Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAG-AALAY NI ISAAC (PANGARAL BILANG 70 SA AKLAT NG GENESIS) THE OFFERING OF ISAAC ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Ito ang ika-pitompu’t sermon na aking ipinangaral mula sa Aklat ng Genesis nitong huling kaunting mga buwan. Umaasa akong ito’y maging pagpapala sa iyo ngayong umaga! Paki-lipat sa Genesis 22:1 sa inyong Bibliya, habang tayo’y sabay-sabay na magsitayo.
“At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo” (Genesis 22:1-2).
Maari nang magsi-upo.
Ang salaysay ay simpleng sapat, ngunit ito’y isang napaka malalim na mensahe, napaka lalim na nag-alinlangan akong ipangaral ito ng maraming taon. Ipaliliwanag ko ito sa ilang minuto lamang. Ngunit ibibigay ko muna ang kwento. Si Abraham ay isang napaka tandang lalake na noong ang kanyang anak na si Isaac ay naipanganak. Siya’y pitompu’t lima noong ipinangako ng Diyos na bigyan siya ng isang anak. Nag-antay siya ng dalawampu’t limang taon, at isang daang taon gulang noong ang nag-iisang lalakeng anak niya ay naipanganak. Habang tayo’y papaunta sa kapitulong ito, si Isaac ay mga 26 o 27 taong gulang. Ngayon sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya na dalhina ang nag-iisa niyang anak na si Isaac, na kanyang iniiibig, at magpunta sa lupa ng Moriah, “at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok” (Genesis 22:2). Naglakbay sila sa lugar na iyan. Kinuha ni Abraham ang kahoy na dinala niya, nagtayo ng isang altar, at inilatag ang kahoy para sa isang apoy. Tapos itinali niya si Isaac at inilatag siya sa ibabaw ng kahoy.
“At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak. At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, Abraham, Abraham: at kaniyang sinabi, Narito ako. At sa kaniya'y sinabi, Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak. At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak” (Genesis 22:10-13).
Iyan ang salaysay ng nangyari. Gaya ng pagkasabi ko, ito’y simpleng sapat. Ngunit mayroong napakaraming bahagi sa kwento na nag-alinlangan akong ipangaral ito hanggang ngayon. Tapos nabasa ko ang kumento ni Dr. H. C. Leupold sa sipi. Sinabi niya, “Sa homiletikal na paggamit ng sipi sa kahit dalawa lamang pakikitungo ay posible” (isinalin mula kay H. C. Leupold, D.D., Ang Pagpapaliwanag ng Genesis [Exposition of Genesis], kabuuan II Baker Book House, 1985 edisiyon, p. 637).
Ang pag-iisip mayroong “kahit dalawa lamang” na pakikitungo kapag nagpapangaral sa siping ito ay lumaya sa aking isipan. Kung gayon bibigay ko kayo ng apat na aplikasyon ng dakilang siping ito.
I. Una, ang sipi ay tumutukoy patungkol sa pananamapalatayang sinusubok.
Sinasabi ng berso isa, “At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham” (Genesis 22:1). Ang pangunahing ugat ng Herbeong salita para sa “sinubok” ay nangangahulugang “iksaminin” (Strong). Sinabi ni Dr. McGee, “Ang salitang subok ay masyadong matapang kaunti. Ginagawa itong malinaw ni Santiago sa kanyang sulat na hindi kailan man sinusubok ng Diyos ang kahit sino ng masama. Sinusubok ng Diyos ang mga tao sa pang-uunawa na sinusubok Niya ang kanilang pananampalataya. Sinubok ng Diyos si Abraham” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1981, kabuuan I, p. 90).
