Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI JOSE AT ANG KANYANG MGA KAPATID

(PANGARAL BILANG 74 SA AKLAT NG GENESIS)

JOSEPH AND HIS BROTHERS
(SERMON #74 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika -10 ng Marso taon 2013


Hindi ko alam kung paano ang kahit sino ay makapangangaral mula sa huling mga kaunting kapitulo ng Genesis na hindi makapagguguhit ng pagkakaparehas sa pagitan ni Jose at ni Kristo. Ang pagkakapareho ay napakahalata na ang pagkakaligtaan nito ay pagkakaligta ng isa sa mga pinaka dakilang mga kayamanan ng Bibliya.

Sa unang araw ng Pasko ng Pagkabuhay na Linggo, napaka aga ng umaga, si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Sa hapon ng parehong araw na iyon nagsalita kinausap Niya ang dalawa sa mga Disipolo sa kalye papuntang Emmaus. Mayamaya ng araw ng iyon, si Hesus ay nagpakita sa Kanyang mga Disipolo sa itaas na silid. Kumain Siya kasama nila doon, at noong ang hapunan ay tapos na, ipinaliwanag ni Hesus sa kanila ang lahat ng mga bagay sa Lumang Tipang Kasulatan patungkol sa Kanya. Noong napunta Siya sa Aklat ng Genesis Tiyak na Siya’y gumawa ng pagtukoy kay Jose; Siya’y tiyak na gumuhit ng isang pagkakaparehas sa pagitan Niya at ng anak ni Jacob, ang pinaka tulad ni Kristong tauhan sa Bibliya! Ngayong gabi ating itutuong ang ating pansin kay Jose at kanyang mga kapatid. Sa kanilang kaugnayan, inilalarawan ni Jose si Kristo bilang Tagapagligtas ng mga makasalanan.

Ngunit bago tayo mapunta roon, magbibigay ako ng isang maikling kasaysayan ng pagkakapareho ni Jose kay Hesus hanggang sa kanyang nakaharap ang kanyang mga kapatid. Tulad ni Hesus, minahal ni Jose ng kanyang ama. Tulad ni Hesus, kinamuhian siya ng kanyang mga kapatid, at kinainggitan nila. Gayon din, pinagtulung-tulungan siya, ininsulto, hinubaran, at itinapon sa isang hukay, gaya ni Hesus siya ay inilagay sa isang libingan. Ang kanyang balabal ay winisikan ng dugo at ibinigay sa kanyang amang si Jacob, gaya na ang Dugo ni Hesus ay ipinakita sa Kanyang Ama sa Langit.

Si Jose ay ibinenta bilang isang alipin sa Egipto, gaya ni Hesus walang reputasyon at ipinadala sa mundo mula sa isang ipinagbunying lugar katabi ng Kanyang Kalangitang Ama. Tulad ni Jose, ang Diyos ay kasama ni Hesus noong Siya ay dumating sa lupa, at lahat ng ginawa Niya ay umunlad. Tulad ni Jose, si Hesus ay tinukso, at gayon man ay di nagsala. Tulad ni Jose, si Hesus ay huwad na inakusahan, hindi ipinagtanggol ang Kanyang sarili, at itinapon sa bilangguan, nagdusang lubos, at nakabilang kasama ng dalawang makasalanan, ay naligtas mula sa bilangguan ng libingan sa pamamagitan ng kamay ng Diyos, ipinagbunyi sa pinakamataas na posisyon sa buong mundo, ay tatlompung taong gulang noong nagsimula Siya sa gawain ng Kanyang buhay, naging Tagpagligtas ng lahat ng mga tao, mayroong walang hangganang kayamanan upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat. Anong larawan ni Jose ipinakita ng mas maaga ng Panginoong Hesu-Kristo! Ngunit ngayon tayo ay magtutuon ng pansin sa pakiki-ugnay ni Jose sa kanyang mga kapatid – bilang isang larawan ng pakiki-ugnay ni Hesus sa mga makasalanan. Sa paggawa nito, ako’y magsasalalay ng higit sa mga pagsusulat ni Dr. I. M. Haldeman, matagal na panahong pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Lungsod ng New York. Narito ay maraming mga pagkakapareho sa pagitan ni Jose at kanyang mga kapatid, at ni Hesus at mga makasalanan.

