Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PASKONG KAGULUHAN

(PANGARAL BILANG 66 SA AKLAT NG GENESIS)

THE CHRISTMAS CONFLICT
(SERMON #66 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoong, Ika-9 ng Disyembre taon 2012

“At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang [gagasgas] ng iyong ulo, at ikaw ang [gagasgas] ng kaniyang sakong” (Genesis 3:14-15) – KJV.


Sana ay hindi ninyo kailan man iisipin ang serpyente sa Genesis bilang isang pabula o gawa-gawa. Ang Aklat ng Genesis ay hinangad na mabasa bilang tunay na kasaysayan. Mayroong tunay na serpyente. Mayroong tunay na Hardin ng Eden. Mayroong tunay na Adam at tunayna Eba, na nagkasala talaga. Bilang resulta ang lahi ng tao ay tunay na bumagsak, at ang sangkatauhan ay tunay na ubod ng sama.

Ang Aklat ng Apocalipsis ay tinatawag si Lucifer na “matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan” (Apocalipsis 12:9). Hinangad ng Diablo na tuksuhin si Eba at sirain ang lahi ng tao. Ngunit hindi siya makapagpakita sa kanya bilang isang espiritu, dahil ang isang espiritu ay di nakikita. Kung gayon kinailangan niyang pumsok sa katawan ng isang nabubuhay na nilalang, gaya ng pagpasok niya at kanyang mga demonyo sa isang kawan ng mga baboy sa mga araw ni Kristo. At kaya, determinadong dalhin ang lahi ng tao sa kasalanan, pumasok si Satanas sa katawan ng isang reptilya.

Noong ang Diyos ay dumating upang harapin ang serpyente, hindi Niya tinanong kung siya’y nagkasala o hindi. Alam na ng Diyos ang pagkakasala ng Diyos. At kaya idineklara ng Diyos ang kanyang sentensya rito,

“Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay” (Genesis 3:14).

Napalakas siguro nito ang loob ng ating mga unang mga magulang. Si Satanas ang kanilang kalaban. Dinala niya sila sa kasalanan at pagkasira. Siya rin ang kalaban ng Diyos. At kaya sinabi ng Diyos sa Diablo na ipadadala niya ang “binhi ng babae,” at sa pamamagitan Niya ang ulo ni Satanas ay tatanggap ng isang mortal na gasgas, at ang sangkatauhan ay mabibiyayaan.

“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang [gagasgas] ng iyong ulo, at ikaw ang [gagasgas] ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15) – KJV.

Magtuturo ako ng tatlong mga bagay mula sa tekstong iyan.

I. Una, ang binhi ng babae ay nakaturo kay Kristo.

Ang “binhi ng babae” ay isa lamang pagtukoy sa isang taong anak ni Eba na walang taong ama. Sa buong Bibliya “binhi” ay tumutukoy sa paksa ng tao, ang “binhi” na magpapabunga sa binhi ng babae. Kung gayon ang “binhi ng babae” ay dapat milagrosong mailagay sa sinpupunan ng babae. Kung gayon ang propesiyang ito ay ngpupunto ng malinaw ng birheng pagkapanganak ni Kristo. Sa pamamagitan ng pagkakalagay sa sinapupunan ng Birheng Maria, hindi mamamana ni Kristo ang kasalanang likas na nag-aalis ng karapatan sa bawat anak ni Adam mula sa pagiging Tagapagligtas mula sa kasalanan. Gaya ng sinabi ng anghel Gabriel kay Maria,

“Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).

“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang [gagasgas] ng iyong ulo, at ikaw ang [gagasgas] ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15) – KJV.

II. Pangalawa, magkakaroon ng di nagtatapos na digmaan sa pagitan ng binhi ng babae at binhi ng serpyente.

Sinabi ng Diyos,

“At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi …” (Genesis 3:15).

