Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DIYOS NA NAGKUKUBLI AT NAGLALANTAD NG SARILI THE GOD WHO HIDES AND REVEALS HIMSELF ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas” (Isaias 45:15). |
Ang taga Russong astronot na si Gherman Titov ay isang Komunista na itinanggi ang pagkabuhay ng Diyos ay bumalik mula sa kalakwakan. Sinabi niya “Ilang mga tao ay nagsasabi na mayroong Diyos sa kalawakan, ngunit sa aking paglalakbay palibot ng mundo buong araw, tumingin ako sa paligid at hindi Siya nakita. Wala akong nakitang Diyos o mga anghel…hindi ako naniniwala sa Diyos. Naniniwala ako sa tao.”
Ngunit ang Amerikanong astronot na si James A. McDivitt ay sumagot sa kanya. Pagkatapos kong libutin ang mundo ng 62 beses sakay ng Gemini 4, sinabi ni McDivitt, “Hindi ko nakita ang Diyos na sumisilip sa bintana ng aking silid sa kalawakan, gaya ng di ko pagkakita sa Diyos na tumitingin sa aking bintana ng aking sasakyan sa lupa. Ngunit aking nakikilala ang Kanyang gawain sa mga bituin gayon din kapag naglalakad sa mga bulaklak sa hardin. Kung maaring mong makasama ang Diyos sa mundo maari mo ring makasama ang Diyos sa kalawakan.”
Ang dalawang mga kalalakihang ito ay nagpapakita ng dalawang pagkakaiba sa pagitan noong mga naniniwala sa Diyos at noong mga hindi naniniwala sa Kanya. Ang ateyista ay tumitingin para sa isang pisikal na Diyos. Kapag hindi niya ito nakikita, mali niyang ipinapalagay na walang Diyos. Sa kabilang daki, nakikita ng mga Kristiyano ang pinong gawain ng Diyos sa Kanyang likha.
Ipinapakita ng teksto na ang Diyos ay nailalantad sa materyalista, na nangangailangang ang Diyos ay dumating sa kanya sumisigaw at nagtatambol ng isang dram, at sumisilip sa isang bintana. Kalokohan! Wala sa Bibliya na mahahanap natin na ang Diyos ay “nagpapatunay” ng Kanyang pagkabuhaya sa isang ateyista sa paraang iyan. Sinasabi ng ating teksto,
“Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas” (Isaias 45:15).
Pansinin na ang teksto ay hindi lamang tumutukoy sa kahit anong diyos. Hindi ito tumutukoy sa isang huwad na mga diyos ng mga kulto o ibang mga relihiyon. Ang teksto ay tumutukoy sa tunay na Diyos, ang “Dios ng Israel, na Tagapaglitas.” Ito ang tunay na Diyos na nagkukubli ng Kanyang Sarili mula sa makasalanang tao, at inilalantad ang Kanyang Sarili sa nag-iisang Kanyang inililigtas – “Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.” Tapos ating isaalang-alang ng ilang minute ang dalawang panig ng Diyos – ang katunayan na ikinukubli Niya ang Kanyang Sarili mula sa kasalanang mundo, at ang katunayan na inilalantad Niya ang Kanyang Sarili doon sa mga inililigtas Niya.
I. Una, Siya ay isang Diyos na nagkukubli ng Kanyang Sarili.
Sinabi ng propetang Isaias, “ikaw ay Dios na nagkukubli…” Sa katunayan, itinatago Niya ang Kanyang sarili mula sa makasalanang tao. Sa ika-limampu’t siyam na kapitulo, sinabi ng propetang Isaias, “pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo” (Isaias 59:2).
Noong ang ating mga unang mga magulang ay nagkasala sa Hardin ng Eden, sila’y agad-agad na naputol mula sa Diyos. Ikinubli nila ang kanilang mga sarili mula sa Kanya. Tapos sila’y itinaboy palabas ng Hardin, at hindi na naglakad ng malapit kasama ng Diyos. Ang kanilang unang panganak na anak na lalake ay ginawa sa parehong “wangis”at “larawan” gaya ng kanyang makasalanang ama (Genesis 5:3). Simula noong si Cain ay naipanganak sa isang makasalanan siya’y nagrebelde laban sa Diyos katulad sakto ng ginawa ng kanyang ama. Pinatay niya ang kanyang kapatid na lalake at isinumpa siya ng Diyos. Imbes na nagsisi, nagreklamo siya sa Diyos,
“Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako...” (Genesis 4:14).
“Umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod...” (Genesis 4:16).
Ang salitang “Nod” ay nangangahulugang “naglilibot.” Imbes na magsisi si Cain ay lumisan mula sa piling ng Diyos at naging manlilibot, “palaboy at hampas-lupa sa lupa” (Genesis 4:12). Napaka dalas nating nakita iyang nangyayari! Isang kabataan sa simbahan na nagrerebelde, nagkakasala, tumatangging magsisi, at umaalis ng simbahan, lumilisan mula sa “harapan ng Dios,” at nagiging habang buhay na manlilibot, “isang palaboy at hampas-lupa sa lupa!” Napaka lungkot!
