Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG IYONG PAGKAKATAKDA SA KAMATAYAN

YOUR APPOINTMENT WITH DEATH
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-11 ng Nobyembre taon 2012

“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).


Isa sa mga pinakadakilang pangangailangan ng oras na ito ay ebanghelistikong pangangaral. Noong ako’y isang bata maririnig mo ito sa lahat ng lugar. Ito ang pinaka karaniwang bagay sa mundo na makarinig ng isang taong mangaral ng Ebanghelyo. Ngunit hindi na iyan totoo. Mayroong higit na pagtuturo ng Bibliya ngayon. Mayroon ding higit ng tinatawag na “musika” at tinatawag na “pagsasamba.” Mayroon din higit na pagpapasaya sa marming mga simbahan. Ngunit ang ebanghelistikong pangangaral ay napaka bihirang marinig sa ating mga pulpit ngayon. Maraming mga dahilan para rito, ngunit hindi ako makapupunta sa mga ito ngayong umaga. Sapat nang sabihin na ang ibibigay ko sa iyo ay isang ebanghelistikong sermon. Naniniwala ako na ang bawat ipinanganak muling Kristiyano ay nangangailangang makarinig ng ebanghelistikong pangangaral – at marinig ang ganoong uri ng pangangaral na madalas. Bakit ko sinasabi iyan? Dahil hinarap tayo ng ebanghelistikong pangangaral ng mga dakilang problema ng buhay at kamatayan. Ito rin ay pangangaral na nagpapaalala sa atin ng pinaka diwa ng Ebanghelyo. At lahat tayo ay kailangang paalalahanin ng mga problema ng buhay at kamatayan ng Ebanghelyo. Pinapanatili tayong malapit kay Kristo na makarinig ng pangangaral ng Ebanghelyo.

Kailangang marinig ng nawawala ang ebanghelistikong pangangaral rin. Ang “pagpapaliwanag ng pangangaral” ang katawagan ay hindi ipinapaharap sa nawawalang mga tao ng kanilang mga kasalanan, at kanilang pangangailangan para kay Kristo. Isa sa mga paghahatol na ipinadala ng Diyos sa makasalanang panahong ito ay isang pagkagutom ng pangangaral ng Ebanghelyo. Isinipi ng propetang si Amos ang Diyos. Sinabi niya, “Ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amos 8:11). Hindi niya sinabi na magkakaroon ng isang kagutoman ng mga salita, kundi pagkagutom ng “pagkarinig ng mga salita ng Panginoon. Sinabi ni Mathew Henry, “Magkakaroon sila ng naisulat na salita, mga Bibliya mababasa, ngunit walang mga ministor na…upang magsasagawa sa nito sa kanila.” Ito’y sa pamamagitan ng ebanghelistikong pangangaral na ang mga salita ng Ebanghelyo ay maisasagawa sa mga puso at isipan ng tao. Simpleng pagtuturo ng BIbliya ay hindi magagawa ito. Ang ebanghelistikong pangangaral lamang ang makagagawa nito. Kinukuha ang atensyon ng nawawala ng ebanghelistikong pangangaral, at ginagawa silang marinig ang Salita ng Panginoon. At mayroong matinding pagkagutom ng uri ng pangangaral na iyan ngayon! Ito’y isang paghahatol mula sa Diyos sa ating bansa at ating mundo.

Ang sermon ay napaka simple, gaya ng lahat ng tunay na ebanghelistikong pangangaral ay simple. Sa katunayan, ang sermon na ito ay hinango mula sa Mga Simpleng mga Sermon sa Lumang-Panahong Relihiyon [Simple Sermons on the Old-Time Religion], ni Dr. W. Herschel Ford (Zondervan, 1972 edisyon, pahina 105-112). Ito’y isang simpleng sermon sa kamatayan – ang kamatayan na hinarap ng bawat tao na nakikinig sa akin ngayong umaga. Sinasabi ng teksto,

“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).

Ako’y nasa San Francisco noong huling Biyernes. Nagpunta ako doon upang puntahan ang libing ng isang minamahal na kaibigan. Namatay siya mula sa kanser ilang araw lang ng mas maaga. Habang ako’y papalapit sa kanyang kabahong, napansin ko na pininturahan ng direktor ng libing ang kanyang mukha, binibigyan ito ng isang buhay na liwanag. Inilagay nila ang kanyang katawan sa isang nilinyahan ng satin na kabaong. Naglagay sila ng magagandang mga bulaklak sa buong paligid. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, ngunit ang kamatayan ay di kailan man maganda. Ito’y palaging terible. Huwag mong hayaan na ang kahit sino na sabihin sa iyo na hindi ito! Ang kamatayan ay kalaban ng tao. Tinatawag ng Bibliya ang kamatayan na “Ang kahulihulihang kaaway” (I Mga Taga Corinto 15:26). At gayon man ito’y isang kaaway dapat mo itong harapin dahil “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27). Dahil ikaw ay mamamatay, kailangan mong malaman kung anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan.