Pagkapootan, pagkagalitan, pagkamuhi – magpakailan man, sa pagitan ng binhi ng babae at ang binhi ng serpyente. Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771), “At ito rin ay totoo rin patungkol kay Satanas at ang simbahan ng Diyos sa lahat ng mga panahon, sa pagitan ay mayroong di mapagkasundong pagkapoot, at isang panghabang buhay na digmaan: At ang iyong binhi ang kaniyang binhi…mga masasamang mga anghel at ang masasamang mga tao rin [na] tinawag [ni Kristong] mga serpyente; at isang henerasyon ng mga ulupong sa isang kamay at mga tao ng Diyos sa kabila, ang binhi ng simbahan: ang mas huli nito’y kinamumuhian at inuusig ng mas nauna, at gayon ito simula ng nangyari ang pangyayaring ito” (isinalin mula kay John Gill, D.D., Isang Pagpapaliwanag ng Lumang Tipan [An Exposition of the Old Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli kabuuan I, p. 27; kumento sa Genesis 3:15

Dito nakikita natin ang panghabang buhay, walang katapusan na digmaan sa pagitan ng mga puwersa ni Satanas at mga puwersa ni Kristo. Ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsalita ng malinaw patungkol doon sa mga mayroon si Satanas bilang kanilang ama, at gayon kanyang mga binhi. Sinabi niya sa kanila,

“Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin…” (Juan 8:44).

At sa unag sulat ni Juan ating mababasa,

“Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.” (I Ni Juan 3:10).

Ang binhi ng serpyente ay “ang mga anak ng diablo.” Ang binhi ng babae ay ang “mga anak ng Dios.” Iyan ang pahayag ng I Ni Juan 3:10. Ang paghihiwalay ay naging malinaw na napaka aga, noong pinatay ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel. Si Cain ang binhi ng serpyente. Si Abel ang binhi ng babae, alin ay si Kristo. Sinasabi ng Bibliya,

“Ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid” (I Ni Juan 3:12).

Ang mga anak ni Satanas, ang binhi ng serpyente, ay mayroong natural na pagkakapoot, pagkakamuhi, at pagkakagalit tungo sa mga anak ni Kristo, ang binhi ng babae. Tinawag ni Hesus ang “binhi ng serpyente” ang “mundo.” Sa ilalim ng dominasyon ng Diablo, ang kasalukuyang mundo ay kalaban ng tunay na mga Kristiyano. Sinabi ni Hesus,

“Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo. Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:18-19).

“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.” Ang “sanglibutan” ay ang binhi ng serpyente. Kinamumuhian nila ang binhi ng babae, na mga binhi ni Kristo. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Kristiyano ay kinamumuhian at inuusig ngayon.

Hindi mo kailangang ipaliwanag sa mga bata iyan. Kung isa sa kanila ay maging isang tunay na Kristiyano, ang iba ay agad-agad magsasama-sama at tutuksuhin siya. Sasabihin nila ang mga bagay na, “Iniisip mo na mabait na bata!” Simula sa napaka agang edad, ang mga anak ng serpyente ay mayroong pagkagalit at pagkapoot tungo sa mga anak ni Kristo. “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi” (Genesis 3:15). Nangyayari pati ito sa mga simbahan ng mga matatanda na. Kapag ang mga nawawalang mga dalaga’t binata sa simbaan ay makita ang isa sa kanilang mga kaibigan na maging isang seryosong Kristiyano, tatalikod sila mula sa kanya, at magsasalita sa kanyang likuran, sisiraan siya at maghahanap ng mali sa kanya, para mapag-usapan nila siya ng masama. Ang bawat anak ng pastor ay dumadaan sa ganoong uri ng pagpapahirap ng isipan. Maraming taon noon, noong ilang mga masasamang mga tao ang namumuno ng aming Linggong paaralan, ang aking mga anak na lalake ay madalas pina-uupo sa sulok at pinarurusahan para sa pinaka maliit na bagay, at madalas para sa walang anomang dahilan. Ito’y ginawa siyempre, dahil sa kanilang pagkapoot laban sa kanilang pastor, at sa huli ay laban sa Diyos. Bawat bata na dumadaan sa kahit anong simbahan ay kinakailangan dumaan sa ganitong pagsubok, o hindi sila maaring maging tunay na Kristiyano! Ginagawa itong malinaw ng isang pambatang kanta,

Sinong nasa panig ng Panginoon? Sinong maglilingkod sa Hari?
   Sino ang Kanyang mga taga tulong, Mga buhay ng ibang dalhin?
Sinong iiwanan ang panig ng sanglibutan? Sinong haharap sa kaaway?
   Sinong nasa panig ng Panginoon? Sino para sa Kanya ay magpupunta?
(“Sinong Nasa Panig ng Panginoon. ” Isinalin mula sa
     “Who is on the Lord’s Side?” ni Frances R. Havergal, 1836-1879).

