Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGHIHIRAP AT TAGUMPAY NG LINGKOD NG DIYOS! (PANGARAL BILANG 1 MULA SA ISAIAS 53) by Dr. R. L. Hymers, Jr. Ang Pangaral na ipinangaral ng umaga sa Araw ng Panginoon, “Masdan mo, ang aking lingkod ay makikitungo nang may kabaitan, Siya ay dadakilain at pararangalan at maging pinakamatas. Marami ang namangha sa Kanya; Ang Kanyang pagmumukha ay lubhang nasira at di na nag anyong tao. Kaya, kanyang didiligin ang mga bansa; ang mga hari ay maging tikom ang bibig sa Kanya; sapaagkat kanilang nakita ang mga hindi naisabi sa kanila; at kung ano ang hindi nila narinig ay siyang kanilang inuunawa” (Isaias 52:13-15). |
Iwanang nakabukas ang inyong Bibliya sa pasaheng ito. Ang mga talatang ito ay nararapat na maging kalakip sa kabanatang 53 kaysa kabanatang 52 ayon kay Dr. John Gill, sa ganang “nakakarami ng mga makabagong komentarista” (Frank E. Gaebelein, D.D., The Expositor’s Bible Commentary, Regency Reference Library, 1986, volume 6, p. 300).
Ang buong pinagusapan mula sa talatang 13 hanggang kabanatang 53 beso 12 ay tumutukoy sa “paghihirap ng Lingkod ng Diyos.” Sinabi ni Matthew Henry.
Ang hulang ito, na nagsimula rito at nagpapatuloy hanggang sa katapusan ng susunod na kabanata, ay malinaw na tumutukoy bilang si Jesu-Kristo; Ang mga naunang mga Judio ay kanilang naunawaan na ito ang Mesias, bagama’t ang mga makabagong Judio ay gumawa ng malaking pasakit upang papasamain ito… Ngunit si Felipe, mula sa paksang ito ay ipinangaral si Kristo doon sa eunuco, kung saan inilagay ang nagdaang pagtatalo na “patungkol sa kanya tumutukoy ang propeta nito,” patungkol sa kanya at wala nang ibang tao, Mga Gawa 8:34, 35 (Isinalin mula sa Kumentaryo ni Mathew HenryMatthew sa Buong Bibliya [Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible], Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, kabuuan 4, p. 235).
Ang naunang Hudyong Targum ay nagsasabi na ito’y tumutukoy doon sa Mesias gayun rin nga ang matatandang mga guro, Aben at Alshech (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 309).
Gayon din nakita ng mga Kristiyanong komentarista sa buong kasaysayan ay nakita ang pasaheng ito bilang isang propesiya ng Panginoong Hesu-Kristo. Sinabi ni Spurgeon,
Paano nila ito gagawin sa ibang paraan? Patungkol kanino tumukoy ang propeta? Kung ang tao sa Nazareth, ang Anak ng Diyos, ay hindi tamang nakikita sa tatlong mga bersong ito mas madilim pa sila sa hating-gabi. Hindi kami mag aatubili ng isang sandaling gamiting ang bawat salita patukoy sa ating Panginoong Jesu-Kristo (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Tiyak na Tagumpay ng Napako sa Krus na Isa” [“The Sure Triumph of The Crucified One”], Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, kabuuan XXI, p. 241).
Sa nabanggit na ni Matthew Henry, ang ebanghelistag si Felipe ay nagsabi na ang ganitong usapin ng Kasulatan ay hinulaan ang paghihirap ni Kristo.
“At ang eunuco ay sumagot kay Felipe at sinabi dalangin ko sa iyo, sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sa Sarili ba Niya o iba? Sa gayun ay binuksan ni Felipe ang kanyang bibig at nagsimula sa gayun ding Kasulatan, at ipinangaral sa kanya si Jesus” (Mga Gawa 8:34-35).
Hindi tayo makakagawa ng mas mahigit pa kaysa sinaunang Targum, ang mga antigong guro, ang ebanghelistang si Felipe at ang mga Kristiyanong komentarista ng mga panahon. Ang bawat salita ng teksto ay isang paghuhula ng Mesias, ang Panginoong Hesu-Kristo.
