Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO – TINANGGIHAN NG MASA

(PANGARAL BILANG 3 SA ISAIAS 53)

CHRIST – REJECTED BY THE MASSES
(SERMON NUMBER 3 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral ng Umaga sa Araw ng Panginoon,
ika-10 ng Marso taon 2013 sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:1-2).


Sinasabi sa atin ni Isaias na kakaunti ang maniwala sa kanyang mensahe tungkol sa naghihirap na lingkod ng Diyos, at kakaunti ang makararanas ng Kanyang biyaya.

Isinipi ng Apostol na si Juan ang Isaias 53:1 upang ilarawan ang kawalan ng pananampalataya ng karamihan ng mga Judio sa panahon ni Kristo.

“Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Juan 12:37-38).

Isinipi rin ng Apostol na si Pablo itong bersong ito 30 taon pagkatapos ng Pumaitaas ni Kristo pabalik sa Langit, para maipakita na ang karamihan ng mga Gentil ay maging mashigit ng kaunti lamang mapagtugon sa Panginoong Hesu-Kristo kesa sa mga Judio. Sinabi ni Pablo na,

“Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag… Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?” (Mga Taga Roma 10:12, 16).

Ang Panginoong-Hesu Kristo Mismo ay nagsabi sa atin ng parehong bagay. Sinabi Niya sa atin na ang bilang nilang mga naniwala sa Kanya sa nakapagliligtas na paraan ay kakaunti,

“Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).

Ginawa rin ni Kristo ang parehong punto noong sinabi Niyang,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Ang mga tao sa mundo ay karaniwang naniniwala na halos lahat ay magpupunta sa Langit. Ngunit sinabi ni Hesus ang saktong kabaligtaran,

“Kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).

“Marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Itong kagimbalgimbal na katotohanan ay umaalingawngaw sa nakalulungkot na panangis ni Isaias,

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

Maari nating itanong bakit yan ay totoo. Ang mga Judio ay naghanap para sa isang katangi-tangi at makapangyarihang tagapamahala, isang hari ng luwalhati at yaman, para maging Mesyas nila, at ang mga Gentil ay hindi naghanap ng Mesyas sa anumang paraan! Sa gayon, nakikita natin na ang sangkatauhan sa karaniwan ay hindi umasang si Kristo ay darating bilang isang hamak na naghihirap na Lingkod, namatay sa Krus para gumawa ng kabayaran para sa kanilang mga kasalanan.

Ang Taga Etyopiyang Kapon, sa pangwalong kapitulo ng Mga Gawa, ay bulag sa mga katotohang ito kasing bulag ng mga saserdote at Fariseo ng Judionismo. Binabasa niya ang limamput tatlong kapitulo ng Isaias noong ang ebanghelistang si Felipe ay nakahabol sa kanyang umaandar na karro.

“At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo? At sinabi niya, Paanong magagawa ko…” (Mga Gawa 8:30-31).

Ang Aprikanong ay napagbagong loob sa Judionismo. Naging malinaw na kilala niya ang Matandang Tipan ng Banal na Kasulatan, at sa kabila noon siya ay naging kasing bulag ng mga Judiong manunulat noong dumating sa siping ito ng Banal na Kasulatan.

Para sa akin mukhang kahit sino ay makikita mula sa siping ito na ang Mesyas, kapag Siya ay dumating, ay hindi maging mayaman at tanyag, mapaligiran ng kahambugan at makataong karangalan, sa halip ay darating bilang isang “taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman,” upang maging “hinamak at itinakwil ng mga tao.” Sa kabila noon, bagaman ang katotohanang ito ay simpleng naisulat sa pahina ng Bibliya,

“Siya'y naparito sa sariling kaniya [ang mga Judio], at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Ang bansa ng Israel ay hindi, kabuuang, tinanggap si Hesus bilang kanilang Mesyas kahit na Siya ay kay lubos na inilarawan propesiyang ito sa Bibliya. At ibinigay ng propeta sa atin ang dahilan ng kanilang pagtanggi sa Kanya sa berso dalawa ng ating teksto,

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo [kagandahan, Strong] o kagandahan man [kadakilaan, Strong]; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:2).

