Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGHAHANAP KAY KRISTO SA PASKO

SEEKING CHRIST AT CHRISTMAS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-23 ng Disyembre taon 2012


Iniibig ko ang Pasko! Ako’y lubos na nagagalak na makita kayong lahat rito sa simbahan ngayong umaga! Salamat sa pagdating! Sana ay bumalik kayo mamayang gabi ng 5:30 para sa aming Pampaskong Piging. Tayo’y magkakaroon ng masiyang oras! Maligayang Pasko sa inyong lahat rin!

Ngayon ngayong umaga gusto kong tumingin kayo kasama ko sa inyong Bibliya sa Jeremias 29:13. Ito’y nasa pahina 803 ng Pag-aaral ng Bibliya ng Scofield.

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Maari nang magsi-upo.

Ito’y isang pangako na nagpapakita ng maraming beses sa Bibliya. Sa Deuteronomio 4:29 sinabi ni Moses, “Iyong masusumpungan [Siya], kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.” Iyan ay napaka tiyak. Mahahanap mo Siya kung hahanapain mo Siya. Si Hesus rin ay nagbigay ng isang tiyak na pangako, “Ang humahanap ay nakasusumpong” (Mateo 7:8).

Gayon man, ang mga pangakong ito ay mayroong mga kondisyon na nakakabit sa kanila. Sa Mateo 7:8 ang kondisyon ay mahahanap sa Griyegong salitang isinalin na “humahanap.” Dala nito ang kaisipan ng isang nagpapatuloy maghanap, hindi para sa isang tao na simpleng naghahanap na nag-aatubili. Sa Jeremias 29:13 ang kondisyon ay, “Pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.” Sa Deutoronomio 4:29 ang kondisyon ay, “kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso.” Kaya ang pangakong ito ng paghahanap kay Kristo kapag hahanapin mo siya lagi ay mayroong isang kondisyon. Dapat mong hanapin si Kristo ng buong puso, na may matinding determinasyon, kung aasahan mong mahanap Siya. At tapos mayroon pang isang kondisyon, ibinigay sa Jeremias 29:13 at Deutoronomio 4:29. Iyan ay, dapat mo Siyang hanapin “ng buo mong puso.” Parehong mga berso ay nagsasabi na dapat mo Siyang hanapin ng buong puso, hindi ng sa isipan lamang. Sa Bagong Tipan sinabi ng Apostol Pablo ang dahilan – “Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10). Kung susubukan mo itong maintindihan lahat sa iyong isipan, hindi mo kailan man mahahanap si Hesus. Hindi mo Siya mahahanap sa pamamagitan ng pagdadahilan, o sa pag-aaral tungkol sa Kanya. Noong natanggap ni Dr. Cagan ang kanyang pangalawang Ph.D. sa Pagtatapos na Paaralan ng Claremont (ngayon ay Unibersidad na), pinakilala niya ako kay Dr. John Hick. Si Dr. Hick ay isang tanyag na propesor ng teyolohiya.

Nagsimula siya sa isang simbahan na naniwala sa Bibliya; ngunit siya’y naging isang agnostiko, halos isa nang ateyista. Paano ito nangyari? Sinubukan niyang maintindihan at makilala si Hesus gamit ng kanyang karunungan lamang. Hindi iyan kailan man umuubra. Si John Hick ay mayroong isang matalinong isipan, at kanyang inaral ang Kristiyanismo ng maraming dekada. Ngunit sa lahat ng pag-aaral na iyan, hindi niya kailan man nahanap si Kristo. Dapat kang mapunta sa pagkakumbaba, na may isang mapagkumbabang isipan, at hanapin siya “ng buo mong puso.” Tapos, at tapos lamang niyon, na mahahanap mo Siya at maipanganak muli!