I. Una, ating nakikita natin ang Kanyang paglilingkod sa Dios.
Ang Diyos Ama ang Syang nagsasabi ng mga salita doon sa talatang 13,
“Masdan mo ang aking lingkod ay makikitungo nang may kabaitan. Siya ay dadakilain at pararangalan at maging pinakamataas” (Isaias 52:13).
Sinasabi sa atin ng Diyos na tumingin sa Kanyang “lingcod.” Noong si Jesus ay bumaba sa lupa, Kanyang,
“ginawa ang kanyang Sarili na walang dangal at kinuha ang kalikasan ng isang lingkod at naging kawangis ng tao” (Mga Taga Filipos 2:7).
Bilang Lingkod ng Diyos dito sa lupa, si Kristo'y nakikitungo ng may kabaitan at kumilos ng may karunungan. Lahat ng sinabi at ginawa ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministro dito sa lupa, ay ginawa ng may dakilang karunungan. Gayun din bilang isang maliit na batang lalaki sa loob ng Templo, ang mga guro ay namangha sa kanyang karunungan. Maya maya, ang mga Fariseo at mga Saduceo, ay hindi makasagot Siya masagot, at natikom ang bibig ni Pilato, ang gobernador ng Roma noong Siya’y nagsalita.
Tapos sinasabi ng ating patungkol sa Lingkod ng Diyos,
“Siya ay dadakilain at pararangalan at maging pinakamataas” (Isaias 52:13).
Ang mga salita sa makabagong English ay maaring isalin bilang “ibinangon” itinaas at dinadakilang lubos.” Itinutukoy ni Dr. Young na “Hindi maaring magbasa ng ganitong mga salita na walang pagpapaalala ng pagpaparangal kay Kristo na inilarawan doon sa Mga Taga Filipos 2:9 hanggang 11 at sa Mga Gawa 2:33” (Isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., Ang Aklat ni Isaias [The Book of Isaiah], Eerdmans, 1972, kabuuan 3, p. 336).
“Kaya nga pinataas din Siya ng Diyos nang napakataas at binigyan Siya ng pangalan na higit pa sa bawat pangalan” (Filipos 2:9).
“Ang Jesus na ito na ibinangon ng Diyos, na tungkol dito kaming lahat ay mga saksi. Samakatuwid bilang nasa kanang kamay ng Diyos na itinaas at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritung Banal, ay ibinuhos Niya ito, na inyo ngayong nakikita at naririnig” (Mga Gawa 2:32-33).
“Masdan mo, ang aking lingkod ay makikitungo nang may kabaitan, Siya ay dadakilain at pararangalan at maging pinakamataas” (Isaias 52:13).
Itinaas – “ibinangon” pinarangalan – “itinaas na” napakataas na dinadakilang lubos. Narito ang mga salitang nagpapakita ng mga yugto ng pag-aangat ni Kristo. Bumangon Siya mula sa mga pagkamatay! Itinaas Siya hanggang sa Langit sa Kanyang pagakyat!
Siya ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos! Itinaas – “ibinangon”! Pinararangalan – “itinaas na.” Pinakamataas – kahit hanggang sa kanang kamay ng Diyos sa Langit! Amen!
Ibinangon Siya upang mamatay,
“Ito’y tapos na,” ang Kanyang sigaw;
Ngayon sa langit ibinangon ng mataas;
Aleluya! Anong Tagapaglitas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
“Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
“Masdan mo, ang aking lingkod ay makikitungo nang May kabaitan, Siya ay dadakilain at pararangalan at Maging pinakamataas” (Isaias 52:13).
Si Jesus ay, at magpakailan manga maging, ang Lingkod ng Diyos Ama – Dios Anak ibinangon mula sa mga pagkamatay, pumapaitaa sa Langit nakaupo sa kanang kamay ng Ama! Alleluya! O! anong Tagapagligtas!
II. Pangalawa, ating nakikita ang Kanyang hain para sa kasalanan.
Pakibasa ng malaakas ang talatang 14.
“Marami ang namangha sa Kanya; Ang Kanyang pagmumukha ay lubhang nasira at di na nag anyong tao” (Isaias 52:14).
Sabi ni Dr. Young na yung mga nakakita “sa kakila-kilabot na pagkasira ng mukha ng lingkod, ay manlulumo at matatamaan ng pagkahanga…ang kanyang pagkasira ay maging napakatindi na hindi na siya mukhang isang tao…ang Kanyang anyo ay lubhang nasira na di na Siya magmukhang tao. Ito ay sukdulang napakatinding paraan ng pagsasabi kung gaano katindi ang Kanyang paghihirap”(ibid., pp.337-338).
