Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGPAITAAS NI KRISTO

THE ASCENSION OF CHRIST
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-10 ng Pebrero taon 2013

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8).


Ang mga Jebusite ay mga kaaway ng Isarael. Hinawakan nila ang lungsod ng Jerusalem ng matagal habang ang natira sa lupain ay nakuha na ng mga tao ng Diyos. Ngunit si David at ang kanyang mga tauhan ay sa wakas kinuha ang lungsod. Natandaan ni David kung paano mahigpit na sinalakay ng kanyang mga kawal ang mga kaitaasan ng Jerusalem. Ito ang bundok ng Panginoon, ang Bundok Zion, kung saan ang Templo ng Diyos ay matatagpuan. Na may mga kanta at pagsigaw ng papuri, dinala ni David ang Arko ng Tipan paitaas sa Bundok ng Zion, patungo sa itaas kung saan ito’y mananatili. Ngunit si David ay tumingin lampas pa sa makalupaing eksenang iyon. Nakita niya si Kristong pumapaitaas, kumukuha ng mga bihag habang Siya’y papunta, at nananagumpay ng mga tagumpay para sa Kanyang mga tao, upang makapanirahan Siya kasama nila bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. At kaya, sa Mga Awit 68, isinulat ni David,

“Sumampa ka sa mataas, pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios” (Mga Awit 68:18).

Isang libong taon maya-maya ang Apostol Pablo ay napakilos ng Espiritu ng Diyos upang isabuhay ang mga salitang iyon sa ating David, ang Panginoong Hesu-Krsito, noong Siya’y pumaitaas pabalik sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. At kaya ang Apostol ay sumipi sa Mga Awit 68:18, isinasabuhay ito sa nabuhay muling Kristo,

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8).

Ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumaba mula sa Langit noong Siya’y dumating bilang isang sanggol sa sabsaban ng Bethlehem. Bumaba Siya ng mas mababa pa noong Siya’y naging “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3). Bumaba pa Siya ng mas mababa noong ang ating mga kasalana ay inilagay sa Kanya sa Hardin ng Gethsemani, noong Siya’y humingal at umungol at nagpawis “ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Bumaba pa Siya ng mas mababa noong Siya’y “nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Mga Taga Filipo 2:8). At bumaba pa Siyang mas mababa pa din noong ang Kanyang patay na katawan ay inilatag sa libingan. Gaya ng pagkasabi ni Apostol Pablo, “Siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa” (Mga Taga Efeso 4:9). Mahaba at madilim ang Kanyang pagbaba, pababa sa kahihiyan, dalamhati at kamatayan. Malalim sa kadiliman at desersyon sinigaw Niya, “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46). Mababa sa libingan Siya’y nahiga habang sinelyado ng mga Romanong kawal ang Kanyang libihan at nagbantay.

Ngunit sa pangatlong araw, maaga sa umaga, ang lupa ay yumanig, nirolyo papalayo mula sa pintuan ng anghel ng Panginoon ang bato; si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay at lumakad papalabas ng madilim na libingan sa umagang araw!

Aleluya! Aleluya! Aleluya!
   Ang tatlong malulungkot na mga araw ay mabilis na tumulin;
Bumangon Siyang maluwalhati mula sa pagkamatay:
   Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno, Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
   (Isinalin mula sa isinalin ni Francis Pott, 1832-1909,
      “Ang Paglalaban ay Tapos na,” “The Strife Is O’er”).

Sa maliwanag na umaga ng Araw ng Pagkabuhay sinimulan ni Kristo ang Kanyang maluwalhating pagpaitaas! Upang patunayan na Siya’y bumangong, laman at buto mula sa pagkamatay, nanatili Siya sa lupa, at “napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3). Nakita Siya ni Maria Magdalena at Santiago na mag-isa. Nakita siya ng labin isang mga Disipolo nong tumayo Siya sa kanilang kalagitnaan, “At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:42, 43). Dalawa sa daan saEmmaus ang kumausap sa Kanya. Limang daang mga kapatid sa isang beses ay nakita Siya. Sinabi Niya sa mga Apostol, “hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39). Inilagay ni Tomas ang kanyang mga daliri sa mga butas sa Kanyang mga kamay, at itinarak ang kanyang kamay sa sugat sa Kanyang tagiliran, na gawa ng sibat na tumusok sa Kanya sa Krus. Ang katunayan na si Hesus ay talagang namatay ay napatunayan ng nakangangang sugat na iyon. At ang katunayan na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay ay nagpatunay sa paghahawak ni Tomas na nabuhay na muling Panginoon. Lampas sa kahit anong pagdududa, si Kristo Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay!