Noong ako’y nag-aaral para sa aking master digri sa Bautistang Seminaryo ng Golden Gate kakilala ko ang dalawang lalakeng napaka mapagmalaki. Gil ang pangalan ng isa sa kanila, isang puting lalake. Ang pangalan ng isa ay Chang, isang Koreano. Sila’y parehong lubos na mapagmalaki at napaka talino, lahat ng kanyang grado ay A. Ngunit ni isa sa kanila ay ligtas. Pagkatapos kong magtapos natagpuan ko, sa aking matinding kagalakan, na pareho silang napagbagong loob. Nakiapagtalo sila sa akin noon, tinatawanan ako at tinatawag akong isang “makitid ang isipang pundamentalista” dahil naniwala ako sa Bibliya. Ngunit pagkatapos nilang mapagbagong loob pareho silang nagpunta sa akin na may mga luha sa kanilang mga mata at humingi ng patawad. Sila’y parehong napagpakumbaba ng biyaya ng Diyos. Kanilang parehong nahanap si Hesus sa pamamagitan ng kanilang mga puso, “sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid.” Pareho nilang sinabo sa akin na natulungan ko sila sa pagsasabi sa kanilang sila’y nawawala. Hindi ko kailan man malilimutan ang ligaya na aking nadama noong sinabi nila sa akin na sila’y ligtas!

Mayroon lamang dalawang uri ng tao sa paningin ng Diyos – yoong mga nahanap si Hesus noong hinanap nila Siya ng kanilang buong mga puso, at pangalawa, yoong mga hindi Siya mahanap dahil hindi nila Siya hinanap ng kanilang buong puso. Oo mayroong lamang dalawang uri ng tao sa mundo sa paningin ng Diyos – yoong mga tulad ni John Hick, na hindi hinanap si Hesus hanggang kanila Siyang nahanap, at yoong mga tulad ni Gil at Chang, na hinanap si Hesus ng buong puso nila hanggang mahanap nila Siya.

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Napaka ganda at naka mamangha ang dakilang katotohanan na ito ay mahahanap sa kwento ng Pasko. Habang ako’y nagnilay sa kwentong ito ng Pasko ang mga katotohanang ito ay mukhang naglilitawan mula sa pahina ng Kasulatan. Ang katunayan na mayroong dalawang uri ng tao sa paningin ng Diyos ay napaka linaw at simpe sa kwento ng Pasko na kahit isang maliit na bata ay nakikita ang pagkakaiba, at naintindihan kung bakit sila’y iba.

I. Una, yoong mga hindi hinahanap si Hesus ng kanilang buong puso.

Una mayroong isang tao na hindi binigay ang pangalan sa Bibliya. Ang nag-iisang paraan na nalaman natin ang tungkol sa taong ito ay dahil sa ginawa Niya kay Hesus.

Sa unang Pasko si Jose at Maria ay nagpunta mula sa Galilee papunta ng lungsod ng Bethlehem upang magbayad ng buwis sa Roma. Ang lungsod ng Bethlehem ay puno ng mga tao na nagsidating upang magbayad ng buwis. Ang Bethlehem ay isang maliit na bayan, at ito pa rin hanggang ngayon. Noong si Maria at Jose ay nakarating doon siya ay malapit nang maipanganak. Sinubukan ni Joseng maghanap ng lugar para sa kanya upang manganak. Ngunit sinasabi ng Bibliya, “Wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan” (Lucas 2:7). “Sa tuluyan” – ipinapakita nito kung gaano kaliit ang Bethlehem. Mayroon lamang isang tuluyan, at puno na ito. Sila’y itinaboy ng nagmamayari ng tuluyan. Kinailangang mayroong ganoong uri ng tao, kahit na ang kanyang pangalan ay hindi ibinigay. Isang walang pusong tao siya upang itaboy ang isang babaeng malapit nang manganak. Kinailangan niyang kaladkarin ang sarili sa isang kuwadra at ihiga ang bagong panganaka na Hesus sa isang sabsaban kung saan ang mga baka at mga buriko ay nagpupunta upang kumain ng dayami.