Inilalarawan ng teksto ang ika-apat na matinding pagsubok na ibinigay ng Diyos kay Abraham. Ang bawat pagsubok ay may kasamang pagsusuko ng isang bagay na kanyang minamahal. Una, tinawag siya upang iwanan ang kanyang pamilya at kanyang katutubong lupa (Genesis 12:1). Pangalawa, sinabihan siyang humiwalay mula sa kanyang pamangking si Lot (Genesis 13:1-18). Pangatlo, sinabihan siyang isuko ang kanyang mga plano para kay Ishmael (Genesis 17:17, 18). Pang-apat, rito sinabihan siyang ialay ang minamahal niyang anak na lalakeng si Isaac bilang sinunog na pag-aalay. Sinabi ni Arthur W. Pink,
Ang buhay ng isang mananampalataya ay isang magkakasunod na mga pagsubok, dahil sa pamamagitan lamang ng disiplina na ang karakter ng Kristiyano ay maguunlad. Madalas mayroong isang pinakadakilang pagsubok, sa pananaw na ang lahat ng iba ay pasimula. Kaya ito kay Abraham. Siya’y sinubok muli’t-muli, ngunit hindi kailan man tulad ng narito. Ang hinihingi ng Diyos ay, “Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso” (Mga Kawikain 23:26). Hindi ito ang ating talino, o ating talent, o ating pera, kundi ang ating puso, na hinihingi ng Diyos panguna. Kapag tayo’y tumugon sa hinihingi ng Diyo, inilalatag Niya ang Kanyang kamay sa isang bagay na espesyal na malapit at iniibig natin, upang patunayan ang katapatan ng ating tugon, dahil hinihingi ng Diyos ang katotohanan sa panloob na mga bahagi at hindi lamang simpleng ating mga labi. Kung gayon pinakitunguhan niya si Abrahan (isinalin mula kay Arthur W. Pink, Namumulot sa Genesis [Gleanings in Genesis], Moody Press, 1981 edisiyon, p. 226).
Mayroong laging isang malaking pagsubok sa simula, kapag ang isang tao ay unang narinig ang Ebanghelyo. Sinai ni Hesus, “Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33). Ibig sabihin niyan na kailangan mong gustuhin si Kristo higit sa kahit ano pa mang bagay. Ang mga kasalanang iniibig mo ay dapat mawala. Ang mga makamundong mga kayamanan ay dapat pumapangalawa ang lugar. Ang mga lihim na mga pagpapakalabis ay dapat isuko. Hindi mo mapaglilingkuran ang mga bagay na ito at maging isang Kristiyano sa parehong beses! Mayroong isang nagsabi, “Ngunit masasaktan nito ang aking karir.” Sinabi ni Hesus, “Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan” (Lucas 16:13). Sinabi ni Hesus, “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili…” (Lucas 9:23). Dito ay maraming mga tao ang nadarapa. Gusto nilang maging Krisityano na walang kahit anong bagay na isinusuko. Gusto nilang maligtas na walang binabago sa kanilang mga buhay. Gusto nilang kumapit sa isang kasalanan at mapagbagong loob ng parehong beses! Iyan ay imposible! Hindi iyan maari! Iyan ay di kaisip-isip, hindi maipag-aayos, at isang balintunang kontradiksyon! “sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33).
Hindi ba iyan ang kinailangan harapin ni Abraham sa Bundok Moriah? Sinubok ng Diyos si Abraham. Handa siyang isuko ang bagay na kanyang iniibig ng higit sa mundong ito – ang kanyang nag-iisang anak? Sinabi ng Diyos, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal… at ihain mo siya roong handog na susunugin” (Genesis 22:2). At iyan ang pagsubok na hinaharap mo rin. Kunin ngayon ang iyong minamahal na kasalanan at ialay ito para sa isang handog na susunugin. Gagawin mo ba ito? Kung hindi hindi ka magiging isang tunay na Kristiyano. Kumapit rito at hindi ka kailan man mapagbabagong loob – kailan man! hindi kailan man! hindi kailan man! O naway alingawngawin ng iyong panalangin iyong lumang kanta!
Panginoong Hesus, tumingin pababa mula sa Iyong trono sa mga langit,
At tulungan akong maging isang ganap na alay;
Sinusuko ko ang aking sarili, at anumang alam ko,
Ngayon hugasan ako at ako’y magiging mas maputi kaysa sa niyebe…
Sirain ang bawat isang idolo, palayasin ang bawat kaaway;
Ngayon hugasan ako at ako’y magiging mas maputi kaysa sa niyebe...