Si Jesus ay brutal na sinira sa loob ng panahon ng Kanyang paghihirap. Sa gabi bago Siya ipinako sa krus “Siya’y nagnanangis,”
“At ang Kanyang pawis ay naging kagaya ito ng mga malalaking patak ng dugo na tumatagas sa lupa” (Lukas 22:44).
Ito ay noong bago Siyang dakpin, Doon sa kadiliman ng Gethsemane, ang kahatulan ng inyong kasalanan ay nagsimulang nahulog kay Kristo. Noong dumating ang mga kawal upang Siya’y dakpin, Siya’y basang-basa na ng mala-dugong pawis.
Pagkatapos kinuha nila Siya at hinampas sa mukha. Sa ibang lugar sinasabi sa atin ni Isaias na ang Naghihirap na Lingkod ay nagsabi,
“Hindi Ako tumutol nang bugbugin nila Ako, hindi Ako kumibo ng Ako’y kanilang insultuhin, pinabayaan ko silang bunutin ang Aking buhok at balbas. Gayun din ng lurhan nila Ako sa mukha” (Isaias 50:6).
Sinabi ni Lukas “Hinampas nila Siya sa mukha” (Lukas 22:64). Sinabi ni Marcos, “na si Pilato pumalo sa Kanya” (Marcos 15:15). Ang sabi ni Juan,
"Sa gayun si Pilato samakatuwid ay dinala si Jesus, at hinagupit Siya, at ang mga kawal ay nagtirintas ng isang korona ng mga Tinik at inilagay ito sa kanyang ulo, at sinuutan nila Siya ng Isang muradong balabal, at sinabing, Magalak! Hari ng mga Judio! at kanilang sinampal Siya sa kanilang mga kamay” (Juan 19:1-3).
Pagkatapos kanilang ipinako ang Kanyang mga kamay at paa doon sa Krus. Gaya ng paglagay nito ni Dr. Young, “Ang Kanyang wangis ay lubhang nasira kung kaya hindi na Siya nag mukhang tao" (Isinalin mula sa ibid., p.338).
“Marami ang nagitla nang Siya’y Makita dahil sa pagkabugbog sa Kanya’y halos di makilala kung Siya’y tao” (Isaias 52:14).
Karamihan sa mga makabagong mga larawang ipininta ay hindi malapit na kasing sakto ng “Ang Pasyon ni Kristo” [“The Passion of the Christ”] ni Mel Gibson sa pagpapakita kung anong itsura ni Kristo pagkatapos nila Siyang hampasin, paluin, at ipako sa krus.
Tungkol sa talatang ito sinabi ng The Scofield Study Bible, “Ang literal na pagbibigay ay terible: Lubhang nasira mula sa anyo ng taong ang Kanyang aspeto ng ang Kanyang anyo ay hindi ng isang anak ng tao’ – halimbawa hindi tao – ang epekto ng pagkabrutal ay inilarawan sa Mateo 26…” Pakinggan ang isang himno ni Joseph Hart (1712-1768),
Ang Kanyang sentido dumadanak ng dugo
At nalaslas ng mga tinik,
Nagpapadala ng pagdaloy ng dugo sa lahat ng bahago;
Ang Kanyang likuran nalatigo
Dahil sa mabigat na paghahampas,
Ngunit mas matulis na paghahampas
Ng pumunit sa Kanyang puso.
Naipakong nakahubad sa isinumpang kahoy,
Nakalatay sa lupa at langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
Isang malungkot na pagpapakita ng nasugatang pag-ibig!
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion”
ni Joseph Hart, 1712-1768; sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
At bakit, mahal na Tagapagligtas, sabihin mo sa akin bakit
Ikaw na dugo-ang nakahigang naghihirap?
Anong makapangyarihang hangarin ang Iyong hakbang?
Ang hangarin ay maliwanag- Ang lahat ay para sa pag-ibig!