Basahin ang tungkol sa maliit na batang lalake sa pangalawang grado na nagngangalang Wally na gumanap bilang nagmamay-ari ng tuluyan sa isang Paskong dula. Ibinigay ng bata ang linyang ito. Sinabi niya kay Jose, “Umalis na kayo. Ang tuluyan ay puno na.” Ang batang gumanap na Jose ay nagsabi, “Ang aking asawa ay malapit nang manganak. Mayroong ka sigurong maliit na sulok para sa kanya!” Tinignan ni Wally ang babaeng gumanap na si Maria, at isang luha ay bumaba sa kanyang mata, at nalimutan niya ang sasabihin. Mula sa likuran ng kurtina ang tagadikta ay nagsabi, “Magpatuloy ka sa iyong linya.” Sinabi ni Wally, “Walang lugar rito. Umalis na kayo.” Si Maria at Jose ay tumalikod at lumayo, at mga luha ay bumaba mula sa mukha ni Wally. Tapos doon niya pinalitan ang buong kwento ng Pasko. Sumigaw siya, “Sandali! Huwag kayong umalis! Pwede siyang magpunta sa AKING silid!” Ang mga tagapanood ay nagsipalakpakan. Walang nagalit kay Wally. Natuwa sila na pinalitan ng bata ang kwento ng Pasko!

Anong terible, makasariling tao ang nagmamay-ari ng tuluyan! At gayon alam mo tulad ko na mayroong mga makasarili, masamang mga tao na walang gustong kahit ano patungkol kay Hesus. Isang masamang, malamig ang puso tulad noong mga Paskong eksena na inalis mula sa Hayway ng Pacific Coast sa Santa Monica nitong taong ito. Isa pang masamang tao ay desperadong sinubukang kunin ang isang punong Pampasko mula sa mahirap, nag-iisang matatandang mga tao sa isang pahingahang tahanan sa Newhall, California. Isa pa ay pinilit ang maliliit na mga bata sa Plano, Texas upang huminto sa pagpapadala ng mga Pampaskong mga kard sa mga sundalo ng Afganistan. Oo, mayroon talagang mga tao na ganyan na napaka lamig at masama na wala silang lugar sa kanilang puso para kay Hesus. Sila’y napaka abala ng mga salo-salo at kanilang mga kaibigan na binulyawan nila ako sa Internet dahil sa pagsasabi sa inyong magpunta sa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon. Tinatawag nila akong isang maniniil dahil sa pagsasabi sa inyong magpunta sa simbahan bukas ng gabi – sa Bisperas ng Pasko. Ngunit wala silang sasabihing isang salita ng pagrereklamo kung ika’y magpunta sa isang diskuhan o inumang parti. Harapin natin ito – ang mga taong tulad niyan ay wala si Kristo at walang dinodyos katulad noong walang pusong nagmamay-ari ng tuluyan. Itinaboy niya ang isang kawawang buntis na babae at ginawa siyang manganak sa isang kabalyerisa ng isang baka! Naway maawa ang Diyos sa kanilang malupit, puno ng kasalanang kaluluwa! Huwag makinig sa mga taong tulad niyan! Magpunta sa simbahan bukas ng gabi – sa Bisperas ng Pasko! At magpunta rito sa Bisperas ng Bagong Taon din!

Tapos naroon si Haring Herodes. Sinabi sa kanya ng mga madunong mga lalake na si Hesus ay ipinanganak na hari ng mga Hudyo. Sinabi ni Herodes sa kanila na hanapin si Hesus at sabihin kung nasaan Siya upang mapuntahan niya Siya at sambahin Siya. Ngunit hindi naman talaga niya gusto si Hesus. Natatakot siyang mawala ang kanyang posisyon sa isang kalabang hari. Gusto niyang mawala si Hesus, patayin Siya.

Mayroong maraming mga tao ngayon tulad ng matandang si Herodes. Sinabi nila na gusto nilang simabahin si Hesus. Nagpupunta pa sila sa simbahan, kantahin ang himno at magkunwari iniibig nila si Hesus. Ngunit takot silang mawalan ng isang bagay kung uunahin nila si Hesus sa kanilang buhay. Ngunit natatakot silang mawalan ng pera, o mawalan ng mga kaibigan, o na mawawala nila ang pagkakataon ng isang uri. Kaya nagkunkunwari silang ibigin si Hesus, ngunit hindi nila talaga Siya gusto. Hindi nila hinahanap si Hesus. Hindi sila naghahanap para sa Kanya ng kanilang buong puso.