Ngunit hindi dapat natin hatulan silang mga Judio na tinanggihan Siya na mas maaskad kesa mga Gentil, na sa karamihang bahagi ay tinaggihan rin Siya. Sinabi ni Spurgeon,

Tandaan na anoman ang naging totoo sa mga Judio ay kapantay na totoo sa mga Gentil. Ang ebanghelyo ni Hesu-Kristo ay ang pinakasimpleng bagay sa mundo, ngunit sa kabila noon walang tao ang nakaiintindi nito hangang siya ay maturuan [ng] Diyos…Dinalahan ng kasalanan ang sangkatauhan ng isang nauukol sa isip na kawalan ng kakayahan na may galang sa ispirituwal na mga bagay…papaano ito sa iyo? Ikaw rin ba ay bulag?...Ikaw rin ba ay bulag? O, kung oo, naway ang [Diyos] ay turuan ka sa pananampalataya ni Hesus (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ugat sa Tuyong Lupa” [“A Root Out of Dry Ground”], Ang Metropolitang Tabernakulong Pulpito, Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, kabuuan XVIII, pp. 565-566).

Ngayon, kapag inilipat sa ating teksto sa berso dalawa, makita natin ang tatlong dahilan bakit si Hesus ay tinanggihan. Basahin ang berso dalawa ng malakas,

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:2).

I. Una, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay nagpakita sa tao gaya ng
isang sariwang pananim, isang pasusuhin.

Kakaunti ang naniwala kay Hesus dahil sa katotohang ito.

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim…” (Isaias 53:2).

O, kaya gaya ng sabi ni Dr. Gill, “Gaya ng isang maliit na nagsususo, kung paano pinakakahulugan ang salita, aling tumutubo palabas ng ugat ng isang puno…ng walang babala o pagaalalang kinuha, o kahit anong inasahan para rito mula rito; at ang anyo [talinghaga] ay tinatandaan ang [hamak] at hindi maipangakong kalabasan ng Kristo sa kanyang [kapanganakan]; alin ay ang dahilan na ibinigay bakit ang Judio sa karaniwan ay hindi naniwala, tinanggihan, at kinamuhian siya” (Isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, pp. 310-311).

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim…” (Isaias 53:2).

Ang ibig sabihin nito ay si Kristo ay ipinanganak at lumaki “bago” sa Diyos Ama, na kumuhang pansin sa Kanya at nagpalakas sa Kanya. Sa kabila noon, sinasabi ni Dr. Young, “Sa kalalakihan, datapwa’t, ang lingkod [si Hesus] ay nagpakitang gaya ng isang pasusuhin…Pinuputol ng mga kalalakihan ang mga pasusuhin, dahil inaalis nila ang buhay mula sa puno at sa paningin ng kalalakihan dapat sila ay maitaboy” (Isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ng Isaias [The Book of Isaiah], William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, kabuuan 3, pp. 341-342).

Hindi ba iyan ang pangunahing dahilan na gustong mawala ng mga punong saserdote at mga Fariseo si Hesus? Sinabi nila,

“Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa” (Juan 11:48).

“Pinuputol ng kalalakihan ang mga pasusuhin, dahil inaalis nila ang buhay mula sa puno at sa paningin ng kalalakihan ay dapat maitaboy” (Isinalin mula kay Young, ibid.). Sila ay natakot na mawala nila ang kanilang pagkakilala bilang ang Judiong bansa kung sila ay maniwala sa Kanya. Gaya ng isang “sariwang pananim,” isang pasusuhin, natakot sila na Siya ang “[magalis] […] [ng] buhay mula sa puno” ng kanilang bansa.

At hindi ba yan talaga ang parehong dahilan na tinanggihan mo Siya? Magisip ka ng mabuti ukol nyan! Hindi ba ito ay totoo rin sa iyo – na takot ka sa pagkawala ng bagay na mukhang importante sa iyo – kung lalapit ka sa Kanya at magtiwala sa Kanya? Hindi ba ito totoo na ikaw ay takot na si Kristo ay “[magalis] […] [ng] buhay mula sa puno,” na hihigupin Niya ng palayo ang bagay na napaka-importante sa iyo?