(“Gethsemani, ang Pigaan ng Olivo” Isinalin mula sa
“Gethsemane, the Olive-Press!” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
Bakit, mahal na Tagapagligtas, sabihin mo sa akin bakit ang Iyong kaanyoaan ay
“napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang [Iyong] anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao”? Ang sagot ay ibinigay sa katapusan ng berso 12, sa 53rd na kapitulo, “dinala niya ang kasalanan ng marami” (Isaias 53:12). Ito ang pag-aalay ni Kristo para sa iyong mga kasalanan, isang bikaryong pag-aalay – si Hesus nagdurusa at namamatay para sa iyong mga kasalanan, sa iyong lugar – sa Krus! Gayon, nakikita natin ang paglilingkod ni Kristo sa Diyos. Gayon, nakikita natin ang pag-aalay ni Kristo upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan.
III. Pangatlo, ating nakikita ang Kanyang Kaligtasan nagagamit.
Maaring tumayo at basahin ng malakas ang Isaias 52:15.
“Kaya didiligin Niya ang maraming mga bansa; ang mga hari ay titikom ang kanilang mga bibig sa Kanya. Pagkat yaon ngang hindi naisabi sa kanila ay siyang kanilang nakita; at yaon ngang hindi nila narinig ay siyang kanilang inuunawa” (Isaias 52:15).
Maari na po kayong magsiupo. Sabi ni Dr. Young, na sa bersong ito, ang hain at paghihirap ni Kristo sa berso 14 ay ipinaliwanag at ginagamit,
Ang propeta nagpaliwanag bakit nasira ang anyo niya [Kristo]. Kaya… sa ganitong kalagayan ng pagkasira”, madidilig Niya ang maraming bansa”. [Ang] isang nasira, ang lingcod ay gumawa ng isang bagay sa para sa iba, na kanyang ganapin ang serimonya ng pag dadalisay. Ang Kanyang pagkasira [sa Kanyang paghihirap] ay… isang kalagayan na kung saan Sya mismo ang magdala ng paglilinis sa mga bansa. Ang pandiwang “didiligin Niya” [ay nagsasabi ng] pagdidilig ng… tubig. o dugo bilang panlinis…Ito’y gawain ni [Kristo bilang saserdote] na dito itinalaga, at ang layunin ng ganitong gawain ay magdala ng paglilinis at paglilinis para sa iba… siya mismo bilang saserdote ang magdidilig ng tubig at dugo at kaya makalilinis ng maaraming bansa. Ginawa Niya ito bilang naghihirap, kaninong paghihirap ay para sa…paglilinis at magbubunga ng malalim na pagbabago ng saloobin sa sino mang tumingin sa kanya (ibid, pp. 338-339).
Sa wastong katuparan ng ganitong hula, ang pangangaral ng ebanghelyo ni Kristo ay humiwalay mula sa pagkaalipin ng Judaismo at naging pandaigdigang relehiyon. Mula sa pinakaunang siglo “maraming bansa” ang naebanghelismo ma, at mga tao sa buong mundo ay nalinisan ng Dugo ni Hesus, dinadala sila sa kaligtasan kay Kristo Hesus, nagbubunga, gaya ng sinabi ni Dr. Young ng isang, “malalim na pagbabago ng saloobin sa sinomang tumingin sa kanya.”
Bagaman hindi lahat ng mga hari ng mga bansa sa sanlibutan ay naging ligtas na mga tao, gayon man habang ang Kristiyanismo ay kumakalat sa buong mundo, sila ay sa kaliitan, “tikom ang kanilang mga bibig sa kanya,” at naging nominal na mga Kristiyano,
ngunit sa lahat ang unang kasaysayan ng paglaganap ng Kristiyanismo, at hindi nagsasalita laban sa Kanya. Kahit sa kasalukuyan, si Reyna Elizabeth II ay tinitikom ang kanyang bibig “sa kanya” at yumuyuko sa katahimikang paggalang sa harap Niya sa Westminster Abbey sa mga Kristiyanong paglilingkod na nagaganap doon.
Marami pang ibang monarca dito sa Kanlurang bahagi ng mundo, at sa dakung Silangan, ay nagbibigay ng panlabas na parangal sa Kanya sa kaliitan, at marami sa kanila, tulad ni Reynang Victoria, ay gumawa ng mas higit pa kaysa magbigay ng panlabas na paggalang. Sa katunayan, gayon din ang Emperor Constantine sa maaagang mga taon ng Kristiyanismo, at marami pang iba.
“Sapagkat kung ano ang hindi naibalita sa kanila ang siyang kanilang makikita at kung ano ang hindi nila nangarinig ang siya naman ang kanilang inuunawa”(Isaias 52:15) .
