Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG PAGKAGUTOM NG SALITA! A FAMINE OF THE WORD! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon: At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata” (Amos 8:11-13). |
Si Amos ay nanggaling mula sa Tekoa, isang maliit na bayan malapit sa Dead Sea. Nanggaling siya mula sa Katimugang kaharian ng Juda. Ngunit ipinadala siya ng Diyos malayo sa hilaga, sa Kaharian ng Israel, na humiwalay mula sa Juda. Ang kanilang hari, si Jeroboam I, ay nagtayo ng isang huwad na lugar na pagsasamba sa Bethel. Si Amazia ay ang saserdote ng mapagsamba ng mga diyos-diyosang lugar ng pagsasambang iyon. Sinabi ni Amos na ang paghahatol ng Diyos ay malapit ng bumagsak sa Juda. Ang kanyang maapoy na pangangaral ay nagsanhi sa huwad na saserdoteng si Amazia na suwatin siya. Sinabi ni Dr. Charles L. Feinberg,
Ang ganoong deretsahang proklamasyon ng kagustuhan at layunin ng Diyos ay [laging] nakapagyayamot sa mga di napagbagong loob at mga walang dinodiyos na tao. At kaya ganoon ito sa mga araw ni Amos. Ang Salita ng Diyos ay hindi nagpatuloy na di nahahamon. Si Amazia, ang mataas na saserdote ng gintong bisiro sa Bethel, ay inakusa ang propeta sa harap ng [hari] si Jeroboam…Ang walang dinodiyos na si Amazia ay nagsimula sa walang basehang pagsakdal ng pagtataksil at nagtatapos sa nakagugulat na salita na ang rebolusyon o sedisyon ay maaring magresulta mula sa mga salita ng propeta…Pinapapangit ni Amazia ang mga salita ni Amos upang magmukha itong isang personal na pagsakdal laban sa hari…Ngayon si Amazia…ay nagpayo sa propetang tumakas sa kanyang sariling bansa ng Juda…na hindi na siya magbibigay propesiya sa Bethel…dahil ang lungsod ay ang luklukan ng relihyon ng kaharian gayon din ay isa sa mga tirahan ng hari (isinalin mula kay Charles L. Feinberg, Th.D., Ph.D., The Minor Prophets, Moody Press, 1982 edisiyon, pp. 113, 114).
Sinagot ni Amos ang walang dinodyos na saserdote, at sinabi sa kanya,
“Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro: At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel. Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain” (Amos 7:14-17).
Sa mga araw na iyon, ang propesiyang iyan ay mukhang di kapanipaniwala. Ang bansa ay nasa tuktok ng kasaganahan at lakas. Ngunit ipinadala ni Amos ang Salita ng Panginoon. Ipinangaral niya ang apat na mga paghahatol na darating mula sa DIyos. Ang unang paghahatol ng Diyos sa Israel ay na sila’y mapupunta sa pagkaalipin sa pagkakatapon.
“Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y Dios ng mga hukbo” (Amos 5:27).
Ang pangalawang paghahatol ng Diyos sa Israel ay na ito’y mangahahandusay na wasak.
“At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam” (Amos 7:9).
Ang pangatlong paghahatol ng Diyos ay na magkakaroon ng kamatayan sa bawat lugar.
“At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon” (Amos 8:3).
Ang kamatayan ay magiging sa lahat ng lugar. Ang kakaunting natira ay magtatapon ng kanilang mga bangkay palabas ng kanilang mga lungsod sa nabiglang katahimikan. Ngunit ang pag-apat na paghahatol ng Diyos ay napaka-iba mula sa iba. Makinig sa pang-apat na paghahatol muli.
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon: At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata” (Amos 8:11-13).
Pag-isipan ito! Sa katapusan noong mga pagbabala ng pagkaalipin, kapanglawan at kamatayan – ang kasukdulan ng paghahatol ng Diyos ay ang isang pagkagutom ng pakikinig ng mga salita ng Panginoon. Ngunit, sa isang napaka tunay na diwa, iyan tuna yang pinaka malubhang paghahatol sa lahat! Pagka-alipin, kapanglawan, at kamatayan ay maaring matiis. Ngunit ang mawala ang Salita ng Diyos ay nag-aalis ng lahat ng pag-asa.
