Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAMAMAKAY NI JACOB

(PANGARAL BILANG 73 SA AKLAT NG GENESIS)

JACOB’S PILGRIMAGE TO EGYPT
(SERMON #73 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-3 ng Marso taon 2013


Ang mga anak ni Jacob ay nagpunta sa Egipto upang bumili ng pagkain, dahil mayroon matinding taggutom sa Lupain ng Canaan. Habang sila’y naroon, natagpuan nila sa kanilang pagkagulat na ang kanilang mas batang kapatid na si Jose ay ginawang gobernador sa lahat ng lupa ng Egipto. Ibinenta nila si Jose bilang isang alipin, ngunit ang Diyos ay kasama niya at ibinangon siya sa matinding kapangyarihan. Ngayon ang mga kapatid ay nagsibalik at sinabi sa kanilang amang si Jacob ang mabuting balita na si Jose ay buhay. Hindi naniwala si Jacob sa kanyang mga anak sa una, ngunit di nagtagal kanila siyang nahikayat na ito’y totoo, at sinabi ni Jacob,

“Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay” (Genesis 45:28).

Dinadala tayo niyan sa ating teksto ngayong gabi. Magsitayo at lumipat sa Genesis 46:1-4.

“At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa Beerseba, at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac. At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa: Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata” (Genesis 46:1-4).

Maari nang magsi-upo. Panatilihing bukas ang inyon Bibliya sa lugar na iyan.

Noong ako’y nagpupunta sa isang napaka liberal na seminary apat na pung taon noong, sinabihan nila kami na ang mga bersong ito ay napagbaligtad ang mga pangalan ni Jacob at Isarael, dahil ang mga ito’y naisulat ng magkakaibang mga may-akda, o “redactor.” Ang “E” may-akda ay lagi siyang tinawag na “Jacob,” habang maya-maya ang redactor na “R” ay nagsingit ng pangalang “Israel.” Tinanong ko sila, “Paano mo nalalaman iyan?” Hindi nila ako kailan man nakumbinsi ng kanilang teyorya. Si Dr. H. C. Leupold, ang Lutherang kumentador, ay tinanggihan ang liberal na teyoryang iyan, at nagsabi, “Sa pamamagitan ng ganoong uri ng kritikal na kagamitan halos kahit anong bagay ay mapapatunay” (isinalin mula kay H. C. Leupold, D.D., Ang Pagpapaliwanag ng Genesis [Exposition of Genesis], Baker Book House, 1985 edisiyon, kabuuan II, p. 1106; kumento sa Genesis 46:1-4).

Iminungkahi ni Dr. Leupold na ang dalawang mga pangalan ay ginamit nang sadya – si Jacob tumutukoy sa tao, at Israel tumutukoy sa bansa ng kanyang puson. Iyan ay maaring totoo, ngunit para sa akin mukhang ang paliwanag ni Spurgeon ay ang pangunahing dahilan para sa pagbabago ng mga pangalan ng pa-urong-sulong. Sinabi ni Spurgeon na ang kanyang lumang pangalan na “Jacob” ay ginamit rito noong siya ay nanumbalik sa dating kasamaan, at ang kanyang bagong pangalan na “Israel” ay ginamit noong siya ay muling nabuhay, gaya ng nakita natin sa Genesis 45:27 at 28: “…nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama. At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay” (Genesis 45:27, 28). Ako’y kumbinsido na iyan ang paraan upang ipaliwanag ang pagbabago sa pangalan.

