Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
NADINIG NIYA ANG MGA PANGARAL NGUNIT HINDI HE HEARD THE SERMONS BUT WAS NEVER SAVED! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak” (Marcos 6:20). |
Si Herodes Antipas ay isa sa mga anak ng Dakilang si Herodes, na naging hari noong si Hesus ay ipinanganak. Ngunit si Herodes Antipas ay tinawag na “Herodes ang Tretraka” dahil siya ay ginawang pang-apat na hari ng Galilea. Siya rin ay tinawag na “Haring Herodes” ng mga taga-Galilea. Pinakasalan niya si Herodias na naging asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Si Juan Bautista ay nagalit ng lubos na ang hari ng Israel ay magkakamit ng ganoong eskandalosong kasalanan. Sinuwat niya si Herodes ng lubos dahil rito. Ipinilagay ni Herodes si Juan sa bilangguan dahil gusto ito ni Herodias. Kinamuhian niya si Juan Bautista dahil sa pagsasalita laban sa kanyang pagpapakasal kay Herodes. Sa pamamagitan ng pagtawag sa kanyang isang “sorrang” (Lucas 13:32) ipinakita ni Hesus ang kanyang di pagsang-ayon sa tuso at nakapanlilinlang na karakter ni Herodes. Si Herodes Antipas rin ay napaka supertisyoso, walang takot at laging may tinatagong binabalak. “Ipinagtanim [si Juan Bautista] ni Herodias, at hinahangad siyang patayin; at hindi niya magawa” (Marcos 6:19).
“Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak” (Marcos 6:20).
Sa tekstong ito makikita natin na nirespeto ni Herodes si Juan Bautista, magalak niya siyang pinakinggang mangaral, maraming ginawang mga bagay na sinabi sa kanya ni Juan na gawin niya, at gayon man ay nasawi na walang hanggan.
Ilang linggong noon ako’y nagsasalita patungkol kay Felix, ang taga-Romang gobernador na pinangaralan ni Apostol Pablo sa Mga Gawa 24. Si Felix ay nanginig noong nagsalita si Pablo, ngunit hindi siya nagsisi at nagtiwala kay Kristo. Ipinatawag niya si Pablo ng madalas “at sa kanya’y nakipag-usap” (Mga Gawa 24:26). Ngunit di siya kailan man napagbagong loob. Sinabi ko hindi na ako maka-isip ng isa pang tao sa Bagong Tipan na nakarinig ng maraming mga pangaral na hindi naliligtas. Pagkatapos kong magsalita ipinaalala sa akin ni Gg. Griffith si Herodes ang Tetrarka, na tinutukoy sa ating teksto,
“Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak” (Marcos 6:20).
Narito gayon ay isang tao na inilalarawan yoong mga nagpupunta sa simbahan at naririnig ang mga sermon ng magalak, na nagbabago ng ilang mga bagay sa kanilang mga buhay, ngunit hindi nagsisisi at nagtitiwala kay Kristo. Kung ika’y nagpupunta sa simbahan, ngunit hindi pa rin napagbabagong loob, pag-isipan ang maraming mga bagay sa buhay ni Herodes at ikumpara ang mga ito sa iyong sarili.
I. Una, hinangaan ni Herodes si Juan.
“Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal...” (Marcos 6:20).
Sinabi ni Mathew Henry, “possible na ang isang tao ay macaroon ng matinding paggalang para…sa mabuting mga minitor…at gayon man ay maging isang masamang tao” [sa sarili niya].
