Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG HINDI NAWAWASAK NA AKLAT THE INDESTRUCTIBLE BOOK ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nangyari nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito. Marahil ay maririnig ng sangbahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila; upang humiwalay bawa't isa sa kanila sa kaniyang masamang lakad; upang aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan” (Jeremias 36:1-3). |
Ang bansa ng Juda ay nagkasala laban sa Diyos. Ito ay isang panahon ng matinding kasalanan, apostasiya at rebelyon. Tayo na ngayon ay nabubuhay sa isang panahon na tulad niyan ngayong gabi. Ngunit sa gitna ng pagkakalito mayroon tayo nitong dakilang sipi ng Kasalutan, Jeremias kapitulo tatlompu’t anim.
Nabasa ko ang kapitulong ito muli’t muli habang ako’y nagpupunta sa isang tinantangihan ang Bibliyang seminary ng Katimugang Bautista noong mga maagang taon ng 1970. Sinasalakay ng mga propesor ang Bibliya ng buong umaga sa mga silid-aralan. Ngunit kapag ako’y bumabalik sa aking silid ako’y nagiginhawaan sa pagbabasa ng kapitulong ito gabi gabi. Ito’y ay isang dakilang kapitulo sa Bibliya. Sinasabi nito sa atin kung saan nanggaling ang Bibliya. Sinasabi nito sa atin na mga malulupit na mga tao ay kinamumuhian ang Bibliya, at kung paano nila sinusubukang sirain ito. Ngunit sinasabi rin nito kung paano prinepeserba ng Diyos ang Bibliya, at ang wakas na nag-aantay doon sa mga tumatanggi nito.
Hindi ako karaniwang nangagaral mula sa isang buong kapitulo ng Bibliya, ngunit kailangan nating gawin iyan ngayong gabi dahil ang siping ito ay napaka yaman, at napaka kinakailangan sa panahon ng apostasiya kung saan tayo ay nabubuhay ngayon. Sumama sa akin gayon, habang ating aralin ang kapitulong ito, na nagpapakita sa ating malinaw na ang Bibliya ay di nawawasak na Salita ng ating Diyos! Sinasagot ng kapitulo ang kahit kaunti ay apat ng mga tanong.
I. Una, saan nanggaling ang Bibliya.
Ang sagot ay ibinigay sa Jeremias 36:1-2. Tignan ang mga bersong iyon.
“At nangyari nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito.” (Jeremias 36:1-2).
Ang salitang ito ay dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, “Iyong isulat…ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo.” Ito ay isang paglalarawan ng inspirasyon ng Bibliya. Sinabi ni Apostol Pablo,
“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (II Ni Timoteo 3:15-16).
Dito sinasabi ng Apostol sa atin na lahat ng “[Banal na] mga Kasulatan” ay “kinasihan ng Dios.” Ang salitang “kinasihan” ay “theopneustos.” Ibig nitong sabihin “Hininga ng Diyos.” Ibig sabihin niyan na ang Kasulatan mismo ay ihininga mula sa Diyos. Sinabihan ni Pablo si Timoteo na ang mga kasulatan mismo ay ihininga ng Diyos. Ang mga kasulatan ay di nanggaling mula sa tao, at tapos hinihangan ng Diyos ang mga ito. Hindi, ihininga ng Diyos ang mga pinaka salita at ginawa ang taong isulat ang mga ito.
Ginawa itong malinaw ni Hesus noong sinabi Niya, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Ang bawat salita ng Kasulatan “lumalabas sa bibig ng Dios.”
Tapos, sa II Ni Pedro 1:21 ating mababasa na ang propesiya ng Kasulatan “hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.” Ang salitang isinaling “nangaudyokan” ay “phero” sa Griyego. Ibig nitong sabihin ay “pagbubuhat.” Kaya, ang mga banal na mga tao ng Diyos ay binuhat ng Banal na Espiritu habang ibinigay sa kanila ng Diyos ang mga salita upang isulat. Ibinuhat ng Diyos ang mga isipan ng mga propeta upang ang mga salita na kanilang isinulat ay ibinigay direkta mula sa Diyos. Sinabi ni C. H. Spurgeon,
Ang kabuuan [ng Kasulatan] ay ang pagsusulat ng nabubuhay na Diyos: ang bawat letra ay isinulat ng isang makapangyarihang daliri; bawat salitang narito ay nahulong mula sa mga walang hangganang labi; bawat pangungusap ay idinikta ng Banal na Espiritu. Kahit na si Moses ay ginamit upang isulat ang kanyang mga kasaysayan gamit ang kanayang umaapoy panulat, ginabayan ng Diyos ang panulat na iyon, [at kaya ito’y ganito sa bawat aklat sa Bibliya]. Ito’y ang tinig ng Diyos, hindi ng tao; ang mga salita ay mga salita ng Diyos…Ang Bibliyang ito ay ang Bibliya ng Diyos, at kapag akin itong nakikita, mukhang nakaririnig ako ng isang tinig na lumilitaw mula rito, na nagsasabing, “Ako ang aklat ng Diyos: tao, basahin mo ako. Ako’y ang sulat ng Diyos; buksan ang aking pahina, dahil ako’y isinulat ng Diyo; basahin ito, dahil siya ang aking may-akda” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Isang Kaban ng mga Hiyas Tungkol sa Bibliya” [“A Coffer of Jewels About the Bible”], pahina 45-46).
