Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG APOSTASIYA

THE APOSTASY
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-29 ng Disyembre taon 2012

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't [ang araw na] ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan” (II Mga Taga Tesalonica 2:3) – KJV.


“[Ang araw na] ito” ay tumutukoy sa “araw ng Panginoon” sa berso dalawa. Ang mga taga Tesalonica ay hindi nag-aalala na si Kristo ay hindi pa bumabalik muli. Alam nila na hindi pa Siya bumabalik. Ngunit nag-aalala sila na ang una bahagi ng araw ng Panginoon ay dumating, at na sila’y nasa panahon ng Tribulasyon. Ang matinding pag-uusi na kanilang nararanasa mula sa paganong Roma ay napa-isip sa kanilan na sila’y nasa Tribulasyon na. Sila’y tako na ang katapusang panahon ng araw ng poot ng Diyos ay nagsimula na. Ngayon, sa ating teksto, ipinaliwanag ng Apostol Pablo kung bakit hindi sila maaring nabubuhay sa panahon ng Tribulasyon. Dalawang pangyayari ang dapat mangyari muna. Sinabi ni William MacDonald,

      Una sa lahat magkakaroon ng paglalayo, o apostasiya. Anong ibig sabihin niyan?...tumutukoy ito sa isang lansakang pag-aabandona ng pananampalatayang Kristiyano, isang positibong pagtatanggi ng pananampalatayang Kristiyano.
      Tapos isang dakilang makamundong tauhan ay babangon. Sa kanyang karakter, siya ay “ang tao ng kawalan ng batas,” iyan ay, ang pinaka diwa ng kasalanan at rebelyon (isinalin mula kay William Macdonald, Kumentaryo ng Bibliya ng Mananampalataya, Thomas Nelson Publishers, 1995 edisyon, p. 2053; mga kumento sa II Mga Taga Tesalonica 2:1-3).

“Ang tao ng kawalan ng batas” ay tumutuoy sa Antikristo, ang pangwakas ng diktador ng mundo. Kaya sinasabi sa atin ng Apostol na dalawang mga bagay ang dapat mangyari bago mangyari ang Tribulasyon – ang aspostasiya, ang pagpapakita ng Antikristo. Sa mensaheng ito, tatalakayin ko ang una sa mga ito – ang apostasiya. Ang araw ng Panginoon ay darating “maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas.” Sinabi ni Dr. W. A. Criswell,

Ang pariralang “pagtaliwakas” ay maaring maisaling “ang apostasiya.” Ang gamit ng artikulong [ang] ay nagsasaad na si Pablo ay nag-iisip ng isang tiyak na apostasiya. Ang implikasyon nito ay bago “ng araw ng Panginoon” magkakaroon ng isang tiyak na pagtaliwakas ng mga nagtapat na mananampalataya (isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ni Criswell, [The Criswell Study Bible] Thomas Nelson Publishers, 1979; sulat sa II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Maraming mga panahon ng apostasiya sa loob ng panahon ng Kristiyano, o dispensayon. Ngunit wala pang panahon na nagkaroon ng isang ganap na hugis ng globong “lansakang pag-aabandona ng Kristiyanong pananampalataya” (Isinalin mula kay MacDonald, ibid.) hanggang sa makabagong mga panahon. Ngayon lahat ng mga dakilang Protestanteng denominasyon, gayon din na mga Luterano, ang pangunahing Presbyteryanong mga katawan, ang mga Episcopalyano at maraming mga Bautista, gaya ng pagkatala sa ating aklat ng, Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy] (Hearthstone Publishing, 1999; pangalawang edisyon 2001). Ang pagdulas sa liberal na apostasiya ay nangyari rin sa Romanong Katolikong Simbahan, kung saan ang Papa mismo ay ngayong lubos na inaakap ang Darwinyang ebolusyon. Itinala ni Dr. Harold Lindsell ang apostasiya sa mga simbahan na naka detalye sa kanyang pambihirang tagumpay na aklat na Ang Digmaan para sa Bibliya [The Battle for the Bible] (Zondervan, 1976). Ang ilan sa mga pagamat ng kapitulo sa aklat na iyan ay kabilang ang mga pagtalakay sa apostasiya sa,

Ang Luteranong Simbahan- Missouri Synod,
   [The Lutheran Church-Missouri Synod],
Ang Katimugang Bautistang Konbensyon,
   [The Southern Baptist Convention],
Ang Teyolihikal na Seminaryo ng Fuller
   [Fuller Theological Seminary],
at ibang mga Denominasyon at mga
   Parachurch na mga Grupo.

