Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DOKTRINA NG LABI THE DOCTRINE OF THE REMNANT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9). |
Hiniram ko ang pamagat ng sermong ito mula kay Dr. W. A. Criswell (1909-2002), ang mahabang panahong pastor ng Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas. Sinasabi ko iyan dahil maaring sabihin ng ilang mga mangangaral, “Huwag mong gamiting ang salitang ‘doktrina’. Ang mga tao ay nayayamot sa doktrina.” Sa mga mangangaral na iyon doktrina at teyolohiya ay di mahalaga. Gusto nilang magbigay ng mga sermon patungkol sa mga pangangailangan ng tao, kay sa sa doktrina. Kaya hindi tayo nakaririnig ng maraming mga sermon sa doktrina ng soteriyolohiya, o sa doktrina ng pangunang-destinasyon, o doktrina ng reprobasyon, o doktrina ng demonolohiya, o doktrina ng eklesiyolohiya, o kahit anong ibang teyolohikal na doktrina. Karamihan sa mga sermon ngayon ay gayon naging nakasentro sa tao kay sa sa Diyos at naka sentro sa teyolohiya. Kaya ginagamit ko ang pamagat ni Dr. Criswell, “Ang Doktrina ng Labi.” Ang dakilang mangangaral na iyon ay hindi takot mangaral sa doktrina!
Ngunit karamihan sa mga mangangaral ngayon ay nagsisimula sa pag-iisip ng mga pangangailangan ng tao – imbes na nag-iisip tungkol sa mga doktrina at teyolohikal na mga katotohanan ng mga Kasulatan. Narito ay ilan sa mga pamagat ng sermon na nagpapakita nitong “nakasentro sa taong” pakikitungo sa pangangaral. Ang mga ito ay mga aktwal na mga pamagat: “Pagiging Responsible para sa Iyong Buhay,” “Pananatiling Umiibig,” “Gamot para sa Karaniwang Buhay,” “Iniisip ng Diyos na Ika’y Nakamamangha,” “Paalam, Kabuwayan,” “Balanseng Pamumuhay,” “Magsimulang Magbawas, Magsimulang Mabuhay,” “Maging Mas Maiging Ikaw,” “Buhayin ang Pinaka Mahusay na Buhay Ngayon,” “Tagpuan ang Iyong Pagkakakilanlan,” “Pamamahala ng Iyong Mga Kalooban.” At ito ang isa na nagsasabi ng lahat, “Tumawa Patungo sa Iyong Daan sa Isang Mas Maiging Pag-aasawa.” Hindi ko sinasabi na walang kahit anong mabuting sa mga mensaheng ito. Maaring mayroon. Sinasabi ko na ang pinaka pamagat mismo ay nagpapakita kung paano na ang pangangailangan ng tao, kay sa doktrina ng Bibliya at teyolohiya ng Bibliya, ay nasa sentro ng karamihang mga sermon ngayon. At sa pagkakadinig ng ganoong uri ng pangangaral, alam ko kung gaano ito madalas na nakayayamot! Ang tunog ng mga paksang ito ay tulad noong mga mula kay Oprah Winfrey o Reader’s Digest!
Nagbabasa ako ng maraming mga aklat ni Dr. David F. Wells. Siya’y isang propesor ng teyolohiya sa Teyolohikal na Seminaryo ng Gordon-Conwell. Oo, siya ay isang bagong-ebanghelikal, ngunit mayroon siyang ilang mga napaka nakakaakit na mga bagay na masasabi. Halimbawa, nagsalita isya patungkol sa “…walang laman at walang kwentang mga kwento na nagsilbi bilang mga sermon mula sa pulpit linggo linggo sa napaka raming mga ebanghelikal na mga simbahan…Kung saan inubos natin ang laman ng ating sarili ng teyolohiya, ibinuhos nating ubos ang ating mga sarili ng Kristiyanong kaseryosohan sa pangangaral” (isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Walang Lugar para sa Katotothanan: O Anomang nangyari sa Ebanghelikal na Teyolohiya? [No Place for Truth: Or Whatever Happened to Evangelical Theology?], Eerdmans, 1993, p. 292). Ako ay sumasang-ayon sa kanya!