I. Una, sinasabi sa atin ng Bibliya ang pinanggalingan ng kamatayan.

Ang Hardin ng Eden ay maganda, ganap na lugar upang tirhan ng tao. Ang kasalanan at kamtayan ay di kailan pumasok roon. Tapos sinabi ng Diyos kay Adam,

“Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:16-17).

Ngunit si Adam at Eba ay sumuway sa Diyos, kinain noong ipinagbabawal na prutas, at namatay sa espiritwal sa sandaling iyon. Tapos ang pisikal na kamatayan ay nagsimulang kumilos sa kanilang mga katawan.

Mayamaya inilista ng Diyos ang siyam na mga kalalakihan mula kay Adam papunta kay Noe. Si Enoch ay binago papunta sa Langit. Ngunit anong sinabi ng Bibliya patungkol sa natitira? “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” “Namatay siya.” Sinasabi ng Diyos sa atin kung anong ibig Niyang sabihin noong sinabi Niyang, “Walang pagsalang mamamatay ka.” Tapos basahin ang kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. “Nabuhay sila…Nahari sila…Namatay sila.” Sinabi ng Diyos kay Moses, “Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit” (Deuteronomio 31:14). Sinabi ng Diyos kay Haring Hezekiah, “ikaw ay mamamatay” (Isaias 38:1).

Madalas na nagsalita si Hesus patungkol sa kamatayan. Nagsalita Siya tungkol sa isang mayamang lalake na namatay at nagpunta sa Impiyerno (Lucas 16:19-31). Nagsalita siya tungkol sa isang mayamang lalake na namatay sa kanyang pagkatulog (Lucas 12:13-21). Nagsalita Siya tungkol sa mga Fariseo na mamamatay sila sa kanilang mga kasalanan (Juan 8:24).

Sinasabi ng Bibliya sa atin na ang kamatayan ay dumarating dahil sa kasalanan. Kapag ang unang tao ay nagkasala ang kamatayan ay naipapasa sa kanilang mga anak. Ikaw at ako ay mayroon na ng mga buto ng kamatayan sa ating mga katawan. Mga ngipin nabubulok. Ang buhok ay nagsisimulang malagas. Tapos nagiging puti. Ang ating mga mata ay nagiging mahina. Ang mga selula ng kanser ay nagsisimulang mabuo sa ilan, ang ating mga laman ng mga puso ay nagsisimula humina sa iba, ang mga presyon ng dugo ay tumataas. Nakakita na ako ng mga batang mamatay mula sa kanser, lukemya, at ibang mga karamdaman. Sinoman ikaw, ang kamatayan ay papunta sa iyong direksyon. “itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).

Higit sa negosyo ng isang plorero ay nanggagaling mula sa mga bulaklak para sa patay. Ang nagbebenta ng insyurans ay nabebenta ang kanyang mga polisiya sa pamamagitan ng pagpapatunay na tayo’y namamatay. Ang mga krus sa mga haywey ay naghahayag ng mga kamatayan sa trapiko. Libo-libo ng lahat ng edad ay namamatay tuwing taon sa iba’t ibang uri ng aksidente. Libo-libong pang higit ang pumapatay ng kanilang sarili. Sa mga lumang panahon ang mga arkitek ay sinusundan ang alituntuning ito, “Gawin ang lahat ng mga pintuan sapat na malawak upang maikakasya ang isang kabaong.”

Ngunit maari mong sabihin, “Ang lahat ng mga katunayang ito ay hindi nakapananakot sa akin.” Hindi rin nila ako natatakot dahil inilagaya ko ang aking pag-asa kay Kristo, na nalupig ang kamatayan. Ngunit kung hindi ka pa nagiging naipanganak muling Kristiyano dapat kang magkaroon ng sapat na pag-unawa upang matakot! Tatapusin ng kamatayan ang lahat ng iyong mga pagkakataong maligtasa. At tandaan ito – ang kamatayan ay maaring malapit nang dumating sa iyo. Ang iyong nilinyahan ng sutlang kabaong ay maaring nag-aantay sa purenarya ngayon! Nakilala ko ang isang binata na tinawanan ang aking mga sermon. Umupo siya sa likuran ng simbahan habang nagbabasan ng komiks, na nakatago sa isang malaking Bibliya, habang ako’y nangangaral. Isang araw or dalawa maya-maya, nakita ko ang kanyang malamig, matigas na katawan na nakahiga sa isang kabaong. “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27). Isang lumang kanta ang nagsasabi nito ng mahusay,

Ang oras ay ngayo’y napaparam, ang mga sandali ay dumaraan,
   Dinaraanan ka mula sa akin;
Ang mga anino ay nagpupulong, mga kamang kamatayan ay parating,
   Parating para sa iyo at para sa akin.
Umuwi, umuwi, Kayong napapgod, umuwi;
   Masugid, malambot, si Hesus ay tumawag,
Tumatawag, O makasalanan, umuwi!
   (“Mahinhin at Malambot” Isinalin mula sa “Softly and Tenderly”
        ni Will L. Thompson, 1847-1909).