1. Una, si Jose at kanyang mga kapatid ay nabuhay
sa isang lupa kung saan walang mais.

Paki lipat sa Genesis 42:5,

“At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan” (Genesis 42:5).

Walang makapananatili sa kanilang buhay sa kanilang bansa. Ang magpatuloy roon ay kamatayan. Kaya sinabihan ni Israel ang kanyang mga anak na magpunta sa Egipto at bumili ng pagkain doon, “upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay” (Genesis 42:2). Katulad rin, ang lahat ng mga makasalanan ay nabubuhay sa mundong ito na nagugulo ng espiritwal ng pagkagutom, sa mundong ito na walang pagkain para sa kaluluwa. Bawat nawawalang tao na nakakahanap ng kaligtasan ay unang nalalaman, tulad ng mapaglustay na anak, na mayroong “isang malaking kagutom sa lupain” – at walang kahit ano roon para sa kanya kundi “ipa na kinakain ng mga baboy” (Lucas 15:14, 16). Hangga’t maisip ng isang nawawalang tao na waang kahit ano sa mundo ito na makalulugod sa kanya at makapakakain ng kanyang kaluluwa, hindi siya magpupunta kay Hesus, na nagsabing, “Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).

2. Pangalawa, gustong bilhin ng mga kapatid
ni Jose ang kung anong kanilang natanggap.

Tignan ang Genesis 42:3,

“At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto” (Genesis 42:3).

Ang salitang “ bumili” ay nagpapakita ng limang beses sa unang sampung mga berso ng kapitulong ito. Ipinapakita nito na nagkaroon wala silang pag-iisip ng pagtatanggap ng pagkain roon ng libre. Inilalarawan nio ang isipan ng nawawalang tao. Iniisip nila na kailangan nilang tanggapin ang kanilang kaligatasan sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay upang mapalugod ang Diyos. Sinabi ng mapaglustay na anak, “gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan” (Lucas 15:19), iyan ay, ang isang tao na kumakayod para sa anong natatanggap niya. Ang mga nawawalang mga tao ay mayroong kahirapang maniwala na maari silang maligtasa na, “walang salapi at walang bayad” (Isaias 55:1). Mukhang imposible sa kanila na ililigtas sila ni Hesus kung sila’y simpleng maniniwala sa Kanya. Ganoon ito sa mga kapatid ni Jose – at sa bawat nawawalang lalake at babae. Ngunit sinasabi ng Bibliya, “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo” (Tito 3:5).

3. Pangatlo, kinailangan ng mga kapatid ni Jose na masugatan
bago sila mapaggaling.

Noong sila’y nagpunta kay Jose ang kanilang kapatid hindi nila siya nakilala. Ibinenta nila siya bilang isang alipin sa Egipto. Ngayon naahit na ang kanyang ulo, walang balbas, at nakadamit na isang taga-Egipto, at ngayon ay ang primong ministor sa lahat ng Egipto. Dahil hindi nila alam na siya ang kanilang kapatid, marahil sila’y natakot. Ngunit kahit na, sila’y nagpunta sa kanya na may pansariling katuwirang saloobin. Tapos nagsalita si Jose, “sila'y kinausap niya ng magilas” (Genesis 42:7). Pansinin kung bakit siya nagsalita ng ganoong paraan sa kanila. Sinabi nila, “Kami ay mga taong tapat” (Genesis 42:11). Ang makabagong bersyon ay nagsasalin nitong, “ Kami’y mga tapat na mga tao.” Oo nga! Tunay na mga tapat na ma tao! Ngunit mas nakalam si Jose ng mas maigi! Alam niya na halos pinatay nila siya, at nagsinungaling sa kanilang ama, nagsasabing siya’y patay na! Tunay na mga tapat na tao!

At alam ni Hesus ang lahat ng tungkol sa iyo rin! Alam Niya ang bawat kasalanan sa iyong puso, at sa iyong buhay. Hindi mo Siya malilinlang, mas higit na kanilang malinlang si Jose! “Kami ay mga tapat na mga tao,” “kami ay tapat na mga tao.” Iyan ay kailangang maalis sa kanilang isipan! Ganyan ang paraan na sisimulan ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga makasalanan. Sinusugatan Niya bago Niya pinagagaling. Nagsasalita Siyang “magilas” sa pamamagitan ng batas. Sinasabi Niya sa iyong konsensya, “Ika’y nagkasala! Ika’y isang makasalanan! Hindi ka isang tunay na tapat na tao!”