Aleluya! Aleluya! Aleluya!
   Ang mga kapangyarihan ng kamatayan ay
nagawa na ang kanilang pinakamalubha;
   Ngunit si Kristo ang kanilang hukbo ay nagkalat,
Hayaan ang sigaw ng banal na kaligayahan ay magbulalas. Aleluya!!
   Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Noong kanyang napatunayan sa kanila na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay, dinala ni Kristo ang Kanyang mga Disipolo sa Bundok ng Olivo. Habang sila’y nanood, “ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin” (Mga Gawa 1:9). Tiyak na ang manunula ay hindi nagkamali noong sinabi niyang,

Gintong mga alpa ay tumutunog, Ang mga tinig ng Anghel ay kumikililing,
   Parang perlas na mga tarangkahan ay bumukas, Bumukas para sa Hari:
Si Kristo, ang Hari ng Luwalhati, Hesus, Hari ng Pag-ibig,
   Ay pumaitaas sa tagumpay Sa Kanyang trono sa itaas.
Ang lahat ng Kanyang gawain ay natapos na, Magalak nating kantahin;
   Si Hesus ay pumaitaas: Luwalhati sa ating Hari!
(“Gintong Mga Alpa ay Tumutunog” Isinalin mula sa
        “Golden Harps Are Sounding” ni Frances R. Havergal, 1836-1879).

Ang Panginoong Hesu-Kristo ay bumalik sa Makalangitang lugar mula sa Kanyang pinanggalingan. O Kristo, Ikaw ang Hari ng daig-dig! Ikaw ang walang hanggang Anak ng Ama! Ika’y nakaupo sa pinakamataas na Langit, nadakilaan ng luwalhati, nadamitan ng kapangyarihan, Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon!

Si Hesus, Tagapagligtas, naghahari magpakailan man;
   Putungan Siya! putungan Siya! Propeta at Saserdote at Hari!
Si Kristo ay padating! Sa mundong matagumpay,
   Kapangyarihan at luwalhati sa Panginoon ay nagmamayari:
Papuri sa Kanya! Papuri sa Kanya!
   Sabihin ang patungkol sa Kanyang napakahusay na kadakilaan,
Papuri sa Kanya! Papuri sa Kanya!
   Magpakailan man sa maligayang kanta!
(Papuri sa Kanya! Papuri sa Kanya! Isinalin mula sa
        “Praise Him! Praise Him!” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Na nagdadala sa atin sa ating teksto,

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8).

At mula sa teksto ating malalaman ang tatlong dakilang katotohanan tungkol sa pagpaitaas ni Kristo pabalik sa Langit.

I. Una, ang tagumpay ni Kristo ay nakita sa Kanyang pagpaitaas.

Si Kristo ay bumaba sa lupa upang labanan ang mga kaaway ng Diyos at tao. Ang labanang Kanyang pinaglabanan ay hindi laban sa laman at dugo, “kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12). Si Kristo ay lumaban laban sa kasalanan, kamatayan, at Impiyerno. Nakipaglaban Siya laban sa pagkapoot sa Diyos at pag-ibig sa huwad na relihiyon. Nakipaglaban Siya laban sa Diablo at kanyang mga demonyo. Nakipaglaban Siya laban sa mga kalaban nsa ito hanggang Siya ay nagpawis ng malalaking patak ng Dugo, at “kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan” (Isaias 53:12). Ngunit noong ang labanan ay natapos na, bumangon Siyang matagumpay mula sa pagkamatay at pumaitaas sa Ama sa trono!