(“Mas Maputi sa Niyebe.” Isinalin mula sa “Whiter Than Snow”
ni James Nicholson, 1828-1896).
II. Pangalawa, ang sipi ay tumutukoy patungkol sa pag-ibig ng Diyos.
Isipin ang sakit sa pusong naramdaman ni Abraham habang kinuha niya ang kanyang minamahal na anak na lalakeng si Isaac upang ialay sa Diyos!
“Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac na iyong minamahal... at ihain mo siya roong...” (Genesis 22:2).
Sinabi ni Arthur W. Pink, “Ito’y isa sa mga pinaka Lumang Tipang tipo na dinaladal sa harap natin hindi lamang ang Diyos Anak kundi ang Diyos Ama rin. Dito [higit sa kung saan pa man sa Lumang Tipan] tayo ay pinakitaanng puso ng Ama. Dito ito na makakukuha tayo ng ganoong nakamamanghang pagbabala ng Banal na tabi ng Kalbaryo” (isinalin mula kay Pink, ibid., p. 222).
Sa ika-dalawampu’t dalawang kapitulo ng Genesis malalaman natin kung anong naramdaman ng Diyos noong
“Siya...hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Mga Taga Roma 8:32).
Sinabi ni Pink, “O! gaanong ang Espiritu ng Diyos ay nananatili sa pag-aalay at sa mang-aalay, na para bang mayroon dapat isang masusing [pagkakaparehas sa pagitan] ng tipo [si Abraham] at ang Antitipong [ang Diyos Ama] – ‘iyong anak’ – ‘ang iyong nag-iisang anak’ – ‘na iyong minamahal!...Tunay na ito’y sentral sa Genesis 22. Sa kapitulong ito ang kanyang pagkatauhan ay mas nakikita kaysa kay Isaac…Ito ang [pag-ibig] ng puso ng Ama na dito ay ipinapakitang higit na kapuna-puna” (Isinalin mula kay Pink, ibid.). Ang kalungkutan at pagdurusa na naramdaman ng Diyos Ama noong si Hesus ay ipinako sa krus ay ipinakita sa atin kay Abraham, ang tipo ng Diyos Ama.
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Ipinapakita ng siping ito ang pagsubok ng pananampalataya, at ang pag-ibig ng Diyos Ama. Ngunit mayroong higit pa, dahil ito ay isang napka yamang kapitulo ng Salita ng Diyos.
III. Pangatlo, ang sipi ay tumutukoy sa pagkamasunurin
ni Kristo hanggang sa kamatayan.
“At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin? At sinabi ni Abraham, Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama. At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:7-10).
Tignan kung gaano kaamo at kamasunurin ni Isaac noong nagpunta siya sa katayan? Si Isaac ay isang tipo. Si Hesus ay ang antitipo, ang pagtutupad ng tipo. Si Isaac ay masunuring nagpunta sa kanyang kamatayan, gaya ng ginawa ni Kristo. Sinabi ng propeta na si Kristo ay, “Gaya ng kordero na dinadala sa patayan” (Isaias 53:7). Hindi ipinagtanggol ni Isaac ang kanyang sarili noong itinali siya ng kanyang ama “inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy” (Genesis 22:9). At noong ikwinestyon ni Pilato si Hesus, “hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador” (Mateo 27:14). At sinabi ni Isaias, “Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Pansinin rin si Isaac buhat-buhat ang kahoy. Sinasabi ng sipi, “kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin, at ipinasan kay Isaac na kaniyang anak” (Genesis 22:6). Anong larawan ni Kristong binubuhat ang Kanyang krus sa lugar ng pagpapako sa krus! Dito tayo ay pinaaalalahanan na si Kristo’y “nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Mga Taga Filipo 2:8).
“Tao ng mga Pagdurusa,” anong pangalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Mga nasirang makasalanan upang mabawi!