Si Dr. David F. Wells, propesor ng Makasaysayan at Sistematikong Teyolohiya sa Teyolohikal na Seminaryo ng Gordon-Conwell, ay nagsulat ng maraming mga aklat sa apostasiya ng Ebanghelikalismo, na may mga ganitong uri ng pamagat gaya ng, Ang Diyos sa Kaparangan [God in the Wasteland], Nawawala ang ating Kabutihan [Losing our Virtue], at Walang Lugar para sa Katotohanan: o Anong Nangyari sa Ebanghelikal na Teyolohiyo? [No Place for Truth: or Whatever Happened to Evangelical Theology?] Tinawag ng Time Magasin ang mga aklat ni Dr. Wells na, “Isang nakatutuyang pagsasakdal ng teyolohikal na kuropsyon ng ebanghelikalismo.” Sa Walang Lugar para sa Katotohanan [No Place for Truth] (Eerdmans, 1993) sinabi ni Dr. Wells,

Habang ang salita ang Kristiyanong katotohanan ay nasisira…Ang resulta…ay praktikal na ateyismo, sa kahit na ito’y mga Liberal o mga Pundamentalista na abala rito. Isang ateyismo ang nagbabawas sa Simbahan sa wala nang mas higit pa sa mga paglilingkod na inaalay nito o ang mga mabuting pakiramdam na nalilikha ng mga ministornabawasan sa mas higit ng kaunti kaysa isang nakatutulong na propesyon…lahat na natira ay pakiramdam…na gustong makinig na hindi naghuhusga, na mayroong…maliit na interes sa katotohanan, iyan ay simpatetiko ngunit walang pasyon para iyon na tama (isinalin mula sa pp. 248, 249).

Muli sinabi niya,

Ang ebanghelikal sa mundo ay nawala ang radikalismo nito sa pamamagitan ng isang mahabang proseso ng akomodasyon ng pagkamakabago. Isang trahedya na nawala nito ang mga tradisyonal na pagka-intindi ng sentralidad at kahustuhan ng Diyos…Ang kailangan ng Simbahan ngayon ay hindi muling pagkabuhay kundi repormasyon (isinalin mula sa ibid., pp. 295, 296).

Sinasabi niya na ang mga malalaking mga simbahan, ang mga umuusbong na mga simbahan, at ang mga progresibo ay kumikilos “patungo sa isang mas liberal na Kristiyanismo. Sa huli ang mga anak ng mga ebanghelikal na ito ay magiging mga ganap na mga liberal, pinaghihinalaan ko tulad noong mga prinotestahan laban ng mga ebanghelikal na mga nuno” (isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Katapangan upang Maging Protestante [The Courage to Be Protestant,] Eerdmans Publishing Company, 2008, p. 2). Sumasang-ayon ako sa kanya, maliban na lang na iniisip ko na marami sa kanila ay “ganap na mga liberal” na. Halimbawa, ang pagsalakay ni Rob Bell sa walang hanggang Impiyerno ay maaring lumabas mula sa aklat ni Harry Emerson Fosdick, o ibang mga liberal mula sa nakaraan. Ang mga aklat ni Bell ay lubos na ineendorso ng pangulo ng Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller!

“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas...” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

Tayo ay walang dudang nabubuhay sa panahong iyon ng apostasiya ngayon!

