Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MAARI MONG MAHANAP ANG DIYOS!
HINDI SIYA PINATAY NG MGA KOMUNISTA!

YOU CAN FIND GOD!
THE COMMUNISTS HAVE NOT KILLED HIM!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-21 ng Oktubre taon 2012

“At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo. At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:12-13).


Ang mga ito ang mga salita ng na sinabi ng Diyos sa Kanyang mga tao sa pamamagitan ng propetang si Jeremias. Halos parehong bagay ang sinabi ni Moises,

“Ngunit…iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa” (Deuteronomio 4:29).

Sinabi rin ni David, “kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo” (I Mga Cronica 28:9).

Lahat ng tatlo ng mga talatang ito ay nagpapakita na kailangan mong magbigay puwersa upang mahanap ang Diyos. Iyan ang kondisyon na ang pangako ay nagawa. Ipinapangako ng Diyos na ilalantad Niya ang Kanyang Sarili sa iyo – ngunit sa kondisyon na Siya’y iyong hanapin “ng buo mong puso.” Sa Bagong Tipan nahahanap natin ang parehong kaisipan. Sinabi ni Hesus, “ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit” (Lucas 16:16). Sinabi ni Hesu-Kristo sa atin na kailangan mong puwersahin ang iyong daan papunta sa kaharian ng Diyos. “Idiin rito” sa orihinal na Griyego ay napaka lakas – “puwersahin ang iyong daan papunta” sa presensiya ng Diyos. Ginawa rin ito ni Kristong malinaw noong sinabi Niya, “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot” (Lucas 13:24). Ang Griyegong salitang isinalin na “magpilit” ay nangangahulugang “makipaglaban” o “magpunyagi.” Ang Griyegong salita ay “agonizomai.” Nakuha natin ang Ingles na salitang “matinding paghihirap” [“agony”] mula rito. Kaya sinabi ni Hesus dapat mong ipilit ang iyong sarili papasok, makipaglaban at magpunyagi papasok, upang mahanap ang Diyos at Kanyang Anak. Sinasabi ng Diyos,

“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Iyan ang dahilan na napakakaunting mga Amerikano at mga TagaEuropa ang talagang kilala ang Diyos. Hindi sila handang hanapin Siya “ng [kanilang] buong puso.” Hindi sila handang puwersahin ang kanilang daan papasok, at makipaglaban upang mahanap ang Diyos at si Kristo. Kaya, para sa dahilang ito, ang malaking karamihan ng mga Amerikano at mga Taga Europa ay mayroon lamang isang napaka malabo, at di malinaw na ideya patungkol sa Diyos – ngunit hindi nila Siya kilala. May alam silang kaunting mga katunayan tungkol sa Kanya, ngunit hindi nila Siya kilalang personal.

At maraming iba rito sa Kanlurang mundo ay hindi pa nga naniniwala sa pakabuhay ng Diyos. Napaka kaunting mga Amerikano at mga Taga Europa ay mayroong napakahalaga, at dinamikang kaalaman ng Diyos. Ang kanilang diyos ay isa lamang teyorya – at hindi pa nga isang napaka halagang teyorya sa karamihan sa kanila. At isang malaking bilang sa kanila ay hindi pa nga naniniwala sa Diyos ayon sa teyorya. Sa nakaraang apat na pung taon, simula noong rebelyon ng mga Hipi noong mga taon 1960, higit higit pang mga Amerikano ngayon ay nagsasabi ng hindi sila naniniwala sa Diyos ng anuman. Masyado lang silang espiritwal na tamad upang hanapin Siya.

Ayaw nilang magbigay puwersa upang “sisiyasatin [Siya] ng [kanilang] buong puso.” Ayaw nilang pagdaanan ang kahirapan ng pagpupuwersa ng daan nila papasok. Ayaw nilang ibuhos ang lakas na kinakailangan upang makipaglaban at “magpilit makapasok” kung nasaan ang Diyos, at kung nasaan si Kristo. Masyadong maraming gulo para sa doon sa mga espiritwal na tamad na mga Amerikano at mga Taga Europa. Mas gugustuhin pa nilang manood ng isang madugong pelikula, manigarilyo ng mariwana, o maglaro ng videyo games oras oras, kaysa “hanapin ang Panginoon,” o “hanapin [Siya] ng [kanilang] buong puso.”