Ito’y malinaw sa buong Bibliya na ang kasalanan ay nagsasanhi sa Diyos na ikubli ang Kanyang Sarili mula sa isang rebeldeng tao. Sa Isaias 1:15 sinabi ng Diyos sa may lulang bansa,
“Pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo, oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo” (Isaias 1:15).
Sinabi ng propetang si Micah,
“Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa” (Micah 3:4).
Muli, sinabi ng propeta Isaias,
“Sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan” (Isaias 64:7).
Ginawa ni Reginald Heber (1783-1826) ang katotohanang ito na napaka linaw sa kanyang dakilang himno,
Banal, Banal, Banal! Kahit na kadiliman ay nagkukubli sa Iyo,
Kahit na ang mata ang makasalanang tao Hindi maaring makita,
Ikaw lamang ang banal; wala nang Iba
Ganap sa kapangyarihan, at sa pag-ibig, at kadalisayan,
(“Banal, Banal, Banal.” Isinalin mula sa “Holy, Holy, Holy”
ni Reginald Heber, 1783-1826).
II. Pangalawa, hindi Niya iniwan ang Kanyang sarili na walang saksi.
Iyan ang sinabi ng Apostol Pablo sa nagsasamba ng mga idolo sa Lystra. Sinabi ni Pablo sa kanila na pinayagan ng Diyos ang lahat ng taong “magsilakad sa kanilang mga sariling daan. At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili” (Mga Gawa 14:16-17). Sinabi niya na ang ulan at ang pagkain, at ibang mabubuting mga bagay, ay saksi sa katunayan na ang Diyos ay buhay. Sa unang kapitulo ng Mga Taga Roma, sinabi ng Apostol,
“Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan” (Mga Taga Roma 1:20).
Sinabi ng Apostol Pablo na ang nilikhang mundo, at ang mga nilikhang mga halaman, bulaklak, mga hayop at iba pa, ay nagapakita na mayroong isang Tagapagligtas na gumawa sa kanila sa unang-una. Iyan ang ibig sabihin ng Amerikanong astronot na si McDivitt noong sinabi niyang, “Hindi ko nakita ang Diyos na sumisilip sa bintana ng aking silid sa kalawakan, gaya ng di ko pagkakita sa Diyos na tumitingin sa aking bintana ng aking sasakyan sa lupa. Ngunit aking nakikilala ang Kanyang gawain sa mga bituin gayon din kapag naglalakad sa mga bulaklak sa hardin.” Sinabi ni Haring David,
“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay” (Mga Awit 19:1).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “ ‘Ang luwalhati ng Diyos,’ pinalawak ng mga kalangitan, ay hindi lamang katapusang kapangyarihan, pagkakaiba-iba, kahugnayan ng mga bituin, kundi ang Panginoong Hesu-Kristo rin, ang ‘sinag ng kaniyang kaluwalhatian’ (Mga Taga Hebreo 1:3)” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tagapagtanggol ng Pag-aaral na Bibliya [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995; sulat sa Mga Awit 19:1).
Kapag ang isa ay tumitingin sa mga bituin, ang mga puno, ang hugnayan ng mga bulaklak, at ibang mga bagay sa kalikasan, dapat makita ng isa ang kamay ng Diyos ang Manlilikha sa likod nito. Tinatawag itong “natural na paglanlantad” ng mga teyolohiyano.
Noong ako’y isang maliit na bata, bago pa man ako nagpunta sa simbahan, madalas kong nararamdaman ang katotohanan ng Diyos sa likurang bakuran ng aking lola. Nagtago ako sa sa bulaklak ng nastursiyum at pinanood ang mga bubuyog, at aking nararamdaman ang piling ng Diyos doon sa mga tahimik na mga panahong iyon.
Maya-maya, sa labas sa disyerto ng Arizona, ang kidlat at kulog ay napaka makapangyarihan na ang aming maliit na bahay ay nailawan sa kadiliman, at nakalog ito sa kanyang pundasyon. Dito rin, aking naramdaman ang kapangyarihan ng piling ng Diyos. Sa pamamagitan ng natural na paglalantad, alam ko na mayroong Diyos, bago ko pa narinig ang Bibliya o narinig ang isang sermon!
Natandaan kong nakahuhuli ng isang humuhuning ibon. Ako’y mga 8 taong gulang. Hinawakan ko ang humuhuning ibon sa aking kamay. Biglang ito’y nakatakas at lumipad tulad ng isang pana patungo sa himpapawid. Malinaw kong naaalala na naisip na walang tao ang maaring makagawa ng laruan na ganoon kaliit, at gayon ay kahugnay. Natandaan kong naiisip na ang Diyos lamang ang makagagawa ng ganoong kaliit gayon man ay hugnay na bagay tulad ng isang humuhuning ibon!