Ang hiya, at pagdurusa at kalapastangan sa Diyos ay malayo na sa Kanyang likuran ngayon. Siya’y pumaitaas lampas sa abot ng nangungutyang mga Saduseyo at nag-aakusang mga Fariseo. Hindi na Siya mahahalikan ni Judas ngayon. Hindi na Siya mahahampas ni Pilato ngayon. Hindi na Siya makukutya ni Herodes ngayon. Mas malayo na Siyang mataas sa maabot ng Kanyang mga kalaban magpakailan man!

Siyang dumating upang iligtas tayo, Siyang nagdugo at namatay,
   Ngayon ay naputungan ng luwalhati Sa tabi ng Kanyang Ama;
Hindi na kailan man maghihirap, Hindi na kailan man mamamatay,
   Hesus, Hari ng Luwalhati, Ay pumaitaas na ng mataas.
(“Ang Gintong Mga Alpa” Isinalin mula sa
      “Golden Harps Are Sounding,” ibid.).

Ang gawain ni Kristo sa lupa ay natapos. Noong sumigaw Siya mula sa Krus, “Tapos na,” wala ng higit na kakailanganing magawa para sa ating kaligtasan. Ngayon Siya nakaupo sa Kanyang trono namamagitan para sa ating bilang ating mataas na saserdote. Ngayon Siya ay pinarangalan mataas sa lahat ng pangalan, at lahat ng mga bagay ay inilagay sa ilaim Niya! Ito ang Kristo na ating mapagkakatiwalaan, at ating iniibig!

At huwag dapat nating kalimutan ang lahat ng mga benepisyo na dumarating sa atin sa pamamagitan Niya. Ito’y sa pamamagitan Niya na natatanggap natin ang lahat ng pagpapala. “Siya’y pumaitaas sa mataas.” “Dinala Niyang bihag ang pagkabihag.” Siya’y “nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” Tayo’y magaya sa pagpaitaas ni Kristo sa itaas sa Kanyang trono. Ang Kanyang pagpaitaas ay patunay ng Kanyang tagumpay, at ang patunay ng Kanyang tagumpay! Ang lahat ng mga bagay para sa ating kaligtasan ay ngayon mahahanap sa pumaitaas na Kristo. Tunay, ang Kanyang pagpaitaas ay sumisigaw ng, “Tapos na” – ang lahat na kinakailangan para sa ating kaligtasan ay mahahanap kay Kristo Hesus sa kanang kamay ng Diyos sa luwalhati!

II. Pangalawa, ang pagpaitaas ni Kristo ay tumalo sa lahat ng
ating mga kaaway.

“Nang umakyat siya sa itaas, dinala niyang bihag ang pagkabihag ...” (Mga Taga Efeso 4:8).

Tayo ay mga alipin. Tayo ay mga bihag ng kasalanan, alipin ni Satanas, “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Tayo ay mga bihag ng kasakiman, mga bihag ng pagkakamali, mga bihag ng panlilinlang ng sarili nating mga puso. Ngunit “dinala [ni Kristong] bihag ang pagkabihag.” Huwag kailan mang kalimutan na ika’y pinanghawakang bihag noong lahat ng mga kaaway na iyon. Huwag kailan mang kalimutan na ika’y walang pag-asang mga alipin tulad ng mga anak ng Israel sa Egipto, at tulad ng Paraon, hinawakan ka ni Satanas sa malupit na pagkabihag. Ngunit si Kristo, ang ating Moses, ay nagpalaya sa iyo! Sa Kanyang pagpaitaas, “dinala [ni Kristong] bihag ang pagkabihag!” O papuri ang Kanyang banal na pangalan!

Mayroong walang dudang ilan rito ngayong umaga na nahahawakan pa ring bihag ni Satanas, ang Prinsipe ng Kadilimang mabalasik. Ika’y “bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban” (II Ni Timoteo 2:26). Ngunit si Kristo ay pumaitaas pabalik sa Langit upang palayain ka mula sa masamang halimaw na tao! Magtiwala sa bumangong Kristo, at ika’y Kanyang palalayain mula sa patibong ni Satanas, mula sa pagkakasala ng kasalanan, at mula sa kagat ng kamatayan! Alam ko na iyan ay totoo dahil ginawa iyan ni Hesus para sa akin! “dinala [Niyang] bihag ang pagkabihag” at iniligtas ako gamit na Kanyang makapangyarihang kamay!