II. Pangalawa, sinasabi ng Bibliya sa atin kung anong nangyayari pagkatapos ng kamatayan.

Anong nangyayari sa isang naipanganak muling Kristiyano sa kamatayan? Sinabi ni Apostolo Pablo ang “mawala sa katawan” ay “mapasa tahanan na kasama ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 5:8). Kapag ang mga Kristiyano ay namamatay ang kanyang katawan ay napupunta sa libingan, ngunit ang kanyang espiritu (kanyang kaluluwa) ay nagpupunta upang makasama ng Panginoon. Sinabi ni Hesus sa namamatay na magnanakaw, na naligtas, “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:43). Kaya ang kamatayan ay hindi nakaka pagpatakot sa isang muling naipanganak na Kristiyano. Ang babaeng pinuntahan ko ang libing noong huling Biyernes ay alam na namamatay siya mula sa kanser noong ang aking asawa at ako ay binisita siya ilang linggo ang nakalipas. Ngunit tumawa siya kasama naming at ngumiti ng marami. Nakita naming ang kapayapaan na mayroon siya dahil siya ay isang tunay na Kristiyano. Isang pribilehyo na basahin ang kwento ng kanyang buhay sa kanyang memorial na paglilingkod, na may daan-daang mga taong naroon, noong huling gabi ng Biyernes.

Ngunit anong nangyayari sa di napagbagong loob na tao sa kamatayan? Sa ika-labing anim na kapitulo ng Lucas, ating mababasa, “Namatay naman ang mayaman, at inilibing. At sa Hades [Impyerno] na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata” (Apocalipsis 16:22, 23). Ang namamalayang pagdurusa sa Impiyerno ay nanggagaling mula sa kamatayan doon sa mga tinatanggihan si Kristo, at hindi naipanganak muli. Ang kanilang mga katawan ay napupunta sa libingan. Ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay napupunta sa isang lugar ng walang katapusang pagdurusa. Sinabi ni Hesus, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46). Ang “kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre” (Apocalipsis 21:8). “At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi…” (Apocalipsis 14:11).

Mayroon bang isa pang pagkakataon pagkatapos ng kamatayan? Malinaw na ibinibigay ng Bibliya ang isang empatikong “hindi.” Sinabi ni Abraham sa tao sa Impiyerno,

“May isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin” (Lucas 16:26).

Ang nawawalang tao sa walang hanggan ay mapupunta sa maling panig ng bangin sa pagitan ng Langit at Impiyerno. Tinatawag ka ni Kristo na magpunta sa Kanyang ngayon. Pagkatapos hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon ayon sa Bibliya.

III. Pangatlo, nagbabala ang Bibliya ng biglaang pagkamatay.

Higit na kalahati sa lahat ng mga kamatayan ay mga biglaang kamatayan. Aksidente sa awtomobil, mga pagpatay, mga pagpatay sa sarili, digmaan, at mga atake sa puso ay lahat biglaan. Ang malaking karamihan noong namamatay ng ganitong paraan ay walang oras upang magsisi at magtiwala kay Kristo. Lumilisan sila mula sa buhay na ito upang harapin ang Diyos na di handa. Sinasabi ng Bilbiya,

“Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan” (Mga Kawikain 29:1).

Nangangaral na ako ng halos 55 mga taon. Muli’t muli, ng maraming taon, nakakita ako ng mga taong bigalang namamatay na di handa upang harapin ang Diyos. Muli’t muli tinatawagan akong isagawa ang libing na paglilingkod para sa isang tao na namatay na di ligtas. Palaging mahirap isagawa ang ganoong paglilingkod. Imposibleng magbigay ng pag-asa doon sa mga nagluluksang mga kamag-anak sa mga matrahedyang sitwasyon tulad nito. Lahat ng aking magawa ay ang ipangaral ang Ebanghelyo doon sa mga nabubuhay pa rin.

Kung ika’y mamamatay ng bigla sa mga darating na mga araw, anong mangyayari sa iyo? Masasabi mo ba kasama ni Apostol Pablo, “Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang?” (Mga Taga Filipo 1:21). O magpupunta ka sa walang hanggan na walang pag-asa na makasama si Kristo? Ito ba’y Langit o Impiyerno para sa iyo? Iyan ay isang seryosong tanong, ang pinaka seryosong tanong na ika’y maihaharap kailan man, dahil “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).

Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang buong multa ng iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Ngunit dapat kang magawang maramdaman ang iyong kasalanan, at ang iyong pangangailangan para kay Kristo. Dapat kang tumalikod mula sa isang makasarili at makasalanang paraan ng buhay. Dapat mong maranasan si Kristo sa isang nakakapagpabagong buhay na pagbabagong loob. Kung iyan ay mangyayari sa iyo, mayroong pag-asa. Kung hindi, walang pag-asa – wala kung anoman. Kung gayon binabalaan kita na magparito sa simbahan kada umaga ng Linggo at kada gabi ng Linggo upang marinig ang Ebanghelyo, upang magkaroon ng mga Kristiyanong mga taong manalangin para sa iyo, upang pumasok sa pagkikisama ng simbahan, upang pumasok sa tunay na relasyon kay Kristo, at sa simbahan. Sinasabi ng Bibliya,

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Panalangin naming na ika’y maging isa sa aming inililigtas ni Hesus mula sa walang pag-asang buhay at isang walang pag-asang kamatayan. Amen.

Hihingin ko ikaw na magpunta at tumayo rito sa harapan ng pulpit kung ika’y di tiyak na ika’y ligtas. Kapag ika’y nagpunta na, dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan kakausapin kita at magdadasal para sa iyo, at bibigyan ka ng isang sulating babasahin. Paki lipat sa himno bilang pito sa inyong papel pangkanta. Habang kami’y kumakanta umalis sa iyong upuan at magpunta at tumayo rito sa harapan, at magpunta agad-agad.

Mahinhin at malambot si Hesus ay tumatawag,
   Tumatawag para sa iyo at para sa akin;
Tignan sa mga pasukan Siya’y nag-aantay at nagbabantay,
   Nagbabantay para sa iyo at para sa akin.
Umuwi, umuwi, Kayong nagpapagod umuwi;
   Masugid, malambot, si Hesus ay tumawag,
Tumatawag, O makasalanan, umuwi!

Bakit tayo dapat magbalam kung si Hesus ay nagmamakaawa,
   Nagmamakaawa para sa iyo at para sa akin?
Bakit tayo dapat nagpapatagal hindi mapansin ang Kanyang mga awa,
   Mga awa para sa iyo at para sa akin?
Umuwi, umuwi, Kayong nagpapagod umuwi;
   Masugid, malambot, si Hesus ay tumawag,
Tumatawag, O makasalanan, umuwi!

Ang oras ay ngayo’y napaparam, ang mga sandali ay dumaraan,
   Dinaraanan ka mula sa akin;
Ang mga anino ay nagpupulong, mga kamang kamatayan ay parating,
   Parating para sa iyo at para sa akin.
Umuwi, umuwi, Kayong napapgod, umuwi;
   Masugid, malambot, si Hesus ay tumawag,
Tumatawag, O makasalanan, umuwi!

O para sa nakamamanghang pag-ibig na Kanyang ipinangako,
   Ipinangako para sa iyo at para sa akin!
Kahit na kami’y nagkasala, Mayroon Siyang awa at pagpapatawad,
   Pagpapatawad para sa iyo at para sa akin.
Umuwi, umuwi, Kayong napapgod, umuwi;
   Masugid, malambot, si Hesus ay tumawag,
Tumatawag, O makasalanan, umuwi!
    (“Mahinhin at Malambot.” Isinalin mula sa “Softly and Tenderly”
        ni Will L. Thompson, 1847-1909).

Dr. Chan, pumarito ka at manalangin para doon sa mga tumugon ngayong umaga (panalangin).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Mga Taga Hebreo 9:24-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mahinhin at Malambot.” Isinalin mula sa
“Softly and Tenderly” (ni Will L. Thompson, 1847-1909).


ANG BALANGKAS NG

ANG IYONG PAGKAKATAKDA SA KAMATAYAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).

(Amos 8:11; I Mga Taga Corinto 15:26)

I. Una, sinasabi sa atin ng Bibliya ang pinanggalingan ng kamatayan,
Genesis 2:16-17; Deuteronomio 31:14; Isaias 38:1; Lucas 16:19-31;
Lucas 12:13-21; Juan 8:24.

II.  Pangalawa, sinasabi ng Bibliya sa atin kung anong nangyayari
pagkatapos ng kamatayan, II Mga Taga Corinto 5:8;
Lucas 23:43; 16:22, 23; Mateo 25:46; Apocalipsis 21:8; 14:11;
Lucas 16:26.

III. Pangatlo, nagbabala ang Bibliya ng biglaang pagkamatay,
Mga Kawikain 29:1; Mga Taga Filipo 1:21; I Ni Timoteo 1:15.