Ngunit paano dumating ang apostasiya? Tama si Dr. Martyn Lloyd-Jones noong sinabi niyang,

Wala akong pag-aalinlangan sa paghahayag na ang pangunahing sanhi ng kalagayan ng Kristiyanong simbahan ngayon, at ng buong kalagayan ng mundo, sa kinahahanatnan, ay ang teribleng apostasiya na lumalagong naglalarawan sa simbahan nitong mga huling mga daang taon (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1987 edisyon, p. 55).

Sinabi iyan ni Dr. Lloyd-Jones noong maagang mga taon ng 1970. Kung ginawa niya ang pahayag na iyan ngayon sasabihin niya, “ang teribleng apostasiya na lumalagong naglalarawan sa simbahan nitong huling daan at limampung mga taon.”

Ating mababakas ang mga ugat ng apostasiya pabalik sa Pagkakaliwanag. Ipinunto ni Dr. Francis A. Schaeffer (1912-1984) na ang Pranses a pilosopong si Voltaire (1694-1778) ay tinawag na “ama ng Pagkaliwanag.” Sinabi ni Dr. Schaeffer,

Ang Yutopyang panaginip ng Pagkaliwanag ay maibubuod ng limang mga salita: dahilan, kalikasan, kaligayahan, progreso, at kalayaan. Ito’y ganap na secular sa pag-iisip nito (isinalin mula kay Francis A. Schaeffer, D.D., Paano Tayo Dapat Mabuhay? [How Should We Then Live?], orihinal na copyright 1976; Crossway Books inilimbag muling edisyon 2005, p. 121).

Ang tao ay sentral sa Pagkaliwanag na isipan. Ang Diyos at ang Bibliya ay naitulak sa likuran.

Para sa ating pag-aaral ng Apostasiya, tatlong mga Pagkaliwanag na mga kalalakihan ang lumilitaw, at ang kanilang kahalagahan ay lubos na mahalaga. Si Johann Semler (1725-1791) isang Alemang teyolohiyano na nagsabi na ang teyolohiya ay nasasanhing maranasan ang palagiang pagbabago at pag-uunlad habang ang mga teyolohiyano ay tumutugon sa iba’t-ibang mga kultural na pangyayari. Bilang resulta, sinabi niya na mayroong higit sa Bibliya na hindi ispirado. Ang kahalagahan ng Bilbiya ay dapat maiwan sa paghahatol ng bawat indibidwal. Gayon, inilalagay ni Semler ang pagdadahilan ng tao sa itaas ng Biblikal na paglalantad, at binuksan ang pintuan sa Biblikal na kritisismo na agad ay bubuhos palabas ng Alemanya at pinarupok ang Biblikal na awtoridad sa makabagong mundo.

Ang pangalawang tao ng matinding kahalagahan sa pag-unlad ng Apostasiya ay si Charles Darwin (1809-1882). Ang akademikong digri lamang ni Darwin ay sa teyolohiya. Ngunit inabandona niya ang kanyang mas maagang paniniwal sa Genesis na pagpapaliwanag ng pagkalikha, at gumawa ng kanyang teyorya ng transmutasyon ng mga nilalang, mas kilalang bilang ebolusyon, sa kanyang aklat na Ang Orihin ng mga Nilalang [The Origin of Species]. Maya maya kanyang ginamit ang kanyang doktrina ng ebolusyon mga tao, noong 1871, sa Ang Pagpanaog ng Tao [The Descent of Man]. Ginawang popular ni Thomas Huxley (1829-1895) ang Darwiniyang ebolusyon sa iba’t-ibang mga debate kung saan sinalakay niya ang Kristiyanismo. Si Darwin at Huxley ay lubos na pinarupok ang Kristiyanong pananampalataya at ang awtoridad ng Kasulatan.

