Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANGANGARAL NI NOE

THE PREACHING OF NOAH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-13 ng Enero taon 2013

“At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).


Ang tekstong ito ay isang piraso ng pangungusap. Kailangan nitong maging ganito, dahil ang mga berso apat hanggang siyam ay isang nag-iisang pangungusap. Ito ang isa sa pinakamahabang pangungusap sa Bagong Tipan. Ang kapitulo ay nagsisimula gamit ng isang paglalarawan ng huwad ng mga propeta. Tapos ang Apostol ay nagsasalita patungkol sa pagkasumpa ng mga ereheng ito. Ito’y kasunod ng tatlong mga halimbawa ng paghahatol ng Diyos ng kasalanan sa nakaraan. Una, ang paghahatol ng mga anghel na nagkasala. Pangalawa, ang paghahatol ng lahi ng tao sa panahon ni Noe. Pangatlo, ang paghahatol ng mga lungsod ng Sodom at Gomorrha. Ang bahaging ito ay nagtatapos sa pagsasabi na ang mga tatlong mga halimbawang ito ay nagpapakita na ang Diyos “ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom” (II Ni Pedro 2:9). Ang pangalawang halimbawa ng paghahatol ay ang paksa ng aking pangaral ngayong gabi. Tayo ay sinabihan na ang Diyos

“...ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).

Maari nating ipaghiwa-hiwalay ang teksto sa tatlong mga bahagi: ang manonood, ang mangangaral, at ang paghahatol.

I. Una, ang manonood.

Bago tayo tumingin kay Noe ang mangangaral, kailangan nating isipin ang manonood – ang mga tao kung kanino siya’y nangaral. Sa ating teksto tinatawag silang “ang dating sanglibutan,” ang mga taong nabuhay bago ng Dakilang Baha. Kakaunting mga berso lamang ng Kasulatan ang nagsasabi sa atin patungkol sa kanila. Ngunit ang alam nga natin patungkol sa kanila ay puno ng impormasyon. Napaka importanteng malaman ang tungkol sa mga taong ito dahil sinabi ni Hesus na ang huling henerasyon bago ng katapusan ng panahong ito ay magiging tulad ng araw ni Noe. Sinabi Niya, “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Paano ang mga tao noong mga araw na iyon?

Sila’y materyalistiko. Iyan ang pangunahing bagay patungkol sa kanila. Ang lahat ng ibang mga bagay ay umagos mula sa materyalismo. Sinabi ni Hesus sa atin na ang kanilang atensyon ay naka-sentro sa “[pagsisikain] at [pagsisiinom], at [pangagaasawa] at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong” (Mateo 24:38). Ang kanilang mga buhay ay naka-sentro sa pagkain at kasiyahan. Gusto nila ang mga maiinam na mga bagay sa buhay, at walang nang ibang mahalaga pa. Sinabi ni Dr. Francis Schaeffer na ang mga Krisityanong prinsipyo ay huminang lubos na ang karamihan sa mga tayo ay nabubuhay lamang para sa personal na kapayapaan at kasaganaan. Sinabi ni Dr. Schaeffer,

Ang ibig sabihin ng personal na kapayapaan ay ang pagkagusto ng personal na disenyo ng aking buhay na di naiistorbo sa panahon ng aking buhay, ano man ang maging resulta nito sa mga panahon ng mga buhay ng akin mga anak at mga apo. Ang ibig sabihin ng kasaganaan ay isang napakalaki at laging lumalagong prosperidad – isang buhay na gawa ng mga bagay, mga bagay, at marami pang mga bagay – isang tagumpay na hinatulan ng isang laging mataas na antas ng kasaganahan ng materyal (isinalin mula kay Francis A. Schaeffer, Paano Tayo Gayon Mabuhay? [How Should We Then Live?,] Revell, 1976, p. 205).