Ang ibig sabihin ng “Jacob” ay “madayang tagapagpalit.” Ang ibig sabihin ng “Israel” ay “prinsipe ng Diyos.” Lahat ng mga mananampalataya ay mayroong lumang kalikasan, gayon din ay bagong kalikasan. Noong siya’y naimpluwensyahan ng kanyang lumang kalikasan, tinawag siya ng Diyos na “Jacob.” Ngunit noong siya’y “nabuhay muli” siya ay naimpluwensyahan ng kanyang bagong kalikasan, at kung gayon tinawag na “Israel.” Ang paliwanag na iyan ay totoo sa mga Kasulatan, at totoo sa buhay – gaya ng alam ng bawat Kristiyano sa pamamagitan ng karanasan. Sinabi ni Spurgeon, “Ang ‘Jacob’ ay ang pangalan ng kanyang pagkapanganak na kalikasan; ‘Israel’ ang pangalan ng kanyang bagong espiritwal na kalikasan” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Metropolitan Tabernakulong Pulpito [Metropolitan Tabernacle Pulpit], Bilang 2,116, p. 1). Sa kanyang bagong kalikasan, handa siyang sundin ang Diyos sa pananampalataya, at magpunta sa Egipto, sa kanyang anak na si Jose. Ngunit sa kanyang lumang kalikasan natakot siyang magpunta. Kung gayon kinailangan pagpalubagin ng Diyos ang kanyang loob bago siya nagpunta. Kung gayon makikita natin ang pananampalataya at takot sa pamamkay ni Jacob sa Egipto. Gamit ng pagpapaliwanag na ito, tayo’y agad magpupunta sa teksto, kung saan ating malalaman ang dalawang dakilang katotohanan na makatutulong sa atin sa ating Kristiyanong buhay.

I. Una, malalaman natin ang tungkol sa pananampalataya ni Jacob.

Habang si Jacob at kanyang pamilya ay magsimula sa kanilang paglalakbay upang makita si Jose, sila’y huminto sa Beersheba, habang sila’y nasa lupain pa lang ng Canaan. Huminto sila roon habang si Jacob ay nag-alay ng mga sakripisyo. Magsitayo at basahin ang Genesis 46:1 ng malakas.

“At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa Beerseba, at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac” (Genesis 46:1).

Maari nang magsi-upo.

Sinabi ni Arthur W. Pink, “Kung gayon, ang unang bagay na naitala kay Jacob pagkatapos ng kanyang mahabang paglalakbay sa Egipto ay nagsimula, ay ang pag-aalay ng sakripisyo sa Diyos. Mahabang mga taon ng disiplina sa paaralan ng karanasan ay…nagturo sa kanya na ilagay ang Diyos muna; [bago] siya magpasulong upang makita si Jose nagbaalam siya upang sambahin ang Diyos ng kanyang amang si Isaac!” (isinalin mula sa Mga Paghihimalay sa Genesis [Gleanings in Genesis], Moody Press, 1981 edisiyon, p. 313).

Maaga sa aking sariling Kristiyanong karanasan narinig ko ang mga taong nagsabi na sila’y “nagabay” ng Banal na Espiritu upang gumawa ng mga tiyak na mga bagay, tulad ng pagpapalit ng pagkikisapi sa ibang simbahan. Ngunit nakita ko, muli’t-muli, na ito’y madalas nagkakaroon ng masamang resulta. Mas maaga nagpagsaya ako na hindi ako gagawa ng mga biglaang pagbabago, at ilalagay ko ang Diyos muna sa kahit anong malaking desisyon ng buhay. Kahit na hindi ko naramdaman na manatili kung nasaan ako, hindi ako gagawa ng kahit anong pagbabago hangga’t ang aking pastor, at ibang mga senyor ng mga Kristiyano sa aking simbahan, ay payuhan ako tungkol sa anomang pagbabagong nakaharap sa akin. Kahit na minsan ito’y mahirap gawin, ako’y magiging napaka maingat na huwag sundin ang sarili kong pakiramdam at mga hangarin, kundi ilagay ang Diyos panguna; at magiging laging maingat upang isipin ang Hebreo 13:17,

“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila [Magsitalima kayo sa inyong mga pinuno, at sumuko sa kanila]:sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan” (Mga Hebreo 13:17),

at I Mga Taga Tesalonica 5:12, 13,

“Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin [ikalugod] ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo [may tungkulin sa inyo] sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan” (I Mga Taga Tesalonica 5:12, 13).