Ang Panginoong Hesu-Kristo ay patuloy na nagsalita tungkol sa Bibliya bilang isang ganap at walang katapusang Salita ng Diyos. Sinabi Niya, “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas” (Mateo 24:35). Sinabi Niya, “Hindi mangyayaring sirain ang kasulatan” (Juan 10:35). Sinabi Niya, “Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama…” (Marcos 8:38).
Pansinin, sa Jeremias 36:2, na sinabi ng Diyos sa kanyang propeta, “iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo.” Kaya rito, at sa buong Bibliya, tayo ay sinabihan na iyan ay ang pinaka “salita” na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Diyos. Hindi ito mga ideya, o mga kwento, na ibinigay sa pamamagitan ng insipirasyon. Hindi, ito’y ang banal na mga “salita” na “hininga ng Diyos,” ibinigay mula sa bibig ng Diyos. Sa Jeremias 30:2, ating mababasa na sinabi ng Diyos kay Jeremias, “Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.”
Kaya ating hinahawakan sa ating mga kamay ang Bibliya, isinalin sa Ingles. Matitiyak natin, na mula sa daan-daang mga Kasulatan, na ang orihinal na Hebreo at Griyegong mga salita ay “ihiniga” ng Diyos, at ang mga taong may-akda ay nagsulat ng mga saktong Hebreo at Griyegong mga salita na kanilang natanggap mula sa Diyos. Pansinin na sinabi ni Baruch sa berso 18, “Kaniyang [si Jeremias] sinalita ang lahat na salitang ito sa akin ng kaniyang bibig, at aking isinulat ng tinta sa aklat.” Ibinigay ng Diyos ang mga salita kay Jeremias. Isinalita ang mga ito gamit ng kanyang bibig. At isinulat ni Baruch ang mga ito. Ganyan natin nakuha ang hininga ng Diyos na Bibliya!
Sinabi ni Dr. B. B. McKinney sa isa sa kanyang mga kanta,
Alam ko na ang Bibliya ay ipinadala mula sa Diyos,
Ang Luma, gayon din ang Bago;
Kinasihan at banal, na nabubuhay na Salita,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
Alam ko, alam ko, alam ko ang Bibliya ay totoo,
Banal na kinasihan sa kabuuan nito,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
(“Alam Ko ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula sa
“I Know the Bible is True” ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).
II. Pangalawa, bakit ikinamumuhian ang Bibliya.
Huwag magkakamali rito. Ang Bibliya ay kinamumuhian ng di mabilang na libo ngayon – gaya noon pa man ng marami. Bakit iyan ganito? Tignan ang berso dalawa muli,
“Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito” (Jeremias 36:2).
Pansinin ang mga huling kaunting salita, “ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa…” Iyan ang dahilan kung bakit kinamumuhian ng mga tao ang Bibliya! Nagsasalita ito laban sa kanila! Kinamumuhian ng tao ang Bibliya dahil sinasabi nito sa kanila na sila’y mga makasalanan. Wala nang ibang aklat ang kailan man naisulat na nagkokondena ng kasalanan at tinutusok ang konsensya ng tao ng kasing higit ng Bibliya.
Kinamumuhian ng ateyista ang Bibliya dahil tinatawag siya nitong hangan – “Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios” (Mga Awit 14:1).
Ang nagsasamba ng mga idolong mga Budista ay kinamumuhian ang Bibliya dahil sinasabi nito na ang mga nagsasamba ng mga idolo ay mangmang “naging mga mangmang” (Mga Taga Roma 1:22).