Isang ipinanganak na Amerikanong Tsinong batang babae ang nagsabi, “Masyado itong pagkakaatupagan.” Isang ipinanganank na Amerikanong Tsinong batang lalake ang nagsabing, “Kinakailangan ng masyadong marami pagkakayod,” kaya nilisan niya ang simbahan at bumalik sa paglalaro ng videyo games. Malungkot na makita na sila’y naging tamad sa espiritwal gaya ng mga Amerikanong kabataan sa kanilang mga paaralan.

Alam ko na ilang mga Narepormang mga Kristiyano ay maaring isipin na mali akong ipilit na kinakailangan ng puwersa upang mahanap ang Diyos. Ngunit kung kikilatisin nila ako para sa pagsasbi niyan, maari nilang nalimutan ang Mga Taga Filipo 2:12-13, na nagsasbing,

“Lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban” (Mga Taga Filipo 2:12-13).

Kaya kung ika’y tunay na interesado sa pagkayod kinakailangan upang mahanap ang kaligtasan sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo, ibig nitong sabihin na ang Diyos Mismo ang nagudyok sa iyo upang gawin ito. “Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo,” upang macaroon ng lakas upang “sisiyasatin [Siya] ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13). Gaya ng paglagay nito ni Albert Midlane (1825-1909) sa isa sa kanyang mga himno,

Ipanumbalik ang Iyong gawain, O Panginoon!
   Lumikha ng pagkauhaw ng kaluluwa para sa Iyo;
Ngunit pagkagutom para sa tinapay ng Buhay,
   O, naway ang aming mga espiritu’y maging!
(“Ipanumblaik ang Iyong Gawain.” Isinalin mula sa
   “Revive Thy Work” ni Albert Midlane).

Yoon lamang mga pinili ng Diyos ang makahahanap na Siya’y lumikha ng “pagkauhaw ng kaluluwa” para sa Kanya. Kung hindi iyan gagawin ng Diyos sa iyo, ika’y mananatiling tulad ng libo-libong mga tamad na mga Amerikanong kabataan, na sinasabihan ng Bibliyang,

“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios”
       (Mga Taga Roma 3:11).

Kung mayroon kang paghangad, isang “pagkauhaw ng kaluluwa,” upang mahanap ang Diyos, ito’y dahil ang Diyos Mismo ang naglagay ng hangad na ito sa iyo. Kung hindi Niya ito gagawin ika’y mabubuhay at mamamatay na wala ang Diyos, gaya ng sinasabi ng Bibliya, “na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan” (Mga Taga Efeso 2:12).

Isang teribleng bagay iyan – “Na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan”! Ito’y sa katunayan isang teribleng bagay upang mabuhay at mamatay na walang pag-asa. At na walang Diyos, anong pag-asa ang naroon? Na walang Diyos, paanong magkakaroon ng kahit anong pag-asa? Na walang Diyos ang isang tao ay bubuhayin ang kanyang buong buhay naghihintay lamang mamatay – na walang pag-asa na anuman – dahil ang kawawang kaluluwang iyon ay iniisip na walang kahit ano pagkatapos ng kamatayan. Ang buhay ng isang mahirap na ateyista ay tulad ng sa isang tao sa bilangguan, nasa hilera ng kamatayan, naghihintay upang mabitay. Gayon, ang buhay ng isang ateyista ay walang mas higit na pag-asa kaysa noon sa isang kinondenang criminal, naghihintay para sa mga kawal upang dumating at kunin siya papalayo sa silid ng gas!

Ang Komunistang kilusan mula sa simula ay biyolenteng hinadlangan ang Kristiyanismo. Sinabi ni Karl Marx, “Relihiyon ang apyan ng mga tao.” Pumatay si Josef Stalin ng 20 milyong mga tao, at naglagay ng libo-libong mga Kristiyano sa bilangguan. Pumatay si Mao Tse Tung ng higit pa. Anim na pung milyong mga Tsino ay kinatay ni Mao, at libo-libo sa kanila ay piñata o nabilanggo niya dahil sila’y simpleng mga Kristiyano. Ang mga ito ay kilalang mga katunayan rito sa Kanluran. Ngunit sa mga pinalalakad ng gobyernong mga paaralan sa Komunistang Tsina ang mga kabataan ay sinasabihan na si Mao ay isang dakilang tao na ginawa ang Tsina isang makapangyarihan sa mundo. Paano natin malalaman kung ang Tsina ay naging isang mas dakilang bansa kung isang Kristiyano tulad ni Chiang Kai-Shek ay naging isang pinuno? Maraming mga Tsinong Kristiyano ay inilagay sa bilangguan ng halos 20 taon o higit dahil kay Mao, simple dahil naniwala sila sa ating Diyos at Kanyang Kristo.

