Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PANANAMPALATAYA NI NOE

THE FAITH OF NOAH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Enero taon 2013

“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo 11:7).


Ngayong gabi ako ay magsasalita ng ilang minuto sa pananampalataya ni Noe. Si Noe ay isa sa mga pinaka-importanteng tao sa kasaysayan. Kung wala si Noe walang lahi ng sangkatauhan ngayon. Ang bawat tao ay maaring nalunod sa Matinding Baha kung hindi na panatili ni Noe ang kanyang pamilya sa arko.

Pinararangalan natin si Charles Martel (688-741) para sa pagliligtas sa Europa mula sa pagsalakay ng mga Muslim. Pinararangalan natin si Winston Churchill (1874-1965) para sa pagliligtas sa Kanlurang sibilisasyon mula kay Hitler. Pinararangalan natin si Abraham Lincoln (1809-1865) para sa pagliligtas sa Amerika mula sa pagkakahiwa-hiwalay sa maliliit na mga bansa. Pinararangalan natin si Dr. Martin Luther King (1929-1968) para sa pagliligtas sa ating bansa mula sa panlahing pag-aaway ng mga taong 1960. Pinararangalan natin si Pangulong Reagan (1911-2004), si Margaret Thatcher (1925-), at si Papang John Paul II (1920-2005) para sa pagliligtas ng Kanlurang mundo mula sa Komunismo. Karamihan sa mga pinunong ito ay hindi mga Kristiyano, ngunit gumawa sila ng mga dakilang mga bagay para sa ating mundo. Ngunit, gaano man kadakila ng mga pinunong ito, ang ginawa nila ay di mahihigitan kumpara sa anong ginawa ni Noe. Dahil iniligtas ni Noe ang lahi ng tao mula sa pagkalipol sa Dakilang Baha!

Si Noe ay hindi isang anyo ng kartun sa Pag-aaral sa Linggo para sa mga bata. Kung mayroon lamang akong paraan upang pahintuin ang paglilimbag ng lahat ng mga aklat na iyon! Si Noe ay isang tunay na tao, at isang dakilang bayanu, na nagligtas sa lahi ng tao mula sa lubos na pagkasira. At bawat Kristiyano ay dapat magkaroon ng dakilang paggalang para sa kanya at magbigay sa kanyang ng pinakamataas na parangal para sa ginawa niya.

Sa pangwakas na araw ng krusada sa Lungsod ng New York, nangaral si Billy Graham sa mga araw ni Noe, mula sa Mateo 24:36-39, na binasa ni Dr. Chan ilang minuto kanina sa paglilingkod na ito. Ito ang pinaka huling “krusada” ni Gg. Graham, kung saan nagbigay siya sa 90,000 na mga tao sa Flushing Meadows Corona Park, sa Lungsod ng New York. Sa pangaral na iyon sinabi ni Gg. Graham, “Kapag ang sitwasyon sa mundo ay magiging tulad noon sa araw ni Noe, maari kang tumingala at alamin na si Hesus ay malapit nang dumating” (isinalin mula kay Billy Graham, Nabubuhay sa Pag-ibig ng Diyos [Living in God’s Love], G. P. Putnam’s Sons, 2005, p. 110). Habang hindi ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa ilang mga bagay, sa tingin ko siya’y tama sakto noong ikinumpara niya ang ating mundo ngayon sa panahon kung saan nabuhay si Noe.

Ngunit ang aking pangaral ngayong gabi ay hindi sesentro sa mga araw ni Noe. Ngayong gabi magsasalita ako patungkol sa “Pananampalataya Ni Noe.” Ako’y sumasalalay ng lubos sa huling kapitulo ng aklat ni Dr. M. R. DeHaan, Ang mgaAraw ni Noe [The Days of Noah] (Zondervan Publishing House, 1979 edisyon, pp. 178-184). Sinasabi ng Mga Hebreo 11:7,

“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo 11:7).

Ibinibigay nito sa atin ang kwento ni Noe sa isang berso. Nagsisimula ang teksto at nagtatapos sa parehong dalawang salita, “sa pananampalataya.” Ang berso ay maaring mahiwalay sa pitong punto, lahat ng mga ito ay naglalantad ng mga bagay tungkol sa pananampalataya ni Noe.