Si Pastor Richard Wurmbrand (1909-2001) ay gumugol ng labin apat na mga taon sa Komunistang bilanguan sa Romania. Siya ay pinahirapan at nawala niya ang lahat – ang lahat, iyan ay, maliban ang Salita ng Panginoon! At ang Salita ng Diyos ay nagdala sa kanya sa lahat ng sakit at pagpapahirap! Si Pastro Wang Mindao (1909-1991) ay gumugol ng dalawam pung taon sa Komunistang bilangguan sa Tsina. Noong isang tagapakinayam ay nagtanong sa kanya kung ang pinakamahalaga sa kanya sa panahon niya sa bilangguan, sinabi ni Wang, “ang Salita.” Ang mga kalalakihang ito ay mayroong ang mga salita ng Bibliya sa kanilang mga puso, at pinagaan nito ang kanilang loob sa maraming mga taon na kanilang iginugol sa bilangguan para sa kanilang pananampalataya. Walang mas matinding kaparusahan sa isang tao, o isang bansa, kay sa ang paghahatol ng Diyos rito sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang pagkagutom “pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amos 8:11). Iyan ang paghahatol na ibinigay sa teksto.
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon: At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan” (Amos 8:11-12).
Gayon ating nakita ang likuran ng teksto, at isang mabilis ng pagpapaliwanag nito. Ngunit mayroong dalawang mga bagay na dapat talakayin pagtungkol rito.
I. Una, ang doktrina na ating natututunana mula sa teksto.
Sinabi ng Diyos, “ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain…pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.” Hindi ito mangyayari sa aksidente. Sinabi ng Diyos “ako’y magpapasapit” nito.
Huwag dapat nating isipin na ang pagkagutom ng Salitang ito ay tumutukoy sa pagbabasa ng Bibliya lamang. Halatang mayroon sila noong Tora, ang unang limang aklat ni Moses. Wala sila nito sa kanilang mga tahanan, dahil ito’y isinulat kamay sa mga balumbon. Ngunit naririnig nila itong binabasa tuwing Sabath. Ang pagkagutom ay ang pagkagutom ng pangangaral, isang pagkagutom ng malakas tumamang propetikong pangangaral. Sinabi ni Dr. Feinberg,
Ang Diyos sa kanyang walang hangganang pag-ibig sa Israel ay nagpadala ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng Kanyang mga alipin upang dalhin siya pabalik sa daan ng Kanyang pagpipili at kompormidad sa Kanyang kagustuhan para sa kanya. Ngunit ang mga propetang ito…ay sumalungat; ang kanilang mga mensahe ay ikanauyam; at sila’y sinabihan na [tumigil sa kapangangaral]. Ngayon sinasabi ng Panginoon sa [Juda], dahil kinamuhian niya ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng propeta noong ito’y dinala sa kanya, kanyang makikita ang [katapusan] ng lahat ng propetikong komunikasyon. Ang Salita ng Panginoon ay aalisin mula sa kanya (isinalin mula kay Feinberg, ibid., p. 118).
Kapag ayaw ng mga taong marinig ang puno ng Espiritung pangangaral, inaalis ito ng Diyos – bilang isang panghukumag kaparusahan. Maraming mga halimbawa nito sa Bilbiya. Tinanggihan ni Haring Saul ang mga propetikong salita ni Samuel, at hindi na nagsalita ang Diyos sa kanya (I Samuel 28:6). Sa Aklat ng Ezekiel mababasa natin,
“Kagibaan ay dumarating; at sila'y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon. Kapanglawan at kapanglawan ay darating, at balita at balita ay darating; at sila'y magsisihanap ng pangitain ng propeta; nguni't ang kautusa'y mawawala sa saserdote, at ang payo'y mawawala sa mga matanda” (Ezekiel 7:25-26).
Muli isinabi ni Micah 3:6,7 huhusgahan ng Diyos ang Juda sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga propeta mula sa pangangaral. Sinabi ni Dr. Feinberg na nagpadala ang Diyos ng katapusan sa propetikong pangangaral bilang isang “banal nag anti dahil sa ganoong uri ng oposisyon sa katotohanan” (ibid.).
Sinabi ng walang dinodiyos na saserdoteng si Amazia ay nagsabi kay Amos, “huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari” (Amos 7:13). At kaya, hintulan ng Diyos ang Israel sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang pagkagutom “pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amos 8:11).
Sa Bagong Tipan, ang Panginoong Hesu-Kristo ay lumuha para sa lungsod ng Jerusalem na nagsasabing, “Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak… At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad” (Mateo 23:37, 38; 24:1). Sa ibang pagkakataon, pagkatapons pinagaling ni Hesus ang demoniak ng Gadara, “lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan siyang umalis sa kanilang mga hangganan” (Mateo 8:34). Umalis nga Siya. At hindi Siya kailan man bumalik muli. Tinanggihan nila Siya, at iniwanan silang mamatay sa kanilang mga kasalanan. Sa Mga Aklat ng Mga Gawa “si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo” (Mga Gawa 18:5).
“At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil” (Mga Gawa 18:6).
Sa huling kapitulo ng II Mga Kronika ating mababasa ang uri paghahatol na ito muli.