Mula sa lumulubog na buhangin itinaas Niya ako,
   Na may malambot na mga kamay itinaas Niya ako,
Mula sa lilim ng gabi patungo sa kapatagan ng ilaw,
   O, papuri ang Kanyang pangalan, Itinaas Niya ako!
(“Itinaas Niya Ako” Isinalin mula sa “He Lifted Me”
   ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).

III. Pangatlo, si Kristong pumaitaas ay nagbibigay ng kalooban sa atin.

Ang buong teksto ay nagsasabi,

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8)

Sa kaugnay na kahulugan ng Mga Taga Efeso, kapitulo apat, nababasa natin ang tungkol sa ilang mga kaloob na ibinigay sa atin ng pumaitaas na Kristo.

“Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay. At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro” (Mga Taga Efeso 4:10-11).

Ibinigay Niya sa atin ang mga Apostol, na nagsulat sa karamihan sa Bagong Tipan para sa ating mabasa. Ibinigay Niya ang mga propeta upang magbabala sa atin. Ibinigay Niya ang mga ebanghelista upang mangaral ng Ebanghelyo sa atin. Ibinigay Niya ang mga pastor upang gabayan tayo. Ibinigay Niya ang mga guro upang magpaliwanag at isabuhay ang Bibliya sa atin. Ibinigay Niya ang mga likas na magagaling na mga kalalakihang ito,

“Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo: Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig” (Mga Taga Efeso 4:12-16).

Amen! Basahin ang mga panunulat ng mga Apostol. Ang mga ito’y kaloob mula sa pumaitaas na Kristo! Pakinggan ang mga salita ng propeta, ang makinabang mula sa mga ito. Ang mga salita ay mga kaloob mula sa pumaitaas na Kristo! Makinig sa iyong pastor, at magpasalamat sa Diyos para sa kanya. Siya ay isang kaloob mula sa pumaitaas na Kristo. Gawin ang parehong bagay sa mga gurong ipinadala Niya upang gabayan ka! Oo, Siya’y “nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” Papuri sa Kanyang pangalan!

Isa pang dakilang kaloob na ibinigay ni Hesus sa atin ay sa Kanyang pagpapaitaas ay ang Kanyang pangako ng Pangalawang Pagdating. Ang Kanyang pagbaba sa lupa ay nagpatiyak sa Kanyang pagpaitaas pabalik sa Langit, at ang Kanyang pagpapaitaas ay nagpatiyak sa Kanyang pagbaba muli. Sinabi ni Hesus,

“Kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili...” (Juan 14:3).

Ang pangako ng Kanyang pagdating ay isang napaka dakilang kaloob sa bawat tunay na Kristiyano, “upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa” (I Mga Tesalonica 4:13). Ang mga tao ng mundong ito ay walang kahit anong pag-asa anuman! Ngunit ang Kristiyano ay mayroong dakilang pag-asa,

“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito” (I Mga Tesalonica 4:16-18).

Iyan ang ating pag-asa, kahit na “yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo” (Titus 2:13). Ang “mapalad na pagasa” ng pagbalik ni Kristo sa lupang ito ay isa sa mga pinakadakilang kaloob na tiniyak para sa atin ng Kanyang pagpaitaas pabalik sa Langit. Ang Kanyang pagpaitaas ay tumiyak sa Kanyang pagbaglik muli! Noong Siya’y pumaitaas, sinabi ng mga anghel, “itong [parehong si Jesus], na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11) – KJV. Amen!

Siya’y darating muli,
   Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati,
   Siya’y darating muli!
(“Siya’y darating muli.” Isinalin mula sa
       “He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

Ang pagpaitaas ni Kristo sa Langit ay tumitiyak sa atin na Siya’y bababa muli para sa atin. Ang pinagpalang pag-asa iyan ay isang kaloob na ibinibigay sa atin ni Kristo sa Kanyang mga tao, “upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.” Anong dakilang kaloob! Amen at amen! Ngunit mayroong higit pa.