Kilala ko ang isang Tsinong pastor na ang dati niyang kakuwarto ay gumugol ng 10 taon sa bilangguan sa Tsina dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo sa isang bahay simbahan malapita sa Beijing. Gayon Kristiyanismo ay sumulpot sa Tsina sa loob ng huling 20 taon. Hinuhulaan na mayroon na ngayong 120 milyong mga Kristiyano sa Tsina, at ang karamihan sa kanila ay mga miyembro ng sekretong mga bahay simbahan. Mga halos 700 na mga tao kada oras, gabi at arw, ay nagiging mga Kristiyano sa Tsina ngayon. Kakabasa ko lang ng isang ulat na ang Komunistang gobyerno ay muli na namang sasalakayin ang bahay simbahang kilusan, dahil napakaraming mga Tsino ay nagiging mga Kristiyano na pinag-aalala nito ang mga awtoridad. Tinawag ng mga Komunista ang ebanghelikal na Kristiyanong mga miyembro ng isang “masamang kulto.” Nakalulungkot! Napaka bulag nila!

Alam ko na ang mga paaralan at mga kolehiyo sa Tsina ay nagtuturo na walang Diyos. Ngunit hindi talaga mas iba rito. Lahat ng ating mga kabataan ay nagpupunta sa mga kolehiyo kung saan sila’y tinuturaang tanggihan ang Diyos at ang Bibliya. Hindi nito pinipigilan ang aming mga kabataan mula sa pagiging mga Kristiyano! Alam nila na ang kanilang mga guro ay espiritwal na bulag. Milyon-milyong mga kabataan sa Tsina ay tinatanggihan rin ang mga huwad na pangangaral laban sa Diyos sa kanilang mga paaralan.

Si David Aikman isang mamamahayag na gumugol ng dalawampung taon bilang isang banyagang manunulat para sa Time Magasin sa Beijing, at Timog-silangang Asia. Nais ko na bawat Tsinong kabataan ay mabasa ang kanyang aklat, Si Hesus sa Beijing [Jesus in Beijing] (Regnery Publishing, Inc., 2003). Sa pagsasarang mga pahina ng kanyang aklat, sinabi ni Gg. Aikman na mayroon na ngayong napakaraming mga Protestanteng Kristiyano sa Tsina ito ang isa sa pinaka malaking grupo ng mga Kristiyano sa buong mundo. Iminumungkahi niya na ang dalawampu’t isang siglong ay magiging siglo ng Tsina, at na ang sentro ng Kristiyanismo ay lilipat sa Kanlurang Tsina. Ang pagsabog na ito ng Kristiyanismo sa Tsina ay nangyari kahit na ang Komunistang gobyerno ay oras-oras pinahihirapan at ibinibilanggo ang libo-libong mga nananampalatayang mga Kristiyano doon.

Bakit na ang kahit sino ay makikipagsapalarang maging nasa panganib, at marahin mabilanggo, dahil sa pagiging isang tagasunod ni Kristo? Si Rev. Richard Wurmbrand ay isang Lutherang pastor na gumugol ng maraming taon sa isang Komunistang bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo sa Romania. Sumulat siya ng isang salaysay patungkol sa anong nangyari sa kanya sa bilangguhan, at sa pagkakabilanggong nag-iisa, sa kanyang aklat Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], na ngayon ay isinasalin na sa 65 na mga wika. Malapit sa katapusan ng aklat na ito ibinigay ni Pastor Wurmbrand ang kalugod-lugod na tunay na kwentong ito.