Inililimbag namin ang mga sermon at ipinapamigay ang mga ito sa bawat paglilingkod. Kapag si Gg. Mencia ay nakikipag-usap sa mga tao sa silid ng pagsisiyasat tinatanong niya sila kung binabasa nila ang mga sermon araw araw. Madalas sinasabi nila, “Hindi.” 15 minuto lamang ang kakailangan nila upang basahin ang mga sermon, ngunit hindi nila ito ginagawa. Tignan kung gaano sila katulad ni Herod. Sinasabi nila gusto nla si Hesus, ngunit hindi man lang sila gugugol ng 15 minuto kada araw upang hanapin Siya! Ang mga taong tulad niyan ay hindi mahahanap si Hesus. Bakit?

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Tulad ni Herodes, hindi nila hinahanap si Hesus ng kanilang buong puso. Iyan ang dahilan na hindi nila Siya nahahanap! Ganoong lang ito kasimple!

Tapos naroon ang mga eskribe. Tinanog sila ni Herodes kung saan ipanganganak si Kristo. Sila’y mga mag-aaral ng Bibliya. Inaaral nila ang Bibliya araw-araw. Alam nila agad kung saan ipanganganganak si Kristo. Agad-agad nilang isinipi ang Micah 5:2 mula sa Lumang Tipan,

“Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel…” (Micah 5:2).

Sinabi ng mga eskribe, “Ipanganganak Siya sa Bethlehem.” 30 minuto ang tagal ng paglalakad mula kung saan sila papuntang Bethlehem. Nagpunta ba sila sa Bethlehem upang hanapin si Kristo? Hindi. Sila’y kontento sa pag-aaral ng Bibliya. Hindi nila hinanap si Kristo Mismo. Kaya, siyempre hindi nila nahanap si Kristo. Sila’y nagpunta sa Impiyerno dahil hindi dahil hindi sila gumugol ng 30 minuto upang magpunta at hanapin si Kristo! Mayroon bang mga taong tulad niyan ngayon? Siyempre. Sila ang mga uri ng mga tao na kontentong umupo sa simbahan bawat Linggo na hindi naghahanap ng kahit ano na. Ang ilan sa kanila ay hindi pa nga nagpupunta sa silid ng pagsisiyasat, kahit na alam nila na hindi sila talaga naipanganak muli. Alam nila na wala sila kung anong mayroong si Dr. Chan, o si Gng. Salazar. Alam nila na wala sila kung anong mayroon si Anthony o si Jack o si John Samuel. Alam nila na wala sila kung anong mayroon si Soriya at Lara. Alam nila na wala talaga sa kanila si Kristo. Ngunit tulad ng mga eskribe, masyado silang tamad upang gumawa ng kahit anong bagay tungkol rito! Binabasa nila ang Bibliya. Nakikinig sila sa mga pangaral. Ngunit iyan lang ang lahat na ginagawa nila.

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Hinahanap mo ba si Hesus ng iyong buong puso? Kung hindi, iyan ang dahilan na hindi mo pa Siya nahahanap! Ganoong ito kasimple! Kapag tinatanong ka ni Gg. Mencia kung binabasa mo ang mga sermon araw-araw, sasabihin mo, “Hindi, hindi araw-araw.” Masyado kang walang paki-alam upang gawin iyan! Hindi mo nahahanap si Kristo sa ganoong paraan. Sinabi ni Hesus, “Magpilit kayong magsipasok” (Lucas 13:24). Ngunit hindi ka nagpipilit. Nagpupunta ka lamang sa simbahan, masyadong tulog sa kasalanan upang maghanap para kay Hesus ng iyong buong puso. Ang mga eskribe ay hindi kailan man nagising. Sila’y sa wakas namatay at napunta sa Impiyerno. Iyan ang mangyayari sa iyo kung magpapatuloy ka sa pagpupunta sa simbhan na hindi seryosong hinahanap si Kristo. Naway gisingin ka ng Diyos!