Sa mga di ligtas, ang pumaitaas na Kristo ay nagpapadala ng Banal Espiritu. Sinabi ni Hesus,

“Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7-8).

Ang pumaitaas na Kristo ay nagsabi, “siya'y susuguin ko sa inyo.” Ipinapadala Niya ang Banal na Espiritu upang “susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan.” Iyan ay hindi maliit na gawain. Iyan ang “punong gawin” ng Banal na Espiritu, ang Kanyang pangunahing gawain. Ipinapadala ni Kristo ang Banal na Espiritu upang makumbinsing nagkasala ang mga nawawalang mga makasalanan tulad mo ng iyong kasalanan. Kapag ika’y nakadaramang makasalanan at nawawala, ito’y hindi dahil ika’y di pangkaraniwan o “kakaiba.” Ito’y dahil sa Banal na Espiritu na nagpapakita sa iyo ng iyong mga kasalanan, at nagbababala sa iyo patungkol sa paghahatol na darating. Kinukumbinsi ng Banal na Espiritu ang iyong konsensya, at sinasanhing maramdaman mo ang pangangailangan para sa Dugo ni Kristo upang linisan ka mula sa kasalanan. Huwag mong tratuhin ang kaloob ng Banal na Espiritung magaan lang. Sundin ang Kanyang nangungumbinsing gawain at magpunta kay Hesus sa pananampalataya. Patatawarin ni Kristo ang iyong mga kasalanan at bibigyan ka ng kapayapaan sa Diyos!

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8).

Isa sa mga pinakamahalagang kaloob ng ibinibigay sa atin ni Kristo ay ang kaloob ng Kanyang mahal ng Dugo! Ang Dugo ni Kristo ay magagamit sa iyo ngayon. Ito’y naroon, sa itaas sa Langit, kasama ni Kristo. At sinasabi ng Bibliya, “nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus, ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyon mula sa lahat ng kasalanan – at ika’y magiging handa upang salubungin ang Diyos at matamasa Siya magpakailan man! Panalangin naming na ika’y magtiwala sa Tagapagligtas, at magawang malinis mula sa lahat ng iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang banal na Dugo! Amen!

Kung gusto mong kaming makausap tungkol sa pagiging ligtas, at pagiging isang tunay na Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum habang aming kantahin ang himno bilang pito sa kantahang papel. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo ay makakapag-usap at makapagdarasal. Magpunta habang kami’y kumanta.

Si Hesus ang pinakamatamis na pangalan na alam ko,
   At Siya’y pareho lang gaya ng Kanyang kaibig-ibig na pangalan,
At iyan ang dahilan na iniibig ko Siyang lubos;
   O, Hesus ang pinakamatamis na pangalan na alam ko.
(“Hesus ang Pinakamatamis na Pangalan na Alam Ko.” Isinalin mula sa
        “Jesus is the Sweetest Name I Know” ni Lela Long, 1924).

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin para doon sa mga tumugon.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Efeso 4:4-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mga Gintong Alpa at Tumutunog” Isinalin mula sa
“Golden Harps Are Sounding” (ni Frances R. Havergal, 1836-1879).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGPAITAAS NI KRISTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao” (Mga Taga Efeso 4:8).

(Mga Awit 68:18; Isaias 53:3; Lucas 22:44; Mga Taga Filipo 2:8;
Mga Taga Efeso 4:9; Mateo 27:46; Mga Gawa 1:3;
Lucas 24:42, 43, 39; Mga Gawa 1:9)

I.   Una, ang tagumpay ni Kristo ay nakita sa Kanyang pagpaitaas,
Mga Taga Efeso 6:12; Isaias 53:12.

II.  Pangalawa, ang pagpaitaas ni Kristo ay tumalo sa lahat ng ating mga
kaaway, Mga Taga Efeso 2:2; II Ni Timoteo 2:26.

III. Pangatlo, si Kristong pumaitaas ay nagbibigay ng kalooban sa atin,
Mga Taga Efeso 4:10-11, 12-16; Juan 14:3;
I Mga Tesalonica 4:13, 16-18; Titus 2:13; Mga Gawa 1:11;
Juan 16:7-8; I Ni Juan 1:7.