Si Dr. W. A. Criswell ay isang doktrinal na mangangaral. Karamihan sa kanyang dakilang mga sermon ay mayroong malakas na teyolohikal na eksahetikal na basehan. Kaya hindi ako nasusurpresa na si Dr. Criswell ay nangaral sa “Ang Doktrina ng Labi.” Ngunit hindi ito isang mapurol, tuyong mensahe. Ang kahit sinong nakarinig kay Dr. Criswell ay matatandaan ang maapoy na mangangaral! Si Criswell ay maaring ganap na sumang-ayon kay Dr. Martyn Lloyd-Jones, noong sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Ano ang pangangaral? Lohikang umaapoy!...Ito’y teyolohiyang umaapoy…Pangangaral ay teyolohiyang nanggagaling mula sa isang taong umaapoy…Isang taong makapagsasalita tungkol sa mga bagay na ito na walang pasyon ay walang karapatang maging nasa pulpit, at dapat hindi kailan man payagang pumasok sa isa (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pangangaral at Mangangaral [Preaching and Preachers], Zondervan Publishing House, 1972, p. 97).
At kaya, pananatilihin ko ang pamagat ni Dr. Criswell, “Ang Doktrina ng Labi.” At panalangin ko na tutulungan ako ng Diyos na lagyan ito ng sapat na “apoy” upang mapanatili ang iyong atensyon at marahil magdala sa pagbabagong loob ng ilang nawawalang kaluluwa ngayong gabi!
“Ang Doktrina ng Labi.” Sinasabi ng ating teksto,
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo…” Ang Hebreong salitang isinaling “labi” ay “sawreed.” Ibig nitong sabihin ay “isang nakaligtas.” At noong isinalin ng mga matatandang mga rabi ang salilta mula sa Griyego, sa Septuagint, ginamit nila ang Griyegong salitang “sperma,” na nangangahulugang “sperm” o “binhi.” “Kung hindi nagiwan sa atin ng maliit na binhi ang Panginoon ng mga hukbo, isang maliit na grupo ng nananampalatayang tagasunod, maaring tayo’y lubos na nawasak ng poot ng Diyos, tulad ng mga lungsod ng Sodom at Gomorra!” Ano ang “doktrina” ng labi? Ito’y ito – prinepreserba ng Diyos sa Kanyang Sarili ang isang maliit na pangkat ng nananampalatayang mga tao kung sino ay Kanyang dadalhing ligtas sa mga apoy ng paghahatol upang salubungin Siya sa Langit! Iyan ang doktrina ng labi! Iyan ang mensahe ng ating tektso,
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).
Inihatid ni Isaias ang mensahe ng Diyos ng paghahatol. Ngunit nagbigay rin ang propeta ng mensahe ng pag-asa. Sa Aklat ni Isaias, sinabi niya na ang lupa ay hahatulan at mawawasak. Gayon man, anong mang mangyari sa bansa, prepresebahin ng Diyos ang isang nananampalatayang labi, isang binhi ng maliit na grupo ng mga naligtas. At ang labi ay magiging pundasyon ng Kaharian ni Kristo sa lupa! Iyan ang doktrina ng labi!
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).
I. Una, ang doktrina ng labi ay mahahanap sa buong Aklat ng Isaias.
Sa Isaias labing isa ating mababasa,
“Ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan” (Isaias 11:11).
Isa pang berso sa kapitulong iyan ay nagsasabing,
“Magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan” (Isaias 11:16).
At sa kapitulo tatlom pu’t pito, sinasabi nito,
“Ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa nalabi na naiwan”
(Isaias 37:4).
Nakikita rin natin ang labing nabanggit ng dalawang beses, maya maya sa kapitulong iyan,
“Ang nalabi na nakatanan... Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang nalabi” (Isaias 37:31, 32).
Sa wakas nakikita natin ito sa Isaias apat na pu’t anim,
“Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel...” (Isaias 46:3).
Sa Bagong Tipan ang doktrina ng labi ay nagpapakita sa Aklat ng mga Taga Roma, noong sinabi ni Apostol Pablo,
“At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas” (Mga Taga Roma 9:27).