Maari mong respetuhin ang mangangaral. Maari mong sabihin na siya ay “isang matuwid at banal” na tao” – at gayon man ay hindi maligtas. Natandaan ko ang isang lalake na nagpunta sa Tsinong Bautistang simbahan noong ako’y ay naroon pa. Sinabi niya na ang pastor na si Dr. Lin ay isang dakilang tao, sa katunayan ay siya nga. Inisip ng lalakeng ito na si Dr. Lin ay isang napaka maduong at banal na guro ng Biblya na gusto niya na ang kanyang buong pamilya ay lumipat mula sa ibang Bautistang simbahan upang marinig nilang lahat si Dr. Lin tuwing Linggo. Siya’y uupo sa simbahan tuwing Linggo na may wiling-wiling atensyon habang si Dr. Lin ay nagsalita. Sinisipi niya si Dr. Lin halos bawat pagkakataon na kausap mo siya. Ngunit pagkatapos ng ilang taon nagsimula niyang basahin ang mga isinulat ng isang Alemanyang mistikong nagngangalang Jacob Boehme (1575-1624). Si Boehme ay isang napaka kakaiba, at di tradisyonal na manunulat, na mayroong maraming alegorikal at di pangkaraniwang mga interpretasyon ng Kasulatan. Nagsimulang isipi ng lalakeng ito si Boehme kay Dr. Lin, at pati tumatayo upang basahain ang ilang bahagi ng mga isinulat ni Boehme sa mga panalanging pagpupulong. Siya nadala ng lubos nitong mistikong ito na napunta siya sa isang pagtatalo kay Dr. Lin at umalis ng simbahan. Nag-iisip pabalik ng panahon, nagdududa ako na ang lalakeng iyon ay tunay na napagbagong loob. Iginalang niya si at ipinagpitagan si Dr. Lin. Ngunit sa katapusan, tulad ni Herod Antipas, tinanggihan niya ang pastor, gaya ng sa wakas pagtanggi ni Herodes kay Juan Bautista.
Sa isang punto ang isang tao ay kailangan mapunta lampas sa pagtingin sa mangangaral at tignan si Kristo Mismo. Ang mangangaral ay upang magturo sa mga tao hanggang sila’y magsisi at kilalanin ang katotohanan kay Hesu-Kristo (tignan ang II Ni Timoteo 2:25). Si Herodes ay di kailan man lumampas sa pagpipitag at pagmamangha kay Juan Bautista. Hindi siya kailan man nagpunta kay Hesus, at hindi kailan man naligtas. Sinabi ni Spurgeon,
Kahit na inibig niya si Juan, [si Herodes] ay di kailan man tumingin sa Panginoon ni Juan. Hindi kailan man nagustuhan ni Juan ang kahit sinong maging kanyang disipolo, ngunit isinugaw niya, “Tignan ang Kordero ng Diyos.” Si Herodes, pagkatapos ng lahat ay tagasunod ni Juan, ngunit di kailan man tagasunod ni Hesus. Madali para sa iyo na marinig ang mangangaral at ibigin siya at kamanghaan siya, at gayon man ang Panginoon ng mangangaral ay maaring lahat di kilala sa iyo. Ipinapanalangin ko, mahal na mga kaibigan, huwag itong maging kaso ng sino man sa inyo…Kay Kristo kay dapat magpunta: ang katapusan ng lahat ng aming ministor ay si Kristo Hesus. Gusto naming kayong magpunta sa kanya ng diretso, upang hanapin sa kanya ang kapatawaran, mula sa kanyang kaligtasan, mula sa kanyang isang pagbabago ng puso, para sa kanya isang bagong buhay, dahil walang kabuluhan ito kung makikinig ka sa isang mapagpananampalatayang mangangaral, at hindi pa nakakikinig sa Panginoon ng mangangaral at sinundan ang ebanghelyo. Ika’y magiging si Herodes, at wala nang iba pa, hangga’t biyaya ang magdala sa iyo kay Hesu-Kristo (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Si Juan at Herods [“John and Herod”] Ang Metropolitang Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Kabuuan XXVI, Pilgrim Publications, 1972, p. 404).
II. Pangalawa, maraming ginawa si Herodes noong narinig niya si Juan na mangaral.
“Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam …” (Marcos 6:20).