Paano tumutugon ang mga makasalanan riyan? Una pinatutunayan nila ang kanilang sarili. Ngunit sa wakas ay namamalayan ang kanilang kasalanan. Magsitayo at basahin ang berso dalawampu’t isa ng malakas,

“At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito” (Genesis 42:21).

Maari nang magsi-upo. Ang isang nawawalang tao ay dapat magawang nagkasala ng kanyang kasalanan. Dapat niyang sabihin, “Ako’y nagkasala.” Dapat siyang gawing namamalayan na siya ay hindi isang tapat na tao, hindi isang tapat na tao – iyan ay isang makasalanan! Iyan ang dahilan na ginagawang makilala mo ang iyong kasalanan ng Banal na Espiritu. Dapat kang masugatan bago mapaggaling. Dapat kang magkaroong na kahit kaunting kumbiksyon ng kasalanan – o si Hesus ay hindi mukhang kinakailangan mo!

Nagkaroon ako na maraming mga taong nagsabi sa akin sa silid ng pagsisiyasat na wala silang sapat na kumbiksyon ng kasalanan upang maligtas. Iyan ay isang napaka karaniwang pagkakamali. Sinagot itong mahusay ni Joseph Hart,

“Kung ika’y mababaalam hanggang sa ika’y mas mabuti,
Hindi ka kailan man magpupunta sa anong paraan”
   (“Magpunta Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
     “Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y mas mabuti na, o hanggang sa ika’y mayroong mas maraming kumbiksyon – hindi ka kailan man magpupunta sa ano mang paraan! Lahat ng kumbiksyon na iyong kailangan ay ang kumbiksyon na si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong kasalanan. Kung ika’y nakumbinsing sapat upang maramdaman ang iyong pangangailangan kay Hesus, maari kang magpunta sa Kanya ngayon, ngayong gabi! Ngunit kung iniisip mo na ika’y mabuting sapat kung paano ka, ika’y mamatay na hindi kailan man naliligtas!

4. Pang-apat, ang mga kapatid ni Jose ay inilagay
sa bilangguan ng ilang panahon.

Hindi ako makapupunta sa detalye ng kwento. Kailangan mong kunin ang nalimbag na kopya ng sermon sa bahay at punuin ang kwento sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pasahe sa inyong Bibliya. Ito’y sapat para sa akin na sabihin na patuloy silang trinato ni Joseng magisla upang magawa silang makita ang sarili nilang kasamaan. Tandaan, hindi pa rin nila alam na siya ang kanilang kapatid. Tignana ang berso labin pito,

“At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw” (Genesis 42:17).

Ito ang nararapat sa kanila. Minsan ang ganito tratuhin ng Diyos ang nawawalang tao, iniiwan silang nakabilanggo hanggang sa kanilang makita na walang nararapat sa kanila kundi kaparusahan. Sa pamamagitan ng pagtratratong ito sila’y nagagawang makita kung gaano kamamangha ito upang mapatawad ni Kristo. Gayon, sila’y hinamak bago sila ipinagbunyi. Sinabi ni John Newton,

Ito’y biyaya na nagturo sa aking puso upang matakot,
   At biyaya ang nagpahupa ng aking mga tao.
(“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa
   “Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).

Alam ng matandang si Newton kung anong pakiramdam upang makulong sa bilangguan, natatakot bago siya mapakawalan kay Hesus!

5. Panlima, nalaman ng mga kapatid ni Jose
ang pagkaligtas sa pamamagitan ng biyaya.

Pagkatapos na sila’y nasa bilangguan ng tatlong araw, pinakawalan sila ni Jose. Mababasa natin sa Genesis 42:25, “Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan.” Ito’y isang nakamamanghang larawan ng katunayan na ang kaligtasan ay libre! Sinasabi ng Bibliya, “sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8, 9).

