Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TINANGGIHANG BALITA

(PANGARAL BILANG 2 SA ISAIAS 53)
THE REJECTED REPORT
(SERMON #2 ON ISAIAH 53)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinagaral sa Baptist Tabernacel ng Los Angeles Araw ng Panginoong Umaga, ika-3 ng Marso taon 2013 A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles Lord’s Day Morning, March 3, 2012

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).


Si Isaias ay nagsasalita patungkol sa Enbanghelyo ni Kristo. Noong huling Linggo nangaral ako mula sa huling tatlong mga berso ng kapitulo 52, kung saan hinulaan ng propeta ang paghihirap ni Kristo, na ang itsura, “ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao” (Isaias 52:14). Ito ay isang larawan ni Hesus, bugbog at nakapako sa krus para sa ating mga kasalanan, tapos ay ibinangon mula sa kamatayan, “mabubunyi, at malalagay na mataas, at…magiging napakataas” (Isaias 52:13). Ngunit ngayon, sa ating teksto, ang propeta ay nagnanangis sa katunayan na kakaunti lamang ang maniniwala sa mensahe ng Ebanghelyo.

Si Dr. Edward J. Young ay isang dalubhasa ng Lumang Tipan eskolar, kaklase at kaibigan ng dati kong pastor, na si Dr. Timothy Lin. Nagkukumento sa ating teksto,

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”

Sinabi ni Dr. Young na ito “ay mashigit na bulalas kesa sa tanong. Hindi ito nangangailangan ng negatibong sagot, bagamat ito ay nakabalangkas upang kunin ang pansin ng [maliit na bilang] ng tunay na nanampalataya sa mundo…ang propeta [ay] kinatawan ng kanyang mga tao, nagsasalita at naghahayag ng dismaya na napaka kakaunti ng nanampalataya” (Isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ng Isaias [The Book of Isaiah], William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, kabuuan 3, p. 240).

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”

Ang ibig sabihin ng salitang “balita” ay “ang mensaheng hinayag.” Sinalin ni Luther ito bilang “aming pangaral” (Isinalin mula kay Young, ibid.). “Sinong naniwala sa aming pangaral?” Ang kaagapay na paghayag nito sa teksto ay, “at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” Ang “bisig ng Panginoon” ay isang paghayag na tumutukoy sa kapangyarihan ng Panginoon. Sinong naniwala sa aming pinangangaral? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Kanino nilantad ang kapangyarihang magligtas ni Kristo?

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

Ang bersong ito ay nagpapakita na ikaw dapat ang unang maniwala sa pangaral ng Ebanghelyo, at pagkatapos saka mapagbabago ang loob sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos kay Kristo. At sa kabila noon ang pangunahing katanungan ng propeta ay nagpapakita na kakaunti ang maniniwala at mapagbabagong loob.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

I. Una, kakaunti ang nanampalataya at napagbabagong loob noong makamundong pangangasiwa ni Kristo.

Pumunta si Hesus sa puntod ni Lazaro. Ang lalakeng ito ay apat na araw ng patay. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Alisin ninyo ang bato” (Juan 11:39). Gusto Siyang pigilan ng kapatid na babae ni Lazaro. Ang sinabi niya, “Panginoon, sa ngayon siya ay mabaho na: dahil apat na araw na siyang patay” (isinalin ibid.). Ngunit sumunod sila kay Hesus at kinuha ang bato na tumatakip sa bibig ng puntod. Pagkatapos, si Hesus, “ay sumigaw ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing: at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon” (Juan 11:43-44).

“Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda” (Juan 11:47).

Nakita nila kung gaano karaming himala ang Kanyang ginawa, at saka natakot na lahat ng pangkaraniwang tao ay sumunod sa Kanya imbes na sa kanila.

“Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:53).

Ang pangulong saserdote at ang mga Fariseo ay nagsimulang magpulong-pulong upang makaisip ng nararapat na paraan upang mapalayas si Hesus, “ipapatay siya.” Sinabi ng Apostol Juan,

“Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Juan 12:37-38).

Nakita nila Siyang kahima-himalang nagpakain ng limang libong katao. Nakita nila Siyang nang-gamot ng mga leproso at nag-bukas ng mga mata ng mga bulag. Nakita nila siyang nagpalayas ng mga demonyo, at binangon ang paralisado sa masiglang kalusugan. Nakita nila Siyang nagpabangon ng anak na lalake ng isang balo mula sa patay. Hindi lamang nila Siya nakita nagpalit ng tubig sa alak, datapwat narinig rin nila Siyang

“nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman” (Mateo 9:35).

Sa kabila noon, noong ibinagon Niya si Lazaro sa patay, “pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:53).

“Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Juan 12:37-38).

Oo, kakaunti lamang ang mga taong naniwala at napagbagong loob noong pangangasiwa ni Kristo sa mundo.