Karamihan sa mga matatanda ay hindi naiisip na ang Linggong Paaralan, o grupo ng mga bata, ay laging isang mabangis na larangan ng digmaan sa pagitan ng mga binhi ng mga serpyente at binhi ni Kristo.

Siyempre iyan rin ay totoo para sa bawat matanda rin. Ang mga mangangaral ay madalas sinisindak ng mga di napagbagong loob na mga tao sa kanilang mga kongregasyon. Karaniwan, ngayon, hindi naiisip ng mga pastor kung bakit mga partikular na mga tao sa kanilang mga simbahan ay laban sa kanila. Naniniwala ako na ang pinaka malaking problema na hinaharap ng mga makadiyos na mga pastor ay ang kaguluhan na sanhi ng mga miyembro ng kanilang mga simbahan na mga binhi ng serpyente, kaysa binhi ni Kristo. Mga nawawalang mga miyembro ay nagsasanhi ng mga problemang palagian sa kanilang kongregasyon.

Ang kanilang kaguluhan ay nangyayari rin sa trabaho rin. Ang isang Kristiyano sa trabaho ay madalas ihinihiwalay at sinisisi o kinukutya dahil sa mga napaka liliit na mga bagay. Kung ika’y nagtratrabaho alam mo ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko sa iyo ito para hindi mo isipin na mayroong mali sa iyo. Ito’y isang krus na kailangang buhatin ng bawat tunay na Kristiyano.

Anong patungkol sa Pasko? Sa lahat ng bagay, ang pangaral na ito ay pinamagtang, “Ang Paskong Kaguluhan.” At iyan ay isang mabuting pamagat, dahil maraming kaguluhan na nangyayari patungkol sa Pasko ngayon. Isang taga kumentong si Bill O’Reilly ay tinatawag itong “Ang Digmaan sa Pasko.” Tinatanggihang tawagin ng Gobernador ng isang Silangang bansa ang bansang puno na “Pampaskong puno.” Tinatawag niya itong “Pampistang puno.” Mayroon nang maraming pag-uusap patungkol riyan.

Ang pinaka pangkasalukuyang magasin ni Billy Graham na Desisyon [Decision] ay mayroong isang artikulo na pinamagatang “Paglalaban Kapag ang Lipunan ay Isinesensura si Kristo” [“Fighting Back When Society Censors Christ”]. Tumukoy ang artikulo tungkol sa isang ina na nakakita ng maraming mga ina na magpunta sa lokal na paaralan at magsalita tungkol sa iba’t-ibang mga pista, relihiyon at mga kultura. Noong tinanong siya kung magagawa niya rin ito para sa Pasko, sumagot siyang “oo.” “Tulad ng ibang mga ina, sinimulan niya sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng basehan para sa pista sa pamamagitan ng pagbabasa mula sa isang aklat. Ang kanyang aklat ay ang Bibliya. Noong inilabas niya ito, akala mo’y nagpasiklab siya ng isang bomba. Agad-agad sinabi ng guro, ‘O hindi! Kailan mong itago iyan.’ Ito’y nakahihiya. Habang ang ibang mga aklat, relihiyoso o hindi, ay pinayagan, ang Bibliya ay hindi. Ang lahat ng ito ay nangyari sa harap ng mga bata” (isinalin mula sa Desisyon [Decision], 12, 2012, p. 4).