Ang pangatlong lalake ng Pagkaliwanag na pag-iisip, na madalas nakaliligtaan sa pagbangon ng apostasiya, ay si Charles G. Finney (1792-1875). Sinalakay ni Finney ang mga pagtuturo ng Protestanteng Repormasyon, at inilagay ang kaligtasan sa kamay ng tao, kaysa sa Diyos. Itinuro ni Finney na ang tao ay maaring piliin o tanggihan ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagkilos ng sarili niyang kagustuhan. Kung gayon ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang, isang matinding doktrina ng Repormasyon, ay pinalitan ni Finney ng neo-Pelagianismo – isang ideya na ang tao sa kanyang sarili ay makapagpapasiyang maging isang Kristiyano, at magagawa ito sa pamamagitan ng sarili niyang mga gawain ng kanyang sariling kagustuhan. Si Finney ay hindi isang Arminiyan. Siya ay ganap na isang Pelagianista. Ang Pelagianistang erehiya ni Finney ay sa huli’y nasira at napalitan ng Repormasyong pagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang. Napaka-makapangyarihan naging ang Finneyismo na ito’y tunay na pinalitan ng klasikal na Protestanteng teyolohiya ng makabagong “Desisyonismo.”

Ating aralin kung paano pinalitan ng “Desisyonismo” ang mga simbahan at nagbunga ng apostasiya ngayon. Sa kanyang aklat na, Muling Pagkabuhay at Revivalismo: Ang Paggawa at Pagkasira ng Amerikanong Ebanghelikalismo 1750-1858, [Revival and Revivalism: The Making and Marring of American Evangelicalism 1750-1858], itinuturo ni Iain H. Murray na ang ebanghelikalismo ay tumalikod mula sa lumang ideya ng pagbabagong loob noong ika-labin siyam na siglo sa “Desisiyonismo” na itinuro ni Charles G. Finney (1792-1875). Idineklara ni Murray na ang pagbabagong ito ay halos kumpleto sa popular na ebanghelikal na pag-iisip sa simula ng ika-dalawam pu’t isang siglo:

      Ang ideya ng pagbabagong loob ay na ang gawain ng tao ay naging katutubo sa ebanghelikalismo [isang mahalagang bahagi ng ebanghelikalismo], at gaya rin ng pagkalimot ng tao na ang pagbabagong-buhay ay gawain ng Diyos, kaya ang paniniwala sa muling pagkabuhay bilang gawain ng Esipitu ng Diyos ay naglaho. [Ito] ay isang direktang produkto ng teyolohiya ni Finney (isinalin mula kay Iain H. Murray, Muling Pagkabuhay at Revivalismo: Ang Paggawa at Pagkasira ng Amerikanong Ebanghelikalismo 1750-1858, [Revival and Revivalism: The Making and Marring of American Evangelicalism 1750-1858], Banner of Truth Trust, 1994, pp. 412-13).

Ang aklat ni Murray ay nagbibigay ng malalim na kaalaman sa esensyal na panahon na ito. Ang kapitulo labing apat ay dapat basahin muna. Ibinabalangkas nito ang pagdulas ng ebanghelikal na relihiyan papalayo mula sa lumang ideya ng pagbabagong loob sa bagong doktrina ni Finney ng “Desisyonismo.” Ang Pagbabagong loob na itinuro ng mas maagang mga Protestante at mga Bautista ay dahan-dahang nalimutan, pinalitan ng isang simpleng desisyon para kay Kristo, anoman ang ibig niyang sabihin sa indibidwal. “Pagpupunta sa harap,” “pagtataas ng kamay,” “pagsasabi ng panalangin ng makasalanan,” “paggagawa kay Kristo na Panginoon ng isa,” paniniwala sa “plano ng kaligtasan” o sa ilang mga berso ng Bibliya, pinalitan ng Biblikal na ideya ng pagbabagong loob bilang gawain ng Diyos sa loob ng puso ng tao.