Hiniling k okay Dr. Cagan na kuhan ako ng kopya ng isang artikulo na inilagay sa Ang Sabado ng Gabing Paskil [The Saturday Evening Post] noong Oktubre ng taon 1929. Ito’y isang panayam kasama ng isang dakilang pisisistang si Dr. Albert Einstein. Tinanong siya ng tagapakinayam, “Tinatanggap mo ba ang makasaysayang pagkabuhay ni Hesus?” Sumagot si Einstein, “Walang duda. Walang makababasa ng mga Ebanghelyo na hindi nararamdaman ang presensya ni Hesus. Ang Kanyang personalidad ay pumipintig sa bawat salita. Walang katha ang puno ng ganoong buhay” (Isinalin mula sa Ang Sabado ng Gabing Paskil [The Saturday Evening Post], Ika-26 ng Oktubre taon 1929, pah. 117). Si Einstein ay mayroong napaka taas na pananaw kay Kristo. Ngunit nakalulungkot na hindi siya kailan man napagbagong loob. Anong pumigil sa kanya? Ito’y tiyak na hindi isang intelektwal na problema. Si Einstein ay isang mapakiapid na lalake, at hindi niya gustong isuko ang kasalanang iyon. Ito’y kasing simple niyan. Kailangan mong sumuko ng mga bagay upang maging isang tunay na Kristiyano.

Ngayon, ako ay magiging huwad na guro kung sabihin ko sa iyo na yan ay hindi totoo. Kung sabihin ko sa iyo na maari kang lumapit kay Kristo nang hindi mawawalan ng kahit anoman nagpapangaral ako ng isang huwad na doktrina. Siyempre ito ay maghahalaga ng isang bagay upang makalapit kay Hesus! Ito ay maghahalaga ng iyong pinaka-buhay! Paano pa kaya ito nagawa ni Kristo ng mas simple? Sinabi Niya,

“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon. Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Marcos 8:34-37).

Iyan ay simpleng husto, hindi ba? Upang makalapit kay Kristo dapat mong ikaila ang iyong sarili, kailangan mong isuko ang sarili mong mga kuro-kuro, ang sariling mong mga plano, ang sariling mong mga ambisyon. Kailangan mong isuko ang sarili mo sa Kanya. Iyan ang ibig sabihin ng pagtiwala kay Kristo. Magtiwala ka sa Kanya – hindi ang sarili mo. Ibigay mo ang sarili mo sa Kanya – hindi sa sarili mong mga naiisip at mga pangarap. “Mawawala” mo ang iyong buhay sa pagsuko mo nito sa Kanya. Tanging sa pagkawala ng buhay mo, sa pagsusuko kay Kristo, na ang iyong buhay ay maliligtas sa pagkawalang hangan.

Sa gayon, ang salitang naibigay “sariwang pananim” nangangahulugang si Kristo ay isang taga-bigay buhay sa paningin ng Diyos. Ngunit Siya ay taga-kuha ng buhay sa paningin ng tao, at samakatwid karamihan ng tao ay tinangihan Siya. Hindi nila gustong “kunin” Niya ang kanilang buhay nang nangingibabaw! Takot silang bumitaw sa kanilang buhay at pabayaang Siya ang gumabay sa kanila.

II. Pangalawa, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay nagpakita sa tao gaya
ng isang ugat sa tuyong lupa.

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa…” (Isaias 53:2).

Ubos na ang oras ko dahil nagtagal ako masyado sa unang punto. Ngunit madali nating makikita kung papaano si Kristo nagpakita ng gaya ng isang “ugat sa tuyong lupa.” Sinabi ni Dr. Young,

Tuyong lupa ay tumutukoy sa hamak na kalagayan at kaalamang buhat sa karanasan na alin ang lingkod [si Kristo] ay nagpakita. Iminumungkahi nito ang kahabag-habag na katangian ng mga kalagayan sa gitna ng alin ang buhay ng lingkod ay ibinuhay…Ang isang ugat sa tuyong nangalirang lupa ay dapat magpunyagi para maingatan ang buhay (Isinalin mula kay Young, ibid., p. 342).