Ang mga sinyor na mga mamamayan sa Winter Park, Florida ay kamakailan lang na pinagbawalang kumanta ng mga Pampaskong kanta sa kanilang sariling mga tahanan. SA New York City, ang NYC Ahensya ng Proteksyon ng Paligid [NYC Environmental Protection Agency] ay pinayagan ang mga empliyada nito na magkaroon ng Hanukkang bandila at ang magdiwang ng pista ng mga Indiyang pista ng Diwali, ngunit ipinagbawal ang mga Pampaskong bandila, pula, at berdeng mga dekorasyon, at ang mga Paskong puno. Sa Plano, Texas mga opisyales ng paaralan ay ipinagbawal ang mga batang ipamigay ang mga lapis na may mga nakasulat na mga salitang “Si Hesus ang dahilan para sa kapanahunan.” Isang opisyales ng paaralan doon ay ipinagbawal pa nga ang isang bata sa pagsusulat ng “Maligayang Pasko” sa mga sulat sa mga sundalo sa Iraq. Sa New York City, isang magulang ang humadlang sa isang pampistang dekorasyon, na mayroong mga menorah at ang Bituing Muslim at Gasuklay ng Buwan – ngunit ipinagbawal tagpo ng Natividad. Parehong isang pederal na distritong korte at ang korte ng mga apela ay nagsabi na ang tagpo ng Natividad ay dapat manatiling ipinagbabawal mula sa mga pampublikiong paaralang pampistang dekorasyon, habang ang menorah at ang Bituin ng Muslim at ang Gasuklay ng Buwan ay manatili dahil, ayon sa korte, “hindi ito makikita ng mga estudyanteng nageendorso ng Hudiaismo o Islam.” Sinabi ng artikulo sa Desisyon [Decision], “Sa kasamaang palad, ang uri ng relihiyosong pagsensura ay masyadong karaniwan tuwing panahon ng Pasko.” At alam mo na ito’y totoo. Sa maraming mga lugar hindi mo pa nga masabi na ang “Maligayang Pasko.” Ngayon ito’y palaging “Maligayang Pista.” Tuwing mayroong nagsasabi niyan sa akin, sinasagot ko sila ng, “Maligayang Pasko!” Ngunit malinaw na tumataas na ang “binhi ng serpyente” ay kinamumuhian ang pagkapanganak ni Kristo, at kanilang sinasalakay iyong mga Kristiyano na sinusubukang panatilihin ang Pasko bilang isang Kristiyanong pista!

Ako’y masamang nasalakay para sa pagsasabi sa mga kabataan na kailangan nilang maging nasa simbahan ng Bisperas bago ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon. Sinasabi nila na ako’y isang legalistang maniniil dahil sa pagsasabi sa iyo na maging nasa simbahan kaya sa isang sayawan bulwagan o lasingang salu-salo. Ngayon alam mo na kung saan nanggagaling ang usap-usaping iyan! Sinabi ng Diyos, “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi…” Ang “binhi ng serpyente” ay laging laban sa “binhi ni Kristo.” Walang bago patungkol rito! Ang mga tao ng serpyente ay ayaw kang maging nasa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon! Tiyak kong umaasa na hindi ka makinig sa kanila! Makisama sa amin sa simbahan sa Pasko at Bisperas ng Bagong Taon!

Ngayon, paano mo ipagdiriwang ang Pasko? Makakasama mo ba iyong mga kasapi sa “binhi ng serpyente”? O makakasama ka ba namin rito sa simbahan? Iyan “Ang Paskong Kaguluhan.” Walang nagbago simula ng Hardin ng Eden! “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi…” Mayroong digmaan na nagaganap sa pagitan ng binhi ng babae at binhi ng serpyente. Ngunit mayroon pang isang punto.

III. Pangatlo, si Kristo ay mananalo sa digmaan.

Ang teksto ay natatapos sa pagsasabing, “…ito ang [gagasgas] ng iyong ulo, at ikaw ang [gagasgas] ng kaniyang sakong” (Genesis 3:15) – KJV.