Noong bata pa ako natatandaan kong nagtataka kung bakit ang mga tao ay napaka nag-aalala sa pagkakaroon ng magarang mamahaling kotse, bakit kanilang naramdaman na kailangan nilang magkaroon ng tinatawag nilang, “ang mga mas mainam na mga bagay ng buhay.” Hindi ako isang Hipi. Hindi sa anumang bagay. Ngunit ako’y kontento sa isang maliit na kulay abong Dodge Dart at isang maliit na silid sa isang apartment. Kahit ngayon minamaneho ko ang isang anim na taong gulang na Toyota Corolla. Mayroon akong dalawang terno. Mukhang sapat na sa akin iyan. Hindi ako mag-aari ng sarili kong tahanan kung hindi ito ibinigay ng nanay ko sa akin. Sinasabi ng Bibliya, “kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso” (Mga Awit 62:10). Sa pagiging totoo sa inyo, hindi ko maintindihan ang isang taong ang buhay ay umiikot sa personal na kapayapaan at prosperidad. Noong ako’y labing walong gulang gumanap ako ng isang parte ng isang matandang lalake sa isang isang-aktong dula na base sa parabola ng mayamang hangal sa ika labin dalawang kapitulo ng Lucas. Habang ako’y pabagsak sa kamatayan mula sa isang atake sa puso, ang tinig ng Diyos ay bumunsod sa mga ispiker, “Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya? Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios” (Lucas 12:20, 21). Ang mga tao sa araw ni Noe ay tulad ng mayamang hangal. Ang materyalismo ay laganap sa ating panahon rin.

Tapos rin, ang kanilang isipan ay puno ng kasamaan. Sinasabi sa atin ng Genesis 6:5 na

“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Sinabi ni Luther, “Kapag ang mga tao ay nagsisimulang maging malupit, hindi na nila ikinakatakot ang Diyos o pinaniniwalaan Siya, kundi ikinamumuhian Siya, ang Kanyang Salita at Kanyang mga ministor…Ang pagkawalan ng diyos na ito ay kakalat ng mabilis sa panahon ni Noe” (isinalin mula kay Martin Luther, Th.D., Ang Kumentaryo ni Luther sa Genesis [Luther’s Commentary on Genesis], Zondervan, 1958, kabuuan I, p. 128; mga kumento Genesis, kapitulo 6).

Dahil maraming mga masaker sa pamamagitan ng baril, ang mga politico ay ngayon nagsasabi sa atin na ang mga baril ay kinakailangang maialis at, sinasabi nila, ay hihinto sa biyolente. Ginagawa ako nitong nasusuka sa puso upang marinig ang ganoong uri ng hangal na pananalita. Mayroong tayong mga baril ng maraming mga henerasyon. Mas marami pa nga ang mga baril naming noong bata pa ako. Ako mismo ay nagmamayari ng isang baril at isang pelet na baril noong sampung taong gulang lamang ako. Mula taon 1949 hanggang 1953 nabuhay ako sa disiyerto ng Arizona. Halos bawat kabataan ay nagmamayari ng baril sa mga araw na iyon. Ngunit hindi kami nagkaroon ng mga patayan ng maramihan noon. Anong iba na ngayon? Ito’y ang mga basurang ibinubuhos ng Hollywood sa mga utak ng mga bata ngayon!

Ang Los Angeles Times (1/7/13, p. D1) ay nagkaroon ng isang bagong kwentong pinamagatang, “Bagong madugong palabas ay ipinaplano, ngunit ang mga eksekyutib ng NBC ay nagbabala laban sa ideya na ang mga ito’y umudyok ng tunay na biyolente.” Sinasabi ng artikulo, “Ang kamakailan lang na maramihang pamamaril..ay pumipuwersa sa mga eksekyutib ng mga telebisyon na patunayan muli ang tumataas na biyolente sa maliit na tabing na ipinaglalaban ng mga kritikong…nagpapasiklab ng mga tunay na mga pagpatay sa mundo.” Ginagawa akong masuka ng mga manghuhukay ng perang mga taga-Hollywood! Ang kanilang madugong mga pelikula at mga palabas sa telebisyon ay sumira sa isang buong henerasyon. Napasusuka ako nito. Ganyan rin siguro ang naramdaman ni Noe!