Si Herodes ay may maraming ginawang mga bagay na narinig niya si Juan na magpangaral patungkol. Ngunit hindi niya pinakawalan si Herodias. Siya ay ang kanyang sariling pamangkin, at ikinasal sa kanyang sariling kapatid. Siya ang ina ng mga anak ng kanyang sariling kapatid. At gayon pinalayas niya ang kanyang unang asawa, na naging tapat sa kanyang ng maraming taon, at kinuha ang malupit, walang dinodiyos na babaeng si Herodias kapalit niya. Si Herodes ay nagkakamit ng inses sa kanya. Ang impluwensya ng babaeng ito ay ang kanyang sumpa at pagkasira.
Maraming mga kalalakihan at kababaihan ang nasira dahil sa pananatili ng malapit na relasyon sa isang di napagbagong loob na tao. Sinasabi ng Bibliya,
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya” (II Mga Taga Corinto 6:14).
Sinasabi ng Bibliya,
“Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo” (II Mga Taga Corinto 6:17).
Sinasabi ng Bibliya,
“Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4).
Nakakita na kami ng mga kabataan na malakas na kontrol ng impluwensya ng isang nawawalang kaibigan na hindi nila mapakawalan ang taong iyon at magpunta kay Kristo. Sinabi ni Spurgeon, “Ito’y palaging mapanganib na maging nasa ilalim ng impluwensya ng isang di napagbagong loob na tao, gaano man sila ka moral…tulungan ka nawa ng Diyos na tumaas sa ibabaw nito [o] ika’y sa huli magiging si Herodes, at walang nang iba” (isinalin mula sa ibid., p. 406).
“Natitilihang […] mainam” ni Herodes ang maraming bagay na kanyang narinig na ipinangaral ni Juan Bautista – ngunit hindi niya inilayo ang kasuklam-suklam na babaeng ito. Binalaan ni Juan Bautista siya, “Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid” (Marcos 6:18). Kung siya’y nagsisi at ipinalayo siya, at nagtiwala kay Hesus, maaring naligtas si Herodes. “Ngunit,” ang maaring sabihin ng isa, “iyan ay maaring mahirap para sa kanyang gawin.” Oo, alam ko, laging itong mukhang “mahirap” na isuko ang mga nawawalang mga kaibigan, o isang iniibig na kasalanan. Ngunit ang pagkapit sa mga ganoong kasalanan ay laging mas mahirap sa huli. Dahil sa huli niloko ni Herodias si Herodes sa pagpapatay ng mangangaral na dati niyang iginagalang. At nagpadala si Herodes ng isang mabibitay upang pugutin ang ulo ni Juan Bautista, at dinala ang kanyang ulo sa isang plato sa karimarimarim at masamang babae na ginusto niya higit kay Kristo!
Sinabi ni Spurgeon, “Kaya ito’y nangyari sa marming mga umaasang tagapakinig; sila’y naging mga maninirang puro at mga mang-uusig ng mga mangangaral na dati ay kanilang pinanginigan, at kasing layo ng kanilang makakaya inalis ang kanilang mga ulo. Pagkatpos ng isang panahon kinaiinisan ng mga taong sinusuwat, at sila’y nagpapatuloy sa kanilang pagka-inis hanggang sila’y magsikutya sa mga bagay na minsan nilang iginagalang...Mag-ingat! Nananalangin ako, mag-ingat! dahil ang daan ng kasalanan ay pababba. Ang isang tao ay maaring ebanghelikal…at gayon, kung siya’y inilagay sa ilalim ng tiyak na kalagayan, maari siyang maging namumuhi at isang nang-uusig ng katotohanan na minsan niyang pinaninindigan” (isinalin ibid., p. 407).
Gaya ng pagkaalam mo, ilan doon sa mga desperadong kinamumuhian ang simbahang ito, at inaatake tayo ng malupit, ay minsan aming mga kaibigan, na nanalangin kasama namin at nagsabi na iniibig nila kami. Ang ugat ng kanilang pagkamuhi ay nanggagaling sa katunayan na iniibig nila ang kasalanan, at kinamumuhiang pinagsasabihan dahil rito. Sinabi ni Hesus,
“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).