Lagi akong sumangguni sa aking pastor na si Dr. Timothy Lin, at aking tagapagpayo at gurong si Dr. Murphy Lum, kapag ako’y nahaharap ng malaking desisyon sa buhay. Aking napagpasya na aking susundan ang kanilang payo kahit na hindi ito mukhang tama sa akin sa panahong iyon. Ito’y paulit-uli na nagiging ang tamang bagay na gawin. Sinasabi ng Bibliya,

“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan. Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto... Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan” (Mga Kawikaan 3:5-8, 11-13).

Ang pananampalataya ni Jacob ay gumabay sa kanyang huminto at mag-alay sa Diyos sa Beersheba, at habang ginawa niya iyon, ginawa ng Diyos ang Kanyang ganap na kagustuhang malinaw sa kanya, kahit na sa simula si Jacob ay takot na sumunod sa Kanya.

Kataka-taka, habang isinusulat ko ito, aking napulot ang isang maliit na aklat sa aking mesa na hindi ko naisip na mayroon kahit anong koneksyon sa pangaral na ito. Ito’y bumukas sa pahina 17 at binasa ko ang payo ng isang lumang Katimugang Bautistang pastor, isinulat maraming taon ang nakalipas – bago siya namatay. Sinabi ni Dr. W. Herschel Ford,

      Inilalarawan ng Mga Kawikain 3:6 na ang paggabay, “Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.” Personal kong nalalaman na kapag aking sinusundan ang Kanyang pamumuno nakahanap ako ng kapayapaan at tagumpay. Kapag tumatanggi akong sundan Siya nakahahanap ako ng pagdurusa at pagkatalo.
      Mayroong maraming mga desisyon na dapat gawin ngayon. Ipalagay natin na ika’y inalok ng isang trabaho sa ibang lungsod na may isang mainam na pagtaas ng sweldo. Ikaw ba’y dali-daling mangunguna at tanggapin ang bagong trabaho o maghihintay ka sa Panginoon? Mayroong mga desisyon na dapat magawa tungkol sa iyong edukasyon o sa iyong mga anak. Aling paaralan ang pinaka mainam para sa iyo o sa kanila? Mayroong mga desisyon tungkol sa iyong mga anak. Gaano karaming kalayaan ang dapat mong ibigay sa kanila, gaano kahigt mo silang dapat pagbawalan? Mayroong mga desisyon na dapat gawin tungkol sa isang bagong tahanan o isang bagong kotse. Ang dakilang tagapagpalinaw ay dumarating sa pag-hihintay…Tumatakbo tayong mas nauuna sa Panginoon, hinahanap natin ang sarili nating luwalhati at pakinabang, nagpupunta tayo sa sarili nating daan. At madalas tayo ay na nabibiyak ang ating puso (isinalin mula kay W. Herschel Ford, D.D., Simpleng mga Pangaral sa Buhay at Pamumuhay [Simple Sermons on Life and Living], Zondervan Publishing House, 1971 edisiyon, pp. 17, 18).

Sinabi kong “kataka-taka” na aking napulot ang aklat na iyon at bumukas sa pahinang iyon, habang isinusulat ko ito. Hindi ako masyadong naniniwala sa mga ganoong bagay, ngunit alam ko na dinala ng Diyos ang mga pahinang iyon sa aking atensyon upang marinig ninyo ang payo ni Dr. Ford. Ang pangunahing bagay ay ang maghintay, at hindi magmadaling manguna sa mga desisyon sa buhay. Sinabi niya, “Ang dakilang tagapalinaw ay dumarating sa paghihintay.” At idadagdag ko riyan na ang karunungan ng paghahanap para sa payo ng iyong pastor, at mga nasanay nang mga Kristiyanong pinuno sa inyong simbahan. Hindi ako magpupunta sa kahit sinong pinuno sa labas ng inyong lokal na simbahan. Ang ilang mga mangangaral ay gagamitin ang iyong pagkalito upang subukang makuha kang magpunta sa kanilang simbahan, alin ay lubos na di etikal. Maliban riyan, mga pinuno lamang sa iyong sariling simbahan ang may alam ng buong detalye ng iyong mga pangangailangan. Si Jacob ay huminto sa Beersheba, nag-alay ng mga sakripisyo sa Panginoon, at naghintay para sa Kanyang paggabay. Iyan ang pananampalataya ni Jacob!