Gaya ng pagkahula dito ng propeta, ang ebanghelyo ni Kristo ay napalaganap sa lahat ng mga bansa sa buong mundo,
“Kaya kanyang didiligin ang maraming mga bansa”
(Isaias 52:15).
Kahit ang pangulo ng Estados Unidos, kristiyano sa pangalan lamang, yinuyukod ang kanyang ulo paminsan-minsan sa simbahan at tikom ang “[kanyang] bibig sa Kanya.”
Ngunit kailangan kong sabihin na itong kahanga-hangang prediksyon ay hindi lubos na tumutukoy sa Europa, sa United Kingdom at Amerika gaya nito noon. Ang mga simbahan sa Kanluran ay nasa kalituhan at kaligaligan dahil sa pagpasok ng “liberal” na pagsalakay sa Bibliya, at ang panghihina ng mga simbahan sa pamamagitan ng pagpapasalungat ng ebanghelyo ni Finney, at ng makabagong tagasunod ng kanyang nakalilinlang na mga paraan ng “desisyonismo” sa iba’t-ibang mga anyo nito. Ngunit sa malawak na Pangatlong Mundo ang makapangyarihang pagkagising at pagmumuling buhay, na minsan ay nasumpungan sa tumatalikod sa dating pananampalatayang, huminang mga simbahan ng Kanluran, ay yumayabong.
Ang ating mga puso ay nagagalak kapag tayo’y makakabasa ng mga salaysay ng napakarami sa China, Timong Silangang Asya, Aprika, Indiya, at ibang bahagi ng mundo, na naguumapaw sa ebanghelyong pinapangaral na mga simbahan sa mga oras na ito! Oo, madalas silang inuusig, ngunit bilang Tertullian sinabi noong ikalawang siglo, “Ang dugo ng mga martir ay siyang binhi ng simbahan.” At ito ay totoo ngayon sa lahat ng mga Pangatlong Mundong mga bansa. Habang ang Amerika, at ang Kanluran sa kabuuan, ay nahuhulog mula sa kanilang Kristiyanong nakaraan, at nawawala na sa pagiging makatao, mapagdudang espiritwal na pagkalito, gayon gaya ng prediksyon ni Spurgeon,
Si Jesus ay… magdidilig hindi lamang sa mga Judio, kundi sa mga bayan ng mga Gentil sa lahat ng lugar…Ang lahat ng lupain makakarinig tungkol sa Iyo at makaramdam sa iyong bumababa gaya ng ambon sa ginapas na damo. Ang takipsilim na mga lipi sa malalayo, at ang mga naninirahan sa lupain saan lulubog ang araw ay nakakarinig ng iyong aral at makakainom nito…Iyong didiligin ang maraming mga bansa ng Iyong mapagbiyayang salita (Isinalin mula sa ibid., p. 248).
Ang “propetikong” mensahe ni Spurgeon ay mas nagkatotoo ngayon kaysa noong sinabi niya ang mga salitang nakalipas na ang daang taon. At tayo’y magalak na ganoon nga! Amen!
Ang ganitong pangako ay hindi lubusang natupad. Ngunit matutupad – dahil ang bibig ng Panginoon ang nagsabi nito – sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsabi,
“Ang mga bansa ay kusang lalapit sa Iyong liwanag”
(Isaias 60:3)
“Ang mga kawal ng mga bansa ay kusang lalapit sa Iyo”
(Isaias 60:5).
“Masdan, sila ay darating mula sa malayo at narito sila’y mula sa Hilaga at mula sa Kanluran at sila’y mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Si James Hudson Taylor, ang maagang misyonaryo sa Tsina, nagsabing ang “Sinim” ay ang lupain ng Tsina, gayun din ang Ang Pag-aaral na Bibliya ng Scofield [The Scofield Study Bible], sa kanyang tala sa Isaias 49:12. Paano tayo di sasang-ayon kay Taylor at ang tala sa Scofield kung nakikita na natin itong nangyayari sa Tsina sa harapan natin ngayon? Tiyak na ito ay totoo, sa pinakamunti sa pamamagitan ng pagsasabuhay! Libo-libo ang napagbagong loob kay Kristo bawat oras sa Repulika ng mga Tao ng Tsina, at marami pang ibang malalayong lupain, at nagagalak tayo dahil ganoon nga ito!