Ang pagbabago mula sa pagbabagong loob sa Desisyonismo, na pinangunahan ni Finney, ay napansin ng isang bilang ng mga tao. Si Dr. David F. Well, ang propesor ng makasaysayan at sistematikong teyolohiya sa Gordon-Conwell Teyolohikal na Seminaryo, ay nagsabi, “Ang pagbabago sa pagkaintindi patungkol sa pagbabagong loob ay mayroong maraming mga yugto.” Binigyan niya sila at tapos ay itinuro sa kanila na amg mga pagbabagong ito ay mauugnay ministro ni Charles Finney (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Pagtingin sa Diyos: Biblikal na Pagbabagong Loob sa Makabagong Mundo [Turning to God: Biblical Conversion in the Modern World], Baker Book House, 1989, p. 93). Ang yumaon na mananalaysay na si Dr. William G. McLoughlin, Jr. ay nagsalita patungkol kay “Charle Grandison Finney, na sa mga taong 1825-1835, ay lumikha ng makabagong revivalismo” (Isinalin mula kay William G. McLoughlin, Jr., Ph.D., Makabagong Revivalismo: Si Charles Grandison Finney kay Billy Graham [Modern Revivalism: Charles Grandison Finney to Billy Graham], The Ronald Press Company, 1959, p. 11). Sumang-ayon ang ebanghelikal na teyolohiyanong si J. I. Packer, nagsasabi na ang “ebanghelismo ng makabagong uri ay inimbento ni Charles G. Finney noong mga taon ng 1820” (isinalin mula kay J. I. Packer, Isang Paghahan Para sa Pagkamakadiyos [A Quest For Godliness], Crossway Books, 1990, p. 292). Nagsulat ni Richard Rabinowitz patungkol sa pagbabago ng pagbabagong loob sa Desisyonismo sa loob ng panahon ni Finney mula sa pananaw ng sekular na mananalaysay (Isinalin mula kay Richard Rabinowitz, Ang Espiritwal na Sarili sa Araw-araw ng Buhay: Ang Transpormasyon ng Personal na Relihiyosong Karanasan sa Ika-labing siyam na Siglong Bagong Inglatera [The Spiritual Self in Everyday Life: The Transformation of Personal Religious Experience in Nineteenth-Century New England], Northeastern University Press, 1989). Ang ibang mga mangangaral ay mayroong bahagi sa pagbabagong ito, ngunit si Finney ang malinaw na namuno sa daan.

Gayon, ang pagbabagong loob ay nabago sa Desisiyonismo higit sa pamamagitan ng ministro at pagsususlat ni Charles G. Finney, gaya ng pagkapunto ng mga kalalakihang ito. Ang mga pananaw ni Finney ay lumamon sa mga ebanghelikal na mga simbahan ng Amerika, at maya-maya, sa ika-dalawampu’t isang siglo, napasok ang mga simbahan sa Maliit na Pulo ng British. Ngayon ang salaysay ni Iain Murray ay halos malapit na malakawakan sa mundo ng mga nagsasalita ng Ingles: “Nalimutan ng tao na ang rehenerasyon ay gawain ng Diyos, napaka-pinaniniwalaan sa muling pagkabuhay bilang gawain ng Espiritu ng Diyos ay naglaho. [Ito] ay isang direktang produkto ng teyolohiya ni Finney” (Isinalin mula kay Murray, Muling Pagkabuhay at Revivalismo [Revival and Revivalism], pp. 412-413). Gaya ng paglagay ni William G. McLoughlin, Jr., “Kanyang ipianasiyaan ang isang bagong panahon ng Amerikanong revivalismo. Binago niya ang buong pilosopiya at proseso ng ebanghelismo” (isinalin mula kay McLoughlin, Makabagong Revivalismo [Modern Revivalism], p. 11). Tayo pa rin ay nahaharap sa mga epekto ng pagbabagong iyon ngayon. Ang apostasiya sa paligid natin ay naglalantad na ang Desisyonismo ni Finney ay nagdala sa kamatayan ng mga simbahan.

