Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGTATABOY NG MGA BUWITRE MULA SA ALAY

(PANGARAL BILANG 68 SA AKLAT NG GENESIS)

DRIVING THE VULTURES AWAY FROM THE SACRIFICE
(SERMON #68 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Enero taon 2013


Noong ako’y isang batang –batang lalake pa lamang ako’y nagpunta kasama ng aking pastor, si Dr. Timothy Lin, sa Katimugang Bautistang Kumbensyon, na ginanap noong taong iyon sa San Francisco. Mayroong malakaing kontrobersiya sa araw na iyon patungkol sa isang liberal na Katimugang Bautistang aklat na sumalakay sa Aklat ng Genesis. Si Dr. Lin ay nagpunt upang magsalita “mula sa sahig” laban sa aklat na iyon, na kanya ngang ginawa. Ako’y dalawam pu’t dalawang taong gulang lamang, ngunit ako’y disidido na isang araw ako’y magsusulat ng isang aklat na nagtatanggol sa Genesis. Nakikita ko na ngayon na ang aklat na ito ay baling araw likha ng mga sermon. Ito’y bilang anim-na-pu’t walo sa seryeng ito. Magsitayo at lumipat kasama ko sa Genesis 15:11.

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

Maari nang magsi-upo.

Si Abram ay isang matandang lalake, at wala siyang mga anak, Ang Diyos ay nagpakita sa kanya sa isang pagmamalas at sinabi sa kanya na ang kanyang mga anak ay maging katulad ng mga bituin ng langit ang bilang. “At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran” (Mga Taga Roma 4:3). “At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Genesis 15:6). Gayon si Abram ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, at hindi sa pamamagitan ng mabuting gawain. Ngunit tinanong ni Abram ang Panginoon na ikumpirma ang kanyang pananampalataya. Ang Panginoon ay disididong bisitahin siya at lumikha ng isang tipan kasama niya, binibigyan siya at kanyang mga anak ang lupa ang Canaan. Si Abram ay sinabihin na magdala ng isang dumalagang baka, isang babaing kambing, isang pagong na kalapati, at isang kalapati, at hatiin ang mga ito sa gitna. Kanyang “hinati ang tipan” na isang matandang kaugalian ng paghahati ng mga hayop sa kalahati, upang ang dalawang tabi ng nangangakong partido sa tipan ay makalalakad sa pagitan ng mga bahagi, sumasang-ayon na ang kanilang sariling buhay ay dapat matapos kung sila’y mabibigong parangalan ang kanilang bahagi ng tipang iyon (isinalin mula sa cf. Jeremias 34:18-21 ng KJV). Ang alay ay isang uri ng dakilang alay ni Kristo, na tumupad sa lahat ng mga alay ng Lumang Tipan.

Sinunod ni Abram ang Diyos, at inilatag ang mga piraso ng alay sa sahig. Tapos, inantay niya ang Panginoon upang ilantad ang Kanyang sarili. Ngunit gayon ang mga buwitre ay nagsidating. Mula sa disyerto ng Arizona nakakita ako ng mga buwitreng nagpakita ng biglaan na mukha itong isang salamangka. Kung ang isang hayop ay mamatay sa haywey, ang langit ay halos agad-agad mapupuno ng mga ibang ito, pinalilibutan ang bangkay. Hindi ko alam kung paano sila nakadarating ng napaka bilis, ngunit sila’y dumarating ng mabilis. Maaring na lutas na ng siyenya ang misteryo matagal na, ngunit hindi ko alam ang solusyon. Sinabi ni Hesus, “Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak” (Mateo 24:28).

Nagsasalita ang pasaheng ito patungkol sa Abrahamikong Tipan. Ito’y ay dapat ang kumpirmasyon ng tipan na ipinangako na kay Abram sa Genesis 12:1-3, kung saan ipinangako ng Diyos siya na kanyang binhi ay mag-mamana ng lupa ng Canaan. Ngunit ang layunin natin ngayong gabi ay hindi upang aralin ang tipang iyan, kundi tignan ito bilang isang aral na maisasabuhay sa atin ngayon. Upang magawa ito ating titignan mabuti ang teksto,

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

Sa pangaral na ito, ating titignang mabuti ang mga bangkay, at ang mga uwak na nagsibaba.

I. Una, ang alay ng bangkay.

Ang bawat alay sa Lumang Tipan ay tumuturo sa alay ni Kristo sa Krus. At ito ay hindi naiiba.

