil pinahahalagahan nila nang napakataas ang kanilang mga sarili. “Sariling-pagpahalaga,” ang sabi niya, “ang nanatili kay Hesus sa labas…at mas mashigit na tumaas ang ating sariling-pagpahalaga, mashigit na matatag na ating ikakabit [sususian] ang pinto laban kay Kristo. Ang pagmamahal sa sarili ay pumipigil sa pagmamahal ng Tagapagligtas.”

(2)  Hindi mahalaga si Kristo sa mga tao dahil pinahahalagahan nila nang napakataas ang mundo. “Hindi namin Siya pinahahalagahan dahil mahal namin ang mundo at ang lahat nitong mga kahangalan.”

(3)  Hindi mahalaga si Kristo sa mga tao dahil hindi nila Siya kilala. “Mayroong dakilang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaalam tungkol kay Kristo at pagkikilala kay Kristo mismo…Yaong mga nag-iisip ng mali tungkol kay Kristo ay kalianman hindi siya nakilala…’hindi namin siya pinahahalagahan’…dahil hindi namin siya kilala.”

(4)  Hindi mahalaga si Kristo sa mga tao dahil sila ay ispiritwal na patay. Sinabi ni Spurgeon “Hindi nakakagulat na hindi namin pinahahalagahan si Kristo, dahil kami ay ispiritwal na patay…kami ay ‘namatay sa mga labag at kasalanan,’ at, gaya ni Lazaro sa kanyang libingan, kami ay nagiging maslalong nabubulok habang ang bawat panahon ay dumaan.”


Ang mga ito ngayon, ay mga dahilan na binigay ni Spurgeon dahil sa pagtanggi ng sangkatauhan ng Tagapagligtas, dahil sa bagay na hindi nila nakikita ang halaga Niya. Ako’y nagtataka, ang tekstong ito ba ay nasasabuhay sa iyo?

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

Ang mga salita ba ng pangaral na ito’y napaisip ka tungkol sa iyong kasiraan, ang mapagmatigas na paglaban ng iyong puso kay Hesus? Naramdama mo na ba ng kaunti ang kabulukan ng iyong puso, aling tumatanggi kay Kristo at hindi Siya pinahahalagahan? Kung nararamdaman mo ang kahit ano noong kakilakilabot na kabulukang iyon sa iyong sarili, maasahan mo ako na sa biyaya ng Diyos lamang na ito’y magawa mo. Gaya ng paglagay ng matandang si John Newton,

Kamangha-manghang Biyaya! kay tamis ng tunog
   Na nagligtas ng isang abang katulad ko!
Ako’y minsa’y nawala, ngunit ngayo’y nahanap na,
   Noo’y bulag ngunit ngayo’y nakakakita

Ito’y biyaya ang nagturo sa aking pusong matakot,
   At biyaya ang nagpaginhawa sa aking takot;
Napaka mahal na nagpakita ang biyayang iyon
   Sa oras na ako’y unang naniwala!
(“Kamangha-manghang Biyaya.” Insinalin mula sa
     “Amazing Grace” by John Newton, 1725-1807).

Kung nakikita mong ang iyong mapagmatigas na puso ay hinarangan laban kay Kristo, at kung nadarama mo sa kahit anong antas ang iyong sariling kawawang kasiraan sa pagtatanggi kay Kristo, ma-isusuko mo na ba ngayon ang iyong sarili sa Kanya? Pagkakatiwalaan mo ba si Kristo na hinahamak at tinatanggihan ng mundo? Kapag iyong pagkakatiwalaan si Hesus ika’y agad-agad na maliligtas mula sa kasalanan at Impiyerno sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ng Pastor: Isaias 52:13-53:3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kamangha-manghang Biyaya.” Isinalin mula sa
“Amazing Grace” (ni John Newton, 1725-1807).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO – PANDAIGDIGANG HINDI PINAHAHALAGAHAN

(PANGARAL BILANG 4 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

(Mga Taga Roma 8:7; Mateo 27:30, 26)

I.   Una, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhi sa sangkatauhan para
hamakin at tanggihan si Kristo, Isaias 53:3a.

II.  Pangalawa, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhi ng kalungkutan
at dalamhati ni Kristo, Isaias 53:3b; Lucas 13:34; 22:44.

III. Pangatlo, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhing ikubli
ng sangkatauhang ang mukha nito kay Kristo,
Isaias 53:3c; II Mga Taga Corinto 11:4; Mateo 24:24.

IV. Pang-apat, ang lubos na kasiraan ay nagsasanhing hindi
pahalagahan ng sangkatauhan si Kristo, Isaias 53:3d.