Si Finney ay produkto ng Pagkaliwanag, na noong ika-labing walang siglo ay nagpakilala ng humanism (ang pagdadahilan ng tao bilang mapagkukunan ng kaalaman) sa pilosopikal na espetro. Ang mga batasa sa Mga Kumentaryo ni Blackstone [Blackstone’s Commentaries] ay mga pangunahing oportunidad kung saan ang mga Pagkaliwanag na mga ideya ay napunta sa pag-iisip ni Finney. Ang teyolohiyang aklat ni Fineey ay base sa halos ganap na pagdadahilan ng tao, ipinapakita ng kanyang pagkautang sa Pagkaliwanag. Ang argumento ni Kant (d. 1804) at Schleiermacher’s (d. 1834), na ang relihiyon ay mas kaunting tungkol sa Diyos kay sa relihiyosong karanasan ng tao, ay nakahahanap ng lubos na pagpapahayag sa teyolohiya ni Finney at metodolohiya. Sinabi ni G. W. F. Hegel (d. 1831) na ang Diyos ay isang impersonal na puwersa. Ang ideyang ito ay paulit-ulit na nagpapakita sa mga pagsusulat ni Finney. Kaya, ang pilosopikal na mga ideya ng Pagkaliwanag na mga kalalakihan tulad ni Emmanuel Kant, Friedrich Schleiermacher at G. W. F. Hegel ay dumating kay Finner sa pamamagitan ng nagsasalang mga ideya ng mga matatalinong mga isipan ng mga batang abugado. Ang makataong sentralidad at makataong kahustuhan ay naging bahagi ng intelektwal na pag-iisip ng panahon ni Finney, at siya ay matinding naimpluwensya ng mga ideyang ito. At ito’y higit na sa pamamagitan ni Finney na ang Pagkaliwanag gayon ay nakapasok sa Protestanismo at lahat ngunit sinira ito. Kasing aga ng taon 1887 masasabi ni Spurgeon, “Ang simbahan ay nakalibing sa ilalim ng kumukulong ulan ng putik ng makabagong erehya” (isinalin mula sa “Ang Dugong Ibinuhos Para sa Marami [“The Blood Shed for Many”] Ang Metropolitang Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, kabuuan XXXIII, p. 374).

Ang Desisiyonismo ni Fineey ay unang sumira sa Kongresyonalista, tapos sa Metodista, tapos sa Presbyteriano, at tapos sa iba’t-ibang mga Bautistang grupo. Hindi sinanhi ng liberalism ang kamatayan ng mga simbahang ito, ito’y sanhi ng Desisyoniamo. Ibinunga ng Desisyonismo ang liberalism. Ang bawat propesor ng Katimugang Bautistang seminary na aking napuntahan na ay gumawa ng isang uri ng ng desisyon. Ngunit ang mga desisyong ito ay hindi nagpabagong loob sa kanila – kaya sila’y nagpatuloy na mapusok sa liberalism noong ito’y kanilang inaral. Nagbubunga ang desisyonismo ng liberalism dahil ang isang di napagbagong loob na tao, kahit na gumawa ng isang desisyon, ay hindi simpleng maiintindihan ang espirituwal na mensahe ng Bibliya (isinalin mula sa cf. I Mga Taga Corinto 2:14 KJV). Sinabi minsan ni Hesus sa isang tanyang na guro ng Bibliya, “Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Pinuno ng Desisyonismo ang mga simbahan ng mga di napagbagong loob na mga tao. Bilang direktang resulta ng Desisyonismo ang mga Protestanteng denominasyon ay napunta sa ilalim ng panghahawak ng mga nawawalang kalalakihan at kababaihan. Ganyan ang paraan ng paglamon ng apostasiya ngayon sa mga simbahan.

Sino ka man, anomang natutunan mo, ilang mga “desisyon” o mga “muling dedikasyon” ang iyong nagawa, o gaano mo mang sinubukang gawin si Kristong iyong Panginoon, dapat mo pa ring maranasan ang tunay na pagbabagong loob o ika’y mapupunta sa Impiyerno. Manalangin naming na ika’y makukumbinsi ng iyong pagkasala at magtiwala kay Kristo sa isang tunay na pagbabagong loob bago ito huli na.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Babalik” Isinalin mula sa “Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878).