I. Una, ang basehan ng pananamapalataya ni Noe.

Ang teksto ay bumubukas sa mga salitang ito, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios…” binalaan ng Diyos si Noe na ang Baha ay parating. Nagkaroon ng mga ganoong uri ng mga baha noon. Mukhang imposible na ganoong uri ng malakawang sakuna ay magaganap. Ngunit, sa pamamagitan ng pananampalataya, pinaniwalaan ni Noe ang sinabi ng Diyos. Sinabi ni Dr. DeHaan, “Tunay na pananampalataya ay hindi humihingi ng karagdagang mga ebidensya. Hindi ito humihingi ng mga tanda o tinig o…mga pangitain o mga panaginip, siyentipijong patunay o arkelohikal na mga pagkatuklas o geyolohikal na mga ebidensya. Tunay na nakapagliligta sa napananampalataya ay pagtatanggap ng Salita ng Diyos dahil sinabi ito ng Diyos” (isinalin mula sa ibid., p. 179) Sinasabi ng Bibliya,

“Ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” (Mga Hebreo 11:1).

Ang “kapanatagan” ay nangangahulungang ang kumbiksyon o kasiguraduhan ng isang hinaharap na katunayan. Pananampalatay ay “ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.” Ang pananampalataya ay hindi nakabase sa ano ating nakikita o nararamdaman, kundi sa bigay ng Diyos na kasiguraduhan “ng mga bagay na hindi nakikita.” Ang basehan ng pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos. Ang pananampalataya ay “ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:8). Binigyan ng Diyos si Noe ng pananampalataya upang paniwalaan ang sinabi Niya tungkol sa padating na Baha. Ang pananampalataya ay hindi nakabase sa empirikal na ebidensya, ngunit sa pagtiwala sa Diyos.

II. Pangalawa, ang kalikasan ng pananampalataya ni Noe.

Sinasabi ng ating teksto, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita…” “Sa mga bagay na hindi pa nakikita.” Tumutukoy ito sa Baha na tataklob sa lupa. Walang ulan na bumagsak pa mula sa langit. Sa pangalawang kapitulo ng Genesis tayo ay sinasabihan na hindi pa umuulan. Hanggang sa panahon ni Noe ang kahalumigmigan ay tumaas mula sa lupa na isang mabigay na ulap. Sa pangalawang kapitulo ng Genesis ating mababasa,

“Hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa... Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa” (Genesis 2:5, 6).

Ang ulan ay hindi pa nakikita noon, ngunit naniwala ni Noe sa Diyos noong siya ay binalaan “sa mga bagay na hindi pa nakikita.” Iyan ang pananampalataya – paniniwala sa hindi natin mapaliwanag, ngunit paniniwala nito dahil sinabi ito ng Diyos. Ang pananampalataya ay nakasalalay ating tiwala sa Diyos.

Sinasabi ng Diyos, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Ngunit sasabihin ng isa, “hindi ko nakikita si Hesus. Hindi ko Siya nararamdaman. Paano ako maniniwala sa Kanya?” Gusto mo ng empirikal na ebidensya. Gusto mong makita si Hesus at maramdaman Siya. Ngunit walang maliligtas sa paraan na iyan. Dapat kang mananampalataya sa Panginoong Hesus. Gaya ng paniniwala ni Noe “sa mga bagay na hindi pa nakikita,” kaya dapat kang mananampalataya kayHesus, na hindi mo pa nakikita. Sinasabi ng Bibliya,

“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap” (Mga Hebreo 11:6).

III. Pangatlo, ang motibo ng pananampalataya ni Noe.

Sinasabi ng teksto, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot…” Si Noe ay takot. Noong sinabi sa kanya ng Diyos ang tungkol sa Matinding Baha, natakot nito si Noe. Kaya siya’y na “dala ng banal na takot.” Sinabi ni Dr. DeHaan, “Ang lahat ng tao ay natatakot sa kamatayan aminin man nila ito o hindi. Nakarinig ako ng mga taong nagyayabang, naglapastangan sa Diyos at nagsumpa, at tinawanan ang Diyos at relihiyon; at nakakit na ako ng mga parehong mga [taong] nagdadaing at sumusukot tulad ng mga binugbog na mga tuta kapag humaharap sa kawalang hanggan. Kahit sinong tao sa kanyang tamang pag-iisip ay dapat makaalam ng ilang takot sa hinaharap at poot ng Diyos. Oo, si Noe ay napakilos sa takot sa harap ng poot ng Diyos, naitulak siya nito upang hanapin ang kaligtasan” (isinalin mula sa ibid., p. 180).

The Bible says that there is a Hell awaiting lost sinners. The Bible says,

“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Hebreo 9:27).

