Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TAONG NAKALIMOT MAGPASALAMAT –
ISANG PAGBIBIGAY PASASALAMAT NA PANGARAL

(PANGARAL BILANG 65 SA AKLAT NG GENESIS)

THE MAN WHO FORGOT TO BE THANKFUL –
A THANKSGIVING SERMON
(SERMON #65 ON THE BOOK OF GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-18 ng Nobiyembre taon 2012

“Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya” (Genesis 40:23).


Napainis ng punong katiwala ng saro ang Faraon. Siya’y inilagay sa bilangguan, sa parehong bilanguan kung nasaan si Jose. Ngayon si Jose ay isang Hebreo, inakusa ng isang krimen na hindi niya ginawa. Ngunit dahil kasama niya ang Panginoon, ay inilagay si Jose na may pamumuno sa lahat ng mga bilanggo. Sa kanyang unang gabi sa bilangguan ang taga Ehiptong katiwala ng saro ay nagkaroon ng isang panaginip. Tinanong niya si Jose kung anong ibig nitong sabihin. Sinabi ni Jose na ipapaliwanag niya ang panaginip gamit ang tulong ng Diyos. Tapos ipakakahulugan niya ang panaginip ng katiwala ng saro, sinasabi sa kanya na siya ay mapapalaya at mapanunumbalik ng Faraon. Ipinangako ng katiwala ng saro na banggitin ang pagkainosente ni Jose sa Faraon kung siya’y mapalaya. Tatlong araw maya-maya ang pagpapakahulugan ni Jose ng panaginip ay nagkatotoo, at ang punong katiwala ng saro ay napalaya at napanumbalik sa kanyang lugar sa korte ng Faraon.

Si Jose ay ngayo’y tiyak na na nagkaroon siya ng kaibigan sa korte na magsasalita sa Faraon, at sabihin sa kanya ang patungkol sa kanyang pagka-inosente. Ngunit maraming linggo ang lumipas at naging mga buwan, at walang salita ang nanggaling mula sa punong katiwala ng saro. Hindi maaring ganap na nalimutan ng katiwala ng saro si Jose. Ngunit walang duda siyang takot na i-apela ang kaso ni Faraon. Maaring mapagalit nito ang Faraon at ibalik siya sa bilangguan. O marahil mayroong ibang dahilan. Sa kahit anong kaso nalimutan ng punong katiwala ng saro si Jose. Kung sinaktan ni Jose ang katiwala ng saro hindi niya siya malilimutan. Ngunit tinulungan siya ni Jose, kanyang madaling nalimutan. “Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya” (Genesis 40:23).

Anong larawan ng pagkawalan ng pasasalamat! Napaka karaniwan para sa ubod ng samang sangkatauhan na maging di mapagpasalamat! Ang katiwala ng saro ay isang tao na nakalimot magpasalamat. Iyan ay isang lumalagong katangian ng tao sa masasamang mga araw ng ito. Sinabi ni Apostol Pablo,

“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan” (II Ni Timoteo 3:1-2).

“Masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan.” Anong paglalarawan ng henerasyong ito sa mga “huling araw”! Inilalarawan ng punong katiwala ng saro ang isang matinding dami ng tao ngayon, “gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya” (Genesis 40:23). Ito’y isang henerasyon na “walang turing” at “walang kabanalan.” Mayroong tatlong pangunahing lugar kung saan marming mga kabataan ay nakalilimot magpasalamat.

I. Una, marami ay di mapagpasalamat sa kanilang mga magulang.

Sinasabi ng Bibliya, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.” Sinasabi iyan ng dalawang beses sa Lumang Tipan (Exodo 20:12; Deuteronomio 5:16) at anim na beses sa Bagong Tipan (Mateo 15:4; 19:19; Marcos 7:10; 10:19; Lucas 18:20; Mga Taga Efeso 6:2). Ang utos na iyan ay ibinigay na walang kahit anong kondisyon. Hindi nito sinasabing, “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina kung sila’y mabuti sa iyo.” Hindi, simpleng sinasabi nito na igalang sila. Kapag nakakikita ka ng umiiyak na sanggol na kinukuha sa mga braso ng kanyang ina, hindi ba nito ito napapaalala sa iyo na ginawa iyan ng nanay mo sa iyo? Naisip mo ba kung anong ginawa ng nanay mo para sa iyo, pinapalitan ang iyong maduming lampin, binabantayan ka, nilalabhan at pinaplantsa ang iyong mga damit, pinapakain ka ng mga pananghalian, nanalangin para sa iyo, nag-aantay para sa iyo kung dumarating ka ng gabi, nag-aalala para sa iyo bilang kanyang mahal na kayamanan?