“At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa” (Genesis 6:11-13).

Gusto kong sabihin sa inyong mga kabataan ang isang bagay, at gusto ko itong gawing kasing linaw na posible. Alisin ang iyong isipan mula sa materyalismo at mag-isip ng mas kaunti patungkol sa pagkakaroon ng kayamanan – at mas higit ng kaunti tungkol sa pag-aambag ng mga kayamanan sa Langit!

At alisin ang iyon ulo mula sa mga seryal na mga mamamatay tao at mga bampira sa telebisyon – at alisin ang iyong ulo mula sa mga videyo games – lahat ng videyo games – at ilagay ang inyong ulo sa Bibliya, at sa simbahan, at sa panalangin! Kung hindi mo ito gagawin, ika’y mapupunta sa Impiyerno kasama ng mga mogol sa Hollywood, at ang basang-basa sa dugong, patay sa utak na mga tao, tulad noong sa panahon ni Noe! Sabihan ang isang tao na sinabi ko yan! At hindi ako ngumiti noong sinabi ko ito!

Ang mga manonood ni Noe ay tulad lang noong mga pulong sa Hollywood. Walang pagtataka na wala sa kanila ay naligtas. Hindi mo makuha ang mga taong iyong maligtas kahit na magmakaawa ka sa iyong mga kamay at tuhod! Ang mga tao ng “dating sanglibutan” ay walang pag-asang naka-ayos laban sa Diyos. At “ibinigay sila ng Dios sa kahalayan” (Mga Taga Roma 1:24).

II. Pangalawa, ang mangangaral.

“At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad [ng Diyos], datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran…” (II Ni Pedro 2:5)

.

Si Noe ay hindi isang guro ng Bibliya. Siya’y isang mangangaral. Ang Griyegong salita ay “keryx.” Ibig nitong sabihin ay “isang pagtawag.” Iprinoklama Niya ang katuwiran bilang isang pagtawag, “isang publikong tagasigaw” (isinalin mula kay Strong). Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771), “Sinasabi ng mga Hudyo na si Noe ay isang propeta; at inirerepresenta nila siya bilang isang mangangaral, at sinasabi rin sa atin ang pinaka salita na ginamit niya sa kanyang mga pangangaral sa dating sanglibutan” (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Eksposisyon ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan III, pp. 597, 598).

Tapos isinipi ni Dr. Gill ang mga matatandang mga rabbi, na ibinigay ang sinabi nilang mga pinaka salita na ipinangaral ni Noe, “Mapatalikod kayo mula sa inyong mga masasamang kaparaanan at gawain, sa takot na ang mga tubig ng baha ay dumating sa iyo, at putulin ka mula sa lahat ng mga binhi ng tao” (isinalin mula kay Gill, ibidi.). Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski (1864-1936),

      Itinatanong kung paano nalaman ni Pedro na si Noe ay “isang taga tawag ng katuwiran” na tinatawag lamang siya ng Lumang Tipan na “isang makatuwirang tao.” Mukhang ito’y hindi mahalaga tanong. Si Noe ba ay nanatiling pigil noong mga 120 mga taong iyon? Iniwan ban g Diyos ang mundo sa walan ng alam ng nagbababalang paggunaw? Nagsulat ba si Pedro na walang paglalantad?
      Ang pag-aantala ng 120 na mga taon ay isang dinagdag na panahon ng biyaya. Ang pangangaral ni Noe ay dapat magpapatingin sa mga tao sa katuwiran upang ang Diyos ay hindi mapilitang magpadala ng baha. Maaring ipinatwad ng Diyos ang Sodom at Gomorrah kung mayroong sampung makatuwirang mahahanap doon, ngunit walang sampu (Genesis 18:32); sa buong mundo ng panahon ni Noe mayroong lamang walo [si Noe, ang kanyang asawa, ang kanyang tatlong anak na lalake, at ang kanilang mga asawa]. “Ang Katuwiran” ay isang objectibong dyenitibo. ito hindi isang ayon sa kalidad, hindi “isang makatuwirang pagtawag.” Ang salita ay dapat maintindihan sa lubos na porensikong [legal] na diwa. Iprinoklama ni Noe ang katangian na mayroong ang dyudisyal na pagsang-ayon ng Diyos. Ngunit kanilang inuyam ang kaniyang mga salita, tinawanan ang kanyang daong, [at] nanatiling “isang mundo ng mga walang diyos” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Th.D., Ang Interpretasyon ng mga Sulat ni Sto. Pedro, Sto. Juan at Sto. Judas, [The Interpretation of the Epistles of St. Peter, St. John and St. Jude], Augsburg Publishing House, 1966 edsiyon, p. 312).