Aminin na iyong kinatatakutan ang poot ng Diyos, at tumakas kay Hesus para sa kaligtasan. Sinabi ni Dr. DeHaan, “Kahinahinala kung ang kahit sino ay naligtas na walang isang tiyak na halaga ng elemento ng takot” (isinalin mula sa ibid.).

IV. Pang-apat, pagtutupad ng pananampalataya ni Noe.

Sinasabi ng ating teksto, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong…” Ang pananampalataya ni Noe ay naglilikha ng pagkilos. Hindi sapat na sa isipan lang maniwala sa pagbabala ng panganib. Dapat kang kumilos. Naniniwala ka bas a Bibliya? Naniniwala ka ba na parurusahan ng Diyos ang mga makalsanan maliban nalang kung sila’y magsisisi at magtiwala kay Hesus? Maari mong paniwalaan ang lahat ng iyan at maging nawala pa rin, maliban na lang kung ika’y personal na magtiwala kay Hesu-Kristo sa pamamagitan ng pagkilos ng pananampalataya. Madalas sabihin ng mga tao, “Wala kang dapat gawin upang maligtas.” Ngunit ang pinaka kabaligtaran nito ay totoo. Wala kang dapat gawin upang maging nawawala! sinabi ni Hesus, “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18). Ika’y hinatulan na at nawalala. Noong tinanong ng taga bilanggo si Pablo, “Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” Hindi sinabi ni Pablo, “Huwag kang gumawa ng kahit anong bagay.” Hindi! Sinabi ng Apostol sa kanya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Nagtiwala ka na ba kay Kristo sa pananamapalataya? Nagpunta ka na ba sa Tagapagligtas para sa kaligtasan?

V. Panlima, ang saklaw ng pananampalataya ni Noe.

Sinasabi ng ating teksto, “Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan…” si Noe ay hindi nalugod na maligtas mag-isa. Siya rin ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Gusto niya ang pamilya niya rin ay maligtas, kaya lumikha siya ng silid para sa kanila sa arko. “Naghanda [siya] ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan.” Sinabi ni Dr. DeHaan, “Ito ang isa sa mga pinaka tiyak na ebidensya ng [isang tunay na pagbabagong loob]. Kapag ang isang tao ay tunay na naligtas, siya’y nag-aalala tungkol sa iba, simula sa kanilang tahanan…Napaka dalas na aking napansin na agad-agad pagkatapos na ang isang tao ay tumanggap kay Kristo siya’y nagiging [mapag-alala] tungkol sa isang ama, ina, lalake, o babe – ‘Ngayon hindi ako mamamahinga hanggang sa madala ko rin ang aking ina at ama,’ ang sabi ng isang tao habang siya’y papatayo mula sa kanyang tuhod pagkatapos niyang tinanggap si Kristo. Subukin mo ang iyong sarili sa alituntunin na ito, at ilalantad nito ang katotohanan at kalaliman ng iyong espiritwal na buhay…Oo, ‘[inihanda ni Noe ang] isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan’” (isinalin mula sa ibid., pp. 181, 182).

VI. Pang-anim, ang testimono ng pananampalataya ni Noe.

Sinasabi ng teksto, “Sa pananampalataya…naghanda ng isang daong... na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan.” Ang pagatayo ng arko ay para sa kaligtasan ni Noe. Ngunit ito rin ay isang testimono sa di nananampalatayang mundo. Tinatawag ng Bibliya si “Noe [ang pang-walong tao] na tagapangaral ng katuwiran” (II Ni Pedro 2:5). Araw kada araw si Noe ay nangaral sa padating na paghahatol ng Matinding Baha. Araw kada araw nagmakaawa si Noe sa mga tao upang magsisi at maligtas. Ang pangangaral ni Noe, at ang arko mismo ay mga testimono sa nawawalang mga tao ng araw na iyon. Ito’y totoo na wala sa kanila kundi ang pamilya ni Noe ang napagbagong loob sa pamamagitan ng kanyang pangangaral. Ngunit mas kaunti ang interes ng Diyos sa kung gaano karami ng mga taong naligtas sa pamamagitan ng ating testimono kaysa sa sa Kanyang interes sa ating pananampalataya sa pagsasaksi sa isang makasalanan, nawawalang mundo. Ngayon na ang mga kolehiyo at mga unibersidad ay bukas na muli, umaasa ako na marami sa inyo ay magpupunta at magwawagi ng mga kaluluwa sa inyong sarili, at magdala ng mga pangalan at numero upang matawagan. At kumayod kada linggo upang magdala ng mga nawawalang kamag-anak at kaibigan sa simbahan upang ipangaral ang Ebanghelyo.