Pinasasalamatan ko ang Diyos na tinuruan ako ng nanay kong magsalita sa edad ng anim na buwan. Pinasasalamatan ko ang Diyos na binasahan niya ako noong ako’y may sakit na napaka dalas bilang isang batang lalake, na walang telebisyon noong mga araw na iyon. Nararamdaman ko ang kanyang kamay sa aking noo, at ang kanyang halik sa aking pisngi kahit ngayon, pagkatpos niyang mawala na ng maraming taon. Pinasasalamatan ko ang aking malambing na ina araw-araw. Ikaw rin ba? Kailan ang huling beses na sinabihn mo siya kung gaano mo siya kamahal?

Si Thaddeus Stevens ang isa sa pinaka makapangyarihang estadista sa panahon ng Digmaang Sibil. Siya’y pilay sa isang binti. Ang kanyang ina ay nagtrabaho umaga at gabi upang tulungan ang kanyang anak na magkaroon ng edukasyon. Noong siya’y naging isang matagumpay na abogado binigyan niya siya ng isang piraso ng ginto kada linggo upang ilagay sa pag-aalay na plato sa Bautismong simbahan na kanyang pinuntahan. Hanggang sa araw na ito, tuwing tagsibol at tag-init makahahanap ka ng mga rosas at iba’t ibang mga bulaklak na tumutubo sa kanyang libingan. Sa kanyang habilin si Thaddeus Stevens ay nag-iwan ng malaking halaga ng pera upang magpanatili ng mga bulaklak sa libingan ng kanyang ina palagi.

Sa isang bakuran ng simabahn sa Scotland ay isang bato sa libingan na pinatayo ng dakilang si David Livingstone, at kanyang mga kapatid. Ang mga salitang ito ay naka-ukit rito,

Upang ipakita ang lugar ng pahingahan ni
   Neil Livingstone
At Agnes Hunter, kanyang asawa
At upang ipahayag ang pasasalamat sa Diyos
   ng kanilang mga anak
Para sa mahihirap at makadiyos na mga magulang.

Ipinahayag ni Shakespeare ang lalim ng mortal na pagdurusa ni Haring Lear, kung saan ang matandang hari at ama ay sumisigaw, “Mas matulis kaysa ngipin ng serpyente ito na magkaroon ng walang pasasalamat na anak.” Ang pagkawalang pasasalamat ay palaging masama, ngunit mas karumaldumal kapag ipinapakita ng isang anak sa mga magulang nito. Sinabi ni Shakespeare,

Ang kawalan ng utang-na-loob,
Ikaw na marmol ang pusong demonyo,
Mas kasuklam-suklam, kapag ipinapakita mo sa isang anak,
Kaysa isang halimaw ng dagat!

Kailan ang huling bese na sinabi mo sa iyong ina na mahal mo siya? Kailan ang huling beses na pinasalamatan mo ang iyong ama para sa pagpapalaki sa iyo? Pagkawalan ng pasasalamat sa iyong mga magulang ay isang masama at malupit na bagay sa mga anak. “Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.”

II. Pangalawa, maraming mga di nagpapasalamat sa mga kaibigan at mga benepaktor.

Pinagaling ni Hesus ang sampung mga leproso at pinadala sila sa mga saserdote upang ideklara silang malinis. Ngunit ang isa sa kanila ay bumalik upang magbigay pasasalamat kay Hesus. Sinabi ng Tagapagligtas, “Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?” (Lucas 17:17-18).