“At sinabi [ni Abram], Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin? At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati. At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon” (Genesis 15:8-10).

Noong tinanong ni Abram kung paano niya malalaman na kanyang mamanahin ang lupa, sinabi ni Arthur W. Pink, “Sumasagot ang Panginoong sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo, sa pagkakauri, sa harap niya.” Tapos sinabi ni Pink, “Ang tipikal na larawan ay nakamamanghang ganap…Ang bawat [hayop] ay humula sa isang katangi-tanging aspeto ng pakagganap ni Kristo at gawain Niya. Ang dumalagang baka ng tatlong taon ay mukhang tumuturo sa pagka-presko ng Kanyang lakas; ang kambing, ay nagbigay ng kasalanang-alay na aspeto; ang lalakeng tupa ay ang hayop na sa Levitikal na mga pag-aalay ay konektado lalo na sa isang konsekrasyon. Ang mga ibon ay nag sabi ng Isang mula sa Langit. Ang ‘tatlong taon,’ ay tatlong beses iniulit, ay nagpapahayag marahil ng panahon ng alay ng ating Panginoon, inialay pagkatapos ng ‘tatlong taon’ ng paglilingkod! Pansinin na ang kamatayan ay dumaan sa kanilang lahat, dahil na walang pagbubuhos ng dugo ay walang pagpapatawad at walang pagpapatawad ay hindi maaring magkaroon ng pagmamana” (isinalin mula kay Arthur W. Pink, Ang Pamumulot sa Genesis [Gleaning in Genesis], Moody Press, 1981 edisiyon, pp. 168, 169).

Ang kahit sinong nagbabasa ng Lumang Tipan ay dapat malaman kung gaano kahalaga ng pag-aalay ng mga hayop. At, kapag ating babasahin ang Bagong Tipan, makikita natin kung paano na ang lahat ng mga alay na ito ay tumuturo sa paghihira at pagkamatay ni Hesus upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Ang Aklat ng Mga Hebreo ay nagsasabing,

“Kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay” (Mga Hebreo 9:13-14).

Ang mga bangkay ng mga hayop na iyon at mga ibon, ay inilatag sa harap ng Panginoon ni Abram, ay malinaw na tumuturo at tiyak sa alay ni Hesus.

Binabasa ko ang mga pangaral ni Spurgeon halos araw-araw. Ako’y natutuwa habang binabasa ko ang kanyang madalas na pagsisipi sa paghihirap ni Hesus. Madalas niya tayong dinadala sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani. Tayo ay sinabihan ng paghihirap ni Hesus habang ang mga kasalanan ng mundo ay inilagay sa Kanya doon. Nakikita natin Siyang na dudurog ng ating mga kasalanan habang Siya’y nananalangin, at ang Kanyang mga pawis, “gaya ng malalaking patak ng dugo,” ay nababasa ang lupa sa ilalim ng nakarapang katawan ng ating Tagapagligtas.

Tapos dinadala tayo ng dakilang mangangaral sa punong saserdote, kung saan si Hesus ay kinaladkad sa pamamagitan ng nagsisigawang nagkakagulong mga tao. Nakikita natin ang Tagapagligtas na binubugbog, at nakikita natin silang dumudura sa Kanyang mukha, at naghahatak ng mga malalaking piraso ng Kanyang balbas. Tapos dinadala tayo ni Spurgeon sa bulwagan ni Pilato, at sinasabi niya sa atin ang teribleng pamamalo ng likod ni Hesus at ang malupit na pagpuputong ng mga tinik na idiniin sa Kanyang noo. Tapos, dinadala niya tayo sa Via Dolora, ang Daan ng mga Pagdurusa, habang ang Tagapagligtas ay bumagsak muli’t-muli sa ilalim ng bigat ng Kanyang krus. Sa wakas sinasabi niya sa atin si Hesus, na may mga pakong nakatusok sa Kanyang mga kamay at paa, namamatay sa ating lugar, upang magbayad para sa ating mga kasalanan, sa sinumpang puno!

Ngunit bihirang humihinto si Spurgeon rito. Dinadala niya tayo sa libingan, kung saan ang luray na katawan ni Hesus ay inilagay, at tayo ay iniwanan doon sa kadiliman, hinaharap ang malaking bato na tumatakip sa libingan ng Tagapagligtas. Tapos dinadala tayo ng dakilang mangangaral sa maagang umagang kalumbayan, kasama ng mga babae. Tumatayo tayo sa pitagan kasama nila habang ating nadirinig ang mga anghel na nagsasabing,

“Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon” (Mateo 28:5-6).

Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Ang mga kapangyarihan ng kamatayan ay
   nagawa na ang kanilang pinakamalubha;
Ngunit si Kristo ang kanilang hukbo ay nagkalat,
   Hayaan ang sigaw ng banal na kaligayahan ay magbulalas. Aleluya!

Ang tatlong malulungkot na mga araw ay mabilis na tumulin;
   Bumangon Siyang maluwalhati mula sa pagkamatay:
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno, Aleluya!

Isinara Niya ang malawak na mga pintuan ng Impiyerno;
   Ang mga tarangkahang mataas na lagusan ng Langit ay nagsibagsak:
Hayaan na sabihin ng mga himno ng papuri ang
   Kanyang mga tagumpay. Aleluya!

Panginoon, sa pamamagitan ng
   Iyong paghahampas na sumugat sa Iyo,
Mula sa nakasisindak na kagat ng kamatayan ang
   Iyong mga lingkod ay napalaya,
Na kami’y mabuhay at kumanta sa Iyo. Aleluya!
   Aleluya! Aleluya! Aleluya!
(Isinalin mula sa: Isinalin ni Francis Pott, “Ang Paglalaban ay Tapos na”
      “The Strife Is O’er,” 1832-1909).

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3-4).

Iyan ang Ebanghelyo! Iyan ang ating mensahe! Iyan ang ating kanta, at iyan ang ating pag-asa! At iyan ang itinuro ng alay ni Abram at inilarawan! Amen at amen!

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

II. Pangalawa, ang mga uwak na nagsibaba.

Ang Hebreo ay literal ang pagkasalin nito, “mga buwitre.” Anong ibig sabihin ng mga gutom na gutom na ito? Anong inilalarawan nila? Wala akong duda na inilalarawan nila si Satanas at ang kanyang mga di malinis na mga espiritu. Napaka kaunti ng naririnig natin patungkol sa mga demonyo sa ating mga simbahan ngayon. Sa pinaka sandali kapag ang ating bansa ay nalulunod sa kasamaan, at araw-araw nakaririnig tayo ng mga katakot-takot na mga kasalanan na hindi natin kailan man nalalaman noong tayo’y mga bata – sa oras na ito ng kadiliman – halos wala tayong madinig patungkol kay Satanas at kanyang mga demonyo sa ating mga pulpito. Sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng mga masasayang mga sermon, maraming mga mangangaral ay nabigong sandatahan tayo “kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12). Ngunit sa pamamagitan ng pagpapabaya ng demonolohiya, iniwanan nila ang ating mga tao sa na isang madaling silain para kay Satanas na “gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8).

Ang Panginoong Hesus ay nagsalita patungkol sa “mga uwak ng hangin” na nagsisidating upang silain ang mahal na binhi ng Ebanghelyo (Lucas 8:5). At hindi tayo iniwan ni Hesus na nagdududa patungkol sa kung sino ang mga uwak, dahil sinabi Niya, “Kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12).

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

Hindi natin mapagdududahan na ang mga maruruming mga ibon ay ipinadala ng Diablo upang kainin yoong mga alay sa tipan. At siyempre, ang Diablo ay darating sa bawat pagkakataon upang alisin ang Ebanghelyo mula sa puso ng mga makasalanan – at alisin ito mula sa ating mga simbahan rin!

Pabalik noong mga maagang mga ika-20 siglo ang mga pagsalakay ay dumating laban sa pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo sa Krus. Ito ang demonikong pagsalakay na ipinangaral ni Spurgeon laban ng lubos, at napaka mahusay. Sa ating panahon ang pagsalakay ay mas magpaglalang. Mapagkunwari ang mga mangangaral sa pakikipagpalit na alay ni Kristo – ngunit napaka bihira silang mangaral patungkol rito! Kahit na sa mga pundamental na mga simbahan hindi tayo halos nakaririnig ng isang buong sermon na nakasa-alang-alang sa paghihirap at pagkamatay ni Kristo. Ipinunto ni Dr. Michael S. Horton na halos wala nang nangangral ng buong mga sermon sa kahit anong aspeto ni Kristo. Ang kanyang aklat ay tinatawag na Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] (Baker, 2008). Sana bawat mangangaral sa Amerika ay babasahin ito – at tapos tanungin ang kanilang mga sarili, “Kailan ang huling beses na nangaral ako ng isang sermon na ganap na nakasentro kay Kristong?” Iniisip ko na marami sa kanila ay magugulat kung tapat nilang tinanong ang kanilan sarili ang tanong na iyan.