II. Pangalawa, nalalaman natin ang tungkol sa takot ni Jacob.

Ngayon ating natutuklasan ang dahilan na si Jacob ay huminto sa kanyang pamamakay sa Egipto. Nag-alinlangan siya sa Beersheba dahil siya’y natakot. Sa berso tatlo ating mababasa na sinabi ng Diyos sa kanya, “huwag kang matakot na bumaba sa Egipto” (Genesis 46:3). Huminto siya upang mag-alay ng mga sakripisyo sa Beersheba dahil takot siyang magpunta sa Egipto, at naghintay siya para sa Diyos upang gawin itong malinaw sa kanya.

Sinabi ni Spurgeon na si Jacob ay huminto at nag-alay ng mga sakripisyo sa Diyos sa Beersheba upang siyasatin ng Panginoon kung sa katunayan ay dapat siyang magpunta sa Egipto. Alam ko na mga determinadong mga tao ay hahamakin ang mga kahit sinong mag-aalinlangan at mayroong takot na mapunta sa mali. Iyan ang dahilan na maraming mga nagdedeklarang mga Kristiyano ay nadadapa sa mga pagkakamali mula sa alin ay hindi sila kailan man nakakabangon. Mas mainam na huwag maging tulad nila. Sinabi ni Spurgeon, “Iniibig ng Diyos na makita ang kanyang mga anak na balisang maging tama; dahil ang pagkabalisang iyan ay isang dakilang punto sa tamang paggabay…Tayo ay ginawang maingat: tayo ay tinulungang timbangin ang bagay sa mga balance ng sangtuwaryo, at tapos ang ating mahinahon, kalmadong, paghahatol ay gagawa ng desisyon nito, at ating pinipili ang daan na karamihan ay para sa luwalhati ng Diyos” (isinalin mula sa Metropolitan Tabernakulo Pulpito [Metropolitan Tabernacle Pulpit], kabuuan 35, pangaral bilang 2,116, p. 639).

Ang takot ni Jacob ay natural dahil siya ay isang matandang lalake. Mas matatandang mga tao ay hindi gustong gumawa ng mga pagbabago. Iyan ang isa sa mga dahilan na mas magulang na mga tao ay gumagawa ng mas kaunting mga pagkakamali kaysa doon sa mga mas bata. At iyan ang isa sa mga pangunahing dahilan para sa kabataan na kumunsulta doon sa kanilang lokal na simbahan na mas matandang mga Kristiyano. Ikaw ay mas kaunting malamang na gumawa ng isang pagkakamali kapag iyong kokonsultahin ang mga matatanda sa iyong simbahahan, intindihin ang kanilang pag-papayo.

Tapos rin, si Jacob ay walang dudang takot magpunta sa Egipto dahil natandaan niya ang sinabi ng Diyos sa kanyang lolong si Abraham. Nagsimulang isipin ni Jacob na ang Egipto ay maaring ang lupa na nagsanhi kay Abraham na maranasan ang “takot ng matinding kadiliman,” isaang daang taon noon (Genesis 15:12). Kaya siya’y nag-alinlangang magpunta sa Egipti dahil natakot siya na ang kanyang mga anak ay mapahihirapan doon ng apat na daang taon.