“At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako: Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan. Kaya't dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario, at hindi nagkaroon ng habag sa binata, o sa dalaga, sa matanda o sa may uban: ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay” (II Mga Kronika 36:15-17).
Gayon ating nakikita mula sa Bibliya na madalas inaals ng Diyos ang malakas na propetikong pangangaral bilang isang paghahatol kapag ito’y tinatanggihan. Ito’y isang panghukumang kaparusahan mula sa Diyos. Iyan ang doktrina na ating natututunana mula sa ating teksto.
II. Pangalawa, ang pagsasabuhay ng teksto.
“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon: At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata” (Amos 8:11-13).
Sinabi ni Dr. Keith M. Bailey, ang Tahanang Kalihim ng Misyonaryong Alyansa ay nagsabi minsan na,
Sa tinggin ko na si A. W. Tozer ay isang propeta. Nakikita niya ang malayo nang mas higit kaysa karamihan sa mga kalalakihan sa kanyang henerasyon. Kanyang naintindihan at nasuri yoong nagpapabulok sa simbahan sa puso nito. Sa propetikong diwa, matapang siya sa pagsasalita sa katotohanang iyan na may binasbasang abilidad at kapangyarihan (isinalin mula kay Dr. Keith M. Bailey sa pasimula sa Tinatawag ko Itong Erehiya! [I Call It Heresy!] ni Dr. A. W. Tozer, Christian Publications, 1974 edisiyon, p. 6).
Narito ay dalawang propetikong pahayag mula kay Dr. Tozer. Una, sinabi niya,
Ang diablo ay hindi magsasanhi ng kahit anong kaguluhan para sa isang mangangaral na takot sa kanyang kongregasyon at nag-aalala tungkol sa kanyang trabaho sa hangganan na siya’y nangangaral ng tatlong minuto at ang kabuuan ng kanyang sinasabi ay “Maging mabuti at magiging maganda ang iyong pakiramdam.” Ika’y maaring maging kasing buti ng gusto mo at gayon man ay mapunta sa impiyerno kung hindi mo inilagay ang iyong tiwala kay Hesu-Kristo! Hindi aaksayahin ng diablo ang kanyang oras sa pagsasanhi ng kahit anong gulo para sa isang mangangaral na ang mensahe lamang ay ang “Maging mabuti!” (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Sinong Naglagay kay Hesus sa Krus?” [“Who Put Jesus on the Cross?”] sa Ang Mga Pinakamahusay ni A. W. Tozer [The Best of A. W. Tozer], ipinagsama ni Warren W. Wiersbe, Baker Book House, 1986 edisiyon, pp. 230, 231).
Muli sinabi ni Dr. Tozer,
Ang kahit sinong mayroong katamtamang talent sa pulpito ay maaring makapagpatuloy sa isang karaniwang kongregasyon kung “pinapakain” lamang sila at pinababayaang mag-isa. Bigyan sila ng maraming nilalayong katotohana at huwag kailan mang ipahiwatig na sila’y mali, at sila’y magiging kontento. Sa kabilang dako, ang taong nangangaral ng katotohanan at isinasabuhay ito sa mga buhay ng kanyang tagapakinig ay mararamdaman ang mga pako at tinik. Bubuhay siya ng isang mahirap na buhay, ngunit isang maluwalhating buhay. Naway magbangon ang Diyos ng maraming mga ganoong propeta. Kinakailangan ng simbahan silang lubos (isinalin mula sa ibid., p. 142).
Si Leonard Ravenhill ay isang kaibigan ni Dr. Tozer. Sa katunayan, isinulat ni Dr. Tozer ang isang panimula sa dakilang aklat ni Ravenhill na, Bakit ang Muling Pagkabuhay ay Nagbabaalam [Why Revival Tarries]. Sa kanyang aklat, Ang Amerika ay Masyadong Bata Upang Mamatay [America is Too Young to Die], sinabi ni Ravenhill,
Mayroong pagkagutom ng matinding pangangaral, isang pagkagutom ng nakapakikilos ng konsensyang pangangaral, isang pagkagutom ng nakabibiyak ng pusong pangangaral, isang pagkagutom ng nakapupunit ng kaluluwang pangangaral, isang pagkagutom ng ganoong uri ng pangangaral tulad ng alam ng ating mga ama na nagpanatili sa kanilang gising buong gabi sa takot na sila’y mahulog sa impiyerno. Inuulit ko, “Mayroong isang pagkagutom ng salita ng Panginoon.” Mayroong isang pagkagutom ng mahusay na pangangaral ng ebanghelyo (isinalin mula kay Leonard Ravenhill, Ang Amerika ay Masyadong Bata Upang Mamatay [America is Too Young to Die], Bethany Fellowship, 1979, p. 80).