Habang aking inaaral ang mga puntong ito mula kay Dr. Haldeman, nakita ko na ang mga karanasan na tulad na ito ay hindi maiintindihan ng maraming mga makabagong ebanghelikal. Dahil sa pagkalat ng “desisyonismo” ngayon, ang isang nawawalang tao ay karaniwang sinasabihan na magsabi ng isang mabilis na “panalangin ng makasalanan” at sinasabihan na siya’y ligtas! Ibinibigay ni Dr. Haldeman ang mas lumang paraan kung paano naisip ng mga ebanghelikal ang pagbabagong loob, ako’y kumbinsido na ang lumang paraan ay ang mas maiging paraan! (Tignan ang, Ang Lumang Ebanghelikalismo [The Old Evangelicalism], The Banner of Truth Trust, 2005).

Kapag ang maramdaman ng nawawalang makasalanan ang kumbiksyon ng kasalanan na ang kaligtasan sa pamamagitan ng libreng biyaya ni Kristo ay maging mukhang mahalaga! Masisigaw ng mga mga lumang mga ebanghelikal, “Nakamamanghang biyaya! napaka tamis ng tunog – na nagligtas ng isang napakasamang taong tulad ko!” o “Biyaya! ito’y isang kalugod-lugod na tunog!” o,

Biyaya, biyaya, biyaya ng Diyos,
   Biyaya na magpapatawad at malilinis ng loob;
Biyaya, biyaya, biyaya ng Diyos,
   Biyaya na mas higit kaysa sa lahat ng ating mga kasalanan.
(“Biyaya na Mas Higit Kaysa Ating Kasalanan.” Isinalin mula sa
     “Grace Greater Than Our Sin” ni Julia H. Johnston, 1849-1919).

Ngunit bihirang sumigaw ng ganyan ang mga ebanghelikal ngayon! Sa katunayan ay nakabasa ako ng tungkol sa makabagong mga ebanghelikal na nagsabing, “Anong nakamamangha tungkol sa biyaya?” Nakalulungkot! Ang kumbiksyon ng kasalanan at kaligtasan kay Kristo ay darating lamang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Walang magawang kahit ano ang makasalanan upang iligtas ang kanyang sarili. Dapat gawin lahat ng pagliligtas ni Hesus. Ang makasalanan ay nasabihan lamang na magsisi at magtiwala kay Hesus!

Walang binayaran ang mga kapatid ni Jose. Ang kaligtasan ay hindi mabibili! Tulad ni Hesus, ibinialik ni Jose ang kanilang pera at pinatawad sila. “walang salapi at walang bayad,” gaya ng paglagay nito ni Isaias! (Isaias 55:1).

6. Pang-anim natagpuan ng mga kapatid ni Jose na
hindi nila “mapatotoo” ang kanilang mga sarili!

Lumipat sa Genesis 44:16. Sila’y nasa piling ni Jose na hindi siya nakikilala. Ngayon sila’y papunta sa kanilang daan dala ang pagkain na ibinigay niya sa kanila. Ngunit ipinadala ni Jose ang kanyang tagapangasiwa upang ibalik sila sa kanya. Ang tagapangasiwa ni Jose ay isang tipo ng Banal na Espiritu. Gayon dinadala ng Banal na Espiritu ang nakumbinsing makasalanan pabalik sa piling ni Kristo. Ngayon tignan ang kapitulo 44, berso 16,

“At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingcod…” (Genesis 44:16).

Noon kanilang sinabi na sila’y mga “tapat na mga tao.” Ngayon hindi nila alam kung anong sasabihin! Natagpuan ng Diyos ang kanilang kasalanan, at hindi nila “napatotoo” ang kanilang mga sarili! Kapag naramdaman ng makasalanan na siya’y sira, at hindi “mapatotoo” ang kanyang sarili sa paningin ng Diyos, na makikita si Kristo bilang kanyang nag-iisang pag-asa! At dinadala tayo nito sa pangpitong punto.

7. Pampito, ginawang kilala ni Jose ang kanyang sarili
sa kanyang mga kapatid.

Magsitayo at basahin ang kapitulo 45, berso 1,

“Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid” (Genesis 45:1).

Maari nang magsi-upo.

Pansinin na ang bawat tao, maliban ang kanyang mga kapatid ay sinabihan na umalis sa silid. Ipinapakita nito na walang magkapupunta kasama mo kapag ika’y magpupunta kay Kristo. Dapat kang magpunta sa Kanyang mag-isa. Noong sila’y nag-iisa, ipinakilala ni Jose ang kaniyang sarili sa kanila!