Gayon din, si Jacob ay nagdudang natakot na haharapin ng Egipto ang kanyang pamilya ng maraming mga bagong tukso. Kapag ang mga tao ay nagdadala ng kanilang mga anak mula sa isang probinsya sa isang malaking lungsod madalas nilang nararamadaman ang takot na ito, dhail ang kahit anong malaking lungsod ay isang lugar ng mas matinding mga tukso. At gayon natatandaan ko ang sinabi ng dakilang misyonaryong si C. T. Studd, “Ang nag-iisang ligtas na lugar na maging, ay ang maging nasa kagustuhan ng Diyos.” Noong sinabi ng Diyos kay Jacob, “huwag kang matakot na bumaba sa Egipto” nagpunta siya roon sa pananampalataya. At Egipto lamang ang nag-iisang lugar na maging naroon, dahil ito ang kagustuhan ng Diyos para kay Jacob at kanyang pamilya na maging naroon.

Natatandaan kong mabuti kung paano ko nilisan ang aking tahanang simbahan sa Los Angeles, at nagpunta sa San Francisco, sa isang napaka liberal na seminary. Nagpunta ako roon na may matinding takot, dahil alam ko noong una pa lamang kung gaano ka liberal at di nananampalataya ang Bautistang Teyolohikal na Seminaryo ng Golden Gate sa panahong iyon. Wala akong sapat nap era upang magpunta sa isang mas konserbatibong seminaryo. Sinabi ng pastor sa akin na magpunta sa San Francisco sa liberal na seminaryong iyon. Sinabi niya sa akin na hindi ako masasaktan nito. Sa isang paraan tama siya. Halos akong nasira nito, ngunit hindi ako “nasaktan” nito! Hindi ako magiging ang mangangaral na ako ngayon kung hindi ako nagpunta roon. Hindi ko ito inirerekodmenda na kahit sinong ibang binata ang magpunta sa liberal na seminaryong iyon. Ngunit ito’y ang saktong lugar para sa akin!

Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli” (Genesis 46:4). Iyan mismo ang ginawa ng Diyos para sa akin. Nagpunta siya kasama ko sa liberal, walang dinodyos na seminary, at tiyak na inihaon niya akong muli mula rito! Ang seminaryong iyon ay ang aking Egipto at aking Gethsemani. Ngunit dinala ako ng Diyos rito, at pinalakas ako ng karanasang iyon. Sinasabi ng lumang kanta itong mahusay!

“Ang kaluluwa na na kay Hesus ay nakasandal para sa pahinga,
   Hindi ko, hindi ko, iiwan sa kanyang mga kaaway;
Ang kaluluwang iyan kahit na lahat ng Impiyerno ay magsisikap alugin,
   Hindi kailan man, di kailan man, di kailan man iiwanan!

Kapag sa malalim na mga tubig tinatawag kitang magpunta,
   Ang mga ilog ng pagdurusa ay hindi aapaw;
Dahil ako’y kasama mo, iyong mga
   pagsubok aking babasabasan,
At gagawing banal sa iyo ang iyong pinakamalalim na pakabahala.

Kapag sa maapoy na mga pagsubok ang
   iyong landas ay nakalatag,
Ang aking biyaya lahat sapat ay iyong tustusan;
   Hindi ka sasaktan ng apoy; Akin lamang disenyo
Ang iyong halagap ay tutupukin, at iyong ginto upang dalisayin.”
(“Gaano ka Tatag ang Pundasyon.” Isinalin mula sa “How Firm a Foundation,”
   “K” sa Rippon’s Napiling mga Himno [Rippon’s Selection of Hymns], 1787).

Ngunit mayroong isa pang aplikasyon ng pasaheng ito na gusto kong ibigay ngayong gabi. Ang ilan sa inyo ay takot magpunta kay Hesus. Mayroon kayong takot ng pagtitiwala sa Tagapagligtas. Hayaan akong sabihin sa iyo sa pinakamalakas na posibleng mga salita –na ang takot ay mula sa Diablo! Hindi ito mula sa Diyos; ito’y isang demonikong takot, na ipinadala ni Satanas upang panatilihin ka, at gawin kang alipin! Sinabi ng Diyos kay Jacob, “huwag kang matakot na bumaba sa Egipto…” (Genesis 46:3). Huwag kang matakot bumaba sa kumbiksyon ng kasalanan. Hayaan ang iyong pusong bumaba roon, at makita ang kasalanan sa iyong puso ay isang tunay na Egipto ng kasamaan.