Natatandaan natin ang mga pinsala at mga insult, ngunit napaka kaunti sa atin ang nakatatandang magpasalamat doon sa mga tumulong sa atin. Bilang isang batang dumaan sa napaka raming mga kahirapan at mga pagsubok, ako’y laging nagugulat kapat mayroong isang tumutulong sa akin o nagpapalakas ng aking loob. Ngayong umaga nagbibigay pasasalamat ako sa Diyos para doon sa mga gumawa nito. Natatandaan ko si Dr. at Gng. Henry M. McGowan, na unang nagdala sa akin sa isang Bautistang simbahan, at pinayagan akong magpunta sa kanilang tahanan gabi-gabi, noong ako’y nawawala at nag-iisang binata. Natatandaan ko si Gg. Ray Phillips, na unang nagturo sa aking magsalita sa publiko. Natatandaan ko si Murphy at Lorna Lum, na malugod akong tinanggap noong ako lamang ang nag-iisang putting batang lalake sa isang Tsinong simbahan. Natatandaan ko si Gng. Gwen Devlin, na pagkatapos na ang lahat ay umalis na kung saan ako nagtrabaho, ay pinalakas ang aking loob araw araw na magpatuloy magpunta sa kolehiyo ng gabi, kapag nararamdaman ko nang hindi na ako makapatutuloy pa. Natatandaan ko si Gg. Gene Wilkerson, ang aking kaibigan ng limampu’t limang taon. Anong ginhawang malaman na makapupupunta ako sa kanyang apartment kahit anong gabi at matulog kung wala ako mapupuntahan. Isang kaisipan ay maaring mukhang kakaiba para sa isang taong mayroong laging lugar na matutulugan. Ngunit para sa isang mahirap na batang lalakeng tulad ko, ito’y isang tunay na kaginhawaan na magkaroon ng isang kaibigan tulad ni Gg. Wilkerson. Natatandaan ko si Dr. Timothy Lin. Maraming beses na siya’y lubos na mahigpit sa akin, ngunit kung wala siya wala ako ngayon. Minahal ko siya ng aking buong puso dahil itinuro niya sa akin ang halos lahat ng bagay ng alam kong tungkol sa ministro. Natatandaan ko ang aking asawa na laging nariyan, na laging nagmamahal, na laging tumutulong, na laging nag-aalay. Natatandaan ko si Dr. Cagan, ang pinakamamahal kong matalik na kaibigan na aking kailan man nagkaroon. Natatandaan ko ang bawat isa ng mga “39,” ang mga taong nagsakripisyo upang hindi natin mawala ang gusali ng simbahan. Ang mga ito at ang iba pa, na aking palaging sinasadyang binibigyang pasasalamat ng madalas sa aking mga panalangin. Gumawa ka na ba kailan man ng isang listahan tulad niyan? Sinabihan mo ba kailan man ang mga taong tulad ng mga iyan kung gaano ka nagpapasalamat para sa kanila?

Bilang isang batang lalake, na mayroong kakaunting mga tao na magbibigay lakas ng loob o makatutulong sa akin, ako’y nananaig ng utang na loob na pinasasalamatan ko ang mga tao, tulad noong mga binanggit ko, paulit-ulit sa aking buong buhay. Ito’y nakapaiinit ng pusong gawin. Lagi nitong ginagawang maigi ang aking pakiramdam na pasalamatan sila. At nirerekomenda kong gawin mo rin ito! Ang isang mabuting kaibigan, at isang tunay na guro, ay halaga ng presyo ng ginto!

Ito’y hindi ang sundang ni Brutus, kundi ang walang utang na loob na puso ni Brutus, na pumatay kay Caesar. Gaya ng paglagay nito ni Shakespeare,

Dahil noong makita ng marangal na Caesar siyang masaksak,
Kawalang ng utang na loob, mas malakas kaysa mga braso ng traidor,
Ay dinaig siya: tapos pinasabog ang kanyang makapangyarihang puso;
At, sa kanyang kappa pinahihina ang tunog ng kanyang mukha,
Kahit sa paanan ng estatwa ni Pompey,
Na sa lahat ng oras na ito ay umaagos ang dugo ng dakilang Caesar ay bumagsak,
     – (Isinalin mula kay Julius Caesar, III, 2.)

Palagi akong nabibigla at lubos na nalulungkot sa mga iyong “kumuha” mula sa mga tao sa ating simbahan – at tapos ay lumisan na walang pagsasabi ng pasasalamat. Iniisip ko ang isang pinuno sa ating simbahan na pinag-aral, gayon din ang kanyang asawa, ngunit lumisan na walang salita ng pasasalamat, at pinaghiwalay ang simbahan. Iniisip ko ang isang binatang lubos na tinulungan ng aking ina, ngunit lumisan isang gabi, at ninakaw ang mga regalo ng nanay ko mula sa kanyang kasal, isang set ng pilak na mga kutsiyo at tinidor, at napa-iyak siya, dahil inisip niya siyang pangalawang anak. Tulungan ka ng Diyos na di kailan man maging isang duwag na walang utang na loob tulad niyon! Nagtataka ako kung paano nagagawang ituring ng mga ganoong uri ng mga tao ang kanilang mga sariling miyembro ng lahi ng tao! Kasuklam-suklam! Sa mga ganoong uri ng mga tao sinabi ni Apostol Pablo,

“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang” (Mga Taga Roma 1:21-22).

“Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.” Dapat akong huminto rito ng ilang sandal at pasalamatan si Dr. Clarence Macartney (1879-1957), isang makadiyos na Presbiteryanong pastor, para sa ideya ng sermon ito, at para sa ilang mga ilustrasyon. Si Dr. Macartney ay namatay noong 1957.