Ang hulang ito ay tumutukoy sa kahirapang na sa alin si Kristo ay naipanganak. Ang ama Niyang umampon sa Kanya ay isa lamang karpintero. Ang tunay Niyang ina si Maria ay isa lamang mahirap na birheng babae. Siya ay ipinanganak sa isang kuwadra at lumaki sa gitna ng mahihirap, “gaya ng isang ugat sa tuyong lupa.” Ginawa Niya ang tungkulin sa buhay sa gitna ng mga mahihirap at hamak. Ang Kanyang mga Disipolo ay mga mangingisda lamang. Tinanggihan Siya ni Haring Herodes, ng Taga Romang gobernor Pilato, ng mga natutong manunulat at Fariseo, “gaya ng isang ugat sa tuyong lupa.” Pinaghahampas nila Siyang halos ikamatay Niya. At pagkatapos ipinako nila ang Kanyang mga kamay at paa sa krus. Inilagay nila ang Kanyang sirang, patay na katawan sa loob ng isang hiniram na libingan. Ang buong buhay Niya sa mundo, ang Kanyang paghihirap at Kanyang kamatayan, ay lahat binuhay, “gaya ng isang ugat sa tuyong lupa.” Ngunit salamat sa Diyos, Siya ay bumangon mula sa pagkamatay sa pangatlong araw, “gaya ng isang ugat sa tuyong lupa”! Gaya ng sariwang suwi ng isang pananim tumutubong bigla pagkatapos ng isang hindi inaasahang bagyo, kaya si Kristo ay lumukso sa unahan, nabuhay mula sa pagkamatay, “gaya ng isang ugat sa tuyong lupa.” Alleluya!

At sa kabila noon, karamihang tao ay hindi naniniwala sa Kanya. Iniisip nila Siya na gaya ng isang “nanghihigop ng buhay” at isang “patay na Judio.”

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa…” (Isaias 53:1-2).

III. Pangatlo, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay walang anyo o
kagandahan man, walang kagandahan na mananais tayo sa Kanya.

Magsitayo at basahin ang berso dalawa ng malakas.

“Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:2).

Maari na kayong magsiupo.

Si Hesus ay “walang anyo o kagandahan man,” walang panlabas na kaanyoan ng karangalan at luwalhati. Sinabi ni Dr. Young, “Kapag makita natin ang lingkod [si Kristo] wala tayong mahanap na kagandahan na mananais tayo sa kanya. Ang ating hatol, sa ibang salita, ay alinsunod sa panlabas na kaanyoan at hindi ito makatwiran at tunay. Ito ay isang malungkot na larawan. Ang lingkod [si Kristo] ay tumahan sa gitna ng kanyang sariling mga tao, at sa likod ng kanyang pisikal na anyo ang mata ng pananampalataya ay dapat nakita ang totoong luwalhati; ngunit sa pagtinggin sa kanyang panlabas na kaanyoan, walang nahanap ang Israel na kagandahang malugod sa mata… ang kaanyoan ng lingkod [si Kristo] ay gayong tao, paghatol mula sa maling pananaw, ay lubos na maling paghatol sa kanya” (Isianlin mula kay Young, ibid.).

Sa panlabas si Hesus ay walang kagandahan o karangalan para maakit ang mundo. Hindi Niya handog ang mga bagay na nakakaakit ng karamihang tao. Hindi Niya handog ang tagumpay o kabantugan o pera o makamundong kaluguran. Pawang kabaligtaran. Sa simula ng paglilingkod na ito binasa ni Gg. Prudhomme ang bahaging iyan ng Kasulatan na nagsasabi sa atin kung anong naihahandog ni Kristo.

“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon. Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Marcos 8:34-37).

Si Kristo ay naghahandog ng pagkakait ng sarili. Si Kristo ay naghahandog ng pagkawala ng panpigil sa ibabaw ng isang sariling buhay at tadhana. Si Kristo ay naghahandog ng kaligtasan ng kaluluwa, ang pagpapatawad ng mga kasalanan, at ng walang hangang buhay. Ito ay mga bagay na hindi mahipo, mga bagay na hindi mahawakan o makikita sa makataong pandama o paningin, mga bagay na ispiritwal ang katangian. Kung gayon si Kristo ay tinaggihan nila kung sinong ang mga mas naloloob na mata ay hindi pa nabubksan ng Diyos, dahil

“ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).

Ngunit ako’y nagtataka, ngayong umaga, kung ang Diyos ay sakaling nakikipag-usap sa iyong puso. Ako’y nagtataka kung sakaling sinasabi sa iyo ng Diyos, “Bagama’t walang kagandahan na mananais tayo sa kanya, sa kabila noon ika’y hinahatak ko sa aking Anak.” Nadama mo na ba yan sa iyong puso? Nadama mo na ba ang mundo ay walang maihandog na mashigit pa sa isang lumilipas na sandali ng kaligayahan o lumilipas na sandali ng tagumpay? Napag-isipan mo ba ang iyong kalululuwa? Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa kung saan ang kaluluwa mo ay mananatili ng panghabang buhay kung hindi malinis ni Hesus ang iyong mga kasalanan gamit ang kanyang Dugo? Napag-isipan mo na ba ang mga patungkol sa mga bagay na ito? At, kung napag-isipan mo na, makakapunta ka ba sa pamamagitan ng iyong simpleng pananampalataya sa Kanyang “walang anyo o kagandahan man…walang kagandahan na mananais tayo sa kanya”? (Isaias 53:2). Ikaw ba ay luluhod sa harapan ni Hesus ng Nazaret, at magtiwala sa Kanya ng buong puso mo? Panalangin ko na yan ay gawin mo.

Tayo na’t magsitayo mga ulong nakayuko at ang ating mga mata nakapikit habang si Mr. Griffith ay magparito para kantahin ang dalawang saknong ng himnong kinanta niya bago ang pangaral na ito.

Kunin ninyo ang mundo, ngunit ibigay ninyo sa akin si Hesus,
Lahat ng kagalakan ay datapwa’t isang pangalan;
Ngunit ang Kanyang pagmamamahal ay nananahan kailanman,
Sa buong walang hangang mga taon ay katulad.

Kunin ninyo ang mundo, ngunit ibigay ninyo sa akin si Hesus,
Sa Kanyang krus ang aking tiwala ay marapat maging;
Hangang sa may masmalinaw, masmaliwanag na malas,
Makaharap kong makita ang aking Panginoon.
O, ang tayog at kalaliman ng habag!
O, ang haba at luwang ng pagmamahal!
O, ang kapuspusan ng katubusan,
Panata ng walang katapusang buhay sa itass!
   (“Kunin ninyo ang Mundo, Ngunit Ibigay ninyo sa Akin si Hesus.”
       Isinalin mula sa “Take the World, But Give Me Jesus”
         ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Kung ang Diyos ay nakipag-usap sa iyong puso, at handa ka nang iwan ang kasiyahan ng lumilipas na mundong ito, at kung ikaw ay handa ng sumuko kay Hesu-Kristo at magpunta sa Kanya sa pananampalataya, at gusto mong malinis ang iyong mga kasalanan sa Kanyang Dugo, at kung gusto mong makipag-usap sa amin ukol dyan, maaring magpunta na ngayon sa likuran ng silid ngayon na? Gagabayan kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan atin itong mapag-usapan. Panalangin ko na ikaw ay lalapit at maligtas sa pamamagitan ng simpleng pananampalataya sa Tagapagligtas. Dr. Chan, magpunta ka rito at manalangin ka para doon sa mga tumugon. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 8:34-37.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kunin ninyo ang Mundo, Ngunit Ibigay ninyo sa Akin si Hesus.”
Isinalin mula sa “Take the World, But Give Me Jesus”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO – TINANGGIHAN NG MASA

(PANGARAL BILANG 3 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:1-2).

(Juan 12:37-38; Mga Taga Roma 10:12, 16; Mateo 7:14;
Lucas 13:24; Mga Gawa 8:30-31; Juan 1:11)

I.   Una, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay nagpakita sa tao gaya
ng isang sariwang pananim, isang pasusuhin Isaias 53:2a;
Juan 11:48; Marcos 8:34-37.

II.  Pangalawa, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay nagpakita
sa tao gaya ng isang ugat sa tuyong lupa, Isaias 53:2b.

III. Pangatlo, si Kristo ay tinanggihan dahil Siya ay walang anyo o
kagandahan man, walang kagandahan na mananais tayo
sa Kanya, Isaias 53:2c; Marcos 8:34-37; I Mga Taga Corinto 2:14.