Aleluya! Anong Tagapagligtas!”
(“Aleluya! Anong Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
Ngunit may isa pang punto.
IV. Pang-apat, ang sipi ay tumutukoy sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa lugar ng mga makasalanan.
Umabot si Abraham at kinuha ang kutsilyo upang patayin si Isaac. Ito’y mukhang di pangkaraniwan kay Abraham gaya nito sa iyo at ako, kapag atin itong binabasa. Pinaniniwalaan ni Abraham na ang pag-aalay ng tao ay mali. Hanggang ngayon hindi kailan man pumasok sa kanyang isipan ang pag-aalay ng tao. Ipinapakita nito ang isang tunay na krisis sa isipan ni Abraham. Si Abraham ay dumaan sa tatlong mga pagsubok na. Una, tinawag siyang iwanan ang lahat ng kanyang mga kamag-anak sa Ur ng Chaldees. Kinailangan niyang iwan ang kanyang buong pamilya. Iyan ang tunay na pagsubok para kay Abraham. Alam ko ang pakiramdam na magkaroon ng di-Kristiyanong pamilya na nag-iisip na ika’y nabaliw na kapag ika’y maging Kristiyano. Kaya alam ko ang pagdurusang naradaman ni Abraham sa pag-iiwan sa kanila. Tapos naroon ang pagsubok na dumating sa kanyang pamangking si Lot. Siya ang huling miyembro ng kanyang pamilya na kanyang nakasama. Ngunit dumating ang panahon na kinalangan niyang humiwalay, at si Lot ay nagpunta at nanirahan sa lungsod ng Sodom. Tapos naroon ang pagsubok ng kanyang anak kay Hagar. Minahal niya ang batang si Ishmael, at ikinapootan ang mahiwalay sa kanya. Sumigaw si Abraham sa Diyos, “Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!” (Genesis 17:18). Ngayon dumating sa Abraham sa pinaka dakilang pagsubok, ang ika-apat na dakilang krisis sa kanyang buhay – sinabi sa kanya ng Diyos na ialay si Isaac! Hindi naintindihan ni Abraham ang ito sa anumang paraan, dahil sinabi sa kanya ng Diyos, “kay Isaac tatawagin ang iyong lahi” (Genesis 21:12). Hindi naintindihan ni kung bakit kinailangan niyang patayin ang kanyang anak na kanyang ipinangako ng maraming taon sa kanya. Ngunit ang pananampalataya ni Abraham ay napaka lakas, na ngayon naniwala siya na “Maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios” (Mga Taga Hebreo 11:19).
Tignan mo bawat beses na iyong malampasan ang isang pagsubok na ibinibigay ng Diyos sa iyo, tumatanggap ka ng mas higit na pananampalataya, at ang iyong pananampalatya ay nagiging mas malakas. Mayroong mga kaunting pagkakataon sa aking buhay noong naisip ko na hindi na ako makapagpapatuloy maging isang Kristiyano. Ito ang mga panahon ng matinding pagkabigo at pinaka mabigat na pagsubok, talagang napaka mabigat. Ngunit pagtingin pabalik nakikita ko na ngayon na sinusubok ako ng Diyos para sa isang dahilan. Hindi ako ang taong ako ngayon kung hindi ako binigyan ng Diyos upang pagdaanan yoong mga teribleng mga pagsubok na iyon. At iyan ang paraan kay Abraham.
Ngunit ngayon, noong kinuha ni Abraham ang kutsilyo upang patayin ang kanyang anak, bigla siya tinawag ng Diyos,
“Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak” (Genesis 22:12).
Alam ng Diyos na kinatakutan Siya ni Abraham bago nito, ngunit ang kanyang pamilya at si Isaac mismo ay hindi tiyak – hanggang sa makita nila na siya’y handang gumawa nitong pambihirang pag-aalay.Iyan ang dahilan na sinabi ng Apostol Santiago na si Abraham ay “inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa” (Santiago 2:17). Pinatunayan ni Abraham ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng kanyang gawain, sa pamamagitan ng kanyang kagustuhang sundin ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay kay Isaac.