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

II. Pangalawa, yoong mga hindi hinahanap si Hesus ng kanilang buong puso.

Wala ng akong oras, ngunit babanggitin ko sila ng madalian. Una, naroon ang mga pastol. Binabantayan nila ang mga kawan noong gabing iyon. Ang anghel ay dumating at sinabihan sila na si Kristo ang Panginoon ay ipinanganak sa Bethlehem. Sinabi ng mga anghel mahahanap nila ang sanggol na nakabalot sa bumibigkis ng mga damit, nakahiga sa isang sabsaban.

Ako’y napunta na sa Parang ng mga Pastol. Ito’y mga limang minuto kapag nilakad mula sa kung saan ipinanganak si Hesus. Hindi naghintay ang mga pastol. Hindi sila nag-alala kung anong mangyayari sa kanilang mga tupa. Maaring patayin ng isang aso ang isang tupa o dalawa. Isang magnanakaw ay maaring magnakaw ng isang tupa. Ngunit hindi sila nag-alala tungkol sa mga bagay na iyon. Alam nila na ang mahanap si Hesus ay mas importante kay sa isang tupa o dalawa! Kaya sinasabi ng Bibliya, “At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan… ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban” (Lucas 2:16). Nagmadali sila. Hindi pa nga nila hinayaan ang kahit anong pumigil sa kanila mula sa pagpupunta kay Hesus. Nagpunta sila ng dali-dali. Napakasaya naming makita ang mga kabataang nagpupunta kay Hesus “ng dalidali,” agad-agad, tulad ng mga pastol! Si Lara ay nagpunta agad-agad tulad niyan. Si Karen ay nagpunta agad-agad tulad niyan. Sila’y narito lamang ng ilang araw bago sila naghanap para kay Hesus ng buong puso nila, at nahanap Siya, gaya ng sinabi ng Jeremias 29:13 na gagawain nila!

Mayroon rin ang mga Madunong na mga Kalalakihan. Iniwan nila ang kanilang mga tahanan, nagpaalam sa kanilang mga asawa’t mga anak, kinuha ang kanilang mga kamelyo at nagtungong kanluran mula sa Babylonia. Naglakbay sila sa mga kaparangan ng disyerto ng mga anim na daang milya. Matapang nilang hinarap ang init at lamig. Inilagay nila ang kanilang mga sarili sa panganib ng mga magnanakaw. Naglakbay sila ng maraming linggo sa paligid ng hilagang bahagi ng disyerto sa Ilog ng Jordan, hanggang sa napunta sila sa Jerusalem, sinusundan ang bituin na ipinadala ng Diyos upang gabayin sila. Nagpunta sila diretso sa Sanggol na Hesus at hinandugan Siya ng kanilang mga regalo. Maiisip mo ba ang hirap at gastos ng ganoong uri ng paglalakbay na walang awtomobil, walang mga tren, walang mga nasementong mga daanan, walang mga motel na matutuluyan, walang lugar upang pagpahingahan, at mga kamelyo lamang na sasakyan? At sila’y naglakbay ng ganoong kahabang distansya. Maari maraming buwan sila inabot. Gayon man sila’y nagpunta. Tiyak na yoong mga madunong mga kalalakihan ay ganap na inilalarawan sa ating teksto,

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Hinanap nila si Hesus ng kanilang buong puso – at nahanap nila Siya, gaya ng pagka pangako sa atin ng tekstong gagawin nila.