VII. Pampito, ang gantimpala ng pananampalataya ni Noe.

Isa sa mga tampok ng pananampalataya ni Noe ay nananatili. Nakita natin ang basehan, ang kalikasan, ang motibo, ang pagtutupad, ang saklaw, ang testimono ng kanyang pananampalataya. Ngayon tayo ay mapupunta sa huli – ang gantimpala ng pananampalataya. Sinasabi ng teksto,

“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo 11:7).

Si Noe ay hindi isang walang salang tao. Siya ay isang nawawalang makasalanan tulad ng iba. Ngunit ang katuwiran ni Kristo ay inilagay sa kanya dahil naniwala siya sa Diyos patungkol sa arko. Tandaan na ang arko ay isang uri ni Kristo. Nanampalataya si Noe sa sinabi ng Diyos tungkol kay Kristo. Si noe ay nagpunta sa arko, gaya ng dapat mong pagpunta kay Kristo. Itinaya ni Noe ang kanyang kaluluwa at buhay sa kakayahan ng arkong iligtas siya. At dapat mo ring itaya ang iyong kaluluwa at iyong buhay kay Kristo upang maligtas. Dapat kang magpunta kay Kristo, gaya ng pagpunta ni Noe sa arko. Dapat kang mananampalataya kay Kristo, gaya ng pananampalataya ni Noe, at pagtiwala sa arko.

At dapat kang magpunta kay Kristo habang ang pinto ay bukas pa. Ang arko ay mayroon lamang isang pinto. Pagkatapos na ang pinto ay magsara, lahat ng pag-asa ay wala na! Hindi na makasakay ang mga tao ng isa pang bapor sa kaligtasan, dahil wala nang ibang bapor! Sinabi ni Dr. DeHann, “tiyak ako na pagkatapos na ang ulan ay nagsimulang bumagsak, at ang kidlat ay umilaw, at ang kulog ay rumolyo, at ang mga tubig ay tumaas, mayroong [marami] na gusto [pumasok sa isa pang] bapor – kahit anong bapor – ngunit mayroon lamang isa, at wala nang iba pa. Kanilang nalampasan ang bapor. [Nag-antay] sila nang masyadong matagal…[Habang ang Baha ay dumating bumabagsak] anong takot,…sindak at kilabot ay kumapit sa mga tao! Anong pagpapanaghoy at pag-iiyak at pagpupukpok sa pinto ng arko! Anong mabangis, sumusulpok na pagdaluhong para sa bapor na kanilang kinamuhian! [Ngunit wala itong pakinabang] – ang pinto ay sarado na! Nakaligtaan nila ang bapor!” (isinalin mula sa ibid, pp. 183, 184). ITO’Y HULI NA!

Sinabi ni Hesus, “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37-39). Ang bawat tanda ay nagpapakita na tayo na ngayon ay nabubuhay sa panahong iyan ngayon, “kung paano ang mga araw ni Noe.” Habang ang iba ay nag-aalala lamang sa mga materyal na mga bagay ng buhay, hinihingi ko sa iyong magsisi at magpunta kay Hesus bago pa ito huli para sa iyong maligtas – walang hanggang huli na! Gg. Lee, paki pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:37-42.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith::
“Ang Pananampalataya ay ang Tagumpay.” Isinalin mula sa
“Faith is the Victory” (ni John H. Yates, 1837-1900).


ANG BALANGKAS NG

ANG PANANAMPALATAYA NI NOE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya” (Mga Hebreo 11:7).

I.    Una, ang basehan ng pananamapalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7a; 1;
Mga Taga Efeso 2:8.

II.   Pangalawa, ang kalikasan ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7b;
Genesis 2:5, 6; Mga Gawa 16:31; Mga Hebreo 11:6.

III.  Pangatlo, ang motibo ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7c; 9:27.

IV.  Pang-apat, pagtutupad ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7d;
Juan 3:18; Mga Gawa 16:31.

V.   Panlima, ang saklaw ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7e.

VI.  Pang-anim, ang testimono ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7f;
II Ni Pedro 2:5.

VII. Pampito, ang gantimpala ng pananampalataya ni Noe, Mga Hebreo 11:7g;
Mateo 24:37-39.