“At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra” (Mga Taga Roma 9:29).
Sinimulan ni Isaias ang mensaheng ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga kasalanan ng mga tao.
“Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong” (Isaias 1:4).
Tapos inilarawan ng propeta ang paghahatol na ipapadala ng isang banal na Diyos sa kanila dahil sa kanilang katampalasan,
“Ang inyong lupain ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa” (Isaias 1:7).
Sa wakas, sinabi ni Isaias na kung ang Diyos ay hindi nakialam maari silang lubos na nawasak,
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).
Iyan ang doktrina ng labi ng Aklat ng propetang Isaias.
II. Pangalawa, ang doktrina ng labi ay mahahanap sa buong Bibliya.
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9).
Nakikita natin ang doktrina ng labi bago ng Matinding Baha noong,
“At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa” (Genesis 6:7).
Iyan ang pagbabala ng paghahatol.
“Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon” (Genesis 6:8).
Iyan ang doktrina ng labi. Si Noe at kanyang pamilya ay ang “napakakaunting labi” na prineserba ng Diyos mula sa Baha.
Nakikita natin ang doktrina ng labi sa buhay ni Abraham, na tinawag mula sa Ur ng Chaldees, at naging labi ng lupa. Isang tao ang naging labi gayon! Nakikita natin ito sa Exodo, noong dinala ng Diyos ang labi ng Kanyang mga tao mula sa pagkaalipin sa Egipto sa pamamagitan ng kamay ni Moses. Nakikita natin ito kay Gideon at kanyang maliliit na pangkat ng tatlo lamang na mga mandirigma, laban sa makapangyarihang puwersa ng mga Midianites. Nakikita natin ito kay David, kasama ng kanyang maliit na pangkat ng mga pinalayas, laban sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan na mga hari, at kanilang masasamang mga hukbo. Nakikita natin ito kay Hesus at Kanyang maliit na pangkat ng mga Disipolo dinadala ang Ebanghelyo sa makapangyarihang Imperyong Romano. At sa wakas, nakikita natin ang doktrina ng labi sa panahon ng Dakilang Tribulasyon, kapag sinasabi ng Bibliya na ang poot ni Satanas ay dumarating laban sa Israel at “sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus” (Apocalipsis 12:17). Iyan ang doktrina ng labi – ang maliit na pangkat ng mga tao ng Diyos na naiwan sa isang nadiliman ng kasalanang mundo.
“Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.”
III. Pangatlo, ang doktrina ng labi ay totoo ngayon.
Sa mga araw ng Baha, ilang mga tao ang naroon? Walong mga tao lamang, si Noe at kanyang pamilya. Iyan ang labi! Sa araw na tinawag ng Diyos si Abraham mayroon labang isa. Iyan ang labi! Sa mga araw ng apostasiya ng Israel mayroon lamang 7,000, at sinabi ng Diyos kay Elijah, “Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal” (Mga Taga Roma 11:4). Iyan ang labi! At ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsabi sa atin na kakaunti lamang ang maliligtas. Sinabi Niya,
“Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok: Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:13, 14).
“Kakaunti ang nangakakasumpong noon.” Iyan ang labi!
Mula sa nagkalulumpong na milyon-milyon sa Los Angeles ang Diyos, sa Kanyang kalooban, ay nagdala sa iyo rito ngayong gabi. Magiging isa sa ba sa kaunti sa labi ng Diyos? Magiging isa ka ba sa kaunting mahahanap si Hesus at maligtas? Sinabi ni Hesus, “kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14). Ang natitira ay “mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46). Papasok ka ba sa aming simbahan, at maligtas, at maging bahagi ng labi ng Diyos?