      Isang Russong kapitan ng Hukbo ay nagpunta upang makita ang minister sa Hungariya at hiniling na makita siyang mag-isa. Ang batang kapitan ay mapusok at lubos na nagkakamalay sa kanyang tungkulin bilang isang kongkeror. Noong siya’y dinala sa isang maliit na silid ng pagpupulong at ang pintuan ay naisara, tumungo siya tungo sa krus na nakabitin sa isang pader. “       Alam mo na bagay na iyan ay isang kasinungalingan,” sinabi niya sa ministor. “Isa lamang itong isang piraso ng pandaraya na ginagamit ninyong mga minister upang linlangin ang mga kawawang mga tao upang gawin itong mas madali para sa mga mayayaman na panatilihin silang ignorante. Sige na, tayo ay nag-iisa. Aminin mo sa akin na hindi ka talaga kailan man naniwala na si Hesu-Kristo ay ang Anak ng Diyos!”        Ang ministor ay ngumiti, “Ngunit aking kawawalgn binata, siyempre pinaniniwalaan ko ito. Ito’y totoo.”         “Hindi ako papaya na dayain mo ako!” sigaw ng kapitan. “Ito’y seryoso. Huwag mo akong tawanan!”        Kinuha niya ang kanyang baril at inilagay ito malapit sa katawan ng ministor.         “Maliban na ika’y umamin sa kin na ito’y isang kasinungalingan, ipuputok ko ito!”         “Hindi ko iyan maaamin, dahil hindi iyan totoo. Ang ating Panginoon ay tunay na totoong ang Anak ng Diyos,” ang sabi ng ministor.        Itinapon ng kapitan ang kanyang baril sa sahig at yinakap ang tao ng Diyos. Mga luha ay lumitaw sa kanyang mga mata.         “Totoo ito!” sigaw niya, “Totoo ito! Pinaniniwalaan ko ito, rin, ngunit hindi ako makasigurado na mga tao ay mamatay para sa paniniwalang ito hangang sa natagpuan ko rin ito sa sarili ko. O salamat sa iyo! Pinalakas mo ang aking pananampalataya. Ngayon kaya ko na ring mamatay para kay Kristo. Ipinakita mo sa akin kung paano.”

Tapos sinabi ni Pastor Wurmbrand, “Ating mapananalunan ang mga Komunista. Una, dahil ang Diyos ay nasa ating panig. Pangalawa, dahil ang ating mensahe ay tumutugon sa pinaka malalim na pangangailangan ng puso” (isinalin mula kay Richard Wurmbrand, Th.D., Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ], The Voice of the Martyrs, 1998 edition, pp. 113, 114).

Oo, ang puso ng tao ay sumisigaw para sa kapatawaran at pag-asa. Hindi matutugunan ng Ateyismo ang mga pangangailangan na ito. Ang Diyos lamang ang makabibigay sa atin ng kapatawaran at pag-asa! Iyan ang dahilan na ipinadala ng Diyos ang Kanyang nag-iisang Anak upang mamatay sa Krus sa ating lugar, upang magbayad para sa ating mga kasalanan, upang tayo’y mapatawad. Iyan ang dahilan na ibinangon ng Diyos si Hesus ng pisikal mula sa pagkamatay, upang bigyan tayo ng pag-asa, pati pag-asa ng walang hanggang buhay.

Si Lenin ay patay na. Nakakita ako ng isang larawan ng kanyang iembalsamong patay na katawan, ipinapakita sa Moscow. Si Mao Tse Tung ay patay na. Nakakita ako ng isang larawan ng kanyang iembalsamong patay na katawan, na ipinakita sa isang Mausoleum sa Tienanmen Square. Ngunit ang Diyos ay hindi patay. Siya ay buhay at malugod na nasa puso ng milyong-milyong mga Kristiyano sa buong mundo! Si Kristo ay hindi patay. Siya ay buhay at malugod, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, sa ibang dimensiyon, kung saan Siya ay nananalangin para sa iyo ngayon!