III. Pangatlo, maraming mga di nagpapasalamat sa Diyos.

Ang Apostol Pablo ay nagsabi na ang mga Gentil ng mundo ay naging mga pagano dahil nabigo silang mapa luwalhati ang Diyos, at magbigay pasasalamat sa Kanya. Sa bansa ng mga Gentil sinabi niya,

“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim” (Mga Taga Roma 1:21).

Pagkawala ng utang na loob ay isang kasalanan laban sa Diyos. Madalas nating malimutan na pasalamatan ang Diyos para sa mga pagpapala na Kanyang ibinigay sa atin. Iyan ay isang kasalanan. Sinabi ni Apostol Pablo, “Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo” (I Mga Taga Tesalonica 5:18).

Ang aking nanay ay hindi napagbagong loob hanggang sa siya’y naging 80 taong gulang. Siya’y naging malungkot at malumbay tungkol sa buhay, ngunit ang lahat ng iyan ay nagbago noong siya’y sa wakas nagpunta kay Hesus at napagbagong loob. Sa aking pinaka huling pakikipag-usap sa kanya, nakita ko kung paano nabago ni Kristo ang kanyang puso. Doon sa ospital, dumaan sa isang malaking operasyon. Ngunit siya’y umaapaw sa pasasalamat sa Diyos, kahit na hinaharap niya ang kamatayan. Nag-usap kami patungkol sa kanyang paboritong presidenteng si Lincoln. Pinag-usapan namin ang tungkol sa kanyang paboritong okasyon ang Pagbibigay Pasasalamat. Kinanta niya ang kanta kasama ko,

Kapag sa gumugulong na alon ng buhay ika’y sigwang naitatapon,
   Kapag ika’y nahihinaang loob, iniisip na ang lahat ay wala na,
Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, panalanan mo si isa-isa,
   At magugulat ka kung anong nagawa ng Panginoon.
(“Bilangin ang Iyong mga Pagpapala.” Isinalin mula sa
      “Count Your Blessings” ni Johnson Oatman, Jr., 1856-1926).

Tapos sinabi ni Nanay, “Robet, tunay na nakagugulat kung anong nagawa ng Diyos para sa atin!” Kahit na siya’y nasa ospital na hinaharap ang kamatayan, binigyan siya ng Diyos ng isang mapagpasalamat na puso para sa maraming mga pagpapala na ibinigay Niya sa atin.

Habang aking isinusulat ang bahaging ito ng sermon isang babae ang tumawag sa akin nag-aalala patungkol sa kanyang anak na napunta na sa kasalanan. Binasa ko sa kanya kung ano ang sinabi ko patungkol sa aking nanay. Sinabi ko sa kanya magbigay pasasalamat ka na ang iyong anak ay buhay pa, na maari ka pang magdasal para sa kanya, na marami siyang mga pagpapala sa sarili niyang buhay, na masasabi ng Apostol Pablo, “Sa lahat ng bagay magbigay pasalalamat” kahit na dumaan siya sa napaka raming mga pagsubok at pagghihirap sa kanyang ministro.

Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, panalanan mo si isa-isa,
   At magugulat ka kung anong nagawa ng Panginoon..

Ang pinaka dakilang regalo na ibinigay ng Diyos sa atin ay ang Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo. Si Pablo ay mayroong malawak na bokabularyo, ngunit kapag nagsalita Siya patungkol kay Hesus, ang nabibigo siya ng kanyang mga salita. Ang lahat na kanyang masasabi ay, “Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi” (II Mga Taga Corinto 9:15).

Si Pastor Richard Wurmbrand ay gumugol ng 14 taon sa Rumanyang Komunistang bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Maraming buwan ng pagkakabilanggong mag-isa, maraming taon ng pisikal na pagpapahirap, patuloy na paghihirap mula sa pagkagutom at lamig, ang dalamhati ng pagmamanipula ng isipan at mental na kalupitan, ay naranasan ni Pastor Wurmbrand. Paano niya pinagdaanan ang lahat ng iyan at maging matagumpay na Kristiyano pa rin? Sinabi niya,

Kung ang puso ay malinisan sa pamamagitan ng pag-ibig ni Hesu-Kristo, kung ang puso ay umiibig sa Kanya, ang isa ay matitiis ang lahat ng pagpapahirap…Kung minahal mo si Kristo gaya ni Maria, na nagkaroon si Kristo bilang isang sanggol sa kanyang mga braso…gayon kaya mong matiis ang ganoong uri ng mga pagpapahirap (Isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Th.D., Pinahirapan para Kay Kristo [Tortured for Christ], Living Sacrifice Books, 1998 edisiyon, p. 38).