Yoong mga tumataguyod ng parehong kasariang pagsasama ay kinamumuhian ang Bibliya dahil sinasabi nito, “Dahil dito'y… ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip” (Mga Taga Roma 1:26, 28).
Ang mga nagtataguyop ng aborsyon ay kinamumuhian ang Bibliya dahil sinasabi nito, “Huwag kang papatay” (Exodo 20:13).
Ang mga ebolusyonista ay kinamumuhian ang Bibliya dahil sinasabi nito, “Nilikha ng Dios” (Genesis 1:1;24;27, atb.).
Ang mga rebeldeng mga makasalanan ay kinamumuhian ang Bibliya dahil pinaliliwanagan nito ang kanilang kasalanan.
“At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19-20).
III. Pangatlo, anong ginagawa ng mga rebeldeng mga makasalanan sa Bibliya.
Ang balumbon, kung saan naisulat ang mga salita ng Diyos mula sa bibig ni Jeremias, ay binasa sa isang masamang hari, si Jehoiakim. Tignan ang berso 22.
“Ang hari nga ay nakaupo sa bahay na tagginaw sa ikasiyam na buwan: at may apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya. At nangyari, ng mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na dahon, na pinutol ng hari ng lanseta, at inihagis sa apoy na nasa apuyan, hanggang sa masupok ang buong balumbon sa apoy na nasa apuyan. At sila'y hindi nangatakot o hinapak man nila ang kanilang mga suot, maging ang hari, o ang sinoman sa kaniyang mga lingkod na nakarinig ng lahat ng salitang ito” (Jeremias 36:22-24).
Sinunog ng malupit at rebeldeng hari ang Salita ng Diyo, pahina kada pahina! Anong bago? Tiyak na hindi ang katunayan kinamumuhian ng mga makasalanan ang Bibliya! Ito’y kanilang noon pa man ay kinamumuhian. Sa Hardin ng Eden, matusong ibinulong ni Satanas kay Eba, “Tunay bang sinabi ng Dios?” (Genesis 3:1). Tapos direktang kinontra ni Satanas ang Bibliya noong nagsinungaling siya kay Eba at nagsabing, “Tunay na hindi kayo mamamatay” kung iyong susuwayin ang Salita ng Diyos (Genesis 3:4). At ginagabay ni Satanas ang mga masasamang mga kasalanang salakayin at paliitin ang Bibliya mula noon pa.
Madalas sabihin ng mga tao na kanilang tinatanggihan ang Bibliya dahil sila’y mas may pag-iisip o mas may pinag-aralan. Ngunit kanilang naloko lamang ang kanilang sarili. Ang tunay na dahilan na kanilang tinanggihan ang Bibliya ay dahil sila’y mga kalaban ng Diyos. Sinabi ng Apostol Pablo,
“Ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Ang mga nasa laman, di napagbagong loob na isipan ng mga namumuhi sa Bibliya ay nagdadala sa kanilang magrebelda ng higit-higit laban sa mga Kasulatan. Si Haring Zedekia ay hindi mas intelektwal kaysa kay Jeremias. At siya ay tiyak na hindi mas edukado! Hindi, hindi niya sinunog ang Bibliya dahil siya ay intelektwal o edukado! Sinunog niya ang Bibliya dahil ang kanyang masamang, naayon sa lamang isipan ay “pakikipagalit laban sa Dios.”
Nakarinig ako ng mga lasingero at mga adik ng droga na gamitin ang parehong argument laban sa Bibliya na ginamit ng mga di nananampalatayang mga propesor sa Bautistang Teyolohikal na Seminaryo ng Golden Gate noong ako’y nag-aaral doon noong mga 1970. Bakit ginagamit ng mga tinatawag ng mga “may pinag-aralang” propesor ang parehong mga argument laban sa Biblya na ginagamit ng mga adik sa droga at mga masasamang mga taong mapagtalik? Ang sagot ay simple. Sila’y di napagbagong loob. Sila’y mga “taong ayon sa laman” lamang dahil hindi nila kailan man naranasan ang bagong pagkapanganak! Sinasabi ng Bibliya,
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Hangga’t ang makasalanan ay mapagbagong loob, siya’y natural na magrerebelde laban sa Bibliya, at sasalakayin ito, gaya ng ginawa ng masamang hari, na itinapon ang Bibliya sa apoy sa araw ni Jeremias. Yoong mga sumalakay at pinuna ang Bibliya ay palaging mga di ligtas na mga tao, sa ilalim ng kahit kaunting dami ng panghahawak ni Satanas (Mga Taga Efeso 2:2). Sinabi ni McKinney,
Kahit na mga kalaban ay nagtatangi na may espiritung mapangahas,
Ang mensahe luma ngunit bago pa rin,
Ang katotohanan nito ay mas matamis bawat beses na ito’y sinasabi,
Alam ko na ang Bibliya ay totoo.