Binalaan ng Diyos ang mga tao ng araw ni Noe na ang Kayang Banal na Espiritu ay hindi magsusumukap sa tao magpakailan man; iyan ay na ang Banal na Espiritu ay hindi laging mangungumbinsi sa kanila ng kasalanan at magpapatingin sa kanila sa pag-sisisi. Sinabi ni Luther na ang mga salitang, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan” ay ang mga pinaka salita na ipinangaral ni Noe “sa sanglibutan sa publikong pagsasamba. Ang ibig niyang sabihin ay ito, ‘Ating itinuturo at pinagsasabihan sa walang kabuluhan, dahil ang mundo ay hindi papayagan ang sarili nitong maitama.’ Ang eksposiyon na ito ay sumasang-ayon sa pananampalataya at sa Kasulatan, dahil noong ang Salita ng Diyos ay nailantad mula sa langit, kakaunti lamang ang napagbagong loob, habang ang karamihan ay kinasuklaman ito, isinusuko ang kanilang mga sarili sa kayamuan, kalaswaan at iba pang mga bisyo…Ito gayon ang pinaka dakilang paghahatol ng Diyos, na sa pamamagitan ng bibig ng banal na patnyarka [si Noe] hindi na Niya binalaang magpunyagi sa tao. Sa pamamagitan nito Kanyang idineklara na ang Kanyang pagtuturo ay wala nang layunin at na hindi na niyang ipagkakaloob sa tao ang Kanyang nagliligtas na Salita. Ang mga iyon gayon na mayroon ang Salita ay dapat magalak na tanggapin ito, pasalamatan ang Diyos para rito, at ‘hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan,’ Isaias 55:6” (isinalin mula kay Luther, ibid., pp. 129, 130).

Bilang isang pagbabala sa ilan sa inyo ngayong gabi, sinasabi ko na ang Diyos ay hindi palaging magpupunyagi sa iyo. At kapag pahihintuin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, hindi ka kailan man mapagbabagong loob. Ika’y makokondena kasing tiayk noong walang diyos nga mga tao sa mga araw ni Noe.

III. Pangatlo, ang paghahatol.

“At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad [ng Diyos], datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).

Ang salitang “sa” ay hindi nanggaling sa Griyego. Dapat itong basahing, “noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama.”

Hindi tayo dapat magulat na lahat ng tao sa lupa ay namatay, maliban nalang kay Noe at kanyang pamilya. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios” (Mga Awit 9:17).

Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,

“Makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).

Ang buong “mundo na masasama” ay namatay sa Matinding Baha. Sinabi ni Dr. Gill, “Mayroong isang buong mundo nila; at gayon man hindi nito masiguro sila mula sa poot ng Diyos. [Ito’y] ang Diyos mismo, na naghati sa mga balon ng malalim, at nagbukas sa mga bintana ng langit, at sumira sabay sabay ng lahat ng sangkatauhan, lalake, at babae, at mga bata, at lahat ng nabubuhay na mga nilalang, maliban na lang noong kasama ni Noe sa daong: at…hindi dapat isipin na ang kanilang kaparusahan ay matatapos rito; [sinabi ng mga matatandang mga rabbi], ‘Ang henerasyon ng baha ay hindi magkakaroon ng bahagi sa mundong darating’” (isinalin mula kay Gill, ibid., p. 598).