Iyan ang katapusan ng dakilang kaguluhan. Si Satanas na namumuno ng mga kapangyarihan ng kasamaan ng mundong ito, ay lalaban laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Ngunit sa katapusan si Kristo, ang binhi ng babae, ay gagasgasin ang ulo ni Satanas. Iyan ay isang mortal na dagok! Ito’y naganap noong ang Panginoong Hesus ay namatay sa Krus, dahil sa pamamagitan ng pagkamatay pinangaralan niya ang batas, iniligpit ang kasalanan, kinitil ang kamatayan, at tinalo ang Impiyerno! At tapos noong si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay, sinabi ni Spurgeon, “inalis niya ang bisagra ng tarangkahan ng puntod at dinala ito papalayo, gaya ng pagbuhat ni Samson sa mga tarangkahan ng Gaza – mga poste at tubo, at lahat; noong binuksan niya ang mga pasukan ng langit dinala niya ang pagkadakip na madakip; tapos, sa katunayan ang ulo ng dragon ay nasira. Ano nang magagawa ni Satanas ngayon?...dinurog siya ni Kristo…ang binhi ng babae ay winasak ang kapangyarihan ng kalaban! Aleluya! Aleluya! Kanyang pinabagsak ang prinsipe ng kadiliman mula sa kanyang mataas na mga lugar. Hindi ba siya mismo ang nagsabi, ‘Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit’? Ginasgas Niya ang ulo ng serpyente.

Ang gasgas na ito sa ulo ng masamang [isa] ay isang mortal na dagok. Kung siya’y nagasgasan sa buntot, o sa leeg, maari siyang nakaligtas; ngunit sadyang kinitik ng Panginoon ang kaharian ng kasamaan, at dinurog ang kapangyarihan nito…si Kristo mismo, ang binhi ng babae, ay darating sa pangalawang beses, at siya’y maghahari sa lupa…at ang kanyang kanang kamay ay pupurihin ang kanyang mga tao. Ang Kanyang paa ay lalakad sa ibabaw ng mga kaaway. Naway ika’y isa sa mga masasayang harurong ng sasaludo sa Binhi ng Babae sa kanyang pangalawang pagdating – [kapag Siya’y darating pabababa mula sa Langit upang maghari sa buong lupa]. Sa pamamagitan ng Binhi ng Babae ay ang Paraiso ay mapanunumbalik sa atin, at lahat ng pagbibiro ng Pagbagsak ay sira…” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Sentensya ng Serpyente” [“The Serpent’s Sentence”], Ang Metropolitang Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, kabuuan XXXVI, pp. 527, 528).

Ngayon tinatanong kita, nasa aling panig ka? Ikaw ba’y kasama ng binhi ng serpyente – o ikaw ba’y kasama ng binhi ng babae, iyan ay si Kristo? Ito’y isa o ang kabila. Alin ang para sa iyo? Aling ka talaga sa iyong puso? Kasama ka ba ni Kristo, o kasama ka ng mga tao ng serpyente? Ang lahat ng narito ngayong umaga ay nasa isang panig o kabila! Nanalangin ako na iiwanan mo ang panig ng serpyente, at magpunta sa panig ni Hesus at Kanyang mga tao. Magpunta sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. Ang kaligtasa ay sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang nakalilinis ng kasalanang Dugo! At kung nais mong makipag-usap sa amin tungkol sa kaligtasan ng iyong kaluluwa, iwanan ang iyong upuan at magpunta sa likuran ng silid ngayon. Gg. Lee, paki pamunuan kami sa panalangin.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Ni Juan 3:10-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sinong Nasa Panig ng Panginoon.” Isinalin mula sa
“Who is on the Lord’s Side?” (ni Frances R. Havergal, 1836-1879).


ANG BALANGKAS NG

ANG PASKONG KAGULUHAN

(PANGARAL BILANG 66 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang [gagasgas] ng iyong ulo, at ikaw ang [gagasgas] ng kaniyang sakong” (Genesis 3:14-15) – KJV.

(Apocalipsis 12:9)

I.   Una, ang binhi ng babae ay nakaturo kay Kristo, Lucas 1:35;
Genesis 3:15.

II.  Pangalawa, magkakaroon ng di nagtatapos na digmaan sa pagitan ng
binhi ng babae at binhi ng serpyente, Genesis 3:15a; Juan 8:44;
I Ni Juan 3:10, 12; Juan 15:18-19.

III. Pangatlo, si Kristo ay mananalo sa digmaan, Genesis 3:15b.