Bawat buwan nakatatanggap ako ng isang magasin mula sa Voice of the Martyrs. Sana ay magpunta kayo sa www.persecution.com, at padalhan sila ng ilang dolyar, at hingin na ipadala sa iyo ang magasin. Lagi ko itong binabasa. Sinasabi nito ang tungkol sa mga kabataan tulad ninyo – sa mga lugar tulad ng Indiya, Sudan, Ethiopia, Pakistan, Iran, Cuba, Tsina, Myanmar, at ibang mga bahagi ng mundo. Ang mga kabataan doon ay nasa matinding panganib kapag sila’y nagiging mga Kristiyano. Sila’y nasa tunay na panganib kapag sila’y naging mga Kristiyano. Ang ilan ay nailalagay sa bilangguan. Ang ilan ay pinapahirapan. Ang ilan ay pinapatay. Ang ilan ay nilalason, o matapunan ng asido sa kanilang mukha. At gayon man sila’y nagpupunta – ng libo-libo – kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Tulad sila ng mga Madunong na mga Kalalakihan. Mas batang mga Hindu, at Muslim, at ang mga Komunista ay nagpupunta kay Hesus kaysa ibang mga lugar sa kasaysayan. Ang Kristiyanismo ay literal na sumasabog sa Pangatlong Mundo ngayong umaga. Mga 700 na mga batang Tsino ang nagpupunta kay Hesus kada oras, gabi at araw, sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Mayroon na ngayong 120 milyong mga Kristiyano doon! Umasa ako na darating kayon bukas ng gabi upang marinig si Dr. Chung magsalita tungkol sa kanila! At marami silang inilalagay sa panganib kapag sila’y maging Kristiyano. Ngunit ang kanilang mga kasalanan ay ipinatawad ng Tagapagligtas. Wala silang dahilan upang mabuhay kapag sila’y nagtitiwala sa Tagapagligtas. Natanggap nila ang walang hanggang buhay kapag sila’y magpunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Walang tunay na panganib para sa iyo rito sa Amerika. Wala kang tunay na dahilan upang sundan ang kanilang halimbawa. At sinasabi ng Tagapagligtas sa iyo ngayong umaga,

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Namatay si Hesus sa Krus upang magbayad ng iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka walang hanggang buhay. Ang lahat ng hinihingi kong gawin mo ay tumalikod mula sa iyong lumang, makasalanang buhay, at hanapin Siya ng iyong buong puso hanggang sa mahanap mo Siya. Panalangin naming na mahanap mo Siya ngayon, nitong Paskong Linggo!

Magsitayo at kantahin ang himno bilang 5 sa iyong Paskong kantahing papel.

O halina, kayong lahat mapagmananampalataya, Masaya at mapagwagi,
   O halina kayo, O halina kayo sa Bethlehem!
Halina at masdan Siya, Ipinanganak na Hari ng mga anghel;
   O halina, atin Siyang sambahin,
O halina, atin Siyang sambahin, Kristo ang Panginoon.

Kumanta, mga koro ng mga anghel, Kumanta na may pagsasaya!
   O kumanta, kayong lahat mga maliwanag na mga anghel ng langit sa itaas;
Luwalhati sa Diyos, lahat ng luwalhati sa pinakamataas;
   O halina, atin Siyang sambahin,
O halina, atin Siyang sambahin, Kristo ang Panginoon.
    (“O Halina, Kayong Lahat Mapagmananampalataya.” Isinalin mula sa
       “O Come, All Ye Faithful,” isinuat sa Latin ni John F. Wade, 1710-1786;
        isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).

Kung gusto mong makausap si Dr. Cagan o ako tungkol sa pagiging isang tunay na Krisityano, tungkol sa pagkakaroon ng iyong mga kasalanang mapatawad ni Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon at magpunta sa likod ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan maka-usap kayo at magdasal. Kantahin ang pangatlong taludtod habang sila’y papunta.

O, Panginoon aming Ikang binabati, Ipinanganak nitong masayang umaga,
   Hesus, sa Iyo lahat ng luwalhati maibiigay;
Salita ng Ama, ngayon nasa laman nagpapakita;
   O halina, atin Siyang sambahin,
O halina, atin Siyang sambahin, Kristo ang Panginoon.

Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Mateo 2:1-11.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Maliit na Bayan ng Bethlehem.” Isinalin mula sa
“O Little Town of Bethlehem” (ni Phillips Brooks, 1835-1893).


ANG BALANGKAS NG

PAGHAHANAP KAY KRISTO SA PASKO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

(Deuteronomio 4:29; Mateo 7:8; Mga Taga Roma 10:10)

I.   Una, yoong mga hindi hinahanap si Hesus ng kanilang buong puso,
Lucas 2:7; Micah 5:2; Lucas 13:24.

II.  Pangalawa, yoong mga hindi hinahanap si Hesus ng kanilang buong
puso, Lucas 2:16.