Isa pang natural na “saksi” sa pagkabuhay ng Diyos ay ang konsensiya ng tao. Nagsalita ang Apostol Pablo patungkol sa konsensiya na isang saksi. Sinabi niya,
“Ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili: Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa” (Mga Taga Roma 2:14-15).
Si Dr. Timothy Lin ay ang aking pastor ng halos dalawampu’t tatlong taon sa Tsinong Bautistang Simbahan. Sinabi ni Dr. Lin, “Ang konsensiya ay likas, ipinunla ng hininga ng Diyos na nagbigay sa tao ng kanyang tulad-ng Diyos na personalidad…ang Mga Taga Roma 2:14-15 ay nagdedeklara [na ang konsensya] ay parehong likas at pangkalahatan.” Sinabi niya na, “Pagkatapos na magkasala ni Adam at Eba, ang konsensya ay nagbigay sa kanila ng pakiramdam ng pagkakasala kaya ‘nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios,’ Genesis 3:8.” Ang konsensiya ng ay isang likas na kagawaran na nagsasabi sa tao ng pagkakaiba ng tama at mali. Sinabi ni Dr. C. Thiessen, “Ang presensiya ng sa isang tao ng pakiramdam na ito ng tama at mali…Kaya ang konsensiya sa tao ay naglalantad ng parehong pagkabuhay ng Diyos, at sa ilang hangganna ang kalikasan ng Diyos. Iyan ay, inilalantad nito sa atin na hindi lamang na Siya ay [na Siya ay nabubuhay], kundi na Siya’y matalas na nagbubukod na pagitan ng tama at mali…Ipinahihiwatig rin nito na ang bawat paglabag ay paparusahan” (Isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., Pagpapakilalang Panayam sa Sistematikong Teyohiya [Introductory Lectures in Systematic Theology], Eerdmans Publishing Company, 1971 edisiyon, p. 35). Tinatawag itong, “Ang Paglalantad ng Diyos sa Konsensiya.” “Sa basihan ng konsensya, ang pilosopong si [Immanuel] Kant ay naniwala sa Diyos, kalayaan, at imortalidad” (Isinalin mula kay Thiessen, ibid., p. 34). Kapag ang isang naipanganak na Kristiyano ay sadyang nagkakamit ng kasalanan, ginugulo siya nito, at ang Diyos ay mukhang malayo, dahil siya’y sadyang nagkakasala at nawawala niya ang pakiramdam ng presensya ng Diyos.
Kaya, hindi iniwan ng Diyos ang Kanyang Sarili na walang saksi. Ang mga taong hindi Kristiyano ay nakikita ang gawain ng kalikasan. Kanilang nararamdan na hinuhusgahan ng Diyos ang kasalanan sa kanilang konsensya. Ngunit ang mga natural na patunay ng pagkabuhay ng Diyos ay lumalabo sa mga di napagbagong loob na mga tao sa pamamagitan ng kasalanan. Kung sila’y naturuang tanggihan ang katotohanan ng Diyos sa kanilang mga tahanan at mga paaralan, sila’y magiging lumalalang mas kaunti ang abilidad na makita ang kamay ng Diyos sa kalikasan at sa kanilang sariling mga konsensya. Maari silang maging napaka walang pakiramdam sa Diyos na sinasabi nila kasama ng komunistang astronot, “Tumingin ako sa aking paligid at hindi Siya nakita. Wala akong nakitang Diyos. Hindi ako naniniwal sa Diyos. Naniniwala ako sa tao.”
Kapag ang tao ay nawawalang pakiramdam sa saksi ng Diyos sa kalikasan at sa kanyang sariling konsensya, siya gayon ay ang tinatawag ng Bibliyang “isang hangal.” Gayon, sinasabi ng Bibliya sa atin,
“Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa...” (Mga Awit 14:1).
Mas higit na isang tao ay magkasala mas higit na nagiging sira ang kanyang konsensya, at kanyang espiritwal na pagkakaintindi ay dumidilim. Gayon, sinasabi ng Bibliya na ang tao, sa kanyang natural na kalagayan, ay “patay sa mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Ikinukubli ng Diyos ang Kanyang Sarili doon sa mga patay sa kasalanan.
“Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas” (Isaias 45:15).
III. Pangatlo, inilalantad ng Niya ang Kanyang Sarili sa Bibliya.
Sinasabi ng ating teksto na ang nakakubling Diyos ay “ang Tagapagligtas.” Ibig sabihin niyan na ang Diyos dapat ang maglantad ng Kanyang sarili sa makasalanang tao. At na iyan mismo ang ginawa Niya upang iligtas yoong Kanyang mga napili.