Ngayon sa Cuba, Vietnam, at sa Republika ng mga Tao ng Tsina, mayroong milyon-milyong mga Kristiyano na pinaglilingkuran ang Diyos sa mga sekretong simbahan. At tiyak akong mayroong pa ring mga sekretong Kristiyano sa Hilagang Korea rin, kahit na mga Hilagang Koreanong Kristiyano ay inuusig ng mga Komunista ng mas higit kaysa ibang mga tao sa mundo. Ang Komunistang ateyismo ay hindi kailanman nakasira ng kanilang pananampalataya sa Diyos, at sa Kanyang Anak na si Hesus. Mayroon kaming mga ulat na kahit mga Komunistang mga opisyales ay nagiging mga “sekretong” Kristiyano sa Tsina! Ang Ebanghelyo ni Kristo ay natutugunan ang malalim na mga pangangailangan ng puso ng tao. Walang naiaalay ang Ateyistikong Komunistang ganoong uri ng pag-asa at kapatawaran. Walang kapangyarihan sa lupa na makapipigil sa Ebanghelyo ni Kristo! Natatagos nito pati mga Muslim na mga lupain ngayon. Mayroon ako sa aking silid aralan isang aklat na tinawag na Milagrosong mga Kilusan [Miraculous Movements] ni Jerry Trousdale (Thomas Nelson Publishers, 2012). Sa harapan ng aklat na iyon ay ang mga salitang iyo, “Daan-daan at libo-libong mga Muslim ay napaiibig kay Hesus.” Papuri sa Kanyang banal na ngalan!

Sinabi ni Pastor Wurmbrand, “Isa mula sa bawat limang mga tao sa mundo ay nabubuhay sa Komunistang Tsina, kung saan libo-libong…mga Kristiyano ay nag-eebanghelismo na walang ‘permisyon.’ Ang pag-uusig ay palaging nagbubunga ng mas mainam na Kristiyano – isang sumasaksing Kristiyano, isang nagtatagumpay ng kaluluwang Kristiyano. Ang Komunistang pag-uusig ay nagbumerang at nagbunga ng mga seryosong dedikadong Kristiyano mga ganoong uri ay bihirang makita sa mga lupain ng malaya. Hindi maintindihan ng mga taong ito kung paano na ang kahit sino ay nagiging isang Kristiyano at hindi gusto mapanalunan ang bawat kaluluwa na kanilang masalubong” (Isinalin mula kay Wurmbrand, ibid., pp. 116, 117).

Oo! Amen! At ito’y panalangin namin na ikaw rin, ay magpupunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya, at mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Nananalangin kami na malapit na ka nang maging isang tunay na Kristiyano. Tandaan na sinabi ng Diyos, “Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13). At tiyaking bumalik sa simbahan sa sunod na Linggo! Bakit hindi bumalik at maghapunan kasama namin ngayong gabi ng 6:30 rin? Pagpalain ka ng Diyos! Amen. Magsitayo at lumipat sa bilang pito sa inyong papel. Dr. Chan halika at pangunahan kami sa panalingin bago kami kumanta (panalangin). Ngayon kantahin ito!

Pananampalatay ng aming mga ama! nabubuhay pa rin
   Sa kabila ng piitan, apoy at espada:
O paano na an gaming mga puso ay tumatambol na may ligaya
   Kapag aming naririnig ang maluwalhating salita!
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
   Kami’y magiging tapat sa iyo hanggang sa kamatayan!

Ang aming mga amang, nakagapos sa madilim na bilangguhan,
   Ay nasa kanilang puso pa rin at malaya ang konsensya:
Napakatamis ang palad ng kanilang mga anak,
   Kung sila, tulad nila, ay maaring mamatay para sa iyo!
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
   Kami’y magiging tapat sa iyo hanggang sa kamatayan!

Pananampalatya ng aming mga ama! kami’y magpupunyagi
   Upang mapanalunana ang lahat ng gma bansa sa iyo,
At sa pamamagitan ng katotohanan na nanggagaling mula sa Diyos
   Ang sangkatauhan gayon din ay magiging tunay na malaya.
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
Kami’y magiging tapat sa iyo hanggang sa kamatayan!

Pananampalatya ng aming mga ama! aming iibigin
   Parehong mga kaibigan at mga kaaway sa lahat ng aming kaguluhan:
At ipangangaral ka, rin, gaya ng alam kung paano ng pag-ibig,
   Sa pamamagitan ng mabubuting salita at banal na buhay:
Pananampalataya ng aming mga ama, banal na pananampalataya!
   Kami’y magiging tapat sa iyo hanggang sa kamatayan!
(“Pananampalataya ng Aming mga Ama.” Isinalin mula sa
      “Faith of Our Fathers” ni Frederick W. Faber, 1814-1863).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Panalangin Bago ng Pangaral ni Gg. Kyu Dong Lee: Jeremias 29:11-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Gaano Kalaki Ang Diyos.” Isinalin mula sa
“How Big Is God” (ni Stuart Hamblen, 1908-1989).