Alam ko, alam ko, alam ko ang Bibliya ay totoo,
Banal na kinasihan sa kabuuan nito,
Alam ko ang Bibliya ay totoo.
IV. Pang-apat, paano prinepeserba ng Diyos ang kanyang Salita.
Kumuha ng maliit na kutsilyo ang masamang si Haring Jehoiakim at ginupit gupit ang mga pahina ng Salita ng Diyo. Tapos itinapo niya ang mga pahina ng Bibliya sa dumadagundong na mga apoy sa kanyang dupungan. “At sila'y hindi nangatakot…maging ang hari, o ang sinoman sa kaniyang mga lingkod na nakarinig ng lahat ng salitang ito” (Jeremias 26:24). Patungkol sa mga masasama tayo ay sinabihan, “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18). Ang mga makasalanan ay madadala lamang sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan, at magawang matakot, sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyo. Ang mga tao ay di kailan man matatakot sa padating na paghahatol maliban nalang na buksan ng Diyos ang kanilang nabubulag na mga puso!
Ngayon ang nag-iisang kopya ng Jeremias ay nasunog – bawat isang salita nito! Iyon na ba ang katapusan ng bahaging ito ng Bibliya? Hindi, hindi ito! Tignan ang berso 27.
“Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias pagkatapos na masunog ng hari ang balumbon, at ang mga salita na sinulat ni Baruch na mula sa bibig ni Jeremias, na nagsasabi, Kumuha ka uli ng ibang balumbon, at sulatan mo ng lahat na dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda” (Jeremias 36:27-28).
Ngayon tignan ang berso 32.
“Nang magkagayo'y kumuha si Jeremias ng ibang balumbon, at ibinigay kay Baruch na kalihim, na anak ni Nerias, na sumulat doon ng mula sa bibig ni Jeremias ng lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Joacim na hari sa Juda…” (Jeremias 36:32).
Ang Bibliya ang nag-iisang aklat na hindi kailan man mawawasak! Bakit? Dahil ang aklat ay di mawawasak. Sinabi ni Apostol Pedro, “Ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man” (I Ni Pedro 1:25). Sinabi ng propeta Isaias, “Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man” (Isaias 40:8). At sinabi ng Psalmista, “Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit” (Mga Awit 119:89). Sinabi ni Dr. John R. Rice na ang bersong iyan (sa Mga Awit 119:89) ay “tiyak na nagtuturo ng walang hanggang karakter ng Kasalutan, namamalagi at prineserba sa Langit” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., AngAting Hininga-ng-Diyos na Aklat – Ang Bibliya [Our God-Breathed Book – The Bible], Sword of the Lord Publishers, 1969 edisiyon, p. 358).
Matitiyak ka na ang Ebanghelyo ay totoo dahil ang sinasabi ito ng Bibliya! At “ang salita ng Panginoon ay namamamlagi magpakailanman” (I Ni Pedro 1:25). Si Hesu-Kristo ay bumaba mula sa Langit, kinuha ang ating mga kasalanan sa Kanya, at nagpunta sa Krus upang mamatay – upang bayaran ang multa para sa iyong mga pagsusuway, at iyong mga kasalanan. At si Kristo “ay inilibing, at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:4). Tumalikod mula sa iyong mga kasalanan at magtiwala kay Kristo. Ililigtas ka Niya mula sa kasalanan, mula sa Impiyerno, at mula sa libingan. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 119:9-18.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Alam Ko ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula sa
“I Know the Bible is True” (ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).
ANG BALANGKAS NG ANG HINDI NAWAWASAK NA AKLAT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nangyari nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito. Marahil ay maririnig ng sangbahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila; upang humiwalay bawa't isa sa kanila sa kaniyang masamang lakad; upang aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan” (Jeremias 36:1-3). I. Una, saan nanggaling ang Bibliya, Jeremias 36:1-2; II. Pangalawa, bakit ikinamumuhian ang Bibliya, Jeremias 36:2; III. Pangatlo, anong ginagawa ng mga rebeldeng mga makasalanan sa IV. Pang-apat, paano prinepeserba ng Diyos ang kanyang Salita, |