Karamihan sa mga sermon iyan ngayon ay nakasentro sa ato, sa mga pangangailangan ng tao, sa mga pakiramdam ng tao, sa mga problema ng tao, sa kaligayahan ng tao, ngunit hindi kay Kristo! Napansin din si Dr. David F. Well ang pagkahilig na ito. Sinabi niya, “Lubos na higit na ebanghelikal…na pangangaral…ay sa katunayan na-aayon sa sarili, hindi nakasentro sa Diyos. Ito’y patungkol sa anong ginagawa natin, tungkol sa anong nakukuha natin, hindi tungkol sa anong ginawa ng Diyos o patungkol sa anong ibinibigay Niya sa atin kay Kristo…hindi anong ibinigay ng Diyos sa atin kay pagkamatay ni Kristo sa ating lugar” (isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Tapang ng Maging Protestante [The Courage to Be Protestant], Eerdmans, 2008, pp. 182, 183).

Iniisip mo na na masyado siyang mahigpit? Tanungin ang iyong sarili, kailan ang huling beses na nakarinig ka ng isang buong sermon sa pagpapako sa krus ni Kristo, sa Kanyang muling pagkabuhay, o pati sa Kanyang Pangalawang Pagdating (hindi ang ating Pagdadagit, kundi ang Kanyang Pangalawang Pagdating!) Kahit mga naniniwala sa Bibliyang mga simbahan, karamihan sa kanilang mga sermon ay nakabase sa ating mga pangangailangan at mga pakiramdam – hindi kay Kristo Mismo!

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

Sa isang lugar, sa anumang paraan, mayroong nangangailangang tumayo at itaboy ang mga buwitre papalayo mula sa alay ni Kristo! Sa isang lugar, sa anumang paraan, mayroong isang kailangang tumayo kasama ni Apostol Pabloe at sabihin,

“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).

May isang nagsasabing, “Hindi niyan masasagot ang ating mga pangangailangan.” Sasabihin ko sa iyo, masasagot nito ang iyong mga pangangailangan – mas maigi pa kaysa sa ubod ng popular na psikolohiya mula kay Oprah Winfrey, The Reader’s Digest, o Joel Osteen! Sinabi ng Apostol,

“Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30-31).

“Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan: Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan; Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios” (I Mga Taga Corinto 1:22-24).

Si Kristo – ang kapangyarihan ng Diyos! Si Kristo – ang karunungan ng Diyos! Si Kristo ang lahat na ating kailangan! At si Kristo ang lahat na iyong kailangan! Ang lahat na kilala ang Tagpagligtas ay masasabi kasama ni Pablo,

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13).

Hayaan na ang lahat na makaririnig ng sermong ito ay maging determinado na padakilain ang pangalan ni Hesus, at ang Kanyang namamatay na pag-ibig para sa atin sa Krus! Hayaan na lahat tayo ay ikatiwala ang ating mga buhay sa lumang Ebanghelyo, paniwalaan ito, ipangaral ito, at isaksi ito doon sa mga nawawala! Ang kailangan nila ay hindi popular na psikolohiya o mga pantulong sa sariling pananalita. Ang kailangan nila ay ang nababad sa Dugong Ebanghelyo ni Kristo!

Iniibig ko sabihin ang kwento
   Ng mga di nakikitang bagay sa itaas,
Tungkol kay Hesus at Kanyang luwalhati.
   Tungkol kay Hesus at Kanyang pag-ibig.
Iniibig kong sabihin ang kwento, Dahil alam ko ito’y totoo;
   Pinalulugod nito ang aking mga hangad
Gaya ng walang anu pa man.

Iniibig kong sabihin ang kwento;
   Mas mukha itong nakamamangha
Kaysa lahat ng mga gintong pinagkakahumaling
   Ng lahat ng ating mga gintong panaginip.
Iniibig kong sabihin ang kwento,
   Lubos ang ginawa nito para sa akin;
At iyan ang dahilan na sinasabi ko na ito ngayon sa iyo.

Iniibig kong i-kwento ang kwento,
   Para doon sa mga nakaa-alam nitong lubos
Mukhang ginugutom at nauuhaw pa
   Upang madinig ito tulad ng iba.
At kapag, sa mga eksena ng luwalhati,
   Kumakanta ako ng bagong, bagong kanta,
Ito’y magiging ang pinaka matandang kwento
   Na iniibig ko na ng napaka tagal.