II. Pangalawa, kakaunti ang naniwala at napagbagong loob noong panahon ng mga Apostol.

Pakilipat ang pahina sa Mga Taga Roma 10:11-16. Magsitayo po tayo at basahin ang dakilang sipi.

“Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya. Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag: Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti! Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?” (Mga Taga Roma 10:11-16).

Maari nang magsi-upo.

Pansinin na ang siping ito ng Banal na Kasulatan ay nagsasabi, sa berso 12,

“Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag” (Mga Taga Roma 10:12).

Ito ay sinulat ng Apostol na si Pablo kulang-kulang na 30 taon pagkatapos ng pumapaitaas ni Hesus pabalik sa Langit. Sa gayon, nagsulat si Pablo noong mashuling bahagi na ng Libro ng Mga Gawa. Siya ay nagsasalita sa parehong Judio at Gentil, habang si Hesus ay nakapag salita na sa halos katangi-tanging sa mga Judio. Sinabi ni Pablo, “Walang pagkakaiba sa pagitan ng mga Judio at ng mga Griego.” Lahat ng tao ay kailangan si Kristo!

At sa kabila noon, sa kanyang kalakihang hindi mga Judiong tagapakinig, sinasabi ni Pablo ang parehong bagay na sinabi ni Hesus, sumisipi mula sa Isaias 53:1, ninanangis ang katunayan na isa lamang kaparis-paris na maliit na bilang ng mga Gentil ang naniwala – at sinisipi si Isaias 53:1 upang ipakita na ang propeta ay nagsabi, sa pamamagitan ng pagsasabuhay, na ang karamihan ng mga Gentil ay mashigit ng kaunti sa pagsagot sa Ebanghelyo kesa mga Judio.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

Naging mas bukas ang mga Gentil sa Ebanghelyo kesa sa mga Judio. Sa kabila man noon, makukumparang maliit na bilang ng mga Gentil lamang ang naniwala kay Hesus noong panahon ng pangangaral ni Pablo at ng ibang Apostol. Mayroong mga dakilang pagbubuhay sa panahon ng mga Apostol, gaya ng nakita natin sa Libro ng Mga Gawa. Sa kabila noon kahit itong mga makapangyarihang pagbubuhay ay nagdala lamang ng makukumparang maliit na bilang ng mga Gentil sa kaligtasan kay Kristo. Ang ebanghelismo ay mahirap, kahit sa mga Romano rin!

Si Kristo at ang mga Apostol ay parehong nakakita lamang ng kakaunting napagbagong loob. Sa gayon, ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nasa isang nakapagpasiyang minoridad, at isang nausig na minoridad! At kaya si Juan at Pablo ay parehong sumipi sa ating teksto upang mapaliwanag ang paglaban ng karamihan ng mga tao sa Ebanghelyo – upang mapaliwanag kung bakit karamihan ng nakarinig sa kanilang nangaral ay nanatiling hindi napagbabagong loob.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

At ito ang naging totoo kahit noon pa sa katandaan ng kasaysayan ng Kristiyano. Parati, sa lahat ng oras, isang maliit na minoridad lamang ng mga tao ang tunay na naniwala sa Ebanghelyo at napagbagong loob. At ito ay totoo pa rin sa mundo ngayon. Walang nagbago. Na nagdadala sa atin sa ating huling punto.

III. Pangatlo, kakaunti ang naniniwala at napagbabagong loob ngayon.

Sa ating sariling panahon tayo ay madalas na nahaharap sa katotohanan ng pagnanangis ni Isaias, doon sa kadala-dalamhating tanong,

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

Malaungkot, na dapat nating sabihin na kakaunting mga tao ngayon ang sumasampalataya sa ating pangaral, at kakaunti ang naliligtas sa pamamgitan ng kapangyarihan ni Kristo. Kahit ang sarili nating mga kamaganak ay madalas na tanggihan ang Ebanghelyo ni Kristo. At karamihan sa inyo ay alam na kakaunti lamang sa kanila na ating dinala sa simbahan para marinig ang pangaral ay kailanman nakukuhang mapagbagong loob. Gusto kong magbigay ng tatlong kumento ukol rito:

(1)  Una, saan sa Bibliya ang nagsasabi sa atin na karamihan ng tao ay maliligtas? Hindi ito sinabi. Sa katunayan, sinabi ni Hesus ang kabaligtaran nito. Sinabi Niya,

“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13-14).

Kakaunti ang nangakakasumpong noon! Kailangan natin itong parating ilagay sa ating isipan kung bakit ang sikap natin sa ebanghelismo ay ngreresulta ng maskakaunting napagbabagong loob kesa sa ating inaasahan.


At, pagkatapos, ang pangalawang bagay na gusto kong sabihin ay ito.