III. Pangatlo, ang konsensya ni Herodes ay hindi siya binibigyan ng pahinga.
Ang bahagi ng Kasulatan na binasa ni Dr. Chan bago ng pangaral na ito ay nagsimula sa mga salitang ito,
“At narinig ng haring Herodes [ang tungkol kay Hesus]… at sinabi niya, Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay, at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito” (Marcos 6:14).
Sinabi ni Mathew Henry, “Kinatakutan niya si Juan habang siya’y nabuhay, at ngayon, noong akala niya na napaalis na niya siya, kinatatakot siya sampung beses ng mas matindi noong siya’y patay. Ang isa ay maaring multuhin ng mga multo at pagkagalit, gaya ng sindak ng isang nag-aakusang konsensya.”
Sa katapusan, wala sa mga katusuhan at pamomolitika ni Herodes ang makaligtas sa kanya. Si Haring Aretas, ang Nabateanang mamumuno na ang anak na babae ay ang unang asawa ni Herodes, bago niya siya iniwan para kay Herodias, ay ipinadala ang kanyang mga hukbo laban kay Herodes upang ipaghiganti ang kanyang anak na babae. Ito’y nagdala sa pagbagsak ni Herodes Antipas. Siya’y sa wakas tinawag sa harap ng Romanong emperor Caligula. Kinuha ng Emperor ang lahat na kanyang kayamanan at pinalayas siya sa isang kubling bahagi ng Pransya. Maya maya siya ay pinalayas patungong Espana, kung saan siya ay namatya sa kahirapan. Gayon ang kanyang makalupaing buhay ay natapos, “At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Lucas 16:23).
Narinig ni Herodes si Juan Bautistang mangaral, “At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak” – ngunit di siya kailan man nagsisi, at hindi siya kailan man nagtiwala kay Hesus. Ipinangaral sa kanya ni Juan si Hesus, ngunit hindi niya kailan man pinagkatiwalaan ang Tagapagligtas.
But what about Jesus? Mayroong ilan sa inyo rito ngayong gabi na nagpunta upang pakinggan ang pangangaral sa aming simbahan. Ika’y nagpunta ngunit hindi ka nagsisisi, at hindi ka nagtitiwala kay Hesus. Binabalaan kita, ang iyong katapusan ay hindi mas bubuti kaysa doon kay Herodes ng Antipas. Marami kang ginagawa. Maari kang manamit para sa simbahan. Maari kang magbuhat ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Maari kang kumanta ng mga himno, maari ka pa ngang magpunta at mag-ebanghelismo. Oo, maari marami kang gawing mga bagay, gaya rin ni Herodes.
Nakita ni Herodes si Hesus ng isang beses, ng mabilis lang, bago lang na ang Tagapagligtas ay naipako sa krus. Ngunit “si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak… at ipinabalik siya kay Pilato” ang taga Romang gobernador (Lucas 23:11). Sa oras na ito ang puso ni Herodes ay napaka tigas na ng kasalanan na nilibak niya ang Anak ng Diyos sa Kanyang mukha! Iyan ang mangyayari sa iyo rin, kung magpapatuloy ka sa pagdinig ng mga pangaral ngunit tumatangging magtiwala kay Hesus. Kahit na namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan, at bumangon para sa iyong pagpapatunay, ika’y isang araw isusuko sa isang matigas na puso, at walang hanggang apoy ng Impiyerno, gaya ni Herodes Antipas. Narinig niya ang mga pangaral, ngunit hindi siya kailan man naligtas! O naway hindi iyan ang iyong malungkot na katapusan! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 6:14-20.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Halos Nakumbinsi.” Isinalin mula sa “Almost Persuaded”
(ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
ANG BALANGKAS NG NADINIG NIYA ANG MGA PANGARAL NGUNIT HINDI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak” (Marcos 6:20). (Lucas 13:32; Marcos 6:19; Mga Gawa 24:26) I. Una, hinangaan ni Herodes si Juan, Marcos 6:20a; II. Pangalawa, maraming ginawa si Herodes noong narinig niya si Juan na III. Pangatlo, ang konsensya ni Herodes ay hindi siya binibigyan ng |