At huwag matakot magpunta kay Hesus ang Tagapaglitas. Tandaan na si Jose ay isang tipo ng Hesus! Ang Diyos ay bababa kasama mo sa iyong kumbiksyon. Sasamahan ka ng Diyos kay Hesus, ang ating Jose, at iaahon ka ng Diyos muli mula sa kasalanan! Magsitayo at basahin ang mga berso tatlo at apat ng malakas.

“At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa: Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata” (Genesis 46:1-4).

Maari nang magsi-upi. “Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata”! Ilalagay ni Jose ang kanyang kamay sa mga mata ni Jacob at isasara ang mga ito sa kamatayan. Ngunit si Hesus, ang ating Jose, ay maglalagay ng Kanyang mga kamay sa ating mga mata at makakikita ka sa pamamagitan ng pananampalataya! “Huwag kang matakot” – dahil ililigtas ka ni Hesus mula sa iyong mga kasalanan! Sinasabi ng Diyos sa iyo ngayong gabi,

“Ang kaluluwa na na kay Hesus ay nakasandal para sa pahinga,
   Hindi ko, hindi ko, iiwan sa kanyang mga kaaway;
Ang kaluluwang iyan kahit na lahat ng Impiyerno ay magsisikap alugin,
   Hindi kailan man, di kailan man, di kailan man iiwanan!”

Magpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Walang bagay na katatakutan – WALANG BAGAY na katatakutan!

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Panalangin naming na magtitiwala ka sa Kanya ngayon, nitong pinaka gabing ito!

“Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata” (Genesis 46:4).

Kung gusto mo kaming kausapin tungkol sa iyong kaligtasan, magpunta sa likuran ng awditoryum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makakausap ka namin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus habang si Gg. Griffith ay kaanta ng, “Gaano Katatag ang Pundasyon.”

“Ang kaluluwa na na kay Hesus ay nakasandal para sa pahinga,
   Hindi ko, hindi ko, iiwan sa kanyang mga kaaway;
Ang kaluluwang iyan kahit na lahat ng Impiyerno ay magsisikap alugin,
   Hindi kailan man, di kailan man, di kailan man iiwanan!

Kapag sa malalim na mga tubig tinatawag kitang magpunta,
   Ang mga ilog ng pagdurusa ay hindi aapaw;
Dahil ako’y kasama mo, iyong mga
   pagsubok aking babasabasan,
At gagawing banal sa iyo ang iyong pinakamalalim na pakabahala.

Kapag sa maapoy na mga pagsubok ang
   iyong landas ay nakalatag,
Ang aking biyaya lahat sapat ay iyong tustusan;
   Hindi ka sasaktan ng apoy; Akin lamang disenyo
Ang iyong halagap ay tutupukin, at iyong ginto upang dalisayin.”

Dr. Chan, magparito ka at manalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 45:25-46:4.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Gaano Katatag ang Pundasyon.” Isinalin mula sa
“How Firm a Foundation” (“K” sa Rippon’s Napiling mga
Himno [Rippon’s Selection of Hymns], 1787).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAMAMAKAY NI JACOB

(PANGARAL BILANG 73 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa Beerseba, at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac. At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa: Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata” (Genesis 46:1-4).

(Genesis 45:27, 28)

I.   Una, malalaman natin ang tungkol sa pananampalataya ni Jacob,
Genesis 46:1; Mga Hebreo 13:17; I Mga Taga Tesalonica 5:12, 13;
Mga Kawikain 3:5-8, 11-13.

II.  Pangalawa, nalalaman natin ang tungkol sa takot ni Jacob,
Genesis 46:3; 15:12; 46:4; I Ni Timoteo 1:15.