Ngunit sandali! Dito ako nalita noong binasa ko ang kapitulong ito noong nakaraan. Nagtaka ako kung paano ang tipo ay magbagao mula kay Isaac sa lalakeng tupa, dahil mababasa natin,
“Itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak” (Genesis 22:13).
Ang tipo ng Kristo bilang ating kapalit na pag-alay ay nagpalit mula kay Isaac sa lalakeng tupa. Dito ay kung saan tinulungan ako ni Dr. Leupold noong sinabi niyang, “Kahit dalawang pakikitungo ay posible” kapag nangangaral sa siping ito. Natagpuan ko na mayroong sa apat sa pinakaunting paraan pakikitatungo.
Ang tipo ay nagpalit rito, at si Isaac ay naging isang tipo ng makasalanan, ikinondena ng batas ng Diyos, na ikinokondena ang makaslaanan sa kamatayan. Oo, si Isaac ay isang makasalanna, gaya ng lahat ng mga tao. At oo, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Mga Taga Roma 6:23). At anong nakamamanghang tipo ito! Si Isaac ang makasalanan ay naligtas mula sa paghahatol ng batas ng Diyos sa pamamagitan ng lalakeng tupa, na kinuha ni Abraham at “inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak” (Genesis 22:13). Sinasabi ng Bagong Tipan, “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan” (I Mga Taga Corinto 15:3). At sinabi ng Apostol Pablo,
“Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).
Pansinin ang Genesis 22:14. “pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon, ng Jehova-jireh,” na ang ibig-sabihin ay, “Ang Panginoong ang magbibigay.” Ibinigay ng Diyos si Hesus, upang kunin ang iyong lugar bilang taga dala ng kasalanna, gaya ng pagbigay Niya ng lalakeng tupa upang kunin ang lugar ni Isaac! Magtiwala kay Hesus at kukunin Niya ang iyong lugar, at babayaran ang multa para sa iyong mga kasalanan sa Krus! Ito ay aking panalangin na ika’y tatalikod mula sa iyong mga kasalanan at magtiwala kay Hesus ngayon. Namatay Siya sa iyong lugar, upang patawarin ang iyong mga kasalanan, at dalhin ka sa Diyos!
Maari ikinatatakot mong kailangan mong magbago masyado kapat magtiwala ka kay Kristo. Kung mabigo ka sa pagsubok na iyon hindi ka kailan man maliligtas! Dapat kang tumayo laban sa iyong mga takot at magpunta kay Kristong mapagpangahas. Huwag kang mag-aalinlangan! Itapon ang iyong sarili sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananmpalataya. Ililigtas ka Niya mula sa poot ng Diyos, at paghahtol ng kasalanan. Ang Dugo ni Hesus ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng mga kasalanan. Ang kanyang kamatayan sa iyong lugar sa Krus ay magbabayad sa halaga ng iyong kasalanan, at ika’y hindi kailan man parurusahan.
Kung ika’y interesadong maging isang tunay na Kristiyano, iwanan ang iyong upuan ngayon at maglakad sa likuran ng awditoriyum na ito. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan masasagot namin ang iyong mga tanong, at magkausap at manalangin. Magpunta na ngayon. Dr. Chan paki-pangunahan kami sa panalangin para sa pagbabagong lob noong mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Genesis 22:1-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Binili Niya ang Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
“He Bought My Soul” (ni Stuart Hamblen, 1908-1989).
ANG BALANGKAS NG ANG PAG-AALAY NI ISAAC (PANGARAL BILANG 70 SA AKLAT NG GENESIS) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo” (Genesis 22:1-2). (Genesis 22:10-13) I. Una, ang sipi ay tumutukoy patungkol sa pananamapalatayang sinusubok, II. Pangalawa, ang sipi ay tumutukoy patungkol sa pag-ibig ng Diyos, III. Pangatlo, ang sipi ay tumutukoy sa pagkamasunurin ni Kristo IV. Pang-apat, ang sipi ay tumutukoy sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo |