Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA PANGALAN NI HESUS THE NAMES OF JESUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” (Isaias 9:6). |
Si Dr. Louis T. Talbot (1889-1976) ang pastor ng dakilang Simbahan ng Bukas na Pinto, noong ito’y matatagpuan sa publikong librerya, walong bloke tungong hilaga ng aming simbahan rito sa sentrong pambayanan ng Los Angeles. Si Dr. R. A. Torrey ang nakahanap na pastor ng simbahang iyan, ngunit unti-unti itong bumaba mula sa 5,000 na mga miyembro sa iilang daan lamang noong si Dr. Talbot ay dumating. Pinangunahan niya ang simbahan sa Dakilang Depresyon, at pinangunahan niya itong mabayaran ang gusali at sunugin ang sulat ng pagkakasangla. Pinangunahan niya rin ito sa pagdaragdag ng maraming libong bagong miyembro. Noong siya’y naretiro si Dr. J. Vernon McGee ang naging pastor. Marami akong narinig na mga dakilang mga mangangaral sa gusali ng simbahang iyan, mga kalalakihang tulad nina Dr. M. R. DeHaan, Dr. Wilbur M. Smith, Dr. R. G. Lee, Dr. G. Beauchamp Vick, at Dr. Dick Hillis, ang ipinagdiriwang na misiyonaryo sa Tsina at Taiwan. Ngunit si Dr. Talbot ang taong nagligtas sa gusali ng simbahan sa Depresyon at iniiabot ang pag-aabot nito sa pamamagitan ng pagpapadala ng daan-daan mga misyonaryo at katutubong manggagawa, na sinuportahan ng kanyang dakilang simbahan. Si Dr. Talbot ay isa ring popular na mangangaral rin sa radyo noong mga taong 1930 at 1940. Kilala ko siya at ang kanyang asawa ay nagsalita sa aming simbahan hindi nagtagal pagkatapos niyang yumao. Ito ang sinabi ni Dr. Talbot,
Isa sa mga pinaka magaganda sa mga Korong Pampasko na ating maririnig…kapag ating alalalahanin ang pagkapanganak ng ating Panginoon ay mula sa Mesiyas ni Handel, na pinamagtang, “Sapagka't Sa Atin Ay Ipinanganak Ang Isang Bata.” Kahit habang iniisip natin ito, ang musika ay kumikililing sa ating mga tainga:
“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” (Isaias 9:6).
“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata” ay kasing ganda sa paraan nito tulad ng nakapagbagbag- damdaming “Aleluya Koro” – marilag, masasamabahin, napakaganda! Si Handel ay sigurong isang debotong Kristiyano gayon din ay isang malapit na estudyante ng Bibliya, o hindi niya kailan man malilikha ang pinaka maganda sa mga oratoriyo, “Ang Mesiyas”… Basahin ang mga pahina nito at makahahanap ka na isang dalubhasang komiplasyon ng Lumang Tipang propesiya ng pagdating ng Tagapagligtas at Hari; ang kwento ng Kanyang paghihirap, kamatayan, muling pagkabuhay at pagpapaitaas sa Langit; at ang mga propesiya ng Kanyang pagdating muli sa kapangyarihan at dakilang luwalhati…Isang maingat na pagbabasa ng “Ang Mesiyas” ni Handel ay magpapakita na ang musikero ay hindi lamang isang dalubhasa ng kanyang sining, kundi na iniibig niya rin ang Isa kung sino ay nagsusulat siyang patungkol, inaalala na “tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” (Isinalin mula kay Louis T. Talbot, D.D., “Ang Mga Pangalan Ng Ating Panginoon” [“The Names of Our Lord”]).
Ang mga pangalang ibinigay kay Hesus sa Bibliya ay lubos na mahalaga. Inililista ng Bibliya ang marami sa Kanyang mga pangalan: Tagapagligtas, Kristo, ang Kordero ng Diyos, Imanuel, Anak ng Diyos, Anak ng tao, ang Salita, ang Banal na Isa, ang Tagapagligtas, Shiloh, Tagagawa ng Kapayapaan, ang Mabuting Pastol, ang Nazareno, ang Karpintero, ang Lingkod ni Jehovah, ang Rosas ni Sharon, ang Lili ng Lambak, Puno ng Sampung Libo, at marami pang iba. Nguit wala sa Kanyang mga pangalan ay mas importante pa kaysa doon sa mga ibinigay ng propeta Isaias – Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Pag-isipan natin ang mga pangalan na ito ng ilang minuto ngayong gabi.
I. Una, ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha.
Sinabi ni Spurgeon si Hesus ay nakamamangha sa nakaraan. Isaalang-alang ang Kanyang walang hanggang pagkabuhay, ini-anak ng Kanyang Ama mula sa bago ang lahat ay nagawa. Ng parehong materyal ng Ama. Ini-anak, hindi nilikha; ka-pantay, kasing kawalang hangganan, “pinaka Diyos ng pinaka Diyos.” Ang Kabanalang kalikasan ni Hesus ay tunay na nakamamangha. Nakatalukbong sa laman ng tao, makikita natin Siya sa sabsaban ng Bethlehem, isang nakamamanghang sanggol, kasama natin ang Diyos, ating Imanuel! Siya ay nakamamanghang sa lahat-lahat ng Kanyang maikling buhay sa lupa. Si Hesus ng Nazareth ay ang Hari ng Langit. At gayon Siya ay naging mahirap, kinamuhian, inusig, at siniraang puri. Iyan ay hindi ko maintindihan, ngunit iniibig ko Siya dahil rito. Pupurihin ko Siya habang ako’y mayroong hininga para sa Kanyang pahihirap, Kanyang pagkalait, pang iligtas ang isang makasalanan tulad ko. Ngunit hindi ko ito kailan man maiintindihan. Sa lahat ng Kanyang buhay ang Kanyang pangalan ay dapat tawaging Nakamamangha!
Ngunit nakikita ko Siya namamatay sa Krus. Nakikita ko Siyang buhat ang iyong kasalanan sa Kanyang sariling katawan doon. Tignan ang mga pako na tumutusok sa Kanyang mga kamay at paa. Tignan ang Kanyang madugo, pinalong likuran at pinutungan ng tinik na noo. Paano Niya maiwanan ang luwalhati ng Langit at magpunta sa ganoong katapusan gaya nito ay nakapagmamangha sa akin. Tunay na ang Iyong pangalan ay Nakamamangha! Hesus, ako ba’y napalungkot ng tulad Mo? Ako ba’y kailan man napaibig tulad Mo? Narito ay walang kapantay na pag-ibig – walang kapantay na pag-ibig upang pahirapan Siya, walang kapantay na kapangyarihan upang magawa Siyang matiis ang lahat ng bigat ng poot ng Kanyang Ama. At narito ay isang walang kapantay na awa, na dapat Siyang magdusa upang iligtas tayo makasalanang mga tao mula sa Impiyerno na sa atin ay nararapat. “Ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha.”
Ngunit tignan siya bumabangon mula sa pagkamatay. Hindi iniwan ng Diyos ang Kanyang kaluluwa sa Impiyerno, o hinayaan Niya ang Kanyag Banal na Isang makita ang kuropsyon! Bumangin Siya mula sa pagkamatay. Itiniklop Niya ang pamahiran na nasa Kanyang mukha at inilagay ito ng maingat sa isang tipak. Ang bato ay rumolyo patalikod, at si Hesus ay lumalakad palabas ng libingan sa umagang araw. “Ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha.”
Ngayon Siya ay nakapaitaas pabalik sa Kanyang Ama. Idinudunghal nila ang kanilang mga leeg upang makita Siyang pumaitaas. Sa wakas sinasabi ng mga anghel na Siya ay darating muli – pabalik sa mga ulap kung saan nakita nila Siyang bumangon. “Ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha.”
II. Pangalawa, ang Kanyang pangalan ay tatawaging Tagapayo.
Noong Siya’y narito sa lupang ito kakaunting mga kalalakihan ang nakinig sa Kanyang pagpapayo. At ang Kanyang pagpapayo ay tinatanggihan pa rin ng di naniniwalang mundo ngayong gabi. Kahit yoong mga umiibig sa Kanya ay masyadong madalas na nabibigong humanap ng pagpapayo sa Kanya at gabay. Tayo ay may-sariling pagpapasya, walang pasensya at malilimutin ng ating ganap na pagkadepende sa Kanya na “ginagawang mabuti ang lahat.”
Ngunit kapag Siya’y dumating muli hindi ito magiging ganito. Tapos ang lahat ng tao ay tatawagin Siyang “Tagapayo.” Kapag Siya’y uupo sa trono ni David, tapos lahat ng tao kung saan man ay hahanapin Siya at susundin ang Kanyang pagpapayo. Si Kristo ay magigin ang makatuwirang Hatol gayon rin ang Hari ng mga Hari sa maluwalhating araw na iyon. At Siya ay magiging Tagapagpayo ng lahat ng mundo. Gaya ng napakagandang pagkasabi ni Dr. Watts,
Si Hesus aymaghahari kung nasaan man ang araw
Ang kanyang sunod-sunod na paglalakbay ay tatakbo;
Ang Kanyang kaharian ay kakalat mula sa isang tabing dapat tungo sa isa,
Hanggang ang buwan ay lumamig at hindi na lumiit.
(“Si Hesus Ay Mahahari.” Isinalin mula sa “Jesus Shall Reign”
ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
III. Pangatlo, ang Kanyang pangalan ay tatawaging
ang makapangyarihang Diyos.
Hindi Siya tinatawag ng mga tao ngayon gamit ng dakilang pangalan na iyan ngayon. Tinatawag siya ng iyong propesor sa kolehiyo na naligaw na landas na hangal. Tinatawag Siya ng mga Hindu na isang “avatar.” Tinatawag Siya ng mga Muslim na isang propeta. Tinatawag Siya ng mga Saksi ni Jehova na isang nilikhang nilalang. Ngunit tinatawag Siya ng Bibliya na “makapangyarihang Diyos.” Aleluya!!! Siya ay ang Diyos na Makapangyarihan, ang Pangalawang Tao ng Banal na Trinidad! Ang lahat ng bagay sa Langit at lupa ay ginawa Niya. “Ang makapangyarihang Diyos.” Anong pangalan para kay Hesus!
“Makapangyarihan” – anong salita! Siya ay ang pinanggagalingan ng lahat ng enerhiya, lahat ng lakas, lahat ng kamahalan at kapangyarihan! Ang kapangyarihan ni Kristo ang nagdala sa mundo sa pagkakabuo nito. Ang Kanyang tinig ay nagadala ng kaayusan mula sa kaguluhan, ilaw mula sa kadiliman, buhay mula sa walang hanggang kondemnasyon at kamatayan! Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat nag kalikasan ay natutupad ang misyon nito. Bawat bulaklak, bawat ibon, bawat puso, bawat bundo, bawat lambak, bawat kulog at pag-ilaw ng kidlat ay tumutukoy sa kapangyarihan ni Kristo! Ang Kanyang pangalan ay tatawaging Nakamamangha, Tagapagpayo, at ang Makapangyarihang Diyos!
IV. Pang-apat, ang Kanyang pangalan ay tatawaging
Walang Hanggang Ama.
Ang pangalang iyan ay masyadong mataas para sa akin upang ipaliwanag. Ako gayo’y yumuyuko kay Spurgeon, ang Prinsipe ng mga Mangangaral. Sinabi ni Spurgeon, “Ang angkop na pangalan ng ating Panginoon, pagdating sa pagkaka-PunongDiyos, ay hindi Ama, kundi Anak. Tayo na at mag-ingat sa pagkakalito. Ang Anak ay hindi ang Ama, maging ang Ama ang Anak; [ito] ay dapat maingat na paniwalaan at obserbahan…ang Ama ay hindi ang Anak, ang Anak ay hindi ang Ama. Ang ating teksto ay walang sinasabi patungkol sa posisyon at titulo ng tatalong mga Tao pagdating sa isa’t-isa; hindi nito isinasaad ang relasyon ng PagkaDiyos mismo, kundi ang relasyon ni Hesu-Kristo sa atin. Siya sa atin ‘ang walang hanggang Ama’!” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Kanyang Pangalan – Ang Walang Hanggang Ama” [“His Name – The Everlasting Father”]).
Siya ay walang hanggan, “siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Taga Hebreo 13:8). Siya palaging ganito. Siya ay magpakailan mang pareho. Siya ay tinawag na “Ama.” Sa anong diwa si Hesus ay Ama? Siya ay pederal na isang Ama, ang puno ng lahat nga mga naligtas, gaya ng huling Adam. Ang sumpa ay dumarating sa atin dahil ang unang Adam ay ang pederal na puno ng ating lahi. Si Adam ay ang ating ama. Ngunit ngayon tayo ay na kay Kristo, Siya ay ang ating pederal na puno. Siya ay ang Ama ng Kanyang mga tao. Si Adam ay hindi ang ating “walang hanggang Ama,” kundi si Hesus, bilang ang puno ng bagong tipan. Siya ay ang Ama ng lahat ng mga Kristiyano, ang Ama ng Kristiyanismo, ang Ama ng buong sistema sa ilalim tayo ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kung ika’y nawawala, si Adam pa rin ang iyong ama. Ngunit kung ika’y naligtas Niya, si Hesus na ngayon ang iyong “walang hanggang Ama,” at ang Tagagpagligtas ng iyong kaluluwa.
V. Panlima, ang Kanyang pangalan ay tatawaging Pangulo ng Kapayapaan.
Noong si Hesus ay ipinanganak sa Bethlehem ang mga anghel ay nagpakita sa mga ilang pastol, at sinabi nila,
“Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya” (Lucas 2:14).
Si Hesus ay dumating upang bigyan tayo ng kapayapaan. Sa pamamagitan Niya mayroon tayong kapayapaan sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “Mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1). Iyan ang dahilan na Siya’y namatay sa Krus, upang bayaran ang iyong mga kasalanan, at ipagkasundo tayo sa Diyos. Siya ay “pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:20).
Ngunit kapag Siya’y darating muli, sa mga ulap ng langit, “Ang Pangulo ng Kapayapaan” ay magtataguyod ng kapayapaan sa lupa. Sa araw na iyon “Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma” (Isaias 2:4).
“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan” (Isaias 9:6).
Panalangin ko na ika’y magtitiwala kay Hesus ngayong gabi. Ang lahat nga mga magagandang pangalang ito ay nagpapakita kung anong magagawa Niya para sa iyo. Kanyang maliligtas ang iyong kaluluwa, at iyuuwi ka sa luwalhati. Magagawang malinis ng Kanyang dugo ang pinaka marumi. Napakinabangan ang Kanyang Dugo para sa akin! Amen. Gaya ng sinabi ni Juan Bautista, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).
Kung gusto mong makausap si Dr. Cagan at ako tungkol sa pagiging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, umalis mula sa iyong upuan ngayon at magpunta sa likuran ng awditoryum. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Mateo 1:18-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Anong Bata Ito.” Isinalin mula sa “What Child Is This?”
(ni William C. Dix, 1837-1898).