Iniibig kong sabihin ang kwento; Mas mukha itong nakamamangha
   Kaysa lahat ng mga gintong pinagkakahumaling
Ng lahat ng ating mga gintong panaginip.
   Iniibig kong sabihin ang kwento,
Lubos ang ginawa nito para sa akin;
   At iyan ang dahilan na sinasabi ko na ito ngayon sa iyo.
   Iniibig kong sabihn ang kwento,
Ito’y magiging aking tema sa luwalhati,
Na sabihin ang lumang, lumang kwento ni Hesus at Kanyang pag-ibig
    (“Iniibig Kong Sabihin ang Kwento.” Isinalin mula sa
        “I Love to Tell the Story” ni A. Catherine Hankey, 1834-1911).

Awa, ang nagsulat muli ng aking buhay,
   Awa, ang nagsulat muli ng aking buhay
Ako’y nawawala sa kasalanan,
   Ngunit isinulat muli ni Hesus ang aking buhay.
(“Awa ang Nagsulat Muli ng Aking Buhay.” Isinalin mula sa
“Mercy Rewrote My Life” ni Mike Murdock, 1946-, binago ng Pastor).

Pupurihin ko Siya! Pupurihin ko Siya!
   Purihin ang Kordero para sa
Nawawalang makasalanan na pinatay;
   Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat na mga tao,
Dahil mahuhugasan ng Kanyang dugo ang bawat mantas!
(“Pupurihin Ko Siya.” Isinalin mula sa “I Will Praise Him”
     ni Margaret J. Harris, 1865-1919).

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

Ngayon makinig ng mabuti, nawawalang makasalanan. Si Kristo Hesus ay namatay sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, sa Krus. Iniisip ka Niya noong nagpunta Siya sa Krus. Iniisip ka Niya noong nakabitin Siya doong nagdurugo at naghihirap, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Iniisip ka Niya noong sumigaw siyang “Tapos na” at namatay sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. At si Hesus ay tumitingin sa iyo mula sa Langit ngayong gabi. Nananalangin siya para sa iyo. Iniisip ka Niya. Tinatawag ka Niya, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Magpupunta ka ba sa Kanya? Magpupunta ka bas a Kanyang ngayong gabi? Ang Diablo ay darating at ibubulong sa iyo, “Hindi ito mangyayari. Hindi ka maliligtas.” Itaboy ang Diablo papalayo – gaya ng pagtaboy ni Abram sa mga buwitreng iyon. Huwang makinig sa maruming masamang halimaw na iyan! Tanggihan ang kanyang mga pag-iisip. Itaboy siya mula sa alay! Magpunta, at magtiwala sa iyong puso kay Hesus. Patatawarin ka Niya. Patutunayan ka NIya. Ililigtas ka Niya – ngayon! Ating kakantahin ang maliliit na mga Korong iyon – “Awa ang Nagsulat Muli ng Aking Buhay” at “Pupurihin ko Siya.” Kung gusto mo kaming kausapin tungkol sa pagiging ligtas, at pagiging isang tunay na Kristiyano, magpunta sa likuran ng silid habang kami’y kumanta.

Awa, ang nagsulat muli ng aking buhay,
   Awa, ang nagsulat muli ng aking buhay
Ako’y nawawala sa kasalanan,
   Ngunit isinulat muli ni Hesus ang aking buhay.

Pupurihin ko Siya! Pupurihin ko Siya!
   Purihin ang Kordero para sa
Nawawalang makasalanan na pinatay;
   Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat na mga tao,
Dahil mahuhugasan ng Kanyang dugo ang bawat mantas!

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Genesis 15:1-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng mga Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).


ANG BALANGKAS NG

PAGTATABOY NG MGA BUWITRE MULA SA ALAY

(PANGARAL BILANG 68 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram” (Genesis 15:11).

(Mga Taga Roma 4:3; Genesis 15:6;
cf. Jeremias 34:18-21; Mateo 24:28)

I.   Una, ang alay ng bangkay, Genesis 15:8-10; Mga Taga Hebreo 9:13-14;
Mateo 28:5-6; I Mga Taga Corinto 15:3-4.

II.  Pangalawa, ang mga uwak na nagsibaba, Mga Taga Efeso 6:12;
I Ni Pedro 5:8; Lucas 8:5, 12; I Mga Taga Corinto 2:2;
1:30-31, 22-24; Mga Taga Filipo 4:13; Mateo 11:28.