Habang pinapatay ng Amerika sa pumapatay ng sanggol na aborsyon ang tatlong libong walang magawang mga bata araw-araw, ang simabahan ay nagsasara rito ng libo-libo, gayon yoong mga malalayong lupain ang gawain ni Kristo ay lumalago, at mananaig pa! Papalain sila ng Diyos ng marami pang pagbabagong loob! Pagpaglain sila ng Diyos na ang mga taong kilala si Kristo, at handang magdusa para sa Kanyang pangalan, ay naway malapit nang magtagumpay kasama sa mga bansa sa Kanyang Pangalawang Pagdating!
Ngunit nais kong magtanong sa inyo ngayong umaga, nakilala nyo na ba si Kristo? Tumingin ka na ba ng may pananampalataya sa Kanya na lubhang nasira kaysa bawat tao upang bayaran ang kaparusahan ng iyong kasalanan – Opo sa iyo! Nadilig Niya na ba ng kanyang Dugo ang iyong kasalanan, nakasulat na ba sa aklat ng Langit? Nahugasan ka na ba’t nalinis sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero ng Diyos na nag alis ng kasalanan sa sanlibutan? At kung hindi pa, nais mo bang itikom ang iyong bibig sa kanyang harapan at yumuko ng nakaluhod kay Jesus at tanggapin Siya bilang iyong sariling Panginoon at Tagapagligtas? At nais mo bang gawin ito ngayon?
Ngunit tinatanong kita ngayong umaga, “Kilala mo ba si Kristo? Tumingin ka na ba sa Kanya sa pananampalataya sino ay ‘napakakatuwa kay sa kaninomang lalake’ upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan – oo para sa iyo! Kanya bang nadilig ang Kanyang Dugo sa iyong kasalanan, na nakatala sa mga aklat ng Diyos sa Langit? Ikaw ba ay nahugasang malinis ng Dugo ng Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan? At kung hindi, iyo bang ‘[ititikom] ang [iyong bibig’ sa Kanyang piling, at yuyuko kay Hesus, at tanggapin Siya bilang iyong sariling Panginoon at Tagapagligtas? At gagawin mo ba iyan ngayon?”
Magitayo at kantahin ang himno bilang pito sa inyong papel.
Ang malaking karga ng sala ng tao Ay inilagay sa Tagapagligtas;
Sa aba tulad ng isang damit, Siya para sa mga makasalanan ay iginayak,
Para sa mga makasalanan ay iginayak.
At sa kakila-kilabot na kirot ng kamatayan Siya ay lumuha, nanalangin
Siya para sa akin;
Inibig at yinakap ang sala ng aking kaluluwa
Noong ipinako sa isang puno.
Noong ipinako sa isang puno.
O pag-ibig nakamamangha! Pag-ibig lampas sa abot ng dila ng tao;
Pag-ibig na magiging paksa ng Isang walang hanggang kanta.
Isang walang hanggang kanta.
(“Pag-ibig sa Matinding Paghihirap.” Isinalin mula sa “Love in Agony” ni
William Williams, 1759; Sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus at pagiging isang Krisitiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum na. Dadalhin kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo’y makakapag-usap. Magpunta na ngayon. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin para doon sa mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ang Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 27:26-36.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pag-ibig sa Matinding Paghihirap” Isinalin mula sa
“Love in Agony” (ni William Williams, 1759;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGHIHIRAP AT TAGUMPAY NG LINGKOD NG DIYOS! (PANGARAL BILANG 1 MULA SA ISAIAS 53) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Masdan mo, ang aking lingkod ay makikitungo nang may kabaitan, Siya ay dadakilain at pararangalan at maging pinakamatas. Marami ang namangha sa Kanya; Ang Kanyang pagmumukha ay lubhang nasira at di na nag anyong tao. Kaya, kanyang didiligin ang mga bansa; ang mga hari ay maging tikom ang bibig sa Kanya; sapaagkat kanilang nakita ang mga hindi naisabi sa kanila; at kung ano ang hindi nila narinig ay siyang kanlang inuunawa” (Isaias 52:13-15). (Mga Gawa 8:34-35) I. Una, ating nakikita ang Kanyang paglilingkod sa Diyos, II. Pangalawa, ating nakikita ang Kanyang Hain para sa Kasalanan, III. Pangatlo, ating nakikita ang Kanyaang Kaligtasang isinabuhay, |