Iniisip ko na si Dr. Tozer at Leonard Ravenhill ay saktong tama. “Mayroong pagkagutom ng pangangaral na tulad ng alam ng ating mga ama na nagpanatili sa kanilang gising buong gabi sa takot na sila’y mahulog sa impiyerno.” Oo, mayroong pagkagutom ng ganoong uri ng pangangaral ngayon, kahit sa mga pinaka konserbatibong simbahan.
Ngunit iyan ang iyong kailangang marinig kung hindi ka napagbagong loob. Ang mga kalalakihang tumatayo kasama ko sa likuran ng pulpitong ito, mga kalalakihan tulad nina Dr. Chan, Dr. Cagan, Gg. Griffith, Gg. Lee, Gg. Prudhomme, Gg. Song, at Gg. Mencia, ay mga kalalakihang nagbayad ng halaga para sa pagsasalita ng katotohanan, ang matigas na katotohanan, ang katotohanan ng paghahatol ng Diyos sa kasalanan, ang katotohanan na dapat kang maipanganak muli, dapat kang mapagbagong loob – o ika’y mapupunta sa Impiyerno. Iyan ay di madalas marinig ngayon. Ngunit ito ang katotohanan! Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan... at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:46, 41).
Kailangan, naming sabihin sa iyo ang katotohanan. Kami’y tinawag, tulad ng propetang si Amos, na sabihin ang katotohanan. Huwag dapat nating pigilan ang katotohanan. Kami ay naatasan ng Diyos na sabihin sa iyo ang katotohanan! Kami ay napuwersa ng Banal ng Espiritung sabihin ang katotohanan! Kami ay napilit ng Panginoong Hesu Kristo na ideklara sa iyo ang iyong nawawalang kondisyon sa paningin ng tatlong beses na banal na Diyos! Ika’y nawawala! Ika’y nawawala! Ika’y nawawala! Sinabi ni Kristo na ika’y na sentensiyahan sa “apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:41).
Hayaan ang ibang tumawa. Hayaan silang kutyain ang aming pangangaral. Hayaan silang tanggihan ang sinasabi namin, gaya ng pagtanggi ng masamang saserdoteng si Amazia sa mga babala ng propetang si Amos. Kami ay inaatasang sabihin ang sinabi ni Amos sa makasalang tao, “ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain” (Amos 7:17). Mas malapit na kay sa sa iniiisip mo ang kamatayan ay tatama sa iyo. At pababa ang punta ng iyong kaluluwa, pababang walang hunos dili sa walang hanggang apoy! Hayaan ang ibang kutyain at tawanan, at siraang kaming puri, gaya ng ginawa ng huwad na saserdote kay Amos. Ngunit hindi namin mapipigilan ang Salita ng Panginoon. Ang Salita ng Panginoon! Ang Salita ng Panginoon! Sinasabi ng Salita ng Panginoon sa iyo ika’y “walang hanggang kaparusahan…apoy na walang hanggan.” Iyan ang Salita ng Panginoon – ang Panginoong Hesu-Kristo!
O, isaalang-alang ang Kanyang Salita! O, pakinggan ng Kanyang Salita! O, pansinin ang Kanyang Salita! O matakot sa Kanyang Salita! O, tumakas kay Hesu-Kristo. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo! Siya lamang ang makapupurga ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Siya lamang ang makadadamit sa iyo ng Kanyang katuwiran! Siya lamang ang makagagawang sa iyong akma para sa Langit – at Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa walang hanggang mga apoy! Magsisi, magtiwala kay Hesus, at ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyong kasalanan, at ika’y maliligtas!
Ako’y kakanta ng isang kanta. Kung ang iyong konsensya ay nagsalita sa iyo, umalis mula sa iyong upuan at magpunta sa likuran ng awditoryum habang ako’y kumanta. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makakausap ka namin tungkol sa iyong kaligtasan at paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ng Tagapagligtas. Magpunta na ngayon habang ako’y kumanta.
Mayroong isang bukal na puno ng dugo na
Kinuha mula sa mga ugat ni Emanuel;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta,
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.
(“Mayroong isang Bukal” Isinalin mula sa
“There Is a Fountain” ni William Cowper, 1731-1800).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Amos 7:10-17.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Naligtas ng Dugo.” Isinalin mula sa
“Saved By the Blood” (ni S. J. Henderson, 1902).
ANG BALANGKAS NG ISANG PAGKAGUTOM NG SALITA! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon: At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata” (Amos 8:11-13). (Amos 7:14-17; 5:27; 7:9; 8:3) I. Una, ang doktrina na ating natututunana mula sa teksto, I Samuel 28:6; II. Pangalawa, ang pagsasabuhay ng teksto, Mateo 25:46, 41; Amos 7:17. |