(2)  Ang motibo natin sa pagebanghelismo ay hindi batay sa kung gaano karami ang napagbagong loob. Kahit na ang sagot ay malaki o maliit, ang mga mata natin ay kailanman hindi dapat pumirmi sa kung gaano karami ang napagbabagong loob. Ang motibo natin ay batay sa pagsunod sa Diyos. Ang ating mga mata ay dapat laging nakapirmi sa Diyos, at ang pagsunod natin sa Kanya kapag tayo ay nageebanghelismo; at ang ating mga mata ay lagi dapat nakapirmi sa Diyos, at ang pagsunod sa Kanya kapag pinangaral natin ang Ebanghelyo! Sinabi ni Kristo sa atin,

“Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15).

Iyan ang sinabi ni Kristo na gawin natin, at dapat natin gawin ito kahit ang mga tao ay makinig man o hindi; kahit sila ay mapagbagong loob o hind. Dapat tayong magebanghelismo dahil sinabi ni Kristo na gawin natin ito! Ang ating tagumpay ay hindi depende sa sagot ng tao! Hindi! Ang ating tagumpay ay depende sa ating pagiging masunurin kay Kristo. Kung gayon tayo ay mageebanghelismo kahit na sila ay maniwala sa Ebanghelyo o hindi!


At, pagkatapos, merong pangatlong bagay na umaagos mula rito.

(3)  Naniniwala ka ba kay Kristo? Ikaw ba ay napagbagong loob kay Kristo? Magpupunta ka ba kay Kristo sa pananampalataya? Kahit na wala man sa pamilya mo at wala sa mga kaibigan mo ang napagbagong loob, hahanapin mo ba si Kristo? Ikaw ba ay lalapit sa Kanya? Tandaan na sinabi ni Kristo,

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

Ikaw ba ay pagpupunta kay Hesus, mapagbagong loob, at pagkatapos ay mabinyagan? O ikaw ba ay masasama sa malawak na mga kawan ng mga taong tangi nila ang Tagapagligtas, at sa gayon ay masawi habang buhay sa apoy ng Impiyerno?

“Datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
       (Marcos 16:16).

Ito’y aking panalangin na ikaw ay hindi masasama sa kawan ng mga sawi sa Impiyerno, datapwa’t sumama ka sa amin sa lokal na simbahang ito. Lumabas ka mula sa mundo! Magpunta kay Hesus sa pananampalataya! Pumasok sa lokal na simbahang ito. At maligtas sa lahat ng panahon at sa pagkawalang hangan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus at katuwiran Niya.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

Naway maging isa ka sa doon sa mga naniniwala at napagbagong loob! Naway ikaw ay maging isa sa kakaunting naniniwala sa Ebanghelyo kapag ito ay pinangaral. Naway sabihin mong, “Oo, namatay si Hesus para bayaran ang aking mga kasalanan. Oo, bumangon Siya sa patay. Oo, nagpupunta ako sa Kanya sa pananampalataya.” Naway ikaw ay maging isa sa kakaunting kanino nahayag ang bisig ng Panginoon, habang iyong maranasan ang kaligtasan sa pagtitiwala kay Hesus, “Ang Kordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Naway ikaw ay maging isa sa kanilang nagpupunta kay Hesus, at nahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo, at nadamitan ng Kanyang banal na katuwiran. Naway ipagkaloob ng Diyos sa iyo ang biyaya upang maniwala sa aming balita at maranasan ang kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo! Amen!

Magsitayo at kantahin ang “Ako Papunta na Panginoon,” bilang pito sa inyong papel.

Narinig ko ang Iyong umaalok na tinig
   Na tumatawag sa akin, Panginoon, sa Iyo,
Para sa paglilinis ng Iyong mahal na dugo
   Na umaagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta na, Panginoon!
   Lalapit ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo
   Na umaagos sa Kalbaryo.

Kahit na papuntang mahina at masama,
   Ika’y aking lakas pinaninigurado;
Ikaw aking kasamaan lubos na nililinis,
   Hanggang walang bahid lahat at wagas.
Ako’y papunta na, Panginoon!
   Lalapit ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo
   Na umaagos sa Kalbaryo (“Ako’y Papunta Panginoong.”
Isinalin mula sa “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

Kung gusto mong makausap kami tungkol sa pagiging malinis mula sa iyong kasalanan ni Hesus, magpunta sa likuran ng awditoryum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar lung saan makakausap ka naming. Dr. Chan, magpunta ka at manalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Sermon ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 52:13-53:1.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Sermon ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).


ANG BALANGKAS NG

ANG TINANGGIHANG BALITA

(PANGARAL BILANG 2 SA ISAIAS 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?” (Isaias 53:1).

(Isaias 52:14, 13)

I.   Una, kakaunti ang nanampalataya at napagbagong loob noong
makamundong pangangasiwa ni Kristo,
Juan 11:39, 43-44, 47, 53; 12:37-38; Mateo 9:35.

II.  Pangalawa, kakaunti ang naniwala at napagbagong loob noong
panahon ng mga Apostol, Mga Taga Roma 10:11-16.

III. Pangatlo, kakaunti ang naniniwala at napagbabagong loob ngayon,
Mateo7:13-14; Marcos 16:15, 16; Juan 1:29.