Ngayon basahin ang Genesis 45:15 at 16 ng malakas,

“At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid. At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Nagsidating ang mga kapatid ni Jose: at ikinalugod ni Faraon, at ng kaniyang mga lingkod” (Genesis 45:15-16).

Ang lahat ay nagdiwang! Si Jose ay nagdiwang. Ang kanyang mga kapatid ay nagdiwang. Ang Paraon ay nagdiwang. Ang kanyang mga lingcod ay nagdiwang. Iyan ang nangyayari kapag ipinapakilala ni Hesus ang Kaniyang sarili sa isang makasalanan! Sinabi ni Hesus,

“Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi” (Lucas 15:10).

Ito ang parabola ng mapaglustay na anak, na ibinigay sa Lumang Tipan! Oo! Oo! Ito ang kwento ng mapaglustay na anak sa Akal ng Genesis! Ang mga makasalanan ay tinatanggap at napagkakasundo ng ating Jose – na si Hesus! Ang nawawala ay nahanap! Mayroong buhay mula sa kamatayan!

Panalangin namin na ngayong gabi mayroon rito, o isang taong nanonood sa Internet, ang magpunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Magtiwala kay Hesus gaya noong mga makasalanang kapatid ay nagtiwala kay Jose! Patatawarin ka ni Hesus ng iyong kasalanan. Lilinisin ni Hesus ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo. Ililigtas ni Hesus ang iyong kaluluwa ng buong kawalang hanggan. Panalangin namin na ika’y magtiwala sa Tagapagligtas ngayong gabi! Panalangin naming na gagawin ni Hesus ang Kanyang sariling kilala sa iyo!

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, magpunta sa likuran ng awditoryum ngayon habang si Gg. Griffith ay kumakanta ng “Magkaroon ng Iyong Sariling Paraan Panginoon!” Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makakausap ka namin at makapananalangin.

Magkaroon ng Iyong sariling paraan, Panginoon!
   Magkaroon ng Iyong sariling paraan!
Ikaw ang Magpapalayok; ako ang luwad.
   Hulmahin ako at gawin akong ayon sa Iyong kagustuhan,
Habang ako’y naghihintay, nakasuko at walang kibo.

Magkaroon ng Iyong sariling paraan, Panginoon!
   Magkaroon ng Iyong sariling paraan!
Hanapan ako at subukin ako, Panginoon, ngayon!
   Mas maputi kaysa niyebe, Panginoon,
Hugasan ako ngayon lang,
   Sa Iyong piling mapakumbaba akong naka yuko.
(“Magkaroon ng Iyong Sariling Paraan Panginoon.” Isinalin mula sa
   “Have Thine Own Way, Lord!” ni Adelaide A. Pollard, 1862-1934).

Dr. Chan, pakiusap na magparito ka at manalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 45:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magkaroon ng Iyong Sariling Paraan Panginoon.” Isinalin mula sa
“Have Thine Own Way, Lord!” (ni Adelaide A. Pollard, 1862-1934).


ANG BALANGKAS NG

SI JOSE AT ANG KANYANG MGA KAPATID

(PANGARAL BILANG 74 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

1.  Una, si Jose at kanyang mga kapatid ay nabuhay sa isang lupa kung saan
walang mais, Genesis 42:5, 2; Lucas 15:14, 16; Juan 6:35.

2.  Pangalawa, gustong bilhin ng mga kapatid ni Jose ang kung anong kanilang
natanggap, Genesis 42:3; Lucas 15:19; Isaias 55:1; Tito 3:5.

3.  Pangatlo, kinailangan ng mga kapatid ni Jose na masugatan bago sila
mapaggaling, Genesis 42:7, 11, 21.

4.  Pang-apat, ang mga kapatid ni Jose ay inilagay sa bilangguan ng ilang
panahon, Genesis 42:17.

5.  Panlima, nalaman ng mga kapatid ni Jose ang pagkaligtas sa pamamagitan ng
biyaya, Genesis 42:25; Mga Taga Efeso 2:8, 9; Isaias 55:1.

6.  Pang-anim natagpuan ng mga kapatid ni Jose nahindi nila “mapatotoo” ang
kanilang mga sarili! Genesis 44:16.

7.  Pampito, ginawang kilala ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang mga kapatid,
Genesis 45:1, 15-16; Lucas 15:10.