Inilalantad ng Diyos ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Nagsalita ang Apostol Pablo patungkol sa “ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15). Ang Bibliya ay ang paglalantad ng Diyos sa Kanyang Sarili sa makasalanang tao. Sinabi ng Apostol Pedro na ang Bibliya ay isang “isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim” (II Ni Pedro 1:19). Iyan ang dahilan na palagi kaming nangangaral sa iyo mula sa Bibliya. Sa pamamagitan ng Bibliya na ang mga nawawalang mga tao ay nahahanap ang kaligtasan mula sa Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Hesu-Kristo. Sinabi ni Apostol Pablo,
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Mga Taga Roma 10:17).
Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Itinuturo tayo ng Bibliya kay Hesus para sa kaligtasan.
Noong ako’y maliit na bata, naramdaman ko na mayroong isang Diyos noong nakakita ako ng isang humuhuning ibon, at ang maselang bulaklak sa bakuran ng aking lola. Tapos, palabas sa disyerto sa Arizona, naramdaman ko ang kapangyarihan at kamahalan ng Diyos kapag nakakikita ako ng matitinding kidlat, at naramdaman ang aming bahay na umuga sa bagyong kumukulog. Akin ring naramdaman ang katotohanan ng Diyos bilang isang manghahatol sa aking konsensya kapag ako’y nagkakasala. Ngunit hindi ko alam ang Kanyang pangalan. Hindi ko Siya kilala bilang “Diyos ng Israel, ang Tagapagligtas.”
Sinubukan kong hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuti. Sinubukan kong hanapin Siya sa pamamagitan ng pagiging relihiyoso. Nagpasiya pa nga akong maging isang ministor sa aking mga pagsubok na mahanap ang kapayapaan sa Diyos. Ako’y halos tulad ni Martin Luther (1483-1546), ang dakilang Taga-Reporma, na ang kanyang pagbabagong loob ay makikita natin sa isang klasikal na pelikula ngayong gabi ng 6:30. Ngunit ako’y nawawala pa rin. Ano mang “buti” at karelihiyoso ako naging ako pa rin ay isang nawawalang makasalanan.
Hindi ito hanggang sa narinig ko ang isang makapangyarihang sermon mula sa Bibliya na ako’y tumingin kay Hesus, at naligtas. Lahat ng aking relihiyon at kabutihang gawa ay hindi nagdalsa sa akin na mas malapit sa Diyos. Nagpasiya pa aking maging misyonaryo , at sinapian ang isang Tsinong Bautistang simbahan upang ihanda ako para sa kaparangan ng misyon. Ngunit walang kabutihan ang nagawa nito. Ito’y hindi hanaggang sa narinig ko si Dr. Charles J. Woodbridge na nangaral ng Ebanghelyo na ako’y naligtas. Tapos, sa ilang sandali ng panahon, si Hesus ay dumating sa akin – at ako’y niligtas Niya. Hindi ko maligtas ang aking sarili. Hindi ako makahanap ng kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng aking relihiyon, mga dedikasyon, o mga panalangin. Ako’y nawawala hanggang sa umagang iyon, ng ika-28 ng Setyembre taon 1961, noong dinala ako ni Hesus sa Kanyang Sarili, at nahugasan ang lahat ng aking mga kasalanang malinis gamit ng Kanyang Banal na Dugo! Tapos, sa sandaling iyon, alam ko ang ibig sabihin ng Apostol Pablo noong sinabi niyang,
“Mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).
Sa sandaling iyon, alam kong tiyak na si Hesus ay namatay para sa aking lugar, upang pagbayaran ang aking mga kasalanan, pati akin. Tapos sa sandaling iyon, nakita ko ang muling nabuhay na Kristo sa pamamagitan ng pananamapalataya. Tapos ang Diyos na ikinubli ang Kanyang sarili mula sa akin ay naging “ang Tagapagligtas” ng aking kaluluwa, at ang Panginoong ng aking buhay! Panalangin namin na magkaroon ka ng pagkakatagpo kasama ng nabubuhay na Kristo, dahil Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan at di paniniwala, mula sa paghahatol at mula sa Impiyerno! Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 19:1-11.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Dakila Mo.” Isinalin mula sa “How Great Thou Art”
(ni Carl G. Boberg, 1859-1940; isinalin ni Stuart K. Hine, 1899-1989).
ANG BALANGKAS NG ANG DIYOS NA NAGKUKUBLI AT NAGLALANTAD NG SARILI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas” (Isaias 45:15). I. Una, Siya ay isang Diyos na nagkukubli ng Kanyang Sarili, II. Pangalawa, hindi Niya iniwan ang Kanyang sarili na walang saksi, III. Pangatlo, inilalantad ng Niya ang Kanyang Sarili sa Bibliya, |