Minsan ay sinabi ng isa kay Spurgeon, “Naniniwala ka na ang ilan ay hindi maniniwala, tanggapin si Hesus, at maligtas ano mang gawin mo, ggano mang higit kang mangaral, gaano man ka higit ang iyong pagkayod. Anong nakawawalang pag-asang doktrina!” Ang sabi ni Spurgeon sa kanya, “Hindi, hindi ito. Alam ko na ang ilan ay makikinig, ang ilan ay magbubukas ng kanilang mga puso, ang ilan ay magsisisi at maliligtas,” at sila ang magiging labi! Iyan ang kaginhawaang ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga tao sa doktrina ng labi. Makahaharap natin ang pagkawalan ng pananampalataya at pagtanggi sa mundong ito, ngunit ang ilan ay maliligtas. Ang ilan ay tatalikod mula sa pagkamakasariling buhay ng kasalanan at magpupunta kay Hesus. Ang ilan ay mahuhugasang malinis mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Ang ilan ay maliligtas. Magiging isa ka ba doon sa mga magiging bahagi ng maliit na labi ng Diyos sa mundo? Ito’y isang dakilang bagay, at isang nakamamanghang bagay kapag ang isang tao ay lilisan mula sa mundo ng kasalanan at maging bahagi ng maliit na kawan ni Hesus – bahagi ng labi ni ng Diyos! Ito’y nakamamangha, dahil ito ang paraan upang mapunt sa kanyang Kaharian. Sinabi ni Hesus,
“Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian” (Lucas 12:32).
Hinihingi ko sa iyo ngayong gabi na magpunta kay Hesu-Kristo sa simpleng pananampalataya. Maging bahagi ng labi, bahagi ng Kanyang maliit na kawan! Magtiwala kay Hesus ngayong gabi. Mahugasan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Maligtas na sa pamamagitan Niya ngayon, ngayong gabi!
Si Gg. Griffith ay magpupunta at at kakatahin ang kanta ni Paul Rader muli. Ito’y pinamagtang, “Maniwala Lamang.” Iyan ang hinihingi ko sa iyo ngayong gabi. Maniwala lamang – maniwala lamang kay Hesus! Habang kinkanta ni Gg. Griffith ang kanta, hinihiling kong umalis ka mula sa iyong upuan at magpunta sa likuran ng awditoriyum. Kung hindi ka pa ligtas, kung hindi ka ba isang tunay na Kristiyano, iwanan lang ang iyong upuan at magpunta sa likuran ng silid habang siya’y kumanta. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik sa lugar kung saan maibabahagi naming ang ilang mga Kasulatan sa iyo at manalangin. Magpunta na habang kumakanta si Gg. Griffith.
Huwag matakot maliit na kawan, mula sa krus papunta sa trono,
Mula sa pagkamatay patungo sa buhay nagpunta Siya para sa Kanyang sarili;
Lahat ng kapangyarihan sa lupa, lahat ng kapangyarihan sa itaas,
Ay ibinibigay sa Kanya para sa kawan ng Kanyang pag-ibig.
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang,
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang.
Huwag matakot maliit na kawan, Nauuna Siya,
Ang iyong Pastol pinipili ang daan na iyong tatahakin;
Ang mga tubig ng Marah ay pinatatamis Niya para sa iyo,
Ininom Niya ang lahat ng mapait sa Gethsemani.
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang,
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang.
Huwag matakot, maliit na kawan, anoman ang iyong kapalaran,
Pinapasok Niya ang lahat ng mga silidm “ang mga pintuan ay isinara,”
Hindi Siya kailan man nang-iiwan; Hindi Siya kailan man nawawala,
Kaya magtiwala sa Kanyang presensya sa kadiliman at bukang liwayway.
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang,
Maniwala lamang, maniwala lamang;
Ang lahat ng mga bagay ay posible, maniwala lamang.
(“Maniwala Lamang.” Isinalin mula sa “Only Believe”
ni Paul Rader, 1878-1938).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Isaiah 1:4-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mananampalataya Lamang.” V Isinalin mula sa
“Only Believe” (ni Paul Rader, 1878-1938).
ANG BALANGKAS NG ANG DOKTRINA NG LABI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra” (Isaias 1:9). I. Una, ang doktrina ng labi ay mahahanap sa buong Aklat ng Isaias, II. Pangalawa, ang doktrina ng labi ay mahahanap sa buong Bibliya, III. Pangatlo, ang doktrina ng labi ay totoo ngayon, Mga Taga Roma 11:4; |