Kaya ang tanong ay talagang bumabagsak rito – iniibig mo ba si Kristo? Kung oo, mapasasalamat mo ang Diyos para sa Kanyang Anak anomang pagsubok ang dumating sa iyo. Ngunit kung hindi mo minamahal si Kristo, gayon malapit o maya maya dadalhan ka ng buhay ng mga sakit sa puso na uubos sa iyo ng lahat ng pag-asa.

Nagmamakawa ako ngayong umaga na magpunta kay Hesus at magtiwala sa Kanya, ano mang mangyrai, maari mong sabihin kasama ng Apostol, “Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.” Ang tunay na pagbibigay pasasalamat ay nanggagaling mula sa mga puso noong naranasan ang pag-ibig ni Kristo, na namatay sa Krus upang magbayad para sa ating mga kasalanan at bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay at pag-asa na nananaig sa mundo.

Mag-sitayo at kantahin ang himno bilang tatlo sa inyong papel. Ito ang paboritong himno ng aking nanay.

Kapag sa gumugulong na alon ng buhay ika’y sigwang naitatapon,
   Kapag ika’y nahihinaang loob, iniisip na ang lahat ay wala na,
Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, panalanan mo si isa-isa,
   At magugulat ka kung anong nagawa ng Panginoon.
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa-isa,
   Bilangin ang iyong mgpagpapala, tignan kung anong nagawa ng Diyos;
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa’t isa,
    Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala,
Tignan kung anong nagawa ng Diyos.

Ikaw ba’y nabibigatan kailan man dahil sa bigat ng pinakakaabalahan?
   Ang krus ba’y mukhang mabigat na ika’y tinawag upang buhatin?
Bilangin ang iyong mga pagpapala, ang lahat ng pagdududa ay lilipad,
   At ika’y kakanta habang ang mga araw ay dumadaan.
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa-isa,
   Bilangin ang iyong mgpagpapala, tignan kung anong nagawa ng Diyos;
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa’t isa,
   Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala,
Tignan kung anong nagawa ng Diyos.

Kapag tinitignan ko ang iba kasama ng kanilang mga lupain at mga ginto,
   Isipin na ipinangako sa iyo ni Kristo ang Kanyang kayamanang di masasabi;
Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, di mabibili ng pera
   Ang iyong gantimpala sa langit, o iyong tahanan sa itaas,
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa-isa,
   Bilangin ang iyong mgpagpapala, tignan kung anong nagawa ng Diyos;
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa’t isa,
   Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala,
Tignan kung anong nagawa ng Diyos.

Kaya, sa gitna ng kaguluhan matindi man o maliit,
   Huwag kang mapaghihinaang loob, ang Diyos ay sa ibabaw ng lahat;
Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, magsisilbi ang mga anghel,
   Tulong at ginhawa ibibigay sa iyo sa katapusan ng iyong paglalakbay.
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa-isa,
   Bilangin ang iyong mgpagpapala, tignan kung anong nagawa ng Diyos;
Bilangin ang iyong mga pagpapala, pangalanan sila isa’t isa,
   Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala,
Tignan kung anong nagawa ng Diyos.
    (“Bilangin ang Iyong mga Pagpapala.” Isinalin mula sa
        “Count Your Blessings” ni Johnson Oatman, Jr., 1856-1926).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Colosasa 3:12-15.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dakila ang Iyong Katapatan.” Isinalin mula sa
“Great is Thy Faithfulness” (ni Thomas O. Chisholm, 1866-1960).


ANG BALANGKAS NG

ANG TAONG NAKALIMOT MAGPASALAMAT –
ISANG PAGBIBIGAY PASASALAMAT NA PANGARAL

(PANGARAL BILANG 65 SA AKLAT NG GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya” (Genesis 40:23).

(II Ni Timoteo 3:1-2)

I.   Una, marami ay di mapagpasalamat sa kanilang mga magulang;
Exodo 20:12; Deuteronomio 5:16; Mateo 5:4; 19:19;
Marcos 7:10; 10:19; Lucas 18:20; Mga Taga Efeso 6:2.

II.  Pangalawa, maraming mga di nagpapasalamat sa mga kaibigan at
mga benepaktor, Lucas 17:17-18; Mga Taga Roma 1:21-22.

III. Pangatlo, maraming mga di nagpapasalamat sa Diyos,
Mga Taga Roma 1:21; I Mga Taga Tesalonica 5:18;
II Mga Taga Corinto 9:15.