Walang kaligtasan sa mga bilang. Hindi tayo humaharap sa mga maninipi rito. Tayo ay humaharap sa Diyos. Kung lahat ay tumatangging magsisi at maligtas, tapos ang lahat ng mundo ay mahahatulan ng Diyos sa walang hanggang pagdurusa. Ito ang sinabi ng Diyos. Maaring tawanan ng mundo ito. Maaring kutyain ito ng mundo. Ngunit iyan ang di nagbabagong katotohanan ng Diyos.

“Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios” (Mga Awit 9:17).

“Makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon” (Mateo 7:14).

Ngayon, isang huling pag-iisip. Bakit hindi nagsisi ang mga tao sa araw ni Noe at nagpunta sa daong para sa kaligtasan? Ang daong ay isang tipo, o larawan, ni Kristo. Si Kristo ay namatay upang magbayad para sa ating mga kasalanan, at bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay. Ngunit upang maligtas dapat kang magpunta kay Kristo, gaya ng mga tao sa araw ni Noe ay kinailangang magpunta sa daong. Bakit wala sa kanila ang nagsisi at nagpunta sa daong para sa kaligtasan?

Sa tinggin ko ang unang dahilan ay pagkawalan ng paniniwala. Hindi sila naniwala sa sinabi ng Diyos tungkol sa padating na paghahatol. Kaya hindi sila nagsisi at nagpunta sa daong para sa kaligtasan.

Sa tinggin ko ang pangalawang dahilan ay dahil para sa marami na hindi nila gustong baguhin ang kanilang paraan ng pamumuhay. Mas takot pa sila sa pagbabago ng paraan na kanilang binuhay kay sa poot ng Diyos, kaya hindi sila nagsisi at nagpunta sa daong para sa kaligtasan.

Sa tinggin ko ang pangatlong dahilan ay para sa marami sa kanila ay na sila’y takot sa kung anong iisipin ng kanilang mga pamilya o mga kaibigan tungkol sa kanila kung sila’y nagsisi at nagpunta sa daong. Takot ng pagiging di tumatalima ay nagkokondena sa mas higit na maraming mga tao kay droga, alkohol o labag sa batas na pagtatalik. Anong iisipin ng aking mga kaibigan? Anong iisipin ng aking pamilya? Ikinatakot nila ang libak ng pamilya at mga kaibigan, kaya hindi sila nagsisi at nagpunta sa daong para sa kaligtasan.

Paano ikaw? Hahayaan mo ba ang isang takot pumigil sa iyo mula sa pagsisisi at pagpunta kay Kristo? Sinasabi ng isa, “Ngunit anong mangyayari sa akin kung magpupunta ako kay Hesus at maging isang seryosong Kristiyano?” Dapat akong maging tapat. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa iyo kung ika’y maging isang tunay na Kristiyano. Ngunit alam ko kung anong mangyayari kung takot kang maging isa,

“Nguni't sa mga duwag,…ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 21:8).

Panalangin ko na ika’y magtitiwala kay Kristo bago alisin ng Diyos ang Kanyang Espiritu mula sa iyo, at iiwanan kang mamatay, gaya ng ginawa Niya noong Kanyang dinala “ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5). Kung gusto mong kaming kausapin tungkol sa pagiging isang Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoryum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan kakausapin ka namin at magdarasal kasama mo. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Genesis 6:5-12.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mamalagi Kasama Ko.” Isinalin mula sa
“Abide With Me” (ni Henry F. Lyte, 1793-1847).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANGANGARAL NI NOE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).

(II Ni Pedro 2:9)

I.   Una, ang manonood, Mateo 24:37, 38; Mga Awit 62:10;
Lucas 12:20, 21; Genesis 6:5, 11-13; Mga Taga Roma 1:24.

II.  Pangalawa, ang mangangaral, II Ni Pedro 2:5.

III. Pangatlo, ang paghahatol, Mga Awit 9:17; Mateo 7:14;
Apocalipsis 21:8.